Tuesday, October 15, 2013

Ano ang Dapat Gawin sa Araw ng Eidul Adha?

Ipinag-utos sa araw ng Eidul Adha sa mga hindi nagsasagawa ng Hajj ang lahat ng ipinag-utos na kaaaya-ayang gawin sa pinagpalang araw ng Eidul Fitr, at sa katunayan nauna nang nabanggit ito sa (pahina 158), maliban sa pagbibigay ng Zakatul Fitr, sapagka’t ito ay natatangi lamang para sa araw ng Eidul Fitr. 

At naiibang katangian ng Eidul Adha ay ang kaaya-ayang pag-aalay ng Udhhiyah bilang isang paraang mapalapit sa habag at biyaya ng Allah. 


Ang Udhhiyah: Ito ay tumutukoy sa alinmang pastulang hayop mula sa lipon ng kamelyo, baka o kambing na kinakatay sa araw ng Eid-ul-Adhaa na ang layunin ay mapalapit sa Allah. Ang simula ng pag-aalay ay pagkatapos ng pagdarasal sa Eid hanggang sa lumubog ang araw sa ikalabing tatlo mula sa buwan ng Dhul Hijjah. Ang Kataas-taasang (Allah) ay nagsabi:
 {Kaya ikaw ay marapat na mag-alay ng Salaah (pagdarasal) sa iyong Panginoon at maghandog ng sakripisyo (bilang pag-aalay)}. 
Al-Kauthar (108): 2



Sa katunayan, ito’y binigyang paliwanag na ang kahulugan ng talatang binanggit sa itaas ay ang pagsasagawa ng Salaah sa araw ng Eid-ul-Adha at ang pag-aalay ng Udh-hiyah.



Ang Hatol Nito: Ito ay Sunnah Muakkadah (kaaya-ayang gawain na binibigyang-diin) sa sinumang may kakayahan, kaya maaaring mag-alay ng Udh-hiyah ang isang Muslim para sa kanyang sarili at mga kasambahay.



At ang isang Muslim na naglalayong mag-alay ng Udh-hiyah [hayop] ay nararapat na umiwas mula sa pagputol ng kanyang buhok o paggupit ng kanyang mga kuko o pag-alis sa kanyang balat kahit kaunti, simula sa unang araw sa buwan ng Dhul Hijjah hanggang sa makatay niya ang alay na Udh-hiyah sa 10th of Dhul-Hijjah

Ang mga Patakaran na Dapat Tuparin Para sa Hayop na Iniaalay Bilang Handog:



  1. Ipinag-utos na ito ay nagmula sa lipon ng mga alagang [pinapastulang] hayop, tulad ng kambing, baka o kamelyo, samakatuwid hindi tinatanggap ang Udh-hiyah sa ibang mga hayop o mga ibon.
    Sapat na ang isang tupa o kambing para sa isang lalaki kabilang ng kanyang mag-anak [o mga kasambahay], at maaaring magsama-sama ang pitong katao para sa isang baka o isang kamelyo.
  2. Ang hayop ay nararapat na nasa tamang gulang. Sa tupa ang gulang nito ay dapat na anim na buwan, at sa kambing ay isang taon, at sa baka ay dalawang taon at sa kamelyo ay limang taon.
  3. Ang Kawalan ng Hayag na Kapintasan [o Kapansanan] ng Hayop. Sinabi ni Propeta (salallaahu alaihi wasalaam :                                                                                      «Apat ang hindi tinatanggap para sa mga Udh-hiyah: Ang hayop na bulag na sadyang lantarang ang pagkabulag nito, ang hayop na may sakit na sadyang lantaran ang sakit nito, ang pilay na lantaran ang pagkapilay nito at ang patpatin [o labis na payat] na walang utak [ang buto nito]». (An-Nisaai: 4371 – At-Tirmidhi: 1497)                                                       
Ano ang Nararapat Gawin Para sa Udh-hiyah?
  • Ipinagbabawal na ipagbili ang Anumang Bahagi ng Udh-hiyah.
  • Higit na mabuti na ipamahagi ang karne nito sa tatlong bahagi, ang unang ikatlong bahagi nito ay para sa kanyang pagkain at ang ikalawang ikatlong bahagi nito ay dapat ipamigay bilang handog, at ang huling ikatlong bahagi ay dapat ipamahagi sa mga mahihirap bilang kawanggawa. 
  • Ipinahihintulot sa taong (nag-aalay) na ipagkakatiwala ito sa iba o ibigay ang kayamanan sa mga mapagkakatiwalaang institusyon ng kawanggawa na tumatayo [bilang tagapangasiwa] sa pagkatay sa Udh-hiyah at sa pamamahagi nito sa mga nangangailangan.

Sunday, October 13, 2013

Ang Pagiging Bukas Palad


Ang Propeta [sallallahu alayhi wa sallam] ay pinakamapagbigay at bukas-palad sa mga tao sa paggawa ng kabutihan, at siya ay higit na mapagbigay sa buwan ng Ramadhan sa mga sandaling kinakaharap siya ni Anghel Gabriel. At sa bawat gabi ng Ramadhan, siya ay kinakaharap ni Jibril [alayhis salam] hanggang sa lumisan ito, ipinahayag niya sa Propeta [sallallahu alayhi wa sallam] ang Qur'an, kaya kapag siya ay nakipagharap sa Anghel Jibril ,siya ang pinakamapagbigay at bukas-palad sa gawaing kabutihan nang higit kaysa sa humahagibis na hangin.


[Al-Bukhari at Muslim].

Kainlanman ay walang humingi sa kanya nang anuman maliban na ito ay kanyang ipinagkaloob. Isang lalaki ang lumapit sa kanya at kanyang binigyan ito ng tupa na ang dami ay halos mapuno ang pagitan ng dalawang bundok, kaya bumalik ito sa kanyang mga tao at nagsabi:" O kayong mga tao! Magsipagyakap kayo sa Islam sapagkat si Muhammad ay nagbibigay ng isang handog na hindi pinangambahan ang paghihikahos.

[Muslim 2312].

Friday, October 11, 2013

Paying money to Charity Organisations for the slaughtering [to be done on your behalf] is against the Sunnah

The following is the fatwa of Shaikh al-Fawzan on this issue:

Q: “A fatwa has spread from you in recent times that paying money to Charity Organisations for the slaughtering [to be done on your behalf] is against the Sunnah? What’s your opinion on this oh Shaikh?”

A: “Yes I say this now, The legislated sacrifice is done in the household [i.e. by the by person himself in his country], the household of the one slaughtering, amongst his children, and amongst his neighbours, the one slaughtering eats from it, him and his children, and they give it in charity [distribute it] and give it as a gift…so they are to be slaughtered in the houses, in the houses of the Muslims [i.e. done yourselves and not abroad] so that the household obtains its benefits, apparent and concealed.

However if it slaughtered in some other place [abroad] then these distinctions that the slaughtering was prescribed for are lost; as for an individual who wishes to give it in charity [i.e. those who may claim that the poor will benefit from the sacrifice abroad more than us, which may be true] then give in charity generally [i.e. send money abroad to them in any case any time] – as for the specific acts of worship then they are to remain as they have been prescribed. Indeed the prophet صلى الله عليه و سلم would sacrifice in his household, and the companions would sacrifice in their households and they never sent money outside or abroad for animals to be bought and slaughtered there, since that causes the benefits of slaughtering to be forfitted, so indeed it is a rite of Islam [prescribed in a particular way to be done].

Source:http://salaficentre.com/2012/10/buying-a-sacrifice-via-various-charitable-organisations-to-be-slaughtered-abroad-for-the-poor/

HAJJ - Ang Paglalakbay sa Makkah

HAJJ:

"At ang paglalakbay sa (Banal na) Tahanan para sa Allah ay isang tungkulin ng Sangkatauhan, na may kakayahang pumaroon. At para sa hindi sumasampalataya (alalahanin nila) na ang Allah ay walang pangangailangan sa Kanyang mga nilikha." [Qur'an 3:97]

Ang Kahulugan ng Hajj

Ang Hajj ay isang pagdalaw sa banal na lugar ng Makkah upang bigyang-alala ang matibay na paniniwala sa Kaisahan ng Allah (Tawhidullah). Ang hajj ay isang paglalarawan ng kahalagahan ng Islam sa pamamagitan ng mahigpit na pagtalikod sa lahat ng uri ng Shirk(idolotriya). Bawat Muslim ay malakas na inihahayag sa Talbiyah: "La sharika lak" (At Sa Iyo ay Walang katambal o kaugnay). Ang lahat ng ritual ng Hajj katulad ng Tawaf (pag-ikot sa Ka'bah), Sa'i (paglalakad sa Safa at Marwa), Rami (paghahagis ng bato sa Jamrat), Wuquf(ang pagtigil o pananatili sa Arafat), Mabeet (pagpapalipas ng magdamag sa Mina at Musdalifah) ay mga gawain upang maalaala ng isang muslim ang kaniyang Panginoon, Ang Allah, Ta A'la. Lahat ng dalangin (dua) ay isinasagawa para lamang sa Allah. At ang lahat ng pook na pinupuntahan ay kasaysayang nauukol sa Pagsamba sa Tunay na Nag-iisang Diyos, ang Allah (Tawhid). Isa sa mahalagang bahagi ng Tawhid ay ang kasaysayan ni Propeta Abraham, na siyang nagtayo ng unang tahanan ng Allah, ang Kaba'a, bilang pinakasentro ng dalanginan. Ang kasaysayan ni Propeta Abraham ay isang mahabang kasaysayan na punong-puno ng pagsasakripisyo at ganap na pagsuko sa Allah. At dahil sa kanyang katatagan sa mga pagsubok para sa landas ng Allah, siya ay pinarangalan bilang Imam ng Sangkatauhan.

"At nang ang Kanyang Panginoon ay sinubok si Abraham sa Kanyang Kautusan, at kanyang tinupad ang mga ito. Siya ay nagsabi : Ikaw ay Aking gagawing Imam para sa Sangkatauhan."[Qur'an 2:124]

Ang Ka'abah

Ang Kabah ay itinatag ni Propeta Abraham (sumakanya nawa ang kapayapaan) hindi lamang para maging isang pook dalanginan at pagsamba ngunit higit sa lahat mula sa unang araw ng pagkakatayo nito, ito ay ginawang sentro ng pagpapalaganap ng Pananampalataya ni Propeta Abraham na ang layunin ay yaong ang lahat ng mananampalataya sa Allah ay magkatipon-tipon na nagmula sa ibat-ibang panig ng mundo, magsagawa ng ibadah at magsibalik sa kani-kanilang bayan na may malinaw na mensahe ng Pananampalataya ni Abraham. Ang pagtitipong ito ay tinawag na Hajj. Ang nagtayo ng Ka'bah ay ang mag-amang Abraham at Ismael. Kung paano isinasakatuparan ang Hajj, ang Qur'an ay naglarawan nito:

"Tunay na ang kauna-unahang tahanan (sambahang) itinakda para sa sangkatauhan ay ang nasa Bakkah, pinagpala,at patnubay sa lahat ng tao. Naroroon ang mga malinaw na tanda tulad halimbawa ng kinatatayuan ni Abraham (Maqam Ibrahim). Ang sinoman ang pumasok rito ay may katiwasayan." [Qur'an 3:96-97

"At di ba nila nakikita na Aming ginawang banal na lugar, (ang Makkah) samantalang ang kapaligiran ng mga tao ay nasa kaguluhan?" [Qur'an 29:67]

Ang Dalangin ni Propeta Abraham at Ismael

"At (gunitain) nang Aming ginawa ang (Banal na) Tahanan (sa Makkah) bilang himpilan ng Sangkatauhan at isang pook ng Katiwasayan. At gawin ninyong pook dalanginan ang Maqam Ibrahim (kinatatayuan ni Abraham habang siya ay dumadalangin)

At Aming inutusan sina Abrahan at Ismael na gawin malinis ang Aking Tahanan (ang Kab'ah sa Makkah) para sa mga nagsasagawa ng tawaf (pag-ikot sa Kab'ah) at para sa mga yumuyuko at nagpapatirapa ng kanilang mga sarili (sa panalangin)

At (gunitain) nang si Abraham ay nagsabi, "Aking Panginoon, gawin mo po ang bayang ito (Makkah) na pook ng Katiwasayan at bigyan mo po ang mga mamamayan nito ng mga bunga, ang sinuman sa kanila na naniniwala sa Allah at sa Kabilang Buhay." Siya (Allah) ay sumagot:"At sa mga hindi sumasampalataya, ay bibigyan ko ng panandaliang kaginhawahan at pipilitin sa parusa ng Apoy at tunay na kalunos-lunos na hantungan!

At (gunitain) nang si Abraham at (kanyang anak) Ismael ay itinatayo ang mga haligi ng Tahanan (Kab'ah sa Makkah), na (nagsasabing), "Aming Panginoon! tanggapin mo po mula sa amin (itong paglilingkod). Tunay na Kayo ang palakinig, ang Maalam."

"Aming Panginoon! Gawin mo po kaming laging sumusuko sa inyo at pati na ang aming mga supling- mga mamamayang sumusuko sa Iyo, At ipakita Mo po sa amin ang manasik (wastong paraan ng pagsasagawa ng Hajj). At tanggapin Mo po ang aming pagsisisi. Tunay na Kayo ang tumatanggap ng pagsisisi, ang Maawain.

"Aming Panginoon, padalhan Mo po sila ng isang sugo (Muhammad) na buhat sa kanila na bibigkas ng Inyong pahayag na magtuturo sa kanila ng Aklat (ang Qur'an) at Al-Hikmah (Karunungan) at pagpalain sila. Tunay na Kayo ang Makapangyarihan, Ang Matalino."(Qur'an 2:125-129)

"At (gunitain) nang Aming itinuro kay Abraham ang pook ng (Banal na) Tahanan, na nagsasabing: Huwag kayong mag-uugnay sa Akin ng anumang katambal (o kasama) at panatilihing malinis (wagas) para doon sa mga papalibot dito at para sa mga tumatayo (sa panalangin) at para sa mga yumuyuko at nagpapatirapa (isinusuko ang mga sarili ng may pagpapakumbaba at pagsunod sa Allah).

At ipahayag sa Sangkatauhan ang Hajj (Paglalakbay sa Makkah). Sila ay darating sa inyo na naglalakad at nakasakay sa kamelyo. Sila ay magmumula sa bawat maluwang at malalim na daanan ng bundok. Upang sila ay sumaksi sa mga bagay na makabubuti sa kanila at sambitin (banggitin) ang pangalan ng Diyos (Allah) sa itinakdang mga araw. Mula rito (sa mga inihandog na hayop) ay kumain at magpakain sa mga mahihirap na kapuspalad." [Qur'an 22:26-28]

Sino Ang Dapat Magsagawa ng Hajj?

May mga patakarang itinakda ang Islam sa pagsasagawa ng Hajj.

Ang unang patakaran sa sinomang magsasagawa ng Hajj ay siya ay nararapat na muslim. Ang mga di-muslim ay nangangailangan munang maging Muslim bago sila pahintulutang magsagawa ng Hajj sapagkat ang Hajj ay isang tungkulin na may kalakip na tamang pananampalataya upang ito ay tanggapin ng Allah.

Ang pangalawa at ikatlong patakaran ay yaong siya ay nararapat na nasa tamang gulang at kaisipan. Ang isang Muslim ay nararapat na nasa hustong gulang at tamang kaisipan upang ang kanyang pagsasagawa ng Hajj ay maituturing na itinakdang tungkulin sapagkat ang gantimpala at parusa ay iginagawad bunga ng pagpili sa kabutihan o kasamaan. Kaya ang isang bata o baliw na tao na hindi nakakakilala ng tama o mali ay wala ding tungkuling magsagawa ng Hajj. Ang isang bata na may tamang kaisipan ay binibigyan ng gantimpala sa kanyang pagsasagawa ng Hajj ngunit ang kanyang Hajj ay kailangang ulitin niya sa pagdating ng kanyang hustong gulang.

At ang ikaapat na patakaran ay yaong siya ay nararapat na may kakayahang pananalapi at kalusugan. Kung wala siyang sapat na salaping panggastos at mahina ang pangangatawan, hindi kinakailangang magsagawa ng Hajj. Ang ika-lima ay para lamang sa babae, at ito ay angMahram. Ang mga babae ay makapagsasagawa lamang ng Hajj, kung sila ay may kasamang lalaking kamag-anakan (mahram, mga kamag-anakan na hindi sila maaaring pakasalan). Si Aisah, ay nagtanong kay Propeta Muhammad (snk):

"O, Propeta ng Allah, ang mga babae ba ay kinakailangang sumama sa Jihad?" Si Propeta Muhammad (snk) ay sumagot: "Sila ay nararapat magsagawa ng Jihad ng walang pakikipaglaban- ito ay sa pamamagitan ng pagsasagawa ng Hajj at Umrah).

Si Propeta Muhammad (snk) ay nagsabi:

"Ang sinomang nagsagawa ng Hajj para lamang sa Allah at sa pagsasagawa nito, siya ay umiiwas mula sa mga masamang pagnanasa at masamang kilos, siya ay lumisan mula rito (umuuwi pabalik sa kaniyang lugar) ng malinis katulad ng isang batang bagong panganak."


Ang Kahalagahan ng Hajj bilang itinakdang Matimtimang Gawain

Ang Allah ay nagsabi sa Qur'an:

"At ang paglalakbay sa (Banal na) Tahanan para sa Allah ay isang tungkulin ng Sangkatauhan para sa Allah na may kakayahang pumaroon. At para sa mga hindi sumasampalataya, (alalahanin nila) Na ang Allah ay walang pangangailangan sa Kanyang mga nilikha" [Qur'an 3:97]

Sa bersikulong nabanggit, ang hindi pagsasagawa ng Hajj sa kabila ng may kakayahang magsagawa nito, ay itinuturing na walang pananalig. Ang patunay nito ay matatagpuan sa Hadith ni Propeta Muhammad (snk) na nagsabing:

"Sinoman ang may kakayahan at kaginhawan na maglakbay sa Banal na Tahanan ng Allah at sa kabila nito ay hindi nagsagawa ng Hajj, ang kanyang kamatayan sa pagkakataong ito ay katulad ng kamatayan ng isang Hudyo o Kristiyano."

Si Khalifa Omar ibn Khattab ay nagsabi:

Aking pagbabayarin ng Jizya (buwis ng mga di-muslim) ang sinomang hindi nagsagawa ng Hajj sa kabila ng kanilang kakayahan. Sila ay hindi mga muslim. Sila ay hindi mga muslim."

ANG KABUTIHAN NG HAJJ

1. Matimtimang Paglalakbay

Ang mga tao sa buong daigdig ay nakababatid ng dalawang uri ng paglalakbay. Ang isang uri nito ay paglalakbay upang maghanap-buhay. Ang pangalawang uri nito ay upang magliwaliw at makita ang kagandahan ng ibat-ibang bansa. Sa dalawang uri ng paglalakbay na ito, ang tao ay napipilitang gumugol ng salapi at panahon ng dahil sa kanyang pansariling pangangailangan at pagnanasa. Ngunit ang paglalakbay sa Makkah na tinatawag na Hajj ay ibang-iba. Ito ay isang paglalakbay na hindi upang maghanap-buhay o para sa pagliliwaliw ng sariling kasiyahan kundi ito ay isang paglalakbay na ang tunay na layunin ay para sa Allah, ang tuparin ang pananagutan at tungkuling itinakda ng Allah para sa kanya. Walang tao ang makapaghahanda nito maliban doon sa mga taong nagmamahal sa Allah ng buong puso at doon sa mga may takot at matatag na sumusunod sa takdang batas ng Allah. Kaya ang sinumang nagtangkang maglakbay para sa Allah, iniiwan nito ang kanyang pamilya, negosyo, at tinitiis niya ang hirap ng paglalakbay. At dahil sa ganitong pagkakataon, tumitibay at tumatatag ang kanyang iman o pananampalataya sa Allah, nagkakaroon siya ng takot sa Allah, natututuhan niyang mahalin ang Allah bilang kanyang Panginoon. Ito ay isang patunay na siya ay nakahandang magtiis para sa paglilingkod sa Allah.

2. Hangarin Tungo sa Kabanalan at Kabutihan

Kapag ang isang tao ay naghanda upang maglakbay na may tapat na hangarin para sa Allah, ang kanyang puso ay may init na nagbibigay lakas upang maramdaman niya ang pagmamahal ng Allah. At sa kanyang paglalakbay, nararamdaman niya ang mga layuning dapat isagawa para sa kaniyang buong buhay. Nagkakaroon siya ng pagkakataon na mapag-isipan ang kanyang buhay, ang pagtatangkang magbagong buhay, gumawa ng mabubuting gawain at higit sa lahat ang layong magsisi at magbalik loob sa Allah. Siya ay maingat na huwag manakit ng kanyang kapwa. Ang kanyang sarili ay umiiwas sa pang-aabuso, kalaswaan, pandaraya, pagsisinungaling at masamang pananalita. Kaya ang kanyang paglalakbay ay isang daan upang mapanatili ang kalinisan sa kanyang puso, at kaisipan. Si Propeta Muhammad (snk) ay nagsabi:


"Ang gantimpala ng Hajj Mabroor (Hajj na tinanggap ng Allah dahil sa katapatan) ay walang iba maliban sa Paraiso."

3. Pagmamahal sa Allah

Pagkaraan ng pagsusuot ng Ihram, at sa lahat ng oras, ang salita na namumutawi sa bibig ng mga nagsasagawa ng Hajj ay: Labbaik Allahuma Labbaik (Narito ako, O, Allah, maglilingkod sa Iyo.) At dahil sa katapatan ng paglilingkod sa Allah, nagiging malapit ang isang nagsasagawa ng hajj sa Allah.

4. Paraan Para sa Katatagan at Sakripisyo

Sa pagsasagawa ng Hajj, ang isang muslim ay nadadaanan niya sa iba't-ibang dako ng Arabiaang mga ala-ala ng mga taong nagsakripisyo at nagpakatatag sa paglilingkod sa Allah. Sila ay nagpakasakit at nagtiis sa lahat ng hirap hanggang maitatag nila ang tunay na Batas ng Allah at pinawi nila ang anumang kasamaang namamayani sa kanilang kapaligiran.

5. Matutuhanan Ang Diwa ng Ummah

Ang Hajj ay isang paraan upang magkaroon ng moral na kaisipan ang pamayanang muslim. At dahil dito, ang bawat magsagawa ng hajj ay nagkakaroon ng tunay na pagmamalasakit sa kabuuan ng Ummah ng Islam.

6. Tanda ng Pagkapantay-pantay ng Tao

Sa pagsusuot ng Ihram, ang isang tao ay nakakaramdam ng kaginhawaan sa katawan at puso. Dito ay nakikita ang pagkakapantay-pantay ng tao. Walang pangmamataas ng loob at pagpapakita ng karangyaan. Lahat ay nasa simpleng kaayusan na walang hangarin kundi ang maglingkod at alalahanin ang Allah. Ang karumihan ng puso dahil sa pagnanasa ng makamundong materyal ay nawawala at ang takot at pagmamahal sa Diyos ang siyang laman ng puso. Kaya ang Hajj ay isang paraan din upang mapag-isipan natin ang isang mabuti at simpleng buhay.

7. Pagtitipon ng Kapayapaan

Ang Hajj ay panahon ng Kapayapaan; ang Makkah ay pook ng kapayapaan, ang hajj ay siyang pinakamalaking pagtitipon para sa kapayapaan sa buong kasaysayan ng sangkatauhan.

8. Pagtalikod sa Lahat ng Uri ng Shirk

Ang hajj ay pagsasaad ng ganap na pagtalikod sa anumang uri ng Shirk sapagkat ang sigaw ng bawat nagsasagawa ng hajj ay tanda ng ganap na pagkilala at pagsamba sa tunay at nag-iisang Diyos, Allah.

Ang talbiyah ay nagpapatunay na ang isang mananampalataya ay alipin lamang ng isang Panginoon, ang Allah.

IHRAM SA MIQAAT

Mayroong mga palatandaan sa paligid ng Makkah na dapat isaalang-alang ng mga magsasagawa ng hajj sa pagsusuot ng Ihram. Ang mga nakasakay ng eroplano ay dapat na magsuot ng Ihram kapag dadaanan nila ang lugar ng Miqaat. Ang tagapangasiwa sa eroplano ay nagbibigay paalala sa mga "pilgrims" kapag ang eroplano ay nasa lugar na kinasasakupan ng miqaat.

Bago magsuot ng Ihram ang mga magsasagawa ng Hajj, kailangang alisin ang lahat ng may tahing damit at maglinis ng katawan sa pamamagitan ng wudhu o ghusl (paliligo). Pinagpapayuhan na gupitin ang mga kuko, ahitin ang mga balahibo sa kili-kili at pribadong bahagi at maglagay ng pabango. At pagkatapos ay magsuot ng dalawang hindi tinahing tela: isa para sa itaas na bahagi ng katawan at ang isa ay para sa ibabang bahagi ng katawan. Ang mga babae ay maaaring magsuot ng anumang kulay ng damit ngunit nararapat na ang lahat ng bahagi ng katawan ay nakatakip maliban sa kanyang mukha, mga kamay at paa.

Kapag nakasuot na ng Ihram nararapat na magsagawa ng Niyyat (intensiyon) at magsimulang magpahayag o bumigkas ng Talbiyah.

Mga Ipinagbabawal na Gawain kung Naka-Ihram

Sa pagsusuot ng bihisang damit Ihram na may lakip na niyyat (intensiyon) at nagpapahayag ng Talbiyah, ang isang muslim ay nagsisimulang ilagay sa kanyang isipan ang mataimtim na pagnanasang maglingkod sa Allah. Kaya, ang mga sumusunod na gawain ay ipinagbabawal:


  • Ang pakikipagtalik o anumang seksual na ugnayan. 
  • Ang pag-aasawa o pakikipagkasunduan sa pag-aasawa. 
  • Ang pumatay o mangaso (hunting) 
  • Ang alisin ang alinmang buhok sa anumang bahagi ng katawan na walang legal na kadahilanan. 
  • Ang maglagay ng pabango (ang natitirang pabango ng unang paglagay nito habang nagsusuot ng Ihram ay pinahihintulutan) 
  • Ang mag-alis o magputol ng mga kuko. 
  • Ang magsuot ng damit na mayroong tahi o kinulayan (ito ay ipinagbabawal sa lalaki lamang) 
  • Ang paliligo, paggamit ng payong o anumang silungan, ay pinahihintulutan.

TALBIYAH

Tinig ng Pagdakila sa Diyos
Ang sigaw ng bawat manlalakbay ay:

"Labbaik, Allahuma Labbaik. Labbaika La Sharika laka Labbaika. Innal Hamda Wanni’mata Laka Wal Mulk. La Sharika Lak."

Dito ay muling nagbibigay paalala ang tunay na diwa ng pagsamba na unang ginawa ni Propeta Abraham at Ismael.

TATLONG URI NG HAJJ.

1. Hajj At -Tamatt'u
Ito ay nangangahulugan ng pagsusuot ng Ihram para sa 'umrah sa panahon ng Hajj, ang pag-alis ng Ihram pagkaraan ng 'umrah at pagsuot muli ng Ihram para sa Hajj mula sa Makkah sa ika-8 araw ng Dhul Hijja. Sa ganitong uri ng Hajj, ang pagsasakripisyo ng isang tupa o ikapitong bahagi ng isang kamelyo o baka ay itinuturing bilang isang itinakdang tungkulin sa Araw ng Pagsasakripisyo. Kung hindi maisasagawa ito, nararapat na mag-ayuno ng sampung araw, ang tatlo sa mga ito ay sa panahon ng hajj at ang nalalabing pito ay pag-uwi sa sariling bayan.

Mas makabubuti kung mag-ayuno ng tatlong araw bago ang Araw ng Arafat.(9th araw ng Dhul Hijjah)

2. Hajj Al -Qiran
Ito ay nangangahulugan ng pagsuot ng Ihram para sa 'umrah at Hajj nang sabay, hindi inaalis ang ihram hanggang sa Araw ng Pagsasakripisyo (ang 10th ng Dhul Hijja.). Katulad din ng Hajj Tumatt'u, mas makabubuti kung mag-ayuno ng tatlong araw bago sumapit ang araw ng Arafat kung walang pang-alay na hayop.

3. Hajj Al - Ifrad
Ito ay nangangahulugan ng pagsuot ng ihram para lamang sa pagsasagawa ng hajj mula sa itinakdang Miqaat, mula sa Makkah kung ang magsasagawa ng hajj ay nakatira roon o kaya naman ay mula sa lugar na hindi sakop ng miqaat.

TAWAF AL QUDOOM

Unang Pagdating sa Makkah

Sa pagdating sa Ka'bah, ang isang nagsasagawa ng Hajj ay hinihinto ang pagtatalbiyah. Siya ay magsasagawa Tawaf sa Ka'bah. Ang tawaf ay isinasagawa sa pamamagitan ng pag-ikot at paglakad sa Kabah ng pitong beses na nagsisimula sa gilid ng Batong Itim (Al Hajar Al Aswad) at natatapos din dito. Ang pagsasagawa ng tawaf ay nangangailangan din na ang isang muslim ay nasa malinis na kalagayan (ibig sabihin naka-wudhu). Ang tawaf ay natatapos pagkaraan ng pagsasagawa ng dalawang raka't sa likod ng Maqam Ibrahim (kinatatayuan ni Abraham). Pagkaraan, makabubuting uminom ng tubig mula sa bukal ngZamzam.

SA'I

(Paglalakad sa Safa at Marwa)

Ito ay isinasagawa bilang ala-ala kay Hajar na asawa ni Propeta Abraham, nang siya ay naghahanap ng tubig upang painumin ang kanyang anak na si Ismael. Siya ay tumakbo sa magkabilang bundok ng Marwah at Safa. At sa pagpapala ng Allah, sumibol ang isang bukal at si Ismael ay napainom ng kanyang Ina. Ang bukal na ito ay nananatili hanggang sa kasalukuyan na tinatawag na Zamzam Well. Ang Sa'i ay sinisimulan mula sa Safa at nagtatapos sa Marwah. Mayroong pitong ikot ang pagsasagawa ng Sa'i. Sa pagsasagawa ng Sa'i, nararapat na luwalhatiin at purihin ang Allah at laging dumalangin ng kapatawaran at kasaganaan sa Kanya.

Pagkaraan ng Sa'i, matatapos ang Umrah sa pamamagitan ng pag-ahit o pag-gupit ng buhok sa ulo. Subalit mas mabuti kung ipagupit lamang ito upang sa Araw ng Pag-aalay ng hayop ay may natitirang buhok para ahitin.

ANG PAGSASAGAWA NG HAJJ.

Ang ika-8 Araw ng Dhul Hijja Simula ng Hajj

Sa ika-walong araw ng Dhul Hijja, ang mga magsasagawa ng Hajj (yaong hindi nakasuot ng Ihram) ay nararapat maligo at magsuot ng Ihram na may niyyat na magsagawa ng Hajj at tumungo sa Mina bago magtanghali o agad-agad pagkamakatanghali. Siya ay nararapat na palagiang bumibigkas ng Talbiyah. Sa Mina, ang mga masasagawa ng Hajj ay nararapat mag-alay ruon ng limang beses na Salah, Zuhr, 'Asr at Maghrib at Isha (2 rakat lamang) at Fajr. Ang pagtungo sa Mina sa araw na ito at ang pagpapalipas ng gabi rito ay isang sunnah ngunit hindi naman isang itinakdang tungkulin. Makabubuting magtungo rito sapagkat ito ay gawain ni Propeta Muhammad (snk).

Ang ika-9 Araw ng Dhul Hijja - Araw ng Arafat

Pagkaraan ng pagsikat ng araw, ang mga magsasagawa ng Hajj ay aalis mula sa Mina tungo sa Arafat. Sa kanilang paglalakbay, sila ay patuloy na nagpapahayag ng Talbiyah. Paglipas ng tanghali, ang Imam ay magbibigay ng Khutba sa masjid ng Namira para sa mga nagha-hajj. Pagkaraan ng Sermon, ang mga nagha-hajj ay nagsasagawa ng kanilang pinagsamang salatul-Zuhr at Asr (tig-dalawang rakats lamang). Ang araw ng Arafat ay isang dakilang araw ng pagsamba, pagbibigay karangalan,pagdakila at luwalhati at pag-ala-ala sa Allah. Sa malawak na kapatagan ng lupaing Arafat, ang mga luha ay tumutulo sa bawat nagha-hajj. Ang mga kamalian at kasalanan ay pinagsisihan at mataimtim na humihingi ng kapatawaran. Tunay ngang maligaya ang bawat Muslim na naroroon sapagkat sila ay umaasa sa Awa at pagpapala ng Allah. Kaya, si Propeta Muhammad (snk) ay nagsabi:
"Ang Hajj ay Arafat"
Ang isang nagha-hajj ay maaaring magdasal sa alin mang lugar sa Arafat. Hindi kailangang magtungo pa siya sa Bundok ng Rahmat (Mount of Mercy).

Ang Gabi sa Muzdalifa

Sa paglubog na araw, ang mga nagha-hajj, ay naghahanda patungong Muzdalifa, patuloy sa pagbigkas ng Talbiyah. Sa pagdating sa Muzdalifa, ang unang dapat gawin ay ang pagsasagawa ng salatul maghrib at salatul-isha (2 raka't). Ang mga nagha-hajj ay nagpapalipas ng gabi dito at nagsasagawa ng salatul Fajr. Hindi kailangan na ang isang nagha-hajj ay pumasok sa Al Mash'ar Al Haram masjid sapagkat ang lahat ng lugar ng Muzdalifa ay sakop ng ritual na paghinto.

Ang 10th Araw ng Dhul Hijja - Araw ng Eid

Bago sumikat ang araw, ang nagha-hajj ay lumilisan mula sa Muzdalifa tungo sa Mina. Sa pagdating nila sa Mina, tinitigil ang pagbigkas ng Talbiyah at siya ay naghahanda para sa paghagis ng pitong bato ng sunod-sunod sa Jamrat Aqaba (ang huling haligi) at itinataas ang mga kamay at nagsasabing "Allahu Akbar". Kapag ito ay naisagawa na, ang isang nagha-hajj ay nararapat na mag-alay na kanyang hayop habang sinasambit niya ang "Bismillahi Allahu Akbar)" Makabubuting kumain mula sa inihandog na hayop, ipamigay ang ibang bahagi sa kawanggawa. Pagkaraan nito, ang isang Hajji, ay inaahit ang ulo o kaya naman ay pinuputol ng maikli ang buhok. Mas makabubuti kung mag-ahit ng buhok sa ulo. Ang isang babaeng muslim ay nagpapaputol din ng buhok na ang sukat ay mga isang pulgada ang haba. Pagkaraan nito, ang lahat ay maaaring gawin maliban sa pagkikipagtalik sa asawa. Ito ay isang sunnah na maglagay ng pabango at magtungo sa Makkah para sa pagsasagawa ng Tawaf Al Ifada.

Ang Tawaf Al-Ifada

Ang pagsasagawa ng Tawaf Al Ifada ay isang haligi ng hajj at ang Hajj ay walang kaganapan kung wala nito. Pagkaraan ng Tawaf, dapat na magagawa ng dalawang rakat sa likod ng Maqam Ibrahim. At tumungo sa Marwa at Safa upang magsagawa ng Sa'i. Makabubuti na uminom sa bukal ng Zamzam pagkatapos mag-sa'i at pagkaraan ay mag-alay ng dasal sa Allah. Ang mga bagay na ipinagbabawal (sa panahon ng pagsasagawa ng Hajj) ay maaari ng gawin kasama na ang pakikipagtalik sa asawa.

Ang Pamamalagi sa Mina

Pagkatapos ng Tawaf Al Ifada, ang isang muslim ay bumabalik sa Mina, ginugugol ang tatlong gabi rito (11, 12, 13 ng Dhul Hijja) at naghahagis ng pitong bato sa bawat tatlong Jamrat ng magkakasunod na araw. Pagkaraan ng paghagis ng bato sa jamrat, ito ay sunnah na dapat humarap sa Qibla at magsabi ng "Allahu Akbar". Pagkaraan ng paghagis ng bato sa ikatlong Jamrat, ang isang muslim ay maaaring umalis kahit hindi nagdarasal. Ang pamamaraang ito ay dapat sundin sa nalalabi pang dalawang araw.

Ang mga nagnanais na manatili sa Mina sa ika-10th ng Dhul Hijja ay maaaring gawin ito sa pamamagitan ng pag-aantala ng Tawaf Al Ifada. Ngunit bago ang tawaf na ito, ang pakikipagtalik sa asawa ay ipinagbabawal. Ang ritual ng Araw ng Eid ay may apat na bahagi. Una, ang paghagis ng bato sa mga Jamrat, pangalawa, ang pag-aalay ng hayop (sacrificial animal), pangatlo, ang pag-gupit o pag-ahit ng buhok, at pang-apat, ay ang Tawaf at Sa'i.

Ang Pagbabalik Muli sa Makkah

Pagkaraan ng (Rami) paghagis ng bato sa jamrat sa unang dalawang araw (11th at 12th), sinuman ay maaaring umalis sa Mina bago lumubog ang araw. Ang isang naantala ay kailangang gumugol ng isa pang gabi sa Mina at maghagis ng bato sa Jamrat pagkaraan ng tanghali. Ang mga maysakit, matanda o mga babae ay maaaring utusan ang iba na maghagis ng bato para sa kanila.

Tawaf Al-Wada - Ang Tawaf ng Pamamaalam

Kung ang isang Hajji ay nagnanais umalis sa Makkah, kinakailangan na siya ay magsagawa ng Tawaf maliban sa isang babae na may buwanang pagdurugo (menses).

source: [PLPHP]

Thursday, October 10, 2013

تعليمات قبل الحج Mga paalaala bago magsagawa ng Hajj

UNA: Nararapat sa nagsasagawa ng Hajj bago bumiyahe at umalis patungo sa sagradong tahanan (Ka`bah) na isagawa muna ang mga bagay na siyang kaganapan ng kanyang Hajj at Umrah at upang ang kanyang gawain ay maging katanggap-tanggap – sa kapahintulutan ng Allah.
At ang ilan sa mga ito ay ang sumusunod:
1. Al-Istikhaarah (ang paghiling sa Allah ng wastong pagpapasiya) at Al-Istisharah (ang pagsasangunian ng isa't isa sa opinyon). Samakatuwid, walang mawawala ang sinumang humiling sa Allah ng wastong pagpapasiya, at walang pagsisisi ang sinumang nakipagsanggunian sa isa't isa. Kaya hilingin sa Allah kung ano ang tamang oras, magandang biyahe, mabuting kasamahan at tumpak na daan kung marami ang daan, at pagkatapos ay makipagsanggunian sa mga taong may karanasan at makadiyos.
Ang pamamaraan ng Istikhaarah: Ang magsagawa ng dalawang rak`ah, at (pagkatapos ay) manalangin mula sa mga mapapanaligang panalangin na matatagpuan sa mga aklat ng Dhikr (paggunita) at Du`a' (panalangin).
2. Ang kawagasan ng layunin sa Allah – ang Kataas-taasan: Samakatuwid, nararapat sa nagsasagawa ng Hajj na kanyang isasapuso sa pagsasagawa niya ng Hajj at Umrah ang kagalakan ng Allah at ang Huling Araw, upang ang kanyang mga gawain, salita at mga ginugol ay maibilang sa pagpapalapit sa Allah.
3. Ang pag-aaral sa mga alituntunin ng Hajj at Umrah at mga bagay na nauukol dito: Kaya't pag-aralan ang mga kondisyon, obligado, saligan at mga mabubuting gawain sa Hajj, nang maisakatuparan ang pagsamba sa Allah sa tamang katuruan at nang hindi masadlak sa mga pagkakamali na siyang makakasira sa kanyang Hajj. Sa katunayan, ang mga sinaunang Pantas at maging ang mga bago ay nakapaglathala na ng mga aklat patungkol sa paksang ito. Kaya nararapat sa nagsasagawa ng Hajj na saliksikin ito at basahin, magtanong sa mga eskolar at mga Pantas tungkol sa mga di nalalaman at nauunawaan mula sa mga alituntunin at pamamaraan ng Hajj at Umrah.
4. Ang paghanda sa mga kakailanganin ng kanyang pamilya at ang pagbigay ng payo sa kanila tungkol sa At-Taqwah (ang kabanalan ng takot sa Allah). Tungkulin ng nagsasagawa ng Hajj ang ipaghanda sa kanyang pamilya at ang sinumang nasa ilalim ng kanyang pananagutan ang anumang kakailanganin nila tulad ng pera, pagkain, inumin atbp. nang hindi maging tungkulin pa ng mga tao ang pagtustos sa kanila sa kanyang pag-alis. At bukod dito, nararapat sa kanyang payuhan sila tungkol sa kabanalan ng takot. Ang ibig sabihin ng kabanalan ng takot: ang pagtaguyod sa mga kautusan at ang pag-iwas sa mga kabawalan. Kaya't ang kabanalan ng takot ang siyang pinakamainam na maging baon ng isang muslim saan mang lugar siya nanunuluyan at sa kanyang paglalakbay.
Sinabi ng Allah: {وَتَزَوَّدُواْ فَإِنَّ خَيْرَ الزَّادِ التَّقْوَى وَاتَّقُونِ يَا أُوْلِي الأَلْبَابِ}
{Samakatuwid, maghanda ng magiging baon ninyo, datapuwa't ang pinakamainam na baon ay ang Taqwah (kabanalan ng takot). Kaya't matakot sa Akin, O tao na may pang-unawa!}
Al-Baqarah: 197
Ang pagsisisi sa lahat ng mga kasalanan at kasuwailan:
Sinabi ng Allah: {وَتُوبُوا إِلَى اللَّهِ جَمِيعًا أَيُّهَا الْمُؤْمِنُونَ لَعَلَّكُمْ تُفْلِحُونَ}
{At magbalik-loob kayong lahat sa Allah, O mga sumasampalataya. Nang inyong makamit ang tagumpay.}
An-Nour: 31
Ang wagas na pagsisisi: • Ang pagkalas sa lahat ng mga kasalanan at kasuwailan, at ang pag-iwas dito. • Ang pagsisisihan ang mga nakaraan. • Ang wagas na pagpapasiya na hindi na uulitin ito. • Kapag siya ay nagkasala sa tao. Dapat niyang ayusin ito at hingin ang kanilang paumanhin, maging ito man ay patungkol sa dangal, pera o sa iba.
Ang paghanda ng malinis na panggugol: Ito ay ang kinita sa mabuting pamamaraan, nang hindi mahaluan ang kanyang Hajj ng anumang pagkakasala. Sapagkat ang taong nagsasagawa ng Hajj na walang katiyakan ang kanyang kinita – ito ba'y malinis o hindi – ang kanyang pagsasagawa ng Hajj ay maaring hindi matanggap at maari rin namang matanggap, subalit may kalakip na kasalanan.
Batay sa isang Hadith, ang Sugo ng Allah (Muhammad ) ay nagsabi:
[ إذا خرج الحاج حاجاً بنفقة طيبة ووضع رجله في الغرز فنادى لبيك اللهم لبيك، ناده مناد من السماء: لبيك وسعديك، زادك حلال وراحلتك حلال وحجك مبرور غير مأزور، وإذا خرج بالنفقة الخبيثة ووضع رجله في الغرز فنادى: لبيك اللهم لبيك ناده مناد من السماء لا لبيك ولا سعديك زادك حرام وراحلتك حرام وحجك مأزور غير مبرور ] 
[Kapag lumisan ang isang tao upang magsagawa ng Hajj na may malinis na panustus at inilapag ang kanyang paa sa tusok at sumambit nang malakas "Labbaikallaahumma labbaik". Ipananawagan siya ng isang tagatawag sa langit: "Labbaika wa Sa`adaik, Zaaduka Halal wa Raahilatuka Halal wa Hajjuka Mabrour Ghaira Ma' zour". At kapag humayo na may maruming panustus at kanyang iniapak ang kanyang paa sa tusok at sumambit nang malakas "Labbaikallaahumma labbaik". Ipananawagan siya ng isang tagatawag sa langit: "La labbaik wa la Sa`adaik Zaaduka Haram wa Raahilatuka Haram wa Hajjuka Ma'zour Ghaira Mabrour.]
At bukod dito: Piliin ang mabubuting mga kasamahan.
At bilang pagtatapos: Alalahanin na ang paglalakbay ay may mga partikular na panalangin at magagandang asal. Ang tungkol sa panalangin para sa paglalakbay. Mangyaring ipaalaala na lang namin ito sa inyo sa unang sandali ng paglalakbay.
At tungkol naman sa ilang magagandang mga asal sa paglalakbay: ito ay ang pagtatakbeer kapag pumapaitaas, pagpupuri at pagluluwalhati kapag pumapaibaba sa lambak.
At sabihin kapag bumababa sa tinutuluyan : "Audhu bi kalimaatillaahi attamaat min sharri ma khalaq" . Nang hindi siya maaano ng anumang nakapipinsala hangga't sa lisanin ang tahanang iyon.
PANGALAWA: Pangkalahatang paalaala sa lahat ng samahan ng paglalakbay.
1. Sa pagsapit ng oras ng Salah, lisanin ang lahat ng bagay na pinag-aabalahan at maghanda para sa Salah. Sapagkat hindi binibiyayaan ng Allah ang anumang gawain na nakaaabala sa Salah.
2. Maging masigasig sa pagbabasa ng banal na Qur`an at pagsasa-ulo nito sa mga oras na walang ginagawa, sapagkat sa bawat titik nito ay nakakamit ang sampung kabutihan.
3. Maging isang halimbawa ng magagandang pakikipag-ugnayan at mabubuting kaugalian.
4. Iwasan ang pakikipagtalo at pagtalakayan sa mga bagay na walang kabuluhan. Sinabi ng Allah: 
{ فَمَن فَرَضَ فِيهِنَّ الْحَجَّ فَلاَ رَفَثَ وَلاَ فُسُوقَ وَلاَ جِدَالَ فِي الْحَجِّ}
{Kaya't, sinumang may layuning magsagawa ng Hajj sa panahong ito (sa kalagayan ng Ihram), huwag magsalita ng mahahalay na salita – o makipagtalik sa asawa, huwag gumawa ng kasuwailan at huwag makipagtalo habang nasa Hajj.} 
Al-Baqarah: 197
Samakatuwid, ang mga bagay na ito ay ipinagbabawal ng Allah. Kaya ang sinumang nakapagsimula na sa pagsasagawa ng Hajj o Umrah. Dapat niyang iwasan ang mga mahahalay na salita lalong-lalo na tungkol sa mga masisilang bahagi ng katawan o sa mga kababaihan. At dapat din niyang pangalagaan ang kanyang dila. Kapag hindi niya ito naaabala sa paggunita sa Allah at sa pagsambit ng Talbiyyah. Huwag na niya itong abalahin sa walang katuturang usapin, sa masasama at mahahalay na salita. Bagkus dapat niyang ibaling ito sa mga usaping kapaki-pakinabang, at tuluyang iwasan ang mga bagay na nakapipinsala sa kanya.
5. Piliin ang mga kaibigan na mapagkakatiwalaan (sa pananampalataya at kaugalian). Bilang pagsunod sa sinabi ng Sugo: [ المرء على دين خليله فلينظر أحدكم من يخالل ] [Ang isang tao ay nakasalalay sa pananampalataya ng kanyang kaibigan. Kaya kilatisin ng bawat isa sa inyo ang kanyang kakaibiganin.]
6. Maging masigasig sa pakikinabang sa lahat ng mga palatuntunan ng iba't ibang uring kaalaman.
7. Hindi ipinahihintulot sa kaninuman ang paglalabas nang hindi alam ng kinauukulan. Kapag nais mong lumabas, o nakaramdam ng masamang pakiramdam o kapaguran. Dapat mong ipagbigay alam agad sa tagapamahala ng paglalakbay, upang maihanda para sa iyo ang wasto at ganap na paglingkod.
8. Hindi ipinahihintulot sa kaninuman ang lumabas sa grupo para manuluyan sa mga kaibigan maging sa anupamang kadahilanan.
9. Panatiliin ang ganap na katahimikan sa mga oras ng pamamahinga at pagtulog.
10. Pangalagaan ang mga personal na mga gamit, pera, mobile at ang lahat ng ari-arian at walang pananagutan ang kinauukulan sa mga nawawala.
Kapatid na Hajj! Huwag kaligtaan ang mga sumusunod:
1) Ang pag-alis ay sa araw ng Biyernes ika- 6/12/1434 – October 11, 2013 – In sha Allah.
2) Kailangan na dalhin ang orihinal ng Iqamah at buong kopya nito.
3) Kailangan na dumating sa Tanggapan sa oras ng 12: 30 nang tanghali.
4) Magdala ng personal na mga gamit : a. Qur'an. b. Personal na mga damit at mga gamit. c. Bag Pang-aralin.
Ang lahat ng personal na mga gamit ay ilagay sa maliit na bag. Dalhin sa ibaba ng bus maliban sa Ihram at sinturon, sapagkat ang dapat ay dala-dala mo ito sa loob ng bus.
5) Kailangang magdala ng pamplet na tumatalakay sa mga retuwal ng Hajj, at Qur`an. At magdala rin ng pera para sa Hady (hayop na inihahandog). Ito ay para sa nagsasagawa ng Hajj na Mutamatti`a o Qarin. Para sa kaalaman, ang halaga ng Hady ay hindi humigit kumulang ng 375 Riyal.
Paalaala: huwag na magdala ng banig dahil may ibibigay ang kinakatawang tagapaglingkod ng Ahensiya – In Sha Allah.
6) Maging masigasig sa pakikipagtulungan, at sa paglingkod sa kapwa at sa mga kapatid na panauhin ng Allah, ang Mapagpala.
Inuulit namin hinding-hindi ipinahihintulot sa kaninuman ang kumalas sa grupo maging sa anupamang kadahilanan o kalagayan. At sinuman ang may balak makipagkita sa kanyang pamilya o kamag-anak. Kung maaari sana ngayon pa lang ay ipagbigay alam na ninyo sa amin. Samakatuwid, hindi namin ipinahihintulot na sumama sa amin ang sinumang may balak kumalas sa grupo.
Para sa mga katanungan mangyaring tumawag sa mga sumusunod: (0560764378) – (0509008359) – (0506480567) – ( 0505271910 ).
Ang Allah ang Siyang nagkakaloob ng katampukan at gabay..
Isinalin sa Tagalog ni: Mohammad Taha Ali Mobile #: 0554370319

Wednesday, October 9, 2013

"Striving Hard, Competing for Good Deeds in Ramadan"

Shaykh ‘Abdul-‘Azeez bin Baaz رحيم الله

All Praise is due to Allaah, and may the peace and blessings be upon His Messenger Muhammad.
It is legislated for all the Muslims to strive hard in the various types of worship during this noble month. They should strive to pray voluntary prayers and recite the Qur’an with reflection and thinking. They should increase the glorification of Allaah [saying “SubhanAllaah”], declaring his right to be worshiped alone [saying “La illaaha il Allaah”], praising Him [saying “Al-Hamdulillaah”], declaring his greatness [saying “Allaahu Akbar”] and seeking His forgiveness.
 
They should say legislated supplications, command the good, forbid the evil, invite to Allaah (سبحانه وتعالى), be generous to the poor and needy, strive to be kind to parents, keep good family ties, honor the neighbor, visit the sick, and other types of good deeds.
This is due to the Prophet’s (صلى الله عليه وسلم) statement: 
"Allaah (سبحانه وتعالى) looks at your competing for good works during it and He proudly tells the angels about you all. Therefore, show Allaah (سبحانه وتعالى) goodness from yourselves. For verily, the wretched person is the one who is deprived of Allaah’s (سبحانه وتعالى)Mercy during it (Ramadaan)."
[ Majma ‘uz-Zawa’id 3:142; Kanzul-‘Ummal no. 23692]
This is also due to what is reported from him (صلى الله عليه وسلم) that he said: 

"Whoever draws near to Allaah during it (Ramadaan) with a single characteristic from the characteristics of (voluntary) goodness, he is like whoever performs an obligatory act in other times. And whoever performs an obligatory act during it, he is like whoever performed seventy obligatory acts in other times." 
[Sahih Ibn Khuzaymah, no. 1887].
This is also due to his (صلى الله عليه وسلم) statement in the authentic hadith: 

"An ‘Umrah performed during Ramadaan is equal to a performance of Hajj - or he said - a Hajj with me." 
[ Al-Bukhari (no. 1863) and Muslim (no. 1256)]
The ahadith and narrations that prove the sanctioning of competing, and being aggressive in performing the various acts of goodness in this noble month are numerous.
Allaah (سبحانه وتعالى) is the one Who is asked to help us and the rest of the Muslims to do all that contains His Pleasure and to accept our fast and standing for night prayer. We ask Him to correct our situations and protect us all from the deviations of trials and temptations. Likewise, we ask Him to make the leaders of the Muslims righteous, and unite their word upon the truth. Verily, Allaah is the Guardian of that, and He is capable of doing it.

[Source: Fataawa Islamiyyah, pp. 220-221]

"A Wealth that takes without Greed

Narrated Hakeem Bin Hizaam:
" I asked the Prophet (salal-laahu-alayhi-wasallam) (for some money) and he gave me, and then again I asked him and he gave me, and then again I asked him and he gave me and he then said, ‘’This wealth is (like) green and sweet (fruit), and whoever takes it without greed, Allaah will bless it for him, but whoever takes it with greed, Allaah will not bless it for him, and he will be like the one who eats but is never satisfied. And the upper hand in (giving) is better than the lower (taking) hand’’ [1]
Imaam Abdul-Azeez Bin Baaz (rahimahullaah) said:
And in this (hadeeth) is an encouragement towards contentment and to acquire wealth in a good manner (approved) by the Sharia. The giver (of wealth) is the upper hand and the receiver is the lower hand. [2]
____________
References:
[1] Saheeh Al-Bukhaari: Vol: 8. Hadeeth Number: 6441]
[2] Al-Hulalul Ibreeziyyah Min At-Taliqaat Al-Baaziyyah Alaa Saheeh Al-Bukhaari. Page:232; Vol 4. Footnote:2

"Times When Du’a is Answered by Shaykh Salih Al-Fawzan"

بسم اللہ الرحمن الرحیم
1. Last third of the night
2. Between the adhaan and the iqaamah
3. The supplication of the parent
4. The supplication of the traveler
5. The supplication of the oppressed
6. When the armies meet
7. When the rain descends
8. In prostration
Abu Hurairah (Radhiallahu anhu) narrated that Allaah’s messenger (Sallallahu Alayhi Wa Sallam) said,
“Every night when it is the last third of the night, our Lord, the Superior, the Blessed, descends to the nearest heaven and says: Is there anyone to invoke Me that I may respond to his invocation? Is there anyone to ask Me so that I may grant him his request? Is there anyone asking My forgiveness so that I may forgive him?”
(Reported by Al-Bukhaaree in ‘Kitaabut-Tawheed’ and Muslim.)
Allaah’s Messenger (Sallallahu Alayhi Wa Sallam) mentioned various occasions when the du’aa is accepted, from them:
“A supplication made between the adhaan and the iqaamah is not refused.”
(Authenticated by Al-Albaanee in Al-Irwaa (no. 244)
He (Sallallahu Alayhi Wa Sallam) said:
“There are three supplications that are answered and there is no doubt about this: the supplication of the parent, the supplication of the traveler and the supplication of the oppressed.”
(Authenticated by Al-Albaanee in Saheeh Al-Jaami (no. 3030).)
He (Sallallahu Alayhi Wa Sallam) also said:
“Seek that your supplications be answered when the armies meet, when the iqaamah is made and when the rain descends.”
(Ash-Shafi’ee in Al-Umm (1/420). Declared Saheeh due to supports by Shaykh Al-Albaanee in As-Saheehah (no. 1469)
He (Sallallahu Alayhi Wa Sallam) also said:
“When you are prostrating make a lot of supplication, because you are worthy to be answered.”
(Reported by Muslim (no. 1074) upon the authority of Ibn ‘Abbaas (Radhiallahu anhu).)
Source: [The Excellence of Supplicating to Allaah & Constantly Remembering Him. By Shaykh Salih Al-Fawzan]

"The Ruling Concerning Birth Control"

Question:

What is the ruling concerning birth control ?
Answer:

This is a contemporary issue and many people ask about it. In the previous session of the Conference of the Leading Scholars [of Saudi Arabia], there was a study of this issue. They issued a verdict according to their opinion on this issue. In sum, they concluded that it is not allowed to take birth control pills. Allah has sanctioned the means that lead to procreation and a larger Muslim nation. The Prophet (sallallaahu ‘alaihi-wasallam) said,
”Marry the child-bearing, loving women for I shall outnumber the peoples by you on the Day of Resurrection .” [1]
Another narration states at the end, ‘’[outnumber] the prophets on the Day of Resurrection.’’ The Muslim Nation is in need of being increased in numbers so that it may worship Allah, strive in His way, and defend the Muslims, by the will of Allah, from the plots of their enemies. It is a must to avoid such things [as birth control] and not to use them except in the cases of dire necessity. If there is a necessity, there is no harm.[This would be,] for example, if the women has some illness in her uterus or so forth that would harm her if she were to become pregnant. Then she may use such pills to the extent of her need. This is also the case if she already has many children and it would become a hardship on her to have another one soon, then she may use the birth control pills for a specific amount of time, such as one year or two years, which is the amount of time designated for breast feeding, until she reaches the stage where she would be able to raise the child properly. But if the women is taking them just so she will be free of responsibility or to be able to work or to live comfortable life and other similar reasons why women take such pills these days,[it should be understood that] for these reasons it is not allowed to take birth control pills.
________________________
[1] Recorded by ibn Hibban, Ahmed, al- Tabarani and others. Without the words ‘’the Day of Resurrection,’’ it is also narrated by Abu Dawud and Nasai According to al- Albani , it is authentic due to its supporting chains. Muhammed Nasir al-Din al –Albani,Irwa al- Ghaleel fi Takhreej Ahadeeth manaar al-Sabeel (Beirut: al- Maktab al- Islami, 1979), Vol.6, P. 195

 Sheikh  `Abdul-`Azeez Bin Baz
Source [Islamic Fatawa Regarding Women - Darussalam Pg. 163-164]

Ang Pagkabuhay Muli Bago ang Kamatayan

Ang Buhay Sa Kabilang Ng Kamatayan 

Ang katanungan kung tunay ngang may buhay pagkatapos ng kamatayan ay hindi nasasakop ng kapamahalaan ng agham sapagka’t ang agham ay tumutukoy lamang sa pagbaha-bahagi at pag-aaral ng mga katipunan sa senso. Higit pa roon, ang tao ay naging abala sa mga pang-agham ng pag-uurirat at pananaliksik sa makabagong pagtawag, sa mga nakalipas na ilang daang taon na lamang, nguni’t siya ay hirati na sa konsepto ng buhay sa kabila ng kamatayan sapul pa sa pasimula. 

 Ang lahat ng mga Propeta ng Diyos ay nawawagan sa kanilang pamayanan upang sumamba sa Diyos at ang maniwala sa pagkaroon ng kabilang buhay. Sila ay nagbuos ng lubhang maraming pagbibigay diin sa paniniwala sa sa kabilang buhay na kahit ang pinakamaliit sa pag-aalingan doon ay naguguluhan ng pagtakwil sa Diyos ay nagsitalakay sa ganitong metapisakang katanungan tungkol sa kabilang buhay ng may paniniwala at pagkatulad na ang agwat ng kanilang mga magulang ay libong taon at nagpatunay lamang na pinagkunan ng ganitong kaalaman tungkol sa kabilang buhay na ipinahayag nilang lahat ay iisa. 

 Ang kapahayagan ng Diyos ay batid natin na ang lahat ng mga Propetang ito ay mahigpit na tinutulan ang kanilang pamayanan dahilan na rin sa pinakabuod na katanungan ng kabilang buhay sapagkat ang kanilang pamayanan ay nag-aakala na ito ay di kapani-paniwala. Nguni’t sa kabila ng lahat ng pagtutol, ang mga Propeta ay nagsipagwagi ng lubhang maraming matatapat na tagasunod. Ang katanungan ay kung ano ang nag-udyok sa mga tagasunod na ito na iniwan ang kanilang nakagisnang paniniwala, tradisyon at kaugalian ng kanilang mga ninuno ng hindi nagbibigay pahalaga sa panganib na sila ay mapaghiwalay sa kanilang sariling pamayanan? Ang payak na kasagutan ay ito: sila ay gumagamit ng kakayahan ng kanilang pag-iisip at puso at napagtanto nila ang katotohanan. Sila ba’y napagtanto ang katotohanan sa kanilang pag-uunawa? Hindi nga, sapagka’t ang makaranas ng kabatiran tungkol sa buhay sa kabila ng kamatayan at tunay na imposible. 

 Sa katotohanan, ang Diyos ay hindi lamang nagbigay ng kaisipang pangkamalayan kundi gayon din naman ng kamalayang makatuwiran, paghanga sa kagandahan at moral. Ang kamalayang ito ang  namamatnubay sa pamamagitan ng katipunang pangsentido. Dahil dito, kung bakit ang lahat ng mga Propeta ng Diyos habang sila at nanawagan sa mga tao upang sumampalataya sa Diyos at sa kabilang buhay ay nanawagan sa pamamagitan ng paghanga sa kagandahan sa moral at makatuwirang kamalayan ng tao. Halimbawa, nang ang mga paniniwala sa diyus-diyosan sa Makkah ay nagtakwil sa pagkaroon ng buhay sa kabila na kamatayan ang Qur’an ay naglantad ng kahinaan ng kanilang pananagan sa paggagawad ng lubhang makakatotohan at makatuwirang argumento upang patunayan. 

 “At siya ay nagturing sa amin ng pabula, at nakalimot sa katotohan ng kanyang pagkalikha na nagsasabi: sino ang magpapanumabalik sa butong ito ng nangabulok na? Ipagbadya, Siya ang magpapanumbalik doon (sa mga buto) na Siya rin ang lumikha roon ng una, sapagkat Siya ang nakakaalam ng bawat nilikha Siya ang naggawad sa inyo ng apoy mula sa luntiang puno at tunghayan nagpapaningas kayo roon.  
“Di ba Siya na lumikha ng mga kalangitan at kalupaan ay malilikha ang katulad nila? Tunay nga, at Siya
lamang ang kataas-taasang Manlilikha, ang Nakakaalam”.
(Qur’an 36:78-81)

 Sa iba pang pangyayari, ang Qur’an ay malinawanag na nagsasaysay na ang mga di sumasampalataya ay walang matibay na batayan sa kanilang pagtatakwil ng buhay sa kabila ang kamatayan. Ito ay batay lamang sa mga haka-haka. 
 “Sila’y nagsisipagbadya, “wala ng iba pa maliban sa aming pangkasalukuyang buhay; kami’y mamatay, kami’y mabubuhay, at tanging panahon lamang ang makaksira sa amin. At tungkol sa kabilang buhay, silay walang kaalaman bagkus ay mga haka-haka lamang. At kung ang Aming rebelasyon ay binigkas sa kanila, ang kanilang pamarali ay pagsasabi ng:”Ibalik mo muli sa aming mga ninuno kung ikaw ay
nagbadya na katotohanan”. 
[Qur’an 45:24-25]

Saturday, October 5, 2013

GABAY PARA SA MGA BAGONG MUSLIM

Ang mga sumusunod ay iilan lamang sa mga gabay para sa bagong Muslim;

1 - Isabuhay ang Islam sa abot ng iyong makakayanan.

> Kung ikaw ay medyo nahirapan sa ibang mga turo na iyong sinasabuhay, magkaganito, maari mong ialintala ang iba at ilaan mo ang iyong sarili at isipan sa mga pangunahing mahalagang turo na tulad ng pagsasagawa ng Wudo o limang beses na pagdarasal at iba pa.

> “Pano mo ba kinakain ang baka, sa pamamagitan ba ng isang subo lamang?” Na ang ibig sabihin nito ay unti-unti, hanggang sa ikaw ay matuto.

> Manalangin sa Allah ng lagi, hingin mo sa Kanya na padaliin ang lahat ng bagay para sa iyo, at pagkatapos, ito ay darating na lamang na hindi mo namamalayan.

> Pagkatapos, alamin at isabuhay ang mga nalalamang Sunnah ng Popeta (SAW) paunti-unti.

ومن أحب سنتي فقد أحبني ، ومن أحبني كان معي في الجنة

رواهالترمذي

"Sino man ang nagmahal sa aking Sunnah, ay minamahal niya ako, at sa sino man ang nagmahal sa akin, ay makakasama ko siya sa Paraiso."

~ Hadith Tirmidhi

2 - Igalang ang mga Magulang.
> Ang pananatili ng ugnayan sa pamilya ay napakahalaga.

> Iwasan ang makisangkot sa usapin na may pakikipagtalo tungkol sa Relihiyon. Higit lalo ikaw ay bago pa lamang sa iyong Pananampalataya.

> Dahan dahan, utay-utay na magkaroon ang iyong mga magulang ng paggalang at pag-unawa tungkol sa Pananampalataya na iyong tinahak, at maaring sa bagay na iyan ay magkakaroon sila ng intires na magtanong tungkol dito.

" الجنة تحت أقدام الأمهات "
” Nakasalalay ang Paraiso sa talampakan ng iyong ina.”

~ Hadith (Ahmad, Nisaa’i)
3 - Maghanap ng Guro
> Ang paghahanap ng guro pagkatapos mong yumakap, ay isa sa mga napakalaking bagay upang magkaroon ka ng kaalaman at malawak na pananaw tungkol sa iyong pananampalataya.
> Hanapin ang makakasama na may kaalaman sa kanyang pananampalataya.
" الْمَرْءُ عَلَى دِينِ خَلِيلِهِ فَلْيَنْظُرْ أَحَدُكُمْ مَنْ يُخَالِلْ " . رَوَاهُ أَبُو دَاوُدَ
“kung ano ang isang tao, ay ganon din ang kanyang kasamahan, kaya’t tingnan ng isa sa inyo kung sino ang kanyang pakikisamahan”
-Hadith Abu Dawud

> Dapat laging tiyakin ang mga bagay na iyong nakita, narinig, nabasa mula sa Youtube, Networking, babasahin at iba pa.

Sinabi ng Allah: [21:7]

فَاسْأَلُوا أَهْلَ الذِّكْرِ إِن كُنتُمْ لَا تَعْلَمُونَ

“Kayo ay mag tanong sa mga bagay na hindi niyo alam sa mga taong nakakaalam nito”

> Laging maging mababa ang kalooban sa bawat kaalaman na iyong natutunan, at alalahanin na may mga taong higit na mas nakakaalam kaysa sa iyo.

مَنْ تَوَاضَعَ لِلَّهِ رَفَعَهُ اللَّهُ ، فَهُوَ فِي نَفْسِهِ صَغِيرٌ ، وَفِي أَعْيُنِ النَّاسِ عَظِيمٌ ، وَمَنْ تَكَبَّرَ وَضَعَهُ اللَّهُ عَزَّ وَجَلَّ ، فَهُوَ فِي أَعْيُنِ النَّاسِ صَغِيرٌ ، وَفِي نَفْسِهِ كَبِيرٌ ، وَحَتَّى لَهُوَ أَهْوَنُ عَلَيْهِمْ مِنْ كَلْبٍ أَوْ خِنْزِيرٍ “

“Sino man ang nagpapakumbaba para sa Allah, ay iaangat siya ng Allah, na sa kanyang sarili ay napakaliit, ngunit sa paningin ng tao ay dakila, at sino man ang nagmataas ay ibababa siya ng Allah, na sa mga mata ng tao ay napakaliit, ngunit sa kanyang sarili ay dakila, hanggang sa ang tingin nila sa kanya ay mas mababa pa kaysa aso at baboy.”

Huwag tumigil sa pagsasaliksik ng kaalaman sa Islam, dahil dito ka magtatagumpay.
من سلك طريقا يلتمس فيه علما سهل الله له به طريقا إلى الجنة

 “Sino man ang tumahak sa landas ng kaalaman, ay pagagaanin ng Allah para sa kanya ang daan tungo ng Paraiso.”
~ Hadith (Muslim)

4 - Laging Lumayo sa Pakikipagtalakayan at Pagtatalo
> Ang palagiang pagdepensa sa iyong pananampalataya mula sa pakikipagtalo ay isang bagay na magbibigay sayo ng sakit ng ulo, pasanin at iba pa. Nararapat sayo muna bilang isang bago ay mag-imbak ng kaalaman.

> Kung mayroon ka ng matibay na pundasyon sa iyong pananampalataya at sapat na kaalaman at kaya mo na itong ihayag at ibahagi ang iyong pananampalataya ng walang halong pakikipagtalo sa iba, ang pintuan nito ay bukas para isa iyo
.
> Inatasan ka, na ibahagi at ibigay ang iyong pananampalataya sa iba at huwag ipagkait ito, higit lalo sa mga tao na ang kanilang natunghayan sa Islam ay ang mga negatibong pananaw na kanilang nakita mula sa Medya.

> Ang pag-iwas sa pakikipagtalo at talakayan ay magbibigay sayo ng malawak na paghinga, at kapayapaan o katahimikan.

 “Tunay na ang galit ay sinisira nito ang pananampalataya, na tulad ng aloe (uri ng halaman) na sumisira sa tamis.”
~ (Abu Dawood, Termidhi)

5 - Makipag-ugnayan sa May Karunungan sa Salitang Arabik
> Ang pamamaraan na ito ay matutunghayan sa pamamagitan ng Online, o di naman kaya sa mga aklat, sa pakunti-kunti mong pagsasaliksik ay magbibigay sayo ng daan upang matutunan ang Arabic.
> Magsimulang matoto sa mga Arabik na letra at pagdudugtong-dugtong.
> Pagsumikapan at pagtiisan ang ganitong pamamaraan hanggang sa utay-utay mo nang masusundan ang pagbabasa ng Qur’an, sa pamamagitan ng pakikinig nito sa Computer o di naman kaya sa MP3.
> Hanggang sa matotonan mong litisin at tukuyin ang bawat salita, hanggang sa malaman mo ang Balarilang Arabiko. Kanaisnais na kanyang matotonan muna ang mga simpleng pangalan at pang-ukol.

إِنَّا أَنزَلْنَاهُ قُرْآنًا عَرَبِيًّا لَّعَلَّكُمْ تَعْقِلُونَ

 “Katiyakan, ipinahayag Namin ang Qur’ân na ito sa wikang ‘Arabic;’ upang kayo ay pag-isipan ang mga kahulugan nito at maintindihan at isagawa at ipatupad ang Kanyang mga katuruan…”
~ Qur’an (12:2)

6 - Intindihin ang mga Bawat Bahaging Kalikasan ng Islam
> Ang pagpasok sa Islam ay minsan naglalagay sayo sa kalagayan na ikaw ay natatabunan ng ibat ibang pananaw at hindi mo na alam kung ano at sino ang iyong susundin.
> Isa sa mga halimbawa nito, maaring pagsabihan ka ng isang Muslim na kinakailangan lagi mong huhugasan ang iyong paa sa bawat pag Wudho o paghuhugas mo, maliban na lamang kung nakasuot ka ng BALAT NA MEDYAS kung ito ay nasuot muna sa unang Wudho mo ay maari mong punasan lamang at hindi mo na kailangan hugasan ang iyong paa.
Ang pananaw sa pagsuot ng BALAT na MEDYAS ay bagay na labis na hindi karaniwan.
> Ngunit kung ikaw ay nagbabasa at nagsasaliksik ay iyong matatagpuan na may mga Pantas na nagsasabi na ito ay pinapahintulutan ang pagpunas ng Medyas na yari sa koton, maging ito man ay may maliit na butas. Para sa isang bagong yakap sa Islam ay magsasanhi ito sa kanya ng malaking buntong-hininga bilang kaluwagan sa kanya.

هلك المتنطعون

- “Sino man ang nagpahirap sa isang bagay sa kanilang mga sarili ay mawawasak.”
~ Hadith (Muslim)


source [clive-chanel.tumblr.com]

Friday, October 4, 2013

"ANG ISLAM AT ANG MGA MUSLIM ''

Ang salitang Islam ay nagmula sa wikang arabik na may kahulugan na: kapayapaan, pagsuko, pagtalima at pagsunod. Sa pananaw ng relihiyong Islam, ito ay ganap na pagtanggap ng mga aral at alituntunin ng Diyos na Kanyang ipinahayag sa Kanyang Huling Propeta na si Muhammad. 

 Ang Muslim ay isang naniniwala at nananalig sa Diyos at nagsusumikap na magampanan at maisaayos ng ganap ang kanyang buhay ayon sa ipinahayag na patnubay (Qur’an) at mga aral (Sunnah) ng Propeta. Siya ay nagpupunyagi upang makapagtatag ng isang makabuluhang lipunan ayon din sa naturang patnubay at aral. Ang salitang “Muhammadanismo” ay isang maling katawagan na sadyang sumusugat sa tunay na diwa at kahulugan ng Islam. Ang alitang “Allah” ay pantanging ngalan ng Diyos sa wikang arabik. Ito ay isang unikong kataga sapagka’t ito ay hindi nasasangkot sa pangmaramihan o sa anumang kasarian. 

 ANG PAGPAPATULOY NG PAHAYAG 

  Ang Islam ay hindi isang bagong relihiyon. Sa diwa at buod nito, ito rin ang dating mensahe at patnubay na ipinahayag sa lahat ng Propeta ng Diyos. 

 “Ipagbadya: kami ay naniniwala sa Allah at sa anumang ibinaba sa amin at sa ipinahayag kay Abraham, Ismael, Isaak, Hakob at sa mga Tribo (na angkan ni Israel) at yaong ipinagkaloob kay Moises, Hesus at sa mga ibang Propeta mula sa kanilang Panginoon. Kami ay hindi nagbibigay ng anumang pagtatangi sa pagitan ng ninuman sa kanila. Kami ay tumatalima bilang Muslim.”
 
(Qur’an 3:84) 

 Ang Islam na ipinahayag kay Propeta Muhammad ay kabuuan ng mga naunang mensahe, kaya naman, ito ay malawak sa anyo, ganap at nasa pinakahuling yugto sapagka’t ito na ang wakas na Kapahayagan ng Diyos sa Sangkatauhan. 
“Sa araw na ito, Aking binigyang ganap para sa inyo ang inyong relihiyon, at binuo ng lubusan ang kagandahang-loob sa inyo at pinili ang Islam bilang inyong relihiyon.” 
(Qur’an 5:3) 

ANG LIMANG HALIGI NG ISLAM 

 1. Ang Shahadah (Pagpapahayag o Pagsaksi ng Pananampalataya): 
             Ito ang pagsaksi na walang diyos na dapat sambahin maliban sa Allah, at si Muhammad ay Kanyang Sugo sa lahat ng nilikha hanggang sa pagsapit ng Araw ng Paghuhukom. Ang pagiging tunay na Propeta ni Muhammad ay nagbigay tungkulin sa bawa’t Muslim na sundin o tularan ang kanyang mabuting pamumuhay bilang Huwaran. 

 2. Ang Salah (Pagdarasal):
               Ang pang-araw-araw na pagdarasal ay isinasagawa limang ulit sa maghapon bilang tungkulin sa Allah. Ito ang nagpapatatag at nagbibigay sigla (at lakas) sa pananalig sa Allah at nagbibigay inspirasyon sa tao upang mabuhay ng marangal. Ito ang nagpapadalisay sa puso at pinipigil ang mga tukso tungo sa kasamaan at mga kasalanan. 

 3. Ang Sawm (Pag-aayuno sa buwan ng Ramadan).
            Ang mga Muslim sa buwan ng Ramadan ay hindi lamang umiiwas mula sa pagkain, inumin at pakikipagtalik sa asawa mula sa madaling araw hanggang sa paglubog ng araw, bagkus umiiwas din mula sa mga makasalanang layon at pagnanasa. Ito ay nagtuturo ng pagmamahal, katapatan at kabanalan. Pinauunlad nito ang panlipunang kaalaman o kahalagahan ng pag-aayuno, nagtuturo ng pagtitiis, kabaitan at tibay ng loob. 

4. Ang Zakat (Itinakdang Kawanggawa). 
               Ito ay taunang pagbabayad ng 2.5% mula sa naipong yaman bilang tungkuling pangkawanggawa at isang paraan ng paglilinis ng yaman na dapat ugulin  sa mga mahihirap at dukhang tao ng isang pamayanan. 

5.Ang Hajj (Paglalakbay sa Makkah):
          Ito ay isinasagawa minsan sa tanang buhay ng isang Muslim kung may kakayahang pananalapi at kalusugan ng katawan.  Bukod sa mga haliging nabanggit sa itaas, ang bawa’t kilos o gawain na isinagawa nang may layong pagmamahal at pagbibigay lugod sa Allah ay itinuturing bilang mga uri ng pagsamba. Ang Islam ay nag-aanyaya ng tuwirang pagsamba sa Kaisahan ng Diyos at ang pananalig sa Kapamahalaan Niya. Ito ang daan upang magkaroon ng mabuting kaisipan tungkol sa tunay na kahulugan at kahalagahan ng buong santinakpan at ang katayuan ng tao sa mundong ito. Ang paniniwalang ito ay nagpapalaya sa tao mula sa lahat ng pangamba (takot) at pamahiin sapagka’t kapag sumagi sa isipan na ang lahat ng pangyayari ay nakikita at nababatid ng Makapangyarihang Allah, sa gayon, tapat na naisasakatuparan ng tao ang kanyang tungkulin sa Kanya. Ang paniniwala at pananampalataya ay nararapat na ipinahahayag at ipinakikita sa pamamagitan ng tapat at maayos na pagsasagawa o pagsasakatuparan ng mga tungkulin. Ang paniniwala ay hindi sapat. Ang paniniwala o pananampalataya sa Makapangyarihang Diyos ay nangangailangan ng pagsasaalang-alang sa lahat ng tao bilang isang angkan na nasa ilalim ng kapamahalaan ng Makapangyarihan at Dakilang Diyos, ang Tagapaglikha at Tagapagtaguyod at Sandigan ng lahat. Tinatalikdan ng Islam ang paniniwala na mayroong natatanging tao kaya naman itinuturing ng Islam ang tamang pananampalataya at ang mabubuting gawa bilang batayan ng kaligtasan at tanging daan tungo sa Paraiso. Kaya, ang tuwirang ugnayan ay itinatatag sa Diyos na walang sinumang tagapamagitan. 

TAO BILANG MALAYANG NILIKHA 

           Ang tao ang siyang pinakamataas sa hanay ng lahat ng nilikha ng Diyos. Siya ay ginawaran ng pinakamataas na kakayahan. Taglay niya ang kalayaan sa kanyang kalooban, gawa at pagpili. Ipinakita ng Diyos sa kanya ang tamang landas, at ang buhay ng Propeta Muhammad ay nagbibigay ng isang huwarang pamumuhay na dapat pamarisan ng sinumang tao. Ang tagumpay at kaligtasan ng tao ay nakasalalay sa pagsunod dito. Nagtuturo ang Islam na ang personalidad ng tao ay sagrado at nanghihikayat ng pantay na karapatan sa lahat ng tao at walang sinumang itinatangi o kinikilingan batay sa lahi, kasarian o kulay. Ang batas ng Diyos, na napapaloob sa Qur’an at isinakatuparan o isinabuhay ng Propeta Muhammad, ay nangingibabaw sa lahat ng kalagayan. Ito ay dapat na ipinatutupad sa pinakamataas at pinakamababang uri ng tao, maging siya man ay prinsipe o isang karaniwang tao lamang, pinuno man o nasa ilalim ng kapamahalaan ng iba. 

ANG QUR’AN AT ANG HADITH 

     Ang Banal na Qur’an ay pinakahuling Salita na ipinahayag ng Diyos at siyang pangunahing pinagkukuhanan ng Batas at Aral ng Islam. Ang Qur’an ay humahalaw at sumasakop tungkol sa mga batayan ng pananampalataya (ang Islam), kagandahang-asal, mga kasaysayan ng sangkatauhan, pagsamba, kaalaman, katalinuhan, ugnayang tao at Diyos at makataong ugnayan sa lahat ng aspeto ng buhay. Ito ay naglalaman ng malawak na aralin na makapagtatatag ng panlipunang katarungan (o batas ng pagkapantay-pantay), kabuhayan, pulitika, pamahalaan, ang paghuhukom, mga batas at pakikipag-ugnayan. Si Propeta Muhammad ay taong hindi nakapag-aral at hindi marunong bumasa at sumulat. Magkagayunman, ang Banal na Qur’an ay naisaulo niya at naisulat naman ng kanyang mga mabubuting tagasunod sa ilalim ng kanyang pamamahala noong kanyang kapanahunan. Ang orihinal at kabuuang paksa ng Qur’an ay inihanda para sa lahat sa pinagpahayagang wikang arabik. Ang pagsasalin nito sa iba’t ibang wika ay laganap na ginagamit. 

          Ang Hadith ay mga aral, sawikain at gawain ng Propeta Muhammad na maingat na isinalaysay at tinipon ng kanyang matatapat na mga kasamahan. Ito ang nagpapaliwanag sa mga talata ng Banal na Qur’an. 

ANG KONSEPTO NG PAGSAMBA

            Ang Islam ay hindi lamang nagtuturo ng mga rituwal. Higit na pinagtutuunang pansin ang mabuting layunin at mabuting gawain. Ang pagsamba sa Allah ay pagpapahiwatig ng tamang pagkilala at pagmamahal sa Kanya, ang maging masunurin sa Kanyang mga itinakdang batas sa bawa’t aspeto ng buhay, ang mag-aanyaya ng mga gawang kabutihan at magbawal naman ng mga gawang masasama at pang-aapi, ang magsagawa ng kawanggawa at katarungan at maglingkod sa Kanya sa pamamagitan ng pagtulong sa sangkatauhan. Inilarawan ng Qur’an ang konseptong ito sa isang marangal at dakilang pagpapahayag: 
“Hindi isang Birr (kabutihan, kabanalan at pagsunod sa Allah) ang ibaling ninyo ang inyong mga mukha tungo sa dakong silangan at kanluran (sa pagdarasal) subali’t, ang Birr ay (isang katangian na) maniwala sa Allah, at sa Huling Araw, sa mga Anghel, sa Aklat, sa mga Propeta at ang pamamahagi ng inyong yaman sa kabila ng pagmamahal dito para sa mga kamag-anakan, sa mga ulila at sa mga dukha at mga naglalakbay at yaong humihingi at pagpapalaya ng mga alipin, pagsasagawa ng pagdarasal at pagbibigay ng Zakat (kawanggawa) at tumutupad ng kanilang mga kasunduan at matiisin sa (panahon ng) labis na paghihikahos at (malubhang) karamdaman at sa panahon ng pakikipaglaban. Sila yaong taong makatotohanan at sila ang Muttaqun (may ganap na takot at masunurin sa Allah).”
(Qur’an 2:177) 

ISLAM: ANG PAMAMARAAN NG BUHAY 

              Ang Islam ay nagbigay ng isang kabuuang alituntunin sa lahat ng tao upang sundin sa lahat ng kalakaran ng buhay. Ang alituntunin ay sadyang malawak at binubuo ng panlipunan, pangkabuhayan, pampulitikal na adhikain, kagandahang-asal at ispirituwal na aspeto ng buhay. Itinatagubilin ng Qur’an sa tao ang tunay na layunin ng kanyang pansamantalang buhay sa daigdig, ang kanyang mga tungkulin sa kanyang sarili, sa mga kamag-anakan, sa kanyang pamayanan at kapwa tao at higit sa lahat sa kanyang Tagapaglikha. Ang tao ay ginawaran ng pangunahing alituntunin tungkol sa makabuluhang buhay at iniwan sa kanyang sariling pasya ang hamon ng makataong pamumuhay upang ugaliin at sanayin sa pagsasakatuparan ng mga dakilang simulaing ito sa paraang kapaki-pakinabang. Sa pananaw ng Islam, ang buhay ng tao ay isang malinis at magkakaugnay na bahagi at hindi mga pira-pirasong bahagi ng nagpapaligsahan sa isa’t isa. Ang ispiritwal at materyal na pamumuhay ay hindi magkakahiwalay na bahagi ng tao: ang mga ito ay magkakahugpong at nagkakaisa sa kalikasan ng tao. 

ANG MAKATUWIRANG PAANYAYA AT PANAWAGAN NG ISLAM 

                Ang Islam sa maliwanag at tuwirang pagpapahayag nito ng katotohanan ay mayroong pambihirang lakas na panawagan sa sinumang naghahanap ng kaalaman. Ito ang lunas sa lahat ng suliranin ng buhay. Ito ang patnubay tungo sa isang mabuti at ganap na makahulugang buhay at ang lahat ng bahagi nito ay nag-aalay ng pagluwalhati sa Diyos na Makapangyarihan, Tagapaglikha at Mahabaging Tagapagtaguyod ng lahat ng nilikha.

ISLAM- ANG TANGING LUNAS SA MGA MAKABAGONG SULIRANIN 

  • Ang Pagkakapatiran ng Tao:

Ang mga pangunahing suliranin na kinahaharap ng tao sa makabagong panahon ay ang diskriminasyon sanhi ng pagkakaiba-iba ng lahi ng tao. Ang materyal na pag-unlad ng mga ibang bansa ay may kakayahang ipadala ang tao sa (paglalakbay sa) buwan nguni’t hindi kayang sugpuin at pigilin ang tao na kamuhian at hamakin ang kapwa tao. Nguni’t ang Islam, sa huling 1,400 taon ay nagpakita ng aral kung paano lunasan ang ganitong suliranin. Bawa’t taon, ang Hajj ay isang himala ng tunay na diwa ng pagkakapatiran ng lahat ng lahi ng tao at bansa at ito ay isang patunay na ating matutunghayan bilang lunas sa hidwaan sanhi ng iba’t ibang lahi ng tao (racial discrimination). 
  •  Ang Pamilya:
   Ang pamilya na tumatayo bilang pangunahing bahaging sangay ng kabihasnan ay unti-unting nagkakawatak-watak sa mga kanlurang bansa. Ang pamamaraan ng Islam sa pagtataguyod ng pamilya ay naghahatid sa isang maayos at pagkakapantay-pantay ng lalake, babaing asawa, ang mga anak at mga kamag-anakan. Ang Islam ay nag-aanyaya ng kabaitan, pagtutulungan at pagmamahalan sa isang lubusang maayos na pamamaraang pampamilya.

 ANG KABUUANG PANANAW NG BUHAY 

  Ang tao ay nabubuhay ayon sa kani-kanilang pananaw sa buhay. Ang masakit na bunga ng sekular na lipunan ay nabigong pag-ugnay-ugnayin ang iba’t ibang aspeto ng buhay. Ang materyal at pisikal, ang agham at ispiritwal na pamumuhay ay tila magkakasalungat. Nguni’t sa Islam, binigyang lunas ang pagkakasalungatan ng iba’t ibang aspeto ng buhay at naghatid ng pagkakatugma-tugmang pananaw ng tao tungkol sa buhay. 

 ANG MGA PANGUNAHING LAYUNIN NG NADWAH (WAMY) 

 *Ang mapaglingkuran ang kaisipang Islamiko sa pamamagitan ng pagbibigay liwanag ng pananampalataya sa pamamagitan ng ng lantay na monoteismo (Tawheed) o Kaisahan ng Diyos) at palakasin ang kabataang Muslim ng may ganap na pagkatiwala sa sarili sa pangingibabaw ng paraang Islamik sa lahat ng iba pang paraan. 

*Ang makilahok upang mapangatawan ang ninanais ng mga kabataan at mga mag-aaral sa pagtatayo ng panglipunan, pangkabuhayan at pangteknolohiyang institusyon ng Ummah. 

Para sa karagdagang kaalaman tungkol sa Islam, makipag-ugnay lamang sa Punong Tanggapan ng WAMY sa Riyadh at sangay na tanggapan sa Jeddah. 

WAMY, P.O Box 10845, Riyadh 11443, Saudi Arabia. Tel.: (01) 464-1669/4655431 

WAMY, P.O. Box 8856, Jeddah, Saudi Arabia. Tel.: (02) 689-1962 



O sa pinakamalapit na Kilusang Pang-Muslim o Sentro sa inyong pook.