Tuesday, July 9, 2013

حكم قول رمضان كريم التهنئة بشهر رمضان



حكم ذلك أن هذه الكلمة ‏"‏رمضان كريم‏"‏ غير صحيحة

وإنما يقال‏:‏ ‏"‏رمضان مبارك‏"‏ وما أشبه ذلك، لأن رمضان ليس هو الذي يعطي

حتى يكون كريماً، وإنما الله تعالى هو الذي وضع فيه الفضل، وجعله شهراً

فاضلاً، ووقتاً لأداء ركن من أركان الإسلام، وكأن هذا القائل يظن أنه لشرف

الزمان يجوز فيه فعل المعاصي، وهذا خلاف ما قاله أهل العلم بأن السيئات تعظم

في الزمان والمكان الفاضل، عكس ما يتصوره هذا القائل، وقالوا‏:‏ يجب على

الإنسان أن يتقي الله عز وجل في كل وقت وفي كل مكان، لاسيما في الأوقات

الفاضلة والأماكن الفاضلة، وقد قال الله عز وجل‏:‏ ‏{‏ يا أيها الذين آمنوا كتب 

عليكم الصيام كما كتب على الذين من قبلكم لعلكم تتقون ‏} 

‏ فالحكمة من فرض الصوم تقوى الله عز وجل بفعل أوامره واجتناب نواهيه، وثبت عن النبي

صلى الله عليه وسلم أنه قال‏:‏ ‏"‏من لم يدع قول الزور، والعمل به، والجهل،

فليس لله حاجة في أن يدع طعامه وشرابه‏"‏ فالصيام عبادة لله، وتربية للنفس

وصيانة لها عن محارم الله، وليس كما قال هذا الجاهل‏:‏ إن هذا الشهر لشرفه

وبركته يسوغ فيه فعل المعاصي‏.‏

" مجموع فتاوى الشيخ ابن عثيمين " 
( 20 / السؤال رقم 254 ) 

Sunday, July 7, 2013

SINO AT ANO ANG MU'TAZILAH

Isinulat ni:  Sheikh Salamodin Doton Kasim

السلام عليكم ورحمة الله وبركاته

Al-Mu'tazilah: Isang grupong tinatawag na KALAMIYAH, tinatawag nilang isang sekta ng Islam, nakabatay sa lohikal na pamamaraan ng pag-unawa at pag-iisip; kung saan sa kanilang paniniwala ay nababatid ng pag-iisip at pang-unawa kung ano ang mabuti at masama kahit na hindi ito naituro ng rebelasyon.

- Ang grupong ito ay lumitaw taong 80 ng Hijrah sa Basrah, Iraq.

Maraming dahilan ang nabanggit ng mga manunulat ng kasaysayan kung bakit sila tinawag na MU'TAZILAH, kabilang na rito ang tanyag na kasaysayan ng kanilang pinuno na si Wasil bin Ata' nang kumalas mula sa klase ng kanyang guro na si Al-Hassan Al-Basrie [Rahimahullah] sanhi ng kanilang salungatan sa usaping patungkol sa isang Muslim na nakagawa ng malaking kasalanan na ang tunay nitong hatol ay nananatili sa kanyang pananampalataya at may pag-asa parin siyang patawarin ng Allah; ngunit hindi sang-ayon si Wasil bin Ata' sa ganitong paniniwala at iginigiit niyang kapag nakagawa ng malaking kasalanan ang isang Muslim at hindi nagbalik-loob ay hindi na siya matatawag na mananampalataya at hindi rin siya matatawag na kafir (hindi mananampalataya) at sa kabilang buhay ay mananatili siya sa impiyerno; ito ang tinatawag nilang nasa pagitan ng dalawang katayuan.

At dahil dito! Nagtatag siya ng kanyang sariling klase at grupo na itinuturo niya rito ang kanyang paniniwala ayon sa kanyang sariling pananaw at pagkatapos ay sinabi ng kanyang guro na si Al-Hassan Al-Basrei:" I'tazalana Wasil" [kumalas sa atin si Wasil]. At ayon naman kay Imam Ad-dhahabi [Rahimahullah] ay pinalayas siya ni Al-Hassan Al-Basrei mula sa kanyang klase.

Ang MU'TAZILAH ay nakabatay sa limang pangunahing doktrina: 

1- TAWHEED: ibig nilang sabihin sa tawheed ay walang kawangis at dahil walang kawangis ay hindi siya maaaring Makita dito sa mundo at sa kabilang buhay.

2- AD'L [katarungan]: Ang tao ang siyang lumikha ng kanyang Gawain at walang kinalaman dito ang Allah.

3- WA'AD AT WA'EED: Gagantimpalaan ng Allah ay gumawa ng mabuti at parusahan ang gumawa ng kasalanan at hinding hindi na siya patatawarin ng Allah.

4- PAG-UTOS NG KABUTIHAN AT PAGBAWAL NG KASAMAAN: Dapat ipag-utos ang mabuti at ipagbawal ang masama at maaaring kumalas mula sa pamunuan ng pinuno ng mga Muslim [Imam] kung siya'y nakagawa ng malaking kasalanan.

KABILANG SA MGA MALING KATURUAN NG AL-MU'TAZILAH

1- Ang Muslim na nakagawa ng kasalanan ay hinding hindi na mapapatawad ng Allah; hindi siya matatawag na mananampalataya at hindi rin siya matatawag na kafir [hindi mananampalataya].

2- Hindi sila naniniwalang makikita ang Allah sa kabilang-buhay.

3- sinasabi nilang nilikha ng Allah ang Qur'an tulad ng paniniwala ng JAHMIYAH at si Propeta Musa (A.S) ay kinausap ng Allah sa pamamagitan ng salitang kanyang nilikha at inilagay sa punong-kahoy.

4- Hindi sila naniniwala na nasa taas [kataas-taasan] ang Allah tulad ng paniniwala ng Asha'irah.

5- Hindi sila naniniwalang magkakaroon ng pamamagitan [Shafa'ah] ang Propeta [sumakanya nawa ang pagbati at kapayapaan] para sa mga makasalanang mananampalataya.

6- Sila ay naniniwala sa iilang katangian ng Allah ngunit ang mga ito ay siya rin ang Allah at ito ang hindi karagdagan sa kanyang sarili; tulad ng mga sumusunod na katangian:

1- Kaalaman
2- kakayahan
3- Naisin
4- Buhay
5- Pandinig
6- Paningin
7- Salita
At marami pang ibang maling katuruan.

Si Imam Ahmad at ang Mu'tazilah

Sa panahon ng Khalifa na si Ma'mun Abdullah bin Harun Ar-Rasheed sinikap ng mga pantas ng Mu'tazilah na ituro sa mga tao ang paniniwalang" Ang Qur'an ay nilikha ng Allah" at nakumbinsi nila ang Khalifa na ito ang tamang paniniwala sa Qur'an.Nang malaman ng Khalifa na salungat sa paniniwalang ito si Imam Ahmad bin Hanbal ay ipinag-utos na ikulong ang Imam kasama si Muhammad bin Nuh at namatay ang huli bago pa man makarating sa Khalifah. Nagsumamo si Imam Ahmad at nanalangin siya sa Allah na hindi sila magkita ng Khalifa at tinugon ng Allah at namatay ang Khalifah Ma'mun bago pa man sila magkita.Sa panahong yaon ay ipinaglaban ni Imam Ahmad ang tunay na paniniwala sa Qur'an laban sa Mu'tzaliah kaya siya natawag na "Imam ng Ahlus Sunnah". 

Ang Pantas at ang Mu'tazilah

Nakadebate ng isang pantas ng Ahlus Sunnah si Ahmad bin Abu Du'ad na kabilang sa Mu'tazilah ayon sa kahilingan ng Khalifah; at kanyang tinanong si Ahmad:" ito bang paniniwala mo na nilikha ang Qur'an na siyang itinuturo mo sa mga tao ay kabilang sa pananampalataya na dapat paniwalaan?, Sumagot si Ahmad:"Oo". Tanong ulit ng pantas:" Ito ba ay itinuro ng Propeta [sumakanya ang pagbati at kapayapaan] sa mga tao? Sumagot si Ahmad:"Hindi". Tanong ulit ng Pantas:"batid ba niya ito o hindi?"sinabi ni Ahmad:"OO batid niya". Sabi ng Pantas:"bakit mo itinuturo ang bagay na hindi itinuro ng Propeta [sumakanya ang pagbati at kapayapaan]?", hindi nakasagot si Ahmad bin Abi Du'ad.
Sinabi ng Pantas sa Khalifa:" O pinuno ng mga mananampalataya! Iyan ang unang tanong". Tanong ulit ng pantas:" O Ahmad! Sinabi ng Allah sa Qur'an:" Ngayong araw na ito, ginawa kong ganap (kumpleto) para sa inyo ang inyong relihiyon". At ikaw ay nagsasabing hindi ganap ang relihiyon kung wala ang iyong sinasabing katuruan na ang Qur'an ay nilikha; sino ba ang tama; ang Allah o ikaw??" hindi na naman nakasagot si Ahmad".
Sinabi ng Pantas sa Khalifa:"O pinuno ng mga mananampalataya! Iyan ang pangalawang tanong". At tanong ulit ng Pantas:"O Ahmad! Sinabi ng Allah:"O Sugo! Iparating mo ang anumang ibinigay na rebelasyon sa iyo mula sa iyong Panginoon; at kung hindi mo ito nagawa tunay na hindi mo naiparating ang kanyang mensahe". Ang paniniwala mo bang ito na itinuturo mo sa mga tao ay kabilang sa ipinarating ng Sugo sa Ummah o hindi?". Hindi na naman nakasagot si Ahmad.

Sinabi ng Pantas sa Khalifa:" O Pinuno ng mga mananampalataya! Iyan ang pangatlo kong tanong".
Kanyang sinabi:"O Ahmad! Nang mabatid ng Sugo ang iyong paniniwala na itinuturo sa mga tao; naging sapat bas a kanya na iwanan ito o hindi? At ganun din kay Abu Bak'r, Omar, Uthman at Ali? Sagot ni Ahmad bin Abi Du'ad:"Oo, sapat sa kanya at kay Abu Bak'r, Omra, Uthman at Ali".

Humarap ang pantas sa Khalifa na si Wathiq at sinabi:" O Pinuno ng mga mananampalataya! Kung hindi naging sapat sa atin ang anumang naging sapat sa Sugo at kanyang mga kasamahan [Sahabah] ay hindi tayo luluwagan ng Allah".

Sinabi ni Wathiq:" Oo! Hindi tayo luluwagan ng Allah kung hindi naging sapat sa atin ang anumang sapat (na kaalaman) sa Sugo at mga Sahabah niya ay hindi tayo luluwagan ng Allah".

Sources: 

Aqeedah Tahawiyah
Al-Mu'tazilah bainal Qadeem wal Hadeeth
Duhal Islam
Islamweb.net
Al-mausuatul Muyassarah fil Adyan wal madhahib


"Islamic Books Sent by YPPAI Officer"

Alhamdulillaah nakatanggap na naman kami ng mga islamic na aklat galing sa  isang officer nang YPPAI sa jordan. Barakallaahu Feek!

Add caption

















Thursday, July 4, 2013

"Maling Katuruan Al-Jahmiyah"

السلام عليكم ورحمة الله وبركاته

Hindi po lingid sa Lahat na marami ng mga sektang naglipana sa Lipunan at tayong mga Muslim ay dapat mag- ingat sa ating sinusunod at pinagkukunan nang kaalaman. Isa na dito na dapat iwasan ay ang mga taong sumusunod sa Al-Jahmiyah. Sino o Ano nga po baga  Al-Jahmiyah?

AL-JAHMIYAH: Isang grupo o may nagsasabing ito ay sekta ng Islam; ito ay itinatag ni Al-Jahm bin Safwan At-Tirmizi sa Kufa, Iraq.

Nakasama niya si Al-Jaad Bin Dirham pagdating niya sa Kufa mula Damascus at mula kay Al-Jaad ang maraming maling katuruan ni Al-Jahm na naging paniniwala ng JAHMIYAH.

Si Al-Jahm bin Safwan ang pinaka-unang nagsabi na ang Qur’an ay nilikha ng Allaah (سبحانه وتعالى)

PANINIWALA AT KATURUAN NG JAHMIYAH

Kabilang sa mga katuruan at paniniwala ng JAHMIYAH ay ang mga sumusunod:

1.Sinasabi nila na ang Qur’an ay nilikha ng Allaah (سبحانه وتعالى).
2. Sinasabi nila na ang Allaah (سبحانه وتعالى) ay hindi makikita sa kabilang buhay.
3.Itinatakwil nila ang mga katangian ng Allaah((سبحانه وتعالى tulad ng mga sumusunod:
      a. Kakayahan,
      b. Naisin,
      c. Karunungan at iba pa.
4.Sinasabi nila na ang Eeman [paniniwala] ay paniniwala  lamang nang puso, kahit na magsalita ang tao o gumawa ng makakasira ng Islam ay hindi parin masisira ang kanyang Eeman o pananampalataya, sapat na ang pagkakilala sa Allaah (سبحانه وتعالى) at ang Kuf’r (kawalan nang pananampalataya) ay ang kawalan ng kaalaman sa Allaah (سبحانه وتعالى ).

“Aking sasabihin: sa paniniwala nilang ito ay parang sinasabi nila na si IBLIS ay Mu’min o mananampalataya sapagkat alam at kilala ni Iblis ang Allaah, (wal iyadhu billah)”.
5. Sinasabi nila na ang Allaah (سبحانه وتعالى) ay nasa lahat ng lugar (naroon kahit anong lugar).
6. Sinasabi nila na ang Paraiso at Impiyerno ay may katapusan at magwawakas.
7.Hindi sila naniniwala sa mga sumusunod:
    a. Kaparusahan sa libingan,
    b.Sirat (tuwid na daan o tulay sa kabilang buhay),
    c. Timbangan ng mga Gawain.
*Maraming mga Salaf (naunang mabubuting Muslim) at mga Pantas na nagsabi at naghatol na ang JAHMIYAH ay lumabag sa pananampalataya at itinakwil ito na siyang dahilan ng kanilang paglabas sa Islam (Kuf’r) kahit na inaakala nila na sila'y mga Muslim; kabilang sa mga Salaf at Pantas na naghatol ng Kuf’r sa JAHMIYAH ay ang mga sumusunod:

1- Imam Ad-Darimi
2- Salam bin abi Mutie
3- Hamad bin Zayd
4- Yazid bin Haron
5- Abdullah bin Al-Mubarak
6- Wakie
7- Hamad bin Abi Sulayman
8- Yahya bin Yahya
9- Rabie bin Nafie
10- Imam Malik bin Anas
11- Imam al-Bukharie  , At marami pang iba.

PAUNAWA: Kaya’t mag-ingat sa ganitong maling paniniwala upang hindi masira ang pananampalataya, laging alamin ang tunay na katuruan ng AHLUS SUNNAH WAL JAMA’AH!

Isinulat at Isinalin sa Tagalog ni: Sheikh Salamodin Doton Kasim

Sources: [Aqeedah Tahawiyah ,Lam’atul I’itiqad , Al-tawhed.net , Dalael at-tawhed , Mawsuatul Muyassarah fil mazahib wal adyan]


Wednesday, July 3, 2013

"Talumbuhay ni Buraydah (radhillaahu anhu)"

BURAYDA BIN AL-HUSAYB (RADIALLAHU ANHU), ABU SAH'L- ABU SASAN O ABU AL-HUSAYB


Siya ay Anak ni Abdullah bin Al-Harith bin A'araj bin Saad Al-aslamie.

- Ayon sa ulat; siya ay yumakap sa Islam sa panahon ng Hijrah ng propeta ( sumakanya ang kapayapaan) patungong madinah at nadaanan si Burayda. Nasaksihan niya ang digmaan ng Khaybar at Fath. Siya ang itinalaga ng Sugo bilang taga likom ng kawang-gawa at zakat ng kanyang sambayanan.

Naiulat ni Ibn Hibban, mula sa anak ni Burayda; ayon kay Burayda ( Radiallahu anhu)

" Nasaksihan ko ang digmaan ng Khaybar at kabilang ako sa mga umakyat ng Thalma at ako ay nakipaglaban hangga't ako ay nakilala,na mayroong suot na pula; wala na akong alam na malaking kasalanang aking nagawa mula nang akoy naging Muslim maliban dito"
( ang ibig niyang sabihin ay nakilala bilang magiting na mandirigma sa digmaang yaon).

...natatakot siya na ito ay magiging Riyaa o pakitang-tao lamang kaya niya nasabi ang mga katagang iyon.
Naiulat mula sa kanya ang humigit kumulang 150 na Hadeeth.

- Siya ay namatay noong 62 ng Hijrah, at naiulat na ito ay 63 ng Hijrah.


Isinalin at Pinaiksi sa Tagalog ni : Salamodin Doton Kasim

Pinagkuhanan: Islamweb.com

YPPAI NEWS: "NEW NAME:Masjid Buraydah (radhillaahu anhu)"

 السلام عليكم ورحمة الله وبركاته

Alhamdulillaah, nakapag bigay na po ng  permamenteng pangalan ang Financial Donor ng Grand Masjid of Mutie- Ito po ang pansamantalang pinangalan sa Masjid. at ang bagong pangalan na binigay ng Financial Donor ay:

Masjid Buraydah (Radhillaahu anhu) -بريدة بن الحصيب رضي الله عنه

Sino po ba si Buraydah (radhillaahu anhu)?


Monday, July 1, 2013

"Ang Pagpapakain sa Sinumang Nag-aayuno"


السلام عليكم ورحمة الله و بركاته

Sinabi ng Sugo ng Allaah صلى الله عليه وسلم:

" ِAng sinumang magpakain ng isang nag-aayuno (para sa kanyang Iftar), ay magkakaroon siya ng gantimpala tulad ng gantimpla ng taong yaon, na hindi naman nababawasan ang gantimpla ng taong iyon na nag-aayuno"
[Isinalaysay ni At-Tirmizi]

Sinabi ni Shiekh Ibn Uthaymeen:

" Ang kahulugan nito ay ang sinumang nagpakain sa kanya ( ng kahit) pinakamaliit na kinakain ng nag-aayuno para sa Iftar kahit na ito ay isang date ( Tam'r) ay makakamit niya ang katulad ng kanyang gantimpala."
Dahil dito; nararapat sa isang tao na maghandog ng pagkain (pang iftar) para sa mga nag-aayuno sa abot ng kanyang makakaya; lalung-lalo na sa panahon ng pangangailangan ng mga nag-aayuno at kanilang paghihirap o ng kanilang pangangailangan sa sinumang maghahanda ng pagkain ( iftar) para sa kanila, at anumang katulad nito.

Riyadus Saliheen vol. 3- page. 472

Sunday, June 16, 2013

"Ano ang Tunog nang Kulog"

Si Ibn Abbas  رضي الله عنه  ay nagsabi: May mga Hudyo na lumapit Sa Propeta Muhammad  صلى الله عليه و سلم  at nagsabi:

Sabihin mo sa amin kung ano ang kulog ?

Siya (صلى الله عليه و سلم  ) ay sumagot: 

"Ito ay isang anghel mula sa mga anghel ng Allaah na nakatalaga sa pagsasaayos ng mga ulap , kung saan ang kanyang mga kamay ay isang mikhraaq (isang uri ng  kasangkapan na ginagamit ng mga Anghel upang direktang itaboy ang mga ulap),sa pamamagitan nito ay dinadala niya ang mga ulap sa direksyon na itinalaga ayon sa kautusan ng Allaah."

Sila ay nagsabi: At ano ang tunog (nang kulog) na aming naririnig?

Sinabi niya (صلى الله عليه و سلم  ): Ito ay ang tunog ng kanyang boses.

Sila ay nagsabi: Ikaw ay nagsasabi ng katotohanan.

[Hasan ni Al-Albani sa Al-hadeeth As-Sahihah] 


Si Ikrimah   رضي الله عنه ay nagsabi na tuwing makakarinig ng kulog si Ibn Abbas ( رضي الله عنه) siya ay nagsasabi: 

"Kaluwalhatian sa Kanya na iyong (anghel) Pinupuri. At siya rin ay nagsabi: "Ang Kulog ay Anghel na humihiyaw sa ulan, katulad ng isang pastol na humihiyaw sa kanyang mga tupa."

[Hasan ni Al-Albani sa Sahih Al-Adab Al-Mufrad]

SHI'AH ISSUE!!!: " Salaysay ni Dr. Majdi Ar-Rab'ie "

Si Dr. Majdi Ar- Rab'ie,isang bihasa sa kasaysayan ay nagsabi:

Sampung taon ang aking ginugol sa pag-aaral tungkol sa SHIA, sa kanilang kasaysayan, mga pinuno at tungkol sa kanilang alitan laban sa Ahlus Sunnah; itoy sa pmamagitan ng aking paglalakbay pangkaalaman upang makamit ang aking Masteral at doctorate degree sa kasaysayan ng SHIA,lalung-lalo na sa IRAQ at IRAN...at matagal kung pinag-aralan ang SHIA BATINIYAH na siyang gumawang halal ang pagdanak ng mga Muslim, nagpalaganap ang pagsanib sa SHIA sa pamamagitan ng bakal at apoy,hanggang sa pinilit nila ang mga tao sa IRAN na yakapin ang SHIA at pinilit ang milyon-milyong Ahlussunnah na maging SHIA, at umabot sa isang milyon ang naitala ng kasaysayan na kanilang napatay mula sa Ahlus sunnah, kinatay sila sa mga kamay ng RAWAFID kaya't ang dating Ahlussunnah na IRAN ay naging RAFIDAH MAJOSIYAH.

At Hindi lang iyan! Nakipag-kaisa pa sila sa mga Hudyo at. Kristyano laban sa Ahlussunnah wal Jamaah, na siyang pumigil sa mga pagwagi at pananakop ng Ottoman Empire sa Europa pgktapos nilang masakop ang silangang Europa hanggang Veina... Subalit dahil sa pag traydor ng SHIA Safawiyeen ay napilitan ang Ottoman Empire na itigil ang pagsakop sa Veina at bumalik ulit sa Silangan upang kalimutan na lamang ang pananakop sa Europa at pagyakap sa Islam ng mga tao nito, na siyang nagtulak upang sabihin ng mga tagatala ng kasaysayan ng Europa na: KUNG HINDI LANG DAHIL SA PAGTRAYDOR NG MGA SHIA SA OTTOMAN EMPIRE AY NASAKOP NA SANA NITO ANG BUONG EUROPA AT NAGING BANSANG MUSLIM NA SANA...

At kabilang sa mga pangyayaring aking tinutukan ng mahabang panahon: ay ang pangyayaring halos Hindi ako mkapaniwalang kaya itong gawin ng tao maliban pa sa pag-aakin niya bilang Muslim; na siyang ginawa ng SHIA QARAMITAH (isa sa mga sekta ng Batiniyah); ang kanilang ginawa sa masjidil haram sa Makkah taong 317 ng Hijrah...araw ng Tarwiyah (8 ng dhul hijjah),kanilang nilusob ang mga nagsasagawa ng Hajj,pinagpapatay ang mahigit tatlum pong libo katao, winasak ang dome of Zamzam, tinanggal ang pintuan ng Ka'abah, at tinanggal din ang telang takip nito, kinatay ang sinumang nakasabit dito, ibinaon at inilibing ang mga patay ng Muslim sa balon ng Zamzam,at pgktapos ay tinangay ang blackstone at dinala sa kanilang lugar.

Sa pangyayaring ito! Aking napagtanto ang katotohanan ng sinabi ni Shiekhul Islam Ibn Taymiyah tungkol sa SHIA BATINIYAH na tunay ngang mas masahol at matindi ang pagtalikod sa pananampalataya kaysa mga Hudyo at Kristyano...at ang pakikipagdigma laban sa kanila ay mas obligado kaysa mga mananampalataya; sapagkat sila tumalikod sa Islam ( mga Murtad).

Sa ngayon! Pagkatapos natin masaksihan ang pangyayari sa SYRIA na pagdakila kay ASAD...at pagpatay at pagkatay sa mga Ahlussunnah na kabilang sa talaan ng mga pagpatay ng mga Hudyo at tatar...at pagsira at pagwasak sa mga MASJID; aking napagtanto na si BASHAR ASAD at mga kapanalig nitong mga NUSAYRIYAH (ALAWIYAH) na mula sa angkan ng Batiniyah at Qaramitah ay magkakatulad silang magkaka-angkan...

PARA BAGANG IBINABALIK LAMANG NG KASAYSAYAN ANG SARILI NITO!!

Ni : Salamodin Doton Kasim

SHI'AH ISSUE!!!: "Kung Galit ka sa isang Tao ayaw mong marinig pangalan nya"

MUST READ!

...Kapag mahal mo ang isang tao o humahanga ka sa kanya ay may nagagawa kang mga bagay na tanda ng iyong paghanga o pagmamahal; at ganun din kapag galit ka sa isang tao at kinamuhian mo siya; may mga bagay na nagagawa kang tanda na iyong pagkamuhi at galit sa kanya;

Kabilang sa mga tanda ng pagmamahal at paghanga sa isang tao ay ang ipangalan sa isa sa mga anak mo ang kanyang pangalan tanda ng pagmamahal; kaya't marami sa atin ang pangala'y MUHAMMAD tanda ng pagmamahal sa huling Propeta [sumakanya ang kapayapaan], at ganun din ang pangalang Abu Bak'r o Omar...

HETO NA!
...Sinasabi ng mga SHIA galit daw ang mga Pamilya ng Propeta [Ahlul Bayt] sa mga SAHABA, at siyempre po marami tayong katibayan na pawang kasinungalingan lamang ito; hindi nga lang natin kayang ilatag dito baka kapusin tayo ng panahon...
"Kapag ating susuriin ay ang mga anak ni Ali bin Abi Talib na nakababatang kapatid nina Al-Hassan at Al-Hussayn ay nakapangalan pa sa mga SAHABA; sila ay sina: Abu Bak'r bin Ali bin Abi Talib, Omar bin Ali bin Abi Talib at Uthman bin Ali bin Abi Talib,,,eh kung totoong galit si Ali sa kanila bakit naman niya ipapangalan sa kanila.

" diba dahil sa ayaw natin sa kaaway ng Allah na si FIR'AUN ay ayaw natin itong ipangalan sa pamilya natin?? wala ata akong narinig na muslim/ mu'min na ang pangalan ay FIR'AUN o kung meron man ay bihira lamang...

HETO PA!
Galit sila kay AISHA [Radiallahu anha wa ardaa-ha] pero ang mismong mga apo ni Ali bin abi Talib ay maraming AISHA ang pangalan tanda ng kanilang pagmamahal kay AISHA...
" Sila sina: AISHA NA ANAK NI JA'AFAR AS-SADIQ, AISHA NA ANAK NI MUSA AL-KADHIM, AISHA NA ANAK NI ALI AR-RIDA at si AISHA NA ANAK NI ALI AL-HADI...

" at ganun din si Al-Hassan at Al-Hussayn meron silang mga anak na ang pangalan ay OMAR at ABU BAK'R.

"kaya't mag-isip isip kayong mga naliligaw at naaakay ng mga SHIA [RAWAFID] sapagkat pawang kasinungalingan at itinuturo sa inyo ng mga ligaw na SHIA".

KUNG ALAM LANG SANA NINYO ANG KATOTOHANAN SA MGA SHIA AT PINAGMULAN AY BAKA KAYO PA MISMO ANG SASAMPAL SA MGA IMAM NILA.

ALLAHUL MUS'TAAN!

gabayan nawa ng Allah ang mga naliligaw [AAMEEN]


ni : Salamodin Doton Kasim

Wednesday, June 12, 2013

BABALA!!! Sa Mga pagkakamali o Pagkukulang na nagaganap sa nag-aayuno

Ang lahat ng papuri at pasasalamat ay sa Allah lamang, ang Panginoon ng lahat ng nilalang. Nawa'y ang pagpapala at kapayapaan ay ipagkaloob sa pinakadakilang Propeta at Sugo ng Allah, si Muhammad ( salallaahu alaihi wasalaam), sa kanyang mag-anak at mga kasamahan  lahat ... 

1. Ang di pagtakda ng Niyyah (layunin) sa gabi o bago ang pagsapit ng Fajr (Adhan sa madaling araw) – sa ubligadong pag-aayuno. At kahit paman (may nagpapahayag) na ang minsang pagtakda ng Niyyah sa buwan ng Ramadan ay sapat na.

2. Ang pagkain at pag-inom habang isinisigaw ang Adhan sa Fajr o pagkatapos nito. At kahit paman ang ilan sa mga nananawagan ng Adhan ay nauuna, bilang pagbabakasakali  lamang.

3. Ang maagang pag-aalmusal sa madaling araw (Suhur), isang  oras o dalawang oras bago ang Fajr. Samantalang ang mapananaligang ulat ukol dito ay ang pag-iinganyo sa maagang pag-aalmusal sa hapunan (Iftar) at pagpapahuli ng pagaalmusal sa madaling araw (Suhur).

4. Ang pagmamalabis sa pagkain at inumin ng karamihan sa mga tao. Ito'y sumasalungat sa kautusang pagpipigil ng gutom na siyang dahilan ng kataimtiman ng pananampalataya.
5. Ang di pagdalo sa pagsasagawa ng Salah sa sama-samang pagdarasal (sa Mosque), tulad ng Salah sa Dhuhr at As’r, dahil sa katamaran, pagtulog o pagkaka-abala sa mga bagay-bagay na walang katuturan. 

6. Ang kawalan ng pag-iingat sa dila sa araw ng Ramadan at maging sa gabi nito mula sa walang katuturan at masasamang salita, kawalang katotohanan at kasinungalingan, paninirangpuri at pagtsitsismis. 

7. Ang pagpapalipas ng mga mahahalagang oras sa paglilibang at paglalaro, panonood ng mga palaro at pelikula, mga bugtong at palaisipan at pag-iistambay sa mga daan. 

8. Ang di pagsasanay sa mga gawain na paulit-ulit ginagawaran ng gantimpala sa buwan ng Ramadan, tulad ng mga panalangin, mga dhikr, pagbabasa (ng Qur'an), at pagsasagawa ng mga kusang loob na Salah. 

9. Ang di pagdalo sa Salah ng Tarawih sa sama-samang pagdarasal, samantalang napatunayan ang pag-iinganyo sa pagsasagawa nito kasama ng Imam hanggang sa ito’y lumisan nang sa gayo'y maitatala sa kanya ang pagtaguyod sa buong magdamag. 

10. Napupuna sa unang mga araw ng Ramadan ang maraming bilang ng mga nagsasagawa ng Salah at mambabasa (ng Qur'an), subalit sa huling mga araw ng Buwan lumalaganap ang katamaran at kakulangan, samantalang may nabubukodtangi na partikular na kalamangan ng huling sampung araw ng Ramadan sa mga unang araw nito. 

11. Ang di pagtaguyod ng dasal sa gabi (Al-Qiyam) na siyang  partikular na kalamangan ng huling sampung araw ng Ramadan. Sa katunayan ang Propeta (Muhammad ), kapag sumapit ang huling sampung araw ng Ramadan, binibigyan niya ng buhay ang kanyang gabi at ginigising ang kanyang maganak, pinag-iibayo ang pagsisikap at hinihigpitan ang kanyang epron. 

12. Ang pagpupuyat sa gabi, anupa't nakatulugan ang Salah sa Fajr, kaya’t hindi ito naisasagawa ng iba kundi sa pagsikat na ng araw, at iyon ay napakalaking pagkukulang sa tungkuling ito.

13. Ang karamutan  sa salapi at pagtanggi sa mga nangangailangan, samantalang dumadami sila sa Ramadan, sa kabila na ang gantimpala ng pagkakawanggawa sa ganitong mga pagkakataon ay ginagawaran nang paulit-ulit. 

14. Ang hindi pagpapahalaga sa pamamahagi ng kabuuan ng Zakah (ubligadong kawanggawa) ng karamihan. Samantalang ito ay kaakibat ng Salah at Pag-aayuno, kahit paman ito'y hindi nabubukod-tangi lamang sa buwan ng Ramadan. 

15. Ang pagkalingat sa panalangin habang nasa sandaling pagaayuno, lalong-lalo na sa oras ng  Iftar (hapunan), sa pagaalmusal ng pagkain at inumin anupa’t ito’y matutunghayan sa  Hadith. At sa katunayan, may kahilingan ang isang nag-aayuno na hindi natatanggihan sa sandali ng kanyang pag-aalmusal sa hapunan (Iftar). 

16. Ang di pagsasagawa ng I`tikaf (pananatili sa Mosque) sa buwan ng  Ramadan lalong-lalo na sa huling sampung araw nito, anupa’t matutunghayan ang kadakilaan nito sa Qur’an at sa Sunnah. 

17. Ang paglalabas ng karamihan sa mga kababaihan sa Mosque nang may magagandang damit at humahalimuyak  na pabango kaakibat pa nito ang mga bagay-bagay na nagiging dahilan ng paglalaganap ng tukso. 

18 . Ang pagbibigay luwag sa paglalabas ng mga kababaihan sa gabi ng  Ramadan sa mga palengke na ang tanging kasama lamang ay banyagang tsuper, ni walang kasamang  Mahram. Kadalasan pa’y hindi naman ito kanais-nais. 

19. Ang di pagsasagawa ng  Sunnah At-Takbeer sa gabi bago ang Eid at sa kinaumagahan nito bago isagawa ang Salah, at sa sampung araw ng  Dhul Hijjah, anupa’t ito'y ipinag-uutos sa Qur’an. 

20. Ang pagpapaliban sa  Zakatul Fitr, samantalang ang wastong kaparaanan ng pamamahagi nito ay sa araw ng Eid bago isagawa ang Salah. At maaari ring ipamamahagi ito, isang araw o dalawang araw bago ang araw ng Eid.

Nawa’y ang pagpapala at kapayapaan ay ipagkaloob sa Propeta nating si Muhammad (salallaahu alaihi wasalaam ), sa kanyang mag-anak at mga kasamahan.

Ni: Shiekh Abdullah bin AbdulRahman Al-Jibreen
Isinalin sa Wikang Filipino ni: Muhammad Taha Ali
Reviewed by: Salamodin D. Kasim

Islamic Propgation Office in Rabwah


Saturday, June 8, 2013

''Ang Pag seselos ay hindi pagka kufur'




Disclaimer: Picture is not the owner of YPPA Inc.

بسم الله الرحمن الرحيم

May iilan sa mga Muslim na nagsasabi na ang pagseselos daw po ng asawang babae kawalan ng pananampalataya.

Mayroon ngang hadith na makikita nito Subalit sa hadith ng mga shi'ah

Ito ang sinabi ni Ali (رضي الله عنه)
Ang pagseselos ng babae ay kufr (kawalan ng pananampalataya ) at ang pagseselos ng lalaki ay Eeman [isang pananampalataya ].

Makikita ito sa aklat ng mga Shia na  "NAHJUL BALAGA/BAAB AL MUKHTUR MIN HIKAM AMIRIL MUMININ ALAYHI SALAM [124] 173"

Ngayon po ano po ba ang  NAHJUL BALAGA ? ... Ito po ang aklat ng mga shi'ah na  puno ng kasinungalingan na iniuugnay kay Ali bin Abi Talib ngunit ang totoo ay hindi niya ito sinabi at hindi niya ito mga salita.  Ang Aklat na ito ni As-Shariff Al-Murtada ay iniugnay ito kay Ali.

Sinabi ni Sheikhul Islam Ibn Taymiyyah:


"Katotohanan ang mga pantas ay nababatim na tunay na ang karamihan sa mga salaysay na ito (NAHJUL BALAGH)ay mga kasinungalinan laban kay Ali (kalugdan nawa ng Allaah)"

Kaya't ang pagseselos ay hindi Kufr, ito ay likas na sa  kababaihan at magiging kasalanan kung ito ay sobra na maging sanhi ng hidwaan.

Sinabi ni Ibnu Hajar sa Fathul Bari pagkatapos niyang banggitin ang mga Hadeeth ng pagseselos ni Aishah:

"Itoy patunay na hindi masama ang pagseselos at nangyari ito sa pinakamainam na kababaihan at maliban sa kanila, at ganito rin ang salaysay ni Imam At-Tabari at Sinabi ni Shiekh Ibn Uthaimin sa Majallatud Daawah:"

Ang pagseselos ay likas na sa mga  babae at hindi ito masama hanggat hindi niya kamumuhian ang pahintulot ng Allaah sa pag-asawa hanggang apat.

Wallaahu 'Alaam


ni: Salamodin Doton Kasim

Monday, June 3, 2013

"Ang hindi pagtupad sa pangako"



بسم الله الرحمن الرحيم


Ang katiting na bagay na ating pinangako, Impiyerno ang itinakda ng Allaah جل وعلا sa atin sa Pangakong Hindi Tutuparin.

Sabi ng Propeta Muhammad صلى الله عليه وسلم:

" Sinuman ang magkait sa karapatan ng iba sa kabila ng kanyang pangako ay itatakda ng Allah sa kanya ang impiyerno at ipagbabawal sa kanya ang pagpasok sa Paraiso. "

At nagtanong ang isang lalaki :" Oh sugo ng Allaah, kahit ba ito ay maliit na bagay lamang ? " Kanyang sinabi : " Kahit na ito ay patpat ng siwak lamang ( miswak ) . "

[Salaysay ni Muslim]

عن أبي أمامة (يعني الحارثي) رضي الله عنه , أن رسول الله صلى الله عليه و سلم قال : (( من اقتطع حق امرئ مسلم بيمينه فقد أوجب الله له النار و حرم عليه الجنة )) . فقال له رجل : " يا رسول الله ! و إن كان شيئا يسيرا ؟ قال : (( و إن قضيبا من أراك ))

أخرجه مسلم :137