Monday, March 24, 2014

"Oh Aking Ina! Umm Ayman"


Ummu Ayman Barakah Bint Tha'alabah رضي الله عنها

Oh Aking Ina:

* Ummu Ayman, barakah; pinaghalong biyaya at kaligayahan sa katauhan ng mabuting Sahabiyah (1) na ito, na nagkamit ng parangal mula sa Sugo ng Allaah صلى الله عليه وسلم.                                      

* Ang pinagpalang Sahabiyah na ito ay nasaksihan ang lahat ng baitang ng Propesiya at nakasabay ang mga Islamikong kaganapan mula A hanggang Y(2).                        

* Namuhay bilang isang alipin at bilang isang Malaya, asawa at ina.                                                                           
* Siya noon ay tagapangalaga ng Dakilang Propeta صلى الله عليه وسلم at naging kabiyak ng taong mahal ng Sugo ng Allaah صلى الله عليه وسلم na si Zaid bin Haritha, Ina ng Martir na si Ayman bin Ubayd Al-Khajraji at Ina ng Prinsipe ng mga pinuno at kabalyero mula sa mga kabalyero ng  Sugo; ang mahal na anak ng mahal [ng Sugo ng Allaah  ] na si Osama bin Zaid [kalugdan nawa silang dalawa ng Allaah].                                                          

* At ngayon sino nga ba itong si Ummu Ayman at ano ang kanyang pagkatao?                                                                
Ito'y sa pamamagitan ng pangalan ng kanyang anak na si Ayman buhat sa kanyang asawa na si Ubayd bin Zaid Al-Habashi, at siya'y tinatawag na alipin ng Sugo ng Allaah صلى الله عليه وسلم at kanyang kasambahay. 
                                                 
* Ang dakilang babaeng ito ay nakilala ang Propeta noong sanggol pa lamang at nakilala rin nang siya ay isang binata na, isang Propeta at Sugo, isang asawa, ama at lolo,  sinasabi sa kanya noon ng dakilang Propeta : (O Aking Ina)
                                                                                         
Siya ay namuhay pa pagkaraan ng kamatayan ng propeta  nang ilang taon; siya'y itinuturing na isa sa mga sanggunian ng talambuhay ng propeta .  
                           
* At ngayon tayo ay papasok sa kalawakan ng talambuhay ng dakilang Sahabiyah na ito, isa sa mga babaeng muslim na may bahagi sa kasaysayan ng Islam.                               

ANG MABUTING TAGA PAG-ALAGA

* Binanggit ng Eskolar sa Talambuhay ng Propeta na si Mohammad bin Ishaq – kaawaan nawa ng Allaah- katotohanan si Abdullah bin Abdulmutallib ay namatay at ang Propeta ay nasa sinapupunan pa lamang ng inang si Aminah bint Wah'b at tunay na ang naiwan ni Abdullah para sa batang nasa sinapupunan ay limang kamelyo, mga kambing, isang namanang espada, pilak at isang alipin; siya si Ummu Ayman barakah Al-habashiyah na ating dakilang  Tauhan ngayon, at inaalagaan siya (صلى الله عليه وسلم) ni Ummu Ayman at tinatawag nitong UMMIE [aking ina].       
  
 * At ipinadala ang Propeta sa Bani Saad upang pasusuhin, at siya'y ibinalik ni Haleemah As-Saadiyah sa kanyang ina na si Aminah sa kanyang ikalimang taong gulang, nang umabot ng anim na taong gulang dinala siya ng kanyang ina sa Madinah upang dalawin ang Bani An-Najjar, mga tiyuhin ng kanyang lolo na si Abdulmuttalib at kinuhang kasama sa pagdalaw na ito si Ummu Ayman, nang sila ay bumalik sa Makkah; nagkasakit si Aminah sa daan at binawian ng buhay sa Al-Abwa'-isang nayon sa pagitan ng Makkah at Madinah- at umupo si Muhammad  na umiiyak dahil sa pagkawalay sa ina na nagdulot ng malaking epekto sa kanyang sarili at nanatiling Ala-ala hanggang pagkatapos ng paglikas [sa Madinah]. Tunay na tumingin ang Propeta  sa tahanan ng Bani An-Najjar nang siya'y lumikas at sinabi: " Dito ako ibinaba ng aking Ina at nasa lugar na ito ang puntod ng aking ama na si Abdullah at napagbuti ko ang paglutang [paglangoy] sa balon ng Bani Adi bin An-Najjar".      
                                    
* At sa masakit na kalagayang ito; Lumabas si Ummu Ayman upang maisagawa ang kanyang katayuan sa pagitan ng mga kababaihan na silang nag-iwan ng malinaw na bakas sa kasaysayan at tunay na ninais ng Allaah - Ang Maluwalhati, Ang Kataas-taasan- para sa kanya ang lahat ng kabutihan, at ibinalik niya ang Propeta  at naging taga pag-alaga  at Inialok nya ang sarili upang siya'y (صلى الله عليه وسلم)  alagaan at paka-ingatan, ibinuhos nito ang kanyang (Umm Ayman) pagmamahal gaya ng ginawa sa kanya (صلى الله عليه وسلم) ng kanyang Lolo na  si Abdulmuttalib sa pamamagitan ng kanyang (صلى الله عليه وسلم)  pagmamahal din at ito'y ginantihan ng Allaah ang pagmamahal ng kanyang dalawang magulang (Aminah at Haleemah)  ng isa pang pagmamahal ng kanyang lolo at ni Ummu Ayman at lubos na naawa sa kanya si Abdulmuttalib at lagi nito ibinibilin sa taga pag-alagang si Ummu Ayman: " O Barakah huwag mong pababayaan ang aking anak sapagkat natagpuan ko siyang nanggilalas kasama ang mga kabataan at tunay na ang mga angkan ng kasulatan ay naniniwala na ang aking anak na ito ay Propeta ng sambayanang ito".   
          
* At si Abdulmuttalib ay nasisiyahan sa anumang nakikitang mga tanda ng karangalan at pagiging bukas-palad sa kanyang apo na si Muhammad at nagbibilin sa kanyang mga tiyuhin na kanyang sinasabi: " Hayaan na ninyo ang aking anak, tunay na mayroon siyang mabuting kinabukasan".                                                                        

* Subalit dinatnan ng kamatayan si Abdulmuttalib pagkatapos niyang magbilin sa anak na si Abu Talib para sa pangangalaga sa Propeta at pang-iingat sa kanya. Nalungkot ang propeta  ng labis na pagkalungkot at siya noon ay isa pang batang paslit.    
                                      

* Tunay na tinanong si Propeta :" Naaalala pa ba ninyo ang pagkamatay ni Abdulmuttalib? Kanyang sinabi:" Oo, ako sa panahong iyon ay walong taon gulang".  

                       
* At isinasalaysay ni Ummu Ayman ang kalungkutan ng Dakilang Sugo  sa kanyang lolo at nagsasabi: " Aking nakita ang Sugo ng Allaah  sa araw na iyon na umiiyak sa likod ng kama ni Abdulmuttalib". 

                                          
TUNAY NA IKAW AY MAPALAD 

* Lalo pang nadagdagan ang pag-aalaga ni Ummu Ayman sa Propeta  tulad ng pagtatanggol sa kanya ni Abu Talib at ang kanyang asawa na si Fatimah bint Asad nang natatanging pag-iingat, at pinangalagaan siya ng Allaah sa pamamagitan ng Kanyang habag at ginawang bukod-tangi sa pamamagitan ng kanyang biyaya, samakatuwid, pagsapit ng umaga'y maayos ang kanyang buhok na may tina sa pilikmata hindi katulad ng ibang kabataan na hindi ganoon ang kalagayan pagsapit ng umaga. Naiulat ni Ibn Abbas- kalugdan nawa silang dalawa ng Allaah- kanyang sinabi: " Ang mga anak ni Abu Talib ay may mga muta sa mata at magulo ang buhok pagsapit ng umaga;samantalang si Muhammad  ay maayos ang buhok at may tina sa pilimata at lubos siyang minamahal ni Abu Talib".                                                                          
* At nagsalaysay si Ummu Ayman tungkol sa biyayang ito at sinabi: "Hinding-hindi ko nakita ang Sugo ng Allaah  na nagreklamo sa gutom at uhaw; bagkos pagsapit ng umaga ay umiinom mula sa tubig ng Zamzam; at minsan inaalok namin siya ng tanghalian at siya'y nagsasabi:" Ayaw ko po, busog pa po ako".       
                                                    
* At palagi noon sinasabi ni Abu Talib sa Dakilang Propeta: " Katotohanan, ikaw ay tunay na mapalad [mabiyaya], dahil sa kanyang nakikitang biyaya at mga mabubuting tanda na pumapalibot sa pamilya ni Abu Talib"                               

ANG PAGPAPALAYA SA KANYA NG KANYANG ASAWA

* Naging Binata na ang Sugo ng Allaah  at tinatawag parin si Ummu Ayman na "O aking Ina", tunay na siya'y nagsilbing  taga pag-alaga at ina ng Propeta at inaalagaan nang mabuting pag-aalaga, at nang mapangasawa ng dakilang Propeta si Khadijah bint Khuwailid - kalugdan nawa siya ng Allaah- ay pinalaya niya si Ummu Ayman at pinakasalan siya (Umm Ayman) ni Ubayd bin Zaid Al-Khajraji, ipinanganak niya [mula kay Ubayd] si Ayman- at si Ayman ay nakasama sa paglikas, Jihad at napatay [bilang martir] sa digmann ng Hunain- kalugdan nawa ng Allaah- at mula sa kanyang pangalan ang palayaw [ni Ummu Ayman] -kalugdan nawa silang dalawa ng Allaah-.
                                
* Hindi naputol ang paggalang ng dakilang Propeta kay Ummu Ayman bagkos patuloy parin itong bukas-palad sa kanya at dinadalaw, at kapag napatingin ang Sugo ng Allaah  sa kanya, kanyang sinasabi: (Ito ang natitirang Kamag-anak ko) gaya ng kanyang pagtawag sa kanya ng: (O aking ina).                                                                                
* At sa aklat na (tahzibul Asma wal Lugat) binanggit ni An-Nawawi -kahabagan nawa ng Allaah-katotohanan ang Sugo  ay nagsasabi: (Si Ummu Ayman ay aking ina pagkatapos ng aking ina).                                                      
* At nang gampanan na ni Muhammad ang Kanyang tungkulin bilang sugo ng Allaah, si Ummu Ayman ay kabilang sa mga taong naunang yumakap sa Islam, at kabilang sa mga naniwala sa mensahe ni Muhammad , binanggit Ibn Al-Athir Al-Jazari sa kanyang mahalagang aklat na (Asadul Gabah) kanyang sinabi: " Siya [Ummu Ayman] ay naunang nagmuslim sa unang panahon pa lang ng Islam at sa unang araw mula sa mga araw ng kanyang pagpasok sa Islam ay sumanib na sa hanay ng mga kababaihang muslim kaya't iniwan siya ng kanyang kabiyak na si Ubayd bin Zaid at tumangging maging muslim kaya pinaghiwalay sila ng Islam."
                
* Si Khadijah bint Khuwailid - ina ng mga mananampalataya- ay umaangkin na [bilang pagmamay-ari] si Zaid bin Haritha, binili para sa kanya ni Hakeem bin Hizam bin Khuwailid sa pamilihan ng Okaz at hiniling ng Propeta  sa kanyang kabiyak na si Khadijah na ipagkaloob sa kanya si Zaid at ito ay ipinagkaloob sa kanya kaya't si Zaid ay naging pagmamay-ari ni propeta at ito ay pinalaya [tinubos mula sa pagkaalipin] at pagkatapos ay ipinakasal sa kanyang taga alaga na si Ummu Ayman at ginawang [kabilang sa makakapasok sa ] Paraiso, ipinanganak niya [mula kay Zaid] si Osama at mula [kay Osama] ang kanyang palayaw kalugdan nawa silang lahat ng Allaah at taglay ng mabiyayang pamilya na ito ang mabuting katayuan sa panahon ng propesiya [panahon ng Propeta] at sa unang panahon ng Islam.
                                              
* Nabanggit ni Ibn Athir- kaawaan nawa siya ng Allaah- katotohanan si Ummu Ayman ay matagal ng naging Muslim at lumikas patungong Ethiopia at pagkatapos ay sa Madinah, ang kanyang paglikas patungong Madinah ay may kawili-wiling kuwento na tumutukoy sa parangal sa kanya ng Allaah - Ang Maluwalhati, Ang Kataas-taasan-.    
    
* Ating pakinggan ang parangal na ito na iginawad ng Allaah sa Babaeng Mananampalataya, Matatakutin at dalisay, tunay na binanggit ni Ibn Saad at iba pa ang karangalang ito at sinabi: " Nang lumikas si Ummu Ayman inabutan siya ng hapon sa lugar na Munsarif malapit sa Rawha at siya ay nauhaw, at wala siyang dala na tubig habang siya'y nag-aayuno kaya't pinahina siya ng uhaw; magkagayon, may iniabot na balde sa kanya mula sa langit na may tubig na may puting lubid, kanyang kinuha at uminom mula rito hanggang siya ay mabusog at kanyang sinasabi: Hindi na ako nauhaw pagkatapos kung makainom at tunay na ako ay tinamaan ng uhaw sanhi ng pag-aayuno sa Hawajir kaya't   hindi na ako nauhaw pa pagkatapos ng pag-inom na iyon at kahit ako noon ay nag-aayuno na mainit na mainit ang araw , hindi ako nauuhaw".  
                                                                           
* Tunay na ito ay karangalan mula sa Allaah –Ang Kataas-taasan- dahil sa kanyang paglabas tungo sa Kanyang landas na hangad ang Kanyang habag at kasiyahan, dahil dito binanggit siya ni Abu Na'eem nang isulat ang kanyang pagkatao at sinabi: " At kabilang sa kanila si Ummu Ayman; lumikas ng naglalakad, nag-aayunong gutom, tumatangis na umiiyak, nakainom nang walang nagpainom sa kanya ng inuming buhat sa langit na nagsilbing lunas at sapat para sa kanya".
                           
MGA LARAWAN NG KANYANG PAGPUPUNYAGI

* Naipon kay Ummu Ayman -kalugdan nawa siya ng Allaah- ang mga mabubuting katangian kung saan dapat itong taglay ng isang babae, subalit bilang karagdagan sa kapuri-puri niyang katangian ay taglay pa niya ang iba pang kahanga-hangang katangian sa mga pahina ng kanyang buhay; ito ay ang katangiang pagpupunyagi, tunay na siya'y tumanggi maliban na sumama sa Sugo ng Allaah at ang mga magigiting ng Islam sa paglaban sa mga hindi-mananampalataya upang mangibabaw ang salita ng Allaah at ang salita niyang di-naniniwala ay maging pinakamababa at may tanyag na katayuan [bahagi] si Ummu Ayman sa mga digmaang kanyang nasaksihan, itinala ito ng kasaysayan sa pamamagitan ng mga letra mula sa liwanag.                                                                     
* At ngayon hayaan niyo kaming masiyahan sa mga linyang ito kasama ang pagpupunyagi [pakikibaka] ni Ummu Ayman at ating masaksihan ang kanyang tapang at mga dalisay na Gawain.                                                          
* Sa digmaan ng Uhud ay lumabas si Ummu Ayman -kalugdan nawa siya ng Allaah- kasama ang mga kababaihan at ang naging tungkulin ni Ummu Ayman ay paggamot sa mga nasugatan at pag-alaga sa kanila , pagpapainom sa mga nauuhaw mula sa mga mandirigma [mujahidin], binanggit ng ating pinuno na si Ka'ab bin Malik -kalugdan nawa siya ng Allaah- ang naging tungkulin ni Ummu Ayman at kanyang sinabi: "…At ang naging tungkulin ni Ummu Ayman ay ang pagpapainom sa  mga nasugatan".                                                                             
* at habang isinasagawa ang pagpapainom ng mga sugatan ay tinamaan siya ng palaso sa kamay ng isa sa mga hindi-mananampalataya siya si Habban bin Al-Arqah at siya ay natumba, napatawa ng malakas si Habban, dahil doon naging mahirap ito sa Sugo ng Allaah  kaya't ibinigay kay Saad bin Abi Waqqas ang isang palasong walang talim at sinabi: " Panain mo", at tinamaan si Habban, siya'y natumba, tumihaya at nakita ang maselang bahagi ng katawan kaya't natawa ang Sugo ng Allaah  hanggang sa nakita ang kanyang bagang at pagkatapos kanyang sinabi: ( Gumanti sa kanya si Saad, tinugon ng Allaah ang iyong panalangin at itinuwid ang iyong pagpana). 
                                                                             
* At ipinagpatuloy parin ng matapang na mujahidah [Ummu Ayman] ang kanyang tungkulin at mayroon siyang nagawa na tumutukoy sa kanyang katapangan at katalinuhan, nang sumuway ang mga tagahagis ng pana ang utos ng Propeta  sa digmaan ng Uhud at natalo ang ilang Muslim sinalubong sila ni Ummu Ayman at tinatapunan niya ng lupa ang kanilang mga mukha at kanyang sinasabi: " Ito ang kidkiran; iyong gamitin at ibigay mo ang iyong espada at pagkatapos ay tumungo sa Sugo ng Allaah  upang mabatid ang kalagayan kasama ang mga kababaihan hanggang sa naging panatag ang kalooban dahil sa kanyang (صلى الله عليه وسلم) kaligtasan at pinuri ang Allaah - Ang Kataas-taasan-.                                                                       
KANYANG KATAYUAN SA KHAYBAR

* Sa digmaan ng Khaybar; nagkaroon ng kaaya-ayang katayuan si Ummu Ayman na hindi bababa sa kanyang naging Gawain sa Uhud, tunay na lumabas kasama ang Sugo ng Allah  mula sa Madinah ang dalawampung kababaihan, isa na sa kanila si Ummu Ayman,Ummu Ammarah, Naseebah bint Kaab, Ummul Ala Al-Ansariyah at iba pa,at si Ayman na anak ni Ummu Ayman ay hindi nakasama sa mga digmaang ito sanhi ng kalagayang siyang pumigil sa kanya kaya't nakapagsalita  siya [ng ina] na duwag at takot samantalang [alam natin na ] si Ayman ay kabilang sa mga kabalyero ng Propeta , tunay na pinigilan siya ng sakit ng kanyang kabayo upang hindi makalabas, katotohanan tinukoy ito ni Hassan bin Thabit at sinabi: " makatuwiran [ang hindi pagsama] ni Ayman -kalugdan nawa ng Allaah-, at binabanggit rin ang kanyang tapang at naitala ang kahigitan ng ina at katayuan:  
             
Nang sabihin kay Ayman ng kanyang ina…ika'y naduwag at hindi nakasama sa mga kabalyero ng Khaybar

Subalit hindi naduwag si Ayman ngunit napinsala ang kanyang kabayo ng pag-inom ng nakahihilo na harinang may halong tubig.                                                                  

Kaya't kung hindi lamang dahil sa nangyari sa kanyang kabayo…tunay na siya'y makikipaglaban bilang kabalyero nang walang kahirap-hirap [hindi kalewete]…                         

Subalit tunay na nahadlangan siya ng nangyari sa kabayo at ito ay hindi madali para sa kanya.  

                               
ANG MATIISIN SA DIGMAAN NG MU'TA AT HUNAIN


* Sa kasaysayan ng Mu'ta, lumabas ang ating pinunong si Zaid bin Harith -ang mahal ng Sugo ng Allaah - bilang pinuno ng lahat ng mga kawal at sa Mu'ta namatay bilang martir kasama si Ja'afar bin Abi Talib at Abdullah bin Rawaha at isinasalaysay ng Dakilang Propeta sa kanyang mga kasamahan ang tungkol sa pagkapaslang [martir] ng tatlong pinuno, at ang nauna sa kanila ay si Zaid at nang matanggap ni Ummu Ayman ang balita sa pagkamatay ng kabiyak ay ipinaubaya na lamang sa Allaah na hangad niya'y gantimpala at nagtiis at itinuro [na rin] sa anak na si Osama ang pagtitiis, itinanim sa kanyang diwa ang katapangan at pagiging matatag upang maipaghiganti ang kanyang ama laban sa mga hindi-mananampalataya at sa pangyayaring ito naging mabuting huwaran si Ummu Ayman sa pagtitiis at pagtanggap sa naitakda ng Allaah.       
* at ang kasunod ay digmaan sa Hunain, at Lalabas si Ummu Ayman -kalugdan nawa siya ng Allah- kasama ng mga lumabas na kababaihan, at sa pinagpalang digmaang ito maraming [bagay] ang naibahagi ni Ummu Ayman, itinulak ang dalawang anak na si Ayman at Osama upang maging  katabi ng Sugo , nakasama rin siya sa pagpapainom ng mga nasugatan , tulad ng kanyang pagbahagi sa pamamagitan ng kanyang dila sa panalangin para sa mga Muslin at paghingi ng tulong mula sa Allaah para sa kanila.                                                           
* At hindi makakalimutan na ang anak na si Ayman ay kabilang sa grupo mula sa mga Muhajirin at Ansarna silang nanatiling matatag kasama ang Sugo ng Allaah  sa Hunain at kabilang din sa kanila sina: Al-Abbas bin Abdulmuttalib,Ali bin Abi Talib, Abu Sufyan bin Al-Harith bin Abdulmuttalib, Ayman bin Ubayd AL-Khajraji, Osama bin Zaid,Abu Bak'r, Omar, Haritha bin An-Nu'man at iba pa, at tunay na naging mabuting halimbawa si Ayman bin Ubayd sa pagiging matapang at pagtatanggol sa Sugo ng Allaah  at siya'y napaslang [martir] at nakasama ang kanyang Panginoon sa mga hardin na kasing-lawak ng mga kalangitan at ng kalupaan,na inihanda para sa mga may Takot [sa Allah].      
                                                          
* At tiniis rin ito ni Ummu Ayman at ipinasa Allaah na lamang ang nangyari sa anak na hangad niya ang kasiyahan [ng Allah] at ng Kanyang Sugo .         
               
* Naging Gawain [na rin] ni Ummu Ayman -kalugdan nawa ng Allaah- ang pagsilbi sa Propeta  at pagpapahalaga sa kanya at mayroon siyang mataas na katayuan sa dakilang Propeta, at ang Sugo  ay siyang pinakamaalam mga tao, at tunay na siya'y tumingin at nakita ang busilak ng pagkatao at puso ni Ummu Ayman kaya't inilagay ito sa mataas na katayuan na para bagang kabilang na si Ummu Ayman sa kanilang pamilya nang sabihin niya sa kanya : " Takpan mo ang iyong kaluguran O Ummu Ayman"
   
* Naiulat ni Ali bin Burhanuddin Al-Halbi sa kanyang magandang aklat na kasaysayan ang isang ulat na tumutukoy sa antas ni Ummu Ayman sa sarili ng Sugo , naiulat mula kay Aisha bint Siddiq - kalugdan nawa ng Allah- kanyang sinabi: " Isang araw uminom ang Sugo ng Allaah  at naroroon sa kanya si Ummu Ayman at sinabi: (O Sugo ng Allaah painumin mo ako; sinabi [ni Aisha]: " nasasabi mo ito sa Sugo ng Allaah?, sinabi nya [Ni Ummu Ayman]:" ang aking pagsilbi sa kanya ay mas marami. Kaya't sinabi ng Propeta : (tama ang sinabi niya) at ito ay pinainom". 
                                                                            
* at ito si Anas bin Malik - kalugdan nawa ng Allaah- ikinukuwento ang antas [katayuan] ni Ummu Ayman at kanyang sinasabi: (Ako'y pumunta kasama ang propeta  patungo kay Ummu Ayman, dadalawin namin siya at inilapit sa kanya ang pag-kain o inumin, at [hindi kinain ng Propeta ] na maaaring siya ay nag-aayuno o hindi niya nagustuhan kaya't pinipilit [nitong kumain], at ayon sa ibang ulat- "pinapatawa niya [ang Propeta ],at napapangiti lamang ang Propeta  dahil sa mga inaasal ni Ummu Ayman -kalugdan nawa ng Allah-. 
                              
* At ang nakakawili ay itong si Ummu Ayman ginawa ang lahat ng makakayanan upang maging mapagbigay sa Sugo ng Allaah, katotohanan naiulat na siya'y nagsala ng harina at ginawa itong tinapay para sa Propeta  at kanyang sinabi: " Ano ito? Kanyang sagot: ( isang pagkain na aming ginagawa sa aming lugar [ sa Ethiopia] at nais kong gawing tinapay para sa iyo, sinabi ng Propeta :" Ibalik mo na lang at gawin na lamang itong Ajeen [harinang may halong tubig]".     
                                         
* At kabilang sa maidaragdag sa antas [katayuan] ni Ummu Ayman ay katotohanan nasa kanya ang pamimitagan [pagpapahalaga] ng Dakilang Propeta , tunay na nabanggit ng ilang mananalaysay na siya ay kulay itim, at ipinanganak si Osama na kakulay niya samantala ang ama [ni Osama] na si Zaid bin Haritha ay maputi, at magkagayon; ang mga mapagkunwari [Munafiq] ay nililibak at naninirang-puri kay Osama bin Zaid sa kanyang pinagmulan [angkan] at kanilang sinasabi: " Hindi siya anak ni Zaid", at ito ay gumagambala sa Dakilang Propeta  hanggang sa lumitaw ang katotohanan, tunay na naisalaysay [ni Bukhari At Muslim] buhat kay Aisha ina ng mga mananampalataya - kalugdan nawa ng Allaah- kanyang sinabi:      ( Pumasok sa akin ang Propeta  na Masaya at sinabi: Alam mo bang si Mujazzaz Al-Mudlaji ay pumasok sa akin at nakita si Osama at Zaid, natatakpan ng pelusa ang kanilang mga ulo at nakalabas ang mga paa at sinabi: (katotohanan ang mga paa na ito ay mula sa isa't isa).                                   
* at mayroon din nakakawiling kuwento na nagpapatunay sa katayuan ng dakilang Sahabiyah na si Ummu Ayman na kanyang taglay sa sarili ng Sugo ng Allaah  at tinutukoy rin nito ang kanyang pagmamahal sa Sugo ng Allaah at kanyang paggalang at parangal kaya't hayaan na lang natin ang taong nasaksihan ng mga mata niya ang siyang magsasalaysay sa atin tungkol sa kawili-wiling kuwento na iyon.                                                                     
Naiulat  ni Anas bin Malik - kalugdan nawa ng Allah- katotohanan may isang lalaki na nagbibigay sa Propeta  ng mga puno ng palmera o anumang kanyang nais mula sa kanyang kayamanan o anuman kanyang naisin hanggang sa masakop niya ang Quraidha at Nadhir at ibinabalik ang anumang ibinigay sa kanya [ng lalaki], inutusan ako ng aking pamilya upang siya'y puntahan at hingin sa kanya ang kanilang ibinigay sa kaniya o ilang bahagi nito at ang Propeta  ay binigyan si Ummu Ayman o anumang nais ng Allah, kanyang sinabi: humingi si [Ummu Ayman] sa kanya at siya ay binigyan, at dumating [ sa akin] si Ummu Ayman at pinilipit ang damit sa aking leeg at sinasabi: (Hindi! Sumpa man sa Allaah na walang dapat sambahin liban sa Kanya, hindi namin ito ibibigay sa iyo, tunay na ito ay ibinigay niya [Propeta ] sa akin, sinabi ng Propeta : (O Ummu Ayman iwan ang ganito ganyan…) at siya'y nagsasabi: ( Hindi! Sumpa man sa Allah maliban kung magbigay siya ng sampung katulad nito- at sa ulat mula sa Saheeh kanyang sinabi: (Hindi! Sumpa man sa Allah maliban kung magbigay ng sampung katulad nito).  
                                                                       
* At ganoon ang pagkamatuwain ni Ummu Ayman hindi nalulugod hangga't hindi niya nakukuha ang gusto at tunay na ipinagkaloob sa kanya ng Dakilang Sugo ang anumang ninais at nakamit [nga] ang kaligayahan at karangalan -kalugdan nawa siya ng Allaah-.    
                                            
ANG NAKANGITING DAKILANG PROPETA

* Nakaugalian ng dakilang Propeta  ang pakikipagbiro sa kanyang mga kasamahan  –kalugdan nawa sila ng Allah- ito ay upang sila ay pasayahin at mayroong nakawiwiling pangyayari sa kanya kasama ang taga alaga na si Ummu Ayman, isa na rito ang naiulat na katotohanan, si [Ummu Ayman] ay dumating at sinabi: (O Sugo ng Allaah dalhin mo ako) sagot [ng Propeta]: (Isasakay kita sa anak ng kamelyo) kanyang sinabi: (hindi niya ako kaya at ayaw ko) sinabi [ng Propeta]: ( hindi kita dadalhin maliban kung ito ay[ sa pamamagitan ng] anak ng kamelyo –" na binibiro siya ng Propeta"- at ang mahal na Sugo ay nagbibiro subalit hindi siya nagsasalita kundi katotohanan [lamang] at ang lahat ng kamelyo ay anak ng babaeng kamelyo.       

* Ang Dakilang Propeta  ay tinuturuan si Ummu Ayman ng ilang bagay tungkol sa Halal at Haram, at minsan itinutuwid ito sa maayos na paraan,kabilang na dito ang naiulat ni Ummu Ayman -kalugdan nawa ng Allaah- na kanyang sinabi: (Sinabi sa akin ng Sugo ng Allaah : (Paki abot po ng khamrah [takip] mula sa Masjid) aking sinabi:" ako ay nereregla", kanyang sinabi: ( ang iyong regla ay wala sa iyong kamay).    
                                                      
* At nabanggit [din] ng mga mananalaysay na si Ummu Ayman ay natitisod minsan sa pagsasalita- sanhi ng mahirap na bigkas ng dila- at pinangangaralan na lang siya ng Dakilang Propeta  at inuutusang panatilihin ang pananahimik, kabilang na ang naiulat na siya'y pumasok sa Propeta  at sinabi: ( Salaam La Alaykom) kaya't pinahintulutan na lamang siya [ng Propeta ] na sabihin ang: (As-Salaam). Ang gusto sana niyang sabihin ay "Salaamullah Alaykom" [Ang kapayapaan ng Allah ay sumainyo]. Ganyan siya tinuturuan ng Propeta upang hindi mababago ang "Salaam" [pagbati] sa tumbak nitong hugis at upang hindi masugatan ang damdamin ng mabuting Sahabiyah na si Ummu Ayman - kalugdan nawa ng Allah-.        
                                                                         
* At ang isa pang nakakawiling pangyayari na ang Dakilang Propeta ay hindi nakakalimot ngumiti kahit na may sugat at tinuturuan ang taga alaga niya [si Ummu Ayman], ito ay nangyari sa digmaan ng Hunain na kung saan ang digmaang ito ay naging matindi sa una; Dito Nasubok ang mga mananampalataya, sila ay niyanig sumikip sa kanilang ang mundo at umatras ang karamihan sa mga tao at nanatili ang ilan sa kanila, sa mga pangyayaring iyon; tinatawag ng Sugo ng Allaah  ang mga taong umatras [sa labanan] na nanaig sa kanila ang sindak at sinasabi: ( O mga tao! Pumunta kayo sa akin, ako ang Sugo ng Allaah, ako si Muhammad Bin Abdullah, ako ang propeta, walang pagsisinungaling, anak ako ni Ibn Abdulmuttalib).                                                                        
* sa pangyayaring ito, kanyang naririnig ang taga-alagang si Ummu Ayman nananalangin sa Allaah sa sarili niyang wika [hindi arabik] at sinasabi:" SABATALLAH AQDAMAKUM, ALLAAH AQDAMAKUM, napansin ng Dakilang Propeta ang kanyang sinasabi at ang tindi ng labanan ay hindi naging dahilan upang makalimutan niyang magbiro sa kanya at siya'y humarap at sinabi: (Manahimik ka O Ummu Ayman sapagkat ikaw ay bulol). 

SI UMMU AYMAN AT ANG NAPAKATAPAT NA SI AISHA

* Nang bumalik ang Sugo ng Allaah  mula sa digmaan ng Bani Al-Mustaliq, pinamalita na ng mga taong nagparatang kay Aisha ang kanilang paratang sa kanya –kalugdan nawa ng Allah- Ina ng mga mananampalataya at siya ay dinalisay ng Allaah mula sa anumang paratang nila, sa pangyayaring ito ang pinagkakatiwalaan ng Propeta na si Umm Ayman ay Pinuri si Aisha  - kalugdan nawa ng Allaah- at kanyang sinabi: (Walang ako narinig at nakita at wala akong alam [kay Aisha] kundi kabutihan).                                                      
* Ganoon naipahayag ni Ummu Ayman dahil sa mabuting paraan na naituro ng Propeta [sa kanya] at nakamit ang marangal na antas sa Dakilang Sugo at sa asawang si Aisha ina ng mga mananampalataya           -kalugdan nawa ng Allah-.                                                                                       

SI UMMU AYMAN AT ANG MGA ANAK NA BABAE NG PROPETA

* Sa mga  Kaganapan sa Tahanan ng Propeta Palaging na andyan  si Umm Ayman tunay na nakikilahok siya sa Propeta at ganoon din sa kanyang pamilya sa kanilang mga Gawain at kasiyahan at sa araw ng kasal ng anak ng sugo ng Allaah na si Fatimah kay Ali Bin Abi Talib . Siya (Umm Ayman) At ang sahabi na si Asma Bint Umais  ay magkasamang  Inihahanda  ang mga gawain sa kasal.                                                                               
* At nang mamatay si Zainab na anak ng Sugo ng Allaah  kabilang si Ummu Ayman sa nagsagawa ng paligo sa kanya at kasama rin si Saudah bint Zam'ah at Ummu Salamah na asawa ng Dakilang propeta .                         
* At ang napakahalagang mababanggit na si Ummu Ayman ay napaliguan si Khadijah -ina ng mga mananampalataya- sa Makkah nang siya'y mamatay, ito ay nangyari bago ang paglikas ng Propeta .                                                          

ANG PAMAMAALAM NG MAHAL NA PROPETA 

* Sa buwan ng Safar, taong (11H), inihahanda ng Dakilang Propeta  ang malaking lupon ng mga hukbo at hinirang na pinuno nito si Osama bin Zaid bin Haritha at inutusang makarating ang mga kabayo sa " Al-Balqa" [ito ay lugar malapit sa Jordan] upang sindakin ang mga Romano at upang ipanumbalik ang tiwala ng mga arabo na nasa mga hangganan, pinag-uusapan ng mga tao ang tungkol sa pinuno ng hukbo; si Osama sanhi ng kanyang murang edad at sinabi ng Mahal na Propeta : (Kung siraan [pintasan] niyo ang kanyang pamumuno, tunay na sinisiraan [din] ninyo ang pamumuno ng kanyang ama noon, sumpa man sa Allaah tunay na nababagay siya sa pamumuno [kahit na sa una ay inaakala nilang hindi siya nababagay], at kahit na pinakamamahal siya sa akin,at tunay na itong [si Osama] ay pinakamamahal sa akin pagkatapos niya [Zaid].   
                                                     
Nagparada ang mga tao sa hukbo ni Osama sa lugar na may tatlong milya ang layo mula sa Madinah, subalit ang pagkakasakit ng Sugo ng Allaah ang naging sanhi ng kanilang pangamba, Ang nanay ng pinuno noon na si Ummu Ayman ay siyang nagsasagawa ng pag-aalaga sa Propeta  dahil sa kanyang pagkamalapit sa kanya gaya ng kanyang nakasanayan, at siya'y pumasok sa Dakilang Propeta  at sinabi niya: (O Sugo ng Allaah kung hayaan niyo si Osama na manatili sa kanyang kampo hanggang ika'y malunasan tunay na si Osama kapag siya ay lalabas sa kanyang katayuang ito; hindi makikinabang sa kanyang sarili. Sinabi ng Sugo ng Allaah : (Ipatupad ninyo ang pagpapadala kay Osama).pagkatapos ay sinabi kay Osama: (Pumunta ka [sa pamamagitan] ng pagpapala ng Allaah),at nagpaalam sa kanya si Osama at lumabas pumunta sa kanyang kampo at nang siya'y pasakay na; dumating ang sugo mula kay Ummu Ayman na nagsasabi: (Katotohanan ang Sugo ng Allaah ay naghihingalo na, humarap pumunta si Osama, Omar at Abu Ubaydah- kalugdan nawa sila ng Allah- hanggang sa sila ay dumating sa Sugo ng Allaah  na siya ay naghihingalo.     
     
* Namatay ang Dakilang Propeta  at Umingay [lumabas] ang masamang balita at dumilim ang kalupaan ng Madinah at himpapawid nito, nabiyak ang puso ng mga tao sanhi ng kalungkutan at tumayo si Ummu Ayman habang siya'y malungkot na iniiyakan ang Sugo ng Allaah na para bagang nakikita niya ang mga larawan sa kanyang harapan at naalala ang batang si Muhammad, ang Sugo, dakilang kakampi ng Allaah at siya naglakad habang sinasabi ang kanyang papuri:
                                                                    
O matang lumuluha, tunay na luha ang lunas nito ay luha kaya't paramihin ang pagtangis…                                   
Nang sabihin nila: Ang Sugo ay nawala at namatay na, tunay na ito ay malaking pagsubok…                              
Kayo ay umiyak sa [taong] mabuting nawala sa atin dito sa mundo, at siyang pinagbukod-tangi sa pamamagitan ng Rebelasyon ng langit…     
                                               
sa pamamagitan ng mga maraming luha mula sa iyo, hanggang sa itakda sa iyo ng Allaah ang mabuting pagtatakda…
                                                                   
tunay na wala akong alam noon na daan, at tunay [siya] dumating bilang habag sa pamamagitan ng liwanag…     

Isang bata na pagkatapos nito ay isang liwanag, at lampara na nagliliwanag sa mga kadiliman…                  
Pinakamainam na gabilya, buwis, metal at selyo na siyang kahuli-hulian sa mga Propeta.                                        
Tunay na binibigkas niya sa maayos na paraan at tula, at hindi ito kakaiba, tunay na ito ay katapatan, pananampalataya at pagpapala buhat sa Sugo ng Allaah ,katotohanan ito'y nabatid niya [mula sa kanya ] ang anumang hindi niya noon nalalaman.    
                                
* At kabilang din sa nakakawili at kapaki-pakinabang na banggitin sa pagkakataong yaon ay ang nabanggit ni Ibn Said An-Nas kanyang binanggit ang mga tula ng mga Sahabah na pumuri sa Sugo ng Allaah  sa kanyang aklat na ( Man'h AL-Mad'h) at ibinilang sa kanila si Ummu Ayman at sinabi mula sa kanyang mahabang tula:           
    
At mayroon din kay Ummu Ayman at ang anak ng Adawi na si Atikah ang tula [tulang papuri] kaya't mas mabuti ang kabuluhan nito     
                                                           
Tulad ng kanyang pagbanggit [din] sa mga kababaihang nagtula [bilang pagpuri] sa Sugo ng Allah .                      
ANG KANYANG ANTAS-KALUGDAN NAWA NG ALLAAH

* Nanatiling napangalagaan  sa  antas na Marangal at Mataas na Katayuan sa Puso ng mga Sahabah, lalong-lalo na kay Abu Bak'r As-Siddiq -kalugdan nawa sila ng Allaah-  ang sahabiyh na si Umm Ayman . Noong namatay ang dakilang Propeta ; sinabi ni Abu Bak'r kay Omar –kalugdan silang dalawa ng Allaah-: (Daanan natin si Ummu Ayman dadalawin natin siya gaya ng pagdalaw noon sa kanya ng Sugo ng Allaah , nang Makita niya[ Ummu Ayman] silang dalawa siya ay napaiyak, at sinabi nila sa kanya: (ano ang nagpapaiyak sa iyo? Kanyang sinabi: (hindi ako umiiyak dahil hindi ko na alam pumunta pa ang Sugo ng Allaah  sa akin nang mas higit noon ngunit ako ay naiiyak dahil nahinto na sa atin ang rebelasyon  mula sa langit kaya't nadala niya silang dalawa sa pag-iyak at umiyak narin silang dalawa).      
                                                               
* At sa isa pang ulat; tunay na siya'y nagsabi: ( ako ay umiiyak dahil sa rebelasyon mula sa langit na dumarating sa amin noon nang bagong kagat bawat araw at gabi, tunay na nahinto na at naitaas kaya dahil doon ako ay umiiyak at hinangaan ng mga tao ang kanyang tinuran.)

* Nanatiling taglay ng taga alaga [ng Propeta na si Ummu Ayman] ang kadakilaan ang karangalan.                              
* Naiulat sa akin ni Harmalah aliping pinalaya ni Osama bin Zaid habang siya ay nakaupo kasama si Ibn Omar biglang pumasok si Al-Hajjaj bin Ayman at nagdasal ng hindi ganap ang yuko at pagpapatirapa nito [sinabi sa kanya ni Ibn Omar]: " Bumalik ka ulit sa iyong pagdarasal". Nang siya ay tumalikod [umalis], sinabi ni Ibn Omar: Sino siya? Aking sinabi: (Siya si Al-Hajjaj bin Ayman bin Umm Ayman) kanyang sinabi: "Kung nakita lamang siya ng Sugo ng Allaah  tunay na siya'y mamahalin nito".    
          
* at ang maidadagdag sa mabuting pagkatao ng dakilang Sahabiyah na si Ummu Ayman ay ang naiulat ni Maslamah bin Muharib sinabi niya: sinabi ni Muawiyah na anak ni Abu Sufyan kay Osama bin Zaid-kalugdan nawa silang dalawa ng Allah-: "Kahabagan ng Allaah si Ummu Ayman, para nakikita ako ang kanyang mga binti na parang binti ng Ostrich".   
                                                      
Sinabi ni Osama; tunay na mas higit -sumpa man sa Allaah- kay Hind at mas marangal. Sinabi ni Muawiyah: 
" At mas marangal?!,sagot ni Osama: Oo, sinabi ng Allaah-Ang Kataas-taasan: (Tunay na ang pinakamarangal sa inyo [sa paningin] ng Allah ay ang may taglay na takot sa Allaah [pinakamatakutin sa Kanya]). 
[Al-Hujurat: 13  ]                    
* At nanatili ang paggalang kay Ummu Ayman sa mga puso, at nanatili ang kanyang mataas na antas na patuloy na nadadagdagan sa paglipas ng mahabang panahon, sa isang kawili-wiling kuwento na tumutukoy dito ang ulat na: katotohanan si Ibn Abil Furat [aliping napalaya] ni Osama bin Zaid ay nakipagtalo [argument] kay Al-Hassan na anak ni Osama bin Zaid-apo ni Ummu Ayman-sinabi sa kanya ni Ibn Abil Furat: (O anak ni Barakah-tinutukoy niya si Ummu Ayman-,kaya't sinabi ni Al-Hassan bin Osama: sumasaksi kayo [sa kanyang sinabi] at nagsampa [ng kaso] sa Hukom ng Madinah kay Abu Bak'r bin Muhammad bin Amr bin Hazm-Hukom ni Omar bin Abdulaziz- at isinalasaysay niya ang pangyayari, sinabi ni Abubak'r kay Ibn Abil Furat: Ano ang nais [mong ipahiwatig] sa iyong salita na "O anak ni Barakah"?sinabi niya: pinangalanan ko lamang siya sa kanyang pangalan, sinabi ni Abubak'r: ( nais mo [lamang ipahiwatig] ang pagmamaliit sa kanya, ang kanyang katayuan sa islam ay kanyang [mabuting] antas, at ang Sugo ng Allah  ay sinasabi sa kanya: (O aking ina,at O Ummu Ayman,[ngayon] tatawagin mo siyang O anak ni Barakah! Hindi ako tatanggalin ng Allah kung tatanggalin kita! At pinalo ng latigo ng pitumpong ulit.    
                                  
* Nananatiling inuugnay ang mga apo ni Ummu Ayman sa Sugo ng Allaah  at tinatawag sila [noon] na :            " Mga angkan ng minamahal".       
                                                   
* Namatay si Ummu Ayman -kalugdan nawa ng Allaah- pagkatapos ng Dakilang Propeta  nang limang buwan, maraming nagkasaksi at nagluksa sa araw ng kanyang kamatayan.                                                                           
* Sinabi ng Allaah: 
( Nangako ang Allaah sa mga lalaking naniniwala at sa mga babaing naniniwala- ng mga hardin sa ilalim nito ay mga ilog na umaagos, doon sila ay mamamalagi nang walang hanggan, at ng kasiya-siyang mga tahanan sa mga hardin ng walang hanggang pamamalagi. Subalit ang magandang lugod ng Allaah ang siyang pinakamalaking [gantimpala], iyan ang dakilang tagumpay).
[At-Tawbah:72].                                                    

* Si Ummu Ayman na taga Habasha [Ethiopia] ang natitirang pamilya sa Marangal ng Propeta  at isa sa mga mararangal na kababaihan na nauuna sa kabutihan.
           
* At ang dakilang Sahabiyah na ito ay isa sa mga magandang huwaran sa panahon ng propesiya [panahon ng Propeta] at isa sa mga kababaihan na hanggang sa pagkamatay ng Propeta  siya'y nalulugod sa kanila.          

* Ang mapalad na babaing ito ay kabilang [din] sa mga naunang lumikas na silang tumahak sa landas ng kabutihan kahit gaano man kahirap ang daan, at sila ay nakarating sa kanilang paroroonan, tunay na natamo ni Ummu Ayman ang magandang balita ng paraiso para sa kanya dahil sa busilak ng kanyang kalooban at dalisay ng puso, kaya nga ipinagkaloob sa kanya ng Sugo ng Allaah  ang dakilang balita- ito ang pagpasok niya ng paraiso- at binalitaan din ang makakapag-asawa sa kanya ng paraiso.                                                                                    
* Ang magandang balita ay naiulat ni Fudail bin Marzuq buhat kay Sufyan bin Aqabah kanyang sinabi: pinararangalan, pinakitutunguhan ng mabuti ang Propeta  at tumatayo para sa kanya [bilang paggalang] at sinasabi [ng Propeta]: " Sinuman ang nais niyang mag-asawa ng isang Babae mula sa Paraiso ay pakasalan si Ummu Ayman".
                                                                                
Sinabi niya: pinakasalan siya ni Zaid bin Haritha -kalugdan nawa ng Allaah- isa sa mga dakilang Sahabah at minamahal ng Sugo ng Allaah at aliping kanyang binigyan ng kalayaan, at isa sa mga naunang yumakap sa islam, nang marinig ang salitang ito ng Dakilang Propeta  at nagmadali siyang pakasalan [si Ummu Ayman] at ipinanganak niya sa kanya si Osama -ang minamahal na anak ng minamahal- at ano ang makapagpapaliwanag sa iyo kung ano ang minamahal na anak ng minamahal- kalugdan nawa silang lahat ng Allaah.   
                                 
Siya si Ummu Ayman Barakah, ang sapat na sa kanyang pagiging mapalad ang anumang natamo mula sa Sugo ng Allaah  na pagpapahalaga at parangal at sapat na rin ang sa kanya ang nauukol na gantimpala ang anumang nakamit mula sa Allaah na marangal na gantimpala -ito ang Paraiso- kung naisin ng Allaah-.
                                               
* At pagkatapos; mayroon pa bang mas higit sa masamyong talambuhay ng dakilang Sahabiyah na ito? 

Walang pag-aalinlangan mayroon pang marami at mas marami, subali't ipaalaala ko [lamang] sa iyo aking kapatid na mambabasa na katotohanan si Ummu Ayman ay nag-ulat mula sa propeta  ng limang Hadeeth, at naiulat mula sa kanya ni Anas bin Malik, Hanash bin Abdullah As-San'ani at Abu Yazid Al-Madani. 
                                        
* At karagdagan  ko pa sa iyo - aking kapatid na mambabasa- katotohanan si Ummu Ayman ay isang ina.     
* Kahabagan nawa ng Allaah si Ummu Ayman at siya'y kalugdan, at bago tayo magpaalam sa kanyang kawili-wiling talambuhay basahin natin ang sinabi ng Kataas-taasan [Allaah]:
  (Katotohanan ang mga natatakot sa Allah ay nasa [gitna ng ] mga hardin at mga ilog,[ sila ay] nasa mga luklukan ng karangalang malapit sa [kinaroroonan ng ] makapangyarihang Hari [ang Allah], ang Ganap na may Kakayahan).
[Al-Qamar: 54-55]


Talababa

1.Ang tawag sa babaeng mananampalataya na kasamahan ng Sugo ng Allaah
2.Mula sa una hanggang katapusan


Isinalin sa Tagalog ni:  Ustadh Salamodin D. Kasim

Saturday, March 22, 2014

"The Best Companion"



The Prophet ﷺ was reportedly asked:
“Which of our companions are best?” He replied: “One whose appearance reminds you of God, and whose speech increases you in knowledge, and whose actions remind you of the hereafter.”

[Al-Muhsibi]

Prophet ﷺ said:
 “A person is on the religion of his companions. Therefore let every one of you carefully consider the company he keeps.” 
[Tirmidhi]

The Prophet ﷺ reminds us of the importance of good company in this hadith (record of the Prophet ﷺ):
“A good friend and a bad friend are like a perfume-seller and a blacksmith: The perfume-seller might give you some perfume as a gift, or you might buy some from him, or at least you might smell its fragrance. As for the blacksmith, he might singe your clothes, and at the very least you will breathe in the fumes of the furnace.”

[Bukhari, Muslim]

Monday, February 24, 2014

"Qur'an ang Katibayan sa Sangkatauhan"

YPPAIncorporation Qur'an


Ito (Ang Qur'an) ay Maliwanag na Pananaw at Katibayan sa Sangkatauhan, at Isang Patnubay at Habag sa mga Tao na may Matatag na Pananalig.

[Qur'an 45:20] 

Tuesday, February 4, 2014

أسلوب الدعوة فيمن تأثر بثقافة معينة

إذا كان المدعوون متأثرين بثقافات معينة أو بمجتمعات معينة ما هو السبيل لدعوتهم؟

يبين لهم ما في المذاهب التي تأثروا بها والبيئة التي تأثروا بها من الباطل ، ويبين لهم أن هذه المذاهب فيها كذا وكذا ، ويوضح ما فيها من أنواع الباطل والبدع إذا كانت كذلك ، ويبين لهم أن المرجع في جميع الأمور هو : كتاب الله عز وجل وسنة رسوله صلى الله عليه وسلم ، فما حصلتم عليه من كذا وكذا وما تعلمتم من كذا وكذا وما تخلقتم به بسبب البيئة- الاختلاط- عليكم أن تعرضوا ذلك على الميزان الشرعي مثل ما يعرض العلماء مسائل الفقه على الأدلة الشرعية ، فما وافقها وجب أن يبقى ، وما خالفها وجب أن يطرح ولو كانت من عادات الآباء والأسلاف والمشائخ وغيرهم .


والخلاصة أن الواجب التمسك بالخلق الصالح والسيرة الحسنة التي دل عليها كتاب الله وسنة رسوله صلى الله عليه وسلم ، وأن لا يتعصب لسيرة أبيه أو جده أو بيئته أو بيئة بلده بل عليه أن يتمسك بالحق الذي دل عليه كتاب الله عز وجل وسنة رسوله صلى الله عليه وسلم وإجماع سلف الأمة . 



مجموع فتاوى ومقالات متنوعة الجزء السابع


[http://www.binbaz.org.sa/mat/212]



Sunday, February 2, 2014

What is 'Aqeedah?

Praise be to Allaah. 

Aqeedah refers to those matters which are believed in, with certainty and conviction, in one’s heart and soul. They are not tainted with any doubt or uncertainty.

The Arabic word ‘aqeedah stems from the root ‘aqada, which conveys meanings of certainty, affirmation, confirmation, etc. In the Qur’aan, Allaah says (interpretation of the meaning):

"Allaah will not punish you for what is unintentional in your oaths, but He will punish you for your deliberate oaths (bimaa ‘aqqadtum al-aymaan)…" 

[Surah Al-Maa’idah 5:87]

The verb paraphrased here as "deliberate oaths" is ‘aqqada/ta’qeed, which refers to when one has determination in the heart. It may be said in Arabic, ‘aqada’l-habl (the rope was tied), i.e., it was pulled tight together. The word i’tiqaad (belief) is also derived from this root, and has the meaning of tying up and making strong. The phrase a’taqadtu kadhaa (I believe such and such) means: I am convinced of it in my heart; this is a rational conviction.

In Islam, ‘aqeedah is the matter of knowledge. The Muslim must believe in his heart and have faith and conviction, with no doubts or misgivings, because Allaah has told him about ‘aqeedah in His Book and via His Revelations to His Messenger (peace and blessings of Allaah be upon him). 

The principles of ‘aqeedah are those which Allaah has commanded us to believe in, as mentioned in the aayah (interpretation of the meaning):

"The Messenger believes in what has been sent down to him from his Lord, and (so do) the believers. Each one believes in Allaah, His Angels, His Books and His Messengers. They say, ‘We make no distinction between one and another of His Messengers’ – and they say, ‘We hear, and we obey. (We seek) Your forgiveness, our Lord, and to You is the return (of all).’" 

[Surah Al-Baqarah 2:285]

- and as defined by the Prophet (peace and blessings of Allaah be upon him) in the famous hadeeth which describes how Jibreel came to him and asked him about Islam etc.: "Eemaan (faith) is to believe in Allaah, His angels, His Books, the meeting with Him on the Last Day, His Messengers, and the Day of Resurrection."

So in Islam, ‘aqeedah refers to the matters which are known from the Qur’aan and sound ahaadeeth, and which the Muslim must believe in his heart, in acknowledgement of the truth of Allaah and His Messenger.


Source: [Sharh Lam’ah al-I’tiqaad by Ibn al-Uthaymeen, and al-‘Aqeedah fi-Allaah, by ‘Umar al-Ashqar]

Wednesday, January 22, 2014

RETURNING A REPLY TO THE ONE WHO ASK ME NOT TO PRINT MY BOOK

As for being sincere (Mukhlis) then no one can know this except Allaah Because sincerity is something hidden, which only Allaah has knowledge of. It is stated in the hadith:

"Actions are only based on their intentions, and indeed every person will have only that which he intends"






Monday, January 6, 2014

ANG QUR'AN AY SALITA NG ALLAAH

Si Imam Ahmad Habang siya ay Pinarurusahan ay nai-ulat:

تقدم إليه ابن أبي دؤاد، وقال له: يا أحمد قل في أذني القرآن مخلوق حتى أخلصك من يد الخليفة؛ فقال له الإمام أحمد: يا بن أبي دؤاد قل في أذني القرآن كلام الله وليس بمخلوق حتى أخلصك من عذاب الله عز وجل


Dumating si Ibn Abi Du'ad sa kanya at sinabi:

"Oh Ahmad, ibulong mo sa aking tainga ;'Ang Qur'an ay Nilikha' upang sa gayon ay maaari kitang ma iligtas sa kamay ng Kalifa"

Kayat si Imam Ahmad ay nagsabi sa kanya: " Oh Ibn Abi Du'ad, ibulong mo sa aking tainga, ' Ang Qur'an ay salita ng Allaah, Hindi nya ito nilikha', ng sa gayon ay maililigtas kita sa kaparusahan ng Allaah, Ang Makapangyarihan at Dakila"


["Al-Manhaj Al-Ahmad", 1/35].

Thursday, January 2, 2014

Madrasa Building Construction Update Jan. , 2014






"Balakid Patungong Jannah"

ni: InshaAllaah Jannah

Bawat Yugto ng Buhay ay may Ibat ibang Balakid
Mga Pagsubok na Walang Patid
Subalit kung ito ay ang siyang Daan sa Matuwid
Tatahakin, Paghihirap man ay Mabanaag sa Litid

Ang Jannah (Paraiso) ay may Ibat Ibang antas
Jannatul Firdous ang siyang Pinaka  mataas 
At ang sinumang nag nanais, nag uumalpas
Sa mga Pagsubok ay Hindi Umaatras.

Makamundong Bagay ang minsan ay Hadlang
Sa Pag gawa ng Ibadaah  sa Allaah 
Kayat sa Nagnanais na Jannah (Paraiso) ay Makakamtan
Hahanap at hahanap ng Paraan

Neyyah at Ikhlas ang siyang Daan 
Upang Marating ang Patutunguhan
Bawat Pagsubok na Daraanan
Pilit nilalabanan ninuman
Ang Kinang ng Sanlibutan

Ayon kay Abu Hurairah sinabi ng Propeta Muhammad صلى لله عليه وسلم:

"Ang Impiyerno ay nababalutan ng mga Makamundong Pagnanasa , At ang Paraiso naman ay Napalibutan ng mga Kahirapan."

[Bukhari at Muslim]

Isang salaysay naman mula kay Abu Hurairah na sinabi ng Propeta ng Allaah صلى لله عليه وسلم:

"Nang likhain ng Allaah ang Paraiso, sinabi Niya kay Jibril, "Magtungo ka at tingnan mo ang paraiso. Siya ay nagtungo at tiningnan ang paraiso at siya ay bumalik na nagsasabing: "Sa pamamagitan ng Inyong kaluwalhatian, walang sinuman na nakarinig nito ang hindi maaaring hindi papasok dito." Kaya pinalibutan ito ng Allaah ng mga pagsubok at kahirapan at sinabing, "magtungo kang muli at tingnan mo ito. Nagtungong muli si Jibril at pinagmasdan ang paraiso, nagbalik sa Allaah at nagsabing: "Sa pamamagitan ng Inyong kaluwalhatian, natatakot po akong walang sinuman ang makakapasok dito."

[Jami al-usul, 10/520, no. 8068. sinabi ni Tirmidhi : Ito ay isang gharib sahih hasan hadith]

Ang komento ni An-Nawawi sa unang hadith:

"Ito ay isang halimbawa ng isang maganda, kumpleto at elekwenteng pangungusap na kung saan ang Propeta صلى لله عليه وسلم , ay may kakayanan, kung saan siya ay nagbigay ng isang magandang pagkukumpara. Ito ay nangangahulugan na walang anumang gawain ang makatutulong sa isang tao upang makarating, makapasok at makapanirahan sa paraiso kundi ang pagsuong o pagharap sa mga pagsubok at kahirapan, at walang anumang bagay ang magtutulak sa isang tao sa impiyerno kundi ang makamundong pagkagusto at pagnanasa. Ang bawat isa ay nababalutan ayon sa pagkakasalarawan, at sinuman ang sumira sa tabing o balot ay mararating ang bagay na nakatago sa likod ng tabing o ng balot. Ang tabing o balot ng paraiso ay masisira at mapupunit ay sa pamamagitan ng pagsuong at pagharap sa mga pagsubok at kahirapan, samantalang ang sa tabing o balot naman ng impiyerno ay masisira sa pamamagitan ng pagkahumaling sa mga makamundong pagnanasa.

Kabilang sa mga kahirapan ay ang patuloy na pakikibaka ng may kahinahunan sa pagsamba, pagpipigil sa pagkagalit kaninuman, pagbibigay ng mga kawanggawa, pagiging mabuti sa lahat lalo na sa mga taong nakagawa ng mga pagkakasala at pagkukulang sa kanya, pagpipigil sa mga makamundong pagnanasa atbp."

[Sharh an-Nawawi `ala Muslim, 17/165]


title credit to the owner

Tuesday, December 31, 2013

Ang Pagsasabi ng Munafiq

TANONG: 

Ano ang hatol [Huk'm] sa pagsabi sa isang tao na ikaw ay MUNAFIQ?

Sagot:

Ang kaugaliang ito ay hindi nararapat na gawin ng isang Muslim, mayroong isang lalaki sa panahon ng Propeta [sumakanya nawa ang kapayapaan] na nagsabi:" Siya ay Munafiq, hindi niya mahal ang Allah at ang kanyang Sugo, [nang marinig ng Propeta kanyang sinabi]:" Huwag mong sabihin iyan, hindi mo ba nakikita na siya'y nagsasabi ng LA-ILAAHA ILLALLAAH na hangad niya rito ay [habag]ng Allah?...".


[Isinalaysay ni Al-Bukhari at Muslim]

At sinabi ng Allah (…at huwag tawagin ang isa't isa [sa nakasasakit] na mga palayaw)

[Surah Al-Hujurat:11]

Ayon kay Imam Qatadah ang tinutukoy sa ayah na ito ang pagsabi mo sa iyong kapatid na: 
" Oh Fasiq, Oh Munafiq".

Islam is Not a Religion of Equality But of Justice

By : Sheikh Muhammad Bin Saleh Al-Uthaymeen

There are some people who speak of equality instead of justice, and this is a mistake. We should not say equality, because equality implies no differentiation between the two. Because of this unjust call for equality, they ask, “What is the difference between male and female?” So they have made men similar to women. The communists said, “What difference is there between the ruler and the subject? No one has any authority over anyone else.” Not even the father over his son?! So they said the father has no authority over his son and so on.

Instead, if we say justice, which means giving each one what he or she is entitled, this misunderstanding no longer applies, and the word used is correct.

Allah does not say in the Qur’an that He enjoins equality. He said (interpretation of the meaning):

“Verily, Allah enjoins Al?‘Adl (i.e. justice)” [Qur’an, 16:90]

“And that when you judge between men, you judge with justice.” [Qur’an, 4:58]

Those who say that Islam is the religion of equality are lying against Islam. Rather Islam is the religion of justice, which means treating equally those who are equal and differentiating between those who are different.
No one who knows the religion of Islam would say that it is the religion of equality. Rather what shows you that this principle is false is the fact that most of what is mentioned in the Qur’an denies equality, as in the following verses:

“Say: Are those who know equal to those who know not?” (Qur’an, 39:9)

“Say: Is the blind equal to the one who sees? Or darkness equal to light?” (Qur’an, 13:16)

“Not equal among you are those who spent and fought before the conquering (of Makkah, with those among you who did so later.” (Qur’an, 57:10)

“Not equal are those of the believers who sit (at home), except those who are disabled (by injury or are blind or lame), and those who strive hard and fight in the Cause of Allah with their wealth and their lives.” (Qur’an, 4:95)

Not one single letter in the Qur’an enjoins equality, rather it enjoins justice.

You will also find that the word justice is acceptable to people, for I feel that if I am better than this man in terms of knowledge, or wealth, or piety, or in doing good, I would not like for him to be equal to me.
Everyone knows that it is unacceptable if we say that the male is equal to the female.

 Source: [Sharh Al-Aqeedah Al-Wasitah, 1/180-18]

Tuesday, December 24, 2013

Mga Katanungan at Kasagutan Tungkol sa Pasko

Disclaimer: Photo not belong to YPPA Inc.


Tanong: Ano ang ibig sabihin ng ‘Christmas’ o Pasko?


Sagot: Ito ay pagdiriwang ng kalakhang Kristiyano tuwing ika-25 ng Disyembre bilang paggunita sa mahimalang pagkasilang ni Hesus.



Tanong: Naniniwala ba ang mga Muslim sa mahimalang pagkasilang ni Hesus?

Sagot: Oo. Sapagka’t ito ay nakasulat sa maraming talata sa Banal na Qur’an, halimbawa sa kabanata Al’Imran
[3 :45-47].

"45...O Propeta ng Allâh, nang sinabi ng mga anghel: “O Maryam! Katotohanan ang Allâh, binibigyan ka Niya ng magandang balita ng isang sanggol na mangyayari sa pamamagitan ng salita ng Allâh na sasabihin sa kanya na ‘kun’ – maging, ‘fa yakun’ – at ito ay magiging (maganap at ito ay kaagad na magaganap). Ang kanyang pangalan ay ‘Al-Masih, `Îsã ibnu Maryam’ (ang Messiah, Hesus na anak ni Maria) at siya ay igagalang dito at sa Kabilang-Buhay; at kabilang sa mga malalapit sa Allâh sa Araw ng Muling Pagkabuhay.” 46. “At siya ay magsasalita sa mga tao habang siya ay isang sanggol pa lamang sa duyan pagkapanganak sa kanya at makikipag-usap din siya sa kanila pagdating ng kanyang hustong gulang, ayon sa kung ano ang ipinahayag sa kanya. Ang pakikipag-usap na ito na kanyang gagawin ay pakikipag-usap bilang Propeta, pamamahayag at pagpapatnubay. At isa siya sa mga mabubuting tao, matuwid sa kanyang pananalita at gawa.” 47. Sinabi ni Maryam, na nagugulat sa balita: “Paano ako magkakaroon ng anak gayong wala naman akong asawa at hindi ako masamang babae?” Sinabi sa kanya ng anghel: “Ito ay mangyayari, hindi ito kataka-taka sa kapangyarihan ng Allâh, na Siyang lumikha ng anuman na Kanyang nais mula sa wala. Kapag Siya ay nagpasiya na lumikha ng anumang bagay, sinasabi Niya lamang dito ‘kun’ – maging, ‘fa yakun’ – at ito ay magiging (maganap at ito ay kaagad na magaganap)” 


Tanong: Magkagayon, di ba dapat magdiwang din ang mga Muslim sa kapanganakan ni Hesus?

Sagot: Bagaman naniniwala ang mga Muslim sa mahimalang pagkasilang ni Hesus, hindi nila ito ipinagdiriwang sapagka’t ang mismong pagdiriwang na ito ay walang batayan sa Banal na Qur’an at maging sa Bibliya.


Tanong: Saan hinango ng mga Kristiyano ang katagang ‘Christmas’ o Pasko?

Sagot: Ayon sa mga iskolar na Kristiyano, ang ‘Christmas’ ay hinango sa mga katagang ‘Christes Masi’, na ang ibig sabihin ay Christ Mass, o ang misang patungkol kay Kristo-Hesus. Ang katagang ito ‘Christmas’ ay unang ginamit noong ika-11 siglo (1100 years ago) mga 1,000 taon matapos umalis si Hesus sa mundong ito.


Tanong: Magkagayon ba’y hindi batid ni Hesus ang katagang ito dahil ito ay ginamit lamang mga isang libong taon pagkaraan ng kanyang pag-alis?

Sagot: Siyang tunay! Maging ang kanyang mga alagad o disipulo ay walang kaalaman sa katagang ito sa dahilang hindi ito tinuran ni Hesus sa kanyang kapanahunan.


Tanong: Papaano nagsimula ang pagdiriwang ng kaarawan? Saan ito nanggaling?

Sagot: Bago pa dumating si Hesus, ang pagdiriwang ng kaarawan ay bantog na bantog noon pa sa mga paganong Greko at Romano. Ito ay ipinagdiriwang sa pamamagitan ng pagdarasal sa mga diyus-diyusan, pag-aalay, masaganang kainan, at ang pagbibigay ng regalo sa may kaarawan.


Tanong: Kung pagano pala ang pinanggalingan ng pagdiriwang ng kaarawan, bakit hindi ito tinutulan ng simbahang Kristiyano?

Sagot: Sa unang tatlong siglo makaraang mawala si Hesus sa daigdig, ang simbahan ay may malakas na oposisyon laban sa pagdiriwang ng kapanganakan (birthday) sapagka’t ito ay isang kaugaliang pagano.


Tanong: Papaano naman nalaman ang kapanganakan ni Hesus?

Sagot: Ating mababasa sa Collier’s Encyclopedia -- “Ang eksaktong kapanganakan ni Hesus ay imposibleng malaman kahit gamitin pa ang mga nakasulat sa Ebanghelyo pati na rin ang kasaysayang nauukol kay Hesus”. Gayundin, sa New International Dictionary of Christian Church, mababasa natin na walang mapagbabatayan sa kasaysayan na nagbibigay katibayan sa araw, at buwan ng pagkasilang ni Hesus.


Tanong: Saan nanggaling ang Disyembre 25 na siyang araw na ipinagdiriwang ng mga Kristiyano tuwing Pasko?

Sagot: Ating matutunghayan sa Collier’s Encycolpedia na ang pagpili ng Disyembre 25 ay nakuha sa mga paganong Romano sa kanilang pagdiriwang ng ‘Mitalis Solis Invicti’, isang pagdiriwang sa kapangyarihan ng ‘Diyos na Araw’ (Sun God) sa relihiyong ‘Mithraism’. Gayundin, ating mababasa sa ‘Encyclopedia of Religions and Ethics’ na may isang matandang kaugalian ang mga Romano sa pagdiriwang ng ‘Saturnalia’ (God of Saturn) tuwing ika-25 rin ng Disyembre.


Tanong: Papaano ipinagdiriwang noon ng mga paganong Romano ang kanilang Mithraism at Saturnalia?

Sagot: Malawakang pagdiriwang ito sa kanilang buong bansa sa araw ng Disyembre 25. Ito ay isang pista opisyal, nakasara ang mga paaralan, walang ipinatutupad na parusa sa mga nakapiit, nagpapalit ng bagong damit, pinahihintulatan ang sugal na ‘dice’, nagbibigayan ng regalo, at manika ang ipinamimigay sa mga bata. Sadyang magkatulad ang pagdiriwang ng Pasko sa mga panahong ito.


Tanong: Sino ang nagtakda na gawing Disyembre 25 ang pagdiriwang ng Pasko?

Sagot: Matapos mabinyagan si Constantine sa pananampalatayang Kristianismo, ang simbahan sa Roma ay ipinag-utos ang pagdiriwang ng kaarawan ni Hesus tuwing ika-25 ng Disyembre. Ang panahon ni Constantine ay noong ika-4 na siglo. Sa panahong ito lamang itinakda ang Disyembre 25 bilang kapanganakan ni Hesus.


Tanong: Papaano nangyaring isinama ng simbahang Kristiyanismo ang petsang ito sa kanilang pananampalataya?

Sagot: Huwag nating kalilimutan na ang Kristiyanismo ay ipinalaganap sa mga Romano at upang hikayatin ang mga paganong ito, isinama sa pagdiriwang ng simbahan ang kanilang mga paganong kaugalian. Ito ay tanda na ang simbahan ay ginamit itong paraan upang akitin ang mga Romano na ipagdiwang ang kaarawan ni Hesus sa petsang ito upang makalimutan nila ang kanilang pagsamba sa Araw.


Tanong: Hindi ba ipinagbawal ng simbahan ang pagdiriwang ng Pasko sa kanilang mga tagasunod?

Sagot: Noong taong 1642 hanggang 1652, ang mga Kristiyanong Puritano sa Inglateria ay nagpalabas ng batas sa pagbabawal ng misa at pagdiriwang sa araw na ito. Gayundin, ito ang naging desisyon ng mga Kristiyano sa Amerika na dala ng mga dayuhan.


Tanong: Bakit naging laganap ngayon ang kaugaliang ito sa mga Kristiyano?

Sagot: Nang dumating ang taong 1900, ang maraming mga dayuhan sa Amerika na galing sa Germany at Ireland ay nagbigay-buhay na naman sa paganong pagdiriwang na ito. Kahit na may oposisyon at pagtutol ang simbahan, ito ay natabunan dahil sa dami ng mga imigrante. Sa paglipas ng panahon, ang pagdiriwang ng Disyembre 25 ay naging laganap at ito ay itinuring na rin ng simbahan ng Kristiyanismo bilang isang pamamaraan ng kanilang dibosyon sa pananampalataya.


Tanong: Ang lahat ba ng Kristiyano ay nagdiriwang ng Pasko tuwing Disyembre 25?

Sagot: Bagaman karamihan ng Kristiyano nagdiriwang sa kaarawan ni Hesus tuwing Disyembre 25, ang pagdiriwang ng mga Armenians (Eastern Church) ay kanilang isinasagawa tuwing ika-6 ng Enero magpahanggang ngayon.


Tanong: Ano ang dapat gawing hakbang ng isang karaniwang Kristiyano tungkol dito?

Sagot: Kung ikaw ay tunay na masugid na tagasunod ni Hesus, alalahanin ang kanyang tinuran sa inyong mismong aklat: Ako ang landas, ang katotohanan, at ang buhay…. Nararapat lamang sundin ang landas at katotohanang itinuro ni Hesus. Ang Pasko ay walang kaugnayan sa pagtuturo ni Hesus. Ang pagdiriwang nito ay hindi magbibigay kasiyahan sa kanya at sa Nagsugo sa kanya dahil hindi naman niya ito ipinatupad. Ito ay hindi bahagi ng landas ng kanyang itinuro.


Tanong: Ang mga Muslim ba’y pinahihintulutang sumama sa pagdiriwang na ito? Maaari ba silang bumati din ng “Merry Christmas”?

Sagot: Hindi! Sapagka’t ito ay isang hayagang pagkunsinti sa isang kaugaliang pagano, isang gawaing hindi naaayon sa turo ni Hesus. Ang anumang pakikibagay tungkol dito ay tuwirang paglabag sa pangunahing katuruan ng Islam – ang pag-iwas sa mga gawaing pagano. Ang Islam ay kinasusuklaman ang pagkukunwari, kaya naman, hindi nababagay sa isang Muslim na makisama sa anumang nauukol sa Pasko sa kabila ng kanyang di-paniniwala dito.


Tanong: Marami ba akong matutuhan tungkol kay Hesus sa Banal na Qur’an?

Sagot: Si Hesus ay nababanggit sa maraming pahina ng Banal na Qur’an. May isang kabanata na may pamagat na ‘Maria’ bilang pagbibigay dangal sa kanyang ina. Nakatitiyak ka sa pagkamakatotohanan ng Qur’an sapagka’t ito na lamang ang nalalabing rebelasyon na nananatili sa orihinal nitong anyo mula nang ipahayag ito kay Propeta Muhammad. Mababasa mo rin sa Banal na Qur’an na si Hesus ay hindi diyos o anak ng diyos bagkus isa siya sa mga bantog na Propetang ipinadala ng Dakilang Lumikha upang ituro sa tao na walang diyos na dapat sambahin kundi yaong nagsugo sa kanya – ang Allah.


Tanong: Saan ako maaaring magtanong tungkol sa pag-aaral sa Islam?

Sagot: Bukas ang lahat ng tanggapang pang-Islam sa mga nagnanais malaman ang Islam. Makipag-ugnayan lamang sa pinakamalapit na Islamic Center sa inyong pook