Thursday, October 3, 2013

من أسباب مغفرة الذنوب -Ilan sa mga Sanhi (Dahilan) ng Pagpapatawad sa mga Kasalanan

السلام عليكم ورحمة الله وبركاته

Kapatid, narito para sa'yo ang ilan sa mga gawaing nagiging sanhi upang patawarin ng Allaah (سبحانه و تعالى) ang ating mga nakaraang kasalanan at pagkakamali, upang hindi ka mawalan ng pag-asa mula sa habag ng Allaah (سبحانه و تعالى) at ikaw ay magmadali tungo sa kanyang Kapatawaran. Sinabi ng Allaah (سبحانه و تعالى):
{قال تعالى:( وسارعوا الى مغفرة من ربكم وجنة عرضها السماوات والأرض أعدت للمتقيت}
 [ سورة آل عمران: 133]. 
"At Kayoy maging maagap sa pag-uunahan (magmadali) tungo sa kapatawaran ng Allah, at sa Paraiso na kasinglawak ng kalangitan at ng kalupaan na inihanda para sa mga matatakutin,matutuwid, mabubuti na mananampalataya."
Kabilang dito ang mga sumusunod:

1- الإسلام: قال تعالى:
{قل للذين كفروا إن ينتهوا يغفر لهم ما قد سلف وإن يعودوا فقد مضت سنة الأولين}
[ سورة الأنفال:37 ]

Ang Pagpasok sa Islam (Pagiging Muslim).Sinabi ng Allaah (سبحانه و تعالى): 
"Sabihin mo ( O Muhammad)sa mga hindi nananampalataya na kung silay titigil(sa kawalan ng pananalig at pang-aaway sa mga nananampalataya), ang kanilang nakaraan ( na mga kasalanan)ay ipatatawad. Datapuwat kung silay magbalik (sa kawalan ng pananalig) kung gayon, ang halimbawa ng mga mapaghimagsik at naparusahan na mga unang tao ay nangyari na nga"

قال- صلى الله عليه وسلم- : (أما علمت أن الإسلام يهدم ما كان قبله). صحيح مسلم.

Sinabi ng Propeta (صلى الله عليه وسلم):
 "Hindi mo ba Alam na katotohanan ang islam ay pinapawi (pinapatawad, Sinisira) ang Nakaraan؟". 
[Sahih Muslim]

2- :الهجرة في سبيل الله: هي الإنتقال من دار الكفر الى دار الإسلام, قال تعالى
 {ثم إن ربك للذين هاجروا من بعد ما فتنوا ثم جاهدوا وصبروا إن ربك من بعدها لغفور رحيم}
 [ سورة النحل:110 ]

Ang Paglikas tungo sa Landas ng Allaah: Siya na Lumlikas mula sa lugar ng mga hindi mananampalataya tungo sa Lugar ng Islam, Sinabi ng Allaah (سبحانه و تعالى)
"At Katotohanan! Ang iyong Panginoon para sa kanilang nagsilikas matapos na silay malagay sa pagsubok at pagkaraan (sila) ay nakipaglaban sa kapakanan ng Allah at silay nagtiis, Katotohanan ang iyong Panginoon, matapos ito ay lagi ng Nagpapatawad(sa kanila), ang pinakamaawain."

3- الحج المبرور عن أبي هريرة- رضي الله عنه- قال: سمعت النبي- صلى الله عليه وسلم- يقول: (من حج لله فلم يرفث ولم يفسق رجع كيوم ولدته أمه)- صحيح البخاري. 

Ang Pag-hajj (sa makkah) na katanggap-tanggap: naiulat ni Abi hurayrah ( Kinalugdan siya ng Allah) kanyang sinabi: narinig ko ang Propeta (صلى الله عليه وسلم) na kanyang sinasabi:

 "Ang sinumang magsagawa ng Hajj para sa Allah at hindi gumawa ng anumang malaswang bagay at hindi sumuway (sa ipinag-uutos), para siyang nanumbalik sa araw na isinilang siya ng kanyang ina."
[Sahih Bukhari]

4- الذكر عند سماع الأذان: قال رسول الله- صلى الله عليه وسلم- (من قال حين يسمع المؤذن: أشهد أن لا اله الا الله وحده لا شريك له وأن محمدا عبده ورسوله, رضيت بالله ربا وبمحمد رسولا وبالإسلام دينا غفر له ذنبه). صحيح مسلم.


Ang Dhikr (Pag-alaala sa Allaah) tuwing naririnig ang Adhan: Sinabi ng Sugo ng Allaah (صلى الله عليه وسلم) : 
"Sinuman ang magsabi tuwing naririnig ang Nag-aadhan: Ash-hadu An La Ilaha Illallah Wahdahu La Sharika lahu Wa Anna Muhammadan Abduhu wa Rasuluh, Radee-tu billahi Rabban wa Bi Muhammadin Rasuu-lan wa bil Islami Dee-nan, Patatawarin sa kanya ang kanyang Kasalanan"
[Sahih Muslim]

5- من وافق تأمينه تأمين الملائكة: عن أبي هريرة- رضي الله عنه- أن رسول الله- صلى الله عليه وسلم- قال: (إذا أمن الإمام فأمنوا, فإنه من وافق تأمينه تأمين الملائكة غفر له ما تقدم من ذنبه)
.[صحيح مسلم].

     Ang Sinumang makasabay ng kanyang pagbangbit ng AMEEN (sa Salah) ang Pag-Ameen ng mga Anghel .Naiulat ni Abi Hurayrah (Kinalugdan siya ng Allaah) Katotohanan! Ang Sugo ng Allah (صلى الله عليه وسلم) ay Nagsabi: 
"Kapag Bumigkas  ng AMEEN ang Imam (Namumuno sa Dasal) ay magbikas rin kayo ng AMEEN, dahil katotohanan, Sinumang makasabay ng kanyang pag-Ameen ang pag-Ameen ng mga Anghel ay patatawarin sa kanya ang kanyang nakaraang kasalanan". 
[ Sahih Muslim]


6- من وافق قوله:( سمع الله لمن حمده) قول الملائكة: عن أبي هريرة- رضي الله عنه- أن رسول الله- صلى الله عليه وسلم- قال : (إذا قال الإمام: سمع الله لمن حمده, فقولوا:اللهم ربنا لك الحمد, فإنه من وافق قوله قول الملائكة غفر له ما تقدم من ذنبه).[صحيح مسلم]

      Ang Sinumang makasabay ng Kanyang pagsabi ng: (Sami-Allahu Liman hamidah) ang pagsabi ng mga Anghel: Naiulat ni Abi Hurayrah (Kinalugdan siya ng Allah) katotohanan ang Sugo ng Allah (صلى الله عليه وسلم) ay nagsabi: 
"Kapag sabihin ng Imam ang Sami-Allahu Liman Hamidah), sabihin niyo ang :(Allahumma Rabbana Lakal Hamd), dahil katotohanan sinuman ang makasabay ng kanyang pag-sabi ang pagsabi ng mga Anghel ay Patatawarin sa kanya ang kanyang nakaraang kasalanan"
[ Sahih Musli].



7- صلاة ركعتين لا سهو فيهما- قال رسول الله- صلى الله عليه وسلم-: (من توضأ فاحسن الوضوء, ثم صلى ركعتين لا سهو فيهما غفر له ما تقدم من ذنبه) رواه أحمد.

Pag-Salah (Pag Dasal) ng dalawang raka-ah ng walang pagkakamali: Sinabi ng Sugo ng Allah (صلى الله عليه وسلم):
"Sinuman ang Mag-wudu (Ablusyon), Pinaganda (Pinabuti) ang Wudu, pagkatapos ay Nagdasal ng dalawang Raka-ah ng walang pagkakamali patatawarin sa kanya ang kanyang nakaraang kasalanan"
 [Naiulat ni Ahmad]

8- مسح الحجر الأسود والركن اليماني: عن ابن عمر- رضي الله عنهما- قال: قال: رسول الله- صلى الله عليه وسلم-:( إن مسح الحجر الأسود والركن اليماني يحطان الخطايا حطا).[رواه أحمد].


 Paghaplos sa Hajar Aswad ( Batong Itim sa Ka abah) at Ruknul Yama-nie: Naiulat ng Anak ni Umar (Kinalugdan silang dalawa ng Allah): Sinabi niya: Sinabi ng Sugo ng Allah (صلى الله عليه وسلم):
" Katotohanan, Ang Paghaplos ng Hajar Aswad at Ruknul Yama-nie ay pawang nagpapawi ng mga kasalanan"
 [ Naiulat ni Ahmad]

9- الإجتماع على ذكر الله: عن أنس بن مالك- رضي الله عنه- عن رسول الله- صلى الله عليه وسلم- قال:( ما من قوم اجتمعوا يذكرون الله لا يريدون بذلك إلا وجهه إلا ناداهم مناد من السماء, أن قوموا مغفورا لكم قد بدلت سيئاتكم حسنات)-.مسند أحمد بن حنب
     

Ang Pagtipun-tipon dahil sa Pag-ala-ala sa Allaah: Naiulat ni Anas bin Malik (Kinalugdan siya ng Allah) na naiulat ng Sugo ng Allah (صلى الله عليه وسلم) kanyang sinabi:
" Walang anumang grupo na nagtipon-tipon, inaala-ala (binabanggit) nila ang Allah na wala silang ninanais dahil doon maliban sa kanya, maliban na silay tawagin ng tumatawag buhat sa langit, na kayoy tumayo na, pinatawad na sa inyo (ang inyong mga kasalanan), katotohanan, Pinalitan na ang inyong mga masamang (gawain) ng mga Mabubuti"
[Musnad Ahmad Bin Hanbal]

10- مرض الإنسان: قال رسول الله-صلى الله عليه وسلم- اذا اشتكى المؤمن أخلصه الله [من الذنوب]...).

       Ang Pagkasakit ng isang Tao: Sinabi ng Sugo ng Allah (صلى الله عليه وسلم):
" Kapag may naramdamang (sakit) ang mananampalataya, linilinis siya ng Allah mula sa mga kasalalan…"


Isinulat ni : Salamodin Doton Kasim
Pagmamay-ari ng YPPAI

"Ang Pagsuot ng Lalake ng Ginto"

Si Abu Musa al-Ash'ari ay nag-ulat na ang Propeta ay nagsabi:
 "Ang Silk (seda) at ginto ay ipinahihintulot lamang sa mga kababaihan ng aking Ummah (pamayanan) subali't ipinagbabawal sa mga kalalakihan."
Sa panahon ngayon, ang mga pamilihan (ng ginto) ay puno ng iba't ibang bagay na nakadisenyo para sa kalalakihan, katulad ng relo, butones, panulat, lalagyan ng susi, medalya na iba't ibang uri na yari sa ginto. Isa sa mga pangkaraniwang kasalanan na matatagpuan sa mga patimpalak ay ang mga regalong relong gintong panlalaki.

Si Ibn Abbas ay nag-ulat na nakita ng Sugo ng Allah ang isang lalaking may suot na gintong singsing; kinuha niya ito at itinapon sa isang tabi, at nagsabi, "Nais ba ng isa sa inyo ang kumuha ng nagbabagang Apoy sa Impiyerno at hahawakan ito ng kanyang kamay?" Pagkatapos umalis ang Propeta صلى الله عليه و سلم, may isang nagsabi sa lalaki: "Bakit hindi mo kunin ang iyong singsing at pakinabangan ito (ipagbili ito)?" Siya ay nagsabi, "Hindi, sumpa man sa AllahU, kailanma'y hindi ko maaaring kunin ang anumang itinapon ng Sugo ng Allah." 



Ang May akda : Usof Butucan
Nagrepasu : Nur Maguid
kabilang sa mga Babasahin ng: : Islamic Propagation Office in Rabwah


Tuesday, October 1, 2013

HUKOM SA PAG SUOT NG THAWB O PANTALON NA LAMPAS SA BUKONG BUKONG

Tanong:

Salam Alaikom, ustadh, Ano po ba ang ruling ng hindi paglagpas ng pantalon o thawb sa bukong-bukong? Ito po ba ay sunnah o wajib? kasi may mga ibang kilalang lecturer na nakapagtapos ng mga kilalang mga Islamic University na lagpas sa bukong-bukong ang kanilang mga pantalon o thawb? Napansin ko lang po, na hindi sila ganun kahigpit regarding sa paglagpas ng pantalon sa bukong-bukong at sa hadith regarding dito.

Sagot:
بسم الله الرحمن الرحيم
السلام عليكم ورحمة الله وبركاته
الحمد لله والصلاة والسلام على رسول الله أما بعد:

Maraming salamat po sa inyong katanungan;

Sagot: Upang malaman natin kung ano ang hukom sa isang kasuotan (para sa kalalakihan) alinsunod sa iyong katanungan, ay tunghayan muna natin ang sinabi ng Islam ayon sa pananaw ng mga pantas sa Islam tungkol sa hukom ng'Isbaal' (pagsuot ng kasuotan maging pantalon man ito o thawb para sa mga kalalakihan na lagpas ng bukong-bukong), at sa usaping ito ay kailangan muna natin linawin ang dalawang puntos;

Una: Kapag siya ay nagsuot ng ‘Isbaal’ ng may pagmamayabang o pagmamataas - Sa kalagayang ito mahigpit na ipinagbabawal ang pagsuot nito bagkus ito ay napapabilang sa malaking pagkakasala, at lahat ng mga Iskolar sa Islam ay nagkasundo sa bagay na ito, batay ito sa sinabi ng Propeta Muhammad (sallallahu ‘alayhi wa sallam):

الإسبال في الإزار والقميص والعمامة ، من جر منها شيئاً خيلاء لا ينظر الله إليه يوم القيامة ) رواه أبو داود رقم 4085 والنسائي رقم 5334 بإسناد صحيح

"Ang Isbaal ay sa pang-ibabang kasuotan, damit at maging sa turban, sino man ang nagsuot ng mga ito ng may halong pagmamataas o pagmamayabang (sa kanilang mga puso) ay hinding-hindi sila titingnan ng Allah sa Araw ng Paghuhukom."

At gayundin sinabi pa ng Propeta (sallallahu ‘alayhi wa sallam):

( لا ينظر الله إلى من جر إزاره بطراً ) البخاري رقم 5788 ، ومسلم رقم 2087

"Hindi titingnan ng Allah ang sinumang binabandera ang kanyang kasuotan ng may pagmamayabang."

( إياك وإسبال الإزار فإنهـا من المخيلة وإن الله لا يحب المخيلة ) صححه الترمذي رقم 2722

"Ilayo mo ang iyong sarili sa kasuotang isbaal, dahilan sa ito ay nagtutulak sa isang tao sa kayabangan, at hindi nalulugod ang Allah sa mga mayayabang."

Pangalawa: Pagsusuot ng Isbaal na walang halong pagmamayabang o pagmamataas - sa kalagayang ito, nagkakaroon ng iba’t ibang pananaw ang mga pantas ng Islam sa tatlong pananaw; May mga nagsabi mula sa kanila na ito ay Haram, may mga nagsabi naman na ito ay Makrooh (di kanais-nais), at ang iba sa kanila ay Jawaz (maaring gawin).

- At ang pananaw ng karamihan sa mga pantas mula sa kilalang (apat na madhhab) ay Jawaz (pinahntulutan).

- Maging si Imam Abu Hanifah ay nagsuot ng kasuotan na ito ay lampas ng bukong-bukong at sumayad sa lupa, at sinabi sa kanya; Hindi bagat pinagbawalan tayo sa ganong bagay? kanyang sinabi: ‘tunay na ito ay ipinagbawal sa mga mapagmayabang at mapagmataas, at tayo ay hindi kabilang doon.” [Ito ay nabanggit ni Ibn Muflih sa aklat na pinamagatang al-adaab ash-shar’iyyah 3/521][at gayundin tingnan ang al-Fataawa al-Hindiyyah5/333].

- Samantalang sa mga iskolar ng Maalikiyyah na tulad nina Ibn al-‘Arabiy at al-Qarraafiy ang kanilang pananaw ay ito ay Haram. Kaya naman sinabi ni Ibn al-‘Arabiy sa aklat na ‘Aaridatul Ahwazhiy 7/238;

"Hindi maari sa isang lalaki na hayaan niya ang kanyang kasuotan hanggang sa ibaba ng bukong-bukong at kanyang sasabihin; ‘hindi naman ako magmamayabang’; dahil ang pagbabawal na nabanggit sa hadith ay pasalita o ‘verbally’ at kukunin niya ang ‘illah’ o katwiran (pagmamayabang o pagmamataas), at hindi maaring kunin ang isang daleel na ito ay pasalita upang gawing hukom at kanyang sasabihin na ako ay hindi katulad nila dahil ang wala sa akin ang ‘illah sa pagbabawal na ito ay ang pagmamayabang o pagmamataas. Dahil ito ay taliwas sa shaa’riah, at hindi tanggap ang kanyang dahilan, ngunit ang sino man may halong pagmamayabang at pagmamataas sa kanyang kasuotan na may isbaal ay pinasinungalingan niya ang bagay na ito ng walang pag-aalinlangan.”

- At ang sabi naman ng ibang iskolar ay ito ay bagay na Makrooh o di kanais-nais at hindi hahantong sa Haraam. Sinabi ni haafizh ibn Abdil Barr sa Tamhid 3/244:

“Ang mga hadith ay batayan lamang sa sino mang nagsuot ng isbaal ng walang halong pagmamayabang o pagmamataas, ay hindi kasama sa nabanggit na parusa sa ibang hadith, ngunit sino man ang magsuot ng isbaal ng walang halong pagmamayabang o pagmamataas ay bagay na hindi kanais-nais sa anumang kapanahonan.”

- Kabilang sa mga pumapanig sa pananaw na ito ay si Imam Shaa’f’iy na kanyang sinabi bilang sipi ni Imam Nawawi (rahimuhumallah);

“Ipinagbawal ang isbaal sa pagsasalah at sa labas ng pagsasalah ng may pagmamayabang, ngunit kung ito ay may pagmamayabang bagay na ito ay ipinagbawal ngunit magaan lamang, sa sinabi ni propeta Muhammad (saw) kay Abu Bakr (radiyallahu ‘anhu) noong sinabi ni Abu Bakr sa kanya; ‘tunay na ang aking izaar (pang-ibabang kasuotan) ay nahuhulog mula sa isa mga binti ko’, at sinabi sa kanya ng Propeta; ‘hindi ka katulad nila (mapagmayabang)” [Majmoo’ 3/177]

- Sa mga iskolar naman na nagsasabi na ito ay pinahintulutan ay tulad ni Shiekh al Islam Ibn Taymiyyah at ang sino mang sumang-ayon sa kaniya.

- Ngunit ang pinakamalakas na pananaw dito ay ang pagbabawal sa gawain na ito, kapag walang halong pagmamayabang ito ay ipinagbawal, batay sa pangkalahatang sinabi ng Propeta (sallallahu ‘alayhi wa sallam):

( ما أسفل من الكعبين من الإزار ففي النار)البخاري رقم 5787

“Ano man ang lumagpas sa bukong-bukong mula sa kasuotan, ito ay impiyerno”

( ثَلَاثَةٌ لَا يُكَلِّمُهُمُ اللهُ يَوْمَ الْقِيَامَةِ، وَلَا يَنْظُرُ إِلَيْهِمْ وَلَا يُزَكِّيهِمْ وَلَهُمْ عَذَابٌ أَلِيمٌ:الْمُسْبِلُ، وَالْمَنَّانُ، وَالْمُنَفِّقُ سِلْعَتَهُ بِالْحَلِفِ الْكَاذِبِ» ) رواه مسلم رقم 106

“Tatlong uri ng tao hindi kakausapin ng Allah sa Araw ng Paghuhukom, ni hindi Niya sila titingnan, ni sila ay hindi lilinisin, at kasaki-sakit na parusa ang kanilang matatamo; Ang al Musbil (nagsusuot na lagpas ng bukong bukong), ang Mannaan (mga taong ipinamukha nila ang kanilang ginawang kabutihan sa iba), at ang mga nagbibinta ng kanilang produkto na may kasinungalingan.”

- At ang mga Ulama sa panahon natin ngayon na tulad nina Shiekh ibn Baz, Shiekh ‘Uthaymin, Shikh Saleh al Fawzaan at iba pa lahat sila ang kanilang pananaw ito ay Haram maging ito man ay walang halong pagmamayabang o pagmamataas.

Batay sa iyong katanungan kapatid, ngayon ito ay malinaw na ito ay ipinagbawal, na ang ibig sabihin nito, isang obligasyon o waajib ang kasalungat dito, waajib ang pagsuot na hindi isbaal o hindi lalagpas sa bukong bukong.

2 – Ayon naman sa sinabi mo;

“kasi may mga ibang kilalang lecturer na nakapagtapos ng mga kilalang mga Islamic University na lagpas sa bukong-bukong ang kanilang mga pantalon o thawb? Napansin ko lang po, na hindi sila ganun kahigpit regarding sa paglagpas ng pantalon sa bukong-bukong at sa hadith regarding dito.”

Sagot: Huwag mong tingnan o sundin ang mga nagtuturo o nangangaral maging sila man ay nakapagtapos sa kilalang Unibersidad, bagkus ang titingnan at ang susundin mo ay kung ano ang sinabi ng Propeta (sallallahu ‘alayhi wa sallam) o batas ng Islam dahil doon ka magtatagumpay. Ang kanilang pagsuway sa isang batas ay sa kanila yon at hindi sa ibang tao. Allahu ‘Alam..

source [http://clive-chanel.tumblr.com]

Monday, September 30, 2013

Superior Days for Righteous Deeds

Verily, the praise belongs to Allah, the Most High, and may the Blessings of Allah and Peace be upon His Prophet Muhammad and his family and companions, all of them.

It is narrated from Ibn Abbas (radhiallahu 'anhu) that the Prophet (peace be upon him) said:
 "There are no days in which righteous deeds done in them are more beloved to Allah than these days (i.e. the ten days of Dhu'l-Hijjah)." They said: "O Messenger of Allah, not even Jihad in the path of Allah?" He said: "Not even Jihad in the Path of Allah, the Most High, except if a man goes out (for Jihad) with his self and his wealth, then he doesn't return with anything from that." 
[Al-Bukhari]

It is narrated from Ibn 'Umar that the Prophet Muhammad (may the blessings of Allah and peace be upon him) said:
"There aren't any days greater, nor any days in which deeds done in them are more beloved to Allah, the Most High, than these ten days (of Dhu'l-Hijjah). So, increase in them the saying of tahlil (la ilaha illallah), and takbir (allahu akbar) and tahmid (alhamdulillah)." 
[Imam Ahmad]

The Types of Deeds in These Ten Days


First: The performance of Hajj and Umrah, and these are the best of deeds that may be done. And what indicates their superiority are a number of ahadith, one of which is the saying of the Prophet (peace be upon him).
Performance of Umrah is an expiation of the sins committed between it and the previous Umrah, and the reward of the Hajj which is accepted by Allah, the Most High, is nothing but Paradise.
[Al-Bukhari and Muslim] 

Second:  Fasting during these days - as many of them as may be easy (for one to fast); especially the Day of Arafah. There is no doubt that the act of fasting is one of the best deeds, and it is from what Allah, the Most High, has chosen for himself, as in the Hadith Qudsi:
"Fasting is for Me, and it is I who give reward for it. Verily, someone gives up his sexual passion, his food and his drink for My Sake ... "
Also, from Abu Sa'id al-Khudri who said that the Messenger of Allah said:
 "No servant (of Allah, the Most High) fasts one day in the Path of Allah, except that Allah, the Most High, removes his face from the Fire because of it (the distance of travelling) seventy years." 
[ Muslim] 

From Abu Qatadah that the Prophet said:
"Fasting the Day of Arafah will be credited with Allah by forgiving one's sins of the previous year and the following year." 
[Al-Bukhari and Muslim] 

Third: At-Takbir (allahu akbar) and adh-dhikr (the remembrance of Allah through different words of praise and glorification) in these (ten) days, Allah said
 "And mention the name of Allah on the appointed days." 
 [Al-Qur'an 12:28]

This has been explained (by some) to mean the ten days (of Dhul-Hijjah), and the scholars consider it desirable to increase adh-Dhikr in these days, based upon the hadith of Ibn 'Umar narrated by Ahmad, which contains the words:
" ... so increase in these days the tahlil and takbir and tahmid ... "
It is reported about Ibn 'Umar and Abu Hurayrah that the two of them used to go out to the market place during the ten days (of Dhu'l-Hijjah) saying allahu akbar, causing the people also to say it.[Al-Bukhari]

Ishaq narrates from the scholars of the Tabi'in that in these ten days they used to say:
"Allahu akbar, allahu akbar, la ilaha illallah wa'llahu akbar, allahu akbar wali'llahi'l-hamd."
It is a beloved act to raise the voice when saying the takbir in the markets, the houses, the streets, the Masjids and other places, because of the saying of Allah, the Most High, in Surah Al-Hajj, verse 37: " ... that you may magnify Allah for His Guidance to you."

The saying of takbir in congregation, i.e. everyone pronouncing the takbir with one voice, is not permissible since this has not been transmitted (to us) from the early generations of the Sahabah and those who followed their ways. Verily, the Sunnah is for everyone to say the takbir individually. And this is (generally) applicable to dhikr and supplications, except if the person doesn't know what to say. In that case he may repeat after someone else until he learns (the words to be said). It is also permissible to make dhikr with all the different wording of takbir and tahmid and tasbih, and the rest of the Islamic legislated supplications (from the Qur'an and Sunnah).

Fourth: At-Tawbah (repentance) and abstaining from disobedience and all types of sins, since forgiveneand mercyare the results of deeds. Disobedience is the cause of being far away (from Allah, the Most High) and repulsion, while obedience is the cause of being near (to Allah, Most High) and His love. In the hadith of Abu Hurayrah he said that the Prophet said:
"Verily Allah has a sense of ghayrah, and Allah's sense of ghayrah is provoked when a person does that which Allah has prohibited." 
[Al-Bukhari and Muslim] 

Fifth: Doing plenty of voluntary (nafl) righteous deeds of worship like prayer, charity, jihad, reading the Qur'an, commanding what is good and forbidding what is evil, and other such deeds.

Verily, these are amongst the deeds that are multiplied in these days. It is during these days that even deeds that are less preferred, are superior and more beloved to Allah than superior deeds done at other times. These deeds are superior even to al-Jihad - which is one of the most superior of all deeds - except in the case of one whose horse is killed and his blood is spilled (i.e. loss of life in Jihad).

Sixth: It is legislated in these days to make at-takbir al-mutlaq  at all times of night and day until the time of the Eid Prayer. Also, at-takbir al-muqayyad  is legislated, and it is done after the (five) obligatory prayers that are performed in congregation. This begins from Dawn (Fajr) on the Day of Arafah (the 9th of Dhu'l-Hijjah) for those not performing Hajj, and from Noon (Dhuhr) on the Day of Sacrifice (10th of Dhu'l-Hijjah) for those performing Hajj (pilgrims); and it continues until 'Asr prayer on the last day of the days oftashriq (13th of Dhu'l-Hijjah).

Seventh: The slaughtering of a sacrificial animal (adhiyah) is also legislated for the Day of Sacrifice (10th) and the days of tashriq (11th, 12th and 13th). This is the Sunnah of our father Ibrahim - when Allah, the Most High, redeemed Ibrahim's son by the great sacrifice (of an animal in his place). It is authentically reported that the Prophet Muhammad slaughtered (sacrificed) two horned rams, black and white in colour, and said takbir (allahu akbar), and placed his foot on their sides (while slaughtering them).[Al-Bukhari and Muslim]

Eighth: Offering animal as udhiya. It has been narrated from Umm Salamah (may Allah be pleased with her) that the Prophet said: "If you see the Hilal (new moon) of Dhul-Hijjah, and any one of you wants to make a sacrifice, then he should not cut (anything) from his hair and his nails."  [Muslim and others.And in one narration, he said: "Then he should not cut (anything) from his hair, nor from his nails, until he performs the sacrifice. Perhaps this is because of the similarity with the one who is bringing a sacrificial animal for slaughter (in Hajj). As Allah, the Most High, said: 'And do not shave your heads until the hadiye (sacrifice) reaches the place of sacrifice ... ' "

The apparent meaning of this prohibition is that it is particularly for the one whom the sacrifice is for, and does not include the wife or children, unless there is an individual sacrifice for one of them. There is no harm in washing the head, or scratching it, even if hairs may fall out.

Ninth: It is incumbent for the Muslim (who is not performing Hajj) to make every effort to perform the Eid Prayer wherever it is performed, and to be present for the Khutbah and benefit.

He must know the wisdom behind the legislation of this Eid (celebration). It is a day of thankfulness and performing deeds of righteousness. So, he must not make it a day of wildness, pride and vanity. He should not make it a season for disobedience and increase in the forbidden things like music and singing, uncontrolled amusement, intoxicants and the like - those things which could cause the cancellation of the good deeds done in these days (of Dhu'l-Hijjah).

Tenth: After what has been mentioned, it is fitting that every Muslim, male and female, take advantage of these days by obeying Allah,the Most High, remembering Him, thanking Him, fulfilling all the obligatory duties, and staying far away from the prohibited things. He must take full advantage of this season, and the open display of Allah's gifts, to attain the pleasure of his Lord.

Surely, Allah, the Most High, is the One Who grants success, and He is the Guide to the Straight Path. And may the blessings of Allah, the Most High, and peace be upon Muhammad and his family and companions!

Sunday, September 29, 2013

Three Conditions to Acquire Excellent Character

This is one example of the excellent character with which Allâh, the Exalted, has equipped his Messenger (صلى الله عليه وسلم). He described him as,

“Verily, you (Muhammad) are on an exalted standard of character.”
[Al-Qalam (68): 4]

‘Â’ishah (radiyAllâhu ‘anhâ), described him as,

“His character was just [a reflection of] the Qur’ân.”
[Muslim, Abû Dâwûd, Ahmad]

Such excellent character cannot be attained without three conditions:

1. The foundation must be good. If one has a rough and dry nature, it will be hard for him to submit to this [excellence of character] through knowledge, will, or practice. On the other hand, a mild and smooth nature will be ready and willing to receive the plowing and the seeds [to prepare it for character excellence].

2. The soul must be strong and capable of conquering calls of laziness, transgression, and desire. Those matters contradict perfection, and souls that cannot defeat them will always be defeated and conquered.

3. [One must possess] a discerning knowledge of the truth of matters, enabling one to put them in the rightful position, and to distinguish between flash and cancer - between glass and jewels.

If these three qualities are present in a man, and Allâh’s facilitation helps him, then he will be among those whom the best (husnâ) has been decreed and for whom Allâh’s care has been secured.


Ibn al-Qayyim al-Jawziyyah (Rahimallaahu)
Excerpted from his Risâlat-ut-Tabûkiyyah.

Ang ilang mga alituntunin ng Udhiyyah at Pagkakatay

Ang lahat ng papuri at pasasalamat ay sa Allah lamang, ang Panginoon ng lahat ng nilalang, nawa'y ang pagpapala at kapayapaan ay makamit ng pinuno ng mga Sugo (Muhammad e )…

Ito ay ilang mga alituntunin ng Udhiyyah + at pagkakatay na tinipon mula sa Aklat na pinamagatang "Ang mga alituntunin ng Udhiyyah at pagkakatay", na inihanda ni Shaikh: Muhammad bin Salih Al-Uthaimeen (nawa'y kahabagan siya ng Allah).

Ang kahulugan ng Udhiyyah:

Ito ay ang hayop na kinakatay (tulad ng, kamelyo, baka, tupa at kambing) sa mga araw ng Eidul - Adha dahil sa pagsapit ng araw ng Eid (ika-10 araw sa Dhul-Hijjah) bilang pagpapalapit sa Allah (ang Kapita-pitagan, ang Kataas-taasan), at ito ay isa sa mga lehitimong simbulo ng Islam na matutunghayan sa Qur'an at sa Sunnah. At nagkaisa ang mga Pantas ng mga muslim sa pagkalehitimo nito (Al-Ijma').

Ang Allah ay nagsabi: {فَصَلِّ لِرَبِّكَ وَانْحَرْ} {Samakatuwid, magsagawa ng dasal para sa iyong Panginoon, at (sa Kanya lamang) maghandog ng hayop } Al-kauthar (108): 2

At sinabi pa Niya: {قُلْ إِنَّ صَلاَتِي وَنُسُكِي وَمَحْيَايَ وَمَمَاتِي لِلّهِ رَبِّ الْعَالَمِينَ} {Sabihin (O Muhammad e): Katotohanan, ang aking dasal, paghahandog, buhay at kamatayan ay para sa Allah (lamang), ang Panginoon ng lahat ng nilalang} Al-An'am (6): 162

Sa Sunnah, matutunghayan sa Sahih (mapapanaligang salaysay) ni Bukhari at Muslim mula sa ulat ni Anas bin Malik, kanyang sinabi: [Nag-alay ang Sugo ng Allah (e) ng dalawang tupa na ang mga balahibo nito'y kulay puti at itim, siya mismo ang kumatay nito, at kanyang sinambit ang Pangalan ng Allah at nagtakbeer (Bismillaahi Allahu Akbar), at dinaganan niya ng kanyang paa ang tagiliran nito.]

At si Abdullah bin Umar (nawa'y kalugdan silang dalawa ng Allah) ay nag-ulat; kanyang sinabi: [Nanatiling nag-aalay ang Sugo ng Allah sa loob ng sampung taong ipinamalagi niya sa Madinah.] Isinalaysay ni Ahmad at Tirmethi.

Ang wastong katuruan sa Udhiyyah: Ito ay lehitimong tungkulin lamang ng mga buhay, tulad ng nakagawian ng Sugo (Muhammad e) at ng mga Sahabah (tagasunod ng Propeta), sila ay nag-aalay para sa kanilang sarili at mga pamilya. At tungkol naman sa pag-aakala ng ibang tao na ang Udhiyyah ay maaaring ibukod-tangi sa mga patay, ito ay walang batayan. Ngunit hindi rin naman masama ang mag-alay para sa kanila (mga patay) kung isabay sa mga buhay. Ang halimbawa nito: Isasapuso ng isang tao na siya ay mag-aalay para sa kanyang pamilya na sama-sama na rito ang buhay at patay, o di kaya'y kusang-loob siyang mag-aalay para sa mga patay na hiwalay sa mga buhay.

Ang Mga Kondisyon Sa Udhiyyah:

1. Isang hayop; ito ay ang Kamelyo, Baka, Tupa o Kambing. 2. Umabot sa itinakda na lehitimong gulang: Para sa Tupa, dapat bata pa ito, at ang wastong kabataan nito ay ang umabot ng isang taon at kalahati. At para sa iba, kailangang nasa wastong gulang ito. Ang wastong gulang para sa Kamelyo: kailangang umabot ito ng limang taon. Ang wastong gulang para sa Baka: kailangang umabot ito ng dalawang taon. At ang wastong gulang para sa Kambing: kailangang umabot ito ng isang taon. 3. Malaya sa anumang kapintasan: tulad ng pilay, bulag, masasakitin at payat. 4. Pag-aari mismo ng nag-aalay. 5. Maialay ito sa tamang oras na itinakda: Ito ay pagkatapos ng Salah sa Eid sa araw ng Nah'r (ika-10 sa Dhul-Hijjah) hanggang sa paglubog ng araw sa huling mga araw ng Tashriq (ika-13 araw). At ipinahihintulot ang pagkatay ng Udhiyyah maging sa umaga man o sa gabi. Ngunit ang pagkatay sa umaga ay mas mabuti. At ang pinakamainam sa lahat ng mga oras nito ay sa araw ng Eid pagkatapos na pagkatapos ng dalawang Khutbah (talumpati).

Ano Ang Mga Dapat Iwasan Ng Taong May Balak Mag-alay.

Kapag nais niyang mag-alay at sumapit na ang buwan ng Dhul Hijjah, ipinagbabawal sa kanya na kumuha ng anuman sa kanyang buhok , mga kuko at balat hangga't hindi niya naihahandog ang kanyang alay. Batay sa isang Hadith na naiulat ni Ummu Salamah. [ Ang Propeta (e) ay nagsabi: " Kapag sumapit na ang (unang) sampung araw at nais ng isa sa inyo na mag-alay, magkagayon hayaan niya ang kanyang buhok at mga kuko."] Isinalaysay ni Muslim at Ahmad.

Ang alituntuning ito ay sumasaklaw lamang sa taong nag-aalay mismo, at hindi nasasaklawan ng kabawalang ito ang sinumang isinasama lang. At kung sakali mang ang taong nais mag-alay ay nakakuha ng anuman sa kanyang buhok o kuko. Magkagayon dapat niyang pagsisihan ito sa Allah, at hindi makakahadlang iyon sa kanyang pag-aalay. At kung nangyari man iyon sanhi ng pagkalimot o kawalan ng kaalaman, siya ay walang sala.

Ang Mga Kondisyon Ng Pagkakatay:

1. Ang tagapagkatay ay may sapat na pag-iisip at pang-unawa. 2. Ang tagapagkatay ay isang Muslim o angkan ng kasulatan (Hudyo o Kristiyano). 3. Maisapuso ang pagkakatay. 4. Ang pagkatay ay hindi maibaling sa kaninuman maliban sa Allah. 5. Ang di sumambit ng anumang pangalan maliban sa Pangalan ng Allah. 6. Ang ipangkatay ay isang matalim na bagay. 7. Ang sambitin ng tagapagkatay ang Pangalan ng Allah. Samakatuwid ang kanyang sasambitin sa pagkatay (Bismillaah). 8. Ang bumulwak ang dugo sa pamamagitan ng pagkatay. 9. And hayop na kakatayin ay lehitimong ipinahihintulot.

Mga Magagandang Asal Sa Pagkakatay:

1. Ang iharap sa Qiblah ang hayop na kakatayin. 2. Ang pagbutihin ang pagkakatay. 3. Ang lalaslasin ang lalamunan (na siyang daanan ng hangin papuntang baga), ang esopago (na siya namang daanan ng pagkain at inumin), at ang isa sa dalawang malaking ugat sa leeg. 4. Ang sambitin ang Allaahu Akbar pagkatapos ng Bismillaah. 5. Ang sambitin ang Pangalan ng Allah bago tuluyang katayin ang Udhiyyah nang ganito : "Bismillaahi wallaahu Akbar, allaahumma minka wa laka `anni, allaahumma taqabbal minni".

Kung ito'y para sa kanya, at kung para sa iba ay ganito : " Bismillaahi wallaahu Akbar, allaahumma minka wa laka `an fulan, allaahumma taqabbal min fulan." Ang Mga Makrooh (di kanais-nais) Sa Pagkakatay:

1. Ang pagkatay sa pamamagitan ng mapurol na patalim. 2. Ang gumawa ng isang gawaing nakasasakit dito (sa kinakatay) pagkatapos ng pagkatay, tulad halimbawa na ang leeg nito ay babaliin, balatan o putulin ang isang bahagi nito bago malagutan ng hininga.

Isinalin sa Tagalog ni: Muhammad Taha Ali


Saturday, September 28, 2013

Ang Babae sa Islam

      Ang Aklat na ito ay may Kaugnayan sa mga sumusunod na Ang kalagayan ng mga kababaihan mula noong unang panahon: Ang mga Babae noong panahon bago dumating ang Islam sa Arabong Lipunan; Ang mga taga India; Ang mga taga Tsina; Ang mga taga Griyego; Ang mga taga Romano; Ang mga Tradisyunal na lipunan ng mga Hudyo; Sa mga Tradisyunal na lipunan ng mga Kristiyano; at mula sa mga Modernong Lipunan na walang kaugnayan sa relihiyon.Sa mga bagay kung saan ang mga Lalaki at mga Babae ay pantay-pantay sa Islam; Sa mga saligan ng Sangkatauhan; Sa pagsasagawa ng mga Tungkulin; Sa mga gantimpala at kaparusahan sa mundong ito at sa kabilang buhay; Sa mga ari-arian at ang kalayaan sa pakikipag-unawaan sa pananalapi; Sa mga pangangalaga ng dangal at kadakilaan; Sa mga sapilitang pag-aaral; Ang pagbabata sa mga pananagutan para sa pagbabago ng lipunan. Ang mga katayuan at karapatan ng mga Babae sa iba’tibang larangan ng buhay sa Islamikong lipunan: bilang sanggol, sa pagkabata, sa pagdadalaga, bilang dalaga, bilang asawa, bilang ina, bilang kapamilya o kamag-anak, bilang kapitbahay at bilang babae sa pangkalahatan. Ang maling pagkaunawa tungkol sa mga karapatan ng mga Kababaihan at ang kanilang mga tungkulin sa Islam at ang pagpapabulaan sa mga ito; Sa poligamya o maramihang pag-aasawa; Sa pamumuno at pananagutan; Sa Kontrata sa pag-aasawa at ang Tagapangalaga; Sa pananakit sa asawa; Sa pagpatay ng may dangal; Sa diborsyo; Sa pagpatotoo; Sa pagmamana; Sa pagbayad ng salapi sa napatay na tao; Sa pagtatrabaho; Sa paggamit ng ‘Hijab’ (pantakip sa ulo at mukha). mga Katanungan at mga Pinagtatalunan:

Ang Paunang Salita ng Tagasalin

Wednesday, September 25, 2013

Ikaw at Ang Makamundong Pagnanasa


Sinabi ni Bishr bin Harith رحمه الله

"ِAng Tamis nang Pagsamba ay hindi matatagpuan, Hanggat Hindi mo nilalagyan ng Harang ang Pagitan ng iyong Sarili mula sa Makamundong Pagnanasa"

[As-Siyar, 10/473]

Hostage Taking as Warfare Tactics


Kidnapping and hostage taking are not an invention of our modern times. They go back far in history. But they have become more and more frequent these days because of the grave injustice suffered by weak and oppressed communities at the hands of powerful countries seeking to impose their will on them. Moreover, these oppressed communities seldom have adequate means and weapons to repel aggression. Since some Muslims are resorting to such methods at an increasing rate, thus going beyond the limits of what is lawful, we wish to make the issue surrounding this very clear. This ruling, or fatwa, sums up all the Islamic rules that apply to such acts:

1. Kidnapping is a form of aggression against others, whether they are Muslims or non-Muslims. It is a type of transgression which Allah has prohibited, as He says in the Qur'an: "Allah enjoins justice, kindness to all, and generosity to one's kindred; and He forbids all that is shameful, reprehensible conduct and all transgression." (An-Nahl 16: 90) It is well known that the order to ensure justice extends to kindness and being generous to one's kindred and it is not limited to Muslims only. Similarly, the prohibition of what is shameful, and reprehensible conduct and transgression applies to all humanity. By nature, man is keen to repel any aggression directed at him, but Allah permits the repelling of aggression by similar means only. This is stated in the Qur'an: "If anyone commits aggression against you, attack him just as he has attacked you. Have fear of Allah, and be sure that Allah is with those who are Allah-fearing." (Al-Baqarah 2: 194) "Fight for the cause of Allah those who wage war against you, but do not commit aggression. Indeed, Allah does not love aggressors." (Al-Baqarah 2: 190) Allah also makes it clear that religious differences do not justify aggression against anyone, even though they may reach the stage of open conflict: "Do not let your hatred of people who would debar you from the Sacred Mosque lead you into aggression." (Al-Ma'idah 5: 2)

Monday, September 23, 2013

Ang mga kasambahay ng Propeta Muhammad (صلى الله عليه وسلم)


1. Khadeejah bint Khuwaylid ( رضي الله عنها )

Ang Propeta ( صلى الله عليه وسلم) ay nag-asawa sa kanya nang siya ay dalawampu't limang taong gulang.Siya ay nagsilang sa lahat ng mga naging anak ng propeta ( صلى الله عليه وسلم) maliban kay Ibraheem,at siya lamang ang aswa ng propeta habang siya ay nabubuhay.Siya ay namatay sa edad na 65 sa buwan ng Ramadhan,sampung taon matapos ang propeta (saw) ay magsimula ng kanyang misyon.Siya ay inilibing sa Hajoon.

2.Saudah bin't Zam'a ( رضي الله عنها )

Siya ay una nang napangasawa ng kanyang pinsan na si sakran bin amr.Ang mag-asawa ay yumakap sa Islam at nangibang -bayan sa Abyssinia.Sa kanilang pagbalik sa Makkah,si Sakran ay namatay.Ang Propeta ( ( صلى الله عليه وسلم) ) ay nag-asawa kay Saudah sa buwan ng Shawwal,isang buwan matapos na pumanaw si Khadeejah.Siya ay namatay noong Shawwal/taong 54 AH.

3.Aisah Siddeeqah bint Abu Bakr Siddeeq ( رضي الله عنها )

Siya ay pinangasawa ng Propeta ( صلى الله عليه وسلم)sa buwan ng Shawwal,isang taon matapos niyang pangasawahin si Saudah.Si Aisah lamang ang tanging birhen na napangasawa ng Propeta (saw) at siya ang itinuturing na pinakamahal ng propeta sa kanyang mga asawa.Siya ang pinakamaalam sa mga babaeng Muslim na dalubahasa sa batas sa kasaysayan (ng Islam).Siya ay namatay noong ika-17 ngRamadhan,57 AH at inilibing siya sa Baqi.

4.Hafsah bint Umar bin Khattab ( رضي الله عنها )

Siya ipinangasawa kay Khunays bin Hadhafah,na namatay sa kanyang sugat na (kanyang) natamo sa digmaan ng Badr.Ang propeta  ( صلى الله عليه وسلم)  ay nag-asawa sa kanya sa buwan ng Sha'ban 3 AH,matapos ang kanyang pamimighai.Siya ay namatay sa Madinah noong buwan ng Sha'ban,45 sa gulang na 60, at inilibing siya sa Baqi.

5.Zaynab bint Khuzaymah ( رضي الله عنها )

Siya ang biyuda ni Ubaydah bin Harith (raa) na naging martir sa digmaan ng Badr.Ayon sa iba,siya ay dating asawa ni Abdullah bin jahsh (raa) nanaging martir sa digmaan ng Uhud.Pinangasawa siya ng propeta  ( صلى الله عليه وسلم) noong 4 AH sa panahon ng mga Araw ng Kamangmangan,at siya ay kilala bilang "Umm Al Masaakeen" (ina ng mga naghihikalos) dahilan sa kanyang pagiging mapagmahal sa mahihirap.Siya ay namatay noong buwan ng Rabi' Al-Akhir,4 AH,matapos ang walong buwan mula nang ikasal siya sa Propeta  ( صلى الله عليه وسلم) .Ang Propeta  ( صلى الله عليه وسلم)  ang namumuno sa kanyang panglibing na dasal at siya ay inilibing sa Baqi.

6.Umm Salamah,o Hind bint Umayyah ( رضي الله عنها )

Siya ay naging aswa ni Abu Salamah (raa).Siya ay nagkaroon nang maraming anak ( sa kanya ?) habang sila ay nagsasama,ngunit namatay siya (Abu Salamah) noong buwan ng Jamad Al-Akhir,4 AH .Ang Propeta (saw) ay nagasawa sa kanya sa pagtatapos ng buwan ng Shawwal,4 AH.Siya ay mahusay at dalubhasa sa batas at isa sa pinakamatalino sa mga kababaihan ng kanyang panahon.Siya ay namata noong 59 AH sa gulang na 84 (ang ibang tala ay nag-ulat na namatay siya noong 62 AH ).Siya ay inilibing sa Baqi.

7.Zaynab bin Jahsh bin Riqab ( رضي الله عنها )

Siya ay anak ng tiyuhin ng Propeta  ( صلى الله عليه وسلم)  na si Umayma bin Abdul Muttalib.Siya ay una nang naikasal kay Zayd bin Haritha,datapuwa't ang mag-asawa ay mayroong mga problema,at dahil dito ay diniborsyo siya ni Zayd. Si Zayd ay inampon ng Propeta  ( صلى الله عليه وسلم) at ayon sa mga sinaunang kaugalian ng Arabo,hindi marapat sa isang lalaki na mapangasawa ang dati nang napangasawa ng kanyang ampong anak. Si Allah ay nag-utos sa Propeta  ( صلى الله عليه وسلم)  na kanyang pangasawahin si Zaynab upang ipakita na ang sinaunang kaugaliang ito ng Arabo ay winakasan na.Ang kasalan ay naganap noong buwan ng Dhul Qa'dah,5 AH (ang ibang tala ay nag-ulat na ito ay naganap noong 4 AH. Siya ay namatay noong 20 AH sa gulang na 53 at ang unang pumanaw sa mga nalalabi pang mga asawa ng Propeta  ( صلى الله عليه وسلم) . Si Umar ang namuno sa panglibing na dasal at siya ay inilibing sa Baqi.

8.Juwayriyah bint Al-Harith ( رضي الله عنها )

Siya ay dinala bilang isang bihag mula sa digmaan ng Banu Al-Mustaliq sa buwan ng Sha'ban,sa taong 5 o 6 AH at (siya) ay ibinigay kay Thabit bin Qays. Siya ay nagdesisyon na palayain siya kapalit ng napagkasunduang halaga.Ang Propeta  ( صلى الله عليه وسلم)  ay nagbayad kay Thabit ng gayong halaga na kanyang hinihingi,napalaya siya at kanyang pinangasawa siya. Matapos na (kanilang) mamalas ito, ang mga Muslim ay nagpalaya ng isang daang pamilya galing sa Banu Al-Mustaliq na nagsasabing sila ay mga kaanak (ayon sa batas ng pag-aasawa ng Propeta  ( صلى الله عليه وسلم) ).Kaya't kanyang napaunayan na siya ay isang pagpapala sa kanyang pamayanan.Siya ay namatay noong buwan ng Rabi'Al-Awwal,56 AH sa gulang na 65.

9.Umm Habeebah,o Ramla bunt Abu Sufyan ( رضي الله عنها )

Siya ay nakilala bilang "Umm Habeebah" (ang ina ni Habeebah) dahilan sa kanyang anak (na babae) na si Habeebah.Bilang isang anak (na babae) ng pinakamaigting na kaaway ng Propeta  ( صلى الله عليه وسلم)  na si Abu Sufyan bin Harb,siya ay gumawa nang maraming sakripisyo dahilan sa kanyang pananampalataya at siya ay lumikas sa Abyssinia na kasama ang kanyang aswa,si Ubaydullah bin Jahsh.Di naglaon si Ubaydullah ay nagpalit ng kanyang pananampalataya sa pagpasok niya sa Kristiyanismo at namatay,datapuwa't si Umm Habeebah ay nanatiling matimtiman sa kanyang pananampalataya.Nang ang Propeta (saw) ay magpadala ng kanyang kinatawan,si Amr bin Umayya Damri,hari ng Abyssinia,siya rin ay nagpadala ng alok (ng pag-aasawa) sa nabiyudang si Umm Habeebah.Siya ay ipinangasawa ng hari sa Propeta (saw),binayaran siya ng 400 dinar bilang mahr (dote), at ipinadala siya sa Propeta sa ilalim ng pagbabantay ni Shurahbeel bin Hasnah. Matapos na magbalik ang Propeta (saw) mula sa Khaybar, kanyang pinakasalan si Umm Habeebah sa buwan ng Safar o Rabi'Al-Awwal,7 AH. Siya ay namatay noong 42 o 44 AH.


10.Safiyah bint Huyayy bin Akhtab ( رضي الله عنها )


Siya ay anak ng pinuno ng Hudyong tribu ng Banu Nadir at mula sa angkan ni Propeta Haroon (Aaron).Siya ay naging bihag sa Khaybar at siya ay ibinigay sa Propeta dahil sa kanyang estado ( ng angkan o pamilya).Ang Propeta (saw) ay humiling sa kanya na yumakap sa Islam at ito ay kanyang ginawa.Pagkatapos nito ay kanyang pinalaya siya at pinakasalan siya noong 7 AH sa gabi nang paglupig sa Khaybar.Ang kanyang kamatayan ay naitala na maaaring sa taong 36,50 at 50 AH.Siya rin ay inilibing sa Baqi.

11.Maymoona bint Harith Hilaliya ( رضي الله عنها )

Siya ay kapaid ng asawa ni Abbas,si Umm Al-Fadl Lababa Al-kubra bint Harith Hilaliya.Ang Propeta  ( صلى الله عليه وسلم) ay nag-asawa sa kanya noong buwan ng Dhul Qa'dah ,7 AH.Siya ay pumaroon sa Propeta  ( صلى الله عليه وسلم) bilang kanyang mapapangasawa sa Sarf,mga siyam na milya ang layo sa labas ng Makkah.Siya ay namatay rin sa Sarf (na maaaring) sa petsang 38,61 o 62 AH at inilibing (din) doon.Ang kanyang libingan ay nakikilala pa magpahanggang sa ngayon.


Walang pagdududa na ang labing isang babaeng ito ay napangasawa ng Propeta   ( صلى الله عليه وسلم).Magkagayunman,ang ilang mga pantas ay may pagkakahidwa tungkol sa naging kalagayan (o estado) ni Rayhana bin Zayd; ang iba ay nagsasabi na siya ay naging asawa ng Propeta  ( صلى الله عليه وسلم)  sa buwan ng Muharram,6 AH.Siya mula sa (tribu) ng Banu Nadir at naging asawa ng isang tao ng Banu Quraydha,at ang Propeta  ( صلى الله عليه وسلم)  ang pumili sa kanya para sa kanyang sarili.Sinasabi rin na siya ay hindi pinalaya sa Propeta  ( صلى الله عليه وسلم)  at kanyang pinanatili siya bilang isang katulong.Siya ay mula sa kanyang panghimakas na pilgrimahe at inilibing siya ng Propeta  ( صلى الله عليه وسلم)  sa Baqi...

Saturday, September 21, 2013

Friday, September 13, 2013

"Maging Katulad ng Bundok"

Kapag ikaw ay nakikitungo sa ibang tao, ang katotohanan nito ay gumagawa ka rin ng sarili mong personalidad. Ikaw mismo ang gumuhit ng isang imahe na anumang meron ka sa kanilang isipan. Batay sa ganitong palagay, sila ay magpapasiya kung papaano ka pakikitunguhan, kung kanila ka bang igagalang o hindi. Tiyakin lamang na ang puno ay matibay ang mga ugat nito at ito ay hindi basta basta malilipol ng anumang hangin, gaano man ito kalakas. katulad din ito ng isang oras na pagtitimpi ay magbubunga ng isang tagumpay. Habang ikaw ay tumatalino, ay nababawasan naman ang iyong kamangmangan. Habang nadagdagan ang iyong pakinabang, nababawasan naman ang pagiging bugnutin mo. Na tulad ng karagatan na hindi natitinag ng ano man. Maging katulad ng bundok at walang anumang hangin ang aalog sa’yo!

~Dr. Muhammad ‘Abd Al-Rahman Al-’Arifi

source : [http://clive-chanel.tumblr.com]

Thursday, August 29, 2013

"Ang Inggit (Al-Hasad)"

Ang Propet (صلى الله عليه وسلم) ay nag bigay  ng babala laban sa inggit sa pamamagitan ng paghahambing nito sa apoy na lubusang tumutupok sa kahoy. Siya ay nagsabi: 

“Mag-ingat sa inggit, sapagka’t tinutupok nito ang mabubuting gawa katulad ng pagtupok ng apoy sa kahoy.”

[Abu Dawud]

ِSinabi ng Allaah na palagi-ing magpakup laban sa mga maiing-gitin at ito ay nakasaad sa Qur'an:
قل أعوذ برب الفلق
"Sabihin: Ako ay nagpapakupkop sa Panginoon ng bukang-liwayway…laban sa kasamaan ng mga mapanibugho kapag sila ay naiinggit.

 [Surah al-Falaq, 113:1]


Isinalaysay ni At-Tirmidhee mula kay Al-Zubayr Ibn Al-Awam na ang  Propeta (صلى الله عليه وسلم) ay nagsabi:

“Dumating na sa inyo ang sakit ng mga bansang nauna sa inyo: Ang  paninibugho at ang pagkapoot. Ito ang ‘taga-ahit’(tagawasak); hindi ko sinasabing inaahit nito ang buhok, bagkus inaahit (winawasak) nito ang pananampalataya…” 

[(Hasan) Jamee At-Tirmidhi (2434)] 









Friday, August 9, 2013

"Ang Totoong Mensahe ni Cristo Jesus"

Panimula

Si Cristo Jesus ay kumakatawan sa panlahat na kawing sa pagitan ng dalawang relihiyon na may pinakamaraming kaanib sa mundo sa ngayon, ang Kristiyanismo at ang Islam. Ang sumusunod na pag-aaral sa mensahe ni Jesus at sa persona niya ay nakabatay sa kawing na ito. Inaasam na sa pamamagitan ng pag-aaral na ito ay lalong mauunawaan ng mga Muslim at mga Kristiyano ang katuturan ni Jesus at ang kahalagahan ng kanyang mensahe.Ngunit upang makilala natin nang tumpak ang totoong  mensahe ni Cristo Jesus, ang isang malayang pananaw ay kailangang panatilihin sa buong yugto ng pananaliksik natin. Hindi natin dapat pahintulutan ang mga emosyon natin na magpalabo sa ating pananaw at sa gayon ay bubulagin tayo sa katotohanan. Kailangang tingnan natin nang makatuwiran ang lahat ng mga usapin at ihiwalay ang katotohanan sa kabulaanan, sa tulong ng Makapangyarihang Diyos.Kapag pagmamasdan natin ang sari-saring uri ng mga huwad na relihiyon at mga lihis na paniniwala sa lahat ng dako ng mundo, at ang kasigasigan na inuukol ng mga tagasunod ng mga ito sa pagtataguyod sa mga paniniwalang ito, magiging ganap na malinaw na hindi nagawang matagpuan ng mga taong ito ang katotohanan dahil sa bulag nilang pagtitiwala sa mga paniniwala nila. Ang mahigpit nilang pagsunod ay kadalasang hindi nakabatay sa isang matalinong pagkaunawa sa mga katuruan,bagkus ay sa makapangyarihang  mga  impluwensiya ng kultura  o emosyon. Dahil pinalaki sila sa isang partikular na pamilya o lipunan, mahigpit silang  kumakapit sa mga paniniwala ng 
lipunang iyon, sa paniniwalang  kinakatigan  nila ang katotohanan. Ang tanging paraan upang harinawa’y masumpungan natin ang katotohanan hinggil sa anumang bagay ay ang lapitan ito nang  maayos  at makatuwiran. Una, titimbangin  natin ang patunay at hahatulan natin ito sa pamamagitan ng katalinuhang ibinigay sa atin ng Diyos. Sa materyal na mundo, ang  katalinuhan  ang  pangunahing  nagtatangi sa atin sa mga hayop na kumikilos lamang ayon sa katutubong gawi.Matapos matiyak kung ano ang tunay na katotohanan, kailangan na nating ipagkatiwala rito nang madamdamin ang ating mga sarili. Opo, mayroong puwang para sa madamdaming pagtitiwala, subalit ang  madamdaming pagtitiwala ay  kailangang  susunod  sa pinangatwiranang pagkaunawa sa mga usapin. Ang madamdaming pagtitiwala ay napakahalaga sapagkat ito ay  isang patunay  ng  totoong  pagkaunawa. Kapag nauunawaan na nang ganap at wasto ng isang tao ang katotohanan ng mga usapin, handa na siya sa isip at diwa na masiglang itaguyod ang katotohanang iyon.
Mula sa pangkaisipan at pag-espirituwal na pananaw na ito, ang paksa ng mensahe ni Jesus at ang kaugnayan niya sa mga naghahangad na sumunod sa Diyos ay aanalisahin sa sumusunod na mga pahina.

Dr. Bilal  Philips 

Saudi Arabia, 1989

Unang Kabanata: Ang mga Kasulatan

Ang paksang Ang Totoong Mensahe ni Cristo Jesus ay binubuo ng dalawang pangunahing bahagi: 

1. Ang Mensahe at
2. Ang Pagkatao ni Cristo Jesus. 

Ang bawat isa ay hindi maiiihiwalay sa isa’t isa. Upang maunawaan ang mensahe ni Jesus, kailangang malaman natin kung sino siya. Ngunit upang maunawaan natin kung sino siya, kinakailangan ding makilala at mawatasan ang kanyang mensahe.May dalawang posibleng paraan na maaaring magamit upang masiyasat ang pagkakakilanlan ni Cristo Jesus at ang nilalaman ng mensahe niya. Ang una ay ibinatay sa tala ng kasaysaysan na isinulat ng mga makabagong mananalaysay mula sa mga nasusulat at mga labi(relic)sa panahong iyon, at ang ikalawa ay nakabatay sa mga ulat na napaloloob sa inihayag na mga Kasulatan. Sa katotohanan, mayroong napakakaunting katibayan batay sa kasaysayan na magagamit upang magpabatid sa atin hinggil sa kung sino si Cristo Jesus o upang matiyak kung ano ang mensahe niya. Ang opisyal na mga dokumento ng kasaysayan ng panahong iyon ay halos hindi naglalaman ng tala tungkol kay Jesus. Ang isang iskolar ng Bibliya, si R. T. France, ay sumulat na, “Walang pang-unang siglong inskripsiyon  na  bumanggit  sa  kanya  at  walang bagay o gusali na nananatili na may tiyak na kaugnayan sa kanya.”Ang katotohanang ito ay nagsilbing-daan pa nga sa ilang mga Kanluraning mananalaysay upang magpahayag nang mali na si Cristo Jesus ay hindi naman talaga umiral. Samakatuwid, ang pagsasaliksik ay kailangang nakabatay una sa mga kasulatan na tumatalakay sa pagkatao at misyon ni Cristo Jesus. Ang mga kasulatan na tinutukoy ay yaong mga opisyal na kinikilala ng Kristiyanismo at Islam. Gayon pa man, upang tumpak na masuri ang mga impormasyon na napaloob sa mga tekstong panrelihiyong ito, napakahalaga na tiyakin muna ang katumpakan ng mga ito. Ang mga ito ba ay mapanananaligang mga pinagkukunan ng nasusulat na katibayan, o mga kuwento at mga alamat na gawa-gawa ng tao, o paghahalo ng dalawa? Ang Matanda at Bagong Tipan ng Bibliya ba ay mga kasulatang ipinahayag ng Diyos? Ang Qur’an ba ay mapaniniwalaan? Para ang Bibliya at ang Qur’an ay maging tunay na salita ng Diyos, ang mga ito ay kailangang hindi maglaman ng di-maipaliwanag na mga pagkakasalungatan, at hindi dapat magkaroonngpag-aalinlanganhinggilsa nilalaman ng mga ito o hinggil sa kung sino ang may-akda ng mga ito. Kapag nagkagayon nga, ang nakasulat na napaloloob sa Matanda at Bagong Tipan at sa Qur’an ay maaari nang maituring na  mapanananaligang mga pinagkukunan ng impormasyon  tungkol  sa  mensahe  at  persona  ni  Cristo Jesus.

Ang Mapaniniwalaang mga Kasulatan

Naisadokumento na ng maraming iskolar mula sa sarisaring sangay at sekta ng Kristiyanismo na ang marami sa naisulat sa Bibliya aymapag-aalinlanganan ang pagkatotoo. Sa paunang salita ng The Myth of God Incarnate (Ang Alamat ng Diyos na Nagkatawang-tao), ang patnugot ay nagsulat ng sumusunod: “Noong ikalabingsiyam na siglo, ang Kanluraning Kristiyanismo ay gumawa ng dalawang pangunahing bagong pag-aakma sa pagtugon sa mahalagang mga paglaki ng kaalaman ng tao: tinanggap nito na ang tao ay bahagi ng kalikasan at lumitaw sa loob ng ebolusyon ng mga anyo ng buhay na nasa daigdig na ito; at tinanggap nito na ang mga aklat ng Bibliya ay isinulat ng iba’t ibang mga tao sa iba’t ibang mga katayuan, at hindi maaaring mapagkalooban ng literal na pangdiyos na awtoridad.(The Myth of God Incar nate, p. ix. Ang pagbibigay-diin ay idinagdag.)” Sa pandaigdigang magasin ng mga balita, Newsweek, (October 31, 1988, p. 44.) naglathala ng isang artikulong pinamagatang ‘O Lord, Who Wrote Thy Prayer?,’ may isang pangkat ng mga teologo mula sa mga pangunahing sektang Protestante kasama ng mga kilalang Romano Katolikong iskolar ng Bibliya sa Estados Unidos, matapos ang isang masusing pagsisiyasat ...https://docs.google.com/gview?url=http://d1.islamhouse.com/data/tl/ih_books/single/tl_ang_totoong_mensahe_ni_Jesus.pdf&chrome=true





Friday, August 2, 2013

Ang Buhay na walang hanggan

Tanong:

Kaming mga Born Again Cristian naniniwala kami sa Buhay na walang Hanggan. Ang Islam ay naniniwala sa Buhay na walang Hanggan? Kami ay naniniwala na si Hesus ang Daan sa Buhay na walang Hanggan. Sa Islam sino ang ang daan patungo sa buhay na walang hanggan.

Sagot:

Bismillaahir Rahmanir Raheem Ang islam ay naniniwala na kailangan mo munang mamatay upang marating mo ang buhay na walang hanggan dahil walang may buhay dito sa Mundo na Hindi mamatay. Gayon man walang sinumang makakapasok ng Paraiso at mamumuhay roon na walang hanggan na hindi naniniwala sa Kaisahan ng Allaahu' ta'alaa.Ibig sabihin ang mga hindi naniniwala na ang Allaah ay nag iisang Dios walang ibang dapat sambahin maliban lamang sa kanya, siya ay walang Anak, Hindi Ipinanganak, at higit sa lahat Hindi nagkatawang Tao. 

"Sila na mga naniwala, ang para sa kanila ay mga Hardin na roon sila ay mananatili magpakailanman, at umaagos ang mga ilog sa ilalim ng kanilang mga silid at mga tahanan, na sila ay sinusuotan ng mga palamuti na mga ginto, at dinadamitan sila ng mga damit na kulay berde na ginawa mula sa mga maninipis at makakapal na mga sutla (o ‘silk), at sila ay nakasandal sa kanilang mga matataas na trono na ang kanilang mga inuupuan ay magagandang alpombra. Anong ganda ng gantimpala na para sa kanila, at anong ganda ng Hardin na kanilang tinutuluyan bilang pahingahan!" 

[Surah Al Kahf 31] 

Subalit sa buhay na walang hanggan ay may dalawa kang maaring kasasadlakan Kung hindi ang Jannah (Paraiso) o Jahannam (Impiyernong naglalagablab). Kung nais mo ng Jannah kailangan mong magsumikap upang ito makamtan. Hindi madaling tunguhin ang paraiso. Ayon kay Abu Hurairah sinabi ng Propeta Muhammad صلى لله عليه وسلم: 

"Ang Impiyerno ay nababalutan ng mga Makamundong Pagnanasa , At ang Paraiso naman ay Napalibutan ng mga Kahirapan."

 [Bukhari at Muslim] 

Isang salaysay naman mula kay Abu Hurairah na sinabi ng Propeta ng Allaah صلى لله عليه وسلم: "Nang likhain ng Allaah ang Paraiso, sinabi Niya kay Jibril, 

"Magtungo ka at tingnan mo ang paraiso. Siya ay nagtungo at tiningnan ang paraiso at siya ay bumalik na nagsasabing:

 "Sa pamamagitan ng Inyong kaluwalhatian, walang sinuman na nakarinig nito ang hindi maaaring hindi papasok dito." Kaya pinalibutan ito ng Allaah ng mga pagsubok at kahirapan at sinabing, "magtungo kang muli at tingnan mo ito. Nagtungong muli si Jibril at pinagmasdan ang paraiso, nagbalik sa Allaah at nagsabing: 

"Sa pamamagitan ng Inyong kaluwalhatian, natatakot po akong walang sinuman ang makakapasok dito."

[Jami al-usul, 10/520, no. 8068. sinabi ni Tirmidhi : Ito ay isang gharib sahih hasan hadith]

Ang komento ni An-Nawawi sa unang hadith:

"Ito ay isang halimbawa ng isang maganda, kumpleto at elekwenteng pangungusap na kung saan ang Propeta صلى لله عليه وسلم , ay may kakayanan, kung saan siya ay nagbigay ng isang magandang pagkukumpara. Ito ay nangangahulugan na walang anumang gawain ang makatutulong sa isang tao upang makarating, makapasok at makapanirahan sa paraiso kundi ang pagsuong o pagharap sa mga pagsubok at kahirapan, at walang anumang bagay ang magtutulak sa isang tao sa impiyerno kundi ang makamundong pagkagusto at pagnanasa. Ang bawat isa ay nababalutan ayon sa pagkakasalarawan, at sinuman ang sumira sa tabing o balot ay mararating ang bagay na nakatago sa likod ng tabing o ng balot. Ang tabing o balot ng paraiso ay masisira at mapupunit ay sa pamamagitan ng pagsuong at pagharap sa mga pagsubok at kahirapan, samantalang ang sa tabing o balot naman ng impiyerno ay masisira sa pamamagitan ng pagkahumaling sa mga makamundong pagnanasa. Kabilang sa mga kahirapan ay ang patuloy na pakikibaka ng may kahinahunan sa pagsamba, pagpipigil sa pagkagalit kaninuman, pagbibigay ng mga kawanggawa, pagiging mabuti sa lahat lalo na sa mga taong nakagawa ng mga pagkakasala at pagkukulang sa kanya, pagpipigil sa mga makamundong pagnanasa atbp."

[Sharh an-Nawawi `ala Muslim, 17/165]

Sinulat ni: InshaAllaah Jannah

Tuesday, July 30, 2013

YYPAI Activities: Islamic Symposium



ASSALAMU ALAIKUM WARAHMATULLAH. .


ISLAMIC SYMPOSIUM AND FREE PABUKA AT CCSPC:

WHEN: JULY 31, 2013 1PM TO MAGRIB nshALLAH. 
WHERE: STAGE AT MINI PARK. 
WHOS INVITED : ALL INTERESTED 
SPEAKER: GRAND MUFTI SHIEKH ABU HURAIRAH UDASAN.


Pls pass 2 all brothers and sisters in ISLAM.. Sukran wassalam.


"YOUTH PEACE PROPAGATORS ASSOCIATION INC. "

Sunday, July 21, 2013

"Mula sa mga Doktrina ng Shi'ah"


?KAILAN LUMITAW ANG SEKTA NG RAFIDA

Nagsimula ang grupo ng RAFIDA nang lumitaw ang isang lalaking hudyo na ang pangalan ay " ABDULLAH BIN SABA'" nag-aangkin ng pagkamuslim, nag-aangkin ng pagmamahal sa AHLUL BAYT (mag-anak ng Propeta (SAW)), labis na dinakila si Ali-kalugdan nawa ng Allah-, inangkin para sa kanya ang bilin ng pagka KHALIFA at pagkatapos ay itinaas sa antas ng pagkadiyos at iyan ang inaamin mismo ng mga aklat ng SHI'AH.

Si Al-Qummi sa kanyang aklat na " ALMAQALAAT WAL FIRAQ[1]": kanyang pinagtibay ang kanyang presensiya (Abdullah bin Saba) at itinuturing na pinakaunang nagsabi ng pagsasatagubilin ng pagka-imam ni Ali at ang kanyang pagbabalik, nagpamalas ng panlalait kay Abu Bak'r, Umar,Uthman at sa mga nalalabi pang mga SAHABA (kasamahan ng propeta (SAW)). Gaya ng sinabi ni An-Nubkhati sa aklat niyang (FIRAQUS SHIA)[2]. At gaya rin ng sinabi ni AL-KASSHI sa kanyang kilalang aklat na " RIJAL AL-KASSHI"[3]. At kabilang sa mga kapanahong Shia na nagsasabi ng presensiya ni Abdullah bin Saba ay si Muhammad Ali Al-Muallim sa kanyang aklat na " ABDULLAH BIN SABA LINGID NA KATOTOHANAN"[4]. Ang pag-amin ay pinuno ng mga katibayan, at silang lahat ay kabilang sa mga mataas na pantas ng RAFIDA.

Sinabi ni Al-Bagdadi:" Ang As-Sabaiyah ay mga tagasunod ni Abdullah bin Saba na siyang nagmalabis sa pagdakila kay Ali- kalugdan nawa siya ng Allah- at inangkin na siya noon ay isang Propeta at pagkatapos ay umabot ang kanyang pagmamalabis sa pag-aangking katotohang siya (ALI) ang Allah".

At sinabi rin ni Al-Bagdadi:"Si Ibn As-Sawda- Ibn ay hudyo ang pinagmulan, mula sa mga tao ng pagkalito, ipinakita ang pagkamuslim at nais na magkaroon ng lakas at pamumuno sa mga taga Kufa', binanggit sa kanila na kanyang natagpuan sa Torah na katotohanang lahat ng Propeta ay may susunod na katiwala at tunay na si Ali (RA) ay susunod kay Propeta Mohammad (SAW)bilang katiwala.

Binanggit ni As-Shahristani buhat kay Ibn Saba' na katotohanang siya ang kauna-unahang nagsabi na may tekstong nakasulat tungkol sa pagiging Imam ni Ali (RA), at sinabing ang Sabaiyah ang siyang kauna-unahang sekta na nagsabi tungkol sa pagkawala at muling pagbabalik (ni Ali) at pagkatapos ay namana ito ng Shia sa bandang huli -sa kabila ng kanilang pagkakaiba at pagkakawatak-watak ng mga sekta- ang pagsasabi ng may tekstong nakasulat at habilin sa pagiging Imam at Khalifa ni Ali (RA) at ito'y kabilang sa mga naiwang turo ni Ibn Saba'. At pagkatapos nito'y dumami ang mga sekta at pahayag ng Shia na umabot ng dose-dosenang sekta at pahayag.

At ganyan inimbento ng Shia ang pahayag tungkol sa habilin (kay ALI), pagkawala at muling pagbabalik bagkos pati narin ang pahayag tungkol sa pagkadiyos ng mga Imam bilang pagsunod sa yapak ng Hudyong si Ibn Saba'[5].

BAKIT TINAWAG ANG SHIAH NA RAFIDA?

Ang katawagang ito ay nabanggit ng kanilang pantas ni si Al-Majlisi sa kanyang aklta na" BIHARUL ANWAR", kanyang sinabi sa pamagat na (ANG KAHIGTAN NG RAFIDA AT PAPURI SA KATAWAGAN NITO)at kanyang nabanggit buhat kay Sulayman Al-A'mash kanyang sinabi: Ako ay pumasok kay Abu Abdullah Ja'afar bin Mohammad, aking sinabi: Sa aking sakripisyo tungo sayo! Katotohanan, ang mga tao ay tinawag tayong RAWAFID, ano baga ang Rawafid? Siya (Abu Abdullah) ay nagsabi: Sumpa man sa Allah! Hindi sila ang tumawag sa inyo bagkos ang Allah ang Siyang nagbigay sa inyo ng pangalang ito sa Torah at Ibanghelyo sa pamamagitan ng dila ni Moises at Hesus[6].

May nakapagsabing na: tinawag silang Rafida sapagkat dumating sila kay Zayd bin Ali bin Alh-Hussien at sinabi nila: kumalas ka mula kay Abu Bak'r at Omar upang kami ay sasama sa iyo, kanyang sinabi: Silang dalawa ay kasamahan ng aking lolo, bagkos mamahalin ko silang dalawa, kanilang sinabi: Kung ganun, ikaw ay aming tatanggihan kaya't sila'y tinawag na Rafida, tinawag naman ang sinumang sumanib at sumang-ayon kay Zayd ng ZAYDIYAH[7].

Mayroong nakapgsabi na tinawag silang Rafida dahil sa kanilang pagtakwil sa pamumuno ni Abu Bak'r at Omar[8]. At mayroong nagsabing: tinawag sila sa katawagang ito dahil sa kanilang pagtakwil sa relihiyon[9].

HANGGANG ILAN NAHATI ANG SEKTA NG MGA RAFIDA?

Nakasulat sa aklat na (dairatul Ma'arif), katotohanan (( lumitaw mula sa mga sangay ng mga sekta ng shia ang mas mahigit ng pitumpu't tatlong tanyag na sekta[10])). Bagkos naiulat mula sa isang rafidi na si Mir Baqir Ad-Damad[11]:" katotohanan! Ang lahat ng sektang nabanggit sa hadith, Hadith ng pagkawatak-watak ng Ummah sa pitumpu't tatlong sekta ay siya ang sekta ng Shia at ang ligtas sa kanila ay sekta ng Imamiyah.

Binanggit ni Al-Maqrezi na umabot ang kanilang sekta ng (300) sekta[12].

Sinabi ni As-Shah'ristani: (( Katotohanan! Ang Rafida ay nahati sa limang uri:" AL'KISANIYAH, ZAYDIYAH, IMAMIYAH, AL-GALIYAH at ISMAILIYAH"))[13].

Sinabi ni Al-Bagdadi:" Tunay na ang rafida pagkatapos ng panahon ni ALI (RA) ay apat na uri:" ZAIDIYAH, IMAMIYAH, KISANIYAH at GULAT[14]", nang may napupuna na ang Zaidiyah ay hindi kabilang sa sekta ng Rawafid maliban sa grupo ng AL-JAROUDIYAH.

ANO ANG DOKTRINA NG "AL-BADA'" NA SIYANG PINANINIWALAAN NG MGA RAFIDA?

Ang "Al-bada" ay nangangahulugan ng paglitaw pagkatapos ng pagkalingid, o nangangahulugan ng paglitaw ng bagong opinion at ang AL-BADA sa dalawa nitong kahulugan ay nangangailangan ng unang kawalan ng kaalaman at pagkakaroon ng kaalaman, ang dalawa na ito ay parehong imposible sa Allah ngunit ang mga Rafidah ay inuugnay ang Al-Bada sa Allah.

Ulat mula kay Ar-Rayyan bin As-Salit na nagsabi: ((Narinig ko si Ar-Rida kanyang sinasabi: ((Hindi nagpadala ang Allah ng Propeta kundi para sa pagbabawal ng alak at pagsang-ayon (paniniwala) sa Al-Bada))[15]. At buhat kay Abu Abdullah tunay na kanyang sinabi: ((Hindi nasamba ang Allah sa pamamagitan ng isang bagay na tulad ng Al-Bada))[16]. Kataas-taasan ang Allah mula rito.

Pagmasdan mo aking kapatid na Muslim kung papaano nila inuugnay ang kamangmangan sa Tagapangasiwa (Allah)- Ang Maluwalhati- Ang Kataas-taasan- na Siyang nagsabi tungkol sa kanyang sarili- Ang Kataas-taasan-: ((Sabihin mo (O Muhammad) walang sinuman sa mga kalangitan at kalupaan ang nakaaalam ng lingid maliban sa Allah…))[An-Naml:65] at sa kabila nito, naniniwala parin ang mga Rafidah na katotohanan ang mga Imam ay nalalaman ang lahat ng kaalaman at walang nakakubli sa kanila na anumang lingid.

Ito ba ang doktrina (paniniwala) ng Islam na siyang dala ni Muhammad?

ANO ANG DOKTRINA NG RAFIDAH SA MGA KATANGIAN (NG ALLAH)?

Ang mga Rafidah ay sila ang pinaka-unang nagpahayag na mayroong katawan ang Allah. Tunay na tiniyak ni Shiekhul Islam Ibn Taimiyah at itinuro na ang gumawa ng malaking kasinunganlinagng ito mula sa mga Rawafid ay sina Hisham bin Al-Hakam[17], Hisham bin Salim Al-jawaliqi, Yunos bin Abdurrahman Al-Qummi at Abu Jaafar Al-Ahwal[18].

Lahat ng nabanggit ay kabilang sa mga malalaking pantas ng Ithna Ashariyah at pagkatapos, sila'y nagging Jahamiyah Muattila tulad ng paglalarawan ng kanilang mga akda tungkol sa katangian ng Panginoon ng lahat ng nilikha (Allah) ng mga negatibong katangian na kanilang ibinilang bilang tiyak na katangian ng Panginoon-Ang Maluwalhati- katotohanan, Isinalaysay ni Ibn Babawi ay mahigit pitumpong ulat na nagsasabi na ang Allah- Ang Kataas-taasan-ay: ((Hindi mailarawan sa pamamagitan ng panahon at hindi rin lugar, anyo, galaw, paglipat at walang anumang bagay mula sa mga katangian ng mga katawan, hindi mararamdaman, hindi nangangatawan at hindi larawan[19])). Kaya tinahak ng kanilang mga matataas na pantas ang ligaw na landas na ito kasama ang pagtatakwil sa mga katangiang nakasulat sa Qur'an at Sunnah. 


Tulad ng kanilang pagtanggi (hindi paniniwala) sa pagbaba ng Allah- Ang Kataas-taasan- at sinasabi nila na nilikha ang Qur'an at hindi sila naniniwala na makikita ang Allah sa kabilang buhay, nakasulat sa aklat na (Biharul Anwar) katotohanan Abu Abdullah Ja'afar As-Sadiq ay tinanong tungkol sa Allah- Ang Kataas-taasan-:" Makikita ba siya sa araw ng muling pagbabalik? Kanyang sinabi: Kaluwalhatian sa Allah- Ang Kataas-taasan-, katotohanan ang mga paningin ay hindi nito Siya aabutan maliban sa anumang may kulay at anyo at ang Allah ang Siyang lumikha sa mga kulay at anyo[20])).


Bagkus, sinabi nila: kung nauugnay sa Allah ang iilang katangian tulad ng pagkasaksi (pagkakita) sa Allah ay hahatulan ng pagtalikod sa Islam (ang sinumang nag-uugnay nito sa Allah) gaya ng naiulat buhat sa kanilang pantas na si Ja'afar An-Najfi[21],sa kabila ng katotohanan na ang pagkakita sa Allah ay tiyak na katotohanang nakasaad sa Qur'an at Sunnah (Hadith) nang walang pangkalahatang paningin at (hindi alam kung) paano. Tulad ng sinabi ng Allah : (( Sa araw na ito, ang mga ibang mukha ay magniningning sa kislap at kagandahan, na nagmamalas sa kanilang panginoon (Allah[22])).


At mula sa Hadith ay nakasaad sa Sahih Al-Bukhari at Muslim mula sa Hadith ni Jarir bin Abdullah Al-Bajali na nagsabi: ((Kami noon ay nakaupo kasama ang Propeta e at tumungin (siya) sa buwan gabi ng ika-labing apat at kanyang sinabi:" Katotohanan, makikita ninyo ang inyong Panginoon (sa pamamagitan) ng inyong mga mata gaya ng inyong pagkasaksi nito (buwan) nang walang kahirap-hirap (o walang pag-alinlangan) sa inyong paningin sa Kanya[23])). At ang mga taludtod at hadith tungkol dito ay napakarami na hindi na natin kayang banggitin[24].

ANO ANG PANINIWALA NG RAFIDA SA MALUWALHATING QUR'AN NA NASA MGA KAMAY NATIN NA IPINANGAKO NG ALLAH ANG PANGANGALAGA DITO?

Katotohanan ang Rafidah na tinatawag na (SHIA) sa panahon natin ngayon ay nagsasabing tunay na ang Qur'an na nasa atin ay hindi siya ang ibinaba (ipinahayag) kay Muhammad e, bagkus binago na at pinalitan, dinagdagan at kinulangan. Ang karamihan sa mga pantas sa Hadith mula sa Shia ay naniniwala sa pagbago ng Qur'an tulad ng nabanggit ni An-Nouri At-Tabrasi sa kanyang aklat na (Faslul Khitab fi Tahreef Kitab Rabbil Arbab)[25].

At sinabi ni Muhammad bin Ya'qub Al-Kulaini sa (Usulul Kafi) na nasa kabanata na (Katotohanan walang nakatipon ng buong Qur'an kundi ang mga Imam). : ((Ulat mula kay jabir na nagsabi, narinig ko si Abu Ja'afar na nagsasabi:" Walang sinumang tao ang umangkin na tunay na kanyang tinipon ang buong Qur'an ayon sa pagbaba nito ng Allah kundi isang sinungaling, walang tumipon at nagsaulo nito ayon sa pagbaba nito ng Allah maliban kay Ali bin Abi Talib at ang mga Imam pagkatapos niya))[26].

At ulat mula kay jabir buhat kay Abu Ja'afar- sumakanya ang kapayapaan- katotohanan kanynag sinabi: ((Hindi kaya ng sinuman na angkining nasa kanya ang buong Qur'an hayag nito at lingid maliban sa mga tagamana))[27].

Mula kay Hisham bin Salim nag-ulat mula kay Abi Abdullah- sumakanya ang kapayapaan- kanyang sinabi: ((Ang Qur'an na dala ni Jibreel- sumakanya ang kapayapaan- kay Muhammad e ay may labing pitung libo na talata))[28], ang kahulugan nito ay katotohanan, ang Qur'an na inangkin ng Rafidah ang mas marami kaysa Qur'an na nasa ating mga kamay na ipinangako ng Allah ang pangangalaga nito nang tatlong beses!! Magpakupkop tayo sa Allah laban sa kanila.


At binanggit ni Ahmad At-Tabrasi sa kanyang aklat na (Al-Ihtijaj): katotohanan, sinabi ni Umar kay Zaid bin Thabit: Tunay na si Ali ay nagdala ng Qur'an na naglalaman ng mga iskandalo (kasamaan) ng mga Muhajireen at Ansar at aming nakikitang tayo ay gagawa ng Qur'an at tatanggalin natin ang anumang iskandalo at paninirang-puri sa mga Muhajireen at Ansar at siya ay sinang-ayunan ni zaid, at pagkatapos. Sinabi niya:" kung aking matapos ang Qur'an sa inyong hiniling at ilabas ni Ali ang Qur'an na kanyang tinipon, hindi ba ito nagpapawalang-bisa sa anumang ginawa ninyo? Sinabi ni Umar:"Paano natin madaya? Sinabi ni Zaid:" Kayo ang nakaaalam ng paraan para mandaya!, kaya sinabi ni Umar:" Wala ng paraan para mandaya kundi patayin siya at makapagpahinga laban sa kanya at siya ay nagplano sa pagpatay (kay Ali) sa mga kamay ni Khalid bin Al-Walid at hindi nito nakayanan.


Nang pumalit si Umar bilang Khalifa, hiniling niya kay Ali na ibigay sa kanila ang Qur'an upang mabago nila ito at sinabi ni Umar:" O Ama ni Al-Hassan, maibigay mo sana ang Qur'an na siyang dinadala mo noon kay AbuBak'r upang mapagkaisahan natin, kanyang sinabi:"Malayo mangyari! Wala na itong paraan, dinala ko lang naman it okay AbuBak'r upang maging katibayan laban sa kanya at hindi ninyo masasabi sa araw ng muling pagkabuhay ((Katotohanan kami ay hindi nakakaalam nito)).[29], O sabihin ninyong: ((Hindi ka dumating sa amin)).[30], Katotohanan, itong Qur'an ay walang makakahawak kundi mga dalisay at tagapangalaga nito mula sa aking anak, at sinabi ni Umar:" Mayroon bang takdang panahon ang pagpapalabas nito? Sinabi ni Ali:"Oo, kapag tumayo ang (takdang) tatayo mula sa aking anak ay ilalabas ito at isatagubilin sa tao.[31]


Kahit ano pagtatakwil ang gagawin ng Shia sa aklat ni An-Nouri At-Tabrasi bilang pagsasakatuparan ng Taqiyyah (pagkukunwari) ay katotohanan, ang aklat ay naglalaman ng daan-daang teksto mula sa kanilang mga pantas sa kanilang mga mapapanaligang aklat, tiniyak nito na sila ay nakakatiyak na nabago ang Qur'an at kanila itong pinaniniwalaan ngunit ayaw lang nilang pagpiyestahan (ng mga tao o pag-aawayan) ang kanilang maling paniniwala sa Qur'an.


At ang nalalabing paniniwala pagkatapos nito ay tunay na mayroong dalawang Qu'ran, ang una ay alam at ang iba ay lingid at kabilang (sa lingid) ay Kabanata ng Al-Wilaya at kabilang sa inaakala ng Shia Rafidah na tinanggal mula sa Qur'an ay nabanggit ni An-Nouri At-Tabrasi sa kanyang aklat na (Faslul Khitab Fi Tahreef Kitab rabbil Arbab) talata: ((at ginawa ka naming kapuri-puri sa pamamagitan ni Ali na iyong manugang)), inakal nila na ito ay tinanggal mula sa Surah Alam Nash'rah, hindi man lang sila nahihiya mula sa ganitong maling akala sa kabila ng kanilang kaalaman na ang kabanatang ito ay Makkiyah (ipinahayag sa Makkah0 at si Ali ay hindi pa nagging manugang ng Propeta e sa Makkah.

"Tama Bang may Takdang Dua Araw Araw sa Buwan ng Ramadan"

Assalamo Alaykom warahmatullahi wabarakatuho

Tanong: Mayroon ba talagang takdang panalangin (Du'a) sa bawat araw ng Ramadhan gaya ng kumakalat?

Sagot: Walang napatunayan na takdang panalangin (Du'a) sa bawat araw ng Ramadhan mula sa Propeta Muhammad [sumakanya nawa ang pagbati at kapayapaan] at wala ring tumpak na ulat na mula sa mga naunang mabubuting Muslim (Salaf) na ginawa nila ang paraan ng pagtatakda ng dua o panalangin tulad ng nabanggit sa tanong; halimbawa ang unang araw ng Ramadhan ay may takdang panalangin (Du'a).

Sinabi ni Shiekh BIn Baz:" ...Ang mga takdang Adh'kar (paggunita) at takdang panalangin (Du'a) ay walang batayan..."[16/61-62]

bagkus napapaloob sa panalangin (Du'a) sa huling araw ng ramadhan ang kasuklam-suklam na paniniwala (Aqeedah), ito ay ang panalangin sa Allah sa pamamagitan ng karapatan ng Propeta [sumakanya ang kapayapaan].

Oo ito ay hindi Shirk bagkus binalaan na tayo ng mga pantas sa ganitong panalangin sapagkat daan ito upang masadlak ang tao sa Shirk [pagtatambal].

at maraming pantas ng Islam na nagsabing ito ay "BID'AH" kabilang na si Shiekh Bin Baz (Rahimahullah) [7/129-130].

kaya bilang kapatid ninyo sa Islam; pinapayuhan ko ang lahat kabilang na ang aking sarili na iwasan ang mga uri ng pagsamba na hindi naman napatunyang ginawa ng Propeta o kanyang katuruan; siguraduhing ang mga ganitong bagay upang hindi maligaw at hindi mailigaw ang iba.

ALLAHU A'ALAM


ni: Ustadz Salamodin Doton  Kasim