Sunday, September 13, 2015

Ang kadakilaan ng (unang) sampung araw ng Dhul Hijjah

Si Imam Ahmad (RA) ay nagpahayag din mula sa ulat ni Ibn Umar (R.A.A.); 

[Ang Propeta (SAS) ay nagsabi: "Walang mga araw na ang mga gawaing isinasagawa rito ay higit na dakila at kalugud-lugod para sa Allah maliban sa sampung araw na ito. Kaya dalasan ninyo ang pagpupuri, pagdakila at pasasalamat dito."]

At si Ibn Habban (RA) ay nagpahayag din sa kanyang mapapanaligang aklat mula sa ulat ni Jabir (RA);

 [Ang Propeta (SAS) ay nagsabi: "Ang pinakamainam na mga araw ay ang araw ng Arafah."]

Ang mga isinasagawang gawain sa sampung araw na ito:

1. Ang pagsasagawa ng Hajj at Umrah. Sa katunayan ito ang siyang pinakamainam sa lahat ng mga gawain. Sadyang napakaraming Hadith ang nagpapahayag tungkol sa kadakilaan nito, isa na rito ang sinabi ng Propeta (Muhammad SAW):

["Ang Umrah sa isa pang Umrah ay nagpapawalang sala sa pagitan nito at ang tanggap na Hajj ay walang gantimpala kundi ang Paraiso"].

At ang iba pang mapapanaligang mga Hadith na nagpapahayag patungkol dito.

2. Ang pag-aayuno sa mga araw na ito o sa alinmang makakayanan dito – lalong-lalo na sa araw ng Arafah – Walang pag-aalinlangan na ang pag-aayuno ang pinakamainam sa mga gawain, sapagkat ibinukod-tangi ito ng Allah sa Kanyang sarili. Batay sa mga pahayag na matutunghayan sa Hadith Qudsi:

[Ang pag-aayuno ay para lamang sa Akin (Allah) at Ako mismo ang gagawad ng gantimpala nito, tunay na kanyang tinalikuran ang kanyang hilig, pagkain at inumin alang-alang sa Akin].

Sa naiulat ni Abu Sa`ied Al-Khudry (RA); [Ang Sugo ng Allah (Muhammad SAW) ay nagsabi: "Walang isang lingkod na nag-ayuno ng isang araw sa landas ng Allah kundi ang kanyang mukha ay ilalayo ng Allah sa Impiyerno ng dahil sa isang araw na ito, na ang layo ay katumbas ng pitumpong taon (kung lalakarin).] Isinalaysay ni Al-Bukhari at Muslim.

At sa naipahayag ni Muslim (RA) mula sa ulat ni Abu Qatadah;

 [Ang Propeta (Muhammad SAW) ay nagsabi: "Aking hinahangad sa Allah na ang pag-aayuno sa araw ng Arafah ay Kanyang pawalang-sala ang nakaraang taon at ang kasunod nito"].

3. Ang pag-Takbeer (pagdakila) at paggunita (Dhikr) sa mga araw na ito.

{وَيَذْآُرُوا اسْمَ اللَّهِ فِي أَيَّامٍ مَّعْلُومَاتٍ} :(Sinabi ng Allah (SWT

{At binibigkas nila ang Pangalan ng Allah sa mga kilalang araw.} Al-Hajj: 28.

Sa katunayan, ang mga naturang kilalang araw ay binigyang pakahulugan na ang mga ito ay ang sampung araw ng Dhul-Hijjah. At dahil dito ang madalas na paggunita sa mga araw na ito ay naging kaaya-aya sa mga eskolar ng Islam.

Batay sa Hadith na naiulat ni Ibn Umar (RA) ayon sa pahayag ni Ahmad (RA) ganito ang pagkasaad: [Kaya't dalasan ninyo dito ang pagpupuri, pagdakila at pasasalamat].

Si Bukhari (RA) ay nagpahayag din patungkol kay Ibn Umar at kay Abu Hurairah (RA): " Na ang dalawang ito ay lumalabas sa palengke sa mga araw na ito nang nagtatakbeer kaya't nagsisitakbeer na rin ang mga tao batay sa kanilang pagta takbeer."

At si Ishaq (RA) ay nag-ulat tungkol sa mga Pantas ng Tabi `oun [mga eskolar sa ikalawang siglo (RA)]: Kanyang sinabi: "Sila ay nagtatakbeer sa mga araw na ito nang ganito: "Allaahu Akbar, Allaahu Akbar, Laa ilaaha illallaahu wallaahu Akbar, Allaahu Akbar walillaahil Hamd."

At mas mainam na pinatataas ang boses sa pagtakbeer maging sa loob ng mga palengke, tahanan, daanan, Masjid at sa iba pang lugar.

{وَلِتُكَبِّرُواْ اللّهَ عَلَى مَا هَدَاآُمْ } :(Batay sa sinabi ng Allah (SWT  {At upang inyong dakilain ang Allah dahil sa pagkaloob Niya ng patnubay sa inyo.} Al-Baqarah: 185.

Paalaala: ang sabay-sabay na pagtakbeer ay hindi ipinahihintulot – ito ay sa pamamagitan ng sama-samang pagsambit ng isang grupo sa iisang tono – sapagkat hindi ito napatunayan sa mga sinaunang ninuno. Bagkus ang wastong pamamaraan nito, ang bawa't isa ay kanya-kanyang magtakbeer.

Ito ay sumasaklaw sa lahat ng uri ng paggunita (Dhikr) at panalangin maliban kung dahil sa kawalan ng kaalaman. Sa ganitong kalagayan maaaring gabayan siya ng iba hangga't sa matutunan niya ito.

Samakatuwid, ang paggunita ay ipinahihintulot alinman sa lahat ng uri ng takbeer, pagpupuri at pagluluwalhati, at sa lahat ng mga lehitimong panalangin.

4. Ang pagsisisi at pagkalas sa mga kasuwailan at sa lahat ng mga kasalanan. Nang maging karapat-dapat sa mga gawain ang kapatawaran at habag ng Allah (SWT).

Samakatuwid ang mga kasuwailan ay dahilan ng pagtaboy at pagtakwil, samantalang ang mga gawaing pagsunod naman ay dahilan ng pagpapalapit at pagmamahal. Batay sa Hadith na naiulat ni Abu Hurairah (RA) [ang Propeta ay nagsabi:

"Katotohanan, ang Allah ay naghihinakit at ang paghihinakit ng Allah ay ang pagsasanay ng tao sa mga ipinagbabawal Niya."] . Isinalaysay ni Al-Bukhari at Muslim.

5.Ang magparami ng mabubuting gawain sa mga gawaing pagsamba na kusang-loob, tulad ng Salah, pagkakawanggawa, pakikibaka sa pakikipaglaban sa landas ng Allah, pagbabasa, pag-utos ng kabutihan at pagbabawal ng kasamaan atbp. Sapagkat ito'y naibibilang sa mga gawaing paulit-ulit na ginagantimpalaan ng Allah sa mga araw na ito. Samakatuwid ang isang gawain dito kahit pa man ito'y napakaliit, ito ay mas mainam pa rin at kalugud-lugod sa Allah kaysa isagawa ito sa ibang araw bukod dito, at maging ang pakikipaglaban sa landas ng Allah (Jihad) na sadyang napakadakilang gawain, ito'y nangunguna pa rin dito, maliban sa taong napatay ang kanyang kabayo at dumanak ang kanyang dugo.

6.Itinatagubilin sa mga araw na ito ang pag-Takbeer ng walang takdang oras sa buong magdamag o sa buong maghapon hanggang sa oras na isagawa ang Salah sa Eid. Itinatagubilin din ang pag-takbeer ng may katakdaang oras. At ito'y sa bawa't pagkatapos ng mga ubligadong Salah na isinasagawang sama-sama. At para sa mga hindi nagsasagawa ng Hajj, magsimula ang oras nito sa pagsapit ng bukang-liwayway sa araw ng Arafah, at para naman sa nagsasagawa ng Hajj, magsimula sa tanghaling tapat sa araw ng Eid (ika-10 araw) at manatili ito hanggang sa Salah ng Asr sa huling araw ng Tashreeq (ika-13 araw).

7.Itinatagubilin ang Udh-hiyyah (hayop na kinakatay bilang alay) sa araw ng Nahr (ika-10 araw) at sa mga araw ng Tashreeq (ika-11, 12, 13 araw). Ito ay isang dakilang alaala sa ginawa ng ating ninunong si Ibraheem nang ihandog niya sa Allah (SWT) ang kanyang anak sa pamamagitan ng kakila-kilabot na pagkatay. At sa katunayan, [Ang Propeta ay naghandog ng dalawang tupa na ang mga balahibo nito'y kulay itim at puti at mahahaba ang mga sungay, siya mismo ang kumatay sa mga ito. Binigkas niya ang pangalan ng Allah at nagtakbeer (Bismillaahi Allaahu Akbar), at dinaganan niya ng kanyang paa ang tagiliran nito.] Isinalaysay ni Al-Bukhari at Muslim.

8. Ang sinumang nais maghandog ng Udhiyyah, hindi pinahihintulutang bumunot o pumutol ng kanyang buhok at mga kuko hangga't sa hindi siya nakapaghandog.

Batay sa naipahayag ni Muslim (RA) at ng iba. Si Ummu Salamah (RA) ay nag-ulat; [Ang Propeta (SAW) ay nagsabi:

"Kapag nakita ninyo ang buwan ng Dhul-Hijjah at nais ng isa sa inyo na maghandog ng alay. Hayaan niya ang kanyang buhok at mga kuko]. At sa ibang sanaysay ay ganito:

 [Huwag pumutol ng kanyang buhok at mga kuko hangga't sa hindi siya nakapaghandog].

At maaring ito'y bilang pagtulad sa taong nakapagdala ng Hady (alay).

Sa katunayan sinabi ng Allah (SWT):

At huwag kayo mag-ahit ng inyong buhok hangga't hindi umabot ang Hady sa lugar (na} { وَلاَ تَحْلِقُواْ رُؤُوسَكُمْ حَتَّى يَبْلُغَ الْهَدْيُ مَحِلَّهُ } pinagkakatayan nito)} Al-Baqarah: 196

Sa panglabas na kahulugan, ipinahihiwatig nito na ang kabawalang ito ay sumasaklaw lamang sa may ari mismo ng Udhiyyah. Samakatuwid hindi nasasaklawan nito ang asawang babae at ang mga anak maliban kung ang isa sa kanila ay may sariling Udhiyyah. At wala ring masama sa paghugas ng ulo at pagkuskus nito kahit may nalaglag pa na buhok.

9.Dapat maging masigasig ang isang muslim sa pagtaguyod ng Salah sa Eid, saan mang lugar idinadaos ito, at sa pagdalo ng Khutbah at pakikinabang, at dapat din niyang alamin ang wastong layunin ng pagtakda sa pagdiriwang na ito. Ito ay araw ng pasasalamat at pagtaguyod ng kabutihan.

Samakatuwid, hindi karapat-dapat na itakda niya ito bilang araw ng kasamaan at kapilyuhan, ni gawing panahon ng kasuwailan at pinagsasanayan ng mga kabawalan, tulad ng mga awitin, mga aliwan, paglalasing at ang mga katulad nito na kung saan ay nagiging dahilan ng pagkawalang kabuluhan ng mga mabubuting gawain na kanyang pinagsikapan sa sampung araw na ito.

10.Pagkatapos ng mga nabanggit. Karapat-dapat lang sa bawat muslim maging lalaki man o babae na samantalahin ang dakilang mga araw na ito sa pagsunod sa Allah (SWT), paggunita at pagpapasalamat sa Kanya, pagtaguyod ng mga tungkulin at pag-iwas sa mga ipinagbabawal.

Gayon din dapat lang na samantalahin ang magagandang pagkakataon na ito at hangarin ang mga gantimpala ng Allah (SWT) nang sa gayo'y makamit ang Kanyang kaluguran. Ang Allah (SWT) ang nagkakaloob ng katampukan at nagpapatnubay ng wastong landas.

Nawa'y ang pagpapala at pagbati ng Allah ay igawad kay Muhammad (SAW), sa kanyang mag-anak at sa kanyang mga kasamahan.

Si Imam Ahmad (RA) ay nagpahayag din mula sa ulat ni Ibn Umar (R.A.A.); [Ang Propeta (SAW) ay nagsabi: "Walang mga araw na ang mga gawaing isinasagawa rito ay higit na dakila at kalugud-lugod para sa Allah maliban sa sampung araw na ito. Kaya dalasan ninyo ang pagpupuri, pagdakila at pasasalamat dito."]

At si Ibn Habban (RA) ay nagpahayag din sa kanyang mapapanaligang aklat mula sa ulat ni Jabir (RA); [Ang Propeta (SAW) ay nagsabi: "Ang pinakamainam na mga araw ay ang araw ng Arafah."]

Ang mga isinasagawang gawain sa sampung araw na ito:

1. Ang pagsasagawa ng Hajj at Umrah. Sa katunayan ito ang siyang pinakamainam sa lahat ng mga gawain. Sadyang napakaraming Hadith ang nagpapahayag tungkol sa kadakilaan nito, isa na rito ang sinabi ng Propeta (Muhammad SAW):

["Ang Umrah sa isa pang Umrah ay nagpapawalang sala sa pagitan nito at ang tanggap na Hajj ay walang gantimpala kundi ang Paraiso"].

At ang iba pang mapapanaligang mga Hadith na nagpapahayag patungkol dito.

2. Ang pag-aayuno sa mga araw na ito o sa alinmang makakayanan dito – lalong-lalo na sa araw ng Arafah – Walang pag-aalinlangan na ang pag-aayuno ang pinakamainam sa mga gawain, sapagkat ibinukod-tangi ito ng Allah sa Kanyang sarili. Batay sa mga pahayag na matutunghayan sa Hadith Qudsi:

[Ang pag-aayuno ay para lamang sa Akin (Allah) at Ako mismo ang gagawad ng gantimpala nito, tunay na kanyang tinalikuran ang kanyang hilig, pagkain at inumin alang-alang sa Akin].

Sa naiulat ni Abu Sa`ied Al-Khudry (RA); [Ang Sugo ng Allah (Muhammad SAW) ay nagsabi: "Walang isang lingkod na nag-ayuno ng isang araw sa landas ng Allah kundi ang kanyang mukha ay ilalayo ng Allah sa Impiyerno ng dahil sa isang araw na ito, na ang layo ay katumbas ng pitumpong taon (kung lalakarin).] Isinalaysay ni Al-Bukhari at Muslim.

At sa naipahayag ni Muslim (RA) mula sa ulat ni Abu Qatadah; [Ang Propeta (Muhammad SAW) ay nagsabi: "Aking hinahangad sa Allah na ang pag-aayuno sa araw ng Arafah ay Kanyang pawalang-sala ang nakaraang taon at ang kasunod nito"].

3.Ang pag-Takbeer (pagdakila) at paggunita (Dhikr) sa mga araw na ito.

{وَيَذْآُرُوا اسْمَ اللَّهِ فِي أَيَّامٍ مَّعْلُومَاتٍ} :(Sinabi ng Allah (SWT {At binibigkas nila ang Pangalan ng Allah sa mga kilalang araw.} Al-Hajj: 28.

Sa katunayan, ang mga naturang kilalang araw ay binigyang pakahulugan na ang mga ito ay ang sampung araw ng Dhul-Hijjah. At dahil dito ang madalas na paggunita sa mga araw na ito ay naging kaaya-aya sa mga eskolar ng Islam.

Batay sa Hadith na naiulat ni Ibn Umar (RA) ayon sa pahayag ni Ahmad (RA) ganito ang pagkasaad: [Kaya't dalasan ninyo dito ang pagpupuri, pagdakila at pasasalamat].

Si Bukhari (RA) ay nagpahayag din patungkol kay Ibn Umar at kay Abu Hurairah (RA): " Na ang dalawang ito ay lumalabas sa palengke sa mga araw na ito nang nagtatakbeer kaya't nagsisitakbeer na rin ang mga tao batay sa kanilang pagta takbeer."

At si Ishaq (RA) ay nag-ulat tungkol sa mga Pantas ng Tabi `oun [mga eskolar sa ikalawang siglo (RA)]: Kanyang sinabi: "

Sila ay nagtatakbeer sa mga araw na ito nang ganito:

"Allaahu Akbar, Allaahu Akbar, Laa ilaaha illallaahu wallaahu Akbar, Allaahu Akbar walillaahil Hamd."

At mas mainam na pinatataas ang boses sa pagtakbeer maging sa loob ng mga palengke, tahanan, daanan, Masjid at sa

iba pang lugar.

{وَلِتُكَبِّرُواْ اللّهَ عَلَى مَا هَدَاآُمْ } :(Batay sa sinabi ng Allah (SWT 

{At upang inyong dakilain ang Allah dahil sa pagkaloob Niya ng patnubay sa inyo.} Al-Baqarah: 185.

Paalaala: ang sabay-sabay na pagtakbeer ay hindi ipinahihintulot – ito ay sa pamamagitan ng sama-samang pagsambit ng isang grupo sa iisang tono – sapagkat hindi ito napatunayan sa mga sinaunang ninuno. Bagkus ang wastong pamamaraan nito, ang bawa't isa ay kanya-kanyang magtakbeer. Ito ay sumasaklaw sa lahat ng uri ng paggunita (Dhikr) at panalangin maliban kung dahil sa kawalan ng kaalaman. Sa ganitong kalagayan maaaring gabayan siya ng iba hangga't sa matutunan niya ito. Samakatuwid, ang paggunita ay ipinahihintulot alinman sa lahat ng uri ng takbeer, pagpupuri at pagluluwalhati, at sa lahat ng mga lehitimong panalangin.

4. Ang pagsisisi at pagkalas sa mga kasuwailan at sa lahat ng mga kasalanan. Nang maging karapat-dapat sa mga gawain ang kapatawaran at habag ng Allah (SWT). Samakatuwid ang mga kasuwailan ay dahilan ng pagtaboy at pagtakwil, samantalang ang mga gawaing pagsunod naman ay dahilan ng pagpapalapit at pagmamahal. Batay sa Hadith na naiulat ni Abu Hurairah (RA) [ang Propeta ay nagsabi: "Katotohanan, ang Allah ay naghihinakit at ang paghihinakit ng Allah ay ang pagsasanay ng tao sa mga ipinagbabawal Niya."] Isinalaysay ni Al-Bukhari at Muslim.

5.Ang magparami ng mabubuting gawain sa mga gawaing pagsamba na kusang-loob, tulad ng Salah, pagkakawanggawa, pakikibaka sa pakikipaglaban sa landas ng Allah, pagbabasa, pag-utos ng kabutihan at pagbabawal ng kasamaan atbp.

Sapagkat ito'y naibibilang sa mga gawaing paulit-ulit na ginagantimpalaan ng Allah sa mga araw na ito. Samakatuwid ang isang gawain dito kahit pa man ito'y napakaliit, ito ay mas mainam pa rin at kalugud-lugod sa Allah kaysa isagawa ito sa ibang araw bukod dito, at maging ang pakikipaglaban sa landas ng Allah (Jihad) na sadyang napakadakilang gawain, ito'y nangunguna pa rin dito, maliban sa taong napatay ang kanyang kabayo at dumanak ang kanyang dugo.

6.Itinatagubilin sa mga araw na ito ang pag-Takbeer ng walang takdang oras sa buong magdamag o sa buong maghapon hanggang sa oras na isagawa ang Salah sa Eid. Itinatagubilin din ang pag-takbeer ng may katakdaang oras. At ito'y sa bawa't pagkatapos ng mga ubligadong Salah na isinasagawang sama-sama. At para sa mga hindi nagsasagawa ng Hajj, magsimula ang oras nito sa pagsapit ng bukang-liwayway sa araw ng Arafah, at para naman sa nagsasagawa ng Hajj, magsimula sa tanghaling tapat sa araw ng Eid (ika-10 araw) at manatili ito hanggang sa Salah ng Asr sa huling araw ng Tashreeq (ika-13 araw).

7.Itinatagubilin ang Udh-hiyyah (hayop na kinakatay bilang alay) sa araw ng Nahr (ika-10 araw) at sa mga araw ng Tashreeq (ika-11, 12, 13 araw). Ito ay isang dakilang alaala sa ginawa ng ating ninunong si Ibraheem nang ihandog niya sa Allah (SWT) ang kanyang anak sa pamamagitan ng kakila-kilabot na pagkatay.

At sa katunayan, [Ang Propeta ay naghandog ng dalawang tupa na ang mga balahibo nito'y kulay itim at puti at mahahaba ang mga sungay, siya mismo ang kumatay sa mga ito. Binigkas niya ang pangalan ng Allah at nagtakbeer (Bismillaahi Allaahu Akbar), at dinaganan niya ng kanyang paa ang tagiliran nito.] Isinalaysay ni Al-Bukhari at Muslim.

8. Ang sinumang nais maghandog ng Udhiyyah, hindi pinahihintulutang bumunot o pumutol ng kanyang buhok at mga kuko hangga't sa hindi siya nakapaghandog.

Batay sa naipahayag ni Muslim (RA) at ng iba. Si Ummu Salamah (RA) ay nag-ulat; [Ang Propeta (SAW) ay nagsabi:

"Kapag nakita ninyo ang buwan ng Dhul-Hijjah at nais ng isa sa inyo na maghandog ng alay. Hayaan niya ang kanyang buhok at mga kuko].

At sa ibang sanaysay ay ganito: [Huwag pumutol ng kanyang buhok at mga kuko hangga't sa hindi siya nakapaghandog]. At maaring ito'y bilang pagtulad sa taong nakapagdala ng Hady (alay).

Sa katunayan sinabi ng Allah (SWT):

 {At huwag kayo mag-ahit ng inyong buhok hangga't hindi umabot ang Hady sa lugar (na pinagkakatayan nito)} Al-Baqarah: 196

Sa panglabas na kahulugan, ipinahihiwatig nito na ang kabawalang ito ay sumasaklaw lamang sa may ari mismo ng Udhiyyah. Samakatuwid hindi nasasaklawan nito ang asawang babae at ang mga anak maliban kung ang isa sa kanila ay may sariling Udhiyyah. At wala ring masama sa paghugas ng ulo at pagkuskus nito kahit may nalaglag pa na buhok.

9.Dapat maging masigasig ang isang muslim sa pagtaguyod ng Salah sa Eid, saan mang lugar idinadaos ito, at sa pagdalo ng Khutbah at pakikinabang, at dapat din niyang alamin ang wastong layunin ng pagtakda sa pagdiriwang na ito. Ito ay araw ng pasasalamat at pagtaguyod ng kabutihan.

Samakatuwid, hindi karapat-dapat na itakda niya ito bilang araw ng kasamaan at kapilyuhan, ni gawing panahon ng kasuwailan at pinagsasanayan ng mga kabawalan, tulad ng mga awitin, mga aliwan, paglalasing at ang mga katulad nito na kung saan ay nagiging dahilan ng pagkawalang kabuluhan ng mga mabubuting gawain na kanyang pinagsikapan sa sampung araw na ito.

10.Pagkatapos ng mga nabanggit. Karapat-dapat lang sa bawat muslim maging lalaki man o babae na samantalahin ang dakilang mga araw na ito sa pagsunod sa Allah (SWT), paggunita at pagpapasalamat sa Kanya, pagtaguyod ng mga tungkulin at pag-iwas sa mga ipinagbabawal.

Gayon din dapat lang na samantalahin ang magagandang pagkakataon na ito at hangarin ang mga gantimpala ng Allah (SWT) nang sa gayo'y makamit ang Kanyang kaluguran. Ang Allah (SWT) ang nagkakaloob ng katampukan at nagpapatnubay ng wastong landas.

Nawa'y ang pagpapala at pagbati ng Allah ay igawad kay Muhammad (SAW), sa kanyang mag-anak at sa kanyang mga kasamahan.

Isinalin sa Tagalog ni: Muhammad Taha

Source: Islamhouse.com

Ang Hajj (malaking Pilgrimahe)

Ang Mga Kabutihan at Katangian ng Makkah at ng Masjidil Haram (Ang Sagradong Bahay-Dalanginan)

Ang Masjidil Haram sa Makkah Al-Mukarramah ay nakatayo sa dakong kanluran ng kapuluang Arabia, ito ay nagtataglay ng maraming katangian sa Islam, ang ilan dito ay:

1. Dito nakatirik ang marangal na Kaabah:

 Ang Kaabah ay isang kuwadradong gusali at halos parang kubo, na nakalagay sa gitna ng Masjidil Haram sa Makkah Al-Mukarramah.

Ito ang Qiblah (direksiyon) na hinaharap ng mga Muslim sa sandaling isinasagawa ang Salaah at iba pang mga Ibaadah (gawaing pagsamba) na ipinag-uutos ng Allah.At katotohanan, ito ay itinayo ni Propeta Abraham [Ibrahim Al-Khalil sa arabik] at ng kanyang anak na si Propeta Ismael, nawa’y ipagkaloob sa kanila ang pagpapala at kapayapaan – bilang pagsunod sa kautusan ng Makapangyarihang Allah. Paglipas ng mahabang panahon, ito ay dumanas ng maraming ulit na pagbabago [pagkumpuni].


Ang Allah na Makapangyarihan at Kapita-pitagan ay nagsabi: {At [banggitin mo] nang itayo nina Abraham at [ng kanyang anak na si] Ismael ang haligi ng [sagradong] bahay-dalanginan [ang Ka’bah] [at sila ay nanalangin]: “Aming Panginoon, tanggapin Mo po [ang paglilingkod na] ito mula sa amin. Katotohanan, Ikaw ang Lubos na Nakaririnig, ang Maalam.” 




[Al-Baqarah (2): 127]



At katotohanan, nang ito ay kanilang muling kinumpuni, tumulong ang Propeta Muhammad  sa paglagay ng Al-Hajarul Aswad (itim na bato) sa kinalalagyan nito kasama ng mga tribu sa Makkah Al-Mukarramah.

2.Ito ang kauna-unahang Masjid (Bahay dalanginan) sa ibabaw ng lupa:

Sapagka’t, nang tanungin ng isang dakilang Sahabah (kasamahan ng Propeta) na si Abu Dar – kalugdan nawa siya ng Allah – ang Sugo ng Allah  : O Sugo ng Allah! Aling Masjid (bahay dalanginan) ang kauna-unahang itinayo sa lupa? Siya ay nagsabi:

 «Ang Masjidil Haram (bahay dalanginan sa Makkah)», sinabi niya (Abu Dar): aking sinabi: Alin ang sumunod? Siya ay nagsabi: 

«Ang Masjidil Aqsa (bahay dalanginan sa Herusalem)»

aking sinabi: Ilan ang naging pagitan ng mga ito? Siya ay nagsabi:

 «Apatnapung taon, at saan ka mang maabutan ng Salaah (pagdarasal) simula ngayon, iyong isagawa ito, sapagka’t naroroon ang kabutihan».

 [Al-Bukhari: 3186 – Muslim: 520]

3.Dinaragdagan nang maraming ulit ang gantimpala ng mga pagdarasal [Salaah] dito:

Sapagka’t katotohanang sinabi ng Sugo ng Allah  :

 «Ang isang Salaah sa aking Masjid – ibig sabihin ay ang Masjid sa Madinah – ay higit na mainam kaysa sa isang libong [1,000] pagdarasal [Salaah] na isinasagawa sa iba pang mga Masjid maliban sa Masjidil-Haram, sapagka’t ang isang Salaah sa Masjidil Haram ay katumbas ng isang daang libong [100,000] Salaah na isinasagawa sa iba pa rito».

 (Ibn Majah: 1406 – Ahmad: 14694)

4. Ito ay sagradong pook ng Allah at Kanyang Sugo:
Ang Allah ay nagpahayag: 
{[Sabihin mo, O Muhammad], “Ako ay napag-utusan na sambahin ang Panginoon ng lungsod na ito [ang Makkah], na Kanyang ginawang sagrado at Siyang nagmamay-ari ng lahat ng bagay. At ako [si Muhammad] ay napag-utusan na maging isa sa mga Muslim [na tumatalima sa Allah]. [Surah An-Naml (27): 91]

Ang ayah [o talata ng Qur’an] ay nagpahayag na ang Makkah ay isang sagradong sambahan, kaya ipinagbawal ng Allah sa mga mamamayan dito ang magpadanak ng dugo, o maghasik ng kawalang katarungan kaninuman, o magsasanay dito ng pangangaso, o mamutol dito ng anuman sa mga kahoy nito at mga damo nito. 


Sinabi niya  : «Katotohang ang Makkah ay ginawang banal ng Allah, subali’t ito’y hindi ginawang banal ng mga tao, kaya hindi nararapat para sa isang taong naniniwala sa Allah at sa Huling Araw na siya ay magpadanak ng dugo rito, gayundin na magpuputol dito ng anumang kahoy». (Al-Bukhari: 104 – Muslim: 1354)
  1. 5. Ito ang pinakamamahal na bayan para sa Allah at sa Kanyang Sugo 
Sinabi ng isa sa mga Sahabah (kasamahan ng Propeta): Nakita ko ang Sugo ng Allah  habang siya ay nakasakay sa kanyang kamelyo na nakatindig sa Hajurah (isa sa mga purok sa Makkah) na nagsasabi: «Sumpa man sa Allah! Katotohanang [O Makkah] ikaw ang pinakamainam at pinakamamahal na lupa ng Allah, at kung hindi lamang ako ipinagtabuyan mula sa iyo, tunay na hindi ko magagawang iwanan ka.» (At-Tirmidhi: 3925 – An-Nisaai sa Al-Kubra: 4252)
  1. 6. [Bilang tungkulin] ipinag-utos ng Dakilang Allah ang pagsasagawa ng Hajj (Pilgrimahe) sa Kanyang banal na tahanan sa sinumang may kakayahan pumarito:
Sa katunayan, si Propeta Abraham [Ibrahim[ – nawa’y ipagkaloob ang kapayapaan sa kanya – ay nanawagan sa sangkatauhan na kanilang isagawa ang Hajj, kaya dumagsa ang mga tao mula sa lahat ng lugar, at maging ang mga Propeta ay nagsipaggawa ng Hajj – tulad ng ipinabatid dito ng Sugo  . Ang Allah ay nagsabi bilang kautusan kay Ibrahim: {At ipanawagan mo sa sangkatauhan [O Abraham] ang [kahalagahan ng] Hajj; sila ay darating sa iyo na nakayapak at nakasakay sa bawa’t kamelyo, at sila ay magsisirating mula sa bawa’t [matatarik at] malalayong daan}. Al-Hajj (22): 27


Ang Kahulugan ng Hajj (Pilgrimahe):

Ang Hajj ay ang pagtungo sa banal na Tahanan ng Allah upang isagawa ang mga rituwal, ito ay ang mga gawain at salita na napatunayan sa Propeta  , tulad ng Al-Ihram (pagpasok sa kalagayan ng Hajj), At-Tawaf (pag-ikot) sa palibot ng banal na tahanan (Kaabah) nang pitong ulit, As-Sa`ey (paglalakad) sa pagitan ng dalawang bundok na tinaguriang As-Safa at Al-Marwah, Al-wuquf (pagtigil) sa `Arafah, at ang Rami - paghahagis ng mumunting mga bato sa Mina atbp.

At mayroon itong malalaking kapakinabangan para sa mga Muslim, tulad ng paghahayag sa Kaisahan ng Allah, ang pagtamo ng dakilang pagpapatawad na ipagkakaloob sa mga nagsasagawa ng Hajj, ang pagkakakilala sa pagitan ng mga Muslim at ang pag-aaral sa mga alituntunin ng Relihiyon atbp.

Ang oras ng Hajj: Natutuon ang mga gawain ng Hajj sa pagitan ng araw ng ikawalo at ikalabingtatlo sa buwan ng Dhul Hijjah, na siyang ikalabindalawang buwan sa mga lunar na buwan sa Islamikong Kalendaryo.


Sino Ang May Tungkuling Upang Magsagawa ng Hajj?

[Bilang tungkulin], ipinag-utos angHajj para sa isang Muslim na may kakayahan (ang kahulugan ng nasa ganap na katungkulan – tulad ng naunang nabanggit – nasa wastong pag-iisip at wastong edad).


At Ang Kahulugan ng May Kakayahan ay:


Ang kakayahang makaabot pagtungo sa banal na Tahanan sa tamang pamamaraan at naaalinsunod sa Batas [ng Islam], at ang pagsasakatuparan sa mga rituwal ng Hajj nang wala gaanong danasing paghihirap nang higit kaysa sa natatamong paghihirap ng karaniwang paglalakbay, kalakip ang kaligtasan ng sarili at kayamanan, at na ang lahat ng kanyang kakailanganin para sa kanyang Hajj na panggugol ay higit kaysa sa kanyang pangunahing pangangailangan at sa panggugol sa mga taong tungkulin niyang tustusan.


Ang Kakayahan ng isang Muslim Upang Magsagawa ng Hajj

  1. Ang makayanan niyang isagawa ang Hajj sa sarili niya mismo. Ibig sabihin ay makakayanan niyang makaabot patungo sa Tahanan sa sarili niya mismo nang walang daranasing labis na paghihirap kaysa sa karaniwang paglalakbay, at mayroon din siyang sapat na kayamanan para sa paggugol rito, kaya nararapat niyang isagawa ang tuugkulin ng Hajj sa sarili niya mismo.
  2. Ang kakayahang pananalapi upang isagawa ito para sa kanya. Ito ay nauukol para sa mga Muslim na walang kakayahang isagawa ito nang sarili sanhi ng karamdaman o katandaan, nguni’t mayroon siyang kakayahan upang pahintulutan ang iba upang isagawa para sa kanya ang Hajj bilang kanyang kapalit, sa gayon tungkulin niyang gastusan ng salapi ang sinumang magsasagawa ng Hajj bilang kanyang kapalit.
  3. Ang walang kakayahang isagawa ang Hajj, maging sa sarili niya mismo o sa iba bukod sa kanya. Kaya sa kanya ay hindi ipinag-uutos ang pagsasagawa ng Hajj hanggang wala siyang kakayahan dito.
    Ang halimbawa nito ay ang taong wala kayamanang labis sa kanyang sariling mga pangunahing pangangailangan at pagtustos ng kabuhayan sa kanyang pamilya na sasapat sa kanya upang ito ay kanayng gamitin para sa pagsasagawa ng Hajj.
    At hindi niya kailangang maglikom ng kayamanan upang magkaroon ng kakayahang isagawa ang Hajj, datapuwa’t kung kailan siya magkaroon ng kakayahan, samakatuwid, ipinag-uutos sa kanyang ang Hajj [bilang tungkulin].

Mayroon ka bang sapat na kayamanan at kakayahan pangkalusugan sa pangangatawan upang makapagsagawa para sa Hajj?


Oo > > > Tungkulin mong isagawa ang Hajj sa iyong sarili mismo.


Hindi > > > Mayroon ka bang sapat na kayamanan, nguni’t wala kang angking kakayahang pangkalusugan sa pangangatawan para magsagawa ng Hajj sanhi ng iyong karamdaman na hindi inaasahang gagaling pa o sanhi ng sa iyong katandaan?


Oo > > > Tungkulin mong gumugol ng kayamanan para sa sinumang magsasagawa ng Hajj bilang iyong kapalit [para sa pagsasagawa ng mga ritwal ng Hajj].


Hindi > > > Kung ikaw ay walang sapat na kayamanan para sa Hajj na humigit kaysa sa iyong mga pangunahing pangangailangan at mga pangangailangan ng mga taong dapat mong tustusan ng kanilang ikabubuhay, sa gayon hindi isang tungkulin para sa iyo ang magsagawa ng Hajj at hindi mo na rin kailangang maglikom ng kayamanan upang isagawa ang Hajj

Ang Mga Kabutihan ng Hajj

Nakapaloob sa pagsasagawa ng Hajj ang mararaming Katangian at Kabutihan, at ang ilan dito ay dahil sa:

Ito ay isa sa mga pinakamabuting gawain. Nang tanungin ang Propeta  : Ano ang pinakamabuting mga gawain? Siya ay nagsabi: «Ang paniniwala sa Allah at sa Kanyang Sugo». May nagsabi: Ano po ang kasunod? Siya ay nagsabi: «Ang pagpupunyagi [at pakikipaglaban] sa Landas ng Allah». May isa na namang nagsabi: Ano pa po ang kasunod? Siya ay nagsabi: «Ang Hajj Mabrur (katanggap-tanggap na Hajj)». (Al-Bukhari: 1447 – Muslim: 83)

Ang Hajj ay Isang Dakilang Panahon para sa paghingi ng kapatawaran. Sinabi niya  : «Sinuman ang nagsagawa ng Hajj at hindi nagsalita ng malalaswa (o nakipagtalik sa kanyang asawa sas panahon ng Hajj), at hindi nakagawa ng pagsuway [o paghihimagsik]. Siya ay uuwing katulad ng araw na siya ay ipanganak ng kanyang ina». (Al-Bukhari: 1449 – Muslim: 1350). Ibig sabihin: Siya ay uuwi nang walang bahid ng kasalanan, wari bang siya ay bagong silang.

Ito ay isang malaking pagkakataon para sa kalayaan (o kaligtasan ng isang Muslim) mula sa Apoy. Sinabi ng Sugo  : «Wala nang iba pang araw na pinalalaya ng Allah ang nakararami sa Kanyang alipin mula sa Apoy maliban sa araw ng `Arafah». (Muslim: 1348)

Ang gantimpala nito ay ang Paraiso. Sinabi niya  : «Ang Hajj na Mabrur (katanggap-tanggap) ay wala nang iba pang gantimpala maliban sa Paraiso». (Al-Bukhari: 1683 – Muslim: 1349)
Ang mga kabutihang ito at ang iba pang kabutihan ay matatamo lamang niyaong mga nagsigawa nito para sa kasiyahan ng Allah sa pamamagitan ng pagsunod sa yapak ng Sugo ng Allah 



Ang Mga Layunin ng Hajj

Ang Hajj ay mayroong mga di-mabilang na dakilang layunin at hangarin sa sarili at sa pamayanan. Pagkaraang bigyan ng alituntunin ang mga nagsasagawa ng Hajj hinggil sa mga hayop na iaalay, sila ay nararapat na hanapin ang pamamaraang mapalapit sa Dakilang Allah sa Araw ng An-Nahr (araw ng pagkakatay sa mga hayop na iniaalay bilang handog):

{Kailanman ay hindi nakakarating sa Allah ang mga laman nito, gayundin ang dugo nito, datapuwa’t ang inyong Taqwa (pitagang takot sa Allah) ang nakakarating sa Kanya}. Al-Hajj (22): 37
Siya  ay nagsabi: «Itinalaga lamang ang Tawaf (pag-ikot) sa palibot ng Kaabah, at (ang paglakad) sa pagitan ng As-Safa at Al-Marwah at ang pagbato sa Jamarat upang itaguyod ang paggunita sa Allah». (Abu Daud: 1888)


At ang ilan sa mga layunin nito ay:
  • Ang paglalarawan ng ganap na pagsuko [o pagtalima] pagpapakumbaba sa Allah:
At ito ay natututuhan lamang kapag ang isang Hajji (nagsasagawa ng Hajj) ay lumisan sa lahat ng uri ng karangyaan at palamuti, bagkus siya ay nagsusuot lamang ng isang simpleng kasuutang Ihram bilang tanda ng kanyang lubos na pangangailangan at umaasa lamanag sa habag ng kanyang Panginoon, at umiiwas sa mga makamundong kasiyahan na maaaring makapaglihis sa kanya sa marubdob na pagsasagawa ng matapat na pagsamba sa kanyang Panginoon, upang kanyang matamo ang Kanyang kapatawaran at habag, at ang paglalarawan ng ganap na pagsuko [o pagtalima] ay higit na nagiging malinaw sa kanyang pagtindig sa araw ng `Arafah habang nagsusumamo sa kanyang Panginoon, nagpupuri, nagpapasalamat sa Kanyang mga Biyaya at Kabutihang-loob, at humihingi ng kapatawaran sa kanyang mga kasalanan at pagkakamali. 

  • Ang Pagpasalamat sa Mga Biyaya at Pagpapala:
Nailalarawan ang pagpapasalamat sa pagsasagawa ng tungkuling Hajj sa dalawang panig: Pagpapasalamat sa biyayang ng yaman, at pagpapasalamat sa kaligtasan ng katawan, na ang mga ito ang pinakadakilang biyaya at pagpapala ng mundo na siyang ikinaliligaya ng tao. Samakatuwid sa Hajj ay pagpapasalamat sa dalawang dakilang biyaya na ito, na kung saan ay nagpapakahirap ang tao sa kanyang sarili at gumugugol ng kanyang kayamanan alang-alang sa pagsunod sa kanyang Panginoon at pagpapalapit sa Kanyang Kaluwalhatian, at walang pag-aalinlangan na ang pagpapasalamat [at pagkilala] sa mga ipinagkaloob na biyaya ay isang tungkulin, na ipinahahayag ng makatuwirang isip at ipinaag-uutos rin ng relihiyon.
  • Ang Pagtitipon ng Mga Muslim:
Nagkakatipun-tipon ang mga Muslim mula sa iba’t ibang bansa ng mundo sa panahon ng Hajj, kaya nagkakakilala sila sa isa’t isa at nagkakapalagayan ng loob, dito ay pinapawi ang pagkakaiba sa pagitan ng mga tao, pagkakaiba sa kasaganaan at kahirapan, pagkakaiba sa kasarian at kulay, pagkakaiba sa salita at wika, nagkakaisa ang salita ng mga Muslim sa pinakamalaking pagtitipon ng mga tao, nagkaisa ang salita ng mga sambayanan nito sa kabutihan, sa kabanalan, sa pagpapayuhan sa katotohanan at pagiging matiisin, ang pinakamalaking layunin nito ay ang pag-uugnay ng mga kadahilanan ng buhay sa mga kadahilanan ng langit.

  • Ang Paggunita sa Huling Araw:
Sa Hajj ipinaaalaala nito sa isang Muslim ang tungkol sa Araw ng Pakikipagharap [ng tao sa kanyang Panginoon [Allah], ito ay kapag nakapaghubad na ang isang Hajji (nagsasagawa ng Hajj) ng kanyang kasuutan at nagsimulang mag-Talbiyah (binibigkas ang mga ipinag-utos na bigkasin para sa Hajj) bilang isang Muhrim (nasa kalagayan ng Hajj) at nakatindig sa kapatagan ng Arafah at nakita ang pagkarami-raming mga tao na ang kanilang mga kasuutan ay iisa na para bagang natutulad sa mga sapot (damit na ginagamit sa paglilibingl), at dito ay sasagi sa isipan niya ang isang kalagayan na tiyak na kahaharapin ng isang Muslim pagkatapos ng kanyang kamatayan, kaya’t ito ang maghikayat sa kanya upang paghandaan ito at maghanda ng baon bago ang pakikipagtagpo sa Allah. 

  • Ang paghahayag sa Kaisahan ng Allah at ang pagtatangi sa Kanya sa pagsamba - maging sa salita at gawa:
Kung gayon ang sagisag ng mga nagsasagawa ng Hajj ay ang Talbiyah : Labbaykal laahumma labbayk, labbayka laa shareeka laka labbayk, innal hamda wan ni`mata laka wal mulk, laa shareeka lak (Bilang pagtugon sa Iyong Panawagan, O Allah, bilang pagtugon sa Iyong panawagan; bilang pagtugon sa Iyong panawagan, wala Kang katambal; bilang pagtugon sa Iyong panawagan. Tunay na ang papuri at ang pagdakila ay ukol sa Iyo at ang paghahari; wala kang katambal). At dahil dito nagsabi ang isang dakilang Sahabi (kasamahan ng Propeta) sa paglalarawan sa Talbiyah ng Propeta  : «At siya  ay nagbubunyi sa [kahalagahan at] kadakilaan ng Tawhid (Kaisahan ng Allah)». (Muslim: 1218), at nagpapatunay nang malinaw sa Tawhid [Kaisahan ng Allah] sa lahat ng mga sagisag ng Hajj, sa mga gawain nito at sa mga salita nito.

Isinasatungkulin ang Umrah sa taong may kakayahan nang minsan sa tanang buhay

Ang Umrah (maliit na pilgrimahe)

Ito ay ang pagtataguyod sa pagsamba sa Allah sa pamamagitan ng Al-Ihram (pagpasok sa kalagayan ng Hajj), At-tawwaf (pag-ikot) sa palibot ng Kaabah nang pitong ulit, As-Sa`ey (paglakad) sa pagitan ng As-Safa at Al-Marwah ng pitong ulit, at pagkatapos ay ang pag-aahit o pagputol ng buhok.
Ang Hatol nito: Ito ay ipinag-uutos para sa lahat ng may kakayahan nang minsan sa tanang buhay, at kaaya-aya itong isagawa nang ilang ulit.

Ang oras nito: Maaaring isagawa ito sa loob ng isang taon, nguni’t sa buwan ng Ramadan nagkakaroon ito ng kahigtang gantimpala. Batay sa sinabi niya  : «Ang isang Umrah sa Ramadan ay tumutumbas ng isang Hajj». (Al- Bukhari: 1764 – Muslim: 1256)



Source:http://newmuslimguide.com



Tuesday, July 28, 2015

Ang Mga Kautusan ng Islam

Mga kapatid, hanapin ang landas ng inyong pakikipag-ugnayan sa lipunan at sa iba pa batay sa mga aral at tagubilin (Sunnah) ng Propeta.

"Umiwas sa mga bagay na ipinagbabawal at kayo ay magiging mabuting Mananampalataya, ikasiya at tanggapin nang buong puso ang anumang panustos na ipinagkaloob ng Allah at kayo ay magiging pinakamayaman sa lahat ng tao, maging mabuti at matapat sa inyong mga kapit-bahay at kayo ay magiging tunay na Mananampalataya, hangarin ninyo sa iba ang ninanais ninyo sa inyong sarili at kayo ay magiging tunay na Muslim at huwag lumabis sa pagtawa, sapagka't ang labis na pagtawa ay nagiging sanhi ng kamatayan ng puso (pagkakaroon ng sakit sa puso)."
At sinabi rin ng Propeta:
"Ang tunay na Muslim ay siya na ang kanyang kapwa Muslim ay ligtas mula sa (pananakit ng) kanyang dila at kamay, at ang tunay na 'Muhaajir' ay siyang tumalikod (umiwas) sa lahat ng ipinagbabawal ng Allah". (Iniulat ni Imam Bukhari)
Ang Islam ay naglalayong magtatag ng isang maayos na lipunan na pagmumulan ng mga taong nagpapakita ng pagmamahalan, pagdadamayan, awa at tunay na sumusunod sa 'Sunnah' ngPropeta;
"Ang mga Mananampalataya sa kanilang pagmamahal, pagmamalasakitan at mabuting damdamin sa bawa't isa ay tila isang katawan, na kung may karamdaman ang isang bahagi nito ang buong katawan ay nakadarama ng pananakit, nilalagnat at hindi makatulog." (Iniulat ni Imam Muslim)
Ang Islam ay nagpapatnubay sa bawa't mabuti at nagpapaalaala sa kanila na umiwas sa bawa't kasamaan. Ipinag-uutos ng Islam ang mga sumusunod;
  1. Ipinag-uutos na maniwala sa 'Tawheed' ng Allah (ang Kaisahan ng Allah) at ipinagbabawal ang mag-akibat ng iba pa (Shirk) bukod pa sa Kanya (´alaihi salaam) sa pagsamba. Ang Allah ay nagsabi, Qur'an, Kabanata, An-Nisaa, 4:116;
    "Katotohanan! Ang Allah ay hindi nagpapatawad (sa kasalanan) nang pagbibigay ng mga katambal sa pagsamba sa Kanya, datapuwa't Siya ay nagpapatawad sa ibang mga kasalanan maliban pa rito sa sinumang Kanyang naisin. At sinuman ang magtakda ng anuman (sa pagsamba sa Kanya bukod pa) sa Allah, tunay nga na siya ay napaligaw sa kamalian."
    Ang Propeta ay nagsabi;
    "Iwasan ang pitong malalaking kasalanan." Sila ay nagtanong, 'O Propeta ng Allah, ano ang mga ito?', Siya ay sumagot, 'Ang pagtambal (Shirk) ng iba sa pagsamba sa Allah, ang nagsasagawa ng karunungang itim (Sihr), ang pagpatay sa mga ipinagbabawal ng Allah ng walang pahintulot, ang pagtanggap ng Riba'a patubuan o interes, ang paglustay o pagkamkam sa mga kayamanan ng mga ulila, ang pagtalikod (paglayo mula) sa labanan sa panahon ng digmaan at ang pagparatang sa mga Mananampalatayang babae na malayo sa pagsasagawa ng mga mahahalay na bagay."
  2. Ipinag-uutos ang mabuting pakikitungo sa ibang tao at ipinagbabawal ang paglustay ng kayamanan, tulad ng pagpapatubo, pandaraya, pagnanakaw, pagkamkam ng mga pag-aari ng iba o ng mga bagay na tulad nito. Ang Allah ay nagsabi, Qur'an, Kabanata An-Nisaa, 4:29;
    "O kayong Mananampalataya! Huwag kamkamin ang mga ari-arian ng bawa’t isa sa inyo nang labag sa katarungan maliban na ito ay isang kalakalan sa pagitan ninyo, nang may pahintulot sa isa’t isa. At huwag patayin ang inyong mga sarili (o di kaya ay magpatayan sa isa’t isa). Katiyakan, ang Allah ay Maawain sa inyo.
  3. hat ng uri ng pang-aapi o paniniil laban sa ibang tao. Ang Allah ay nagsabi, Qur'an, Kabanata An-Nahl, 16:90;
    "Katotohanan, ang Allah ay nag-uutos ng Al-Adl (katarungan at pagsamba sa Allah lamang) at Ihsan (pagsasagawa ng inyong mga tungkulin sa Allah nang may kataimtiman at katapatan), nang ganap para sa (kasiyahan) ng Allah at naaayon sa Sunnah ng Sugo ng Allah at magbigay ng tulong sa mga kamag-anak at ipagbawal ng Al Fasha (mga makasalanang gawa tulad ng pangangalunya at iba pang malalaswang pakikipag-ugnayan) at Al Munkar (mga makasalanang gawain ukol sa kawalan ng pananalig sa Allah at Al Baghy (lahat ng uri ng pang-aabuso at pang-aapi). Kayo ay Kanyang binigyan ng babala upang sakali kayo ay magbigay pansin (o pagpapahalaga sa kautusan)."
  4. Ipinag-uutos ang pakikipagtulungan sa kabutihan at makatarungang gawain at ipinagbabawal ang pakikipagtulungan sa paggawa ng kasamaan. Ang Allah ay nagsabi, Qur'an, Kabanata Al-Maaidah 5:2;
    "Magtulungan kayo sa isa't isa sa (diwa ng) Birr (gawang kabutihan) atTaqwa (kabanalan, pagmamahal at takot sa Allah). Subali’t huwag kayong magtulungan sa isa’t isa sa (gawaing) makasalanan at (gawang) pagsuway. At magkaroon ng Taqwa (takot) sa Allah. Katotohanan, ang Allah ay mahigpit sa pagpaparusa."
  5. Ipinag-uutos ang pangangalaga ng buhay at ipinagbabawal ang pagpatay at ipinagbabawal din maging ang pakikipagtulungan o pakikipagsabwatan dito maliban kung ito ay makatuwiran. Ang Allah ay nagsabi, Qur'an, Kabanata Al-Maaidah 5:32;
    "Sanhi niyaon, ipinag-utos Namin sa Angkan ni Israel na sinuman ang nakapatay ng isang tao na hindi naman nauukol sa ganting kabayaran ng pagkakapaslang at ng paghahasik ng kaguluhan sa kalupaan-ito ay katumbas na rin ng pagpatay niya sa buong sangkatauhan, at sinuman ang nagligtas ng isang buhay, ito ay katumbas ng pagliligtas niya sa buhay ng buong sangkatauhan. At tunay ngang dumating sa kanila ang Aming mga Sugo nang may dalang malinaw na katibayan at palatandaan, (nguni’t) sa kabila niyaon, marami sa kanila ang patuloy na lumalagpas sa hangganan (sa pamamagitan ng mga gawang makasalanan) sakalupaan."
    Ang Allah ay nagsabi rin, Qur'an, Kabanata An-Nisaa 4:93;
    "At sinumang sadyang pumatay ng isang Mananampalataya, ang kanyang kabayaran ay Impiyerno na doon (siya ay) mananahan. At ang Poot at Sumpa ng Allah ay mapapasakanya. At isang matinding parusa ang inihanda para sa kanya."
  6. Ipinag-uutos ang mabait na pakikitungo sa mga magulang at ipinagbabawal ang pagsuway sa kanila. Ang Allah ay nagsabi, Qur'an, Kabanata Al-Israa, 17:23-24;
    "At ang iyong Rabb (Panginoon) ay nag-utos na wala kang dapat sambahin maliban sa Kanya. At ikaw ay maging masunurin sa iyong mga magulang. Kung ang isa sa kanila o silang dalawa ay kapwa sumapit na sa katandaan ng iyong buhay, huwag kang mangusap sa kanila ng salitang kawalang-galang at huwag silang sigawan bagkus sila ay inyong tawagin sa (kalugud-lugod na) paraang marangal. At iyong ibaba para sa kanila ang diwa ng pitagan at kababaang-loob sa pamamagitan ng Habag, at magsabi: "O Aking Rabb (Panginoon)! Igawad Ninyo sa kanila ang Inyong Habag sapagka't sila ang nangalaga sa akin nang ako ay musmos pa."
  7. Ipinag-uutos na pangalagaan ang ugnayang kamag-anakan at ipinagbabawal ang pagputol o pagsira ng ugnayan. Ang Allah ay nagsabi, Qur'an, Kabanata Muhammad, 47:22-23;
    "Kaya, kung sakali’t ipagkatiwala sa inyo ang karapatang maging pinuno kayo ba ay maghahasik ng mga kabuktutan sa kalupaan at sirain ang ugnayang pagkamag-anakan? Sila yaong mga isinumpa ng Allah upang sila ay gawing mistulang mga bingi at bulag sa kanilang mga paningin."
    At Ang Propeta Muhammad ay nagsabi tungkol dito;
    "Ang sinumang pumutol ng ugnayang pagkakamag-anakan at pagkakapatiran ay hindi makakapasok sa Paraiso."
  8. Ipinag-uutos (at ipinag-aanyaya) ang pag-aasawa. Ang Propeta Muhammad ay nagsabi;
    "O mga kabataan (binata), kung sinuman ang may kakayahang mag-asawa, nararapat niyang gawin ito, dahil pinapanatili nito ang kalinisan at nagpapababa sa kanyang paningin (sa mga ipinagbabawal na bagay). At kung sinuman ang walang kakayahang sa pag-aasawa, dapat siyang mag-ayuno, sapagka't ito ang kanyang pananggalang (sa tukso)."
    Mahigpit na ipinagbabawal ang pangangalunya at sodomiya (ugnayang sekswal ng kapwa lalaki) at ang anumang bagay na nag-aakay o nagbibigay ng daan para sa gawaing iyon. Ang Allah ay nagsabi, Qur'an, Kabanata Al-A'raaf, 7:33;
    "Sabihin mo (O Muhammad) (Nguni't) ang mga bagay na sadyang ipinagbabawal ng aking Rabb ay ang Fawahish (lahat ng uri ng kasalanan, kalaswaan at bawal na pakikipagtalik [maging ito man ay ginawang hayag o tago], mga di-makatuwirang pang-aalipusta, at pagtatambal ng iba sa Allah [sa pagsamba]) na hindi naman Niya binigyang karapatan (o kapahintulutan) ito, at ang pagsasabi ng mga bagay tungkol sa Allah na wala naman kayong (ganap na) kaalaman.
  9. Ipinag-uutos ang pangangalaga sa mga ari-arian o kayamanan ng mga ulila at ang pag-aasikaso nang mabuti sa kanila, at ipinagbabawal ang pagkamkam o paglustay sa kanilang mga ari-arian nang walang karapatan. Ang Allah ay nagsabi, Qur'an, Kabanata An-Nisaa, 4:10;
    "Katotohanan, yaong mga lumalamon (kumakamkam) ng ari-arian ng mga ulila nang di makatarungan, lumamon lamang sila ng apoy sa kanilang mga tiyan. At sila ay susunugin sa naglalagablab na Apoy!"
    Ipinagbabawal ang pang-aapi at pagmamalupit sa mga ulila. Ang Allah ay nagsabi, Qur'an, Kabanata Ad-Duhaa, 93:9;
    "Kayat huwag mong pakitunguhan ang ulila nang may pang-aapi."
  10. Ipinag-uutos na maging matapat sa pagpapahayag o pagsaksi at ipinagbabawal ang pagsisinungaling maging ang isa lamang sa mga ito. Ang Propeta ay nagsabi;
    "Nais ba ninyong malaman ang tatlong pinakamalaking kasalanan? Sinabi nila, 'Tunay nga o Propeta ng Allah.' Ang sinabi niya, 'Ang pagbibigay ng katambal sa pagsamba sa Allah (Shirk), at ang walang galang sa kanyang mga magulang'. Siya ay nakahilig (nang sinasabi niya ang mga ito), nang siya ay umupong matuwid at sinabi niya, '…at ang pagsaksi nang walang katotohanan.' (Ang nag-uulat) ay nagsabi, 'Siya ay nagpatuloy sa pagsasalita at inulit ang mga ito, hanggang nais na sana namin na siya ay magtigil."
  11. Ipinag-uutos na dapat tuparin ang anumang ipinangako at isinumpang kasunduan at ipinagbabawal ang pagsisinungaling sa kanyang panunumpa (Al-Yameen Al-Ghamoos) ito ay ang sinasadyang pagsisinungaling upang maalis ang karapatan ng iba. Ang Allahay nagsabi, Qur'an, Kabanata Al-Imraan, 3:77;
    "Katotohanan, yaong ipinagbibili (ipinagpapalit) sa maliit na kapakinabangan, ang halaga ng kasunduan sa Allah at ng kanilang mga panunumpa, sila ay walang (makakamtang) bahagi sa Kabilang Buhay. At ang Allah ay hindi mangungusap sa kanila at hindi (rin) titingin sa kanila sa Araw ng Pagkabuhay Muli. At sila ay hindi padadalisayin (mula sa kasalanan), at sa kanila (ay ipalalasap) ang mahapding parusa.
  12. Ipinag-uutos sa mga tao na pangalagaan ang kanilang sarili at ipinagbabawal ang pagpapatiwakal, kahit na ito ay tuwiran man o di-tuwiran, tulad ng paglulong sa mga bawal na gamot, sigarilyo at mga iba pang makabagong gamot na napatunayang ito ay nagdudulot ng mapaminsalang karamdaman. Ang Allah ay nagsabi, Qur'an, Kabanata An-Nisaa, 4:29-30;
    … At huwag patayin ang inyong mga sarili (o di kaya ay magpatayan sa isa’t isa). Katiyakan, ang Allah ay Maawain sa inyo. At sinuman ang nagkasala sa pamamagitan ng paglabag (sa mga batas ng Allah) at kawalang-katarungan, sila ay Aming itatapon sa Apoy. At ito ay sadyang madali para sa Allah.
  13. Ipinag-uutos ang pagsasalita ng katotohanan, pagiging matapat, mapagkakatiwalaan, at ang pagtupad ng pangako. Ipinagbabawal ang pagsisinungaling, pandaraya at ang panlilinlang. Ang Allah ay nagsabi, Qur'an, Kabanata Al-Anfaal, 8:27;
    "O kayong mga Mananampalataya (mga Muslim)! Huwag ninyong pagtaksilan ang Allah at ang Kanyang Sugo, o huwag sadyaing magtalu-sira sa inyong mga Amanat (ang pagtitiwalang ipinagkaloob sa inyo tungkol sa mga bagay at sa lahat ng tungkulin na ipinag-utos ng Allah na tuparin.)"
  14. Ipinag-uutos ang pagmamahalan at pagkakaisa at ipinagbabawal ang paninira sa ugnayan o samahan at lahat ng mga bagay na nag-uudyok ng hidwaan at pagkamuhi, tulad ng pagkakaroon ng sama ng loob, pagkapoot, paninibugho at pagkainggit. AngPropeta ay nagsabi;
    "Huwag mamuhi sa isa't-isa, huwag mainggit o magkaroon ng panibugho sa isa't-isa at huwag magtakwil o lumayo sa isa't-isa, manapay maging tunay na alipin ng Allah bilang magkakapatid. Hindi nararapat na putulin ang ugnayan ng mga magkakapatid nang higit sa tatlong araw." (Iniulat ni Imam Bukhari)
  15. Ipinag-uutos ang pagbibigayan at ipinagbabawal ang pagiging sakim at maramot. Ang Propeta Muhammad ay nagsabi;
    "May dalawang ugali na kinalulugdan ng Allah; ang mabuting pag-uugali at ang mapagbigay, at may dalawang ugali na kinamumuhian ng Allah; ang masamang pag-uugali at ang mga mararamot. Kung nais ng Allah na bigyan ng kabutihan ang isang tao, ginagawa siya bilang daan upang makatulong sa mga pangangailangan ng ibang tao." (Iniulat ni Abu Nu'aim Al-'Iraaqi)
  16. Ipinag-uutos ang pagtitipid at ipinagbabawal ang pagiging maaksaya at mapaglustay ng salapi sa walang kabuluhang paggugol. Ang Allah ay nagsabi, Qur'an, Kabanata Al-Israa, 17:26-27;
    "At iyong ipagkaloob sa kamag-anak ang kanilang (kaukulang) karapatan at sa mga Miskin (mga mahihirap na nagpapalimos) at sa mga (kinapos ng panustos na) naglalakbay. At huwag ninyong gugulin (ang inyong kayamanan) nang walang kabuluhan. Katotohanan, ang mapaglustay (nang walang kabuluhan) ay mga kapatid ng mga demonyo at ang demonyo (Satanas) ay lagi nang walang pasasalamat sa kanyang Rabb (Panginoon)."
  17. Ipinag-uutos ang pagiging mahinahon at hindi nagkukulang at hindi rin naman nagmamalabis sa Relihiyon (Deen). Ang Allah ay nagsabi, Qur'an, Kabanata Al-Baqarah, 2:185;
    "… Ang Allah ay naglalayon na gawing magaan ito para sa inyo at hindi Niya ninanais na gawing mahirap ang mga bagay para sa inyo. (Nais lamang Niya) na isakatuparan sa ganap na kaayusan ang mga itinakdang araw ng pag-aayuno at Siya ay inyong luwalhatiin nang dahil sa patnubay na ipinagkaloob sa inyo upang kayo ay (matutong) magpasalamat sa Kanya."
    At Ang Propeta ay nagsabi:
    "Mag-ingat at iwasan ang pagiging mahigpit o mapagmalabis sa Relihiyon, tunay ang isang bagay na nakasira sa mga nauna sa inyo ay ang pagiging mapagmalabis sa Relihiyon." (Iniulat sa Saheeh ibn Hibban)
  18. Ipinag-uutos ang kababaang-loob at ipinagbabawal ang pagmamataas at pagyayabang. Ang Allah ay nagsabi, Qur'an, Kabanata Luqmaan, 31:19;
    "At maging mahinahon (huwag magpakita ng kagaspangan) sa inyong paglalakad, ibaba ang inyong mga tinig. Katotohanan, ang pinakamagaspang sa lahat ng tinig ay ang atungal ng isang asno."
    Ang Propeta Muhammad ay nagsabi tungkol sa pagmamataas;
    "Sinumang may pagmamalaki sa kanyang puso na kahit kasinlaki ng buto ng mustasa ay hindi makakapasok sa Paraiso." Ang isang tao ay nagtanong, 'O Propeta ng Allah, ang mga tao ay nagnanais magsuot ng mga magagandang kasuotan at mga sandalyas.' Ang Propeta ay nagsabi, 'Tunay na ang Allah ay Maganda at minamahal Niya ang magaganda. Ang pagmamataas ay yaong hindi tumatanggap ng katotohanan at ang kanyang pagtingin sa kapwa ay mababa." (Iniulat ni Imam Muslim)
    Ang Propeta Muhammad ay nag-ulat tungkol sa mga taong mapagmalaki sa sarili;
    "Sinuman ang kumakaladkad ng kanyang damit sa lupa nang may pagmamalaki, hindi siya titingnan ng Allah sa Araw ng Pagbabangong Muli." (Iniulat ni Imam Bukhari)
  19. Ipinag-uutos sa mga tao na magdamayan sa kapwa at hindi dapat ikatuwa ang kalungkutan ng iba. Ang Propeta Muhammad ay nagsabi;
    "Huwag maging masaya sa dinaranas na pighati ng iyong kapatid, maaaring magpakita ng habag ang Allah sa kanya at bigyan kayo ng pagsubok." (Iniulat ni Tirmidhi)
  20. Ipinagbabawal sa mga Muslim ang manghimasok sa buhay ng iba kung wala silang kinalaman o kaugnayan tungkol dito. Ang Propeta ay nagsabi;
    "Tunay na isang magandang pag-uugali ng isang Muslim ay ang hindi niya panghihimasok o pakikialam sa ibang wala siyang kaugnayan (o kinalaman)." (Iniulat ni Imam Tirmidhi)
  21. Ipinag-uutos ang paggalang sa mga tao at ipinagbabawal ang pang-aalilipusta o panlalait. Ang Allah ay nagsabi, Qur'an, Kabanata Al-Hujuraat, 49:11;
    "O, kayong Mananampalataya (mga Muslim)! Huwag na ang isang pangkat sa inyo ay alipustain ang isa pang pangkat, maaaring ang huli ay higit na mabuti kaysa sa una. Maging (ang ilan) sa kababaihan ay huwag alipustain ang ibang kababaihan, maaaring ang huli ay higit na mabuti kaysa sa una. Huwag apihin ang isa sa inyo o di kaya’y hamakin (laitin) ang isa sa pamamagitan ng pagtawag ng masakit na palayaw (o taguri). Sadyang napakasamang hamakin (laitin) ang isang kapatid pagkaraang ito ay nagkaroon ng pananampalataya (sa Allah). At sinuman ang hindi nagsisisi, magkagayon, sila yaong (itinuturing na mga) Dhaleem (mapaggawa ng kamalian)."
  22. Ipinag-uutos ang pangangalaga nang may paninibugho sa kanilang 'maharims' at ipinagbabawal ang pakikipagtalik sa hindi asawa. Ang Propeta ay nagsabi;
    "May tatlong uri ng tao na hindi makakapasok sa Paraiso; ang isang walang paggalang sa kanyang magulang, ang isang taong hinahayaan ang kanyang asawa (sa gawaing) bawal na pakikipagtalik at ang mga babaing tinutularan ang mga lalaki." (Mustadrak Al-Haakim)
  23. Ipinagbabawal ang mga tumutulad sa magkabilang kasarian, sinabi ni Ibn 'Abbaas(radia-llahu ´anhu);
    "Ang Propeta ng Allah ay isinusumpa ang mga lalaking tinutularan ang mga babae at gayon din ang mga babaing tinutularan ang mga lalaki." (Iniulat ni Imam Bukhari)
  24. Ipinag-uutos sa mga tao ang pagpupunyagi sa paggawa ng mabuti sa kapwa, datapwa't ipinagbabawal ang panunumbat sa kanilang ginawang kabutihan. Ang Propeta Muhammad ay nagsabi; 
    "Kayo ay binabalaan at iwasan ang panunumbat sa mga ginawa ninyong kabutihan sa kanila, sa katunayan ito ay nagiging sanhi ng kawalan ng pasasalamat (sa ginawan ng buti) at pinapawi nito ang gantimpala (na dapat ay tatanggapin niya nang dahil sa ginawa niyang kabutihan)."
    Pagkaraan Ang Propeta ay bumigkas ng Salita ng Allah ; (Qur'an, Kabanata Al-Baqarah, 2:264)
    "O kayong Mananampalataya (Muslim)! Huwag tulutang mawalang saysay ang inyong Sadaqah (kawanggawa) sa pamamagitan ng pagpapaalala ng iyong kabaitan o (pagyayabang) upang saktan (o sumbatan) ang pinagbigyan, katulad ng taong gumugugol ng kanyang yaman upang makita lamang ng ibang tao at hindi naman naniniwala sa Allah at sa Huling Araw."
  25. Ipinag-uutos na huwag mag-isip ng masama sa kapwa at ipinagbabawal ang panunubok at ang paninira sa talikuran. Ang Allah ay nagsabi, Qur'an, Kabanata Al-Hujuraat, 49:12;
    "O, kayong Mananampalataya (mga Muslim)! Iwasan ang labis nahinala sapagka't ang ibang panghihinala ay kasalanan. At huwag maniktik, o manirang puri sa isa’t isa. Nais ba ninyong kainin ang laman ng inyong patay na kapatid ? Inyong kasusuklaman ang gayon (na bagay). At matakot sa Allah. Katotohanan, ang Allah ay (Siyang) Tanging Nagpapatawad at tumatanggap ng pagsisisi, ang Maawain."
  26. Ipinag-uutos na pangalagaan ang dila sa lahat ng masasamang pananalita at dapat niyang gamitin ito sa mabuti para sa kanyang kabutihan o sa panlipunan, tulad ng pag-alaala sa Allah at ang pagpayo sa muling pagkakasundo ng mga tao. Gayon din, ipinagbabawal gamitin ang dila sa kasamaan. Ang Propeta ay nagsabi;
    "Ang mga tao ba ay itinatapon sa Impiyerno ng una ang mukha at ilong dahil lamang sa natatamo at inaani ng kanilang dila?" (Iniulat ni Tirmidhi)
  27. Ipinag-uutos ang pakikitungo nang mabuti sa mga kapitbahay at ipinagbabawal ang pananakit sa kanila. Ang Propeta ay nagsabi;
    "Isinusumpa ko sa Allah, siya ay hindi tunay na Mananampalataya! Isinusumpa ko sa Allah, siya ay hindi tunay na Mananampalataya! Isinusumpa ko sa Allah, siya ay hindi tunay na Mananampalataya!' At may nagtanong, 'Sino siya o Propeta ng Allah?' (ang inyong tinutukoy). Siya ay sumagot, 'Siya na hindi ligtas ang kanyang kapitbahay mula sa kanyang kasamaan."
  28. Ipinag-uutos na piliin ang mga mabubuting kasamahan at ipinagbabawal ang mga masasamang kasamahan. Ang Propeta ay nagsabi;
    "Ang halimbawa ng isang mabuti at masamang kasamahan ay tulad ng isang taong may dala-dalang pabango at ang isang taong panday. Maaaring ang isang taong may dalang pabango ay magbigay o ikaw ay pagbilhan o kaya naman mayroon kang makukuhang nakalulugod o kasiya-siyang amoy. Datapwa't sa isang panday maaaring masunog ang kanyang damit o kaya naman masamang amoy ang makukuha mula sa kanya." (Iniulat ni Imam Al-Muslim)
  29. Ipinag-uutos sa mga tao na gumawa ng paraan upang pagkasunduin ang mga taong may hidwaan o hindi nagkakaunawaan at ipinagbabawal ang anumang bagay na magdadala ng poot o galit. Ang Allah ay nagsabi, Qur'an, Kabanata An-Nisaa, 4:114;
    "Walang (ibinubungang) kabutihan ang kanilang kadalasang mga lihim na usapan, maliban yaong nag-uutos (na magbigay) ng Sadaqah (kawanggawa), o ng gawang matuwid), o ng pagkakasundo ng tao. At sinumang gumawa nito na may layon ng kasiyahan ng Allah, siya ay Aming bibigyan ng malaking gantimpala."
  30. Ipinag-uutos sa mga tao na maging matapat sa bawa't isa (sa pagbibigay ng mabuting payo) at ipinagbabawal ang pagkakait ng payo sa mga nagangailangan. Ang Propeta ay nagsabi;
    "'Ang Deen (Relihiyon) ay katapatan.' Kami ay nagtanong, 'Kanino ba, O Propeta ng Allah?' Siya ay sumagot, 'Sa Allah, sa Kanyang Aklat, sa Kanyang Propeta at sa mga pinuno ng pamayanang Muslim at sa kanilang mga mamamayan.'" (Iniulat ni Imam Muslim)
  31. Ipinag-uutos sa mga tao ang tumulong sa mga suliranin ng mga Muslim na sila ay nararapat bigyan ng magaang palugit (sa pagbayad ng kanilang utang), at ikubli ang kanilang mga pagkakamali. Ang Propeta ay nagsabi;
    "Sinumang nagpaginhawa sa suliranin ng isang Mananampalataya, pagiginhawahin siya ng Allah sa Araw ng Paghuhukom. Sinuman ang nagpagaan ng anumang bagay sa kahirapan ng isang Muslim (tulad ng pagbayad ng utang ng isang tao), pagagaanin ng Allah sa kanya ang buhay dito at sa kabilang Buhay. At sinumang nagtago sa kasalanan ng isang Muslim, ikukubli din ng Allah ang kanyang mga kasalanan dito sa buhay sa Mundo at sa Kabilang Buhay. Tutulungan ng Allah ang Kanyang alipin habang siya ay tumutulong sa kanilang mga kapatid." (Iniulat ni Imam Muslim)
  32. Ipinag-uutos sa mga Muslim na kailangang magkaroon ng pagpaparaya at tibay ng loob sa panahon ng kahirapan at ipinagbabawal ang pangangamba at ligalig. Ang Allah ay nagsabi, Qur'an, Kabanata Al-Baqarah, 2:155-157;
    At katiyakan, kayo ay Aming susubukan tungkol sa mga bagay na inyong pinangangambahan, gutom, kawalan ng yaman, buhay at ani, subali’t magbigay ng magandang balita sa Sabirun (mga taong matiisin at mapagtimpi sa gitna ng kapighatian). Sila yaong kung nakaranas ng kapighatian ay nagsasabing: “Kami ay sa Allah nagmula at sa Kanya kami ay magbabalik.” Sila yaong ginawaran ng Salawat (pagpapala at kapatawaran) ng kanilang Rabb at ng Kanyang Awa at sila yaong napatnubayan.
  33. Ipinag-uutos ang pagpapatawad at pagiging mapagpaumanhin at ang pag-iwas sa isang taong mapaggawa ng kasamaan sa kanya at ipinagbabawal ang paghihiganti at pagpaparusa. Ang Allah ay nagsabi, Qur'an, Kabanata Al-Imraan, 3:133-134;
    "At humayo (sa landas na maghahatid sa inyo) sa kapatawaran mula sa inyong Rabb, at para sa Jannah (Paraiso) na kasing-lawak ng mga kalangitan at ng kalupaan, na inilaan sa Muttaqun. Yaong mga gumugugol mula sa kanilang yaman sa (panahon ng) kasaganaan at kahirapan, (silang) nagpipigil ng kanilang galit, at nagpapatawad sa tao; tunay na minamahal ng Allah ang mga Muhsin (mga taong mapaggawa ng kabutihan)."
  34. Ipinag-uutos na maging maawain at ipinagbabawal ang pagiging malupit at walang pagmamalasakit. Ang Propeta ay nagsabi;
    "Ang Allah ay nagpapakita ng habag sa mga mahahabagin. Maging mahabagin dito sa mundo at ang Allah ay magiging mahabagin sa inyo." (Iniulat ni Tirmidhi)
  35. Ipinag-uutos na maging mabait at malugod sa bawa't isa at ipinagbabawal ang kalupitan at ang pagiging mahigpit. Ang Propeta ay nagsabi;
    "Walang anumang ginawang kabaitan maliban na ito ay (nagdudulot o) nagbibigay ng ganda at walang anumang bagay na salat sa kabaitan maliban na ito ay may kakulangan." (Iniulat ni Imam Muslim)
  36. Ipinag-uutos ang pagsukli ng kabutihan sa kasamaan at ipinagbabawal ang pagganti ng masama sa kasamaan. Ang Allah ay nagsabi, Qur'an, Kabanata Fussilat, 41:34;
    "Ang mabuting gawa at masamang gawa ay hindi magkatulad. Iwaksi (ang kasamaan) (sa pamamagitan) ng gawang higit na nakabubuti (ipinag-utos ng Allah sa mga tapat na Mananampalataya na maging matiisin at maging mapagparaya sa mga taong nanakit sa kanila) samakatuwid, katotohanan, siya at kayo na dating magkagalit ay (magiging) tila isang matalik na kaibigan."
  37. Ipinag-uutos na ipalaganap ang karunungan o kaalaman at ipinagbabawal ang pagkakait o pagtatago nito. Ang Propeta ay nagsabi;
    "Sinuman ang pinagtanungan ng tungkol sa karunungan at ito ay kanyang ipinagkait, sa Araw ng Pagkabuhay-Muli siya ay ilalagay sa gitna ng Impiyerno." (Iniulat ni Haakim)
  38. Ipinag-uutos sa mga Muslim na magpalaganap ng kagandahang-asal at katarungan, at ipagbawal ang mga bisyo at masasamang pag-uugali, nang naaayon sa kanyang kakayahan at antas ng katungkulan. Ang Propeta ay nagsabi;
    "Sinuman sa inyo ang nakakita ng masamang pag-uugali, dapat niyang baguhin ito sa pamamagitan ng kanyang kamay, kung wala siyang kakayahang gawin ito, dapat niyang baguhin ito sa pamamagitan ng kanyang dila, at kung ito ay hindi pa rin niya magawa, dapat niyang kamuhian ito sa kanyang puso, at ito ang pinakamababang antas ng pananampalataya." (Iniulat ni Muslim)
source: www.1ststepsinislam.com