Saturday, May 25, 2013

Mga Palatandaan ng pagdating ng araw ng paghuhukom

Panimula

Ang lahat ng papuri ay para lamang sa Allah (SW), ang  mahabagin, ang Panginoon ng sanlibutan.Ang lathalaing ito ay isinulat upang ibigay ang tamang katuruan ng Islam tungkol sa mga palatandaan ng pagdating ng araw ng paghuhukom. Alam nating lahat na maraming kumakalat na balita buhat sa mga taong hindi-mananampalataya na minsa'y nagpapahayag ng mga maling impormasyon tungkol sa kawakasan ng mundo na hindi naman nangyayari kapag dumating ang oras na kanilang sinabi. Tanggapin nawa ng Allah ang pagsisikap na ito na isinagawa bilang matapat na paglilingkod sa Kanya. Maraming salamat sa lahat ng mga taong tumulong para maisagawa ang aklat na ito, nawa'y magsilbing karagdagang kaalaman para sa mga kapatid na Muslim at nawa'y patnubayan tayo ng Allah sa tamang landas tungo sa Kanyang Paraiso.

Ust. Salamodin D. Kasim
Islamic Propagation Office in Rabwah
Riyadh, K.S.A
Ramadhan 1431 H.

Napakarami ang nabanggit ng mga pantas sa Islam na mga palatandaan ng pagdating ng araw ng paghuhukom sa kanilang mga aklat subalit ang babanggitin ko lamang dito ay mga palatandaang kanilang nabanggit na hango mula sa  mapapanaligang Hadeeth ng Propeta Mohammad (SAW) at hindi ko na binangit ang mga mahina ang pagkakasalaysay mula sa Propet (SAW) o mga gawa-gawa lamang ngunit hindi ibig sabihin na ito lamang ang mga nabanggit ng Propeta (SAW) sa kanyang Hadeeth dahil maaaring marami pa akong hindi nabasa na kanyang mga Hadeeth maliban dito.                                                                                      

Binanggit ko dito ang mga palatandaan ng hindi magkakasunod-sunod dahil wala pa akong nabasang Hadeeth na naisalaysay dito ng sunodsunod, inuna ko muna ang mga nabanggit ng mga Pantas na mga palatandaan ng pagdating ng araw ng paghuhukom na nauna nanglumitaw at nangyari na at pagkatapos isinunod ko ang mga palatandaang hindi pa nangyari o lumitaw tulad ng ibang palatandaang inaasahangmangyayari sa mga huling panahon at pagkaraan ng mga malalaking palatandaan ng pagdating ng araw ng paghuhukom.                          

Dapat nating malaman na may mga taong ang pagkakaalam sa mga palatandaan ng Sa'ah (Wakas ng Mundo) ay kasuklam-suklam at bawal, ang ganitong paninindigan ay hindi tama dahil hindi lahat ng ipinahayag ng Propeta (SAW) mula sa mga palatandaan ng Sa'ah ay bawal (haram) o kasuklam-suklam sapagkat ang pataasan ng gusali at  pagdami ng kayamanan ay hindi haram subalit isa lamang ito sa mga palatandaan ng Sa'ah (wakas ng mundo), at ang palatandaan ay hindi nangangahulugan ng masama o bawal bagkos maaaring mabuti o masama, ipinapahintulot o ipinagbabawal at maliban pa dito, Ang Panginoong Allah ang higit na Nakaaalam.                                                                                          

Mga palatandaan ng pagdating ng araw ng paghuhukom  na  Sugra (maliliit).                                                                                              

1- Ang Pagsugo sa Propeta (SAW):                      

 Ipinahayag ng Propeta (SAW) na katotohanan ang kanyang pagiging Sugo ay nagpapatunay sa pagiging malapit ng araw ng paghuhukom at tunay na siya ay Propeta ng Sa'ah: Naiulat mula kay Sah'l (kahabagan nawa siya ng Allah) kanyang sinabi: sinabi ng Sugo  ng Allah (SAW)  Isinugo ako at ang Sa'ah (araw ng paghuhukom) ay katulad ng ganito at itinuro niya ang kanyang dalawang magkatabing daliri. Isinalaysay ni Al-Bukhari                                                                                       

2- Ang Pagkamatay ng Propeta (SAW):                

Kabilang sa mga palatandaan ng Sa'ah ay pagkamatay  ng Propeta (SAW): tulad ng naiulat ni Auf bin Malik na nabanggit ng Propeta (SAW) ang kanyang pagkamatay ay kabilang sa mga tanda ng nalalapit na araw ng paghuhukom, kaya't tunay na ang kayang pagkamataya ay kabilang sa mga masakit na pangyayaring tumama sa mga mananampalataya, dumilim ang mundo sa mga mata ng Sahaba (kanyang mga kasamahan) – kahabagan nawa sila ng Allah – nang mamatay ang Propeta (SAW).                                                                                 Dahil sa kanyang kamatayan naputol, nahinto at  natapos ang Rebelasyong nagmumula sa langit, namatay ang Propeta (SAW) katulad ng pagkamatay ng mga tao, sapagkat tunay na hindi ipinagkaloob ng Allah    ang kawalan ng kamatayan at pananatili dito sa mundo sa sinumang nilikha, dahil ito'y dinadaanan lamang at  hindi pinanatilihan tulad ng sinabi ng Allah  :                                                                

21:34
[At hindi namin ipinagkaloob sa sinumang tao ang pananatili (kawalan ng kamatayan) kaya't kung ikaw ay mamatay sila ba ay mabubuhay nang walang hanggan?] Al-Anbiya 34.    

3- Ang Tagumpay sa Bait Al- Muqaddas:            

Kabilang sa mga tanda ng Sa'ah ay ang tagumpay sa Bait Al-Muqaddas (Palestina) tulad ng nabanggit ng Propeta (SAW) sa kanyang Hadeeth. Sa  panahon ni Omar bin Al-Khattab   naganap ang tagumpay sa Bait AlMuqaddas mula sa kamay ng mga Hudyo at Kristiyano taong 16 Hijeriya, pumunta doon si Omar bin Al-Khattab    ng personal at nakipagkasundo sa mga tao dito, nagtagumpay siya at nilinis niya mula sa mga Hudyo at kristiyano at nagpatayo siya ng isang moske sa bandang Qibla ng Bait Al-Muqaddas.[ Al-Bidayah wan Nihayah 7 : 55-57].    

4-  Pagdami ng kayamanan at kawalan ng pangangailanagan sa kawang-gawa:                                                                                    

Naiulat ni Abu Hurairah    katotohanan ang sugo ng Allah    ay nagsabi:    Hindi tatayo ang araw ng paghuhukom maliban lang na dadami (muna) sa inyo ang kayamanan at aapaw hanggang sa magiging importante ng may-ari ng kayaman ang sinumang tatanggap ng kawanggawa  mula sa kanya, at ipapatawag ang isang lalake (para sa kanyang kawang-gawa) at kanyang sasabihin Hindi ko ito kailanagan [Isinalaysay
ni Al-Bukhari]. At naiulat mula kay Abu Musa   buhat sa Propeta kanyang sinabi:   Darating sa sangkatauhan ang isang panahong ililibot ng lalake sa pahong ito ang kanyang gintong kawang-gawa, pagkatapos wala siyang matatagpuang isang man lamang na kukunin ito mula sa kanya  Isinalaysay ni Muslaim.                                                          

5- Ang Paglitaw ng Pagsubok:                            

Fitnah: maraming kahulugan ng fitnah, kabilang na dito ang pagsubok, paggawa ng kasalanan, kawalan ng pananampalataya, pagpatay, pagkasunog at maliban pa dito mula sa mga bagay na kasuklam-suklam. Tunay na ipinahayag na ng Propeta   noon na kabilang sa mga tanda ng pagdating ng Sa'ah ang paglitaw ng malaking pagsubok (fitnah) sa kanyng Ummah na maghahalo dito ang katotohanan at huwad, kaya't lilondolin ang pananampalataya hanggang sa magiging mananampalataya ang lalake at mawawalan ng pananampalataya sa hapon, at mawawalan ng pananampalataya sa umaga at magiging mananampalataya sa hapon at ipagpapalit niya ang kanyang relihiyon sa mundo.

6- Paglitaw ng Nagpapanggap na Propeta:              

Kabilang sa mga Tanda ng Sa'ah ay paglitaw at paglabas ng mga taong sinungaling, aangkinin nila ang pagkapropeta, lumabas na ang ilan sa kanila noong panahon ni Propeta Muhammad   at panahon ng Sahabah at patuloy pa rin silang  lumalabas sa mga panahong kasalukuyan.Naiulat ni Thawban   kanyang sinabi: sinabi Sugo ng Allah :  At katotohanan magkakaroon sa aking Ummah (pamayanan) ang tatlompung mga sinungaling lahat sila ay aangkinin ang pagkapropeta at ako ang Sagka  (panghuli) sa mga Propeta wala ng propetang susunod sa akin . Isinalaysay ni Abu Dawood at At-Tirmizi.                                          

7- Paglaganap ng kapayapaan:                            

 Naiulat ni Abu Hurairah   kanyang sinabi: sinabi ng Sugo ng Allah  Hindi tatayo (mangyayari) ang Sa'ah maliban lang na (dahil sa kapayapaan at katiwasayan) maglalakbay ang nakasakay (na manlalakbay) sa pagitan ng Iraq at Makkah na wala siyang kinatatakutan maliban sa dilim ng daan  Isinalaysay ni Imam Ahmad.             

At mangyayari ang ganitong pagkakataon sa panahon ni Al-Mahdi at Hesus   kapag masakop na ng katarungan ang lugar ng pagdadaya at kawalan ng katarungan.                                                                      

8- Pagkawala ng Tiwala:                            

Naiulat ni Abu Hurairah   kanyang sinabi: sinabi ng Sugo ng Allah :   kapag mawala na ang tiwala hintayin mo na ang Sa'ah (araw ng paghuhukom) kanyang sinabi : paano ito mawawala o  Sugo ng Allah? 

Sinabi niya: Kapag ipagkatiwala ang bagay sa hindi  mapagkatiwalaan hintayin mo ang Sa'ah . Isinalaysay ni Al-Bukhari.

9- Pagkawala ng Kaalaman at Paglaganap ng Kamangmangan:

At kabilang sa mga tanda ng Sa'ah ay pagkawala  ng kaalaman at paglaganap ng kamangmangan, sa panahong ito mawawala ang kaalaman sa pamamagitan ng pagkawala ng mga Pantas hanggang  wala nang
matitirang marunong (pantas), kaya't ang mga mangmang ang magiging pinuno ng mga tao, at sila'y tatanongin (tungkol sa relihiyon? At sila ay sasagot ng walang kaalaman, maliligay sila at ililigaw ang mga tao.  

10- Paglaganap ng Pangangalunya:                  

At kabilang din dito ang paglaganap ng pangangalunya tulad ng nabanggit ng Propeta   sa kanyang Hadeeth na ang pangangalunya ay kabilang sa mga tanda ng Sa'ah kaya sinabi niyang magkakaroon sa kanyang Ummah ng mga taong ipapahintulot nila ang Pangangalunya at Sutla.                                                                                                  

11- Paglaganap ng Riba:                                      

At kabilang din dito ang paglaganap ng Riba sa mga tao at pagwawalang bahala sa pagkain ng Haram (ipinagbabawal). Naiulat ni Abu Hurairah   kanyang sinabi: sinabi ng Sugo ng Allah  :  Darating sa sangkatauhan ang panahong ipagwawalang-bahala ng isang tao ang dahilan ng pagkamit niya ng kayamanan, kung ito ba ay galing sa Halal (ipinapahintulot) o galing sa Haram (ipinagbabawal)  Isinalaysay ni AlBukhari.                                                                                           

12- Paglaganap ng paggamit at pakikinig ng Intrumento o Musika:

Narinig ni Abu Malik Al-Ash'ari    ang Propeta    na kanyang sinasabi:   Magkakaroon sa aking Ummah ng mga pamayanang ipinapahintulot nila ang pangangalunya, sutla, alak at mga instrumento (musika)…  Isinalaysay ni Al-bukhari.                                              

13- Pagdami ng Pag-inom ng Alak:                    

 Isa sa mga tanda ng Sa'ah ay pagdami ng pag-inom ng alak, at ang ibang tao ang ipinapahintulot nila ito para mainom nang lantaran maging sa mga lugar ng mga Muslim kaya kapag Makita ninyo ang mga ganitong pangyayari nangangahulugan lamang ng pagiging malapit ng araw ng paghuhukom.                                                                                      

14- Pagandahan ng Moske:                            

Marami na tayong nakikitang mga Moske na masyadong pinapaganda ng mga Muslim na nagmistulang paligsahan sa kanilang mga pagitan, at iba sa kanila ay ipinagmamayabang pa ang ganda ng kanyang Moske sa kasalukuyang mga panahon, ito na ang sinabi ng Sugo ng Allah   :  Hindi tatayo ang Sa'ah malaiban lang na magyayabangan (muna) ang mga tao sa mga Moske (Masjid)  Musnad Ahmad.                              

15- Pataasan ng mga Gusali:                          

 Kabilang sa mga tanda ng pagdating ng araw ng paghuhukom ay pataasan ng mga tao sa pagpapatayo ng mga gusali at mga bahay tulad ng isinalaysay ni Muslim: isinagot ng Anghel Gabriel sa Propeta tungkol sa mga tanda ng Sa'ah at sinabi niya sa Propeta: At kapag Makita mo ang mga walang tsinelas (noon), mga walang damit, mga mahihirap, mga pastol ng kambing na sila'y magtataasan ng mga gusali) Saheeh Muslim.

16- Panganganak ng Aliping Babae sa kanyang Pinaglilingkuran:

Ito'y nabanggit sa Hadeeth ni Anghel Gabriel na kanyang sinabi sa   Propeta   : (At ikukuwento ko sa iyo ang mga tanda nito: kapag manganak ang aliping babae para sa kanyang tagapangalaga (pinaglilingkuran). Pinagkasunduan.                                                  

17- Pagdami ng mga Lindol:                            

 Naiulat ni abu Hurairah   kanyang sinabi: sinabi ng Sugo ng Allah  : (Hindi tatayo ang Sa'ah maliban lang na dadami (muna) ang mga lindol).Saheeh Al-Bukhari.                                                                  

18- Pagkawala ng mga Mabubuting Tao:        

 At kabilang sa mga palatandaan ng Sa'ah ay pagkawala ng mga mabubuting tao, at pagdami ng mga masasama hanggang sa walang matitira maliban sa mga masasamang tao at sa kanila gugunawin ang mundo. Naiulat ni Abdullah bin Amr   kanyang sinabi: sinabi ng Sugo ng Allah  : (Hindi tatayo ang Sa'ah maliban lang na kukunin (muna) ng Allah ang kanyang mga mabubuting alipin mula sa mga tagalupa, at matitira dito ang mga masasamang tao, hindi nila alam ang mabuti at hindi sinasaway ang masama). Musnad Ahmad.                                

19- Pagdami ng mga Babae at pagliit ng bilang ng mga Lalake:

 Naiulat ni Anas   kanyang sinabi: ikukuwento ko sa inyo ang isang kwento na walang isa mang magsasabi nito sa inyo pagkatapos ko, narinig ko ang Sugo ng Allah   na nagsasabing: ( Kabilang sa mga tanda ng Sa'ah ay pagkulang ng kaalaman, lilitaw ang kamangmangan, lilitaw ang pangangalunya, dadami ang mga kababaihan at liliit ang bilang ng mga kalalakihan hanggang sa magiging katumbas ng limampung babae ay isang lalake lamang). Saheeh Al-Bukhari.                                      

Kaya't naitanong kung ang sanhi nito, at may nagsabing dahil sa dami ng karahasan at bilang ng pagpatay o krimen kaya maraming mamatay na kalalakihan lalong-lalu na sa digmaan sapagkat kadalasan ang mga kalalakihan lamang ang nakikipagdigma.                                            

20- Digmaan laban sa mga Hudyo:                

At kabilang sa mga tanda ng Sa'ah ay pakikipagdigma ng mga Muslim laban sa mga Hudyo sa huling panahon at sila ay magiging hukbo ni Dajjal kaya't didgmain sila ng mga Muslim na mga hukbo ni Propeta Hesus   hanggang sa magsasalita ang kahoy at bato: O Muslim! O Alipin ni Allah! Nandito ang isang hudyo sa aking likuran ko, halika at  patayin mo siya.                                                                                  

Mga Palatandaan ng Pagdating ng Araw ng Paghuhukom

Al-Kubra (malalaki)                                      

1-  Al-Mahdi: 

Sa huling panahon lalabas ang isang lalake mula sa pamilya ng Propeta   , tutulungan ng Allah ang relihiyong Islam sa pamamagitan niya, maghahari ng pitong taon, pupunuin ang kalupaan ng katarungan tulad pagkapuno nito ng kawalang-katarungan, mabibiyayaan ang Ummah sa kanyang panahon nang biyayang hindi pa nito nakamit kailanman, dahil sa biyayang ito tutubo ang mga luntiang pananim, pauulanin niya ang langit ng biyayang ulan, magbibigay ng kayamanang hindi mabilang.                                                                                    

*Ang kanyang pangalan: Ang pangalan ng lalaking ito ay katulad ng pangalan ng Sugo ng Allah  , ang pangalan ng kanyang ama ay katulad ng pangalan ng Propeta    kaya ang kanyang magiging pangalan ay Muhammad – o Ahmad – bin Abdullah, siya'y mula sa angkan ni fatimah anak na babae ng Sugo ng Allah  , at mula na rin sa angkan ni Al-Hassan bin Ali  .                                                                                            

*Siya ay lalabas mula sa silangan: Naiulat ni Abdullah bin Mas'ood   kanyang sinabi: sinabi ng Sugo ng
Allah  : (Hindi maglalaho o hindi magugunaw ang mundo maliban lang na maghahari (muna) sa mga arabo ang isang lalaking mula sa pamilya ng Propeta   , katulad ng kanyang pangalan ang aking pangalan) Musnad Ahmad.                                                                                                

2- Bulaang Kristo:                                                    

Ang kahulugan ng Al-Maseeh (Kristo): Nabanggit ni  Abu Abdullah Al-Qurtubi ang dalawampu't tatlong salita sa paghango ng salitang ito, at ang salitang Al-Maseeh (Kristo) ay nangangahulugan ng matapat at taong makatotohanan, gayunpaman nangangahulugan din ito ng sinungaling, kaya't tinatawag na Al-Maseeh si Hesus dahil siya ay matapat at makatotohanang tao at tinatawag na Al-Maseeh si Ad-Dajjal sapagkat siya ay sinungaling at mapanlinlang.tinatawag ding Al-Maseeh si Hesus dahil nakagagamot siya ketongin, bulag at binubuhay niya ang patay dahil sa kapahintulutan ng panginoong Allah  , at tinatawag ding AlMaseeh si Ad-Dajjal dahil nabura ang kanyang kanang mata o kaliwa. At ang ibig sabihin naman ng salitang  Ad-Dajjal ay tagatakip at tagahalo sapagkat si Al-Maseehud Dajjal ay tinatakpan niya ang katotohanan ng kasinungalinagan, huwad at kawalan ng pananampalataya sa Allah.                                                                                              

Si Ad-Dajjal ay mula sa angkan ni Adan na may maraming katangiang nabanggit sa mga Hadeeth ng Propeta   para ipaalam sa sangkatauhan ang kanyang pagkatao, at bilang babala sa mga tao laban sa kanya mula sa kanyang malagim na kasamaan upang sa ganon kapag siya'y lalabas kilala siya ng mga mananampalataya at para hindi sila mapahamak dahil sa kanya, kabilang sa kanyang mga katangian ay tunay na siya ay isang lalaking binata, pula, maiksi, sakang at kulot ang  buhok, manipis ang pisngi, malawak (malapad) ang liig, nabura ang kanyang kanang mata, ang matang ito ay hindi klaro at  may tumubong laman sa kanyang kaliwang mata, nakasulat sa pagitan ng kanyang dalawang mata ang letrang  (Ka-f Fa Ra), mababasa ito ng bawat Muslim marunong man sumulat o hindi at kabilang sa kanyang katangian ay isang baog at hindi siya magkakaanak, at minsan naring inihahalintulad siya ng Propeta kay AbdulUzza bin Qut'n.                                                                    

Ang Tanong: Buhay ba si Ad-Dajjal? At siya ba ay buhay sa panahon ni Propet Muhammad  ?                                                                  

- Bago natin sagutin ang dalawang tanong na ito dapat muna natin malaman ang katayuan ni Ibn Sayyad; siya ba ang Ad-Dajjal o hindi?

 - At kung hindi si Ibn Sayyad ang Ad-Dajjal; siya  ba (Ad-Dajjal) ay buhay bago pa mangyari ang kanyang Fitnah  (masasamang gawain) o hindi?                                                                                                

- At bago ang mga sagot sa mga tanong na ito kilalanin muna natin si Ibn Sayyad:                                                                                              

 Ibn Sayyad: Ang kanyang pangalan ay Saafi – o Abdullah bin Sayyad o Sa-id.                                                                          
Siya noon ay mula sa mga hudyo ng Madinah, at may nakapagsabing mula sa Ansar, at maliit pa siya nang dumating ang  Propeta    sa Madinah, nabanggit ni Ibn Katheer na siya ay yumakap sa Islam at ang kanyang anak ay nagngangalang Ummarah mula mga pinuno ng Tabi-een at nagkaroon si Imam Malik ng pagsasalaysay ng Hadeeth mula sa kanya at maliban pa sa kanya.                                                                      
Hindi  nagkakasundo ang mga pantas tungkol kay Ibn Sayyad kung siya ba talaga si Ad-Dajjal o hindi, subalit nagkasundo sila  na siya'y isa sa mga gumagawa ng kasinungalingan at gumagamit ng pangitain at pamahiin.                                                                                            

     Si Ad-Dajjal (Bulaang Kristo) ay lalabas mula sa silangan, mula sa Khurasan, mula sa hudyo ng Asbahan at pagkatapos maglalakad siya sa lupa, wala siyang iiwanang lugar maliban lang na kanyang itong papasukin, maliban sa Madinah at Makkah kaya't hindi niya kayang pasukin ang dalawang ito sapagkat binabantayan ito ng mga Anghel. Naiulat ni Abu Bakar   kanyang sinabi: ikinuwento sa amin ng Sugo ng Allah, sinabi niya na: Ang Ad-Dajjal ay lalabas mula sa kalupaan ng silangan, ito ay tinatawag na Khurasan). Jamie At-Tirmizi.                

    At Naiulat ni Anas    kanyang sinabi: sinabi ng Sugo ng Allah   :(Lalabas si Ad-Dajjal (Bulaang kristo) mula sa hudyo ng Asbahan, may kasama siyang pitumpong libo mula sa mga hudyo). Si Ad-Dajjal (Bulaang Kristo) ay hindi makakapasok sa apat na Moske: 

1- Al-Masjid Al-Haram
2- Masjid Al-Madinah 
3- Masjid At-Toor 
4-  Al-Masjid AlAqsa.                                                                                                   

Mga Tagasunod ng Bulaang Kristo:                                

Karamihan sa mga tagasunod ng Bulaang Kristo ay mula sa Hudyo, Ajam (hindi arabo), Turk, mula sa iba't ibang tao na ang karamihan ay mga Arab at mga kababaihan. At minsan kapag makakaharap ng Bulaang kristo ang isang arabi (beduien) kanyang sasabihin: Ano sa palagay mo kung bubuhayin ko para sa iyo ang iyong tatay at nanay; sasaksihan mo arabi: Oo, at  ba na ako ang iyong panginoon? At sasabihin ng magpapakita sa kanya ang dalawang demonyo na kamukhang-kamukha ng kanyang tatay at nanay, kanilang sasabihin: O aking anak! Sundin mo siya; dahil siya ang iyong panginoon). Isinalaysay ni Ibn Majah.        

At karamihan sa kanyang magiging tagasunod ay mga kababaihan dahil madali lang silang sumunod lalung-lalo na sa mga matatamis na salita ni Ad-Dajjal (Bulaang Kristo).                                                                  

Ang Fitnah (kasamaan) ni Ad-Dajjal:                                        

Ang Kasamaan ng Bulaang Kristo ang siyang pinakamasamang fitnah sa kalupaan mula nang lalangin ng Allah si Adam hanggang sa araw ng paghuhukom dahil sa kapangyarihan at kababalaghan na ibibigay sa kanya ng Allah na bibiyak sa mga utak at magbibigay ng alinlangan sa mga isipan.                                                                                          

Katotohanan! Nabanggit sa mga hadeeth na mayroon siyang paraiso at impiyerno, ang kanyang paraiso ang siyang impiyerno, at ang kanyang impiyerno ang siyang paraiso, at mayroon din siyang mga ilog ng tubig, mga bundok ng tinapay, at uutusan niya ang langit para umulan at uulan, at ang lupa para tutubo (ng mga pananim, mga damo atbp.) at tutubo, sunod-sunod sa kanya ang mga libing na yaman ng lupa, at maglilibot sa lupa ng sobrang-bilis katulad ng ulan na itinutulak ng malakas na hangin at maliban pa dito na nabanggit ng Sugo ng Allah  .                            

Naiulat ni Hudhaifa    kanyang sinabi: sinabi ng Sugo ng Allah : (Tunay na ako ang nakaaalam kung ano mayroon ang bulaang kristo, mayroon siyang dalawang umaagos na ilog, isa sa kanila ay makikita ng mata na puting tubig, at ang iba ay makikita ng mata na lumalagablab na apoy, kapag inabutan ang mga ito ng isa sa inyo ay pupuntahan niya ang kanyang nakikitang apoy, at ipikit (ang mga mata) pagkatapos iyuko niya ang kanyang ulo at iinom mula dito sapagkat katotohanan ito ay malamig na tubig).                                                                                          

Ang panangga laban sa Fitnah (kasamaan) ng Bulaang Kristo:

Ginabayan ng Propeta    ang kanyang ummah tungo sa bagay na maglilitas sa kanila mula sa fitnah ng Bulaang Kristo, tunay na iniwan niya ang kanyang ummah sa puting daan, na ang liwanag ng gabi nito ay tulad ng liwanag ng araw nito, walang sinumang  lilihis mula dito maliban sa taong sira, walang bagay na nakabubuti maliban lang na kanya itong itinuro sa kanyang ummah, at walang nakasasama maliban lang na kanyang binigyan ng babala ang kanyang ummah mula dito, at kabilang dito ang fitnah ng Bulaang Kristo sapagkat ito na ang pinakamalaking fitnang mangyayari sa ummah hanggang sa araw ng paghuhukom kaya narito ang mga paalalang pang-gabay mula sa Propeta   na itinuro niya sa kanyang ummah upang maligtas mula sa malaking fitnah na ito, na hinihingi natin sa Allah   na iligtas tayong lahat mula dito:                

1- Pagsasabuhay sa mga katuruan ng Islam, at gawing sandata ang paniniwala (sa Allah), at kaalaman tungkol sa kanyang mga pangalan at mabubuting katangian na wala siyang katambal o kahati dito na kahit sino, kaya't malalaman niya na ang bulaang kristo ay tao lamang, kumakain at umiinom, at katotohanan ang Allah    ay maluwalhati at  wala siyang katangiang tulad nito, ang bulaang kristo ay bulag at si Allah ay hindi bulag, at tunay na walang sinumang makikita niya ang kanyang panginoon hanggang sa kamatayan, at Ad-Dajjal ay makikita siya ng mga tao sa kanyang paglabas, mananampalataya man sa kanila o hindi.    

2- Paghingi ng kalinga at pagpapakupkop laban sa fitnah ni Ad-Dajjal, lalung-lalo na sa pagdarasal, ito ang katuruan sa atin ng Propeta ; Naiulat ni Aisha asawa ng Propeta  : (Katotohanan! Ang Sugo ng Allah   noon ay kanyang idinadalangin ang: O Allah ako ay nagpapakupkop sayo mula sa kaparasuhan ng libingan, at nagpapakupkop ako sayo laban sa kasamaan ng bulaang kristo.....). Isinalaysay ni Al-Bukhari.          

3- Pagsasaulo ng mga taludtod mula sa kabanata ng Al-Kah'f, tunay na iniutos ng Propeta    ang pagbasa ng mga pambungad ng taludtod ng Suratul Kah'f laban sa bulaang kristo o pagbasa ng  unang sampung taludtod at huling sampung taludtod.

Kabilang sa mga hadeeth na nagbanggit nito ay ang ulat ni An-Nawwas bin Sam'an na mahabang hadeeth, sinabi ng Propeta  : (Kung sinuman ang kanyang aabutan mula sa inyo; basahin niya laban sa Dajjal ang mga
pambungad na taludtod ng Suratul Kah'f). Saheeh Muslim.                

4- Ang Paglayo mula sa Dajjal, at ang mas mainam ay mga nakatira sa Makkah at Madinah sapagkat hindi makakapasok si Dajjal sa Haramain (Makkah at Madinah) kaya't dapat lang layuan ng isang Muslim si Dajjal para makaligtas dahil susunod kay Dajjal ang isang  lalaking inaakala niyang sa kanyang sarili na siya ay mananampalataya, at magiging sunodsunoran kay Dajjal, tayo'y hihingi sa Allah na ilayo tayo at lahat ng mga Muslim mula sa kasamaan ni Dajjal.                                                      

*Ang Pagkamatay ng Dajjal

       Mamamatay si Dajjal sa mga kamay ni Hesus na anak ni Maria ayon sa mga ulat mula sa Propeta   sapagkat lalabas si Dajjal sa lahat ng kalupaan maliban sa Makkah at Madinah, dadami ang kanyang mga tagasunod, lalawak ang kanyang kasamaan, walang makakaligtas sa kanya maliban sa maliit na bilang mula sa mga mananampalataya, at sa panahong ito bababa si Hesus na anak ni Maria   sa bandang silangang menaret ng Damascus, at dadagsain siya ng mga alipin ng Allah na mananampalataya, palibutan siya ng mga mananampalataya at sila'y sasama sa kanya laban kay Dajjal, at si Dajjal naman sa panahon ng pagbaba ni Hesus ay patungong Baitul Maqdis (Palestine) at masalubong siya ni Hesus sa pintuan ng Ludd (isang lugar sa palestine na malapit sa Bait Al-Maqdis), kapag makita siya ni Dajjal siya'y (Dajjal) matutunaw tulad nang pagkatunaw ng asin, kaya't sasabihin sa kanya ni Hesus  : 

(Tunay na ikaw ay aking papaluin; hinding-hindi ka  makakaligtas sa akin), aabutan siya ni Hesus at siya'y papatayin sa pamamagitan Hirba (pamalo ni Hesus), at matatalo ang kanyang mga tagasunod, sila'y susundan ng mga mananampalataya at sila ay papatayin, hanggang sa  magsasalita ang punong-kahoy at bato: O Muslim! O Alipin ng Allah!  Nandito ang isang hudyo sa aking likuran, halika at siya'y patayin,  maliban sa punong-kahoy na nagngangalang Garqad dahil ito ay kabilang  sa mga punong-kahoy ng mga hudyo.                                                      At dahil sa pagpatay sa kanya (isinumpa ni Allah) magtatapos ang  kanyang malagim na kasamaan at ililigtas ng Allah silang mga  nanampalataya mula sa kanyang kasamaan at kasamaan ng kanyang mga  tagasunod sa mga kamay ni Hesus na anak ni Maria (Roohullah wa  kalimatuho)   at ang kanyang mga tagasunod, ang lahat ng pagpupuri  ay sa Allah lamang.                                                                                

3- Ang Pagbaba ni Hesus  :                                

Katangian ni Hesus  :                                                                    

Siya ay isang lalaking katamtaman ang tangkad, hindi matangkad at  hindi naman pandak (maiksi), pula, malapad ang dibdib, kulot ang buhok  na para bang bagong ligo na galing ng banyo, may mahabang buhok na  lampas ng tainga, kanya itong inayos na punong-puno ang pagitan ng  dalawang balikat.                                                                                  Naiulat ni Ibn Abbas   kanyang sinabi: sinabi ng Sugo ng Allah  : ( Nakita ko si Hesus, Moses at Abraham, at si Hesus ay pula, kulot at malapad ang dibdib...) Saheeh Al-Bukhari.                                              

Katangian ng pagbaba ni Hesus  :                                                  

Pagkatapos ng paglabas ni Dajjal at kanyang kasiraan sa lupa,  ipapadala ng Allah si Hesus  , siya'y bababa sa lupa, sa bandang puting  menaret sa silangang damascus, nakasuot ng mahroodatain,  nakalagay  ang kanyang dalawang kamay sa mga pakpak ng dalawang Anghel,  kapag iyuyuko niya ang kanyang ulo'y may tumutulong tubig mula dito,  at kapag iangat niya ay may nahuhulog mula dito na  perlas, walang nakakaamoy na hindi mananampalataya sa kanyang hiningi maliban sa ito'y namamatay.                                                                                    Siya ay bababa sa grupong nagtagumpay, na ipaglalaban ang  katotohanan, sila'y magkakaisa upang digmain si Dajjal, at siya'y bababa sa oras ng pagtayo ng Salah (dasal) at magdadasal sa likod ng pinuno ng grupong iyon.                                                                                         

Dunong sa pagbaba ni Hesus  :                                                        

1- Bilang kasagutan sa maling akala ng mga hudyo na kanilang napatay at  naipako sa krus si Hesus   kaya't ipinahayag ng Allah   ang kanilang kasinungalingan, at tunay na siya ang makakapatay sa kanila at ang kanilang pinuno na si Dajjal.                                                                 

2- Katotohanan! Natagpuan ni Hesus   sa ebanghelyo ang kalamangan  ng ummah ni Propeta   tulad ng sinabi ng Allah  :                                 

48:29

(At ang nakakahalintulad nila sa ebanghelyo ay: katulad nila ay buto (na itinanim) at bumukadkad sa pagtubo, at naging matatag, at sa kalaunan ay lumago at tumindig nang matuwid...)[Al-Fath: 29].                               

3- Tunay na siya ay bababa upang pasinungalingan ang mga mali at huwad na paniniwala ng mga kristiyano tungkol sa kanya, at wawasakin o sisirain ng Allah ang lahat ng relihiyon sa kanyang panahon maliban sa Islam sapagkat wawasakin niya ang krus.                                               

- mananatili siya sa lupa nang pitong taon o apat na pu't taon, at pagkatapos siya ay mamatay at dadasalan siya ng mga Muslim.           

4- Ya'zooz at Mazooz: 

Kanilang Pinagmulan: 

Sila ay mula parin sa tao, mula sa angkan ni Adan , sila ay mula mga anak ni Yafeth abu At-Turk, at si Yafeth ay isa sa mga anak ni Noh (Noa) . Naiulat ni abdullah bin Amr, ulat na mula sa Sugo ng Allah : (Katotohanan! Ang Ya'zooz at Ma'zooz ay mula sa mga anak ni Adan, at tunay na kapag sila ay naipadala sa mga tao kanilang wawasakin ang kanilang ( tao) mga kabuhayan, at hindi mamamatay ang isa sa kanila maliban lang na ito'y nag-iwan ng isang libong anak o higit pa). 

Kanilang Katangian: 

Ang nabanggit sa mga Hadeeth na katangian ng mga Yaz'ooz at  Ma'zooz ay tulad ng hitsura ng mga Turk ( mga tao sa Turkistan), maliliit ang mga mata, blondy ang buhok, malalapad ang pagmumukha. Sila ay malalakas at walang sinumang makakalaban sa kanila. Sinabi ng Allah : 

21:97
[Hanggang nang sina Gog at Magog ay hayaan na makawala(sa kanilang hadlang) at silay mabilis na nagsipangalat sa bawat talampas. At ang tunay na pangako ( Araw ng muling pagkabuhay) ay malapit na (sa katuparan).At kapag (ang sangkatauhan ay ibangon na mula sa kanilang libingan), mapgmamalas ninyo ang mga mata ng mga hindi sumasampalataya na nakatitig sa pagkasindak.(sila ay mangungusap):"kasawian sa amin!Katotohanan kami ay nagpabaya rito;datapwat (walang alinlangan) na kami ay mapagsamba sa mga diyus-diyosan at mapaggawa ng kamalian].[Al-Anbiya: 97].

Sagka ni Ya'zooz at Ma'zooz: 

Nagpatayo si Dhul Qarnain noon ng Sagka para maging pagitan nila Gog at Magog sa kanilang mga kabit-bahay o mga taong malapit sa kanilang lugar na humingi ng tulong sa kaniya. Sinabi ng Allah sa Qur'an:

18:94
18:95
(Sila ay nagsabi: O Dhul Qarnain!Katotohang si Ya'zooz at Ma'zooz ay gumagawa ng malaking kabuktutan sa kalupaan.Kami baga ay magbabayad sa iyo ng buwis (o pagkilala) upang ikaw ay magtayo ng isang sagka sa pagitan namin at nila. Siya ay nagsabi:"Yaong (kayamanan, kapamahalaan at kapangyarihan) na itinatag sa akin ng aking panginoon ay higit na mainam (sa inyong buwis at pagkilala).Kaya't tulungan ninyo ako ng lakas (ng mga tao), ako ay magtatayo ng sagka sa pagitan ninyo at nila).[Al-Kahf:95]. 

5- Ang Tatlong Khosoof: 

Ang Khosoof ay nangangahulugan ng pagkawala ng isang lugar. Ang Tatlong khosoof na isa sa mga tanda ng pagdating ng araw ng paghuhukom ay nabanggit lahat sa mga Hadeeth ng Propeta , Naiulat ni Huzaifa bin Aseed (o Asyad) katotohanan, sinabi ng Sugo ng Allah :

عن حذيفة بن أسيد   أن رسول !   قال:( إن الساعة لن تقوم حتى تروا عشر آيات ... (فذكر منھا) وث ثة خسوف: خسف بالمشرق،         وخسف بالمغرب، وخسف بجزيرة العرب)  - رواه مسلم.

(Katotohanan!Ang araw ng paghuhukom ay hinding-hindi tatayo (mangyayari)maliban lang na makikita ninyo muna ang sampong tanda nito...at binanggit niya dito: at ang tatlong Khosoof: Isang Khas'f sa bandang silangan, isang Khas'f sa bandang kanluran at isang Khas'f sa Isla ng Arab). Isinalaysay ni Muslim. 

Nangyari naba ang tatlong Khosoof na ito? 

Ang mga Khosoof na ito ay hindi pa nangyari hanggang ngayon tulad ng ibang malalaking tanda ng pagdating ng araw ng paghuhukom, kaya't mangyayari ito kapag nalalapit na talaga ang araw ng paghuhukom at ito'y maging kasindak-sindak na pangyayari dahil maraming mga taong mamatay. 

Isinulat sa wikang Tagalog ni: Ust. Salamodin D. Kasim
Islamic Center in Rabwah, Riyadh
Kingdom of Saudi Arabia
Ramadhan 1431 H.

Sinuri ni:Ust. Muhammad Taha Ali
Islamic Center in Rabwah

Tuesday, May 21, 2013

Ang Mensahe ng Islam

May Akda: Dr.Abdul Rahman Al-Sheha
Isinalin sa tagalog nina: Ahmad Jibreel Salas at Jamal Joves

Ang Mga Katagang Ginamit sa Aklat na Ito

(Sinipi mula sa Aklat ni Sheikh Mahmoud Murad na: 'Common Mistakes in Translation')

Rabb: Ang katagang Rabb ay kadalasang isinasalin ng iba bilang katumbas ng salitang Panginoon (Lord). Subali't, bukod sa katotohanang ang huli ay isang katagang ginamit sa Bibliya, ang katagang ito ay ginagamit din kapag tinutukoy si Propeta Hesus (alaihis salaam) bilang kanilang Panginoon.Ang salitang Panginoon (Lord) ay isang kataga na ang karaniwang kahulugan nito ay nakahangga lamang sa isang "guro, pinuno, may-ari o tagapamahala", na sadyang kapos at kulang sa diwa o kahulugan kung ihahambing ito sa katagang Rabb sapagka't ang Rabb (na mula sa wikang arabik) ay mayroong malawak na kahulugan at kahalagahan. Ang ilang mahahalagang kahulugan ng Rabb ay ang Tagapaglikha, ang Tagapaghubog (Tagapag-anyo), ang
Tagapanustos,ang Tanging Isa na inaasahan ng lahat ng mga nilikha upang patuloy na mabuhay, at Siya ang Tanging Isa na nagbibigay ng Buhay at nagdudulot  ng Kamatayan. Sa aklat na ito, gagamitin natin ang katagang Rabb na may panaklong na (Panginoon) upang maging madali sa mga mambabasa.

1. Deen: Ang salitang Deen ay isinalin bilang Relihiyon, na sa wikang Arabik, ito ay karaniwang tumutukoy at nakaugnay sa isang Pamamaraan ng Buhay, maging ito man ay pansarili o pangkalahatan. Ito ay isang malawak na kataga na may kahulugan na: 'mga gawang pagsamba, ang mga kasanayang pampulitika, masusing alituntuning nauukol sa kagandahang-asal, kabilang na rito ang kalinisan at tamang pag-uugali'.

2. (صلى الله عليه وسلم) Sal'lal'laaho a'laihi wa sal'lam, ay nangangahulugan na:, Nawa'y purihin at itampok ng Allah (سبحان وتعالى) ang kanyang pangalan (Propeta Muhammad (صلى الله عليه وسلم) at pangalagaan at ilayo siya at maging ang kanyang pamilya laban sa anumang masamang bagay'.

3. (سبحان وتعالى) Subhaanaho wa Ta'aala, ay nangangahulugan na:, 'Siya ay Ganap na malayo at malaya sa anumang kakulangan, kapintasan at kamalian'.

PANIMULA

Ako ay magsisimula sa Ngalan ng Allah, Ang Mahabagin, Ang Maawain 

Lahat ng papuri at pagsamba ay nauukol lamang sa Allah (سبحان وتعالى) Rabb ng mga Daigdig at nawa’y purihin at itampok ng Allah (سبحان وتعالى) ) ang pagbanggit sa huling Propeta (Muhammad,  صلى الله عليه وسلم) at iligtas siya at ang kanyang pamilya sa anumang pagkukulang at pangalagaan sila mula sa anumang kasamaan. 

Ang Allah, ang Makapangyarihan ay nagsabi:

 “Sabihin: (O Muhammad) O, Mga taong pinagkalooban ng  (Banal na) Kasulatan! (Hudyo at Kristiyano) Halina sa isang  salita na makatarungan sa amin at sa inyo: na wala tayong dapat sambahin maliban sa Allah, na hindi tayo mag-uugnay ng sinuman (bilang diyos bukod pa sa Allah), na wala tayong itatakdang (iba pang) mga Panginoon bukod sa Allah. Pagkaraan nito, kung sila ay magsilayo (at magsitalikod), inyong sabihin: ‘Kayo ang saksi na kami ay Muslim’ (mga taong sumusuko at sumasamba lamang sa Allah).” (Qur’an 3:64) 

Ang Islam ay relihiyong batay sa likas na katuwiran ng tao. Ito ay nagaanyaya sa mga Muslim at nananawagan sa kanila na magtanong tungkol sa mga bagay na hindi nila ganap na nauunawaan. Iminumungkahi sa kanila na humingi ng kaukulang kasagutan mula sa mga mapananaligan at maalam na awtoridad (may taglay na malawak na karunungan). Sa relihiyong Islam, walang nakalilito o himalang mga bagay at iminumungkahi sa lahat na kailangang magtanong tungkol sa mga paksa o bagay na hindi nauunawaan. 

Ang Allah (سبحانه وتعالى) ay nagsabi :

"… Kaya, inyong tanungin yaong nakaaalam ng Kasulatan (ang mga maalam na tao) kung ito ay hindi ninyo nalalaman.” (Qur’an 16: 43)

Likas sa tao na maraming katanungan nabubuo sa kanyang isip na nangangailangan ng kaukulang kasagutan, mga kasagutan na sadyang makatuwiran at malinaw. At ang Qur’an ay nagbibigay ng mga kasagutan sa paraang makatuwiran, maliwanag at makatotohanan. Ang mga paksang maaari nating pagtuunan nang pansin ay mga ilang pangunahing katanungan tulad ng:

a. Tungkol sa pinagmulan ng tao; matatagpuan ang kasagutan nito mula sa Banal na Kapahayagan ng Allah (سبحانه وتعالى) —ang Qur’an:

" At tunay nga na Aming nilikha ang tao mula sa hinangong huwad (tubig at lupa). Pagkaraan niyaon, ginawa Namin siyang isang Nutfah (pinaghalong patak ng semilya ng lalaki at babae at ito ay inilagak) sa isang matiwasay na sisidlan (sa sinapupunan ng ina). Saka, Aming ginawa ang Nutfah na isang Alaqah (namuong
kimpal ng dugo, pagkaraan ang namuong kimpal ng dugo ay ginawa Naming isang Mudhgah (maliit na kapirasong laman), at mula sa maliit na kapirasong laman, ginawa Namin ang buto, at ito ay binalutan ang buto ng mga laman at pagkatapos ito ay lumitaw bilang isang bagong nilikha (ang sanggol). Kaya, Mapagpala ang Allah, ang Pinakamahusay na Manlilikha." (Qur’an 23: 12-14)

b. Tungkol sa katayuan ng tao sa sandaigdigan, at ang kanyang kalagayan mula sa mga ibang nilikha. Ang Dakilang Allah (سبحانه وتعالى) ay nagsabi:

"At tunay nga na Aming pinarangalan ang mga anak ni Adan at Amin silang dinala sa lupain at (ipinalaot) sa karagatan at pinagkalooban sila nang mabubuti at malilinis na bagay at pinili sila nang higit sa anupamang nilikha Namin nang may (tanda ng) kahigtang antas.” (Qur’an 17:70)

c. Tungkol sa layunin ng pagkakalikha ng tao…  Ang Makapangyarihang Allah (سبحانه وتعالى) ay nagsabi:  


"At Aking nilikha lamang ang Jinn at Tao upang sila ay sumamba sa Akin. Wala Akong kahilingan sa kanila para sa ikabubuhay (nila o ng ibang nilikha) o humihiling sa kanila para pakainin (ang kanilang sarili o ng ibang nilikha). Sapagkat, ang Allah ang Siyang nagbibigay (lahat) ng kabuhayan. Ang Panginoon ng Kapangyarihan, ang (Ganap na) Malakas.” (Qur’an 51: 56-58)

Ang Dakilang Allah (سبحانه وتعالى) ay nagsabi rin: 

"Inaakala ba ninyo na nilikha Namin kayo sa paglalaro lamang (na walang layunin) at hindi kayo magbabalik sa Amin (upang magbayad sala)? Higit sa Kataas-taasan ang Allah, Ang Tunay na Hari: ‘La ilaha illa Huwa’ (Walang ibang diyos na dapat sambahin kundi Siya (Allah), ang Panginoon ng Marangal na Trono!" (Qur’an 23: 115-116)

d. Tungkol sa Tagapaglikha, na Siyang Tangi at Nag-iisang Diyos na dapat sambahin at pasalamatan… ang Dakilang Allah (سبحانه وتعالى) ay nagsabi:  

“Siya ang Allah, wala ng iba pang diyos na dapat sambahin maliban sa Kanya.  Ang Lubos na nakaaalam sa lahat ng mga nakatago at nakalantad, ang Mahabagin, ang Maawain. Siya ang Allah, wala ng iba pang diyos maliban sa Kanya, Ang Nag-iisang Hari, Ang (Ganap) na Banal, ang Pinagmumulan ng Kapayapaan at Tanging Nag-iisang Ganap (malaya sa anumang kakulangan o kapintasan) ang Tagapagbantay ng Pananampalataya, ang Tagapagmasid sa lahat ng Kanyang mga nilikha. Ang Dakila sa Kapangyarihan, ang Kagila-gilalas (at hindi mapaglalabanan), ang Kataas-taasan. Luwalhati sa Kanya (mataas Siya) Higit kaysa 
kaninumang iniaakibat (o iniuugnay) sa Kanya. Siya ang Allah, Ang Tagapaglikha. Ang Pinagmulan ng lahat ng bagay. Ang Tagapagbigay anyo (hubog at hugis). (Taglay Niya at) Sa Kanya ang pagmamay-ari ng Naggagandahang Pangalan (at Katangian). Ang lahat ng nasa mga kalangitan at kalupaan ay lumuluwalhati sa Kanya: At Siya ang Makapangyarihan (at Nakapangyayari), Ang Tigib ng Karunungan.” (Qur’an 59:22-24)

e. Tungkol sa pananagutan ng tao na dapat niyang tuparin at isagawa kaugnay ng mga bagay na nilikha ng Dakilang Allah (سبحانه وتعالى) sa sanlibutan… ang Dakilang Allah (سبحانه وتعالى) ay nagsabi: 

"O kayong mananampalataya!  Magsikain kayo mula sa mga pinahihintulutang bagay na ipinagkaloob sa inyo, at maging mapagpasalamat sa Allah, kung tunay nga na kayo ay (tapat na) sumasamba sa Kanya." (Qur’an 2: 172)  

f. Tungkol sa tunay na Relihiyon na dapat sundin at yakapin, na siyang tunay na landas na dapat tahakin tungo sa kaligayahan sa kabilang buhay… ang Allah (سبحانه وتعالى) ay nagsabi:

“Ang sinumang humanap ng relihiyon maliban sa Islam (ang pagsunod at pagtalima sa Kalooban ng Allah), ito ay hindi tatanggapin sa kanya at sa kabilang buhay siya ay kabilang sa mga sawimpalad.” (Qur’an 3:85)

“Katotohanan na ang relihiyon sa paningin ng Allah ay Islam (pagsunod at pagtalima sa Kanyang Kalooban)...” (Qur’an 3:19)

g. Tungkol sa landas upang makamtan ang kapayapaan ng puso at isip… ang Dakilang Allah (سبحانه وتعالى) ay nagsabi:

"At sila na nanampalataya at sila na ang mga puso ay natagpuan ang kapayapaan (at kapanatagan) sa pag-alaala sa Allah: Katotohanan, sa pagbibigay ala-ala (at paggunita) sa Allah, dito matatagpuan ang kapayapaan (at kapanatagan) ng puso. (Qur’an 13:28)

h. Tungkol sa kalagayan ng mga taong walang paniniwala sa Dakilang Allah (سبحانه وتعالى) at sa Kanyang mga Banal na Kapahayagan… Siya ay (سبحانه وتعالى) ay nagsabi:

"Datapwat sinuman ang tumalikod mula sa Aking Babala (o sa Aking Mensahe), katotohanan, mararanasan niya ang kahirapan ng buhay at Amin siyang bubuhaying Muli na bulag sa Araw ng Paghuhukom.”  

(Qur’an 20: 124)

i. Tungkol sa tadhana o kahihinatnan sa buhay ng tao… ang Dakilang Allah (سبحانه وتعالى) ay nagsabi:

"Bawat isa ay makararanas ng kamatayan. At sa Araw ng Pagkabuhay Muli lamang babayaran nang ganap ang inyong pinagpaguran. Sinuman ang nailayo sa Apoy at tinanggap sa Paraiso, siya ay tunay na nagtagumpay. Ang buhay sa mundo itong ay isa lamang nakapanlilinlang na (panandaliang) ligaya."  

(Qur’an 3: 185)

j. Tungkol sa muling paglikha sa tao (sa Araw ng Pagkabuhay Muli)… ang Dakilang Allah (سبحانه وتعالى) ay nagsabi:

"At siya (ang tao ay) nagbigay sa Amin ng isang talinhaga (at paghahambing) at (samantalang) kanyang nalimutan ang katotohanan ng kanyang (pinagmulan) pagkakalikha. At siya (ang tao) ay nag-aalinlangang nagsabi: Sino ang magbibigay ng buhay sa mga nangabulok na kalansay (at buto) na ito? Ipahayag mo (O, 
Muhammad) ang magbibigay buhay sa mga (buto’t kalansay na) ito ay ang unang lumikha nito, sapagkat Siya ang lubos na Maalam ng bawat nilikha (Niya)." (Qur’an 36:78-79)

At sinabi rin ng Dakilang Allah (سبحانه وتعالى):

"O, Sangkatauhan! Kung kayo ay nag-aalinlangan tungkol sa Pagkabuhay Muli,  magkagayon, (inyong) pagmasdan! Nilikha Namin kayo mula sa alabok, pagkaraa’y mula sa (patak ng) punlay, pagkaraa’y mula sa (patak ng) dugo at mula rito ay kapirasong laman. At Aming pinapangyaring ito ay manatili sa sinapupunan para sa takdang panahon at  pagkaraa’y Amin kayong iniluwal bilang bagong nilikha (mga sanggol)...”  (Qur’an 22:5)

k) Tungkol sa magaganap pagkaraan ng kamatayan… ang Dakilang Allah (سبحانه وتعالى) ay nagsabi:

"Tandaan (Alalahanin!) Silang walang paniniwala mula sa mga taong pinagkalooban ng Banal na kasulatan (Hudyo at Kristiyano) at silang mga sumasamba sa diyus-diyusan (mga taong sumasamba sa mga nilikhang bagay; Propeta, santo, rebulto, imahen, hayop, o kapwa tao), ay mananatili sa Apoy ng Impiyerno. Sila ang 
pinakamasama sa lahat ng mga nilikha. At tandaan (at alalahanin) sila na may pananampalataya (sa Allah) at nagsasagawa ng mga kabutihan, sila yaong pinakamabuti sa lahat ng mga nilikha. Ang kanilang gantimpala ay magmumula sa kanilang Panginoon—mga Hardin ng Eden (Paraiso) na sa ilalim nito  ay may umaagos na mga ilog, doon sila ay mananatili magpakailanman. Ang Allah ay nagagalak sa kanila at ganoon din sila sa Kanya. Ito ay (nakalaan) para sa kanilang may taglay na “taqwa” (mapitagang takot,  pagsunod at pagmamahal) sa kanilang Panginoon- (Ang Allah).” (Qur’an 98: 6-8)

Sa mga Minamahal na Mambabasa:

Ako ay nagpapatunay sa inyo na ang Islam ay nagtataglay ng mabisang lunas sa lahat ng suliranin na kinahaharap ng buong mundo sa kasalukuyan. Ang mundo ay nagtakda ng maraming simulain upang
lunasan ang mga suliranin nito, nguni't bawa't panahon ang mga simulaing ito ay napatunayan o natagpuang hindi naaangkop sa lahat ng panahon at walang kakayahang lunasan ang anumang suliranin. Kung gayon, bakit hindi tangkilikin ng mga tao ang mga batas ng Islam sa kanilang pamumuhay upang makamtan ang makabuluhang pamamaraan ng kanilang buhay?Sinabi ni G. C.E. Abdullah Archibald W. Hamilton;

"Nararamdaman ko na dapat akong sumulat at ipahayag ang aking damdamin ng pasasalamat sa lahat ng mga kapatid na Muslim, sapagka't nang ako ay yumakap sa Islam, sila ay naging mabait sa akin sa pamamagitan nang tapat na pagpapadala ng mga  liham ng pagbati sa akin. Kinalulugod ko ang kanilang pagbati sa akin nang higit sa anumang salitang maaaring mamutawi sa aking mga labi. Pagkaraan ng huling digmaan, nang ang buong mundo ay untiunting nakahulagpos sa pagdanak ng dugo, inakala ko na ang
lahat ng kapayapaan at ang mga mabubuting ugnayan ay ganap nang naglaho. Subali't ang katotohanan nito, ang aking mga kapatid na Muslim mula sa ibat-ibang ibayo ng ikapitong dagat ay buong pusong naghatid sa akin ng tulong at pagdamay bilang kapatid… at ito ay nagbigay ng ibayong pag-asa at sigla sa akin. Ito ay nagpapatunay sa akin nang higit sa anupaman, na tanging ang Islam lamang ang makapagdudulot ng tunay na kapayapaan sa mundong ito.

Mga Minamahal na Mambabasa:

Ikinalulungkot kong sabihin na may mga Muslim sa panahong ito na sadyang napaligaw sapagka't hindi nila isinasabuhay ang mga aral ng Islam; sila ay naturingan lamang bilang mga Muslim batay sa kanilang pangalan nguni't kapos sa diwa at kahulugan ng salitang “Muslim.” Ang tunay na Muslim ay yaong buong pusong tumatalima sa lahat ng kautusan ng Banal na Qur’an at Sunnah ni Propeta Muhammad (صلى الله عليه وسلم),
bilang panuntunan ng kanyang pang-araw-araw na pamumuhay. Ang tunay na Muslim ay hindi yaong pumipili lamang ng mga bagay mula sa Islam na naaangkop sa kanyang sariling kapakanan at pagkaraan,tinatalikdan niya ang lahat ng kautusang pangkalahatan na hindi niya kinalulugdang gawin!

Hindi makatuwiran na iugnay ang relihiyong Islam sa isang partikular na bansa o lahi o angkan ng tao. At hindi rin naaangkop sabihin na ang lahat ng Muslim ay nabubuhay nang ayon sa Batas ng Islam. Sa katunayan, maraming Muslim sa kasalukuyan ang naliligaw at sadyang malayo sa pagsasakatuparan ng mga aral ng Islam. Ang Islam ay hindi, sa pag-aakala ng iba ay nauukol lamang sa pagsasagawa ng mga
rituwal na gawain na ginagampanan sa isang takdang oras o panahon. Higit sa lahat, ang Deen (Relihiyon) na ito ay binubuo o kinabibilangan ng mga paniniwala, batas, pagsamba, pangangalakal o pakikipagugnayan. Ito ay Deen (Relihiyon) at isang pamamaraan ng pamamahala na sumasakop sa lahat ng aspeto ng buhay. Isang magandang puna hinggil sa Islam ay sadyang katotohanan nang ito ay kanyang sinabi na:

“Ang Islam ay isang dakila (napakagandang) relihiyon, kung isinasakatuparan lamang ang mga aral nito,  sundin ang mga kautusan at iwasan ang mga (bagay na) ipinagbabawal nito.”

Sa kanyang aklat na 'Ano ang Islam?' ni G. W. Montgomery Watt ay nagsabi;  "Ang diskriminasyon (kawalan ng pagkapantay-pantay) ay isa sa mga balakid na nararanasan ng mga mag-aaral ng Islam
sa Europa o America.  Kapag nagsimula siyang maglarawan sa Islam bilang "relihiyon ng Qur'an o isang relihiyon ng may 400 milyong Muslim sa ngayon', siya ay nagpapakilala ng isang uri na hindi naaakmang tawagin bilang isang uri ng 'relihiyon'.  Sa kasalukuyang panahon, ano ba ang kahulugan ng 'relihiyon' sa
mga taga-Kanluran? Sa kanilang pananaw, ang pinakamagandang kahulugan nito, sa isang karaniwang tao, ay ang paggugol sa loob ng ilang oras sa araw ng Linggo na nagbibigay ng suporta at lakas sa pakikipag harap nila sa mga suliranin ng kanilang buhay. At ito rin ang nagbibigay ng sigla sa kanila upang makipag
kaibigan o makihalubilo sa ibang kilala o bantog na tao at nang sa gayon ay kanilang mapanatili sa lipunan ang antas ng kanilang makamundong kaligayahan at pagnanasa, at ito ay walang kaugnayan sa larangan ng pangangalakal, politika o kabuhayan. Ang masama pa rito, ito ay nag-aanyaya ng pagmamalaki sa mga
taong nakaririwasa at nasisiyahan sa pagyayabang. Isinasaalangalang din ng ibang taga Europa ang relihiyon bilang bagay na itinatag ng mga mapagsamantala upang kasangkapanin ang mga karaniwang tao at mapailalim sa kanilang kapangyarihan. Tunay na may malaking pagkakaiba ang kahulugan ng talata ng Qur’an na nagsasaad na: ‘Ang tunay na relihiyon sa (paningin ng) Allah (سبحانه وتعالى) ay ang Islam!’ Ang salitang 'Deen' ay isinalin at ipinalit sa katagang ‘relihiyon’ subali't sa  katotohanan, ang ‘Deen’ sa wikang Arabik ay tumutukoy sa isang Ganap na Pamamaraan ng Buhay. Hindi ito pansariling bagay para sa tao na nakahangga lamang sa kanilang buhay kundi ito ay may kaugnayan sa pansarili at pangkalahatan, isang bagay
na humubog bilang isang ganap na pamamaraang kumikilala sa lahat ng aspeto ng buhay- mga paniniwala, pamamaraan ng pagsamba, politika, mga detalyadong alituntunin, kabilang na ang mga paksang itinuturing ng taga Europa bilang kagandahang-asal o pag-uugali, kalusugan at kalinisan.  

Ang kabuuan ng Islam ay ipinahayag kay Propeta Muhammad (سبحانه وتعالى) at ito ay hindi nagbago at nananatiling nasa ganap na kaayusan magpahanggang ngayon.  Walang pagbabagong naganap. Ang nagkaroon lamang ng pagbabago ay ang mga tinatawag na Muslim na namumuhay nang lihis sa aral ng Islam. Kung ang isang tinatawag na Muslim ay nagkasala o nakagawa ng mga ipinagbabawal na bagay, hindi nangangahulugan na ang Islam ay umaayon o tinatanggap ang gayong gawain. Halimbawa, kung ang isang tao ay binigyan ng makinarya na may siping alituntunin na dapat sundin (manual of  instructions) upang mapaandar niya ang makinarya. Nguni't hindi niya sinunod ang mga alituntunin (manual of instructions) at ang makina ay nasira, maaari ba nating sabihin na ang aklat ay hindi tama? Maaari nating sabihin na ang taong binigyan ng aklat ay hindi nagtagumpay sa pagsunod niya sa naturang alituntunin (manual). Aking inaanyayahan ang mga mambabasa sa aklat na ito na magkaroon ng malayang pag-iisip at hindi bunga o bugso ng damdamin upang sa gayon ang tunay na layuning matagpuan ang katotohanan ng Islam ay madaling matagpuan. Kaya naman, ang makatuwirang kaisipan ang nararapat na gamitin at hindi ang bugso ng damdamin. Dito nakasalalay ang ganap na pagkaunawa sa Islam. Ang pinakamagandang bagay na ipinagkaloob sa atin ng Allah (سبحانه وتعالى) ay ang kaisipan at ang tamang paggamit ng katuwiran. Tulad ng nakasaad sa Qur’an;

"At kung sabihin sa kanila: Sundin kung ano ang ipinahayag ng Allah, sila ay magsasabi: 'Aming sinusunod kung ano ang natagpuan  namin sa aming mga ninuno.  Ano! Kahit ba ang kanilang mga ninuno ay mangmang (at salat sa kaalaman) at walang patnubay?" (Qur’an 2: 170)

Ang isang makatuwirang tao ay hindi tumatanggap ng isang bagay maliban na ito ay kanyang pag-aralan nang mahusay at unawaing mabuti. Kapag siya ay ganap na nasiyahan at napatunayan ang katotohanan at liwanag nito, hindi niya dapat kimkimin sa kanyang sarili lamang. Bagkus, nararapat niyang iparating ang kaalamang ito sa kanyang kapwa tao.  Sa gayong paraan, ang mga taong mali ang pagkaunawa ay maitutuwid ito ayon sa aral at katuruan ng naturang paksa.

Sa huli, aking aaminin na hindi ko ganap na maibibigay (ang buong pagpapaliwanag) sa paksang ito sapagkat kung ating pag-uusapan ang Islam, ito ay binubuo ng malawak na paksa na tumatalakay sa lahat ng kalakaran ng buhay. Sa aklat na ito binigyang-diin ko ang pagpapaliwanag sa mga mahahalagang paksa na nauukol sa mga pangunahin o pundamental na aral ng Islam. Ang bawat paliwanag ay binigyan ko ng katibayan at patunay mula sa Banal na Qur’an at Sunnah ng Propeta (صلى الله عليه وسلم). Maaaring ang mga ibang tao ay magsasabi na ang mga Batas ng Islam ay nakita na at pinaiiral na ng mga makabagong pamayanan. Magkagayon, ang mga alinlangan nila (na may layon maipaliwanag at maituwid ang pag-aakala na ang Islam ay galing sa makabagong batas at sistema) ay maaari ng isantabi, sapagkat nababatid natin ngayon na ang mga Batas ng Islam ay naroroon na, mahigit na labing-apat na raang taon na, at mangyaring ang mga Batas na pinaiiral ng mga makabagong pamayanan ngayon ay hinango mula sa Islamikong Batas. Karagdagan pa rito, ang mga taga Silangan ay maraming dahilan at layunin sa pag-aaral ng Islamikong Batas.

Dr.Abdurrahman b. Abdul-Kareem al-Sheha
P.O. Box 59565
Riyadh 11535
E-mail: alsheha2@gmail.com
http://www.islamland.org

https://docs.google.com/gview?url=http://d1.islamhouse.com/data/tl/ih_books/single/tl_islam_message_sheha.pdf&chrome=true




Ano ang mga Patakaran Para sa Isang Tapat na Pagsisisi?

Ang Katapatan sa Allah


Ang pagsisisi ay nararapat gawin nang dahil sa pagmamahal sa Allah, sa pagdakila sa Kanya, sa paghahangad sa Kanyang gantimpala at kapatawaran, at sa takot sa Kanyang kaparusahan.

Ang pagsisisi ay hindi dapat gawin dahil sa hangaring mapalapit sa isang tao at sa hangaring humanap ng mga makamundong bagay.

Ang Allah ay nagpahayag:

Maliban sa mga nagsisisi (mula sa pagkukunwari), gumagawa ng mga kabutihan, umaasa sa Allah, at pinadadalisay ang kanilang relihiyon para sa Allah (na walang ibang sinasamba maliban sa Kanya, at gumagawa ng kabutihan para sa Kanya lamang, hindi upang magpakitang-tao), magkagayon sila’y makakasama ng mga mananampalataya. At igagawad ng Allah ang malaking gantimpala sa mga mananampalataya. (An-Nisaa-4:146)


Ang Pag-iwas Mula sa Kasalanan

Ang pagsisisi ay hindi magiging makatotohanan at katanggap-tanggap kapag ang isang tao ay patuloy pa rin sa paggawa ng mga kasalanan habang siya’y kasalukuyang nagsisisi. Sa kabilang banda, ang paggawa muli ng katulad na kasalanan matapos ng tapat na pagsisisi ay di-makapagwawalang bisa sa unang pagsisisi, subali’t kinakailangan niyang magsising muli.

Ang Pag-amin sa Kasalanan

Walang sinuman ang makagagawang magsisi mula sa mga bagay na hindi niya itinuturing na kasalanan.

Ang (Damdaming Ng) Pagkalungkot sa mga Kasalanan

Ang pagsisisi ay maituturing na tapat lamang kapag ikinalulungkot ng tao ang kanyang nagawang kasalanan at dahil dito‎ nakadarama siya ng labis na kalungkutan. Hindi tinatanggap ang pagsisisi ng isang taong ipinagyayabang ang kanyang mga kasalanan.

Dahil dito ang Propeta nagsabi,

Ang labis na pagkalungkot ay pagsisisi. (Ahmad at ibn Majah)

Ang Katatagang Hindi na Babalikang Muli ang Nagawang Kasalanan

Ang pagsisisi ay hindi tinatanggap mula sa isang taong may hangaring bumalik muli sa kasalanang pinagsisihan, bagkus marapat siyang magkaroon ng layuning huwag gawing muli ang naturang kasalanan sa darating na panahon.

Ang Pagsauli sa Tao ng Kanilang Karapatan

Kapag ang kasalanan ay may kaugnayan sa karapatan ng ibang tao, magkagayo’y dapat isauli ang kinuhang karapatang ito sa mga taong pinagkunan kung nais na ituwid ito (tama) at maging katanggap-tanggap ang pagsisisi.

Ang Propeta ay nagsabi:

Sinumang kumuha ng karapatan ng ibang tao, magkagayo’y‎ hayaan niya ngayong maging malaya ang kanyang sarili mula rito bago dumating ang Araw na walang makukuhang pakinabang sa ginto at pilak. Kung ang isang tao ay may (dalang) mga gantimpala (sa Araw na iyon), kukunin mula sa kanyang mga gantimpala ang katumbas na sukat sa kanyang pang-aapi at ibibigay sa kanyang mga inapi. Kung wala na siyang mga gantimpala, magkagayo’y ang kasalanan ng kanyang mga inapi ang idadagdag sa kanya. (Bukhaari)

Ang Panahon na ang Pagsisisi ay Tinatanggap

Ang pagsisisi ay tinatanggap bago dumating ang mga sandali ng kamatayan at bago sumikat ang araw sa kanluran.

Ang Propeta ay nagsabi:

Bukas-palad ang kamay ng Allah sa gabi (sa paraang naaayon sa Kanyang Kadakilaan) upang ang mga makasalanan sa umaga ay makapagsisi, at bukas-palad ang Kanyang Kamay sa umaga, upang ang mga makasalanan sa gabi ay makapagsisi, hanggang sa ang araw ay sumikat sa kanluran. (Muslim)

Siya rin ay nagsabi:

Walang pagsisising tatanggapin sa sandali ng kamatayan. (Ahmad at Tirmidhi)

Ugnayan : http://www.islamhouse.com/p/6153

Tuesday, May 14, 2013

"As-Salah (Ang Pagdarasal sa Islam)"

IBADAH
(Pagsamba sa Islam)

Ang katagang Ibadah (pagsamba) ay hango sa salitang Arabik na "Abd" na nangangahulugan ng alipin. Ang tao ay isinilang na napapailalim sa kapangyarihan ng Allah. Siya ay isinilang bilang isang alipin ng Allah. Kapag siya ay lumapit sa Allah nang may pagpapakumbaba at pagkamataimtim, siya ay gumaganap ng isang gawaing Ibadah (pagsamba). Ang Ibadah ay isang paraan upang padalisayin ang buhay pisikal at ispirituwal. Sa Islam, ang bawa't pag-aalay ng mabuting gawa na naghahangad magbigay kasiyahan sa Allah ay isang Ibadah (pagsamba).

Ang mga tungkuling rituwal ng Ibadah ay Salaah (pagdarasal), Sawm (pag-aayuno), Zakat (kawanggawa), at Hajj (paglalakbay sa Makkah). Ang mga naturang tungkulin kaalinsabay ng Eeman (pananalig) ay karaniwan nang tinatawag na mga haligi ng Islam. Ang Islam ay isang buo at ganap na patnubay. Nasasakop nito ang lahat ng bahagi ng buhay ng tao. Ang haligi ng Islam ay pinag-iisa ang lahat ng gawain ng tao maging ispirituwal, materyal, pansarili o pangkalahatan.

Ang pagsagawa ng mga itinakdang tungkulin ng Ibadah (pagsamba) ay nagbibigay lakas sa Eeman (pananalig) upang ito ay maging kapaki-pakinabang at mabisa sa buhay ng tao. Kaya naman, ang Ibadah ay isang bagay na nagbibigay ng tiyak na bunga. Ito ay isang paraan upang ang mga mananampalataya ay makapaglingkod sa Allah at maging mabuti sa kanyang kapwa.

Ang Salaah (pagdarasal),na isang mahalagang ba-hagi ng Ibadah ay siyang paksa ng aklat na ito. Ating matutunghayan sa Banal na Qur’an:

“Tunay na magtatagumpay ang mga mananampalataya. Silang nag-aalay ng Salaah nang buong katapa-tan at may ganap na pagsuko.” [Surah Al Mu’minun 23:1-2]


TAHARA
(Kadalisayan)

Bago isagawa ang Salaah, nararapat lamang na maging malinis at dalisay. Ang Banal na Qur'an ay nagsasabi:

"O kayong nananampalataya, kapag kayo'y nagnanais magsagawa ng pagdarasal, hugasan ang inyong mukha at inyong mga kamay hanggang siko, haplusin (ng basang palad) ang inyong ulo, at hugasan ang inyong paa hanggang sa bukong-bukong.” [Al-Maidah -5:6]

Ang kalinisan ng puso, katawan at pananamit ay tinatawag na Taharah o kadalisayan. Sa ganitong kalagayan lamang maaaring isakatuparan ng isang Muslim ang Salaah..

Ang pagpapakadalisay ay maaaring makamtan sa pamamagitan ng Al-Wudhu (paghuhugas ng ilang bahagi ng katawan) o ng Al-Ghusl (pagpapaligo ng buong katawan).


AL-WUDHU
(Paghuhugas sa ilang bahagi ng katawan)

Ang pamamaraan ng Al-Wudhu ay ang mga sumu-sunod:

1. Unang-una, nararapat na magkaroon ng maliwanag na Niyaat (intensiyon o hangarin) sa sarili na magsagawa ng Al-Wudhu.
2. Banggitin ang Bismillah (Sa Ngalan ng Allah).
3. Hugasan ang dalawang kamay hanggang sa pulso ng tatlong ulit. Tiyaking ang lahat ng bahagi, pati na ang pagitan ng mga daliri, ay mabasa ng tubig.
4. Magsahod ng tubig sa kanang kamay at magmumog ng tatlong ulit.
5. Hugasan ang ilong sa pamamagitan ng mahinang pagsinghot ng tubig mula sa kanang kamay at ito ay isinga sa tulong ng kaliwang kamay. Gawin ito ng tatlong ulit.
6. Hugasan ang buong mukha hanggang sa mga tainga, nuo at baba (kasama ang balbas) ng tatlong ulit.
7. Hugasan ang mga braso, kanan muna bago ang kaliwa, mula sa pulso hanggang sa siko ng tatlong ulit.
8. Minsang haplusin ng basang kamay ang ulo mula sa nuo hanggang batok at pabalik.
9. Linisin ng minsan ang loob ng magkabilang tainga ng basang hintuturo samantalang ang hinlalaki ay hinahagod ang likuran ng tainga.
10. Hugasan ang magkabilang paa hanggang bukong-bukong, kanan muna bago kaliwa, at tiyaking mabasa ang lahat ng bahagi pati na ang pagitan ng daliri.
11. Ang mga hakbang ng Wudhu ay winawakasan sa pagbigkas ng Kalimatu Ash-Shahada:

Ash-hadu an la ilaha illallaah
wa ash-hadu anna Muhammadan abduhu wa rasuluh.

(Ako ay sumasaksi na walang diyos na dapat sambahin maliban sa Allah at ako ay sumasaksi na si Muhammad ay Kanyang Alipin at Sugo.

Si Propeta Muhammadr ay nagsabi: “Sinumang magsagawa ng Wudhu nang ganap at magsabi ng Ash-hadu an la ilaha illallah wa ash-hadu anna Muhammadan abduhu wa rasuluh’, ang walong tarangkahan ng Jannah (Paraiso) ay magbubukas at siya’y makakapasok sa alinmang (tarangkahang) kanyang nais.” (Muslim)

Paalaala:
Kapag ang Wudhu ay nasimulan na, walang ibang bagay na dapat pagkaabalahan maliban dito. Ang pagsagawa nito ay nararapat na tuloy-tuloy hanggang sa matapos.

Kung naisagawa na ang Wudhu bago isinuot ang mga medyas, hindi na kailangan pang hubarin ang mga ito sa pagsapit ng susunod na Wudhu. Sapat na ang haplusin ang itaas ng mga ito ng basang palad. Ito ay maaaring gawin sa loob ng isang araw at gabi (24 oras) sa mga nananatili sa kanikanilang pook o tahanan (tatlong araw at gabi naman sa mga naglalakbay). Kung sakaling hinubad ang mga ito at isinuot na muli bago sumapit ang susunod na Wudhu, kailangang hubarin ang medyas at hugasan ang paa sa muling pagsapit ng oras ng Wudhu.

Kailangang ulitin ang Wudhu kapag umihi, umutot, tumae, o hinawakan ng tuwiran ang maselang (pribadong) bahagi ng katawan o nawalan ng malay, o nakatulog ng mahimbing sa pagkakahiga.


AL-GHUSL
(Pagpapaligo ng buong katawan)

Ang Al-Ghusl ay isang pagpapakadalisay na dapat gawin kapag ang sinuman ay narumihan ng semilya (sexual discharge) dahil sa panaginip o pakiki-pagtalik sa asawa o sa anumang dahilan. Ito rin ay isinasagawa matapos huminto ang pagdurugo ng kababaihan dahil sa panganganak o regla. Dapat ding isagawa ito ng isang taong yumakap sa Islam. Ang mga paraan ng Al-Ghusl ay ang mga sumu-sunod:

1. Unang-una, nararapat na magkaroon ng maliwanag na Niyat (intensiyon o hangarin) sa sarili na magsagawa ng Al-Ghusl.
2. Hugasan ang maselang (pribadong) bahagi ng katawan. Gamitin ang kaliwang kamay sa paghugas.
3. Hugasan ang mga kamay ng tatlong ulit.
4. Isagawa ang mga paraan ng Al-Wudhu kagaya ng nasabi sa itaas maliban sa paghuhugas ng paa.
5. Buhusan ng tubig ang ulo ng tatlong ulit habang hinahagod ang buhok upang umabot ang tubig sa anit.
6. Buhusan ang buong katawan, kanang bahagi muna bago ang kaliwa, at tiyaking mahugasan ang lahat ng bahagi ng katawan pati na ang kilikili, tainga, pusod at pagitan ng mga daliri ng kamay, atbp.
7. At ang panghuli ay ang paglayo ng kaunti mula sa iyong kinatatayuan (upang maiwasang matalamsikan ng pinaghugasang tubig) at hugasan ang paa, kanan muna bago kaliwa.
8. Wakasan ang rituwal na ito sa pagbanggit ng Kalimatu Ash-Shahada kagaya sa Al Wudhu.

Ash-hadu an la ilaha illallah wa ash-hadu anna Muhammadan abduhu wa rasuluh.

(Ako ay sumasaksi na walang diyos na dapat sambahin maliban sa Allah at ako ay sumasaksi na si Muhammad ay Kanyang Alipin at Sugo).

Bukod pa sa mga naunang nabanggit, may mga okasyon o kalagayan na kanais-nais magsagawa ng Ghusl:

1. Bago pumunta sa Salaah tuwing araw ng Biyernes (Juma’a).
2. Bago pumunta sa Salaah tuwing araw ng Eidul-Fitr at Eidul-Adha.
3. Sinumang naghugas ng patay.
4. Bago magsuot ng Ihram (para sa Hajj o Umrah).


AT-TAYAMMUM
(Pagpapakadalisay sa pamamagitan ng buhangin o alikabok)

May mga pagkakataong ang paggamit ng tubig ay imposible o mapanganib kagaya ng kawalan ng tubig o ito ay sapat lamang na inumin, o kaya'y ang paggamit nito ay maaaring magpalala ng karamdaman. Ang At-Tayammum ay isinasagawa bilang kapalit ng Al-Wudhu o Al-Ghusl sa pamamagitan ng paggamit ng malinis na buhangin o lupa.

Ang Banal na Qur'an ay nagsasaad:
"........at kung hindi makatagpo ng tubig, gumamit ng malinis na lupa at ihaplos sa mukha at kamay. Hindi nais ng Allah na ilagay kayo sa kahirapan, bagkus nais Niyang padalisayin kayo at gawing lubos ang tulong Niya sa inyo upang kayo'y maging mapagpasalamat". [Al-Maidah, 5:6].

Ang paraan ng At-Tayammum ay ang mga sumu-sunod:

Katulad ng pagsisimula ng Al-Wudhu at Al-Ghusl, nararapat lamang na magkaroon ng maliwanag na Niyat (intensiyon o hangarin) sa sarili na magsa-gawa ng At-Tayammum at magsabi ng Bismillah (Sa Ngalan ng Allah).
1. Idampi ang dalawang palad sa buhangin o sa anumang bagay na may buhangin o alikabok katulad ng dingding o bato at iba pa, at hipan ang mga ito.
2. Ihaplos nang minsan ang mga palad sa mukha.
3. Ihaplos nang minsan ang kaliwang palad sa itaas ng kanang kamay hanggang sa pulso at pagkatapos ay ihaplos nang minsan ang kanang palad sa itaas ng kaliwang kamay hanggang sa may pulso.

Si Propeta Muhammadr ay nagsabi: “Sapat na sa inyong gawin ang katulad nito: at kanyang idi-nampi ang dalawang palad sa lupa, hinipan ang mga ito at inihaplos sa kanyang mukha at sa itaas ng bawa’t kamay”. (Pinagsang-ayunan)

4. Wakasan ang rituwal sa pagbanggit ng (Kali-matu Ash-Shahada).

Ash-hadu an la ilaha illallaah

wa ash-hadu anna Muhammadan abduhu wa rasuluh.

(Ako ay sumasaksi na walang diyos na dapat sambahin maliban sa Allah at ako ay sumasaksi na si Muhammad ay Kanyang Alipin at Sugo).

Mahahalagang Kondisyon ng As-Salaah

Ang Tahara, na siyang pinakamahalagang pangunahing kailangan bago magsagawa ng Salaah ay nailahad na sa mga naunang pahina. Ang ibang mahahalagang kondisyon ay ang mga sumusunod:

1. ORAS
Bawa't Salaah ay dapat ialay sa kani-kaniyang oras. Ang Salaah ay hindi maaaring isagawa bago sumapit ang takdang oras nito. May limang itinakdang Salaah na dapat isagawa ng bawa't Muslim sa loob ng isang araw. Ito ay ang mga sumusunod:

Fajr - Sa pagbubukang-liwayway at bago sumikat ang araw.

Dhuhr - Sa pagitan ng ilang sandali matapos ang tanghaling tapat at bago sumapit ang Salatul Asr.

Asr - Mula sa kalagitnaan ng hapon at bago lumubog ang araw.

Maghrib -Ilang sandali matapos lumubog ang araw hanggang sa mapawi ang takip-silim (dumilim).

Isha - Sa pagdating ng dilim at bago sumapit ang Salatul Fajr.

2. PANANAMIT

Bago ialay ang Salaah, kailangang tiyakin muna na may tamang pananamit. Sa kalalakihan, nararapat na takpan kahit man lamang ang kanilang katawan mula pusod hanggang tuhod (kung sakali mang walang ibang damit na maisuot). Ang mga kababaihan ay nararapat na takpan ang sarili mula ulo hanggang paa maliban sa mukha at kamay. Ang pananamit ay dapat na malinis, payak, hindi naaaninag, at hindi hapit sa katawan. Sa mga araw ng kanilang pamamanahon o regla (menstruation period), ang kababaihan ay malaya sa tungkuling mag-alay ng Salaah.

3. POOK O LUGAR

Saan man naroroon ang tao, siya ay maaaring humarap sa Allah sa kanyang mataimtim na pagdarasal. Si Propeta Muhammadr ay nagsabi: "Ang lahat ng dako ng daigdig ay ibinigay sa akin na maging Masjid: malinis at dalisay." Higit na kanais-nais na ang Salaah ay ialay ng sama-sama o kongregasyon. Humarap sa Qibla (Ka'aba sa Makkah) kapag nag-aalay ng Salaah.

ADHAN

(Ang Pagtawag ng Pag-anyaya sa Salaah)
Upang ipunin ang mga Muslim sa pagdarasal ng sama-sama o kongregasyon, ang Adhan ay isinasagawa. Ang Mu’adhin (nagsasagawa ng Adhan) ay titindig na nakaharap sa Qibla (Ka'aba sa Makkah) at itataas ang mga kamay na ang hintuturo ay nakalagay sa magkabilang tainga at bibigkasin ang Adhan sa malakas na tinig nang ganito:

"Allahu Akbar" 4 na ulit

(Ang Allah ay Dakila)


"Ash-hadu Anla Ilaha Illallaah” 2 ulit
(Ako ay sumasaksi na walang tunay na diyos na dapat sambahin maliban sa Allah)

"Ash-hadu Anna Muhammadar Rasullullaah” 2 ulit
(Ako ay sumasaksi na si Muhammad ay Sugo ng Allah )

"Hayya ‘Alas Salaah" 2 ulit
(Halina sa Salaah (Pagdarasal)

"Hayya ‘Alal Falaah" 2 ulit
(Halina sa Tagumpay)

"Allahu Akbar" 2 ulit
(Ang Allah ay Dakila)

"La Ilaha Illallaah" 1 ulit
(Walang tunay na diyos na dapat sambahin maliban sa Allah)

Sa Adhan ng Salatul Fajr, ang mga sumusunod ay idinadagdag sa pagitan ng "Hayya 'Alal Falaah" (Halina sa Tagumpay) at "Allahu Akbar" (Ang Allah ay Dakila):

"Assalatu Khairum Minan Naum" 2 ulit
(Ang pagdarasal ay higit na mabuti kaysa pagtulog)

Mga Dapat Sabihin Habang Itinatawag ang Adhan

Sinuman ang makaririnig ng Adhan, kanais-nais na banggitin ang bawa't sabihin ng Mu’adhin maliban sa "Hayya 'Alas Salaah" at "Hayya 'Alal Falaah". Sa halip, sabihin ang:

"La Hawla Wa La Quwwata Illa Billah”
(Walang kapangyarihan at lakas malibang magmula sa Allah).

DU'A (Panalangin) Pagkatapos ng Adhan
Pagkatapos ng Adhan, ang mga Muslim ay pinapa-yuhang manalangin ng ganito:

"Allahumma rabba hadhi-hid da’awatit-tam-ma”
(O Allah, Panginoon nitong ganap na pagtawag at ang mga itinakdang pagdarasal)

"Was-salatil qa’imati ati Muhammadan al waseelata wal fadeela”
(Ibigay Mo kay Muhammad ang Wasilah, mataas na katayuan sa Paraiso)

"Wab ‘ath-hu maqaman mahmudal ladhi wa‘ad-tah”
(at itaas Mo siya sa kapuri-puring katayuan na Inyong ipinangako sa kanya)

Ang Propetar ay nagsabi: “Sinumang magsabi nitong Du’a pagkatapos marinig ang Adhan ay may karapatan sa aking pamamagitan sa Araw ng Paghuhukom.” (Bukhari)

IQAMA
(Ang Pagtawag sa Pagsisimula ng Salaah)

Pagkatapos ng Adhan at ang mga Muslim ay nagtipon na sa pook ng dasalan, ang pangalawang tawag (Iqamah) ay bibigkasin. Ito ay palatandaan na ang Salaah ay sisimulan na. Ang mga sumusunod ay ang pagtawag ng Iqamah:

"Allahu Akbar" 2 ulit
(Ang Allah ay Dakila)

"Ash-hadu Anla ilaha Illallaah" 1 ulit
(Ako ay sumasaksi na walang tunay na diyos na dapat sambahin maliban sa Allah)

"Ash-hadu Anna Muhammadar Rasulullah” 1 ulit
(Ako ay sumasaksi na si Muhammad ay Sugo ng Allah)

"Hayya ‘Alas Salaah” 1 ulit
(Halina sa Salaah (Pagdarasal)

"Hayya ‘Alal Falaah" 1 ulit
(Halina sa Tagumpay)

"Qad Iqamatis-Salaah" 2 ulit
(Ang Salaah ay mag-uumpisa na)

"Allahu Akbar" 2 ulit
(Ang Allah ay Dakila)

"La Ilaha Illallaah" 1 ulit
(Walang tunay na diyos na dapat sambahin maliban sa Allah)

Mga Bahagi ng Salaah

Ang Salaah sa Islam ay isang di-karaniwang tungkulin. Nilalapit nito ang tao sa Allah sa pamamagitan ng pagtugma ng kanyang kaisipan at katawan. Sa Salaah, ang Muslim ay ganap na isinusuko ang sarili sa kanyang lumikha.

Bago mag-alay ng Salaah, tiyakin muna sa sarili na ang lahat ng kinakailangang kondisyon na nauukol sa Salaah ay naisagawa na. Ang mga detalye sa pagganap ng Salaah ay ang mga sumusunod:

1. Magkaroon ng layuning mag-alay ng Salaah, kung ito ba ay Fardh na Salaah (mga itinakdang tungkuling dasal) tulad ng Fajr, Dhuhr, Asr, Maghrib o Isha. O kung ito ba ay Sunnah (kusang-loob na karagdagang dasal).

2. Pagkatapos ay itaas ang mga kamay kapantay ng tainga habang nagsasabi ng Takbiratul Ihram:

"Allahu Akbar"
(Ang Allah ay Dakila)

3. Ngayon ay ilagay ang mga kamay sa dibdib, ang kanang kamay ay nakapatong sa kaliwang kamay at sabihin nang pabulong ang mga sumusunod na pagsamo o pagluhog:

"Subhanaka Allahumma wa Bihamdika”
(O Allah, Maluwalhati at Kapuri-puri)

"Watabaraka Ismuka wa Ta’ala Jadduka”
(at purihin ang Ngalan Mo at dakilain ang Iyong Kataasan)

"Wa La ilaha Ghairuka”
(at walang karapat-dapat sambahin maliban sa Iyo)

"A'udhu Billahi Minash-Shaitan-nir Rajeem”
(Ako ay nagpapakupkop sa Allah laban sa isinumpang Satanas)

4. Pagkatapos nito, bigkasin ang pambungad na kabanata ng Banal na Qur'an, ang Al-Fatiha:
"Bismillah-hir Rahman-nir Raheem”
(Sa Ngalan ng Allah, Ang Mapagpala, Ang Mahabagin)

"AL-HAM-DU LIL-LAHI RAB-BIL ‘ALA-MEEN"
(Ang lahat ng pagpupuri ay sa Allah lamang, ang Panginoon ng mga daigdig)

"AR-RAH-MANIR-RAHEEM"
(Ang Mapagpala, Ang Mahabagin)

"MA-LI-KI YAU-MID-DEEN"
(Ang Tanging Hukom at Hari ng Araw ng Paghuhukom)

"IYYA-KA NA-BU-DU WA IYYA-KA NAS-TA-EEN"
(Ikaw lamang ang sinasamba namin at Ikaw lamang ang hinihingan namin ng tulong).

"IH-DI-NAS-SIRA-TAL-MUS-TA-QEEM"
(Ipatnubay Mo sa amin ang tuwid na landas)

"SIRATAL LADHINA-AN-AMTA ALAI-HIM"
(Ang landas ng Iyong pinagpala)

"GHAIRIL MAGH-DU-BI ALAI-HIM"
(Hindi ng mga isinumpa)

"WA-LADH-DHAAL-LEEN (AMEEN)"
(At nangaligaw ng landas) (Amen)

5. Ngayon bigkasin ang sumusunod (Suratul Ikhlas) o alin mang talata sa Banal na Qur'an:

"BISMILLAH-IR RAHMAN-IR RAHEEM"
(Sa Ngalan ng Allah, Ang Mapagpala, Ang Mahabagin)

"QUL HU-WAL-LA-HU A-HAD"
(Ipahayag, Siya ang Allah, Ang Nag-iisa)

"ALLA-HUS-SAMAD"
(Allah, Ang Walang Hanggan, Ang Ganap, Sandigan ng lahat)

"LAM-YALID WA LAM-YOLAD"
(Hindi siya nagkaanak at hindi Siya ipinanganak)

"WA LAM YAKUN-LAHU KU-FU-WAN AHAD"
(At Siya ay walang katulad)

6. Ngayon ay sabihin ang ALLAHU AKBAR at ilagay ang mga kamay sa inyong tuhod sa pagyuko (ang katayuang ito ay tinatawag na Ruku) at sabihin ng tatlong ulit ang mga sumusunod:

"SUBHANA RABBIYAL 'ADEEM"
(Kaluwalhatian sa aking Dakilang Panginoon)

7. Pagkatapos ay bumalik sa pagkakatayo at sabihin ang mga sumusunod:

"SAMI' ALLAHU LIMAN HAMIDAH"
(Dinidinig ng Allah ang sinumang nagbibigay ng Pagpupuri sa Kanya)

"RABBANA WA LAKAL HAMD"
(Panginoon namin, ang Pagpupuri ay sa Iyo lamang)

8. Ngayon ay sabihin ang ALLAHU AKBAR at magpatirapa na nakadampi ang iyong nuo, ilong, palad, tuhod at paa sa lupa (sahig) (ang katayuang ito ay tinatawag na Sujud). Habang nasa ganitong kalagayan, sabihin nang tatlong (3) ulit ang mga sumusunod:

"SUBHANA RABBIYAL 'ALA
(Kaluwalhatian sa aking Panginoon, Ang Kataas-taasan)

9. Umupo nang matuwid mula sa pagkaka-patirapa at sabihin ang mga sumusunod:

"RABBIG FIRLEE, WARHAMNEE, WAHDINEE, WAJBURNEE WARZUQNEE WA'AFINEE”
(O Panginoon, nawa'y patawarin Mo ako, at kahabagan Mo ako, at tulungan Mo ako,
at patnubayan Mo ako, at biyayaan Mo ako, at pagalingin Mo ako)

10. Pagkatapos nito, sabihin ang ALLAHU AKBAR at isagawa ang pangalawang Sujud (pagpapatirapa) at banggitin ng tatlong ulit ang mga sumusunod:

"SUBHANA RABBIYAL 'ALA "
(Kaluwalhatian sa aking Panginoon, Ang Kataas-taasan)

Dito natatapos ang isang Rak'a (yunit) ng Salaah. Sa Salaah na may dalawang Rak'a kagaya ng Fajr (bukang liwayway), tumayo mula sa Sujud (pagka-patirapa) ng unang Rak'a habang sinasabi ang ALLAHU AKBAR. Ang pangalawang Rak'a ay isinasagawa katulad ng unang Rak'a. (mula bahagi blg. 4 hanggang 10).

11. Pagkatapos ng huling Sujud sa pangalawang Rak'a, umupo sa iyong kaliwang paa saman-talang ang iyong kanang paa ay nakatayo na ang mga daliri ay nakasayad sa lupa (sahig). Ang bawa't palad ng kamay ay nakapatong sa magkabilang tuhod. Habang nasa ganitong katayuan, sabihin nang mahina (pabulong) ang Tashahud:

"AT-TAHIYYATU LILAHI WASALAWATU WATAYYIBATO"
(Ang lahat ng pagdarasal at pagsamba sa pamamagitan ng salita, kilos at pagsagawa ng banal na tungkulin ay nauukol lamang sa Allah)

"ASSALAMU ALAIKA AYUHAN-NABIYU"
(Sumasaiyo nawa ng kapayapaan, O Propeta)

"WA RAHMATULLAHI WA BARAKATUHU"
(at ang Habag ng Allah at ang Kanyang Pagpapala)

"ASSALAMU ALAYNA WA ALA IBADI-LAHIS-SALIHEEN"
(Nawa'y mapasa-amin ang kapayapaan at sa mga mabubuting lingkod ng Allah)

"ASH-HADU ANLA ILAHA ILLALLAAH"
(Ako ay sumasaksi na walang diyos na dapat sambahin maliban sa Allah)

"WA ASH-HADU ANNA MUHAMMADAN ABDUHU WA RASULUHU"
(At ako ay sumasaksi na si Muhammad ay Alipin at Sugo ng Allah)

12. Manatiling nakaupo at bigkasin nang mahina (pabulong) ang Salah Alan Nabi (Darood):

"ALLAHUMMA SALLI 'ALA MUHAMMAD WA 'ALA ALI MUHAMMAD"
(O Allah, itampok Mo si Muhammad at ang pamilya ni Muhammad)

"KAMA SALLAYTA 'ALA IBRAHIM WA 'ALA ALI IBRAHIM"
(Kagaya ng pagtampok Mo kay Ibrahim at ang pamilya ni Ibrahim)

"INNAKA HAMIDOOM MAJEED"
(Ikaw ang Kapuri-puri, Ang Maluwalhati)

"ALLAHUMMA BARIK 'ALA MUHAMMAD WA 'ALA ALI MUHAMMAD"
(O Allah, pagpalain Mo si Muhammad at ang pamilya ni Muhammad)

"KAMA BARAKTA 'ALA IBRAHIM WA 'ALA ALI IBRAHIM"
(Gaya ng pagpapala Mo kay Ibrahim at ang pamilya ni Ibrahim)

"INNAKA HAMIDOOM MAJEED"
(Ikaw ay Kapuri-puri, Ang Maluwalhati)

Pagkatapos sabihin nang mahina ang mga sumu-sunod:

"ALLAHUMA INNE A’UDHU BIKA MIN ADHABI JAHANNAM, WA MIN ADHABIL QABR, WA MIN FITNATIL MAHYA WAL-MAMAT, WA MIN FITNATIL MASIHID-DAJAAL"
(O Allah ako ay nagsusumamo sa Iyo na iligtas Mo ako sa dusa ng Impiyerno, at sa dusa ng hukay, at sa pagsubok sa buhay at kamatayan, at sa mapanlinlang na Masihid-Dajal)

Maaaring magsabi ng karagdagang panalangin upang humingi sa Allah ng kasaganaan hindi lamang dito sa
lupa pati na rin sa kabilang buhay. Gayundin upang biyayaan ang magulang at ibang Muslim.

13. Ngayon ay ibaling muna ang mukha sa kanan at sabihin ang Tasleem.

"AS-SALAMU ALAIKUM WA RAHMATULLAAH"
(Sumainyo nawa ang kapayapaan at pagpapala ng Allah)

14. At pagkatapos ay ibaling ang mukha sa kaliwa at sabihin ulit ang Tasleem.

"AS-SALAMU ALAIKUM WA RAHMATULAAH"
(Sumainyo nawa ang kapayapaan at pagpapala ng Allah)

Dito nagwawakas ang Salatul Fajr na may dalawang Rak'a. Kung nagsasagawa ng Salaah na may tatlong Rak'a katulad ng Maghrib (takip-silim), o kaya'y apat na Rak'a katulad ng Duhr (tanghali), Asr (hapon) at Isha (gabi), tumayo upang ipag-patuloy ang mga natitirang Rak'a pagkatapos ng Tashahud (bahagi blg.11) habang binabanggit ang ALLAHU AKBAR. At habang nakatayo ay basahin nang tahimik ang kabanata Al Fatiha.

Sa Salaah ng Duhr at Asr, ang Al Fatiha ay binabasa nang tahimik sa lahat ng Rak'a. Samantalang sa Salaah ng Fajr, Maghrib at Isha, ang Al Fatiha kasama ng anumang Surah (kabanata) o Ayat (talata) ay binabasa nang malakas sa unang dalawang Rak'a lamang. Laging tandaan na ang Al Fatiha ay tahimik na binabasa sa pangatlo at pang-apat na Rak'a sa lahat ng Salaah.

Huwag magbasa ng anumang Surah (kabanata) o Ayat (talata) sa Banal na Qur'an pagkatapos ng Al Fatiha sa pangatlo at pang-apat na Rak'a ng Salaah.

Kapag ang Salaah ay isinasagawa ng sama-sama (kongregasyon) at ang Imam (namumuno sa pagdarasal) ay malakas na binabasa ang kabanata o talata ng Banal na Qur'an (kagaya sa Salaah ng Fajr, Maghrib, at Isha), sapat na ang makinig na lamang ang mga tagasunod sa kanyang binabasa.

Gayundin ang Imam lamang ang magsasabi nang malakas sa "SAMI' ALLAHU LIMAN HAMIDAH" pagkatapos ng Ruku. Sapat na sa mga tagasunod ang magsabi "RABBANA WA LAKAL HAMD" habang bumabalik sa pagkakatayo mula sa Ruku.

Pagkatapos ng pangalawang Sujud (pagpapatirapa) sa panghuling Rak'a ng alinmang Salaah, sabihin nang mahina (pabulong) ang Tashahud at Darood.

Wakasan ang Salaah sa pagsasabi ng Tasleem:

"AS-SALAMU ALAIKUM WA RAHMATULLAAH" sa bawa't pagbaling ng mukha sa kanan at kaliwa.

FARDH AT SUNNAH

Ang Salaah ay kinabibilangan ng Fardh (takdang tungkulin) at Sunnah (kusang-loob) na pagdarasal. Ang dasal na Fardh ay isinasagawa ng limang ulit sa maghapon. Ang hindi pagtupad ng isa man sa mga ito ay itinuturing na kasalanan. Ang dasal na Sunnah ay binubuo ng mga karagdagang dasal na palagiang isinagawa ni Propeta Muhammad bago at pagkatapos ng Salaah Al Fardh (itinakdang Salaah).

Ang talaan sa ibaba ay nagbibigay ng bawa't Salaah na Fardh:

1. Salatul - Fajr: Dalawang (2) Rak'a
Oras: Pagbubukang-liwayway at bago sumikat ang araw.

Pagbasa ng Al-Fatiha at ibang Surah Ayat sa unang dalawang Rak'a:Malakas

2. Salatud - Duhr: Apat (4) na Rak'a
Oras: Sa pagitan ng ilang sandali matapos ang tanghaling tapat at bago sumapit ang dasal Asr.

Pagbasa ng Al-Fatiha at ibang Surah/Ayat sa unang dalawang Rak'a: Tahimik

3. Salatul - Asr: Apat (4) na Rak'a
Oras: Mula sa kalagitnaan ng hapon at bago lumubog ang araw.

Pagbasa ng Al-Fatiha at ibang Surah/Ayat sa unang dalawang Rak'a: Tahimik

4. Salatul- Maghrib: Tatlong (3) Rak'a
Oras: Ilang sandali matapos lumu-bog ang araw hanggang sa dumilim.

Pagbasa ng Al-Fatiha at ibang Surah/Ayat sa unang dalawang Rak'a:Malakas

5. Salatul - Isha: Apat (4) na Rak'a
Oras: Sa pagdating ng dilim at bago sumapit ang dasal Fajr (*).

Pagbasa ng Al-Fatiha at ibang Surah/Ayat sa unang dalawang Rak'a:Malakas

(*) Bagama't maaaring ialay ang Salatul Isha bago sumapit ang dasal Fajr, kanais-nais na ialay ito bago sumapit ang hatinggabi.

SUNNAH
(Mga Karagdagang Pagdarasal)

Katulad ng makikita sa ibaba, bawa't Salaah ay kinabibilangan ng Fardh (ang mga itinakdang tungkuling dasal) at Sunnah (mga karagdagang pagdarasal). Si Propeta Muhammadr ay nagsagawa ng mga karagdagang pagdarasal bago at matapos ang mga itinakdang pagdarasal. Kaya naman, ang mga ito ay itinatagubilin. Ang bilang ng Rak'a ng bawa't Fardh at Sunnah ay ang mga sumusunod:

Pangalan          Bilang Ng Sunnah  Ng             Bilang Ng Fardh                Bilang Ng Sunnah
                        Salaah Bago ang Fardh                                                    Matapos ang Fardh na Salaah          



Fajr                           2                                             * 2                                       wala


Duhr                  2  o kaya 4                                      * 4                                        2 *

Asr                           4                                              4                                          wala

Maghrib                wala                                            3                                              2 *

Isha                       2                                                4                                              2 * at witr


Ang mga Sunnah na may markang (*) ay tinatawag na "Sunnat Mu'akkadah". Mga karagdagang dasal na binibigyang-diin ni Propeta Muhammadr na dapat isagawa nang palagian.


SALAT-UL-WITR

Ito ay ang Salaah na isinasagawa pagkatapos ng Fardh at Sunnah ng Salatul Isha at bago dumating ang Salatul Fajr. Ang Salatul Witr ay kinabibilangan ng gansal o butal (di-pares) na Rak'a. Ito ay maaaring isagawa na may isa, tatlo, lima, pito, siyam o labing isang Rak'a.

Katulad ng mga Sunnah (karagdagang pagdarasal) na may markang (*), ang SalatulWitr ay itinuturing na "Sunnat Mu'akkada", mga karagdagang dasal na binibigyang diin ni Propeta Muhammadr.

Bagama't ang Salatul Witr ay maaaring isagawa na may isa o higit pang gansal (o butal) na bilang na Rak'a, higit na nakararami sa mga Muslim ang nagsasagawa nito na may tatlong Rak'a. Ito ay maaaring gampanan sa pagsagawa ng unang dalawang Rak'a katulad ng Salatul Fajr, bumasa ng maikling Surah (kabanata) o talata mula sa Banal na Qur'an pagkatapos ng Al-Fatiha. Kagaya ng Salatul Fajr, ito ay winawakasan sa pagbanggit ng Tasleem ("As-Salamu Alaikum Wa Rahmatullaah").

Tumayo sa pagkakaupo at isagawa ang pangatlong Rak'a. Bumasa ng maikling Surah o talata mula sa Banal na Qur'an pagkatapos ng Al-Fatiha, isagawa ang nalalabing bahagi ng Rak'a hanggang sa pagsasabi ng Tasleem.

Ang Salatul Witr ay maaaring gampanan din sa pagsagawa ng tatlong sunod-sunod na Rak'a (na walang patlang). Bumasa ng maikling Surah (kabanata) o talata mula sa Banal na Qur'an pagka-tapos ng Al-Fatiha.

Ipinapayo na basahin ang kabanata 87 (Al-A'ala) sa unang Rak'a, kabanata 109 (Al-Kafirun) sa pangalawang Rak'a, at kabanata 12 (Al-Ikhlas) sa huling Rak'a.


DU'A AL-QUNUT
(Panalangin ng Pagsuko)

Kung ninanais ng nagdarasal na banggitin ang Du'a Al-Qunut, maaari niyang isagawa ito pagkatapos ng Ruku sa pangatlong Rak'a ng Salatul Witr. Manatiling nakatayo at itaas ang mga kamay kapantay ng balikat (na palad ay nakaharap sa mukha) at tahimik na banggitin ang mga sumusunod o kaya'y alinmang du'a na katulad nito.

"ALLAHUMMA INNA NAS TAEENO KA"
(O Allah, hangad namin ang Iyong tulong)

"WA NASTAGHFIROKA"
(at minimithi namin ang Iyong Kapatawaran)

"WA NU‘MINO BIKA, WA NATAWAK KAL ALAIKA"
(at kami ay nananampalataya sa Iyo at kami ay nananalig sa Iyo)

"WA NUTHNI ALAIKA KHAIR, WA NASH KOROKA"
(at pinupuri Ka namin sa pinakamagandang paraan at nagpapasalamat kami sa Iyo)

"WALA NUKFORO-KA, WA NAKHLA'O WA NATROKO MAN YAFJOROKA"
(at kami ay hindi nabibilang sa mga walang utang na loob at tinututulan at iniwawaksi namin ang sinumang sumusuway sa Iyo)

"ALLAHUMMA IYYA KA NA BODO"
(O Dakilang Allah, sa Iyo lamang kami sumasamba)

"WA LAKA NUSALLI, WA NASJODO, WA ILAIKA NAS'A"
(At sa Iyo lamang kami mag-aalay ng pagsamba at sa Iyo lamang kami magpapatirapa at sa Iyo kami nanunumbalik)

"WA NAFIDU WANARJU RAHMATAKA, WA NAKHSAH ADHABAKA"
(at umaasa kami sa Iyong habag at kinatatakutan namin ang Iyong parusa)

"INNA ADABAKA BILKUFFARI MULHIQUN"
(Katotohanan, ang Iyong parusa ay aabutin ang mga di-nananampalataya)

Pagkatapos, sabihin ang ALLAHU AKBAR at gawin ang Sujud (pagpapatirapa). Tapusin ang natitirang bahagi ng Salaah kasama na ang Tashahud, Darood at Tasleem. (Assalamu Alaikum Wa Rahmatullaah).

SALAAH SA MGA NATATANGING KALAGAYAN

Sa mga panahon ng paglalakbay, maaaring gawing maikli ang Salaah. Ito ay tinatawag na Salatul Qasir.
Maaaring magsagawa ng Salaah ng dalawang Rak'a (yunit) bilang kapalit ng Salaah na mayroong tig-aapat na Rak'a, katulad ng Salaah sa Duhr (tanghali), Asr (hapon) at Isha (gabi). Subalit hindi maaaring gawing maikli ang Salaah sa Maghrib (takipsilim) na may tatlong Rak'a at ang Salaah sa Fajr (bukang-liwayway) na may dalawang Rak'a. Bukod sa pagkakaloob na ito, maaari ring iwanan o di gampanan ang mga dasal Sunnah maliban lamang sa dalawang Sunnah ng Salaah sa Fajr (bukang-liwayway) at ang Witr ng Salaah sa Isha (gabi).

Kung may sakit, maaaring gampanan ang Salaah sa pagkakaupo o sa pagkakahiga sa pamamagitan ng mga senyas kapalit ng mga galaw ng katawan.

Sa panahon ng paglalakbay, pagkakasakit o kagipitan, pinahihintulutan na pagsamahin ang dala-wang Salaah. Kagaya ng Salatud Duhr (tanghali) at Asr (hapon), ito ay maaaring pagsamahin sa panahon ng Salatud Duhr o sa panahon ng Salatul Asr. Ang Salatul Maghrib (takipsilim) at Salatul Isha (gabi) ay maaaring pagsamahin sa panahon ng Salatul Maghrib o sa panahon ng Salatul Isha. Ang Salatul Fajr ay laging isinasagawa sa takdang panahon nito.

SALAAH SA MGA NATATANGING OKASYON

Salaah ng Juma’ah
(Pagdarasal sa Araw ng Biyernes)

Bukod pa sa pang-araw-araw na pagdarasal, ang Salaah sa araw ng Biyernes ay isa ring tungkulin na iniatas sa bawa't Muslim. Bagama't hindi ito ginawang tungkulin sa kababaihang Muslim, ang kanilang pagsagawa nito ay pinahihintulutan hangga't hindi nila napapabayaan ang tungkulin sa kanilang pamamahay o hindi nagbibigay sa kanila ng mala-king kaabalahan.

Ang Salaah sa araw ng Biyernes ay isinasagawa ng sama-sama o kongregasyon sa oras ng Duhr. Una, ang Imam (namumuno ng dasal) ay magbibigay ng Khutbah (sermon o paalaala). Pagkatapos ay kanyang pamumunuan ang kongregasyon sa dalawang Rak'a na Salaah. Pagkatapos nito, ang bawa't isa ay kanya-kanyang mag-aalay ng dasal Sunnah (mga karagdagang dasal). Ang mga dasal Sunnah ay maaaring isagawa sa Masjid ngunit higit na kanais nais na isagawa ito sa bahay.

Salaah ng Tarawih
(Pagdarasal tuwing gabi ng Ramadan)

Ang Salaah na ito ay isinasagawa tuwing buwan ng Ramadan pagkatapos ng Salatul Isha. Ito ay kinabibilangan ng walo, o sampu o higit pang Rak'a at iniaalay ng dala-dalawang Rak'a na may maikling patlang sa bawa't apat na Rak'a. Ang Tarawih ay maaaring ialay na mag-isa subali't higit na ipina-payo na ialay ito ng sama-sama o kongregasyon. Ito ay winawakasan sa pag-aalay ng Salatul Witr.

Salaah sa mga araw ng Eid o Salaah Eidan (Pagdarasal sa dalawang Pagdiriwang)

May dalawang Eid o malaking pagdiriwang ng mga Muslim. Ang una ay tinatawag na Eidul Fitr o ang pagdiriwang sa katapusan ng pag-aayuno. Ito ay ipinagdiriwang sa unang araw ng Shawwal, ang ika sampung buwan ng kalendaryong Hegeria pagkatapos ng buwan ng Ramadan (ang buwan ng pag-aayuno). Ito ay araw ng dakilang pasasalamat ng mga Muslim sa buong daigdig.

Ang pangalawang Eid ay ang Eidul Adha o pagdiriwang ng Dakilang Pag-aalay. Ito ay ipinagdiriwang tuwing ika-sampung araw ng buwan ng Dhul Hijjah, ang panghuling buwan ng kalendaryong Hegeria. Ang mga hayop ay iniaalay (katulad ng tupa o kambing) bilang paggunita sa dakilang pag-aalay na isinasagawa ni Propeta Abraham (sumakanya nawa ang kapayapaan).

Ang Salaah sa dalawang Eid na ito ay iniaalay ng sama-sama (kongregasyon) anumang oras pagkatapos ng pagsikat ng araw at bago dumating ang tanghaling tapat. Walang Adhan o Iqamah (mga tawag ng Salaah). Ang dasal ng Eid ay may dalawang Rak'a katulad ng Salatul Fajr.

Isang sermon (Khutbah) ang bibigkasin ng Imam pagkatapos ng dalawang Rak'a ng Salatul Eid na siyang kabaligtaran ng Salatul Juma’ah na ang sermon ay binabanggit bago ang dalawang Rak'a.Ang pagdalo ng lahat ng Muslim kabilang na ang mga kababaihan at mga bata ay lubos na itinatagubilin.

Ang Pag-aalay ng Dasal sa Ililibing

Ito ay isang dasal na itinuturing na isang mahalagang tungkulin ng sambayanang Muslim para isang yumaong Muslim. Ang hindi pagsagawa ng dasal na ito ay isang kasalanan ng buong komunidad. Subalit ang pagganap ng ilang Muslim ay sapat na upang matupad ang tungkuling ito.

Kakaiba ito sa mga ibang Salaah sapagka't ito ay walang anumang Ruku (pagyuko) o anumang Sujud (pagpapatirapa). Ang mga sumusunod ay ang mga hakbang sa pag-aalay ng Salaah para sa ililibing:

1. Itaas ang mga kamay kapantay ng tainga habang sinasabi ang “Takbiratul Ihram” (ALLAHU AKBAR).

2. Pagkatapos ay ilagay ang mga kamay sa dibdib na ang kanan ay nakapatong sa kaliwa.

3. Pagkatapos ay bigkasin ang Al-Fatiha ng tahimik.

4. Matapos ang pagbigkas ng Al-Fatiha, itaas na muli ang mga kamay kapantay ng tainga at sabihin ang ALLAHU AKBAR.

5. Ilagay na muli sa dibdib ang mga kamay na ang kanan ay nakapatong sa kaliwa at basahin nang tahimik ang sumusunod na pagpupuri at panalangin:

"ALLAHUMMA SALLI 'ALA MUHAMMAD WA 'ALA ‘ALI MUHAMMAD"
(O Dakilang Allah, itampok si Muhammad at ang pamilya ni Muhammad)

"KAMA SALAYTA 'ALA IBRAHIM WA 'ALA ‘ALI IBRAHIM"
(Kagaya ng pagtampok Mo kay Ibrahim at ang pamilya ni Ibrahim)

"INNAKA HAMIDON MAJEED"
(Katotohanan, Ikaw ang Kapuri-puri, Ang Maluwalhati)

"ALLAHUMMA BARIK 'ALA MUHAMMAD WA 'ALA ‘ALI MUHAMMAD"
(O Dakilang Allah, pagpalain si Muhammad at pamilya ni Muhammad)

"KAMA BARAKTA 'ALA IBRAHIM WA 'ALA ‘ALI IBRAHIM"
(Kagaya ng pagpapala Mo kay Ibrahim at ang pamilya ni Ibrahim)

"INNAKA HAMIDOM MAJID"
(Katotohanan, Ikaw ay Kapuri-puri, Ang Maluwalhati)

6. Pagkatapos nito, itaas na muli ang mga kamay kapantay ng tainga at sabihin ang ALLAHU AKBAR. Ilagay na muli ang mga kamay sa dibdib na ang kanan ay nakapatong sa kaliwa at sabihin ang sumusunod na Du'a (panalangin).

"ALLAHUMMA AGFIR LEHAYYENA, WA MAYYETENA"
(O Dakilang Allah, patawarin Mo ang aming mga buhay at ang aming mga patay)

"WA SHA HEDENA WA GHA-IBEENA"
(at ang mga naririto at wala rito)

"WA SAGHERRENA WA KABERRENA"
(at ang aming mga kabataan at ang aming matatanda)

"WA DAKARENA WA UNTHANA"
(at ang aming mga kalalakihan at aming mga kababaihan)

"ALLAHUMMA MAN AHYAYTAHU MINNA FA AHYEHEE-ALAL ISLAM"
(0 Dakilang Allah, nawa'y mabuhay lamang sa pagganap ng Islam ang sinumang pinagkalooban Mo ng buhay sa amin)

"WA MAN TAWAFFAYTAHU MINNA FA TAWAFFAHU ALAL IMAN"
(at nawa'y mamatay lamang sa pagganap ng Islam ang sinumang pinagkalooban Mo ng buhay sa amin)

7. Pagkatapos nito ang Imam ay magsasabi ulit ng ALLAHU AKBAR nang malakas. Ang ga tagasunod ay bibigkasin ito nang tahimik.

8. Ang Imam at mga tagasunod ay magsasabi ng As-salamu Alaikum Wa Rahmatullaah sa kani-lang paglingon sa kanan lamang.

DU'A
(Pansariling Panalangin Pagkatapos ng Salaah)

Matapos magampanan ang dasal na Fardh (takdang tungkuling dasal), manatiling nakaupo at isagawa ang Du'a. Maaaring manalangin sa Allah sa sariling wika upang magbigay pagpupuri, pasasalamat o paghingi ng tawad sa sarili o sa kapwa Muslim. Maaari ring hingin sa Allah na bigyang patnubay ang mga mahal sa buhay tungo sa Islam. Sa ganitong kalagayan o posisyon, maaaring banggitin ang anumang panalanging pansarili.

Maaari ring banggitin ang mga sumusunod na Dhikr (pagpapapuri sa Allah). Ito ay mga kanais-nais at itinatagubilin na banggitin pagkaraan ng bawa't Salaah. Ang mga ito ay hindi sapilitan o itinakdang tungkulin, bagkus itinuturing na karagdagang pagsagawa ng pagsamba upang matamo ang karagdagang biyaya ng Allah:

"ASTAGFIRULLAH" 3 ulit
(Ako ay humihingi ng Kapatawaran sa Allah)

Matapos ang paghingi ng kapatawaran, kanais-nais na banggitin ang mga sumusunod:

"ALLAHUMMA ANTAS SALAM, WA MINKAS SALAM TABARAKTA YA DHAL JALALI WAL IKRAM"
(O Dakilang Allah, Ikaw ang Kapayapaan, at sa Iyo nagmumula ang kapayapaan, Ikaw ang Kataas-taasan, Dakila at Kapuri-puri)

Pagkatapos nito, kanais-nais na banggitin ang mga sumusunod na panalangin:

"LA ILAHA ILLALLAH, WAHDAHU LA SHARIKA LAH, LAHUL MULKU, WALAHUL-HAMDU, WAHUWA ‘ALA KULLI SHAY’IN QADIR"
(Walang diyos na dapat sambahin maliban sa Allah, Siya ay Nag-iisa, Siya ay walang katambal, sa Kanya lamang ang Kataas-taasang Kapangyarihan, at sa Kanya lamang ang Pagpupuri, at Siya ang Makapangyarihan sa lahat ng bagay)

Itinatagubilin din na idalangin ang alin man sa mga sumusunod:

"ALLAHUMMA LA MANI'A LIMA A'TAYTA, WALA MU'TIYA LIMA MANA'TA, WALA YANFAU DHAL JADDI MINKAL JAD"
(O Allah, walang makapipigil sa anumang Iyong ipagkaloob, at walang makapagbibigay sa anumang Iyong ipagkait. Walang magagawa ang may kakayahan sapagka't sa Iyo lamang nagmumula ang yaman at tagumpay)

"LA HAWLA WALA QUWATA ILLA BILLAAH"
(Walang lakas o kapangyarihan malibang magmula sa Allah)

"LA ILAHA ILLAL LAAHU WALA NA'ABUDU ILLA-IYAHU, LAHU NI'MATU, WALAHUL FADHLU, WALAHUL THANA AL HASSAN"
(Walang diyos na dapat sambahin maliban sa Allah, at wala kaming sinasamba bukod sa Kanya, Ang tagumpay ay nagmumula lamang sa Kanya, Ang biyaya ay nagmumula lamang sa Kanya, Ang lahat ng magagandang pagpupuri ay sa Kanya lamang)

"LA ILAHA ILLALLAAH, MUKHLISINA LAHU DINA WALAO KARIHAL KAFIRUN"
(Walang diyos na dapat sambahin maliban sa Allah, at kami ay nag-aalay ng taimtim na pagsamba sa Kanya kahit na ito'y kapootan ng mga di-nananampalataya)

"ALLAHUMMA A'INNI 'ALA DHIKRIKA WASHUKRIKA, WA HUSNI IBADATIK"
(O Allah, tulungan Mo ako upang ilagi Ka sa aking alaala, at tulungan Mo akong maging mapagpasalamat sa Iyo, at maging lubusan ang aking pagsamba sa Iyo)

Kanais-nais ding banggitin ang mga sumusunod ng tatlumpu't tatlong (33) ulit:

"SUBHANA-LLAH"
(Kaluwalhatian sa Allah)

"ALHAMDU-LILLAH"
(Ang Pagpupuri ay sa Allah lamang)

"ALLAHU AKBAR"
(Ang Allah ay Dakila)

Pagkatapos ng tatlong nabanggit na panalangin, isunod ang ganito:


"LA ILAHA ILLALLAAH, WAHDAHU LA SHARIKA LAH, LAHUL MULKU, WALA-HUL HAMDU, WAHUWA ‘ALA KULLI SHAY'IN QADIR"
(Walang diyos na dapat sambahin maliban sa Allah, Siya ay nag-iisa at Siya ay walang katambal. Sa Kanya lamang ang Kataas-taasang Kapangyarihan, at sa Kanya lamang ang mga Pagpupuri at Siya ang Makapangyarihan sa lahat ng bagay)

Itinatagubilin din na bigkasin ang Ayat (talata) Al-Kursi. Ito ay mababasa sa Banal na Qur'an sa Kabanata 2, talata bilang 255:

A’UDU BILLAHI MINAS SHAYTAN NIR RAJIM
“Ako ay nagpapakupkop sa Allah laban sa isinumpang Satanas”

ALLAHU LA ILAHA ILLA HUWAL HAYYUL QAYUM.
“Allah, walang diyos na dapat sambahin maliban sa Kanya” Ang Buhay, Ang Lubos sa Kasaganaan, Tagapagbiyaya ng lahat.

LA TAKHUDU SINATUN WA LA NAWM
“Ang antok o idlip ay di-makapangyayari sa Kanya”

LAHU MA FI SAMAWATI WA MA FIL ARD
“Sa Kanya ang pagmamay-ari sa lahat ng Kalangitan at Kalupaan”

MAN DAL LADI YASHFA’U INDAHU ILLA BIIDNIH
“Walang maaring mamagitan malibang Kanyang pahintulutan”

YA’ALAMU MA BAYNA AYDIHIM WA MA KHALFAHUM
“Talos Niya ang nakaraan o hinaharap at maging ang lingid (sa Kanyang mga nilikha).

WA LA YUHITONA BI SHAY’IN MIN ELMIHI ILLA BI MA SHA’A.
“Walang makaaabot sa Kanyang kaalaman malibang Kanyang naisin”

WASI’A KORSIYOHO SAMAWATI WAL ARD
“Ang Kanyang Kaharian ay abot ang mga kalangitan at kalupaan”

WALA YAUDUHU HIFDOHOMA WA HUWAL ALIYOL ADIM
“At Siya ay hindi nakadarama ng kapaguran sa pagpapanatili at pangangalaga sa kanila  Sapagka’t Siya ang kataasan, ang Sukdulan (sa Kaluwalhatian.

Itinatagubilin din na basahin ang mga sumusunod na Surah (kabanata) sa Banal na Qur'an pagkatapos ng bawa't Salaah.

Kabanata 112 Suratul-Ikhlas
(Ang Kadalisayan ng Pananampalataya)

Kabanata 113 Suratul-Falaq
(Ang Pagbubukang-liwayway)

Kabanata 114 Suratun-Nas
(Ang Sangkatauhan)

Higit kanais-nais na bigkasin ang tatlong kabanatang ito nang tatlong ulit sa Salatul Fajr (Pagbubukang-liwayway) at Maghrib (Takip-silim). Sa Salatud Duhr (Tanghali), Asr (Hapon) at Isha (Gabi), ang mga kabanatang nabanggit ay maaaring basahin nang minsan lamang.

Sa pagsasaulo ng mga nababanggit na kabanata, tingnan ang mga huling pahina ng aklat na ito.

SAJDAH SAHW
(Pagpapatirapa dahil sa pagkakamali sa Salaah)

Bilang tao, likas na sa atin ang magkamali. Kapag nakagawa ng pagkakamali sa mga itinakdang tungkuling Salaah, o kapag alinlangan sa bilang ng Rak'a (kung ito ba ay kulang o labis), ang dalawang pagpapatirapa (Sajdah Sahw) ay maaaring isagawa matapos iwasto ang pagkakamali at bago wakasan ang Salaah ng Tasleem (Assalamu Alaikum Wa Rahmatullah).

Ang pagwawasto ay isinasagawa lamang kapag ang pagkakamali ay kinabibilangan ng mga mahahalagang haligi ng Salaah katulad ng mga sumusunod:

1. Ang pagsasabi ng "Allahu Akbar" (Takbiratul Ihram) sa pagsimula ng Salaah.
2. Ang pagbasa ng Al-Fatiha sa lahat ng Rak'a.
3. Ang pagsagawa ng Ruku (pagyuku).
4. Ang pagsagawa ng Sujud (pagpapatirapa).
5. Ang pagbasa ng Tashahud pagkatapos ng huling Rak'a habang nakaupo.
6. Ang pagsasabi ng Tasleem (Assalamu Alaikum Wa Rahmatullah) pagkatapos ng Salaah.

Alinman sa mga naturang bahagi ng Salaah ang nakaligtaan, kinakailangang ulitin ang buong Rak'a na kung saan nakalimutan ang bahagi ng Salaah. Subali't kapag Takbiratul Ihram ang nakalimutan sa umpisa ng Salaah, kinakailangang ulitin ang buong Salaah.

Halimbawa: Kapag ang nagdarasal ay nakalimutan ang pagbasa ng Al-Fatiha. At ito ay naalaala bago o habang nasa katayuan ng Rukuh (nakayuko), kinakailangang tumayo siya at basahin ang Al-Fatiha. Sa kabilang dako naman, kung nakalimutan niyang basahin ang Al-Fatiha at ito ay naalaala lamang nang siya ay nasa pangalawang Rak'a na, ang pangalawang Rak'a na ito ay mabibilang na unang Rak'a lamang sa dahilang ang nauna ay walang saysay o halaga.

Matapos iwasto ang pagkakamali, ang pagsagawa ng Sajdah Sahw (dalawang pagpapatirapa dahil sa pagkakamali) ay maaaring gawin bago sabihin ang Tasleem (Assalamu Alaikum Wa Rahmatullah)

Kapag may alinlangan sa bilang ng Rak'a (kung ito ba ay isa o dalawa?), piliin ang isa at tapusin ang Salaah mula sa bilang na ito. Kapag alinlangan naman kung dalawa o tatlong Rak'a ang nagawa, ituring na dalawa lamang ang nagawang Rak'a at tapusin ang Salaah mula sa bilang na ito. Isagawa ang Sajdah Sahw bago magsabi ng Tasleem.

MGA KARAGDAGANG PAALAALA – Ethics of Salah

1. Huwag tumingala habang nagdarasal.
2. Huwag ipikit ang mga mata habang nagda-rasal.
3. Huwag igala ang paningin habang nagdarasal. Ituon ang paningin sa lugar na isusubsob ang mukha sa pagpapatirapa.
4. Habang nagdarasal, iwasan ang kumilos na hindi naaayon sa mga bahagi ng Salaah (Halimbawa: pagtingin sa orasan, pagpapagpag ng dumi sa damit o pantalon, atbp.)
5. Huwag kumain, uminom, tumawa o makipag-usap habang nagdarasal.
6. Kapag ang pagkain ay nakahain na, kumain muna bago pumunta sa pagdarasal. Gayundin, unahin muna ang tawag ng kalikasan (Halimbawa: pag-utot, pag-ihi, o pagdumi) at magsagawa ng Wudhu bago pumunta sa Salaah.
7. Linising mabuti ang bibig bago pumunta sa Salaah lalong-lalo na kapag kumain ng bawang, sibuyas o anumang bagay na may masangsang na amoy na maaaring makaabala sa ibang nagdarasal.
8. Huwag unahan ang Imam sa mga takdang kilos ng Salaah (Halimbawa: pagsasabi ng Takbir, pagsagawa ng Ruku o Sujud, pag-angat ng ulo mula sa Ruku o Sujud, pagsagawa ng Tasleem, atbp.)
9. Iwasan ang pagdaan sa mismong harapan ng nagdarasal.
10. Kung nag-aalala na may dumaan sa harapan habang nagdarasal, ipinapayo na maglagay ng anumang bagay na lampas ng ilang pulgada mula sa lugar na kung saan isusubsob ang mukha sa pagpapatirapa. Ito ay tinatawag na "Sutra" na nagsisilbing tanda na walang sinuman na dapat tumawid sa pagitan nitong "Sutra" at ng nagdarasal.
11. Huwag magmadali o tumakbo patungo sa Masjid o saan mang pook na may kongregasyon sa pagdarasal. Bagkus maging mahinahon at mapayapa sa paglalakad.
12. Sa pagpasok sa Masjid, unang ihakbang ang kanang paa at banggitin sa sarili (pabulong) ang sumusunod:

"BISMILLAH WASALATU WASSALAMU 'ALA RASULULLAH, ALLAHUMA AGFIR LI DHUNUBI, WAFTAH LI ABWABA RAHMATIK"
(Sa Ngalan ng Allah, nawa'y ang kapayapaan at pagpapala ay mapasa-Sugo ng Allah, patawarin Mo ako sa aking pagkakasala, at buksan sa akin ang pinto ng Iyong habag)

13. Sa paglabas ng Masjid, unang ihakbang ang kaliwang paa at banggitin sa sarili (pabulong) ang sumusunod:

"BISMILLAH WASSALATU WASSALAMU 'ALA RASULULLAH, ALLAHUMA AGFIR LI DHUNUBI WAFTAH LI ABWABA FADHLIK"
(Sa Ngalan ng Allah, nawa'y ang kapayapaan ay mapasa-Sugo ng Allah, patawarin Mo ako sa aking mga pagkakasala at buksan sa akin ang pinto ng Iyong tulong)

14. Kung sakaling nahuli o naantala at umabot sa bahaging Ruku, ito ay nabibilang na isang buong Rak'a. Kailangan na lamang ipagpatuloy ang Salaah hanggang sa ang Imam ay magsabi ng Tasleem. Kung sakaling may Rak'a na hindi naabutan, kailangang tumayo mula sa pagkakaupo (huwag magsabi ng Tasleem) at tapusin ang bilang ng Rak'a na nakaligtaan. Wakasan ang Salaah sa pagbanggit ng Tashahud, Darood at Tasleem.

15. Maging malumanay sa pagsagawa ng mga takdang kilos ng Salaah. Hayaan munang maging panatag ang mga buto bago isagawa ang mga susunod na kilos. (Halimbawa: pagyuko, pagtayo, pagpapatirapa, pag-upo atbp).


MGA MAIIKLING KABANATA SA BANAL NA QUR'AN

Bilang pangunahing hakbang sa pagsasaulo, ang mga sumusunod ay ilan sa mga maiikling kabanata sa Banal na Qur'an na binigyang kahulugan sa ating sariling wika upang inyong maunawaan.

Bagama’t hindi ipinapayo na isalin nang literal (letra por letra) ang Banal na Qur’an upang maiwasan ang maling pagbigkas nito, ang matutunghayang saling literal sa titik Pilipino ay nararapat lamang iparinig sa mga gurong nagtuturo ng wikang Arabic. Ang maling pagbigkas nito ay maaaring magbigay ng maling kahulugan.

Kaya’t ipinapayo namin sa inyo na matutong bumigkas ng mga talata o kabanata ng Banal na Qur’an sa orihinal na pagkakapahayag nito sa wikang Arabik. May mga cassette tape na nakalaan para rito kung sakali mang hindi kayo makatagpo ng gurong magtuturo sa inyo.

Kabanata 1 Suratul-Fatiha
(Ang Pambungad)

“Bismillah-hir Rahman-nir Rahim”
Sa Ngalan Ng Allah, Ang Mapagpala, Ang Mahabagin

ALHAMDU LILLAHI RABBIL ALAMIN
Ang lahat ng pagpupuri ay sa Allah (lamang), ang Panginoon ng mga daigdig.

ARRAHMANIR RAHIM
Ang Mapagpala, Ang Mahabagin

MALIKI YAWM MIDIN
Ang (tanging Hukom at) Hari ng Araw ng Paghuhukom.

IYAKA NA’ABUDU WA IYAKA NASTAIN
Ikaw lamang ang sinasamba namin at Ikaw lamang ang hinihingan namin ng tulong.

IHDINAS SIRATAL MOSTAQIM
Ipatnubay Mo sa amin ang tuwid na landas.

SIRATAL LADINA AN AMTA ALAIHIM
Ang landas ng Iyong mga pinagpala, hindi (ang landas) ng mga isinumpa at mga nangaligaw.

GHAIRIL MHAGDHUBI ALAIHIM WA LAD DHALLIN
Ang landas ng Iyong mga pinagpala, hindi (ang landas) ng mga isinumpa at mga nangaligaw.

-------------------

Kabanata 103 -Suratul- Asr
(Ang Panahon)

BISMILLAHIR RAHMANIR RAHIM
Sa Ngalan ng Allah, Ang Mapagpala, Ang Mahabagin

WAL ASR
(Pinatutunayan Ko) sa (pamamagitan ng) Panahon

INNAL INSANA LAFI KUSR
Katotohanan ang Tao ay nasa kawalan (at pagkapahamak).

ILLAL LADINA AMANO WA A’MILOS SALIHATI WATAWASAW BIL HAQI WA TAWASAW BI SABR..

Maliban sa (kanila na) may pananampalataya (sa Allah) at gumagawa ng matuwid, at nagpapayuhan ng katotohanan at nagpapayuhan ng pagtitiis.

--------------------------


Kabanata 108-Suratul-Kauthar
(Ang Kasaganaan)

BISMILLAHIR RAHMANIR RAHIM
Sa Ngalan ng Allah, Ang Mapagpala, Ang Mahabagin

INNA A’TAYNA KAL KAUTHAR
Katotohanan Aming ipinagkaloob sa iyo ang Kasaganaan (ng batis Al-Kauthar sa Paraiso).

FASALLI LIRABIKA WANHAR
Samakatuwid, ikaw ay dumadalangin at mag-alay (magpapa-kasakit)sa inyong Panginoon.

INNA SHA NIAKA HUWAL ABATR
Ang sinumang mapoot (at humamak) sa iyo ay pagkakaitan (ng pag-asa sa daigdig na ito at sa kabilang buhay).

----------------------

Kabanata 110 Suratun-Nasr
(Ang Tagumpay)


BISMILLAHIR RAHMANIR RAHIM
Sa Ngalan ng Allah, Ang Mapagpala, Ang Mahabagin

IDAJA’A NASRULLAHI WAL FATH
Kapag dumating ang tulong ng Allah at ng Tagumpay

WA RAAYTAN NASA YADKHOLONA FI DINILAHI AFWAJA.
At iyong mapagmasdan ang Tao na nagsisipasok sa pananampalataya ng Allah (Islam) ng maramihan.

FASABBIH BIHAMDI RABBIKA WASTAGHFIRHU INNAHU KANA TAWWABA.
Ipagdiwang ang mga papuri sa iyong Panginoon at dumalangin (upang makamit) ang Kanyang kapatawaran, dahil Siya ang Lagi nang (tumatanggap ng pagsisisi at) Nagpapatawad.

-------------------------------
Kabanata 113 - Suratul-Falaq
(Ang Pagbubukang-liwayway)

BISMILLAHIR RAHMANIR RAHIM
Sa Ngalan ng Allah, Ang Mapagpala, Ang Mahabagin

QUL A’UDU BIRABIL FALAQ
Ipahayag! Ako ay nagpapakupkop sa Panginoon ng bukang- Liwayway.

MIN SHARRI MA KHALAQ
Laban sa kasamaan ng mga nilikhang bagay

WA MIN SHARRI GHASIQIN IDA WAQAB
Laban sa kasamaan ng kadiliman kung ito ay laganap

WA MIN SHARRIN NAFFATATIL FIL UQAD
Laban sa kasamaan ng mga nagsasagawa (ng karunungang itim

WA MIN SHARRI HASIDIN IDA HASAD
Laban sa kasamaan ng mainggitin kapag siya ay naninibugho

Ugnayan : http://www.islamhouse.com/p/5671