Talasalitaan
Kapag may mga salitang Arabik na di-maunawaan
ang kahulugan ay mangyaring sumanguni lamang sa Talasalitaan na ito.
da`eef: Hadeeth na hindi mapananaligan kaya hindi
dapat gamitin na patunay
dhikr: Panalangin sa wikang Arabik na itinuro ng Propeta
(SAS) o hingngo sa Qur’an; personal na panalangin sa anumang wika
fard: Tungkuling dapat gawin; obligadong gawain o
pagsamba.
Hadeeth: Ulat tungkol sa kung ano ang sinabi, ginawa,
at sinang ayunan ng Propeta (SAS).
Imam: Taong namumuno sa pagsasagawa ng salah
Jama`ah: Grupo o pangkat ng mga taong sama-samang
nagsasagawa ng salah. Ang jama ay binubuo ng 2 tao o higit pa.
Ma’moom: Taong pinamumunuan ng imam sa salah
Masbooq: Taong nahuli sa paglahok sa salah
sa jama`ah
Makrooh: Hindi kanais-kanais ngunit hindi naman
ipinagbabawal.
Muftarid: Taong nagsasagawa ng salah na fard
Musafir: Manlalakbay. Musafir ang tawag sa
taong lumabas sa kanyang bayan at pumunta sa isang lugar na ang layo mula sa
kanyang sariling bayan ay hindi bababa sa 80 kilometro.
Mustahabb: Kanais-nais ngunit hindi fard
Mutanaffil: Taong nagsasagawa ng salah na hindi fard
Neeyah: Layunin o hangaring gawin ang isang bagay
Rak`ah: Yunit ng salah
Sahabah: Mga taong nakakita at naniwala kay Propeta
Muhammad (SAS) at namatay na mga Muslim.
Ang kanilang sinabi o ginawa ay magagamit na batayan sa Sharee’ah.
Saheeh:
Hadeeth na napatunayang totoo o sinabi ng Propeta (SAS) kaya ginagamit
na patunay upang katigan ang isang hatol.
Saheehayn:
Dalawang aklat na Hadeeth: Ang Saheeh
Al-Bukharee at ang Saheeh Muslim
Sharee’ah: Batas ng Islam
Sunnah: anumang itinagubiling Gawain sapagkat ito ay
alinsunod sa ginawa ng Propeta (SAS)
Tasleem: Pagsabi ng assalamu ‘alaykum wa rahmatullaah
habang lumilingon sa kanan at ang pagsabi uli nito habang lumilingon naman sa
kaliwa.
Tawaf: Pag-ikot nang pitong beses sa Ka`bah. Ito ay isa sa mga rituwal ng hajj at ‘umrah
SAS:
Sallallaahu ‘Alayhi wa Sallam (Ang biyaya at pagbati ni Allah ay
sumakanya). Ito ay binibigkas sa tuwing
binabanggit ang pangalan o mga titulo ni Propeta Muhammad bilang paggalang sa
kanya.
RA: Radiyallaahu ‘Anhu (kalugdan siya ni Allah).
Ito ay binibigkas sa tuwing binabanggit ang pangalan o titulo ng isang anghel
at ng lalaking kasamahan ni Propeta Muhammad (SAS) bilang paggalang sa kaniya.
Radiyallaahu ‘Anhaa naman ang binibigkas kung ay ang asawa ni Propeta Muhammad
(SAS) o ang babaeng kasamahan niya.
1. May mga taong nagsasagawa ng salah
na fard ngunit walang anumang nakatakip sa kanilang mga balikat at iyon
ay lalung-lalo na sa panahon ng hajj ( o ‘umrah) habang nasa sandali ng ihram;(1)*
ano po ang hatol doon?
Sagot: Kung hindi niya magawang takpan, wala siyang
kasalanan ayon sa sabi ni Allah: “Katakutan ninyo si Allah sa abot ng inyong
makakaya.” (64:16) at ayon din sa sabi ng Propeta (SAS) kay Jabir bin ‘Abdullah
(RA): “Kung malapad ang tela, balutin mo (ang buong katawan); at kung
hindi malapad, ipantapis mo na lamang.” Kung magagawa namang
takpan ang dalawang balikat o kahit ang isang balikat, kailangang takpan ang
dalawa o isang balikat ayon sa pinakatumpak na pahayag ng mga pantas ng
Islam. Kung hinayaang walang takip ang
balikat, hindi tanggap ang salah ayon sa sabi na Propeta (SAS): “Walang
sinuman sa inyo ang magsasagawa ng salah nang nakatapis nga ngunit wala naming
anumang nakapatong sa balikat.” Si
Allah ang tagapagpatnubay.
__________________________________
(1)* Ang ihram ay isa sa mga rituwal na hajj
at ‘umrah.
2. Ano
po ang hatol kapag nalamang ang isinagawang salay ay hindi pala nakaharap sa qiblah
sa kabila ng lahat ng pagsisikap na alamin ang qiblah? Mayroon po bang
pagkakaiba kung ang pangyayaring ito ay naganap sa lugar ng mga Muslim o sa
lugar ng mga di-Muslim o sa isang ilang na lugar?
Sagot: kung naganap ito habang ang isang
Muslim ay naglalakbay o nasa bayang hindi madaling makakita roon ng isang taong
makapagtuturo kung nasaan ang qiblah, ang kanyang sala ay tanggap kapag
talagang nagsikap siyang hanapin ang qiblah ngunit bandang huli ay napag-alaman
niya matapos magsagawa ng salah hindi pala siya nakaharap sa qiblah. Subalit kung siya ay nasa lugar ng mga
Muslim, ang salah niya ay hindi tanggap (kung hindi nakaharap
sa qiblah) sapagkat maaari siyang makapagtanong sa isang taong
makapagtuturo sa kanyang kung nasaan and qiblah at maari rin niyang
malaman ito sa pamamagitan ng mga Masjid.
3. Narinig
namin na binbigkas na maraming mga tao ang neeyah kapag nagsisimulang
magsagawa ng salah: ano po ang hatol ditto?
Sagot: Ang
pagbigkas ng neeyah ay walang batayan sa Sharee’ah. At walang ulat mula
ss Propeta (SAS): “Ang halaga ng mga gawa ay nakabatay sa layunin (neeyah)
at ang bawat tao ay gagantimpalaan ayon sa kanyang nilayon.”
4. Nakikita
namin na may mga taong nagsisiksikan upang makapagsagawa ng salah sa
loob ng Hijr Isma`eel.(2*)
Ano po ang hatol sa pagsasagawa ng salah dito? At mayroon po ba
itong kalamgan (sa ibang salah)?
Sagot: Ang pagsasagawa ng salah sa loob ng Hijr
Ismae’eel ay mustahabb (kanais-nais ngunit hindi kailangan o tungkuling
isagawa) sapagkat ito ay bahagi ng ka`bah. Sa Hadeeth na isinalaysay ni Ibnu “Umar
tungkol sa Propeta (SAS) ay nabanggit na pumasok siya (SAS) sa ka`bah
noong taong masakop ang Makkah at nagsagawa na dalawang rak`ah na salah
sa loob nito. Nasasaad din sa Hadeeth na
sinabi niya (SAS) kay A’ishah (RA) (ang kanyang maybahay) nang nais nitong
pumasok sa Ka`bah: “Magsagawa ka na salah sa loob ng Hijr Isma`eel
sapagkat ito ay bahagi ng ka’abah.”
Tungkol naman sa salah
na fard, mas mainam na hindi ito isagawa sa loob ng Ka`bah o Hijr
Isma`eel sapagkat hindi ginawa iyon ng Propeta (SAS) at sapagkat may mga
pantas ng Islam na nagsabing: “Hindi karapat-dapat na mgasagawa ng salah
na fard sa loob na ka`bah o sa loob ng Hijr Isma`eel
sapagkat ito ay bahagi ng ka`bah.” Dahil ditto, nalalaman na ang wasto ay ang isagawa
ang salah na fard sa labas ng ka`bah at sa labas ng Haijr Isma`eel
upang masunod and halimbawa ng Propeta (SAS) at maiwasan na masalungat ang mga
pantas ng Islam na nagsasabing hindi tama ang pagsasagawa ng salah na fard
sa loob ng Ka`bah at Hijr Isma`eel. Si Allah ang
tapagpatnubayan.
______________________________________________________________
(2)*Ang Hijr Isma`eel ay ang bahagi ng ka`bah na hindi
nasakop ng dingding nito.
5. May
mga kababaihang hindi nalalaman ang ipingkaiba ng regla sa istihadah,*
kaya kapag nagpatuloy ang paglabas ng dugo (sanhi ng istihadah)
humihinto sil sa pagsasagawa ng salah sa loob ng panahon na patuloyang
paglabas ng dugo (ng istihadah).
Sagot: Ang regla ay dugong itinakda ni
Allah na lumabas sa mga kababaihan,
Kadalasan itong lumalabas buwan-buwan.
Nabanggit ito sa Hadeeth ng Propeta (SAS).
Ang babaeng may istihadah ay may tatlong
kalagayan:
1. Na
siya ay wala talagang regular na period simula nang siya ay magkaregla: kaya
buwan-buwan ay (may mga araw na) hindi siya mgsasagawa ng salah o
pag-aayuno (kung buwan ng Ramadan) hangga’t may nakikita siyang dugo. At hindi rin ipinahihintulot sa Kanyang asawa
na makipagtalik sa kanya hangga’t hindi tumitigil ang paglabas ng dugo. Ituturing na regla ang pagdurugo kung
tumatagal ng 15 araw o mas mahaba pa ayon sa pahayag ng
nakararaming mga pantas ng Islam. Kung
nagpatuloy ang pagdurugo sa loob ng mahigit sa 15 araw, siya ay may istihadah.*(3) Aalamin niya kung ilang araw ang period ng
karamihan sa mga malalapit niyang mga kamag-anakan; kaya kung halimbawang 6 o 7
araw ang period ng marami sa kanila, ituturing niya ang kanyang sarili na
nagreregla ng 6 o 7 araw. Ito ang
gagawin niya kapag hindi niya malaman ang ipinagkaiba ng dugo ng regla sa dugo
na istihadah.
2. Na
nakikilala niya (ang ipinagkaiba ng regla sa istihadah); kaya hihinto
siya sa pagsasagawa ng salah at pag-aayuno (kung buwan ng Ramadan), at sa
pakikipagtalik sa kanyang asawa sa loob ng mga araw na lumalabas ang dugong
kilalang (regla) dahil sa kaitiman ng kulay at kakaibang amoy. (kapag nawala na ang kaitiman at kakaibang
amoy ng dugo) ay maliligo siya at saka magsagawa ng sala.*
(4) (Ituturing na regla ang dugong may kaitiman
ang kulay at may kakaibang amoy) sa kondisyong hindi lalampas sa 15 araw ang
paglabas niyon.
3. Na
dati ay may regular siyang period (halibawa’y 6 o 7 araw buwan-buwan tuwing
umpisa o kalagitnaan o katapusan ng buwan bago pa man siya nagkaroon ng istihadah);
kaya kapag dumating na ang kanyang period ay hihinto siy sa pagsasagawa ng salah
o pag aayuno. At kapag natapos na ang
period na iyon ay saka siya maligo.
Maari na siyang magsagawa ng salah ngunit kailangang magsagawa
siya ng wudu’ sa bawat salah hangga’t may dugong Lumabas sanhi ng istihadah. Sa sandaling ito ay maari na rin siyang
(kahit may dugo pang lumalabas na sanhi ng istihadh) hanggang hindi dumarating
muli ang kanyang period para sa kasunod na buwan.
Ito ang buod ng mga Hadeeth ng Propeta (SAS) hinggil sa babaeng may istihadah.
_________________________________________________________________________________
(3)*Ang istihadah ay ang
patuloy na pagdurugo na hindi na talaga humihinto o kung huminto man ay sa loob
lamang ng maikling panahon gaya ng isa o dalawang araw sa isang buwan. Iba ito sa regla.
(4)*Kahit may dugong lumalabas
dahil ang dugong ito ay istihadah at ang babaeng nilabasan ng dugong
sanhi ng istihadah ay maaring
magsagawa ng mga gawaing panrelihiyon at makipagtalik sa asawa.
4. Nakikita
namin na may mga taong nagsisiksikan upang makapagsagawa ng salah sa
loob ng Hijr Isma`eel.(5)*
Ano po ang hatol sa pagsasagawa ng salah dito? At mayroon po ba
itong kalamgan (sa ibang salah)?
Sagot: Ang pagsasagawa ng salah sa loob ng Hijr
Ismae’eel ay mustahabb (kanais-nais ngunit hindi kailangan o tungkuling
isagawa) sapagkat ito ay bahagi ng ka`bah. Sa Hadeeth na isinalaysay ni Ibnu “Umar
tungkol sa Propeta (SAS) ay nabanggit na pumasok siya (SAS) sa ka`bah
noong taong masakop ang Makkah at nagsagawa na dalawang rak`ah na salah
sa loob nito. Nasasaad din sa Hadeeth na
sinabi niya (SAS) kay A’ishah (RA) (ang kanyang maybahay) nang nais nitong
pumasok sa Ka`bah: “Magsagawa ka nang salah sa loob ng Hijr Isma`eel
sapagkat ito ay bahagi ng ka’abah.”
Tungkol naman sa salah
na fard, mas mainam na hindi ito isagawa sa loob ng Ka`bah o Hijr
Isma`eel sapagkat hindi ginawa iyon ng Propeta (SAS) at sapagkat may mga
pantas ng Islam na nagsabing: “Hindi karapat-dapat na mgasagawa ng salah
na fard sa loob na ka`bah o sa loob ng Hijr Isma`eel
sapagkat ito ay bahagi ng ka`bah.” Dahil dito, nalalaman na ang wasto ay ang isagawa ang
salah na
fard
sa labas ng
ka`bah at sa labas ng Haijr
Isma`eel upang masunod
and halimbawa ng Propeta (SAS) at maiwasan na masalungat ang mga pantas ng
Islam na nagsasabing hindi tama ang pagsasagawa ng
salah na
fard
sa loob ng
Ka`bah at
Hijr Isma`eel. Si Allah ang
tapagpatnubay
.
_______________________________________________________
(5)*Ang Hijr Isma`eel ay ang bahagi ng ka`bah na hindi
nasakop ng dingding nito.
5. May
mga kababaihang hindi nalalaman ang ipingkaiba ng regla sa istihadah,(7)*
kaya kapag nagpatuloy ang paglabas ng dugo (sanhi ng istihadah)
humihinto sil sa pagsasagawa ng salah sa loob ng panahon na patuloyang
paglabas ng dugo (ng istihadah).
Sagot: Ang regla ay dugong itinakda ni
Allah na lumabas sa mga kababaihan,
Kadalasan itong lumalabas buwan-buwan.
Nabanggit ito sa Hadeeth ng Propeta (SAS).
Ang babaeng may istihadah ay may tatlong
kalagayan:
1. Na
siya ay wala talagang regular na period simula nang siya ay magkaregla: kaya
buwan-buwan ay (may mga araw na) hindi siya mgsasagawa ng salah
o pag-aayuno (kung buwan ng Ramadan) hangga’t may nakikita siyang dugo. At hindi rin ipinahihintulot sa Kanyang asawa
na makipagtalik sa kanya hangga’t hindi tumitigil ang paglabas ng dugo. Ituturing na regla ang pagdurugo kung
tumatagal ng 15 araw o mas mahaba pa ayon sa pahayag ng
nakararaming mga pantas ng Islam. Kung
nagpatuloy ang pagdurugo sa loob ng mahigit sa 15 araw, siya ay may istihadah. Aalamin niya kung ilang araw ang period ng
karamihan sa mga malalapit niyang mga kamag-anakan; kaya kung halimbawang 6 o 7
araw ang period ng marami sa kanila, ituturing niya ang kanyang sarili na
nagreregla ng 6 o 7 araw. Ito ang
gagawin niya kapag hindi niya malaman ang ipinagkaiba ng dugo ng regla sa dugo
na istihadah.
2. Na nakikilala niya (ang ipinagkaiba ng regla
sa istihadah); kaya hihinto siya sa pagsasagawa ng salah at pag-aayuno (kung buwan ng Ramadan), at sa
pakikipagtalik sa kanyang asawa sa loob ng mga araw na lumalabas ang dugong
kilalang (regla) dahil sa kaitiman ng kulay at kakaibang amoy. (kapag nawala na ang kaitiman at kakaibang
amoy ng dugo) ay maliligo siya at saka magsagawa ng sala.* (Ituturing na regla ang dugong may kaitiman
ang kulay at may kakaibang amoy) sa kondisyong hindi lalampas sa 15 araw ang
paglabas niyon.
3. Na
dati ay may regular siyang period (halibawa’y 6 o 7 araw buwan-buwan tuwing
umpisa o kalagitnaan o katapusan ng buwan bago pa man siya nagkaroon ng istihadah);
kaya kapag dumating na ang kanyang period ay hihinto siy sa pagsasagawa ng salah
o pag aayuno. At kapag natapos na ang
period na iyon ay saka siya maligo.
Maari na siyang magsagawa ng salah ngunit kailangang magsagawa
siya ng wudu’ sa bawat salah hangga’t may dugong Lumabas sanhi ng istihadah. Sa sandaling ito ay maari na rin siyang
(kahit may dugo pang lumalabas na sanhi ng istihadh) hanggang hindi dumarating
muli ang kanyang period para sa kasunod na buwan.
Ito ang buod ng mga Hadeeth ng Propeta (SAS) hinggil sa babaeng may istihadah.
________________________________________________________________________________
(7)*Ang istihadah ay ang patuloy na
pagdurugo na hindi na talaga humihinto o kung huminto man ay sa loob lamang ng
maikling panahon gaya ng isa o dalawang araw sa isang buwan. Iba ito sa regla.
6. Kapay
may salah na nakaligtaang isagawa ang isang tao gaya halimbawa ng sala
sa dhuhr at naalala lamang iyon nang nasimulan nang isagawa ang salah
sa ‘asr, sasabay ba siya sa jama`ah na ang neeya ay ang magsagawa
ng sala sa ‘asr o ang neya ay ang magsagawa ng salah sa dhuhr?
O isasagawa ba niya muna ang d\huhr at saka isasagawa ang ‘asr?
Sagot: Ang nararapat sa sinumang
napaalalahanan sa katanungang ito ay ang magsagawa ng salah -- na ang neeyah
ay ang magsagawa ng salah para sa dhuhr -- kasama ng jama`ah
na ang isinasagawang salah sa oras na iyon ay ‘asr upang
mapanatili ang pagkasunod sunod ng mga salah. Hindi naalis ang obligsyong kailangang
sunod-sunod ang pagsasagawa ng salah dahil lamang sa pangambang hindi
makasabay sa jama`ah.
7. Maraming
mga babae ang walang ingat sa pagsasagawa ng salah. Lumilitaw ang braso o bahagi nito at pati
narin ang paa at baka pati pa ang binti.
Kaya ang tanong, tangap po ba ang kanilang salah?
Sagot : Tungkulin na nasa wastong gulang (8)* na babaeng
Muslim at may wastong pag-iisip na balutin ang kanyang buong katawan kapag
nagsasagawa ng salah maliban sa kanyang mukha at palad. Kaya kung ang isang babae ay nagsasagawa ng salah
habang nakalitaw ang kanyang binti o paa o buhok o bahagi ng buhok, ang kanyang
salah ay hindi tangagap ayon sa sinabi ng Propeta (SAS): “Hindi tatangapin
ni Allah ang salah ng babaeng dinatnan na ng regla kung hindi natatakpan ang
kanyang katawan.” Ang ibig sabihin ng “babaeng dinatnan na ng regla” ay
babaeng nasa wastong gulang na may lalaking hindi
kaanu-ano ng babae na nakakikita sa kanya, kailangang takpan din niya ang
kanyang mukha at kamay .
_________________________________________________________________________________
(8)*Ang isang Muslim ay nasa wastong gulang kapag naganap ang
alinman sa mga sumusunod 1) Kapag naging 15 taong gulang na, 2) kapag tinubuan
na ng mga buhok sa maselang bahagi ng katawan, 3)Kapag nailabasan ng punlay sa
panaginip (wet dream) o sa ano pa mang paraan 4) kapag ang isang babae ay may
regla na.
8.
Kapag huminto ang regla ng isang babae sa oras ng “asr or “`isha”,
pagsasamahin (9)* ba niya ang dhuhr at “asr o ang magrib at
ang “`isha” yaman din lamang na ang mga salah na ito ay
naipagsasama?
Sagot: Kapag huminto ang regla ng isang babae (10)** o ang
kanyang nifas (11)*** sa oras ng ‘asr, kailangan niya ring isagawa ang salah
sa dhuhr kasama ng sala sa ‘asr ayon sa pinakatumpak na pahayag
ng mga pantas nag Islam sapagkat ang oras ng dalawang salah na ito ay
iisa para sa taong may dahilang ipagsama ang mga salah tulad halimbawa
ng may-karamdaman at naglalakbay. Ang babaeng katatapos lamang huminto ang
regla ay may dahilan ding ipagsama ang mga salah dahil sa pagkahuli ng
paghinto ng kanyang regla. Ganito rin
ang patakaran kung huminto naman ang regla sa oras ng salah sa ‘`isha’,
kailangan din niyang isagawa nang magkasama ang salah sa maghrib at ‘`isha’. Ganito rin ang payo ng isang pangkat ng mga sahabah
(RA).
_________________________________________________________________________________
(9)*Ang pagsasama ng salah ay ganito:
isinasagaw muna ang salah sa dhuhr bago ang salah ‘asr
sa oras ng alin man sa dalawang salah na ito at ang salah sa
maghrib bago ang salah sa `isha’ sa oras ng alin man sa dalawang
nabanggit na salah.
(10)**Kapag huminto ang regla ng
isang babae ay kailangang maligo siya sa lalong madaling panahon bago magsagawa
ng salah o makipagtalik sa asawa.
(11)***Ang nifas ay ang dugong
inilalabas ng sinapupunan bago o habang matapos magsilang hanggang sa ika-40
araw matapos magsilang. Para sa
karagdagang kaalaman tungkol sa nifas, mangyari po lamang na sumngguni sa ating
aklat na pnamagatang Isang Aklat Para sa Babaeng Muslim.
9.
Maraming mga mangagawa ang ipinagpapaliban ang pagsasagawang salah
sa dhuhr at ‘asr at isinasagawa lamang ang mga ito sa gabi. Ang kanilang idinadahilan ay abala sila sa
kanilang mga gawain at ang kanilang damit ay may najasah(12)* o hindi malinis; kaya
ano po ang maipapayo ninyo sa kanila?
Sagot: Hindi ipinahihintulot para sa mga Muslim, lalaki
man o babae, na ipagpaliban ang pagsasagawa ng salah na fard sa
takdang oras nito. Sa halip, tungkulin
ng bawat Muslim, lalaki man o babae, na nasa wastong gulang na isagawa ang
salah
sa takdang oras nito sa abot ng makakaya.
Ang trabaho ay hindi dahilan upang ipagpaliban ang
salah at
ganoon din ang dumi sa damit. Ang lahat
ng ito ay hindi katangap-tanggap na dahilan.
Ang trabaho ay dapat itigil sa oras ng
salah at inoobliga ang
isang mangagawa pagsapit ng oras ng
salah na hugasan ang bahagi ng
kanyang damit na may najasah o palitan ng damit na malinis. Ang dumi ay hindi hadlang sa pagsasagawa ng
salah
kung ang duming iyon ay hindi buhat sa mga najasah o hindi nagtataglay ng
masamang amoy na nakapipinsala sa ibang mga nagsasagawa ng
salah. Kung ang dumi mismo o ang amoy nito ang
nakakapinsala sa iba pang mga Nagsasagawa ng
salah, kailangang hugasan
iyon o palitan ng damit na malinis bago magsagawa ng
salah nang sa gayon
ay maisagawa niya ang
salah kasama ng
jama`ah. Ipinahihintulot sa isang taong may
katanggap-tanggap na dahilan, gaya ng may-sakit o naglalakbay, na ipagsama ang
salah
sa
dhuhr at
salah sa ‘
asr sa oras ng alin man sa dalawang
salah
na ito at ipagsama ang maghrib at ‘
`isha’ sa oras ng alin man sa dalawang ito. Nasasaad din sa Hadeeth na maaring ipagsama
ang mga
salah kung may ulan at baha at mahirap para sa mga tao na
isagawa nang isa-isa ang bawat
salah.
(13)*
________________________________________________________________________________
(12)*Najasah ang mga sumusunod: 1) ang dugo, 2) ang
dumi at ihi ng tao, ihi nana, at suka 3) and dumi at ihi ng hayop na
ipnagbabawal ng Islam na
’kainin 4) ang madhy:likidong
malinaw na kadalasan ay lumalabas sa ari sanhi ng pagnanasang sesuwal, 5) ang
wady: likidong malapot na lumalabas sa ari na maaaring lumabas pagkatapos umihi
o kapag may karamdaman.
(13)*Ang pagsasama ng mga salah kapag may
ulan o baha ay ipanahihintulot lamang sa mga taong nasa Masjid. Isinasagaw ang pagsasama ng mga salah
sa jama`ah. Ang taong nasa
kanyang tahanan ay hindi pinahihitulutang ipagsama ang mga salah kahit
pa may ulan o baha dahil hindi mahirap para sa kanya na isagawa nang hiwalay
ang mga salah. Tingan ang sagot
sa tanong bilang 53.
10. Uulitin
pa ba ng isang tao ang kanyang naisagawang salah matapos na magsagawa ng
tasleem kapag siya ay nakakita ng najasah sa kanyang damit?
Sagot: Ang sinumang nagsagawa ng salah
samantalang ang kanyang katawan o kasuutan ay may najasah at napag-alaman
lamang ang tunkol dito matapos maisagawa ang salah, ang kanyang salah
ay tanggap ayon sa pinakatumpak na pahayag ng mga pantas ng Islam. At ganoon din kung sakaling noong una pa man
ay nalaman na niya (na ang kanyang kasuutan o damit ay may janasah) ngunit
nakalimutan sa oras ng salah at naalala lamang pagkatapos ng salah,
ang kanyang salah ay tanggap parin ayon sa isang talata ng
Qur’an. “O Panginoon namin, huwag Mo po kaming parusahan kung kami ay
makalimot o magkamali.” (2:286) Ang tugon naman ni Allah dito ay: “Ginawa
ko na.” Nabangit sa isa pang
Hadeeth na isang araw habang ang Propeta (SAS) ay nagsasagawa ng salah
samantalang ang kanyang sapin sa paa ay may najasah, ipinagbigay-alam sa kanya
ni Jibreel ang tungkol dito. Hinubad
niya ang sapin at nagpatuloy sa kanyang salah at hindi na niya inulit
ito. Ito ay kaluwagan at habag na kaloob
ni Allah sa kanyang mga lingkod. Subalit
ang sinumang makalimot na magsagawa ng wudu’ at nagsagawa ng salah,
kailangan ulitin niya ang salah ayon sa nagkakaisang hatol ng mga pantas
ng Islam.
Ito ay alinsunod sa
sinabi ng Propeta (SAS): “Hindi tangagap ang salah na walang wudu’ at ang
kawanggawa na galing sa nakaw.” Ang Hadeeth na ito ay nasa Saheeh
Muslim. At ang sabi pa niya (SAS): “Kapag
walang wudu’ and sinuman sa inyo, hindi tanggap ang kanyang salah hanggang
hindi siya nakapagsagawa ng wudu’.”
11.
Maraming mga tao sa ngayon ang pabaya sa kanilang salah. Ang ilan sa kanila ay tuluyan nang hinintuan
ang pagsasagawa ng salah; ano po ang hatol sa mga iyon? At ano ang
tungkulin ng isang Muslim para sa kanila at lalong-lalo na sa kanyang mga kamag
anakan gaya ng ama, anak, asawa at iba pa?
Sagot: Ang pagpapabaya sa salah ay kabilang sa mga
malalaking kasalanan at ito ay kabilang rin sa mga katangian ng isang Munafiq
(nagpapaggap na Muslim). Ang sabi ni
Allah:
“Tunay na ang mga Munafiq
ay nagsisikap na linlangin si Allah ngunit Siya ang lumilinlang sa kanila. At kung sila ay tatayo upang magsagawa nang salah,
sila ay tinatamad at nagpapakita lamang sa mga tao at kaunti lamg kung kanilang
alalahanin si Allah.” (4:142) At ang sabi pa ni Allah tungkol sa
kanilang katangian:

“At walang humahadlang sa kanilang ambag upang
matanggap buhat
sa kanila kundi dahil sa sila ay hindi sumasampalataya kay Allah at sa kanyang
Sugo, dahil sa sila ay pumupunta sa salah nang patamad-tamad, at dahil sa sila
ay gumugugol nang may sama ng loob.” (9:54) Ang sabi naman ng Propeta (SAS): “Ang
pinakamabigat na salah para sa mga Munafiq ay ang salah sa ‘`isha at salah sa
fajr. At kung nalalaman lamang nila kung
ano ang gantimpalang mayroon and dalawang salah na ito, pupunta sila kahit
pagapang upang isagawa ito.”
Kaya tungkulin ng bawat Muslim, lalaki man o babae, na panatilihin ang pasasagawa ng limang salah
sa kani-kanilang mga takdang oras at isagawa ang mga ito nang may kapanatagan, may pagmamalasakit, may kataimtiman, at
konsentrasyon dahil ang sabi ni Allah:


“Tunay
na mga matagumpay ang mga mananapalataya na sa kanilang pasasagawa ng salah ay
maitimtim na ngpapakumbaba.” (23.:1-2) Nasasaad din sa isang Hadeeth na
inutusan ng Sugo ng Allah (SAS) ang isang taong hindi pinagbuti ang pagsagawa
ng salah na ulitiin ang salah sapagakat hindi niya iyon isinagawa
ng may kapanatagan. Sa panig naman ng
mga kalalakihan, kailangang palagi nilang isagawa ang salah sa jama`ah, kasama ng kanilang mga
kapatid sa pananampalataya, sa mga bahay ni Allah na walang iba kundi ang mga
Masjid. Ayon sa sinabi ng Propeta (SAS):
“Ang sinumang makarinig ng panawagan (adhan) at hindi pumunta (sa
dasalan), wala siyang salah maliban na lamang kung siya ay may magandang
dahilan.” Si Ibnu ‘Abbas (RA)
tinanong kung ano ang magandang dahilan. “Takot o karamdaman,” ang sagot
niya. Ayon naman sa isang Hadeeth na
inulat ni Abu Hurayrah (RA) tungkol sa Propeta (SAS), may isang lalaking bulag
na nagsadya sa kanya (SAS) at ang sabi, “O Sugo ni Allah, wala po akong gabay
na gagabay sa akin papuntang Masjid; kaya may kapahintulutan po ba akong
magsagawa ng sala sa aking bahay?” Binigyan niya (SAS) ito ng kapahintulutan
ngunit ng nakaalis na ito ay tinawag niya ito at sinabi rito “Naririnig
mo ba ang panawagan ng salah? Opo,” sabi nito. “Kung gayon,
tugunin mo,” sabi nman
niya (SAS). (Ang ibig niyang sabihin ay:
Pumunta ka sa Masjid at doon isagawa ang salah.) Sa isa pang Hadeeth na
nasa Saheehayn na iniulat pa rin ni Abu Hurayrah (RA), sinabi ng Propeta
(SAS): “Napag-isipan kong mag- utos na simulan ang pagsasagawa ng salah at
saka uutusan ko ang isang lalaki na mamuno sa salah at ako ay aalis, kasama ng
ilang mga kalalakihan na may dalang mga bigkis ng panggatong, papunta sa mga
taong hindi dumadalo sa salah upang aking sunugin ang kanilang mga bahay.”
Ang
Hadeeth na ito ay nagpapahiwatig na ang salah sa jama`ah ay is sa
mahalagang tungkulin ng mga kalalakihan at ang hindi tumutupad sa tunkuling ito
ay karapat dapat parusahan.
Idinadalangin
natin kay Allah na nawa’y Kanyang pabutihin ang kalagayan ng lahat ng mga
Muslim at pagkalooban sila ng tagumpay na ikinalulugod Niya.
Ayon sa pinakatumpak na pahayag ng mga pantas ng
Islam, ang paghinto sa pasasagawa ng salah o kahit paminsan-minsan
lamang ay itinuturing na isang malakingkawalan ng pananampalataya kahit hindi
man ikaila na ang sala ay fard-maging lalaki man o babae ang huminto sa
pagsasagawa ng salah. Ang sabi
nag Propeta (SAS): “Ang
namamagitan sa tao at kawalang pananampalatay ay shrik (pagatambal kay Allah) ay ang patalikod sa salah.” Ang
Hadeeth na ito ay nasa Saheeh Muslim.
Sa isa apang Hadeeth ay sinabi ng Propeta (SAS): “Ang kasunduang
namamagitan sa atin at sa kanila (mga mananampalataya) ay ang salah; kaya ang
sinumang huminto sa pagsasagawa ng salah ay nawalan na ng pananampalataya.” Mayroon pang maraming ibang Hadeeth tungkol
sa paksang ito.
Ang
nagkakaila sa pagiging fard ng salah, maging lalaki man o babae,
ay tuluyan nang nawalan ng pananampalatay ayon sa nagkakaisang hatol ng mga
pantas ng Islam kahit sabihin pang nagsasagawa rin siya ng salah. Kaya hinihiling natin kay Allah na nawa’y
huwag sanang mangyari sa atin at sa lahat ng mga Muslim ang gayon. Tunay na Siya ang pinakamainam hilingan.
Ang
lahat ng mga Muslim ay may tungkuling pagpayuhan ang isa’t isa sa kung ano ang
totoo at magtulungan sa kabutihan at kabanalan. Kabilang sa tungkuling ito ang
pagpayuhan ang hindi dumadalo sa salah sa jama`ah o nagpapabaya
sa salah anupa’t kung magkaminsan ay hindi
na ito isinasagawa. Tungkulin din na
magbigay-babala sa kanya tungkol sa galit at parusa ni Allah. Tungkulin ng kanyang ama, ina, mga kapatid,
at kasambahay na siya ay kanilang pagpayuhan at magpatuloy sa pagpayo hangang
sa siya ay patnubayan ni Allah maging matuwid.
Gayon di sa mga babaeng nagpapabaya at huminto sa pagsasagawa ng salah,
tungkulin din na sila ay pagpayuhan, bigyang-babala sa galit at parusa ni
Allah, at magpatuloy sa pagpayo at pagbibigay-babala. Kung ayaw na talagang makinig ay putulin na
ang ugnayan sa kanya at bigyan ng karampatang kaparusahan kung magagawa. Ang lahat ng ito ay pakikipagtulungan sa
kabutihan at kabanalan at pag-uutos sa mabuti at pababawal sa masama na
ginawang obligasyon ni Allah sa Kanayng mga lingkod na mga lalaki at
babae. Ayon sa sinabi Niya:

“Ang
lalaking mananapalataya at babaeng mananampalataya ay mga wali (Kaibigan,
katuwang, tagapagtanggol, tagatangkilik, at iba pa) ng bawat isa sa
kanila. Ipinag-uutos nila ang mabuti at
ipinagbabawal ang masama. Nagsasagawa sila
ng salah , nagbibigay ng zakah, at sinusunod si Allah at ang Kanyang Sugo. Ang
mga iyon ang kaawaan ni Allah. Tunay na si Allah ay makapangyarihan,
marunong.”
(9:71) At ayon naman sa sinabi ng Propeta (SAS): “Utusan ninyo ang iyong
mga anak na magsagawa ng salah pagsapit ng pitong taon, paluin sila sa hindi
nila pagsasagawa ng salah at paghiwalayin (huwag pagtabihin sa higaan
ang mgkapatid na lalaki at babae) ang kanilang higaan kapag sila sampung
taon na.” Kung ang mga batang
lalaki at babae nga ay inuutusang magsagawa ng salah pagsapit ng
ika-pitong taong gulang at pagsapit ng ika-sampung taong gulang ay papaluin
kung hindi issagawa iyon, ang mga nasa hustong gulang ay mas lalong kailangang
magsagawa ng salah at nararapat parusahan kung hindi niya ito
isanasagawa sa kabila ng patuloy na papayo.
Ang pagtatagubilin sa isa’t isa upang itaguyod ang katotohanan at ang patitiis
alang-alang dito ay isang tunkulin batay sa sinabi ni Allah: Sumpa man sa panahon, (14)* tunay na ang tao ay
nasa kapahamakan; maliban sa mga sumasampalataya at gumagawa ng mga kabutihan
at nagtatagubilinan ng pagtataguyod sakatotohanan at nagtatagubilinan ng
pagtitiis"
.
Ang sinumang huminto sa pagsasagawa ng salah
matapos na sumapit sa wastong gulang at hindi tinanggap ang payong magsagawa ng
salah, ang kanyang kaso ay isasampa sa hukuman na Sharee’ah upang hilingin
sa kanya na magsisi sa hindi pagsagawa ng salah. At kung magsisissi siya, iyon ay mabuti para
sa kanya: at kung hindi, hahatulan siya ng kamatayan. Kaya ipinapanalangin natin kay Allah na sana
ay pabutihin Niya ang kalagayan ng mga Muslim at pagkalooban sila ng karunungan
sa relihiyon at patnubayan sila sa pakakikpagtulungan sa kabutihan at
kabanalan, pag-uutos sa kabutihan at pagbabawal sa masama, pagtatagubilin sa
isa’t isa na itaguyod ang katotohanan, at pagtitiis alang-alang dito. Tunay na siya ay bukas-palad, mapagbigay.
12. ang
ilang mga tao, dahil sa mga sakunang sanhi ng sasakyan at iba pa, ay nakaranas
ng pakaalog ng utak at pagkawala ng malay sa loob ng ilang araw; kaya kailangan
po bang isagawa ng mga iyon ang mga salah na hindi nila naisagawa kapag
nanumbalik na ang kanilang malay?
Sagot: Kung ang pagkawala ng malay ay
ngatagal lamng ng maikling panahon, halimbawa’y tatlong araw o mababa pa,
obligado silang isagawa ang mga salah na hindi nila naisagawa. Naiulat ng isang pangkat na mga sahabah
(RA) na sila ay nawalan ng malay sa loob ng panahong mababa sa tatlong araw
ngunit nang nanumbalik na ang kanilang malay ay isinagawa nila ang mga salah
na hindi nila naisagawa. Kung ang
pakawala naman ng malay ay higit sa tatlong araw, hindi na kailangang magsagawa
ng mga salah para sa mga araw na hindi nakapagsagawa ng salah. Ayon ito sa sinabi ng Propeta (SAS): “Inangat ang panulat sa tatlong tao: (15)*
ang natutulog hanggang sa magising, ang bata hanggang sa maging sapat ang
gulang, at ang baliw haggang sa bumalik ang pag-iisip.” Ito ay
alinsunod sa sinabi ng Propeta (SAS): “Hindi tanggap ang salah na walang
wudu’ at ang kawanggawa na galing sa nakaw.” Ang nawalan ng malay sa loob ng tatlong araw o higit pa ay
para na ring baliw dahil kapwa sila nawala sa sarili. Si Allah ang tagapagpatnubay.
_______________________________________________________________________________
(14)* Ang nanunumpa sa panahon ay
si Allah. Karapatan ni Allah na sumumpa
sa alin man sa Kanyang mga nilikha ngunit ang tao ay hindi pinahihitulutang
sumumpa sa iba maliban pa kay Allah.
(15)*Ibig sabihin ay hind itnatala ng mga anghel ang kanilang gawa kaya hindi sila papanagutin sa kabilang-buhay sa anumang nagawa nila.
13.
Marami sa mga may karamdaman ang nagpapabaya sa pagsasagawa ng salah
at sinasabing, “Kapag ako ay magaling na, issasagawa ko ang mga salah na
hindi ko naisagawa.” Ang iba naman sa
kanila ay nagsasabi, “Papaano akong makagpagsasagawa ng salah
samantalang hindi ako makapasagawa ng wudu’ at hindi ko malinis ang katawan
mula sa najasah.” Ano po ang inyong
maipapayo sa mga iyo?
Sagot: Ang karamdaman, hagga’t hindi pa
nawala ang katinuan, ay hindi makahahadlang sa pagsasagawa ng salah
dahil lamang sa kawalang kakayahang magsagawa ng wudu’. Sa halip tungkulin pa rin ng isang may-sakit
na magsagawa ng salah sa abot ng kanyang makakaya. Magsasagawa siya ng wudu’ sa abot ng kanyang
makakaya at kung hindi siya maaring gumamit ng tubig, magsasagawa siya ng
tayamum at saka magsagawa ng
salah. Ang najasah sa kanyang katawan at kasuutan ay
kailangang hugasan sa oras ng
salah o palitan ang kasuutan na may
najasah ng malinis na kasuutan sa oras ng
salah. Kung hindi niya kayang hugasan ang najasah o
palitan ang kasuutan na may najasah ng kasuutan na malinis, hindi na niya
kailangan gawin iyon. Magsasagawa siya
ng
salah maging ano pa man ang kalagayan
niya batay sa sinabi ni Allah:
فاتقوا الله ما استطعت
“Kaya katakutan ninyo si Allah sa
abot ng inyong makakaya.” (64:16) At ayon din sa sinabi ng Propeta
(SAS):
“Kapag may ipinag-utos ako
sa inyo, isgawa ninyo iyon sa abot ng inyong makakaya.” Ang Hadeeth na
ito ay nasa
Saheehayn. Ang sabi
pa niya (SAS) kay ‘Imran bin Husayn (RA) nang idinaing nito ang karamdaman sa
kanya:
“Isagawa mo ang sala nang nakatayo; at kung hindi mo kaya, isagawa
mo nang nakaupo; at kung hindi mo kaya, isagawa mo nang nakahigang patagilid.” Ang Hadeeth na ito ay nasa
Saheeh
Al-Bukhari. Sa iba pang Hadeeth ay ito
pa ang idinagdag:
“at kung hindi mo parin kaya, isagawa mo nang
nakatihaya.”
14. Ang
salah na sadyang hindi isinagawa ng isang tao-isang salah o higit
pa - ay kailangan pa bang isagawa kapag siya ay pinatnubayan na ni Allah na
magbalik-loob?
Sagot: Hindi kailangang isagawa ang mga salah na
hindi naisagawa kung ang mga iyon ay sadyang hindi isinagawa. Ito ang pinakatumpak na pahayag ng mga pantas
sapagkat ang isang taong sadyang hindi nagsasagawa ng salah ay lumabas
na sa loob ng Islam at pumasok sa bakuran ng mga di-sumasampalataya. Hindi
isasagawa ng isang di-sumasampalataya ang mga salah na hindi naisagawa
noong siya ay wala pang pananampalataya.
Ito ay ay batay sa sinabi ng Propeta (SAS): “Ang namamagitan sa tao at kawalang
pananampalataya at shirk (pagtatambal
kay Allah) ay ang pagtalikod sa salah.” Ang Hadeeth na ito na nasa Saheeh
Muslim ay isinalaysay ni Jabir bin ‘Abdullah (RA). Ang sabi pa niya (SAS): “Ang kasunduang namamagitan sa atin at
kanila (mga mananampalataya) ay ang salah; kaya ang sinumang tumalikod sa salah
ay nawalan na ng pananampalataya.”
Karagdagan
pa rito , hindi inatasan ng Propeta (SAS) ang mga di-Muslim na nagsipasok sa
Islam na isagawa ang mga salah na hindi nila naisagawa noong sila ay
hindi pa mga Muslim. At ganoondin ang
mga sahabah (RA), hindi nila inatasan ang mga Murtadd (tumalikod sa
Islam) nang ang mga ito ay magbalik sa Islam na isagawa ang mga salah na
hindi nila naisagawa (noong sila ay mga Murtadd pa). Ngunit kung isagawa man ng isang taong
huminto sa pagsasagawa ng salah ang mga salah na sadyang hindi
niya isinagawa, walang masama sapagkat ito ay pag-iingat at pag-iwas na
masalungat ang sinabi ng nakararaming pantas ng Islam na hindi nagiging
di-mananampalataya ang huminto sa pagsasagawa ng salah kung hindi rin
lamang niya ikinaila na ang salah ay fard. Si Allah ang tagapagpatnubay.
15. May
mga taong nagsasabi na kapag hindi nakapasagawa ng adhan sa umpisa ng
pagsapit ng oras ng salah, hindi na kailangang mgasagawa ng adhan
sapagkat ang adhan ay ang pagbibigay-alam na pagsapit ng oras ng salah. Ano po ang inyong pahayag hinggil dito? Kailangan pa po bang mgasagawa
ng
adhan ang taong nagiisa sa disyerto o ilang?
Sagot: Kapag hindi nasagawa ng adhan
ang mu’adhdhin sa simula pa lamang ng pagsapit ng oras ng salah, hindi
na niya kailangang magsagawa ng adhan kung sa lugar din naiyon ay may
mga mu’adhdhin bukod pa sa kanya sapagakat ang mga iyon na ang tumupad sa
tungkuling magkaroon ng adhan.
Subalit kung ang pagkahuli ng pagsasagawa ng adhan ay hindi naman
gaanong matagal, walang masama kung isagawa ang adhan. Kung wala ngng iba pang mua’dhdhin maliban sa
kanya, kailangan niyang magsagawa ng adhan kahit nahuli siya nang
matagal sapagkat ang adhan sa pagkakataong ito ay fard kifayah (16)*
at walang ibang magsasagawa nito kaya kailangan niyang isagawa ito dahil
tungkulin niya ito at ang mga tao ay kadalasang naghihintay lamang.
Itinatagubilin
sa musafir (manalalakbay) na magsagawa ng adhan kahit nag-iisa
lamang siya. Ito ay ayun sa Hadeeth na
sinabi ni Abu Sa’eed (RA) sa isang lalaki:
“Kapag ikaw ay kasama ng iyung mga
tupa sa ilang, lakasan mo ang iyong tinig
kapag nagsasagawa ng adhan. Walang jinn
o tao o maging ano paman na nakarinig sa narating ng tinig ng isang mu’adhdhin
na hindi sasaksi para sa kanya sa araw ng paghuhukom.”
___________________________________
(16)*Isang obligasyon ng isang komunidad ng mga
Muslim na kapag ginawa ng isa sa kanila o ilan sa kanila, silang lahat ay hindi
magkakasala at hindi pananagutin ni Allah.
Subalit kung wala ni isa man lamang sa kanila ang nagsagawa nito, silang
lahat ay magkakasala at mananagot.
16.
Kapag nakalimutan ang iqamah at nagsagawa ng salah (nang walang
iqamah), makakaapekto ba iyon sa salah na isinagaw ng isang tao o ng
isang jama`ah.
Sagot: Kapag ang salah ay
isinagawa ng isang tao o ng isang jama`ah nang walang iqamah, ang salah
ay tanggap parin ngunit ang sinumang nakagawa ng ganito ay kailangang humingi
ng tawad kay Allah. Ganoon di naman kung
sakaling nagsagawa ng salah nang walang adhan, ang salah ay
tanggap pa rin sapagkat ang adhan at ang iqamah ay ilan lamang sa mga fard
kifayah at ang dalawang ito ay hindi bahagi ng salah.
Ang
sinumang hindi nakapagsagawa ng adhan at iqamah ay kailangang humingi ng
tawad kay Allah sapagkat kapag hindi naisagawa ang mga fard kfayah ay
nagkakasala ang lahat ngunit hindi sila magkakasala kung may isa o ilan sa
kanilang nagsagaw nito. Ang adhan
at iqamah ay ilan sa mga fard kifayah.
Kapag
17.
Ipinahihintulot ba sa mga babae ang pagsasagawa ng adhan at
iqamah kung wala silang kasamang lalaki?
Sagot: Ang mga babae ay hindi
kinakailangang magsagawa ng adhan o iqamah, nananatili man sila sa
kanilang lugar o nasa paglalakbay. Ang
pagsasagawa ng adhan at iqamah ay ilan sa mga gawaing laan lamang sa mga
kalalakihan gaya ng ipinakita ng mga Hadeeth na saheeh buhat sa Propeta
(SAS).
isinagawa ang dalawang ito ng sapat na bilang
ng tao, hindi na tungkulin ng lahat na isagawa ito at hindi na magkakasala ang
lahat maging sila man ay nanatili sa kanilang lugar o nasa paglalakbay, nasa
mga nayon o mga bayan at lunsod o mga ilang.
Hinihiling
natin kay Allah na ipagkaloob sa lahat ng mga Muslim ang lahat ng patnubay na
ikanalulugod Niya.
18.
Maraming mga kapatid sa Islam ang maysadong istrikto pagdating sa
paggamit ng sutrah (17)* anupa’t naghihintay silang magkaroon ng sutrah
kapag sila ay nasa loob ng Masjid at walang makitang bakanteng halige o ding
ding o anumang magagamit na sutrah. Pinupuna nila ang nagsasagawa ng salah na walang sutrah.
Ang iba naman ay hindi binibigyang halaga ang sutrah. Ano po ba ang tama rito? Ang guhit po ba ay maaring ipamalit sa sutrah
kapag wala ito? At mayroon po ba naman
itong batayan?
Sagot: Ang pagsasagawa ng salah na nakaharap sa sutray
isang sunnah mu’akkhadah (gawaing binigyan ng lubos na pagpapahalaga ng
Propeta (SAS) at hindi fard. Kaya
kung hind man nakakita ng anumang nakatay o nakaharang, maari na ang
guhit. Ang patunay sa binanggit natin ay
ang sinabi ng Sugo (SAS): “Kapag nagsagawa ng salah ang sinuman sa inyo,
magsagawa siya ng salah ng nakaharap sa sutrah.” Ang sabi pa ng Propeta (SAS): “Kapag
nagsagawa ng salah ang sinuman sa inyo, maglagay siya sa kanyang harapan ng
anumang bagay. Kung wala siyang makita,
magtusok siya ng isang patpat (sa kanyang harap).* Ngunit kung
wala siyang makitang patpat, gumuhit siya ng isang guhit (sa kanyang harap) at
kapag ginawa niya iyon hindi maapektuhan ang kanyang salah ng nagdaraan sa
kanyang harapan.” Napatunayan din sa ibang mga Hadeeth na may mga pagkakataong
nagsagawa ng salah ang Sugo (SAS) nang walang sutrah; kay ito ay
nagpapahiwatig na ang sutrah ay hindi fard. Sa Al-Masjid Al-Jaram, ay hindi nanganailangang maglagay ng sutrah ng
nagsasagawa ng salah doon. Ito ay
batay
no po sa napatunayang ginagawa noon ni Ibnu Zubayr
(RA). Siya noon ay nagsasagawa ng salah
sa Al-Masjid Al-Haram nang walang sutrah samantalang ang mga nagssagawa
ng tawaf ay nasa harapan niya.
Karagdagan pa rito, ang Al-Masjid Al-Haram ay isang lugar na tagagang
inaasahang magkakaroon ng siksikan samaraming pagkakataon at hindi magagawang
hadlangang ang mga nagsisidaan sa harap; kaya inalis na ang pagiging
kanais-nais ng paglalagay ng sutrah na ating nabanggit. Sa Al-Masjid
An-Nabawi sa Madinah at sa iba pang lugar na pinagsasagawaan ng salah, sa mga sandaling matindi ang
siksikan, ay hindi na kailangan ang sutrah. Ito ay bilang pagsunod sa sinabi ni
Allah: “kaya katakutan ninyo si
Allah sa abot ng inyong makakaya.” (64:16) Ang sabi naman ng sugo
(SAS): “Kapag may ipnag-utos sa inyo, gawin ninyo ito sa abot ng inyong
makakaya.” Si Allah ang
tagapagpatnubay.
sinabi ng Propeta (SAS): “Kung nalalaman
lamang ng nagdaraan sa harap ng nagsasagawa ng salah ang pananagutan niya, mas
pipiliin pa niyang maghintay ng apatnapung (araw o buwan)* kaysa sa dumaan sa
harapan ng nagsasagawa ng salah.”
19.
Nakikita naming inilalagay ng maraming tao ang kamay sa ilalim ng
pusod. Ang iba naman ay inilalagay ang
kamay sa dibdib at mariin nilang tinutuligsa ang kamay sa dibdib sa tabi ng
leeg. May iba namang nakalawit ang
kamay. Kung gayon, ano po ang tama sa
mga ito? Patnubayan kayo ni Allah.
Sagot: Ipinakikita ng Hadeeth na saheeh na ang pinakamainaman
para sa nagsasagawa ng salah habang nakatayo ay ipatong ang kanyang
kanang palad sa kaliwang kamay na nakapatong naman sa kanyang dibdib, bago at
pagkatapos yumukod. Pinagtibay ito ng ipinahihiwatig ng Hadeeth na isinalaysay
ni Wa’il bin Hujr at Qabeesah bin Halab
At-Taee ayon sa kanyang ama -- kalugdan sila ni Allah -- at pinagtibay rin iyon
ng ipinahihiwatig ng Hadeeth na isinalaysay ni Sahl bin Sa’d As-Sa’dee
(RA). Tungkol naman sa paglalagay ng kamay sa ilalim ng pusod, ito ay
nasasaad sa isang Hadeeth na da`eef (mahina anupa’t hindi mapaniniwalaan o mapagbabatayan) na diumano’y isinalaysay
ni ‘Ali bin Abee Talib (RA). Tungkol
naman sa paglawit ng kamay o paglalgay sa digdib sa tabi ng leeg, ito ay salaungat
sa sunnah. Si Allah ang
tagapatnubay.
20.
Maraming mga kapatid sa Islam ang nagpapahalaga sa pag-upo nakung
tawagin ay jalsatu istirahah (18)* at pinupuna ang hind umuupo nang ganito. Ano po ang hatol dito? At kanais-nais poi ba
ang ganitong pag-upo para sa imam (namaumuno sa salah) at ma’moon
(taong pinangungunahan ng imam sa salah) kung papanong ito ay
kanais-nais para sa munfarid (mag-isang nagsasagawa ng salah).
Sagot: Ang Jalsatul istirahah ay kanais-nais para sa imam,
ma’mmom, at munfarid. Ang pag-upong
ito ay katulad ng pag-upo sa pagitan ng dalawang papapatirapa.
Ito ay daglian at walang
dhikr o dua’a’ na binibigkas dito. At ang sinumang hindi naupo ng ganito ay hindi nagkakasala. Ang mga Hadeeth hinggil sa pag-upong ito ay
napatunayang buhat sa Propeta (SAS). Ang
ilan sa mga Hadeeth na ito ay isinalaysay nina Malik bin Al-Huwarith at Abu
Hameed As-Sa’idee at ng isang pangkat ng mga
sahabah (RA). Ai Allah ang pumapatnubay.
_________________________
(18)*Ito ang dagliang pag-upo
pagkatapos ng ikalawang pag-papatirapa sa unang rak`ah at ikatlong rak`ah
ng mga salah na binbuo ng apat na ra’ah at pagkatapos ng ikalawang
papapatirapa ng unang rak`ah ng salah na binubuo ng tatlo o
dalawang rak`ah.
21.
Papaanong isasagawa ng isang Muslim ang salah sa loob ng eroplano? At mas mabuti ba para sa kanya na isagawa ang
salah sa umpisa ng oras nito habang nasa eroplano o maghintay na
makarating sa paliparan at magsagawa doon ng salah sa katapusan ng oras
nito?
Sagot: Ang isang Muslim na nakalulan sa eroplano ay
kailangang magsagawa ng salah doon sa abot ng kanyang makakaya kapag
dumating na ang oras nito. Kung magagawa
niyang magsagawa ng salah na may kasamang patayo (qiyam),
pagyukod (ruku`), at pagpapatirapa (sujud), gagawin niya ang mga
ito. Kung hindi magagawa ang mga iyon,
isassagawa ang salah ng nakaupo.
Ang pagyukod (ruku`) at ang papapatirapa (sujud) ay
ipahihiwatig (sa pamamagitan ng pagyuko ng ulo at pagyukod ng katawan). Kung makakita siya ng isang lugar sa eroplano
na maari tumayo at magpatirapa sa sahig sa halip na ipapahiwatig ang mga kilos
na ito, kailangan magsagawa ng salah sa lugar na iyon. Ito ay batay sa sinabi ni Allah: “Kaya katakutan ninyo si Allah sa abot
ng inyong makakaya.” (64:16) at batay din sa sinabi ng Propeta (SAS)
kay ‘Imran bin Husayn (RA) ng ito ay may sakit: “Isagawa mo ang salah nang
patayo; kung hindi mo kaya, isagawa mo nang paupo; kung hindi mo kaya, isagawa
mo nang pahigang nakatagilid.” Ito
ang salaysay sa Saheeh Al-Bukhari ngunit ang salaysay na Nasa’ee ay may
dagdag na: “kung hind mo parin kaya, isagawa mo nang patihaya.”
Ang mabuti para sa kanya ay ang isagawa ang salah sa simula pa
lamang ng oras nito. Ngunit kung ipahuli
man niya ang pagsasagawa ng salah at isagawa ito kapag malapit ng
magtapos ang oras nito upang ito ay isagawa sa labas ng eroplano, walang masama
ayon sa lahat ng mga patunay. Ang
patakaran para sa nakasakay sa kotse, tren, at barko ay ang mismong patakaran
para sa nakasay sa eroplano. Si Allah
ang tagapagpatnubay.
22. Maraming mga tao ang gumagawa ng maraming
mga walang kabuluhang kilos at kalikutan habang nagsasagawa ng salah: mayroon
po bang itinakdang bilang ng galaw na makapagpapawalang-saysay sa salah? At ang pagtatakda sa
tatlong magkasunod na galaw (na walang
kaugnayan sa salah
na diumanoy’y nakakapagpawalang-saysay sa salah)
ay may batayan po ba? Ano po ang inyong maipapayo sa taong sobrang
likot sa salah?
Sagot: Ang mananampalataya, lalaki man o babae, ay
kailangang maging panatag sa pagsasagawa ng salah at iwasan ang mga walang kabuluhang kilos
sapagkat ang kapanatagan ay bahagi ng
salah. Nasasaad sa Hadeeth na nasa
Saheehayn
na inutusan ng Propeta (SAS) ang isang taong hindi panatag ang pagsasagawa ng
salah
na ulitin ang
salah.
Itinatagubilin sa bawat Muslim, lalaki man o babae, na isagawa ang
salah
nang maykataimtiman, sigasig, at konsentrasyon sa harap ni Allah sapagkat ang
sabi Niya:
“Tunay na matagumpay ang mga mananampalataya na sa kanilang
pagsasagawa ng salah ay mataimtim na nagpapapakumbaba.” (23:12) Hindi
rin maganda na kung anu-ano ang gagawin sa damit o sa balbas o maging ano pa
man iyon. At sa aking pagkakaalam ayon
sa sharee’ah, ipinagbabawal ang marami at sunod-sunod na mga walang kabuluhang
kilos at galaw at ang
salah ay nawawalan din ng saysay.
Walang
takdang bilang (ang mga walang kabuluhang galaw na nagpapawalang-saysay sa salah)
at ang sinasabing pagtatakda sa tatlong galaw ay maling pahayag at walang
batayan. Ang maaasahang pahayag sa kung
ano ang maraming walang kabuluhang galaw ay ang paniniwala ng nagsasagawa ng salah. Kapag naniwala siya na siya ay nakagawa ng
maraming walang kabuluhang galaw at nagkasunod-sunod pa iyon, kailangang ulitin
niya ang salah kung ito ay fard at kailangang pagsisihan niya
iyon. Ang aking payo sa bawat lalaki at
babaeng Muslim ay maging maselan sa pagsasagawa ng salah, mataimtim, at
huwag gumawa ng mga walanng kabuluhang galaw kahit kaunti lamang dahil
napakadakila ng kalagayan ng salah sapagkat ito ang pangunahing haligi
ng Islam, pinakadilang saligan ng Islam matapos ang shahadatan, at ang unang
gawa na pananagutan ng tao sa araw ng paghuhukom.
Patnubayn nawa ni Allah ang mga
Muslim sa pagsasagawa nila ng salah sa paraang iknalulugod Niya.
23. Ano
po ba ang lalong mainam kapag magpapatrapa, ilapag muna ang tuhod bago ang mga
kamay o ang kabaligtaran? Papaano
pagtutugmain ang dalawang Hadeeth hinggil dito na magkasalungat?
Sagot: Ang sunnah para sa
nagsasagawa ng salah, kapag nais niyang magpatirapa, ay ilapag niya muna
ang mga tuhod bago ang mga kamay kung kaya niya ito. Ito ang pinakatumpak na
pahayag ng nakararaming mga pantas batay sa Hadeeth na isinalaysay ni Wa’il bin
Hujr (RA) at iba pang mga hadeeth na ganito rin ang kahulugan. Tungkol naman sa Hadeeth na isinalaysay ni
Abu Hurrayrah (RA), ang totoo niyan ay hindi nito sinasalungat (ang Hadeeth na
isinalaysay ni Wa’il) sa halip ay tumutugma pa ito roon sapagkat sa Hadeeth na
ito ay ipinagbabawal ng Propeta (SAS) sa
nasasagawa ng salah na lumuhod na gaya ng pagluhod ng kamelyo. At ang sinabi sa katapusan ng Hadeeth na ito.
“At ilapag niya muna ang kanyang
mga kamay bago ang kanayng mga tuhod” ay malamang na isang pagkakamali
ng mananalaysay. Ang tama ay: “Ilapag niya muna ang mga tuhod bago ang mga
kamay.” Sa ganito ay napagtutugma ang
mga Hadeeth at ang huling bahagi ng Hadeeth na nabanggit ay tumutugma na sa
simula ng Hadeeth at naalis na ang pakakasalungatan. Ganito rin ang pakahulugang ibingay ni Ibnul
Qayyim -- kahabagan siya ni Allah -- sa kanyang akalat na pinamagatang Zadul
Ma`ad.
Ang hindi naman kayang unahin ang mga tuhod
sanhi ng kahinaan o katandaan ay hindi masisisi sa pag-una ng kanyang mga kamay
ayon sa sinabi ni Allah: “Kaya katakutan ninyo si Allah sa abot ng
inyong makakaya.” At ayon sa sinabi ng Propeta (SAS): “Ang ipinagbawal ko sa inyo ay iwasan ninyo
at ang ipinag-utos ko sa inyo ay gawin sa abot ng inyong mgkakay.” Si Allah ang tagapagpatnubay.
24. Ano
po ang opinyon ninyo sa pag-ehem habang nagsasagawa ng salah, pag-ihip,
at pag-iyak; nakakapapawalang -- saysay po ba ang mga ito sa salah?
Sagot: Ang pag-ehem, pag-ihip, at pa-iyak -- ang lahat nang ito ay hindi nakakapagpawalang
-- bisa sa salah at walang masama kung talagang tinatawag ng
pangngilangan. Makrooh lamang
gawin ang mga ito kundi kailangan sapagkat ang Propeta (SAS) ay umeehem kay
‘Ali (RA) kapag siya ay humihingi ng pahintulot dito habang siya ay nagsasagawa
ng salah. Ang pag-iyak na ito ay buhat sa pagpapakumababa, debosyon kay Allah, at walang halong
pagkukunwari. Naiulat na ang Propeta
(SAS) ay umiiyak sa salah. Ganito
rin ang naiulat tungkol kina Abu Bakr, ‘Umar, mga sahaba, at mga tagasunod nila
– kalugdan silang lahat ni Allah.
25. Ano
po ang hatol sa pakikipagkamay pagkatapos ng salah? At mayroon po bang pagkakaiba ang pakikipagkamay
pagkatapos ng salah na fard sa pakikipagkamay pagkataos ng salah
na sunah?
Sagot: Ang pakikipagkamay kapag nagkikita ang mga
Muslim ay itinatagubilin. Ang Propeta
(SAS) ay nakikipagkamay sa kanyang mga sahabah (RA) kapag nakatagpo niya
sila. At ang mga sahabah rin ay
nagkakamayan kapag nakikita. Ang sabi
nina Anas (RA) at Ash-Sha’bi -- kahabagan sila ni Allah: “Kapag nagkikita ang mga sahabah, sila
ay nagkakamayan; at kapag sila ay dumating buhat sa isang paglalakbay, sila ay
nagyayakapan.” Nasasaad sa Hadeeth na
nasa Saheehayn na si Talhah bin “Ubaydullah na isa sa sampung tao na
tiniyak na papasok sa paraiso -- kahabagan sila ni Allah -- ay tumayo sa pagtitipon ng Propeta sa Masjid nito
ay lumapit kay Ka’b bin Malik (RA) nang ito ay gawaran ni Allah ng
kapatawaran upang makipagkamay rito at
batiin ito sa kapatawarang natamo
nito. Ang gawaing ito ay laganap noong
kapanahunan ng Propeta (SAS) at noong
wala na siya. Nasasaad sa Hadeeth na
kanyang sinabi na: “Kapag ang
dalawang Muslim ay nagkita at saka nagkamayan, malalagas sa kanila ang kanilang
kasalanan tulad ng pagkalagas sa kahoy ng dahon nito.”
Isang
kanais-nais na bagay ang pakikipagkamay kapag nagkita sa Masjid o sa
klase, Kapag hindi nakipagkamay bago
magsagawa ng salah, makipagkamay pagkatapos nito nang sa gayon ay maisagawa
ang dakilang sunnah na ito sapagkat ito ay nagpapatibay sa pagmamahalan
at nag-aalis ng sama ng loob. Kung hindi kinamayan ng isang Muslim ang
kanyang kapwa bago magsagawa ng salah na fard, makabubuting
kamayan niya ito pagkatapos ng salah matapos bigkasin ang dhikr. Tungkol naman sa ginagawa ng ibang mga tao na
nakikipagkamayan kaagad matapos na isagawa ang ikalawang tasleem ng salah na fard, wala akong nalalaman na itoy
may batayan. Datapuwa’t malinaw na ito ay
hindi maganda dahil walang batayan ang ganito at sa dahilang ang nagsasagawa ng
salah, sa pagkakataong ito, ay dapat na bumigkas ng mga dhikr na siyang ginagawa noon
ng Propeta (SAS) pagkatapos magsabi ng tasleem sa salah na fard. Tungkol naman sa salah na sunah, mabuting
makipagkamayan pagkatapos magsabi ng tasleem kung hindi nagkamayan bago
magsagawa ng salah. Subhalit kung
nagkamayan na bago magsagawa ng salah, sapat na iyon.
26.
Mayroon bang Hadeeth na nagpapatunay na kanais-nais ang pagpalit ng
lugar kapag magsasagawa ng salah na sunnah pagkatapos magsagawa
ng isang salah?
Sagot: Walang Hadeeth na saheeh,
sa aking pagkakaalam, hinggil dito.
Subalit si Ibnu ‘Umar (RA) at ang maraming salaf (19)* ay ginagawa ito. May isang Hadeeth na da`eef hinggil
dito na iniulat ni Abu Dawud -- kahabagan siya ni Allah. Ang ginagawa ni Ibnu Umar at ng salaf ay
maaring kumatig sa Hadeeth na de’eef na ito.
Si Allah ang tagapagpatnubay.
__________________________________
(19)*Sila ang mga taong nagunguna sa sambayanang
Muslim na kinabibilangan ng mga sahabah ng Propeta (SAS), mga tagasunod
ng mga ito, at ang mga imam ng Islam sa unang tatlong siglo ng
Islam. Ang katawagang ito ay itinaguri
rin sa sinumang ginagawang huwaran ang salaf.
27. May
Hadeeth na naghihikayat na sabihin ang dhikr na: laa ilaaha illalaah, wahdahu laa shareeka
lah, lahul mulku wa lahul hamd, wa huwa ‘alaa kulli shay’in qadeer nang
sampung beses pagkatapos ng salah sa fajr at maghrib; saheeh
po ba ang Hadeeth na ito?
Sagot: Ang mga Hadeeth tungkol dito sa
sahheh at buhat sa Propeta (SAS). Ang
lahat ng ito ay nagpapatunay na sunnah ang dhikr na nabaggit
pakatapos ng salah sa fajr at maghrib. Binibigkas ang: laa ilaaha illaahah, wahdahu laa
shareeka lah, lahul mulku wa lahul hamd, wa huwa ‘alaa kulli shay’in qadeer
nang sampung beses. Sunah para sa bawat
mananampalataya, lalaki man o babae, na palagi
itong bigkasin pagkatapos ng salah sa fajr at
maghrib. Bibigkasin ito pagkatapos ng
mga dhikr na sunnah rin matapos magsabi ng tasleem sa
lahat ng limang salah na fard.
Pagkatapos magsabi ng tasleem ay sasabihin ang mga dhikr na
ito.
Astaghfirulaah (3x)
Patawarin mo po ako Allah.
allahuma antas salam wa minkas salaam,
tabaarakta yaa dhal jalaali wal ikram
O Allah, ikaw po ang Walang
kapintasan at sa Iyo po nagmumula ang kapayapaan, Ikaw po ay pakabanalin, Ikaw na karapat-dapat
sa pagpipitagan at pagpaparangal
laa ilaaha illaallah, wahdahu laa shareeka
lah, lahul mulku wa lahul hamd, wa huwa ‘alaa kulli shay’in qadeer
Walang
ibang diyos maliban pa kay Allah, tanging Siya lamang, wala Siyang
katambal. Sa Kanya lamang ang paghahari
at sa Kanya lamang nauukol ang pagpupuri.
At Siya ay may kapangyarihan sa lahat ng bagay.
laa hawla wa laa qoowata illaa billaah
Walang
lakas at walang kapangyarihan kundi sa pamamagitan ni Allah.
laa ilaaha illallaah, wa laa na’budu illaa
iyyaah, lahun ni’matu wa lahul fadlu wa lahuth thanaa ulhasan, laa ilaaha
illallaah,
Walang ibang diyos maliban pa kay
Allah, at wala tayong iba pang sinasamba kundi Siya lamang. Angkin niya ang pagpapala at angkin din Niya
ang biyaya at sa Kanya lamang nauukol ang mainam na papuri. Walang ibang diyos maliban kay Allah,
manalangin kayo nang tapat sa Kanya, sa Kanya lamang ang pagtalima, kasuklaman
man ito ng mga hindi sumasamplataya.
Allaahumma laa maani’a lima a’tayta, wa laa
mu’tiya lima mana’ta, wa laa yanfa’u dhal jaddi minkal jadd
O
Allah, wala po makakapigil sa Iyong pagkakalooban at wala pong makapagbibigay
kapag pinigilan Mo. At hindi po Makapagbibigay ng kapakinabangan sa taong may
mgandang kapalaran ang mgandang kapalaran sapagkat sa Iyo po ito nagmumula.
(Pagkatapos
ng mga dhikr na nabanggit sa itaas ay bigkasin ang dhikr na ito
nang sampung beses pagkatapos ng salah sa fajr at maghrib at
isang beses naman pagkatapos ng salah sa dhuhr, ‘asr, at ‘`isha’)
Para
sa imam sa salah, sunnah na humarap sa mga ma’moom
pagkatapos sabihin ang astaghfirullaah nang tatlong beses at ang allaahumma
antas salaamu wa minkas salaam, tabarakata yaa dhal jalaali wal ikram
bilang pagtulad sa Propeta (SAS).
laa
ilaaha illallaah, wahdahu laa shareeka lah, lahul mulku walahul hamd, wa
huwa ‘alaa kulli shay \’in qadeer.
Walang ibang diyos maliban pa kay Allah, tanging
Siya lamang, wala Siyang katambal. Sa
Kanya lamang ang paghahari at sa Kanya lamang nauukol ang pagpupuri.
Siya ay may kapangyarihan sa lahat ng bagay.
Kanais-nais
din para sa nagsasagawa ng salah, pagkatapos ng bawat salah na fard
at pagkatapos ng dhikr na nabanggit, na sabihin ang mga sumusunod:
Subhaanallaah (3X)
Kaluwalhatian kay Allah.
Alhamdul lillah (3X)
Ang papuri ay nauukol kay Allah.
Allahu akbar (3X)
Si Allah ay Dakila
Ang lahat ng ito ay siymnapu’t siyam. Upang maging isandaan lahat ay sasabihin niya
ang sumusunod sapagkat naiulat buhat sa Propeta (SAS) na hinhiling niyang
bigkasin ito at nasasaad din na ito ay isa sa mga dahilan ng kapatawaran:
laa ilaaha illallaah, wahdahu laa shareeka
lah, lahul mulku wa lahul hamd, wa huwa ‘alaa kulli shay’in qadeer.
Pagkatapos ng lahat ng mga dhikr na
nabanggit ay sunnah din para sa mga nagsasagawa ng salah
pagkatapos ng bawat salah na fard na bigkasin ang ayatul kursee,
suratul ikhlas, suratul falaq, at suratul nas.
Sunnah bigkasin nang tigtatatlong beses ang tatlong surah na
nabanggit (iklas, falaq, at nas) pagkatapos ng salah sa maghrib at fajr
at bago matulog dahil nabanggit ito sa mga Hadeeth na saheeh.
28. Ang
maraming mga Muslim sa ngayon ay pabaya sa pagsasagawa ng salah sa jama`ah
at pati na ang ilang mga magaaral ng Islam.
Ang idinadahilan nila ay may ilang mga pantas ng Islam na diumano ay
nagsabing hindi raw ito fard.
Kaya ano po ang hatol hinggil sa salah sa jama`ah at ano
po ang inyong maipapayo sa mga iyon?
Sagot: Ayon pinakatumpak na pahayag ng mga pantas, ang salah
sa jama`ah kasama ng iba pang mga Muslim sa mga Masjid ay hindi
mapasusubaliang tungkulin ng bawat lalaking may kakayahan at naririnig ang adhan. Ito ay ayon sa sinabi ng Propeta (SAS): “ang sinumang makarinig ng panawagan ng
salah ngunit hindi dumalo, wala siyang salah maliban na lamang kung may
magandang dahilan.” Tinanong
si Ibnu ‘Abbas (RA) kung ano ang magandang dahilan, kaya ang sabi niya: “Takot o karamdaman.” Sa isa pang Hadeeth tungkol sa Propeta (SAS)
ay isinalaysay ni Abu Hurayrah (RA) na pinuntahan ang Propeta (SAS) ng isang
lalaking bulag at ang sabi: “O Sugo ni
Allah, wala po akong gabay na papatnubay sa akin sa pagpunta sa Masjid: Kaya
mayroon po ba akong kapahintulutan na isagawa ang salah sa aking
bahay?” Ang sabi ng Propeta (SAS): “Naririnig mo ba ang panawagan ng salah?”
“Opo” sabi niya. “Kung
gayon ay tugunin mo (ang panawagan),” (20)*sabi naman niya (SAS). Sa isa pang sinabi ng Propeta (SAS): “Napag-isipan kong mag-utos na simulan ang
pagsasagawa ng salah at saka uutusan ko ang isang lalaki na mamuno sa salah at
akoy aalis, kasama ng ilang kalalakihan na may dalang mga bigkis ng panggatong
, papunta sa mga taong hindi dumadalo sa salah upang aking sunugin ang kanilang
mga bahay.” Ang kahulugan ng
lahat ng mga Hadeeth na ito ay nagpapatunay na ang salah sa jama`ah sa
mga Nashud at fard para sa mga kalalakihan at ang sinumang hindi dumalo
ay karapat-dapat sa parusa. At kung
sakaling ang sala sa jama`ah sa mga Masjid ay hindi fard, hindi
sana naging karapat-dapat sa parusa ang hindi dumadalo sa jama`ah.. Dahil sa itong pagsasagawa ng salah sa
mga Masjid ay isa sa dakilang gawaing panlabas sa Islam, isa sa mga dahilan ng
pagkakila-kilala ng mga Muslim, pinagmumulan ng pag-ibig at pagmamahalan,
nag-aalis ng sama ng loob, at sapagkat ang hindi pagdalo sa salah sa jama`ah
ay paggaya sa mga taong nagpapangap na Muslim; kailangang mag-ingat na hindi
makadalo sa salah sa jama`ah.
Hindi nararapat na bigyang lahat ng salitang sumasalungat sa mga patunay
ng Sharee’ah ay kailangang iwaksi at hindi gagawing batayan, Ito ay ayon sa sinabi ni Allah:
فإن تنازعتم في شيء فردوه إلى الله والرسول إن كنتم تؤمنون بالله واليوم الآخر ذلك خير وأحسن تأويلا
“Kapay may isang bagay kayong pinagtalunan,
isangguni ninyo ito kay Allah at sa Sugo kung talagang naniniwala kayo kay
Allah at sa kabilang buhay.
Iyan ang mainam at pinakaangkop na huling pasya.” (4:59) Ang sabi pa Niya:
وما اختلفتم فيه من شيء فحكمه إلى الله
“Ang anumang bagay na hindi ninyo
mapagkasunduan, ang hatol nito ay kay Allah.” (42:10) Sa isang Hadeeth na nasa Saheehayn,
ang sabi ni Abdullah bin Mas’ood (RA):
“Nasaksihan namin na walang nagpapghuli sa pagdalo sa salah sa jama`ah
kundi ang nagpapanggap na Muslim o ang may-karamdaman. At kahit na ang nanghihina ay dinadala sa
Masjid. Inaalalayan ng dalawang lalaki
hangang sa mailagay sa hanay ng salah.”
Walang duda na ito ay nagpapatunay sa pagpapahalaga ng mga sahabah
(RA) sa salah sa jama`ah sa Masjid at sa marubdob nilang hangarin
na makadalo rito anupa’t kung magkaminsan ay may hinahatid silang lalaking
may-karamdaman na inaalalayan ng dalawang lalaki hanggang sa mailagay sa hanay
ng salah. Iyon ay nagpapakita
lamang kung gaano karubdob ang kanilang hangad na makadalo sa salah sa jama`ah
-- kahabagan silang lahat ni Allah. Si
Allah ang tagapagpatnubay.
______________________________________
(20)*Isagawa mo ang salah sa
Masjid.
29. Nagkakaiba ang mga pananaw ng mga pantas hinggil sa pagbigkas ng ma’moon ng suratul fatihah sa likod ng imam, ano po ang tama
rito? Ang ma’moom po ba ay kailangan bumigkas
ng suratul fatihah? At kailan po
ba niya maaring bigkasin ang suratul fatihah kung ang imam ay
hindi tumitigil sa pagbigkas? Sunnah
po ba para sa imam ang tumahimik nang ilang sandali matapos na bigkasin
ang suratul fatihah nang sa gayon ay mabigkas naman ito ng ma’moom?
Sagot: Ang wasto ay kailangang bigkasin
ng ma’moom ang suratul fatihah sa lahat ng limang fard na salah
ayon sa sinabi ng Propeta (SAS): “Walang
salah ang hindi bumibigkas ng suratul fatihah.” Ang sabi pa niya (SAS) sa kanyang sahabah (RA): “Sana ay bumibigkas kayo sa likod ng
inyong imam.” Ang sabi naman
nila: “Opo” Ang sabi naman niya (SAS): “Huwag kayong bumigkas ng iba pa maliban sa
suratul fatihah; sapagkat walang salah ang hindi bumigkas ng suratul fatihah.”
Ang
pagbigkas ng suratul fatihah ay sunnah habang nanahimik ang imam. Kung hindi tumitigil sa pagbigkas ang imam,
bibigkasin ng ma’moom ang suratul fatihah kahit na bumibigkas din
ang imam. At itong pagbigkas ng
suratul fatihah kahit na bumibigkas din ang imam ay hindi saklaw
ng mga patunay na nagpapatunay na kailangang tumahimik kapag nagbabasa ang imam. Subalit kung sakaling nakalimutan ng ma’moom
na bigkasin ang suratul fatiha o hindi ginawa dahil di-alam na ito ay kailangan
o dahil sa paniniwalang hindi ito fard, wala siyang pagkakamali at sapat
na para sa kanya ang pagbigkas ng imam ayon sa pahayag ng nakararaming
mga pantas. Ganoon din naman kung
dumating siya habang ang imam ay nakayukod, yuyukod din siyang kasama
nito at sapat na sa kanya ang pagyukod na ito.
Hindi na rin niya kailangang bigkasin ang suratul fatihah dahil
hindi niya ito naabutan. Sa isang
Hadeeth na isinalysay ni Abu Bakrah ath Thaqafi (RA), sinabi rito na siya ay
pumunta sa Propeta habang ito nakayukod kaya yumokod narin siya nang wala sa
hanay at saka lamang pumasok sa hanay pagkatapos yumukod. Pgakatapos ng Propeta (SAS) na magsabi ng tasleem,
siya ay sinabihan nito (SAS): “Naway
pag-ibayuhin ni Allah ang marubdob mong hangaring gumawa ng mabuti. Ngunit huwag mo nang ulitin.” Ang Hadeeth na ito ay nasa Saheeh
Al-Bukhari. Hindi siya inutusan ng Propeta (SAS) na ulitin ang rak`ah
( na naabutan niya ng yumukod nang wala sa hanay). Ang ibig sabihin ng sinabi ng Propeta (SAS)
na: “Huwag mo nang ulitin”
ay huwag mo nang ulitin ang pagyukod nang wala sa hanay Dahil dito ay nalaman
na ang sunnah para sa isang pumasok sa Masjid, habang ang imam ay
nakayukod, ay huwag yumukod sa likod ng hanay.
Sa halip, kailangan maghintay hanggang sa makarating sa hanay kahit na
hindi niya mahabol ang pagyukod. Ito ay
ayon sa sinabi na Propeta (SAS): “Kapag
kayo ay pupunta sa salah, maglakad ng mahinahon. Ang anumang maabutan ninyo sa salah ay
isagawa ninyo at kumpletuhin ninyo ang natitirang hindi ninyo nagawa.”
Tungkol
naman sa Hadeeth na nagsasabing : “Ang
sinumang may imam, ang pagbigkas nito ay pagbigkas niya rin.” ,ito ay isang Hadeeth na da`eef –
hindi ginagamit na patunay ng mga pantas.
At kahit maging saheeh man ang Hadeeth na ito, ang suratul fatihah
ay sasaklawan nito nang sa gayon ay tumutugma ito sa iba pang mga Hadeeth.
Tungkol naman sa pananahimik pagkatapos ng
suratul fatiha, wala akong alam na Hadeeth na saheeh tungkol dito. Sa puntong ito ay maluwag kung nanaisin ni
Allah. Kaya kung sinuman ang hihinto at
mananahimik na ilang sandali pagkatapos ng suratul fatiha, walang masama; at
kung sino mana ang ayaw gawin ito, wala ring masama sapagkat hindi napatunayang
ito ay ginawa ng Propeta (SAS), ayon sa aking pagkakaalam. Ang napatunayang ginawa ng Propeta (SAS) ay
ang dalawang pananahimik: ang una ay
pagkatapos ng takbeeratul ihram (21)* at habang nanahimik ay sunnah na
bigkasin nang tahimik ang istifah; (22)** at ang ikalawa ay pagkatapos bumigkas ng
talata sa Qur’an at bago yumukod. Ang
ikalawang pananahimik ay dagliang pananahimik na naghihiwalay sa pagbigkas ng
talata sa Qur’an at sa takbeer.
_____________________________________________________
(21)*Ito ang kaun-unahang pagsabi ng allaahu akbar sa salah.
(22)**ang du`a’ na: Subhaanakal laahumma wa bihamdika wa tabarakasmukha wa ta’aalaa jadduka wa laa ilaaha ghayruk.
30.
Nasasad sa Hadeeth na pinagbabawalang lumapit sa Masjid ang sinumang
kumain ng sibuyas o bawang.(23)*** Saklaw rin ba ng pagbabawal na ito ang may
masamang amoy pagbabawal na ito ay ang may masamang amoy
buhat sa isang bagay na ipinagbabawal gaya ng sigarilyo? At nangangahulugan
bang ang sinumang gumamit ng mga bagay na ito ay may dahilang hindi dumalo sa salah
sa jama`ah at hindi magkakasala sa di-pagdalo?
Sagot: Napatunayang sinabi ng Sugo (SAS) na: “Ang
sinumang kumain ng bawang o sibuyas ay huwag lalapit sa ating Masjid at sa
bahay na lamang siya magsagawa ng salah.” Napatunayan din na sinabi niya (SAS) na: “Ang mga Angel ay
nayayamot din nakakayamot na mga tao.”
At ang lahat ng may masamang amoy ay itinuturing na parang kumain ng
bawang o sibuyas gaya halimbawa ng paninigarilyo, may amoy sa kilikili at iba
pang nakakapinsala sa kanyang katabi. Makrooh
para sa kanya na magsagawa ng salah kasama ng jama`ah. Iyon ay ipinagbabawal hanggang sa hindi siya
gumagamit ng pang-alis sa amoy ng ito.
Kailangan gawin niya iyon sa abot ng kanyang makakaya ng sa gayon ay maisagawa niya ang kanyang tungkulin kay Allah
na magsagawa ng salah sa jama`ah.
Ang paninigarilyo ay ipinagbabawal at kailangan iwaksi ito sa lahat ng
oras yaman din lamang na ito ay may maraming masamang naidudulot sa relihiyon,
sa katawan, at sa pera.
Nawa’y
pabutihin ni Allah ang kalagayan ng mga Muslim at patnubayan sila sa lahat ng
mabuti.
________________________________
(23)***Dahil ang taong kumain nito ay nangangamoy.
31. Sisimulan
po ba ang hanay ng salah sa kanan ng imam o sa likuran niya
mismo? Sunnah po bang
magkasindami ang bilang sa kanan at kaliwa?
Anupa’t sinasabing pagpantayin ang haba ng hanay (sa kanan at kaliwa)
gaya ng sinasabi ng maraming imam.
Sagot: Ang hanay ay sisimulan sa gitna buhat sa likod
ng imam. Ang kanan ng bawat hanay
ay mas mainam kaysa kaliwa nito.
Kailangan huwag magsimulang gumawa ng isa pang hanay hangang hindi pa
kumpleto ang naunang hanay. Walang
masama kung mas marami ang mga tao sa kanan ng hanay. At hindi kailangan pagpantayin ang bilang (ng
kanan at kaliwang bahagi ng hanay), datapwat ang
pag-uutos ng ganito ay salungat sa sunnah. Subalit hindi gagawa ng ikalawang hanay
hangga’t hindi nabubuo ang unang hanay at hindi gagawa ng ikatlong hanay
hangang hindi nabubuo ang ikalawang hanay at ganoon din sa nalalabi pang mga
hanay sapgkat napatunayang ganoon ang ipinag-utos ng Propeta (SAS).
32. Ano
po ang masasabi ninyo sa muftarid (taong nagsagawa ng sala na fard)
na ang ginawang imam ay ang mutanaffil (taong nagsasagawa ng sala
na sunnah)?
Sagot: Walang masama kung gagawing imam ng muftarid
ang mutanaffil sapagkat napatunayang sa ilang uri ng salatul khawf (24)* ay
nagsagawa ang Propeta (SAS) ng salah na dalawang rak`ah bilang imam
ng isang pangkat at saka sinabi ang tasleem. Pagkatapos nito ay nagsagawa uli siya ng salah
ng dalang rak`ah bilang imam ng isa pang pangkat at saka sinabi
ang tasleem. Ang una niyang salah
ay fard at ang ikalawang ay sunah ngunit ang mga ma’moon ng dalawang
pangkat ay mga muftarid lahat. Napatunayan din sa Hadeeth na isinalaysay ni Mu’adh bin
Jabal (RA)na siya ay nagsagawa ng salah sa ‘`isha’ kasama ng
Propeta (SAS) at pagkatapos ay umuwi siya sa kanyang mga kanayon upang maging imam
nila sa salah. Ang salah na isinagawa niya ay upang maging imam
nila sa salah. Ang salah
na isinagawa niya ay sunah at and sa kanila naman ay fard. Katulad din ito ng sa buwan ng Ramadan. Kung sakaling dumating sa Masjid ang isang
tao.samantalang ang mga tao ay nagsasagawa ng salah
na taraweeh* at siya naman ay hindi nakapagsagawa ng salah sa ‘`isha’,
sa ganitong pagkakataon ay sasabay siya sa kanila upang isagawa ang ‘`isha’
nang sa gayon ay matamo niya ang biyaya sa pagsasagawa ng salah sa jama`ah. Kapag nagsabi ng tasleem ang imam,
tatayo siya upang kumpletuhin ang kanyang salah.
_____________________________
(24)*Ito ang tawag sa limang salah
na fard sa panahon ng ang mga nagsasagawa nito ay nasa larangan ng
digmaan. Ang salatul khawf ay
nangangahulugang salah sa panahon ng pangamba o takot. Sa salah na ito, ang mga salah
na binubuo ng apat na rak`ah ay pinapaiksi sa dalawang rak`ah.
33. Ano ang hatol sa salah ng taong mag-isang nagsasagawa ng salah sa likod ng hanay? Kapag dumating at hindi nakakita ng lugar sa hanay,
ano ang gagawin? Kapag nakakita ng
batang wala pa sa wastong gulang, maari ba siyang gumawa ng bagong hanay kasama
nito?
Sagot: Walang saysay ang salah na ginawang
mag-isa (walang katabi) sa likod ng hanay.
Ito ay ayon sa Propeta (SAS): “Walang salah ang mag-isang
nagsagawa ng salahsa likod ng hanay.”
At dahil napatunayang inatasan ng Propeta (SAS) ang mag-isang
nagsasagawa ng salah sa likod ng hanay na ulitin ang salah at
hindi niya ito tinanong kung may nakitang puwang sa hanay o wala, ito ay
nagpapatunay lamang na walang pinagkaiba ang may nakitang puwang sa hanay at
ang walang nakitang puwang upang magkaroon ng dahilan ng mag-isang magsagawa ng
salah sa likod ng hanay. Subalit
kung may dumating na hindi nakaabot sa umpisa ng salah samantalang ang imam
ay nakayukod at siya ay yumokod nang wala sa hanay at saka pumasok sa hanay
bago nagpatirapa, sapat na iyon para sa kanya.
Ito ay ayon sa Hadeeth na isinalaysay ni Abu Bakrah ath-Thaqafi
(RA). Ayon sa kanyang sanaysay, dumating
siya sa salah samantalang ang Propeta (SAS) ay nakayukod kaya yumokod
siya nang wala sa hanay at pagkatapos nito ay pumasok sa hanay.
Pagkatapos ng
salah ay sinabi sa kanya ng Propeta (SAS):
“Nawa’y
pag-ibayuhin ni Allah ang marubdob mong hangarin na gumawa ng kabutihan. Ngunit huwag mo nang ulitin. (25) *” Hindi siya inutusan ng Propeta (SAS) na
magsagawa ng isa pang
rak`ah.
___________________________________
(25)*Isang uri ng salah na sunnah
na isinagawa sa buwan ng Ramadan pagkatapos ng sala sa `isha’.
34. Sa
pagiging imam sa salah, ang neeyah ba ng maging imam
ay isa sa mga kondisyon (bago magsagawa ng salah)? Kapag pumasok ang isang lalaki sa Masjid at
may nakita siyang nagsasagawa ng salah, gagawin ba niya itong imam
niya sa salah? Ipinahihintulot
bang gawing imam ang masbooq? (26)**
Sagot: Sa pagiging imam sa salah,
ang neeyah ay isa sa mga kondisyon ayon sa sinabi ng Propeta (SAS): “Ang
halaga ng gawa ay nakabatay sa layunin (neeyah) at ang bawat tao ay
gagantimpalaan ayon sa kanyang nilayon.” kapag pumasok ang isang lalaki
sa Masjid at hindi na niya naabutan ang salah sa jama`ah ngunit
nakakita siya ng mag-isang nagsasagawa ng salah, walang masama kung
sumabay siya rito at gawin itong imam
niya sa salah sapagkat ito ang pinakamainam ayon sa sinabi ng Propeta
(SAS) nang may nakita siyang isang lalaking pumasok sa Masjid matapos na
naisagawa na ng mga tao ang salah: “Wala bang lalaking magbibigay ng kawanggawa
sa lalaking ito sa pamamagitan ng pagsasagawa ng salah kasama nito?”
Sa ganitong paraan ay kapwa natamo ng dalawa ang biyaya ng salah
sa jama`ah. Sa panig ng
nakapagsagawa na ng Salah, ang salah na ito ay sunah na lamang.
Si
Mu’adh bin jabal (RA) ay nagsasagawa noon ng salah na ‘`isha’
kasama ng Propeta (SAS). Pagkatapos nito
ay umuwi siya sa kanyang mga kanayon at nagsagawa uli ng sala bilang kanilang imam. Ang salah na isinagawa niya kasama
nila ay sunah at ang sa kanila naman ay fard. Ang ginawa niyang ito ay sinang ayunan ng
Propeta (SAS).
Walang
masama kung ang masbooq ay gawing imam ng isang taong hindi
nakaabot sa salah sa Jam’ah sa paghahangad niyang magtamo ng pagpapala ng
salah sa jama`ah. At kapag
nakumpleto na ng masbooq ang kanyang salah, tatayo ang hindi pa
nakukumpleto ng salah upang kumpletuhin ito. Ito ang sinabi ng Propeta (SAS) kay Abu Dharr
(RA) nang sinabi nito sa kanya na may darating na mga prinsipe na ipinapahuli ang pagsasagawa ng
salah
sa takdang oras nito. Ang sabi niya
(SAS) rito:
“Isagawa mo ang salah sa takdang oras nito. Subalit kung maabutan mo (na isinasagawa
nila) ito, isagawa mo (uli ito) kasama nila. Ito ay magiging salah na sunnah
para sa iyo. At huwag mong sabihing,
‘Nakapagsagawa na ako ng salah kay hindi na ako muling magsasagawa.” Si Allah ang Tagapagpatnubay.
__________________________________
(26)**Ang masbooq ay ang
taong nahuli sa paglahok sa salah sa jama`ah
35. Ang
mga rak`ah bang maaabutan ng masbooq kasama ng imam ay
itinuturing na simula ng kanyang salah o katapusan nito? At kung halimbawa hindi niya naabutan ang
unang dalawang rak`ah sa salah na binubuo ng apat na rak`ah,
kailangan pa bang siya ay bumigkas ng talata sa Qur’an pagkatapos ng suratul fatihah
sa huling dalawang rak`ah?
Sagot: Ang tama ay itinuturing simula ng salah
ng masbooq ang anumang maabutan niya kasama ng imam at ang
natitirang kukumpletuhin ay siyang katapusan nito. Saklaw nito ang lahat ng salah na fard
batay sa sinabi ng Propeta (SAS): “Kapag kayo ay pupunta sa salah, maglakad
ng mahinahon. Ang anumang maabutan ninyo sa salah ay isagawa
ninyo at kumpletuhin ninyo ang natitirang hindi ninyo nagawa.” Dahil duon, kanais nais na ang
ikatlo at ikaapat na rak`ah ng salah na binubuo ng apat na rak`ah at ang ikatlong rak`ah ng salah
sa maghrib ay lilimitahan sa pagbigkas ng suratul fatihah. Ito ay nasasaad sa Hadeeth na isinalaysay ni
Abu Qatadah (RA). Ang sabi niya:
“Binibigkas ng Propeta (SAS) ang suraul fatihah at isang surah sa unang
dalawang rak`ah ng dhuhr at ‘asr. Pinahahaba niya ang pagbikas niya sa dalawang
huling rak`ah ay suratul fatihah lamang. “Kung magbabasa ng
talata ng Qur’an karagdagan sa suratul fatihah sa ikatlo at ikaapat na rak`ah
ng dhuhr, ito ay mabuti batay sa Hadeeth na nasa Saheeh Muslim na
isinalaysay ni Abu Sa’eed (RA). Ang sabi
niya : “Ang pagbigkas ng Propeta (SAS) sa unang dalawang rak`ah ng dhuhr
ay kasingtagal ng pagbigkas ng surah as sajdah, sa huling dalawang rak`ah
ng dhuhr a kasintagal ng kalahati niyon,(27)* sa unang dalawang rak`ah
na ‘asr ay kasintagal ng huling dalawang rak`ah ng dhuhr,
at sa huling dalawang rak`ah ng asr ay kasintagal ng unang
dalawang rak`ah ng ‘
asr.”
Malamang na ito ay paminsan-minsan lamang isinasagawa ng Propeta (SAS)
sa huling dalawang
rak`ah ng
dhuhr nang sa gayon ay tumugma ito
sa unang Hadeeth na nabanggit.
_________________________________
(27)*Dahil kung minsan ang pagbikas g Propeta (SAS)
sa huling dalawang rak`ah ay kasintagal ng pagbigkas ng kalahati ng surah
as-sajada, ito ay nagpapahiwatig na hindi lamang suratul fatihah ang
binibigkas niya.
36. Dahil
sa sobrang dami ng mga tao sa ibang mga Masjid na pinagdadausan ng pagsamba sa
araw ng biyernes, napupuno ang mga Masjid na ito kaya ang ibang mga tao ay sa
mga kalsada at daanan na lamang nagsasagawa ng salah kasabay ng imam. Ano po ang masasabi ninyo tungkol doon? Mayroon po bang ipinagkaiba kung may kalsada
sa pagitan ng mga nagsasagawa ng salah at Masjid o walang kalsadang
naghihiwalay?
Sagot: Kapag magkarugtong ang mga hanay, walang
masama. Ganoon din naman kung ang mga
ma’moon ay nasa labas ng Masjid ngunit nakikita nila ang mga hanay sa harapan
nila o naririnig nila ang pagsasabi ngallaahu akbar.
At kahit
pinaghihiwalay man sila ng ilang mga daanan ay wala ring masama doon dahil
mahalaga ang salah sa jama`ah at nagagawa naman nilang makita ang
hanay sa harap at naririnig ang pagsasabi ng allaahu akbar. Subalit
walang sinuman ang maaring magsagawa ng salah sa harap ng imam
dahil hindi iyon lugar ng ma’moom.
Si Allah ang tagapatnubay.
37. Kapag naabutan ng masbooq ang imam
na nakayukod, ano ang dapat niyang gawin sa sandaling iyon? Ang pagsabi ng Subhaana rabbiyal ‘adheem
bago maiangat ng imam ang kanyang
likod ay isabang kondisyon para sa masbooq upang maituring na naabutan
niya ang rak`ah?
Sagot: Kapag naabutan ng masbooq ang imam
habang ito ay nakayukod, sapat na iyon para maabutan niya ang buong rak`ah
kahit nasabi lamang niya ang subhaana rabbiyal ‘adheem matapos na maiangat ng imam ang likod nito
dahil ang sabi ng Propeta (SAS): “Ang nakaabot ng isang rak`ah sa salah ay
naabutan ang salah (sa jama`ah).” Ang Hadeeth na ito ay nasa Saheeh
Muslim. Nalalaman natin na naabutan ang rak`ah
kapag naabutan ang pagyukod (sa rak`ah na iyon) ayon sa Hadeeth na nasa Saheeh Al
Bukhari. Ayon sa Hadeeth na ito na
isinalaysay ni Abu Bakrah Ath Thaqafi (RA) ay dumating siya isang araw sa
Masjid habang ang Propeta (SAS) ay nakayukod kaya yumokod na rin siya nang wala sa hanay at (pagkatapos ng
pagyukod) ay saka lamang pumasok sa hanay.
Nang nasabi na ng Prepeta (SAS) ang tasleem ay sinabi nito sa
kanya: “Nawa’ay pag-ibayuhin ni Allah ang marubdob
mong hangaring gumawa ng mabuti. Ngunit
huwag mo nang ulitin.(28)*” Hindi
siya nito inutusang ulitin ang rak`ah. Pinagbawalan
lamang siya nito na ulitin ang pagyukod na wala sa hanay. Kaya ang masbooq ay huwag magmadali na
yumokod hanggat’t hindi nakakapapasok sa hanay.
Si Allah ang tagapagpatnubay.
________________________
(28)*
Ang pagyukod nang wala sa hanay.
38. May mga imam na hinihintay ang
dumating upang maabutan nito ang rak`ah. May iba namang nagsasabing
hindi dapat maghintay. Ano po ang tama? Patnubayan po kayo ni Allah.
Sagot: Sunnah ang
maghintay sandali upang makasama sa hanay ang dumarating. Ito ay bilang pagsunod sa ginawa ng Propeta
(SAS).
39. Kapag ang isang lalaki ay imam sa salah
na ang ma’moom ay dalawang bata o higit pa, ilalagay ba niya sila sa
kanyang likod o sa kanyang kanan. Ang
pagsapit ba sa wastong gulang ay isang kondisyon upang maaring makasama sa
hanay ang batang lalaki.
Sagot: Ang dapat niyang gawin
ay ilagay ang mga bata sa kanyang
likuran tulad ng mga taong nasa wastong gulang na kapag ang mga batang ito ay
sumapit na sa pitong taong gulang o
higit pa. Ganoon din naman kung ang mga
ma’moom isang bata at isang taong nasa wastong gulang na, ilalagay din niya
sila sa likod. Sapagkat nang ang Propeta
(SAS) ay nagsasagawa ng salah bilang imam ni Anas (RA) at ng
isang ulilang wala pa sa wastong gulang ay inilagay niya ang dalawang ito sa
kanyang likuran. Nangyari ito noong
dalawin ng Propeta (SAS) ang lola ni Anas (RA).
Ganoon din ang kanyang ginawa kina Jabir at Jabbar na mga taga Madinah
nang humanay sila sa kanya, inilagay niya
sila sa kanyang likuran. Kung ang kasama
ng imam sa salah ay isang lalaki lamang, ito ay pupuwesto sa
kanyang kanan --nasa wastong gulang man ito o wala -- dahil nang tumayo si Ibnu
Abbas sa kaliwa ng Propeta noong ito ay nagsasagawa ng salatul layl (29)* ay inilagay
niya ito sa kanan. Ang kalalakihan
sapagkat nang magsagawa ng salah ang Propeta (SAS) bilang imam si
Anas at isang ulilang wala pang sa wastong gulang ay inilagay niya si Umm
Sulayn na ina ni Anas sa likuran ni Anas at ng ulila.
______________________________________________
(29)*Isang
uri ng salah na sunnah na isinasagawa sa pagitan ng ‘`isha’
at fajr.
40. Ang sabi ng iba ay hindi ipinahihintulot
na magsagawa ng isa pang sala sa jama`ah (sa Masjid) pagkatapos na
maisagawa ang salah sa jama`ah;
mayroon po bang batayan ito? At
ano po ang tama?
Sagot: Ang sabi nilang ito ay hindi tama at wala
itong batayan sa Sharee’ah, ayon sa aking pagkakaalam. Datapuwa’t ang ipinahihiwatig ng mga Hadeeth
na saheeh ay salungat sa sinabi nila.
Ang Sabi ng Sugo (SAS): “Ang salah jama`ah ay mas
mainam ng dalawampu’t pitong ulit kaysa sa salah na isinagawa ng
nag-iisaang tao.” Ang sabi pa niya
(SAS): “Ang salah ng lalaki kasama ng isa pang lalaki ay mas mainam kaysa sa salah
na isingawa niyang mag-isa.” At ang
sabi pa niya nang makita niyang pumasok sa Masjid ang isang lalaki matapos a
makapagsagawa ng salah ang mga tao:
“Wala bang lalaking magbibigay ng salah kasama
niya.” Gayon pa
man, hindi ipinahihintulot sa isang Muslim na magpahuli sa salah sa jama`ah. Datapuwa’t kailangan dali-dali siyang dadalo
sa sandaling marinig niya ang adhan.
Si Allah ang tagapagpatnubay.
41. Kapag nasira ang wudu’ ng imam
habang nagsasagawa ng salah, kukuha ba siya ng isang tao bilang kahalili
niya na siyang magpatuloy sa salah bilang imam ng mga ma’moon o
nawalan na ng saysay ang salah ng lahat kaya magtatalaga na lamang siya
ng isang tao bilang imam ng mga ma’moom upang ulitin ang salah
mula sa umpisa?
Sagot: Ang tama ay tungkulin ng imam na
kumuha ng kahalili niya na siyang kukumpleto sa salah kasama ng mga ma’moom
tulad ng ginawa ni ‘Umar (RA) nang siya ay saksakin habang nagsasagawa ng salah
bilang imam, ginawa niyang kahalili si ‘Abdurahman bin ‘Awf (RA). Kinumpleto ni ‘Abdurahman bin ‘Awf (RA) ang salah
na fajr kasama ng mga ma’moon.
Kung hindi kumuha ng kahalili ang imam, ang isang ma’moon sa
kanyang likuran ay pupunta sa harap ng mga ma’moom para kumpletuhin ang salah
nila bilang kanilang imam. Kung
uulitin ang salah mula sa umpisa, wala ring masama doon sapagkat sa
puntong ito ay makakaiba ang pahayag ng mga pantas ng Islam. Subalit ang pinakamainam na pahayag ay ang
magtalaga ng kahalili bilang imam upang kumpletuhin ang salah
batay sa ginawa ni ‘Umar (RA) na ating nabanggit na. Sa muli, kung uulitin man nila ang salah
ay walang masama. Si Allah ang
tagapagpatnubay.
42. Naabutan ba ang salah
sa jama`ah kapag naabutan ang tasleem kasama ng imam o hindi
naabutan kung hindi nakaabot ng isang rak`ah? Kapag dumating ay nakaupo at binibigkas ang
huling tashahud, mas mabuti
bang sila ay sumabay na sa
imam o maghintay ng panibagong
salah
sa
jama`ah?
Sagot: Hindi naabutan ang salah sa jama`ah
kung hindi naabutan ang isang rak`ah man lamang ayon sa sinabi ng
Propeta (SAS): “Ang nakaabot ng isang rak`ah sa salah ay naabutan ang salah.” Ang Hadeeth na ito
ay nasa Saheeh Muslim. Subalit ang
sinumang may katangap-tangap na dahilan, makakamit pa rin niya ang salah
kasama ng imam ayon sa sinabi ng Propeta (SAS) noong siya ay nasa
labanan sa Tabuk: “Kapag nagkasakit ang isang
Muslim o naglalakbay, itatala ni Allah para sa kanya ang mga ginagawa niya
noong siya ay malusog at hindi naglalakbay.” Ang Hadeeth na ito ay nasa Saheeh Al
Bukhari. At ayon pa sa sabi niya (SAS): “May mga tao sa Madinah na wala kayong daan na tinahak at lambak na
binagtas na hindi ninyo sila kasama. Ang
kanilang katanggap-tanggap na dahilan ang humadlang sa kanila (na makasama).”(30)* At isa pang sanaysay ay ito ang sinabi: “Nakilahok sila sa inyo sa gantimpala.” Ang Hadeeth na ito
ay nasa Saheehayn.
Sa oras na maabutan
ng isang pangkat ang imam habang ito ay na bumibigkas ng huling
tashahhud, mainam na sumabay na sila sa kanya ayon sa sinabi ng Propeta (SAS): “Kapag kayo ay pupunta sa salah, maglakad nang mahinahon. Ang anumang maabutan ninyo sa salah ay
isagawa ninyo at kumpletuhin ninyo ang hindi ninyo nagawa.” At kung magsasagawa naman sila ng isa pang salah
sa jama`ah ay wala namang masama.
_________________________________________________________________________________
(30)*
Ibig sabihin ay natatamo rin sila ng gantimpala bagaman hindi sila nakalahok sa
labanan sa Tabuk dahil may maganda silang dahilankung bakit hindi nakalahok.
43. Nagsagawa ng salah ang imam sa kanyang jama`ah ngunit nakalimutan niyang magsagawa ng wudu’; ano ang hatol sa salah na ito ayon sa mga sumusunod na kondisyon:
1.
Kapag naalala niya
habang nagasasagawa ng salah (na wala pala siyang wudu’)?
2.
Kapag naalala niya
pagkatapos na tasleem bago nagkahiwa-hiwalay ang jama`ah?
3.
Kapag naalala niya
matapos na nagkahiwa-hiwalay ang jama`ah?
Sagot: Kapag naalaa lamang pagkatapos ng tasleem,
ang salah ng jama`ah ay tanggap at hindi nila kailangang ulitin
ang salah subalit kailangan ulitin ng imam ang kanyang salah. Kung naalala ng imam habang siya ay
nagsasagawa ng salah, sasabihin niya sa isa sa mga ma’moom na ito
ang hahalili sa kanya at kukumpleto sa salah bilang imam ng jama`ah. Ito ay ayon sa pinakatumpak na pahayag ng mga
pantas batay sa sanaysay tungkol kay ‘Umar (RA) Nang siya (RA) ay sinaksak
habang nagsasagawa ng salah
bilang imam, itinalaga niya bilang kahaliling imam sa salah
si ‘Abdurahman bin ‘Awf (RA). Tinapos
naman nito ang salah bilang imam ng jama`ah at hindi na
inulit ang salah. Si Allah ang
tagapatnubay.
44. Ano po ang hatol sa salah na
pinamunuan ng imam na naninigarilyo o nag-aahit ng balbas o nagsusuot ng
damit o pantalon na lampas sa bukong-bukong at iba pa?
Sagot: Ayon sa nagkakaisang hatol ng mga pantas ng
Islam, ang salah niya ay tanggap kapag isinagawa niya ito ayon sa
paraang nais ni Allah. Tanggap din ang
sala ng kanyang mga ma’moom ayon sa pinakatumpak na hatol ng mga
pantas. Tungkol naman sa di-Muslim, hindi tanggap ang kanyang salah at
pati na ang salah ng kanyang ma’moom dahil wala sa kanya ang
isang kondisyon upang matanggap ang sala at iyon ay ang pagiging Muslim. Si Allah ang tagapatnubay.
45. Nalalaman natin na ang puwesto ng ma’moom
kapag siya ay tumayo sa kanan ng imam kapantay nito. At walang batayan sa Sharee’ah na
nagpapahiwatig sa salungat nito. Si
Allah ang tagapatnubay.
Sagot: Ang sunah para sa ma’moon kapag siya ay nag-iisa ay
tumayo sa kanan ng imam kapantay nito.
At walang batayan sa
Sharee’ah na nagpapahiwatig sa salungat nito.
Si Allah ang tagapatnubay.
46. Kapag nag-aalinlangan ang nagsasagawa ng salah
kung siya ba ay nagsasagawa ng tatlo o apat na rak`ah; ano ang kanyang
gagawin?
Sagot: Kapag nag-aalinlangan (sa kung ilang rak`ah
ang naisagawa), kailangan bumatay sa kung ano ang tiyak: ang pinakakaunting
bilang ng rak`ah. Ituturing na
nakagawa ng tatlong rak`ah, isasagawa ang ikaapat na rak`ah, at
ang sujudus sahw (30)* bago magsabi ng tasleem. Ito ay batay sa sinabi ng Propete (SAS): “Kapag
nag-alinlangan ang sinuman sa inyo sa kanyang salah anupa’t hindi niya malaman
kung kanyang natapos sa salah ay tatlo o
apat na rak`ah, isantabi niya ang kanyang pagaalinlangan at bumatay sa kung ano
ang natitiyak niya at pagkatapos ay magpatirapa ng dalawang rak`ah (sujudus
sahw) bago magsabi ng tasleem. Kung ang nagawa niyang salah ay limang rak`ah
ang sujudus sahw ang magwawasto sa
kanyang salah. Atkung ang nagawa niyang salah
ay kumpleto, ang sujudus sahw ay panghihiya sa demonyo.” Ang Hadeeth na ito na nasa Saheeh
Muslim ay isinalaysay ni Sa’eed Al-Khurdi.
Kung nangibabaw sa kanyang palagay ang isa sa dalawa: kulang o kumpletong rak`ah, ang
pagbabatayan niya ay ang kanyang palagay na nagingibabaw. Pagkatapos sabihin ang tasleemay saka
magpatirapa ng dalawang beses (sujudus sahw) at muling magsabi ng tasleem. Ito ay batay sa sinabi ng Propeta (SAS): “Kapag nag-aalinlangan ang
simuman sa inyo sa kanyang salah, magpunyagi siyang alamin ang tama at
kumpletuhin ang salah nang dalawang beses (sujudus sahw).” Ang Hadeeth na ito na nasa Sahee A-Bukhari ay
isinalaysay ni ibnu Mas’ood (RA).
________________________________________________________________________________
(30)*Ang
sujudus sahw ay dalawang karagdagang sujud (pagpapatirapa) na
ginagawa bago o matapos magsagawa ng tasleem kapag nagkamali o
nagdududang nagkamali.
47. May mga imam na
nagsasagawa ng sujudus sahw pagatapos ng tasleem at may ibang
nagsasagawa ng sujudus sahw bago magsabi ng tasleem at ang iba pa
ay nagsasagawa ng sujudus sahw bago at matapos magsabi ng tasleem. Kailan po kailangang magsagawa ng
sujudus sahw
bago magsabi ng
tasleem? At
kailan kailangang magsagawa ng
sujudus shaw pagkatapos ng
tasleem? Ang
sujudus sahw pagkatapos bago o
matapos magasabi ng
tasleem ay
fard ba o
mustahabb?
Sagot: Ang sujudus sahw bago at matapos
magsabi ng tasleem ay kapwa ipinahihitulot sapagkat ito ang isinasaad sa
mga Hadeeth buhat sa Propeta (SAS).
Subalit ang sujudus sahw ay lalong mainam bago magsabi ng tasleem
maliban sa dalawang pagkakataon:
Kapag nagsabi ng tasleem
ngunit kulang ng isang rak`ah o higit pa ang salah, ang lalong
mainam ay isagawa ang sujudus sahw matapos na makumpleto ang salah
at makapagsabi ng tasleem. Ito ay
bilang pagsunod sa Propeta (SAS) sapagkat noong nagsabi siya ng tasleem
nang ang kanyang salah ay kulang ng dalawang rak`ah --ayon sa
Hadeeth na isinalaysay ni Abu Hurayrah (RA) -- at nang ang kanyang salah
ay kulang ng isang rak`ah -- ay:
1.
nagsagawa siya ng sujudus
sahw matapos makumpleto ang salah at magsabi ng tasleem.
2.
Kapag nag-alinlangan
sa salah anupa’t hindi malaman kung ang natapos na rak`ah ay
tatlo ba o apat sa salah na binubuo ng apat na rak`ah, o dalawa
ba o tatlo sa maghrib, o isa ba o dalawa sa fajr ngunit ang
nangingibabaw sa kanyang palagay ay ang isa sa dalawa, kulang o sapat na bilang
ng rak`ah, ang pagbabatayan niya ay ang nangingibabaw niyang palagay. Ang
kanyang sujudus sahw ay pagkatapos ng tasleem na siyang
pinakamainam ayon sa Hadeeth na isinalaysay ni Ibnu Mas’ood na nabangit sa
sagot sa tanong bilang 46. Si Allah ang
tagapatnubay.
48. Kapag nagkamali ang masbooq,
magsasagawa ba siya ng sujudus sahw?
At kailan niya ito isasagawa?
Kailangan pa bang magsasagawa ng sujudus sahw ang ma’moom
kapag siya ay nagkamali?
Sagot: Hindi kailangan ng ma’moom na magsagawa ng sujudus
sahw kapag siya ay nagkamali at tungkulin niyang sumunod sa
kanyang
imam kapag siya ay sumabay rito mula sa umpisa ng
salah.
Ang masbooq
naman ay magsasagawa ng sujudus sahw kapag siya ay nagkamali kasama ng
kanyang imam. Magsasagawa rin
siya ng sujudus sahw kapag nakumpleto na niya ang salah kung
nagkamali siya noong kinukumpleto pa lamang niya ang salah batay sa
detalyeng nabanggit sa sagot sa mga tanong bilang 46. at 47. Si Allah ang tagapagpatnubay.
49. Fard ba ang pagsasagawa ng sujudus
sahw para sa mga sumusunod:
1.
Kapag bumigkas ng
anumang talata ng Qur’an pagkatapos ng suratul fatihah sa dalawang
huling rak`ah ng salah na binubuo ng apat na rak`ah?
2.
Kapag bumigkas ng
anumang talata ng Qur’an habang nakapatirapa o nagsasabi halimbawa ng subhaana rabbiyal ‘adheem sa pagitan ng
dalawang pagpapatirapa?
3. Kapag binigkas nang
malakas ang salah na binibigkas nang tahimik (dhur at ‘asr) at
binibigkas ng tahimik ang salah na binibigkas nang malakas (maghrib, ‘`isha’,
at fajr)?
Sagot: Kapag nakalimot at hindi sinasadyang nakabigkas ng
isa o higit pang ayah o surah sa dalawang huling rak`ah ng salah
na binubuo ng apat na rak`ah o isa sa dalawang huling rak`ah,
hindi na kailangan magsagawa ng sujudus sahw sapagkat napatunayang may
Hadeeth buhat sa Propeta (SAS) na nagpapahiwatig na bumigkas siya ng talata
buhat sa Qur’an karagdagan sa suratul fatihah sa ikatlo at ikaapat ng rak`ah
ng dhuhr. Napatunauyan din na
pinuri g Propeta (SAS) ang isang prinsipe na binibigkas sa lahat ng rak`ah
ng salah nito ang suratul ikhlas pagkatapos ng suratul fatihah. Subalit ang nakagawian ng Propeta (SAS) ay
hindi siya bumibigkas sa ikatlo at ikaapat na rak`ah ng anumang talata
buhat sa Qur’an maliban sa suratul fatihah tulad ng nasasaad sa Hadeeth
na nasa Saheeh Al-Bukhari at Saheeh Muslim na isinalay say ni Abu
Qatada (RA). Napatunayang binibigkas ni
Abu Bakr-As-Sideeq (RA)
sa ikatlong rak`ah
ng salah na maghrib pagkatapos ng suratul fatihaha ang talata ng
Qur’an na nasa surah Al Imran: 8. Ito ay
nagpapatunay na maari ring bumigkas ng anumang talata buhat sa Qur’an
pagkatapos ng suratul fatihah sa Ikatlong rak`ah ng salah
sa maghrib.
Ang sinumang magkamaling bumigkas ng
anumang talata buhat sa Qur’an habang nakayukod o nakapatirapa ay magsagawa ng sujudus
sahw sapagkat hindi ipinahihintulot sa kanya na sadyang bumigkas ng anumang
talata buhat sa Qur’an habang nakayukod o nakapatirapa dahil ipinagbabawal iyon ng Propeta (SAS). Kaya kapag nagkamaling bumigkas ng anumang
talata buhat sa Qur’an, kailangan magsagawa ng sujudus sahw. At ganoon din kapag nagkamali habang
nakayukod at sinabi ang subhaana rabbiyal a’la, sa halip na subhaana
rabbiyal ‘adheem sa halip na subhaana rabbiyal a’la, kailangan ding magsagawa ng sujudus sahw sapagkat
nakaligtaan gawin ang dapat gawin. Kung
nagkamaling naipagsama ang pagbibigkas ng subhaana rabbiyal ‘adheem at subhaana
rabbiyal a’la sa pagyukod o
pagpapatirapa, hindi kailangan magsagawa ng sujudus sahw. Kung magsasagawa man ng sujudus
sahw, wala ring masama. Saklaw ng
nabanggit ang imam, ang munfarid (mag-isang nagsasagawa ng salah),
at ang masbooq.
Ang ma’moom na
kasama ng imam sa simula pa lamang ng salah ay hindi kailangang
magsagawa ng sujudus sahw kung magkamali man siya. Kailangan lamang niyang sumunod sa kanyang imam. Ganoon di naman kung nilakasan niya ang
pagbigkas ng salah na hindi nilalakasan ang pagbigkas o binibigkas nang
tahimik ang salah na binibigkas nang malakas, hindi kailangang magsagawa
ng sujudus sahw sapagkat ipinaririnig noon kung magkaminsan ng Sugo (SAS) sa salah jama`ah
ang pagbigkas ng talata sa Qur’an sa salah ng binibigkas nang
tahimik. Si Allah ang tagapatnubay.
50. May mga nag-aakala na ang pagsasama at
ang pagpapaikli ng salah ay laging magkasabay anupa’t walang pagsasama
nang walang pagpapaikli at walang pagpapaikli ng walang pagsasama. Ano po ang masasabi ninyo rito? Ang lalo po
bang mainam para sa musafir ay ang
pagpapaikli nang walang pagsasama o pagsasama at pagpapaikli ng salah?
Sagot: Ang batas ng pagpapaikli ng salah ay
ginawa ni Allah para sa musafir.
Ipinahihintulot din para sa musafir na pagsamihin ang salah
pero hindi nangangahulugan na ang dalawang ito (pagsasama at pagpapa-ikli ng salah)
ay laging magkasama. Kaya maaring
paikliin ang salah at hindi pagsamahin kung ang isang musafir ay
pansamantalang tumitigil sa isang bayan o hindi dumadalaw lamang. Mas mainam na hindi pagsamahin ang salah
tulad ng ginawa ng Propeta (SAS) sa Mina noong isinagawa niya ang kanyang hajj
ng pamamaalam, pinaikli niya ang salah ngunit hindi ipinagsama. Sa labanan sa Tabuk ay pinagsabay niya ang
pagpapaikli at pagsasama ng salah kaya ito ay nagpapakita lamang (na maaring pagsabayin o di-pagsabayin ang
pagpapikli at pagsasama ng salah).
Pinaiikli at pinagsasama ng Propeta (SAS) ang kanyang salah kapag
tuloy-tuloy ang kanyang paglalakbay.
Tungkol naman sa
pagsasama ng salah, mas malawak ang saklaw nito sapagkat ito ay
ipinahihintulot sa may karamdaman. Kapag
may malakas na ulan (at mahirap ang pumunta sa Masjid) ay ipinahihintulot din
na pagsamahin ang pagsasagawa ng mga salah sa Masjid. Sa pagsasama ng mga salah, ang
ipinagsasama ay ang dhuhr at ang asr o maghrib at ang ‘`isha’. Hindi ipinahihintulot sa kanila na paikliin
ang mga nabangit na salah sapagkat ang pagpapaikli ay para lamang sa musafir. Si
Allah ang tagapatnubay.
51. Kapag dumating ang oras ng salah
samantalang hindi pa naglalakbay ang isang tao at pagkatapos ay naglakbay siya
bago naisagawa ang salah; may karapatan ba siyang paikliin at pagsamahin
ang salah o wala? Kapag isinagawa
niya halimbawa ang dhuhr at ‘asr, pinaikli niya at pinagsama ang
mga ito, at pagkatapos nito’y nakarating siya sa kanyang bayan sa oras ng ‘asr,
ang ginawa ba niyang iyon ay tangap kung nang sandaling pinaikli at pinagsama
niya ang salah ay nalalaman niyang siya ay darating sa kanyanng bayan sa
oras ng ikalawang salah (‘asr)?
Sagot: Kapag ang isang
nagbabalak maglakbay ay dinatnan ng oras ng salah samantalang siya ay
nasa kanyang bayan pa at pagkatapos ay umalis bago nagsagawa ng salah,
pinahihintulutan siyang paikliin ang salah kapag ang nilisan niya ay ang
bahagi ng bayan na pinaninirahan ng mga tao.
Ito ay ayon sa pinakatumpak na pahayag ng mga pantas ng Islam. Kapag pinagsama at pinaikli ang salah
(halimbawa’y ang dhuhr at ‘asr) habang nasa paglalakbay at
pagkatapos ay dumating sa sariling bayan bago dumating ang oras ng ikalawang salah,
hindi kailangan ulitin ang salah dahil naisagawa naang salah sa
paraang tama. Kung isagawa man niya muli
ang ikalawang salah kasama ng jama`ah, ang salah na ito ay
sunnah na. Si Allah ang
tagapatnubay.
52. Mayroon po bang itinakdang layo ng isang
paglalakbay upang mapahintulutang paikliin ang salah?
Sagot:
Ang marami sa mga
pantas ng Islam ay naniniwalang ang itinakdang layo ng pupuntahan ay ang layo
ng isang gabi at isang araw na pangkaraniwang paglalakad ng kamelyo o tao o mga 80 kilometro. Ang ganitong layo (o higit pa) ay
intinuturing na paglalakbay ayon sa nakagawian at ang mababa pa rito ay hindi.
53. Ano po ang tingin ninyo sa pagsasama ng salah
na maghrib at ‘`isha’ kapag may ulan sa sandaling hindi naglalakbay at
naninirahan sa mga lungsod na ang mga lansangan ay patag aspaltado o sementado,
at naiilawan yaman din lamang na walang hirap (ang pagpunta sa Masjid) at
walang putik o daan.
Sagot: Walang masama sa pagsasama ng maghrib at ‘`isha’
o dhur at ‘asr, ayon sa pinakatumpak na pahayag ng mga pantas, kapag may
ulan at mahirap ang pagpunta sa mga Masjid.
Ganoon din naman kung madalas at binabaha ang mga daan dahil ang mga ito
ay nagpapahirap sa pagpunta sa Masjid.
Ang batayan nito ay ang nasasaad sa Saheehayn buhat sa salaysay
ni Ibnu ‘Abbas (RA). Ayon sa salaysay,
na ipinagsama ng Propeta (SAS) ang dhuhr at ang ‘asr, at ang magrib
at ‘`isha’ sa Madina. Sa nasasaad sa Saheeh Muslim ay binanggit
na ginawa ng Sugo (SAS) ang gayon hindi dahil sa may pinangangambahang bagay o
dahil may ulan o siya (SAS) ay
nasa paglalakbay. Ipinakikita sa Hadeeth
na ito na matibay na pinaniniwalaan ng mga
Sahabah (RA) na ang pangamba
at ang ulan ay katangap-tangap na dahilan sa pagsasama ng
salah tulad ng
paglalakbay. Subalit sa sitwasyong ito
ay hindi ipinahihintulot na paikliin ang
salah. Ang ipinahihintulot lamang ay ang pagsasama
ng
salah sapagkat sila ay nanatili sa kanilang lugar at hindi
musafir. Ang papapaikli ng
salah ay laan lamang
sa mga
musafir.
54. Ang neeya ay isa bang kondisyon upang
mapahintulutang pagsamahin ang salah?
Madalas kasing isagawa ang salah sa maghrib nang walang neeyah
na pagsamahin ito at ang ‘`isha’ ngunit pagkatapos maisagawa ang maghrib
ay nagsasanggunian ang jama`ah at kapag napag-kaisahan nilang isama ang
‘`isha’ sa maghrib, isasagawa kaagad nila ang ‘`isha’.
Sagot: Nagkakaiba ang mga pahayag ng mga pantas tungkol
dito ngunit ang matimbang na pahayag hindi isang kondisyon ang neyah sa
pagsisimula ng unang salah (salah
sa maghrib). Sa halip ay ipinahihintulot
na isama ang ikalawang salah kapag lumitaw ang kondisyon na nagpapahnitulot
na pagsamahin ang sala gaya ng takot,
Kamadaman, at ulan. Si Allah ang
tagapatnubay.
55. Kailangan bang tuloy-tuloy ang
pagsasagawa ng salah kapag itoy ipinagsama.
Sagot: Ang fard sa
pagsasama na taqdeem (31)* ay ang tuloy-tuloy na pagsasagawa ng dalawang salah
at walang masama kung may mamagitang maikling sandali sa dalawang salah
sapagkat ganito ang nakagawian ng propeta (SAS). Ang sabi ng Propeta (SAS): “Isagawa ninyo ang salah kung papano ninyo nakitang isinagawa ko
ang salah.” Sa pagsasama na ta’kheer(32)** ay hindi kailangang
tuloy-tuloy and dalawang salah ngunit kung isasagawa and dalawang salah
nang tuloy-tuloy ay mas lalong mainam sapagkat ganito ang ginagawa ng Propeta
(SAS). Si Allah ang tagapatnubay.
_______________________________________________________________________________
(31)*Ang
taqdeem ay ang magkasunod na pagsasagawa ng dhuhr at ‘asr
sa oras ng dhuhr at ng maghrib at ‘`isha’ sa oras ng magrib.
(32)**Ang
ta’kheer ay ang magkasunod na pagsasagawa ng dhuhr at ‘asr sa
oras ng ‘asr at ng maghrib at ‘`isha’ sa oras ng ‘`isha’.
56. Kapag kami ay naglalakbay at napadaan sa
isang Masjid sa oras ng dhuhr -- halimbawa -- kanais-nais ba para sa
amin na magsagawa ng salah sa dhuhr kasama ng jama`ah (sa
Masjid na iyon) at pagkatapos ay
isasagawa namin ang pinaikling ‘asr o isagawa na lamang namin ang salah
(na hindi kasabay ng jama`ah)? At
kapag nagsasagawa kami ng salah kasama ng jama`ah (sa Masjid na
iyon) at pagkatapos nito ay gusto naming magsagawa ng ‘asr, tatayo kami
pagkatapos ng tasleem upang isagawa agad ang ‘asr o bibigkas muna
kami ng mga dhikr at saka magsagawa ng ‘asr?
Sagot: Ang mas mainam sa inyo ay magsagawa kayo ng salah
nang kayo-kayo lamang sapagkat ang sunnah para sa musafir ay
paikliin ang salah na binubuo ng apat na rak`ah. Kung magsasagawa kayo ng salah kasama
ng jama`ah na di-naglalakbay, kailangan kumpletuhin ninyo ang salah
(hindi paikliin) tulad ng nasasaad sa
Hadeeth. Kung gusto ninyong pagsamahin
ang salah, kailangan gawin kaagad ninyo iyon bilang pagsunod sa sunnah
tulad ng nabanggit sa sagot sa tanong 55. pagkatapos magsabi ng tatlong astagfirullah at isang allaahumma antas
salaam, wa minkas salaam, tabarakta ya dhal jalaali wal ikraam. Subalit kung naglalakbay ay nag-iisa,
kailangang magsagawa siya ng salah kasama ng jama`ah na
di-naglalakbay at kukumpletuhin niya ang salah (hindi paiiksiin). Ito ang dapat niyang gawin sapagkat ang salah
sa jama`ah ay isang fard at ang pagpapaiksi ng salah ay
isang kanais-nais na bagay lamang. Ang fard
ay kailangan bigyan ng mas malaking pagpapahalaga kaysa kanaisnais na bagay
lamang. Si Allah ang tagapatnubay.
57. Ano po ang hatol sa di-musafir na
ang kanyang imam ay isang musafir o ang kabaligtaran nito? May karapatan ba ang musafir sa
pagkakataong ito, kung siya ang imam o ma’moom, na paiklihin ang salah.
Sagot: Ang salah ng musafir na ang imam
ay di-musafir o ang salah ng di-musafir na ang imam
ay musafir ay
kapwa tanggap. Subalit kung ang ma’moom
ay ang musafir at ang imam ay and di-musafir, tungkulin ng
ma’moon (na musafir) na sundin ang kanyang imam (na di-musafir)
(kaya hindi niya paiikliin ang salah). Ayon ito sa Hadeeth na isinalaysay ni Ibnu
Abbas (RA). Sa Hadeeth na ito ay naiulat
na siya ay tinanong tungkol sa apat na rak`ah na salah na
isinagawa ng musafir kasama ng imam na di musafir. Sinabi niyang iyon ay tama. Kung nagsagawa ng salah na binubuo ng
apat na rak`ah ang di-musafir at ang kanyang imam ay musafir,
kukumpletuhin niya ng kanyang salah kapag nagsabi ng tasleem ang
kanyang imam na musafir.
58. Maaring mangyari na sa pagsasama ng
maghrib at ‘`isha’ “dahil may ulan” ay may (mga) tao na darating
samantalang ang imam ay nagsasagawa ng salah sa ‘`isha’. Sasabay siya (o sila) sa imam dahil sa
pag-aakalang ito ay nagsasagawa ng maghrib; ano po ang dapat niyang (o nilang)
gawin?
Sagot: Kailangang maupo sila kapag natapos na nila ang
ikatlong rak`ah, bigkasin ang tashahhud, at magsabi ng tasleem
kapag nagsabi ang imam ng tasleem. Pagkatapos niyon ay isasagawa nila ang ‘`isha’
upang matamo ang pagpapala ng salah sa jama`ah at upang masunod
ang pagkasunod-sunod ng salah.
Kung nang sumabay sila sa imam ay nang natapos na ang isang rak`ah,
kasama ng imam ay isasagawa nila ang natitira sa salah kalakip
ang neeyah na salah sa maghrib ang siyang isinasagawa. Kung nang sumabay sila ay mahigit na sa isang
rak`ah ang natapos, isasagawa nila kasabay ng imam ang naabutan
nila sa salah at isasagawa nila kasabay ng imam ang naabutan nila
sa salah at isasagawa nila ang natitirang rak`ah. Ganoon din naman kung sakaling nalaman nila
na ang isinagawa ng imam ay ‘`isha’, sasabay sila sa kanya ngunit
ang kanilang neeyah ay ang magsagawa ng maghrib.
59. Isasagawa po ba ng isang musafir ang
mga salah na sunnah?
Sagot: Ang sunnah para sa musafir ay
huwag isagawa ang mga salah na sunnah sa dhuhr, maghrib,
at ‘`isha’ subalit isasagawa ang sunnah sa fajr bilang
pagsunod sa Propeta (SAS) . Sunnah
din na isagawa ang tahajjud at ang witr
(1) sa gabi, habang naglalakbay sapagkat ginagawa iyon ng Propeta (SAS). Gayon din ang iba’t ibang salah na sunnah
gaya ng salatul duha (2), sunnatul wudu’ (3), salatul kasoof (4), sujudut
tilawah (5), at salah tahiyatil masjid (6) kapag papasok sa Masjid upang
magsagawa ng salah o maging ano pa man ang dahilan.
_________________________________________________________________________________________
1.
Ang
dalawang salah na sunnah na ito ay karaniwang isinasagawa
pagkatapos ng ‘`isha’ bago sumapit ang fajr. Ang dalawang ito ay kapwa binubuo ng isa o
tatlo o lima o pito o siyam o labing-isang rak`ah. Ang pinagkaiba nga lamang ng dalawang ito ay
isinasagawa ang tahajjud kapag nagising sa gabi baago sumapit ang fajr
samantalang ang witr ay isinasagawa naman bago matulog.
2.
Ang salah
na ito ay katulad ng pangkaraniwang salah na sunnah at
isinasagawa matapos na sumikat ang araw.
3.
Ito
ay dalawang rak`ah na salah na isinasagawang katulad ng
pangkaraniwang salah na sunnah pagkatapos magsagawa ng wudu’.
4.
Isinasagawa
ang salah na ito kapag may eklipse.
5.
Ito
ay dalawang pagpapatirapa na gaya ng sujudus sahw na isinasagaw kapag
may nabasa sa Qur’an na isang ayah na nag-uutos na magpatirapa. Maaring isagawa ito habang nagbabasa ng
Qur’an o nagsasagawa ng salah
6. Ang
kahulugan ng salah tahiyatil masjid ay ang salah ng pagbati sa
Masjid. Ang pagsasagawa nito ay walang
ipinagkaiba sa pangkaraniwang salah na sunnah.
60. Kailangan pa ba ang wudu’ bago magsagawa
ng sujudut tilawah? Magsasabi pa
ba ng allaahu akbar kapag magpapatirapa at
kapag mag-aangat ng ulo buhat sa pagpapatirapa kung ang
sujudut tilawah
ay nangyari habang nasasagawa ng
salah o habang nababasa ng Qur’an? Ano ang sasabihin sa
sujudut
tilawah? Ang mga
du`a’ bang
binibigkas dito ay buhat sa Hadeeth na
saheeh? Kailangan pa bang magsabi ng
tasleem
kung nasagawa ng
sujudut tilawah habang nagbabasa ng Qura’an?
Sagot: Ayon sa pinakatumpak na
pahayag ng mga pantas, hindi na kailangan ang wudu’ sa sujudut tilawah.
At sa pag-aangat ng ulo buhat sa papapatirapa ay hindi na kailangang magsabi ng
allaahu akbar ayon pa rin sa pinakatumpak
na pahayag ng mga pantas. Ngunit
kailangang sabihin ang allaahu
akbar kapag magpapatirapa
sapagkat ito ang ipinahihiwatig sa isang Hadeeth na isinalaysay ni Ibnu ‘Umar
(RA). Kapag isinagawa ang sujudut tilawah habang nagsasagawa ng salah,
kailangang magsabi ng allahu akbar kapag magpapatirapa at
mag-aangat ng ulo buhat sa pagpapatirapa sapagkat ginawa ito ng Propeta (SAS)
sa lahat ng salah. Nasasaad sa
Saheeh Al-Bukhari na sinabi niya (SAS): “Isagawa ninyo ang salah kung papaano ninyo
nakitang isinagawa ko ang salah.” Sunnah na bumigkas ng mga du`a’
at dhikr na angkop para sa sujudut tilawah gaya ng: allaahumma
laka sajattu wa bika aamantu wa laka aslamtu, sajada wajhee lilladhee khalaqahu
wa sawwarahu wa shaqqa sam‘ahu wa basrahu bihawlihi wa qoowatihi, tabrakallaahu
ahsnul khaliqeen. Ang du`a’
na ito na matatagpuan sa Saheeh Muslim na isinalaysay ni Ali (RA) ay binigkas
ng Propeta (SAS) sa sujudut tilawah.
Ang sinasabi kapag nakapatirapa sa salah ay siya ring sinasabi sa
sujudut tilawah. Nasasaad sa
isang Hadeeth na binibigkas ng Propeta (SAS) sa sujudut tilawah ang
panalanging ito: allaahum maktub lee bihaa ‘indaka ajran, wamhu
‘annee biha wizra, waj‘alhaa lee ‘indaka dhukhra, wa taqabbalhaa minee kama
taqwabbaltaha min ‘abdika daawuda ‘alayhis salaam. Ngunit ang fard na sabihin
sa sujudut tilawah ay: subhaana rabbiyal a‘laa na siya ring fard sabihin kapag nakapatirapa
sa salah. Ang ano mang dhikr
o du`a’ na idadagdag dito ay kanais-nais.
Ang sujudut tilawah habang nagsasagawa ng salah o
habang nagbabasa ng Qur’an ay sunnah at hindi fard sapagkat ito
ang ipinahihiwatig sa Hadeeth na isinalaysay ni Zayd bin Thabit (RA) at ito rin
ang ipinahihiwatig sa Hadeeth na isinalaysay naman ni `Umar (RA). Si Allah ang tagapatnubay.
61. Maaring maganap ang solar eclipse
(eklipse sa araw) pagkatapos ng `asr, kaya issagawa rin ba ang salatul
kasoof pagkatapos ng `asr, samantalang bawal magsagawa ng salah
pagkatapos ng `asr. At maari bang
isagawa ang salah tahiyatil masjid sa oras na bawal isagawa ang salah?
Sagot: Sa dalwang usaping ito ay may pagkakaiba ang mga
pahayag ng mga pantas ngunit ang tama ay ipinahihintulot ang pagsasagawa ng salahtul
kasoof at salah tahiyatil masjid.
Dapat gawin ang dalawang salah na ito sapagkat ang mga salah
na ito ay mga salah na isinasagawa sanhi ng mga kadahilanan. Ipinahihintulot ang pagsasagawa ng mga salah
na ito sa oras na kung papaanong ang mga ito ay ipinahihitulot sa iba pang mga
oras. Ito ay batay sa sinabi ng Propeta
(SAS): “Tunay na ang araw at ang buwan ay dalawang
tanda sa mga tanda ni Allah. Hindi
naglalaho ang mga ito dahil sa pagkamatay o pagkasilang ng isang tao. Kapag nakakita kayo ng eklipse, magsagawa
kayo ng salah at manalangin hanggang sa matapos ang eklipse.” Ang Hadeeth na ito ay matatagpuan sa Saheeh
Al-Bukhari at Saheeh Muslim. Ang
sabi pa niya (SAS): “Kapag pumasok ang sinuman sa inyo
sa Masjid, huwag siyang umupo hangga’t hindi nakakapagsagawa ng dalawang rak`ah
na salah.” Ganoon din
ang dalawang rak`ah na salah na sunnah na isinasagawa
matapos isagawa ang tawaf, kailangan paring isagawa ang salah na
ito kahit tapos na ang salah sa fajr o `asr nang matapos
ang pagsasagawa ng tawaf. Batay
ito sa sinabi ng Propeta (SAS) na: “o angkan ni Abd Manaf (33)* huwag ninyong pabawalan ang sinuman na
magsagawa ng tawaf sa Bahay na ito (Ka`bah) at magsagawa ng salah sa anumang
oras na kanyang naisin, sa gabi man o araw.” Ang Hadeeth na ito ay isinalaysay ni Juabayr
bin Mut`im (RA). Si Allah ang
tagapagpatnubay.
______________________________________________
(33)*Isa
sa pangalan ng angkan ni Propeta Muhammad (SAS)
62. Ano po ang hatol sa sabay-sabay na
pagbigkas ng mga dhikr pagkatapos ng salah tulad ng ginagawa ng
iba? Ang sunnah po ba ay bigkasin
nang may tunog ang dhikr o bigkasin nang mahina?
Sagot: Ang sunnah ay ang pagbigkas sa dhikr
nang may tunog pagkatapos na pagkatapos ng salah na fard at salatul
jum’ah (salah sa araw ng pagsamba tuwing Biyernes) pagkatapos magsabi ng tasleem. Sapagkat nasasaad sa Saheeh Al-Bukhari
at Saheeh Muslim na isinalaysay ni Ibnu `Abbas (RA) na noong kapanahunan
ng Propeta (SAS) ay itinataas ang boses sa pagbigkas ng dhikr kapag
natapos na ang mga tao sa pagsasagawa ng salah na fard. Ang sabi pa ni Ibnu `Abbas (RA): “Nalalaman
ko kapag natapos na nila ang salah -- kapag narinig ko ang pagbigkas ng dhikr.”
Ang sabay-sabay na pagbigkas ng dhikr,
anupa’t nais ng bawat isa na sabayan ang pagbigkas ng iba mula sa simula
hanggang sa katapusan, at ang paggaya nito ay walang batayan. Ito ay isang bid`ah.(34)* Ang nararapat ay kanya-kanyang bigkasin ng lahat ang
dhikr
para kay Allah sa simula hanggang sa katapusan. Si Allah ang
tagapagpatnubay.
_______________________________________________________________________
(34)*Ang
ano mang gawain o paniniwala na hindi aral ng Islam na ipinasok sa Islam at
sinasabing ito ay sa Islam.
63. Kapag nakalimot ang isang tao at
nakapagsalita habang nasasagawa ng salah, nawawalan ba ng saysay ang
kanyang salah?
Sagot: Kapag nakapagsalita ang isang Muslim habang
nagsasagawa ng salah, dahil nakalimot o dahil hindi alam na bawal ang
magsalita habang nagsasagawa ng salah, hindi nawawalan ng saysay ang
kanyang salah maging iyon man ay fard o sunnah. Batay ito sa panalanging itinuro ni Allah: “O
Panginoon namin, huwag Mo po kaming parusahan kung kami ay nakalimot o
magkamali.”. (2:286)
Nasasaad sa Hadeeth na ang tugon
ni Allah sa panalanging ito ay: “Ginawa ko na.” Nasasaad sa Saheeh Muslim na si Mu`awiyah bin
Al-Hakam As-Salami (RA) ay nagsabi ng yarhamukallaah sa isang bumahin habang
sila ay nagsasagawa ng salah dahil hindi niya alam ang alituntuning
bawal ang magsalita kapag nagsasagawa ng
salah. Dahil doon ay pinuna siya ng mga nakapalibot
sa pamamagitan ng pagsenyas. Kaya
tinanong niya ang Propeta (SAS) hinggil doon.
Hindi siya inutusan ng Propeta (SAS) na ulitin ang
salah dahil
ang nakalimot ay katulad ng walang nalalaman.
Nang minsang makalimot ang Propeta (SAS) at nakapagsalita siya habang
siya ay nagsasagawa ng
salah ay hindi niya inulit ang
salah. Sa
halip ay kinumpleto niya ang
salah tulad ng nasasaad sa Saheehayn na
isinalaysay ni Abu Hurayrah (RA) at sa Saheeh Muslim na isinalaysay naman ni
Ibnu Mas`ood (RA) at `Imran bin Husayn (RA). Walang masama sa pagsesenyas habang
nagsasagawa ng
salah kapag tinatawag ng pangangailangan. Si Allah ang tagapatnubay.
Blg. Mga Nilalaman Ph.
1.
|
Ang hatol sa salah
ng nagsasagawa ng salah nang walang anumang nakapatong sa kanyang balikat
|
5
|
2.
|
Ang hatol sa taong
nasagawa ng salah nang hindi nakaharap sa qiblah matapos na
siya ay nagsikap na itoy ay hanapin
|
5
|
3.
|
Ang hatol sa
pagbigkas ng neeyah kapag magsasagawa ng salah
|
4
|
4.
|
Tanong tungkol sa
pagsasagawa ng salah sa Hijr Isma`eel
|
4
|
5.
|
Tanong sa
ipinagkaiba ng dugo ng regla sa istihadah
|
7
|
6.
|
Tanong tungkol sa
pagsasagawa ng salah na hindi naisagawa at kung ang pagkasunod-sunod
ng salah ay isang kondisyon
|
9
|
7.
|
Tanong kung sa
bahagi ng katawan ng babae na maaring ilabas kapag nagsasagawa ng salah
|
9
|
8.
|
Tanong kung
kailangan isagawa ang salah sa dhuhr o maghrib kapag tumigil
ang regla sa oras ng salah sa `asr o `isha’
|
10
|
9.
|
Tanong tungkol sa
hatol sa pagpapahuli ng maraming manggagawa sa pagsasagawa ng salah sa
takdang mga oras na ito.
|
11
|
10.
|
Tanong tungkol sa
pag-uulit ng salah matapos magsabi ng tasleem kapag may
nakitang najasah sa damit
|
12
|
11.
|
Ang hatol sa
huminto sa pagsasagawa ng salah o sa nagpapabaya sa pagsasagawa nito
at ang tungkulin ng Muslim sa taong gumagawa nito.
|
13
|
12.
|
Tanong tungkol sa
kung isasagawa pa ng nawalan ng malay sanhi ng mga aksidente sa sasakyan ang
mga salah na hindi niya naisagawa
|
17
|
13.
|
Ang hatol sa
pagpapaliban ng salah ng mga may karamdaman
|
18
|
14.
|
Ang hatol sa
sadyang huminto sa pagsasagawa ng salah
|
19
|
15.
|
Tanong tungkol sa
pagtawag ng adhan pagkatapos ng oras nito at sa tungkuling tumawag ng adhan
sa ilang
|
20
|
16.
|
Tanong kung
ipinahihintulot sa mga kababaihan ang pagtawag ng adhan at iqamah
|
21
|
17.
|
Tanong kung
tanggap ang salah kapag nagsagawa ang isang tao o ang isang jama’ah ng salah
nang walang iqamah
|
22
|
18.
|
Tanong sa kung ano
ang hatol sa pagsasagawa ng salah sa harap ng sutrah at kung
maari bang gawing sutrah ang guhit?
|
22
|
19.
|
Tanong tungkol sa
pagpatong ng kanang kamay sa kaliwang kamay habang nagsasagawa ng salah
|
24
|
20.
|
Tanong tungkol sa
sa jalstul istirahah at kung kanino ito nararapat
|
25
|
21.
|
Tanong kung
papaanong isasagawa ang salah sa eroplano
|
25
|
22.
|
Tanong tungkol sa walang
kabuluhang kilos habang nagsasagawa ng salah at payo sa sinumang
gumagawa nito
|
26
|
23.
|
Tanong tungkol sa
kung ang paglapag ng mga tuhod bago ang mga kamay kapag magpapatirapa ay mas
mainam o ang kabaliktaran nito
|
28
|
24.
|
Ang hatol sa
pag-ehem at pag-iyak habang nagsasagawa ng salah
|
29
|
25.
|
Ang hatol sa
pakikipag kamay pagkatapos ng salah
|
29
|
26.
|
Tanong tungkol sa
pagpapalit ng lugar upang magsagawa ng salah na sunnah pagkatapos ng salah
|
31
|
27.
|
Tanong tungkol sa
pagiging saheeh ng Hadeeth na humihimok na bigkasin ang “laa ilaaha illallaah wahdahu laa shareeka....” pagkatapos ng fajr at maghrib
|
31
|
28.
|
Ang hatol sa
papapabaya sa pagsasagawa ng salah sa jama’ah at ang
pagpapabula sa ilang mga maling akala tungkol dito
|
34
|
29.
|
Tanong tungkol sa
pagbabasa ng ma’moon ng suratul fatiha sa likod ng imam at kung kailan
niya ito babasahin
|
36
|
30.
|
Tanong tungkol sa
kung ang paninigarilyo at ang kahit anong bagay na may masamang amoy ay
itinuturing na parang pagkain narin ng sibuyas o bawang sa pagbabawal ng
lumapit sa Masjid
|
38
|
31.
|
Tanong tungkol sa
kung saan banda sa likuran ng imam sisimulan ang hanay ng salah
|
39
|
32.
|
Ang hatol sa
nagsasagawa ng salah na fard sa likod ng nagsasagawa ng salah
na sunnah
|
40
|
33.
|
Tanong tungkol sa salah
ng munfarid (mag-isang nagsasagawa ng salah) sa likuran ng hanay
|
41
|
34.
|
Tanong tungkol sa
kung ang neeyah ay isang kondisyon sa pamumuno sa salah at
hatol sa pumumuno sa salah ng isang masbooq
|
42
|
35.
|
Tanong tungkol sa
kung ang naabutan ng masbooq kasama ng imam ay itinuturing na umpisa ng
kanyang salah o katapusan nito
|
43
|
36.
|
Ang hatol sa pagsasagawa
ng salah sa labas ng Masjid kapag napuno na ito
|
45
|
37.
|
Tanong tungkol sa
kung papaano ang paghahabol sa salah
|
45
|
38.
|
Tanong kung
nararapat hintayin ng imam ang pumasok upang maabutan nito ang rak`ah o hindi
|
46
|
39.
|
Tanong tungkol sa
kung papaanong ipupuwesto ang mga bata sa salah at kung ang pagsapit
sa wastong gulang ay kondisyon upang makasama sa hanay ang bata
|
46
|
40.
|
Ang hatol sa
pagsasagawa ng isa pang salah sa jama`ah matapos na maisagawa ang
unang salah sa jama`ah
|
47
|
41.
|
Tanong tungkol sa
kung ano ang dapat gawin kapag nasira ang wudu’ ng imam
|
48
|
42.
|
Tanong kung
papaanong naabutan ang jama’ah
|
49
|
43.
|
Ang hatol sa salah
sa jama`ah na pinamumunuan ng imam na nakalimot magsagawa ng wudu’
|
50
|
44.
|
Ang hatol sa
pamumuno sa salah ng taong hayagang gumagawa ng mga maliit na
kasalanan gaya ng paninigarilyo
|
51
|
45.
|
Tanong tungkol sa
puwesto ng ma’moon kasama ng imam kapag ang ma’moon ay nag-iisa
|
51
|
46.
|
Tanong kung ano
ang gagawin kapag nagduda ang nagsasagawa ng salah kung siya ba ay
nakapagsagawa ng 3 o 4 rak`ah
|
51
|
47.
|
Tanong tungkol sa sujudus
sahw kung magpapatirapa ba pagkatapos magsagawa ng tasleem o
bago magsagawa nito.
|
52
|
48.
|
Tanong tungkol sa
sujudus sahw ng masbooq at ma’moon
|
53
|
49.
|
Tanong tungkol sa sujudus
sahw sa ilang mga pangyayari
|
54
|
50.
|
Tanong tungkol sa
kung ang pagsasama at papapaikli ng salah ay laging magkasama, kung
ang lalong mainam para sa musafir ay ang pagpapaikli nang walang
pagsasama ng mga salah o ang kapwa pagsasama at pagpapaikli
|
56
|
51.
|
Tanong tungkol sa
kung kailan may karapatan ang musafir na pagsamahin at paiklihin ang salah
|
57
|
52.
|
Tanong tungkol sa
kung gaano kalayo ang kailangan lakbayin upang mapahintulutan ang pagpapaikli
ng salah
|
57
|
53.
|
Tanong tungkol sa
kung ano ang hatol sa pagsasama ng maghrib at `isha’ kapag may
ulan sa panahong hindi naglalakbay
|
58
|
54.
|
Tanong tungkol sa
kung ang neeyah ba ay isang kundisyon para mapahintulutan ang
pagsasama ng salah?
|
58
|
55.
|
Tanong tungkol sa
kung ang tuloy-tuly na pagsasagawa ng 2 salah ay isang kondisyon sa
pagsasama ng salah
|
59
|
56.
|
Tanong tungkol sa
kung ang musafir na napadaan sa isang Masjid sa oras ng dhuhr ay magsasagawa
ng salah na dhuhr kasama ng jama`ah at pagkatapos nito ay saka
magsasagawa ng pinaikling `asr
|
59
|
57.
|
Ang hatol sa salah
ng di-musafir sa likuran ng imam na musafir kung siya ay imam o ma’moom
|
60
|
58.
|
Sa pagsasama ng salah
sa maghrib at `isha’, kapag may ulan ay maaring may isang grupo
na darating habang ang imam ay
nagsasagawa ng `isha’; kapag sumabay ang mga ito sa pag-aakalang maghrib
ang isinasagawa, ano ang kanilang gagawin kapag nalaman nilang `isha’ pala
ang isinasagawa?
|
61
|
59.
|
Tanong tungkol sa
pagsasagawa ng mga salah na sunnah habang naglalakbay
|
62
|
60.
|
Tanong tungkol sa
ilang mga usapin hingil sa sujudut tilawah
|
62
|
61.
|
Tanong kung ipinahihintulot
ang pagsasagawa ng salah para sa solar eclipse o salah
tahiyatil masjid sa oras ng ipinagbabawal ang pagsasagawa ng salah
|
64
|
62.
|
Tanong tungkol sa
kung ano ang hatol sa sabay-sabay na pagbigkas ng dhikr nang may tunog o
bigkasin ng mahina
|
65
|
63.
|
Tanong kung
nawawalan ng saysay ang salah kapag nakalimot ang isang tao at
nakapagsalita habang nagsasagawa ng salah.
|
66
|