السلام عليكم ورحمة الله و بركاته
Sinabi ng Sugo ng Allaah صلى الله عليه وسلم:
" ِAng sinumang magpakain ng isang nag-aayuno (para sa kanyang Iftar), ay magkakaroon siya ng gantimpala tulad ng gantimpla ng taong yaon, na hindi naman nababawasan ang gantimpla ng taong iyon na nag-aayuno"[Isinalaysay ni At-Tirmizi]
Sinabi ni Shiekh Ibn Uthaymeen:
" Ang kahulugan nito ay ang sinumang nagpakain sa kanya ( ng kahit) pinakamaliit na kinakain ng nag-aayuno para sa Iftar kahit na ito ay isang date ( Tam'r) ay makakamit niya ang katulad ng kanyang gantimpala."
Dahil dito; nararapat sa isang tao na maghandog ng pagkain (pang iftar) para sa mga nag-aayuno sa abot ng kanyang makakaya; lalung-lalo na sa panahon ng pangangailangan ng mga nag-aayuno at kanilang paghihirap o ng kanilang pangangailangan sa sinumang maghahanda ng pagkain ( iftar) para sa kanila, at anumang katulad nito.
Riyadus Saliheen vol. 3- page. 472
Riyadus Saliheen vol. 3- page. 472