Monday, December 7, 2015

ELEKSYON SA LUGAR NG HINDI MUSLIM


(A) Ang paglahok ng isang Muslim sa halalan ng mga hindi Muslim:

Isa ito sa mga mahahalagang paksa sa mga panahon ngayon at nagkakaiba ang opinion ng mga iskolar ukol sa usaping ito sapagka't ang lugar na ito ay pinamumunuan ng mga hindi Muslim samakatwid hindi nasusunod ang Batas ng Allaah sa mga lugar na ito.

Naglabas ng Fatwah (kasagutan) ang Al-Mujamma Al-Fiqhi Al-Islamie sa pagpupulong nito bilang (19) na naganap sa tanggapan ng Muslim World League, sa Makkah sa petsang ( 22-27 Shawwal)- (3-8 November 2007).


" Nakasaad dito ang: pagkatapos marinig ang anumang nailatag na mga pananaliksik kasama ang mga pagtalakay dito; napagpasyahan ng konseho ang mga sumusunod:

1. Ang paglahok ng Muslim sa halalan kasama ng mga hindi Muslim sa mga hindi Islamikong lugar ay isa sa mga usaping pampulitika kung saan natutukoy ang batas (hatol) nito ayon sa pagsukat sa pagitan ng mga kabutihan nito at kapinsalaan datapuwa't ang hatol ay iba't iba depende sa mga panahon, lugar at kalagayan.

2. Ipinapahintulot sa Muslim na mamamayan ng isang hindi islamikong lugar na lumahok sa halalang pamparlamento at iba pa sanhi ng anumang nakalalamang na kapakanan dahil sa kanyang paglahok katulad ng pagbibigay ng tumpak na imahe ng Islam, pagtatanggol sa karapatan ng mga Muslim sa lugar na iyon, pagkakaroon ng mga karapatang pang minorya sa Relihiyon at karapatang panlipunan (o karapatang di-panrelihiyon), pagkakaroon ng lakas ng kanilang papel sa mga may epektong kalagayan at pakikipagtulungan sa mga matutuwid at makatarungan upang maisakatuparan ang tunay na pagtutulungan sa katotohanan at katarungan at ito ay ayon sa mga sumusunod na kondisyon at alituntunin:



Una: na ang magiging layunin ng lumalahok na Muslim sa kanyang paglahok ay pag-aambag upang makamit ang mga kabutihan (benepisyo) para sa mga Muslim at paghadlang sa mga kapinsalaan at kasamaan laban sa kanila.

Pangalawa: na ang namamayani sa akala at paniniwala ng mga lumalahok mula sa mga Muslim ay ang pagkakaroon ng positibong epektong ang kanilang paglahok para sa kapakanan ng mga Muslim sa bansa na ito gaya ng pagiging malakas ng kanilang katayuan, pagpapaabot ng mga kanilang mga kahilingan at pangangailangan tungo sa mga kinauukulan at namumuno at pagpapahalaga sa kanilang karapatang panrelihiyon at panlipunan (o karapatang di-panrelihiyon).

Pangatlo: Na hindi magbubunga ang paglahok ng isang Muslim sa mga halalan na ito ng anumang bagay na hahantong sa kanyang pagkukulang sa kanyang pananampalataya.

At ganun din kapag pantay ang katayuan ng kanditato dahil parehas silang makapipinsala sa mga Muslim o parehas sila ng katayuan laban sa mga Muslim. Sa ganitong kalagayan; ay kabilang sa tinutukoy ng "fatwah" ng mga iskolar sa Kaharian ng Saudi Arabia sa Alluzna Addaima kung saan nakasaad ang ganitong tanong:" Maaari bang bomoto sa halalan o lumahok bilang kandidato na alam namin na ang aming bansa ay hindi humahatol ayon sa batas na ibinaba ng Allah?

Si Allaah ang Nagpapatnubay at nawa'y ang pagpapala ng Allaah at kapayapaan ay maitampok sa ating Propeta Mohammad sampu ng kanyang mag-anak at mga kasamahan.

(B) Ang pagboto sa kanilang Halalan:
" Ang usaping ito ay iba't iba rin ang kasagutan o "Fatwah" depende sa panahon, lugar at kalagayan kaya hindi ito maaaring bigyan ng pangkalahatang hatol sa lahat ng paraan nito na kasalukuyan at ang maaaring mangyari sa hinaharap datapuwa't may ilang pagkakataon na hindi maaaring bomoto (ang isang Muslim) kapag wala naman itong naidudulot na epekto at kabutihan sa mga Muslim o ang mga Muslim ay walang (naituturing na) epekto sa pagboto samakatwid boboto man sila o hindi ay parehas pa rin ng resulta (ng kanilang kalagayan).

SAGOT: Hindi maaaring kumandidato ang isang Muslim upang maging bahagi ng gobyernong humahatol ng hindi batas ng Allah, at ang pamamalakad ay taliwas sa batas ng Islam, kaya hindi ipinapahintulot sa isang Muslim na iboto siya o ang sinumang nagtatrabaho sa gobyernong ito maliban lamang kung ang kumakandidato mula sa mga Muslim ay nais nila at umaasang makapasok dito upang maabot ang kanilang hangaring mabago ang pamamalakad ng naturang gobyerno tungo sa pagsasakatuparan ng batas ng Islam at ito ang kanilang paraan upang mabago ang batas at pagkatapos Manalo sa halalan ay dapat ang posisyon na kanyang hawak ay hindi salungat sa batas ng Islam.

(23/406-407) bilang: (4029)

Si Allaah ang Nagpapatnubay at nawa'y ang pagpapala ng Allaah at kapayapaan ay maitampok sa ating Propeta Mohammad sampu ng kanyang mag-anak at mga kasamahan.

Lupon ng mga iskolar ng Al-Luzna Ad-Daima Lil buhuth Al-Ilmiya wal Iftah 

Pangulo: Abdulaziz bin Baz 
Pangawalang Pangulo: Abdurrazzaq Afifi
Miyembro: Abdullah bin Qaud 
Miyembro: Abdullah bin Gudayyan


Hindi maaaring magkaroon ng maling haka-haka ang sinuman para sabihin na ang sumasang-ayon sa pagboto ay sang ayon sa kawalan ng pananampalataya (Kufr) bagkus ito ay para sa kapakanan ng mga Muslim hindi ang pagmamahal sa kawalan ng pananampalataya (Kufr) at mga Kuffar dahil nagalak at nasiyahan din noon ang mga Muslim sa pananaig ng mga Roma laban sa Persia tulad ng kasiyahan ng mga Muslim sa Ethiopia para sa pagkapanalo ni Najashi laban sa kanyang katunggali sa kaharian gaya ng nakasaad sa kasaysayan, ganun pa man sinuman ang nais na umiwas dito ay walang sala, at ang sagot na ito ay ukol sa paksang pagkandidato ng mga kandidato sa mga posisyong may malakas na epekto".


At maaari din ang makabubuti ( para sa kapakanan ng mga Muslim) ay ang pagboto upang piliin ang mas magaan na pinsala at mas mababang kasamaan tulad halimbawa kung ang mga kandidato ay hindi Muslim subali't ang isa sa kanila ay mas mababa ang poot at galit sa mga Muslim datapuwa't ang boto ng mga Muslim ay makakatulong at may epekto sa pagkapanalo magkagayun walang masama kung iboboto siya ng mga Muslim sa ganitong kalagayan.


"Gayon pa man, ang mga ito ay usaping sinisikap na maabot ang siyang makabubuti (sa mga Muslim) at maiwasan ang makapipinsala sa kanila; na dapat isasangguni ito sa mga may mga sapat na kaalaman sa mga alituntunin nito at mailatag sa kanila ang usaping ito ng malinaw at detalyado kapag ang bansa kung saan nakatira ang mga Muslim at ang kalagayan ng batas ng naturang bansa, mga kandidato at ang kahalagahan ng pagboto at katulad nito.

Matatagpuan din ito sa fatwah ni Shiekh Mohammad Al-Munajjid sa kanyang website.


SALIN NI SALAMODIN D. KASIM SA PINAKAMALAPIT NA KAHULUGAN SA TAGALOG MULA SA ORIHINAL NITONG TEKSTO NA ARABIK.




Saturday, November 21, 2015

Ang Islam ay relihiyon ng kalinisan


Ang Allah ay nagwika:
(O mga anak ni Adam! Magpalamuti (sa pamamagitan ng malinis na kasuotan), sa oras ng pagdarasal sa bawa’t Masjid at magsikain at magsi-inom nguni′t huwag mag-aksaya. Katotohanan, hindi minamahal ng Allah ang mga mapag-aksaya.) (7:31)
Ito rin ay relihiyon ng kadalisayan. Ang Allah ay nagwika:
(Katotohanan, minamahal ng Allah ang lagi nang nagbabalik-loob sa Kanya (sa pagsisisi) at minamahal ang mga nagpapadalisay sa kanilang mga sarili. ) (2:222)
Ang kadalisayan ay isang kundisyon sa pagdarasal ng mga Muslim upang ito ay katanggap-tanggap. At ang pagdarasal ay isang gawaing pagsamba na ginagawa ng mga Muslim limang beses sa isang araw. Itinatagubilin din ng Islam ang kumpletong paliligo (ghusul), sakali mang nagkaroon ng paglabas ng semilya (ejaculation) o pakikipagtalik sa asawa bago isagawa ang mga uri ng pagsamba na sadyang hayag na simbolo ng Islam, katulad ng pagdarasal tuwing araw ng Biyernes, (Jummah prayer) at ang paglalakbay sa Makkah (maging Hajj man o Umrah).
Winika ng Allah sa Banal na Qur′an:
(O kayong mananampalataya! Kung kayo ay maglayong magsagawa ng Salaah, hugasan ang inyong mga mukha, mga kamay (braso) hanggang mga siko, haplusin ng basang kamay ang inyong mga ulo at hugasan ang inyong mga paa hanggang bukung-bukong. Kung kayo ay nasa kalagayan ng Janaba (pagkatapos ng pakikipagtalik) gawing dalisay ang inyong mga sarili (sa pamamagitan ng paliligo ng buong katawan). Nguni’t kung kayo ay may karamdaman o kaya’y nasa oras ng paglalakbay o sinuman ang nanggaling mula sa likas na tawag ng pangangailangan, o nagkaroon ng pakikipagtalik sa mga kababaihan at (sa gayong pagkakataon) ay wala kayong matagpuang tubig, magsagawa ng Tayammum sa pamamagitan ng malinis na lupa at ito ay ihaplos (idampi) sa mukha at mga kamay. Hindi nais ng Allah na kayo ay magdanas ng kahirapan nguni’t nais (lamang) Niyang kayo ay maging malinis, at gawin Niyang lubos ang pagpapala sa inyo upang kayo ay (matutong) magpasalamat. ) (5:6)
Hinihikayat din ng Islam ang palagiang paghuhugas ng kamay upang maging malinis ito bago kumain. Ang Sugo ng Islam na si Muhammad ay nagsabi:
“Pinagpapala ang pagkain kapag hinuhugasan ang kamay bago at pagkatapos kumain.” (Tirmidhi)
Ipinapayo ng Islam ang pagpapanatili ng malinis na bibig at mga ngipin. Ang Sugo ng Islam na si Muhammad ay nagsabi:
“Kung hindi ko lamang nakitang mahirap gawin para sa aking mga tagasunod, iniutos ko sana sa kanila na linisin ang kanilang mga ngipin bago tugunin ang bawa’t pagdarasal.” (Bukhari)
Hinihikayat din ng Islam ang palagiang paglilinis sa mga lugar kung saan ay maaaring pamahayan ng mga mikrobiyo at karumhan. Ang Sugo ng Islam na si Muhammad ay nagsabi:
“May limang bagay na likas para sa kalinisan ng tao; pagtuli, ang pag-ahit ng balahibo (pubic hair) sa maselang bahagi ng katawan, ang pag-alis ng buhok sa kilikili, ang paggupit ng bigote at paggupit ng mga kuko (sa mga kamay at paa).” (Bukhari)

Source: www.thekeytoislam.com

Wednesday, November 4, 2015

Sino ang anti- Kristo?

Sa Ngalan ng Allah, Ang Mahabagin, Ang Maawain 

Ang Panimula Ang lahat ng papuri ay para lamang sa Allah, ang Panginoon ng lahat ng nilikha. At nawa’y ang kapayapaan at pagpapala ng Allah ay ipagkaloob sa Kanyang Huling Propeta at Sugo na si Muhammad Para sa kaalaman ng lahat, ang pinakamalapit sa puso ng isang Muslim ay ang mga Kristiyano sapagka’t mula sa kanila ay inyong matatagpuan ang kababaang-loob at pagiging maka-diyos. Ito ay hindi isang salitang nagmumula sa bibig ng isang Muslim kundi ito ay isang kapahayagan ng Banal na Qur’an, samakatuwid ito ay nagmula sa Nag-iisang Diyos. Ang Allah ay nagsabi: 

At inyong matatagpuan na ang may pinakamalapit na pagmamahal (sa puso) ng mga Muslim ay yaong mga taong nagsasabing: “Kami ay mga Kristiyano 1.” 

Ito ay sa dahilang may mga pari at monghe (taong tumalikod sa makamundong buhay at nanatili sa monasteryo) at sila ay hindi palalo (mapangmataas). (Qur'an 5:82) Masakit lamang isipin na sa kabila ng magandang kaisipan ng Islam tungkol sa mga Kristiyano bilang Angkan ng Kasulatan 2, mayroon pa ring ilang iresponsableng pangkat ng tao na tuwina ay nagtatangkang sirain ang ugnayang Muslim at Kristiyano. At isa sa pinakamalaking hadlang sa pagsulong ng magandang ugnayan ng Muslim at Kristiyano ay ang mga paratang na ang mga Muslim ay Anti-Kristo o mga taong laban kay Kristo. 

Katotohanan, ang kawalan ng kaalaman tungkol sa relihiyong Islam ay sadyang nakapagliligaw sa tao upang husgahan ang relihiyong Islam batay lamang sa kamangmangang dulot ng mga haka-haka at walang katibayang pala-palagay. Katulad ng tagasunod ng ibang relihiyon, mayroon din namang mga iresponsableng Muslim na hindi kaaya-aya ang mga ugali at asal. Marahil, ito ay sadyang nagiging batayan o sukatan rin ng ibang di-Muslim kung bakit ang kanilang paglalarawan at kaisipan tungkol sa Islam ay may bahid ng pagkamuhi o pagkasuklam. Hindi makatarungan na husgahan ang Islam batay sa masamang ugali ng isang Muslim. Ang tamang kaalaman sa Islam ay siyang dapat gawin batayan upang higit na maunawaan ito at mabigyan ng tama at kaukulang paghatol. Tinangka ko sa abot ng aking kakayahan na magbigay ng paliwanag tungkol sa paksang ito upang pawiin ang maling paratang at bintang na ang relihiyong Islam sa kabuuang aral nito ay Anti-Kristo. Minamahal at ikinararangal namin si Hesus sapagka’t bahagi ng pananampalatayang Islam ang paniniwala kay Hesus. Walang Muslim ang magkakaroon ng ganap na pananampalataya maliban kung tanggapin niya ang mga naunang Propeta ng Diyos na kinabibilangan ni Hesus. Upang bigyang patunay na walang katotohanan na ang mga Muslim ay Anti-Kristo, pinagbatayan ko ang mga kapahayagan ng Banal na Qur’an at Hadith ng Propeta Muhammad na nakaugnay kay Hesus at mga ilang talata ng Bibliya tungkol sa kalagayan ni Hesus, ang kanyang pagsilang, pangangaral at ang kanyang tunay na katayuan at katauhan. Kung mayroon mang isang relihiyon na may higit na malasakit at may higit na karapatan kay Hesus, ang anak ni Maria, ito ay walang iba kundi ang relihiyong Islam. Karapatan ng bawa’t Muslim na ipagtanggol si Hesus sa anumang pang-aalipusta na maaaring iakibat sa kanya ng sinuman. Karapatan ng bawa’t Muslim ang panatilihin ang dangal ni Hesus sa pamamagitan ng pagbibigay paliwanag sa lahat ng tao ang katotohanan tungkol sa kanya.

______________________________
 1.Ang mga tunay na Kristiyano noong mga nagdaang panahon ay sadyang sumasamba lamang sa Nag-iisang Diyos na Tagapaglikha sapagka’t ito ang tunay na aral ni Hesus at ng lahat ng Propetang dumating sa daigdig.

2 Ang Angkan ng Kasulatan (Ahlul Kitab) – Ito ay isang katawagang iniugnay sa lahat ng lipon ng tao na pinagkalooban ng Banal na Kasulatan o Kapahayagan. Tinawag na Angkan ng Kasulatan ang mga Kristiyano at Hudyo sapagka’t sila, katulad ng mga Muslim ay pinagkalooban ng mga Kapahayagan ng Nag-iisang Diyos sa kani-kanilang panahon. Si Moises ay isang dakilang Propeta na binigyan ng kapahayagan na kilala sa tawag na Tawrat o Torah. Sa kabilang dako, si Hesus ay pinagkalooban din ng isang Kapahayagan o Banal na Kasulatan na kilala sa tawag na Injeel o Gospel (ang salitang Gospel na ang ibig sabihin ay Magandang Balita ay isinalin naman sa wikang Griego na ngayon ay tinatawag na Ebanghelyo).
 

Ang Kahulugan ng “ANTI-KRISTO” 

Ano nga ba ang ibig ipakahulugan ng salitang Anti-Kristo? Sa pananaw ng isang debotong Kristiyano, ang “Anti-Kristo” ay isang katawagan na tuwirang tumutukoy sa sinumang tao na nagtakwil o patuloy na nagtatakwil at hindi tinatanggap si Hesukristo. Sila ang mga taong hindi naniniwala kay Hesus, hindi tinatanggap at ginagampanan ang dalang aral o mensahe nito, samakatuwid, hindi kinikilala si Hesus. Sila ang mga taong naligaw ng landas sapagka’t sila ay bulag, pipi at bingi sa katotohanan. 

Samakatuwid, ang Anti-Kristo ay isang hayagang pang-aalipusta kay Hesus! Ito ang pinakamalaking katampalasanan sa Kalinisan ng Katauhan ni Hesus!!! 

Maging si Hesus ay nagtakwil sa mga ganitong uri ng tao. At siya ay nagwika: Kailanman hindi ko kayo nangakilala. Magsilayo kayo sa akin, kayong manggagawa ng katampalasanan. (Mateo 7:23) 

Talakayin natin ang paksang ito sa pamamagitan ng pagbabalik tanaw sa mga panahong inilagi ni Hesus dito sa mundo mula sa kanyang pagkasilang hanggang sa kanyang paglisan sa daigdig. Sa gayon, maaari nating maitatag ang pinag-ugatan ng Anti-Kristo. Hindi makatarungan ang magbigay ng paratang kaninuman bilang Anti-Kristo maliban kung may pinang-hahawakang katibayan o mapananaligang kapahayagan na maaaring makapagbigay ng katatagan laban sa paksang ito. Maging sa larangan ng paghuhukom, ano mang bintang o paratang na inihahain at isinasampa sa hukuman ay nararapat na may matatag na pinanghahawakan o saksi. Ito ang mahalagang sangkap ng matagumpay na paglilitis. Walang hukom ang maaaring makapagbigay ng tamang paghuhusga at pagpapasiya malibang ito ay may kaakibat na katibayan. Magkagayon, sa larangan ng relihiyon, tanging ang mga Banal na Kasulatan at ang mga salita ng mga Propetang may dala nitong kasulatan ang nararapat na gawing batayan upang ang katotohanan ay mangibabaw. 

Sa tatlong malalaking relihiyon sa mundong ito: Hudaismo, Kristiyanismo at Islam, ang dalawang huli ang siyang nangunguna at nangingibabaw. Sa relihiyong Hudaismo ng mga Hudyo, kinikilala lamang nila ang mga naunang Propeta hanggang kay Propeta Moises. Hindi nila kinikilala si Hesus bilang Propeta o Sugo bagkus itinuturing nila ito bilang isang huwad na Propeta. Sanggol pa lamang si Hesus ay nakaranas na ng pangaalipusta sa kamay ng kaniyang mga kalahi hanggang humantong sa pagtatangka nilang patayin ito. Sa ganoon, hindi na kailangan pang sabihin na sila ay hindi kumikilala kay Hesus. Tuwiran man o hindi, sila ay laban kay Hesus, laban sa mensahe nito at walang puwang sa kanilang pamayanan o relihiyon, samakatuwid silang mga Hudyo ay Anti-Kristo. Ang pagtakwil nila kay Hesus ay hindi isang aral na iniwan ni Propeta Moises bagkus ito ay isang kasalanang tanda ng kanilang kataasang loob. Sa kabilang dako, ang mga Kristiyano at Muslim ay kapwa kumikilala kay Hesus nguni’t ang kanilang pagkakakilala ay sadyang magkaiba. Tunghayan natin kung sino nga ba ang Anti-Kristo at sino ang tunay na sumusunod kay Hesus. Dapat nating isaalang-alang dito ay kung ano ang sinabi ni Hesus batay sa Bibliya at kung ano ang ipinahayag ng Makapangyarihang Diyos tungkol sa kanya batay sa Banal na Qur’an. Sa gayon, ating maabot ang pinakalayunin ng paksang ito sa matalino at makatarungang pamamaraan.

Ang Unang Katibayan: Ang Himalang Pagsilang ni Hesus. 

Ang mga mabubuti at matutuwid na tagasunod ni Hesus ay tinanggap at kinilala ang himalang pagkasilang ni Hesus. Sila ay walang pag-aalinlangan sa himalang ito – na si Hesus ay isinilang na walang ama. Sa kabilang dako, ang mga Hudyo na (mula sa Angkan ni Israel) kalahi ni Hesus ay tuwirang nagtakwil kay Hesus. Silang mga Hudyo ang unang nagtakwil kay Hesus sa pamamagitan ng pagpaparatang sa kanya bilang anak sa labas, at si Birhen Maria bilang babaing nagkasala ng pangangalunya. Ang Banal na Qur’an ay nagpaliwanag na pinili si Maria higit sa lahat ng babae dito sa lupa. Si Anghel Gabriel ay dumating sa kanya na may magandang balita na siya ay nakatakdang magsilang kay Hesus. Ang magandang salaysay na ito ay matatagpuan sa Banal na Qur’an:

Tandaan! Nang ang mga Anghel ay nagwika: "O, Maryam (Maria)! Katotohanan, ang Allah ay nagbibigay sa iyo ng magandang balita ng isang Salita mula sa Kanya: ang kanyang pangalan ay Mesiyas, Hesus, anak ni Maryam (Maria), na may mataas na karangalan sa daigdig na ito at sa kabilang buhay. At siya ay nasa (hanay ng) mga malalapit (sa Allah). At siya ay magsasalita sa tao mula sa (kanyang) duyan (kamusmusan) at sa kanyang kahustuhang-gulang. At siya ay nasa (hanay ng) mga matutuwid. Siya (Maria) ay nagwika: O! Aking Panginoon! Paano ako magkakaroon ng anak gayong walang lalaki ang humawak sa akin? Siya ay nagwika: (Kahit na) Ganyan ang Allah, lumilikha ng anumang Kanyang naisin. Kapag Kanyang itakda ang isang bagay, Siya ay magsasabi (lamang) ng “Kun Fayakoon” (Maging at mangyayari nga). At siya (Hesus) ay tuturuan Niya ng Aklat at Karunungan. Ang Tawrat (Batas) at ang Injeel (Ebanghelyo). (Qur’an 3:45-48)  

At (si Maria ay) kanyang itinuro ito (ang sanggol). Sila (mga tao) ay nagwika: “Paano naming makakausap ang isang batang nasa duyan? Siya (si Hesus) ay nagsabi: Tunay na ako ay lingkod ng Allah: Ako ay binigyan ng Kasulatan at ginawa Niya akong Propeta. (Qur’an 19:29-30) 

Ang himalang pagkasilang ni Hesus ay nagbigay kay Birhen Maria ng isang karangalan nagmula sa Diyos. Bagaman tunay na napakahirap para sa kanya ang magbigay ng patunay tungkol sa kanyang pagiging malinis na babae, siya ay pinatatag ng Dakilang Lumikha sa mata ng tao sa pamamagitan ng Kapahayagan ng Banal na Qur’an. Sino nga ba ang mag-aakala na siya ay magkakaanak maliban na lamang kung siya ay nagkaroon ng ugnayan sa isang lalaki. Ang katotohanan pa, siya ay mula sa magasawang Imran at Hannah (Ana) na nabibilang sa mga pinagpalang angkan ng mga Propetang sina Abraham, Isaak, Hakob, David, Moises, Aaron at ang kanyang tiyuhin na si Zakariyah na ama ni Juan Bautista. Sa mahabang panahon, ang maling paratang na ito ay mistulang isang pighati sa puso ni Birhen Maria. Subali’t, nang ang kapahayagan ng Banal na Qur’an ay dumating, ang karangalan at kadakilaan ni Birhen Maria ay muling ibinantayog ng Diyos na Maykapal sa kanya. Tanging ang Banal na Qur’an lamang ang nagsisilbing tagapagtanggol at tagapangalaga ng kanyang dangal at puri. Subali’t, ang Bibliya na ipinagbubunyi at ipinagmamalaki ng kalakhang Kristiyanismo ay walang anumang kapahayagan tungkol dito!

Ang Mesiyas (Hesus), anak ni Maryam (Maria) ay hindi humigit sa isang Sugo (Propeta) lamang. Maraming Sugo (Propeta) ang dumating bago pa man siya. At ang kanyang ina ay isang babaing makatotohanan.(Qur’an 5:75) 

At (tandaan) nang ang mga Anghel ay nagsabi: ’O, Maryam (Maria)! Ikaw ay pinili ng Allah, At ginawang dalisay (at malinis), At ikaw ay piniling higit sa mga babae sa lahat ng nilalang.” (Qur’an 3:42) 

Sa unang talakayang ito, natunghayan natin kung sino ang higit na nagtanggol at nagmalasakit kay Hesus at sa kanyang malinis na Ina. Bahagi ng pananampalatayang Islam ang kadakilaan ni Hesus at ng kanyang Ina. Isang haligi ng pananampalataya ang tanggapin, kilalanin at dakilain si Hesus. Samakatuwid, walang Muslim ang maaaring tagurian o tawagin bilang Anti-Kristo sapagka’t bahagi ng Islam si Hesukristo at bahagi siya ng kautusang hindi dapat talikdan bagkus dapat tuparin at sundin.

Dapat sana ang Bibliya mismo ay nagkaroon ng matibay na pahayag bilang pagtatanggol kay Hesus at sa Ina niya sapagka’t malaking bahagi si Hesus at ang kanyang ina sa kalakhang relihiyong Kristiyanismo. Dapat sana ang Bibliya mismo ay may mga talata na nagpapatunay tungkol sa tunay na naganap sa kanila. Tunay na napakalungkot isipin na walang anumang pahayag na matatagpuan sa Bibliya tungkol sa kadakilaan ni Birhen Maria. 

At dumako tayo tungkol naman sa kaarawan ni Hesus, ang Bibliya ay walang sinabi tungkol sa panahon ng pagkasilang kay Hesus. Maging sa Banal na Qur’an at sa mga Hadith ng Propeta Muhammad , walang binanggit tungkol sa araw o buwan ng pagkasilang kay Hesus. Bagaman, isinalaysay ng Qur’an na si Maria ay lumayo pansumandali patungo sa ilang na lugar upang doon ay isilang si Hesus, hindi sinabi ang takdang araw at buwan ng pagsilang niya kay Hesus. Kung ang Bibliya at Qur’an ay walang ibinigay na kaarawan ni Hesus, magkagayon, ang katanungan ay: Paano nagkaroon ng kaarawan si Hesus sa buwan ng Disyembre (na tinatawag na Pasko) gayong walang sinasabi ang Bibliya tungkol dito? Sino ang nagtakda ng kaarawan niya, si Hesus ba mismo? Mayroon bang matutunghayang pahayag si Hesus o ang kanyang ina at maging ang kanyang mga naiwang disipulo tungkol sa kanyang kaarawan? Ang mga manunulat ng apat na Ebanghelyo na sina Juan, Markus, Lucas at Mateo ay wala ring nabanggit na kaarawan sa kabila ng kanilang masusing pagsasalaysay tungkol sa kanyang buhay. Wala kahit sino sa kanila! Ang pagdiriwang ba ng Pasko ay bahagi ng aral ni Hesus? Hindi!! Kung gayon, hindi rin maaaring isaalang-alang ito bilang aral sapagka’t walang kasaysayang naitala tungkol dito. Kung hindi ito bahagi ng buhay at aral ni Hesus, samakatuwid, ang pagdiriwang ng Pasko ay hayagang pagtalikod o pagsalungat kay Hesus. Ang pagdiriwang ng Pasko ay hindi isang sukatan upang tawagin ang isang tao bilang tunay na Kristiyano. Katiyakan, ang pagdiriwang ng Pasko ay isang insulto kay Hesus sapagka’t wala siyang iniwang kautusan tungkol dito. Isang banyagang salita kay Hesus ang Pasko, santa Klaus, krismas tri, noche buena, at misa de gallo. Sa makabagong panahon ngayon, sino pa kaya ang magtatangkang pigilin ang pagdiriwang ng Pasko sa kabila ng katotohanang ito ay wala sa Bibliya? – samakatuwid, hindi isang pangunahing aral ni Hesus. Hindi kaya isang gawang Anti-Kristo ang pagdiriwang nito? 

Ang Ikalawang Katibayan: Hesus – bilang Dakilang Propeta ng Diyos.  

Ang ikalawang talakayan ay nauukol sa tunay na katauhan ni Hesus. Ang katibayan ng paksang ito ay nararapat magmula sa Bibliya at Banal na Qur’an. Ito ay mahalagang sangkap sapagka’t ang nasasangkot sa talakayang ito ay ang Kristiyano at Muslim na kapwa tumatanggap kay Hesus. Maraming talata ng Bibliya (Bagong Tipan) ang nagbibigay katotohanan tungkol kay Hesus bilang isang dakilang Propeta ng Diyos. Kumuha tayo ng isang matatag na katibayan mula rito. Ang Ebanghelyo ayon kay Lukas ay nagsabi:

Ang mga bagay tungkol kay Hesus na Nasareno, na isang Propeta makapangyarihan sa gawa at salita sa harap ng Diyos at ng buong bayan. (Lucas 24:19)  

Lumitaw sa gitna natin ang isang dakilang Propeta at dinalaw ng Diyos ang kanyang bayan. (Lucas 7:16) 

Hindi lamang isang dakilang Propeta si Hesus, bagkus pinagkalooban pa siya ng higit na katungkulan. Ito ay bilang isang Sugo. Siya ay itinuturing na Sugo sapagka’t siya ay pinagkalooban ng Banal na Kasulatan na tinatawag na Injeel (o sa wikang Griyego ay tinawag na Ebanghelyo). Ang Ebanghelyo ni Juan at ni Mateo ay nagbigay patunay sa kanya bilang Sugo ng Diyos:

At ito ang buhay na walang hanggan, na ikaw ay makilala nila na iisang Diyos na tunay at si Hesus bilang iyong Sugo. (Juan 17:3)   

Hindi ako isinugo kundi sa mga tupang nangaligaw sa bahay ni Israel. (Mateo 15:24) 

Sa panig naman ng relihiyong Islam, ito ay nagbigay patunay din sa katotohanan na si Hesus ay isang dakilang Propeta at Sugo ng Nag-iisang Diyos. Ayon sa Banal na Qur’an:

Ang Mesiyas (Hesus), anak ni Maryam (Maria) ay hindi humigit sa isang Sugo (Propeta) lamang. Maraming Sugo (Propeta) ang dumating bago pa man siya. At ang kanyang ina ay isang babaing makatotohanan. (Qur’an 5:75)  

Sa ikalawang talakayang ito, muli nating binigyang-linaw kung sino ang laban kay Kristo o Anti-Kristo. Kung ang Bibliya ay tuwirang nagpahayag na si Hesus ay isang Propeta, at ang Banal na Qur’an ay nagpatunay na si Hesus ay Sugo at Propeta ng Diyos, samakatuwid, sino ang nagkakamali? Ang mga talata ng Bibliya at Banal na Qur’an ay kapwa nagpatunay at nanindigan sa katotohanan kung sino nga ang dapat tawaging Anti-Kristo.

Sa ikalawang pagkakataon, muling pinatunayan, na walang Muslim ang maaaring tawaging Anti-Kristo sapagka’t buong pusong tinanggap ng Islam si Hesus bilang Propeta at Sugo. At ang paniniwala ng Islam kay Hesukristo bilang dakilang Sugo at Propeta ay ganap na inaayunan ng Bibliya (Bagong Tipan). Kung gayon, sino kaya ang dapat tawaging Anti-Kristo?

Ang Ikatlong Katibayan: Ang Mensahe ni Hesus? 

Sa ikatlong pagkakataon, ating pagtutuunan ng pansin ang mahalagang aral o mensahe ni Hesus. Ano ba ang sinasabi ni Hesus tungkol sa kaligtasan o ang paraan upang makamtan ang buhay na walang hanggan? Tuwirang ipinahayag ni Hesus na ang pagkilala at pagsamba sa iisang Diyos ang pangunahin at mahalagang daan tungo sa buhay na walang hanggan. Ayon sa Ebanghelyo ni Juan, si Hesus ay nagbigay aral:

At ito ang buhay na walang hanggan, na ikaw ay makilala nila na iisang Diyos na tunay at si Hesus bilang iyong Sugo. (Juan 17:3) 

At bilang Propeta at Sugo, siya rin ay nagbigay ng mahalagang aral na dapat sundin at tuparin. Ito ay matutunghayan sa Ebanghelyo ni Markus.

Pakinggan mo O Israel. Ang Panginoon nating Diyos ay Isang Panginoon. At iyong mahalin ang iyong Panginoong Diyos ng buong puso, buong kaluluwa, ng buong isip at ng buong lakas. (Markus 12:29)  

Ang panawagan at mensahe ni Hesus mula sa Bibliya ay matutunghayan din naman sa Banal na Qur’an. Ang pangunahing aral niya ay ang pagsamba lamang sa Nag-iisang Diyos na Tagapaglikha. 

Katotohanan, ang Allah (Diyos) ang aking Panginoon at inyong Panginoon, kaya sambahin Siya, ito ang matuwid na landas. (Qur’an 3:51) 

O, angkan ng Israel, sambahin ang Allah, na aking Panginoon at inyong Panginoon. Ang sinumang magtambal sa Allah ay tunay na ipagbabawal ng Allah sa kanya ang Paraiso at ang Apoy ang kanyang tirahan. (Qur’an 5:72) 

Ang kautusang ito ni Hesus ay sinusunod, tinutupad at tinatanggap ng mga Muslim, samakatuwid walang Muslim ang maaaring tawagin o taguriang Anti-Kristo. Muli, ang katibayan ay hinango sa kasalukuyang Bibliya at sa Banal na Qur’an upang higit na mabigyan ng katarungan ang paksang ito.

Sino ba ang Panginoon ni Hesus?  

Kung sa nabanggit na talata sa itaas na mula sa Bibliya at Qur’an ay nagsabi at nanawagan si Hesus na ang tanging Panginoon ay ang Nag-iisang Diyos na Tagapaglikha lamang at wala ng iba pa, samakatuwid, ang pagtawag kay Hesus bilang Panginoon ay isang malaking kasalanan. Tunay na ang tanging pagkilala sa Panginoon ay nauukol lamang sa Nag-iisang Diyos na Siyang Maylikha ng lahat ng bagay. Sino kaya, kung gayon, ang Anti-Kristo? Ang isa bang Muslim na kumikilala sa Nag-iisang Diyos na Tagapaglikha bilang kanyang Panginoon o ang isang Kristiyano na kumikilala kay Hesus bilang kanyang Panginoon?

Ang Ikaapat na Katibayan: Ang Pagdarasal ni Hesus.  

Ang tunay na nananalig sa Nag-iisang Diyos ay nararapat na nag-aalay ng pagdarasal ayon sa turo ng mga Propeta. Bilang isang tagasunod ni Hesus, nararapat lamang na siya ay tularan sa pamamaraan ng kanyang pagsamba at pagdarasal. Paano nga ba nagdarasal si Hesus? Tunghayan natin ang Bibliya. Ang Ebanghelyo ni Mateo ay naglarawan kung paano mag-alay ng panalangin si Hesus.

At siya'y nagpatirapa at nanalangin. (Mateo 26:39)  

Ang pagpapatirapa ni Hesus ay katulad ng pagpapatirapa ng mga Muslim sa kanilang pang-araw-araw na pagdarasal. Magkagayon, walang pagkakaiba sa larangan ng pagsasa-katuparan ng pagdarasal. Ang ginawang pagpapatirapa ng mga Muslim na katulad ng pagpapatirapa ni Hesus ay isang malinaw na tanda ng pagsunod, pagtalima at pagkilala sa mga aral ni Hesus. Samakatuwid, walang Muslim ang maaaring taguriang Anti-Kristo. Ito ay isang malinaw na batayan na ang mga Muslim ay kumikilala kay Hesus bilang isang tunay na mananampalataya.

Ang pook pagsamba ni Hesus na tinatawag na synagogue o tabernakulo ay katulad ng pook pagdarasal o pagsamba ng mga Muslim na tinatawag na moske (Masjid sa Arabik). Sa pook na ito ay walang makikitang mga larawan ng mga santo o santa, walang kantahan, walang tugtugin, walang bulaklak. Bagaman maaaring sabihin na tayo ay dapat sumunod sa nagbabagong takbo ng panahon nguni’t ito ba ay nangangahulugan ng pagbabago at pagdaragdag mula sa simpleng aral ng mga Propeta? Ang Islam ay nanatiling simple sa pagsasagawa ng mga relihiyong rituwal para sa mga mananampalataya. Pinaniniwalaan sa Islam na anumang karagdagan o pagbabago ay tanda ng pagkaligaw at pagtalikod sa wagas na aral ng mga Propeta. Kung sa panahong ito ay narito si Hesus, anong pook ng pagsamba kaya ang kanyang patutunguhan o pagpipilian? Ang isang simbahan na pinalamutian ng mga larawan ng mga santo o ang isang Masjid na simpleng sumasagisag bilang isang payapa at banal na sambahan? 

Ang Ikalimang Katibayan: Ang Pag-aayuno ni Hesus.  

Ang Batas ng pag-aayuno ay ipinag-utos ng Makapangyarihang Diyos bilang haligi ng pagsamba. Kaya naman, isa itong mahalagang kautusan na sa bawa’t panahon ay ipinatutupad sa lahat. Ang Makapangyarihang Diyos ay nagbigay kautusan tungkol sa pag-aayuno. Ang Banal na Qur’an ay nagpahayag nito:

Ang pag-aayuno ay ipinag-utos sa inyo katulad ng ipinag-utos sa mga nauna (lahi, angkan) sa inyo upang kayo ay magkaroon ng tunay na takot (sa Kanya). Qur’an 2:183  

Sa Bibliya, matutunghayan natin na si Hesus ay ganap na tumalima at tumupad sa batas ng pag-aayuno.

At nang siya'y nakapag-ayuno ng apatnapung araw at gabi, siya ay nagutom. (Mateo 4:2) 

Kung ang pag-aayuno ay ginawa ni Hesus at buong puso namang tinutupad ng mga Muslim, magkagayon, walang sinumang Muslim ang maaaring tawaging Anti-Kristo – sapagka’t ang gawain ni Hesus sa larangan ng pagsamba ay katulad ng gawain ng isang Muslim. Muli, sa pundamental na aral ni Hesus, sino ang dapat taguriang AntiKristo? Walang alinlangan na ang pag-aayuno ni Hesus at ang pag-aayuno ng mga Muslim ay isang matibay na patunay sa katotohanan na ang isang Muslim ay hindi isang Anti-Kristo bagkus isang tagasunod ni Hesus. Sino kaya sa makabagong Kristiyanismong sekta ang nagsasagawa ng kautusang ito tungkol sa pag-aayuno?

Ang Ikaanim na Katibayan: Sino ang Kinikilalang Diyos ni Hesus?  

Si Hesus ba ay Diyos o may kinikilalang Diyos? Sa ikaanim na paksang ito, dapat nating pagbatayan ang dalawang aklat na kinikilala ng magkabilang panig. Ang Bibliya ng mga Kristiyano at ang Banal na Qur’an ng mga Muslim. Ang magiging batayan natin dito ay ang wikang ginamit sa dalawang kinikilalang Banal na Kasulatan. Sa wika ni Hesus, tinawag niya ang Diyos ng Eli (sa kanyang Aramaik na wika). Pinatunayan ito ayon sa Ebanghelyo ni Mateo:

At nang malapit na ang oras na ikasiyam ay sumigaw si Hesus ng malakas na tinig, na sinabi: Eli, Eli lama sabachthani? Samakatuwid baga’y, Diyos Ko, Diyos Ko, bakit mo ako pinabayaan? (Mateo 27:46)

At sa Banal na Qur’an naman, si Hesus ay may kinikilalang Diyos – ang Allah.

O, angkan ng Israel, sambahin ang Allah, na aking Panginoon at inyong Panginoon. Ang sinumang magtambal sa Allah ay tunay na ipagbabawal ng Allah sa kanya ang Paraiso at ang Apoy ang kanyang tirahan. (Qur’an 5:72)

Ang Diyos ni Hesus sa kanyang wikang Aramaik ay “Eli” at sa Banal na Qur’an naman (sa wikang Arabik) ay “Allah”, ito ay nangangahulugan na mayroon siyang isang Tanging Diyos na sinasamba. Ang Eli (sa wikang Aramaik) at Allah (sa wikang Arabik) ay hindi dalawang magkaibang kahulugan at salita kundi dalawang semitikong wikang tumutukoy sa isang Tanging Nag-iisang Tagapaglikha (The One and Only Creator).

Kung si Hesus ay sumasamba sa Nag-iisang Diyos na Tagapaglikha at ang Muslim ay sumasamba rin sa Diyos na sinasamba ni Hesus, magkagayon, walang Muslim ang maaaring tawaging Anti-Kristo sapagka’t ang kinikilalang Diyos ni Hesus ay siya ring Diyos na kinikilala at sinasamba ng mga Muslim. Sa pagsamba ng mga Kristiyano kay Hesus bilang anak ng diyos o diyos na nagkatawang tao, sino kaya ang sumasalungat sa aral ni Hesus?

Ang Ikapitong Katibayan: Ang Paglilibing kay Hesus Ayon sa Bibliya  

Paano ba inililibing ang isang patay? Sa Bibliya, si Hesukristo ay inilibing sa pamamagitan ng dalawang puting damit na itinapis at ibinalabal sa kanyang katawan. Ganyan din ang pamamaraan ng paglilibing sa isang patay sa relihiyong Islam. Hindi pinahihintulutan sa Islam na embalsamuhin ang katawan ng isang patay sa maraming kadahilanan: Una, hindi ito gawain at aral ng mga Propeta, ikalawa, kahit na huminto na ang paghinga at pagtibok ng puso ng isang tao, walang pa ring katiyakan na ito ay tuluyan ng binawian ng buhay. Maaaring pagkaraan ng ilang oras, ito ay muling magkabuhay. Ang ikatlo, higit na mahalaga para sa isang patay na ipagdasal ito na nawa’y patawarin siya ng Diyos. Simple ang rituwal ng paglilibing sa Islam. Walang kabaong (ataul), walang bulaklak, walang nitso, walang punerarya at tugtugin, walang lapida. Bawa’t patay ay inililibing sa ilalim ng lupa. Sa lupa tayo nagmula kaya naman sa lupa rin ang pagbabalik. Samakatuwid, ang paglilibing sa patay noong panahon ni Hesus at maging sa mga naunang panahon ay katulad din ng pagsasagawa ng mga Muslim sa ngayon. Ang tanong, Sino ngayon ang inililibing katulad ng pagkakalibing kay Hesus? Hindi ba Muslim lamang ngayon ang nagsasagawa nito?

Ang Ikawalong Katibayan: Ang Mensahe ni Hesus ay para lamang sa mga Israelita. 

Bawa’t Propeta ay isinugo sa kani-kanilang pamayanan lamang. Ang tanging naiiba ay si Propeta Muhammad sapagka’t siya ang huling Propeta, samakatuwid siya ay isinugo para sa sangkatauhan.

Si Hesus ay isinugo para lamang sa mamamayan ng Israel. Kaya sinumang tagasunod ni Hesus na hindi naman lahing Israelita o Hudyo ay lumihis sa tunay na mensahe ni Hesus. Tunghayan natin ang ilang talata ng Bibliya upang ganap nating mapatunayan ang katotohanan ng paksang ito.

Hindi ako isinugo kundi sa mga tupang nangaligaw sa bahay ni Israel. (Mateo 15:24)

Ang talatang ito ay malinaw na nagbibigay patunay tungkol sa paksang ito. Ang mensahe ni Hesus ay tanging para lamang sa mga Israelita.

Karagdagan pa nito, sinabi pa ni Hesus sa kanyang mga disipulo:

Huwag kayong humayo sa landas ng mga Hentil at sa mga bayan ng mga Samaritano nguni’t kayo ay humayo sa mga naligaw na tupa ng Israel. (Mateo 10:5-6)  

Kung sa bibig mismo ni Hesus ay lumabas ang kautusang ito, sino sa atin ang maaaring sumalungat sa kautusang ito? Kung ang mga pagano (Hentil) at mga Samaritano ay hindi sakop ng mensahe ni Hesus bagaman sila ay karatig bayan lamang ng kinaroroonan ni Hesus, tayo pa kayang mga Pilipino na ang agwat ng panahon at lugar ay labis ang kalayuan?

Dapat nating isipin kung bakit labindalawang disipulo ang pinili ni Hesus sa kanyang pangangaral dahil nakalaan ang mga ito sa labindalawang tribu ng Israelita (Anak ni Israel).

Tuwing mangangaral si Hesus ang kanyang tinutukoy ay ang mga Israelita:

Ang una sa lahat ng kautusan ay, "Pakinggan mo O, Israel, ang ating Panginoong Diyos ay isang Panginoon. (Markus 12:29)

Kung tunay nga na si Hesus ay para sa sangkatauhan, magkagayon, dapat sana na ang kanyang panawagan ay para sa lahat ng tao. "O, sangkatauhan!” o kaya naman ay ganito ang panawagan “O, mga tao!" upang sa gayon ay magkaroon ng patunay na siya nga ay para sa lahat.

Sa Banal na Qur’an, matutunghayan din na ang mensahe ni Hesus ay para lamang sa mga mamamayan ng Israel.

O, Angkan ng Israel, sambahin ang Allah, na aking Panginoon at inyong Panginoon. Ang sinumang magtambal sa Allah ay tunay na ipagbabawal ng Allah sa kanya ang Paraiso at ang Apoy ang kanyang tirahan. Qur’an 5:72

Ang Bibliya at maging ang Banal na Qur’an ay tuwirang nagpatunay na ang mensahe ni Hesus ay para lamang sa mga ligaw na tupa ng Israel. Ang mensahe ni Hesus ay isang katuparan ng batas ni Moises sapagka’t si Moises ay para lamang sa mga Israelita katulad ni Hesus. Sinabi pa niya (Hesus):

Ako ay naparito hindi upang sirain ang batas kundi para tuparin. (Mateo 5:17)

Ang batas na tinutukoy ni Hesus ay walang iba kundi ang Batas ni Moises sapagka’t wala namang kinikilalang batas ang mga Hudyo (Israelita) maliban sa Batas na iniwan ni Moises. Ito ang batas na tinupad ni Hesus at hindi niya sinira o sinalungat. Walang daladalang bagong batas si Hesus na salungat sa mga aral ng lahat ng Propeta kaya naman ang mga pangunahing paniniwala ng mga naunang mamamayan ay katulad din ng kanyang mga aral, halimbawa, ang pagsamba sa Nag-iisang Diyos, ang pagdarasal, ang pag-aayuno, ang kawanggawa, ang pakikipag-ugnayan sa kapwa, ang paghahanap-buhay at iba pang aspeto ng tamang pamumuhay.

Kaya, sino mang tao ang nagsasabi na ang mensahe ni Hesus ay para sa sangkatauhan, ito ay isang pagkakamali. Natunghayan natin mula sa pahina ng Bibliya na isinugo si Hesus para sa mga Israelita. Ito ay sinabi ni Hesus at maging ang kanyang mga disipulo. Maliwanag ang pahayag ng Bibliya tungkol dito at inayunan naman ng Banal na Qur’an ang paksang ito. Kaya, hindi lamang mga Muslim ang naniniwala at naninindigan tungkol dito bagkus higit sa lahat mismong ang aral ng Bibliya ang ganap na tumutukoy sa paksang ito nang walang pasubali.

 Kung ikaw ay simpleng Kristiyano, maaari mong itanong sa iyong sarili, ako ba ay mula sa lahi ng Israelita? Ako ba ay kabilang sa mga naligaw na tupa mula sa angkan ni Israel?

Ang Ikasiyam na Katibayan: Ang Kaligtasan ayon kay Hesus.

Bawa’t tao ay may masidhing pagnanasang makamtan ang kaligtasan mula sa Apoy ng Impiyerno kaya naman bawa’t isa ay nagtatangkang gawin ang lahat ng kakayahan bilang paghahanda sa Araw ng Paghuhukom. Ito ay isang araw na walang makatutulong sa sinuman maliban yaong mga taong may mabubuting gawa at tamang pananampalataya.

Sa paniniwala ng mga Kristiyano, ang pagpako ni Hesus sa Krus ang siyang dahilan ng kaligtasan sa Apoy sapagka’t ayon sa kanilang mga aral, ang tao ay may minanang kasalanan mula sa unang magulang na si Adan at Eba. Ang paniniwalang ito na tinanggap ng makabagong Kristiyano ay hindi isang aral na nagmula sa orihinal at wagas na mensahe ni Hesus.

Si Hesus ay nagpatunay:

At masdan, isa ang dumating at nagsabi sa kanya, ‘Mabuting guro, anong mabuti ang aking gagawin upang makamtan ko ang buhay na walang hanggan?’ At siya’y nagsabi sa kanya, ‘Bakit mo ako tinatawag na mabuti? Walang mabuti kundi Isa (Ang Dakilang Lumikha), subali’t kung nais mong makamtan ang buhay, panghawakan mo ang mga batas’. (Mateo 19:16-17)

Sinabi pa niya:

Ginagantimpalaan ng Diyos ang tao ayon sa kanyang mga gawa. (Mateo 16:27)

Sa mga talatang nabanggit sa itaas, sinabi ni Hesus na ang pagsunod sa kalooban ng Diyos ang siyang batayan upang makamtan ang kaligtasan. Sa maikling salita, ang mabubuting gawa at hindi ang pagpako sa krus ang siyang batayan ng kaligtasan. Kung katotohanan nga na iniligtas ni Hesus ang sangkatauhan nang dahil sa kanyang pagpako sa krus, ano pa kaya ang kahalagahan ng Araw ng Paghuhukom? Ito ay hindi makatuwiran at salungat sa diwa ng katarungan ng Maka-pangyarihang Diyos. Kaya ang mga pangunahing paniniwala ng makabagong Kristiyano katulad halimbawa ng paniniwala sa Orihinal na Pagkakasala at maging ang Kaligtasan batay sa Pagpako sa Krus ay walang katotohanan.

Ang Ikasampung Katibayan: Ang Kapayapaan bilang Pagbati sa Araw-Araw na Buhay. 

Matutunghayan din sa Bibliya na ang gawang pagbati ni Hesus sa kanyang mga mamamayan ay ang pagsabi ng “Kapayapaan ay Sumainyo.” Ito ay isa ring katagang maririnig sa araw-araw na takbo ng buhay ng mga Muslim. Sa tuwina, ang As-Salamu Alaikum ay isang katagang sinasambit-sambit ng sinumang nagkakasalubong na Muslim sa lahat ng pagkakataon bilang kanilang pagbati sa isa’t isa.

Ang “Salam” at ang “Shalom” ay dalawang salitang nagbibigay ng isang tanging kahulugan at ito ay ang kapayapaan. Kung si Hesus ay bumabati ng kapayapaan arawaraw at ang mga Muslim ay ganoon din ang kanilang ginagawa bilang pagbati, magkagayon, ang mga Muslim ay tunay na tagasunod ni Hesus at sila ang mga taong kumikilala sa magandang aral ng pagbati ni Hesus.

Ang pagbati ng As-Salamu alaikum (sumainyo nawa ang kapayapaan) ay isang pandaigdigang pagbati na hindi matatagpuan maliban sa relihiyong Islam. Ito ay isang pagbati na nagbibigay ng kasiyahan at may dalang kaligayahan sa sinumang nakakasalubong at nakakarinig. Ito ay may diwa ng paggalang at isang tunay na larawan ng pagbibigay pitagan sa kanyang kapwa.

Kapayapaan ang hangarin ng lahat ng tao kaya naman ito rin ang pinakadiwa ng mensahe ng lahat ng Propeta mula kay Adan hanggang sa Huling Propeta ng Allah – na si Propeta Muhammad.

Ang Pananaw ng Islam tungkol sa Pagbabalik ni Hesus-Kristo. 

Kung ang mga Kristiyano ay naniniwala sa muling pagbabalik ni Hesus, ganoon din naman ang mga Muslim. Sa pananaw ng Islam, ang pagbabalik ni Hesus ay may mahalagang dahilan na dapat matupad.

Ang Sugo ng Allah, Muhammad ay nagsalaysay ng isang magandang pananalita tungkol kay Hesus.

Sa pamamagitan Niya (Allah) na Siyang may tangan ng aking kaluluwa, katiyakan, na si ‘Isa (Hesus), na anak ni Maryam (Maria) ay papanaog at makakahalubilo ninyo at (bilang pinuno ng mga Muslim) siya ay maglilitis nang makatarungan batay sa batas ng Qur’an. Kanyang babakliin ang mga krus at papatayin ang mga baboy at aalisin ang buwis ng Jizya (ito ay buwis na ibinabayad ng mga di-Muslim sa pamahalaang Islam). Sa panahong yaon, ang salapi ay sasagana at walang sinumang tatanggap nito mula sa kaninuman. Sa panahong yaon, ang pagpapatirapa (pagsubsob ng mukha sa lupa (bilang pagsamba) sa Allah ay higit na mabuti kaysa sa buong mundo at sa nilalaman nito.

At sinabi pa niya:

Walang Propeta sa pagitan ko at ni ‘Isa (Hesus). Katiyakang siya ay papanaog (at) babalik muli. Samakatuwid, inyong makikilala siya kapag siya ay inyong makikita. Siya ay mataas na lalaki na may maputi at mamula-mulang kutis. Siya ay papanaog na may kasuotang dalawang puting damit. Ang kanyang ulo ay tila pinapawisan bagaman hindi ito basa ng pawis.

(Sa panahon na yaon) ang Imam ng mga Muslim (namumuno sa pagdarasal) ay isang mabuting tao. Habang ang kanilang Imam ay naghahanda para sa pang-umagang Salah (Salatul Fajr), si ‘Isa (Hesus) anak ni Maryam (Maria) ay bababa sa kanila (sa gawing Damascus). Ang kanilang Imam ay uurong sa likuran upang bigyang puwang si ‘Isa (Hesus) na siyang mamuno sa pagdarasal. Ilalagay ni ‘Isa (Hesus) ang kanyang kamay sa pagitan ng balikat ng Imam at siya ay magsasabi: ’Humayo ka at manguna o mamuno sa pagdarasal.’

Sadyang napakaganda ng salaysay ni Muhammad tungkol sa pagbabalik muli ni Hesus. Ang layunin ni Hesus sa kanyang pagbabalik ay maliwanag:

Una, upang ibalik niya ang wagas at malinis na pagsamba sa Nag-iisang Diyos. Ang tuwirang pagsamba sa Nag-iisang Diyos ay siyang pangunahing aral ng lahat ng Propeta, kaya naman, ito ang pangunahing layunin ng pagbabalik ni Hesus. Sa ngayong makabagong panahon, ang pagsamba ng mga Kristiyano ay nababahiran ng idolatriya sapagka’t ginawa nilang Diyos na nagkatawang-tao si Hesus. Ang ibang sekta naman ng Kristiyanismo ay dumadalangin sa mga santo at santa, nagtayo ng iba’t ibang estatuwa o rebulto at itinuturing nila ang mga ito bilang mga banal o may pagkadiyos. Ito ay taliwas sa unang kautusan at ganap itong sumasalungat sa aral ng mga Propeta.

Pangalawa, babakliin niya ang mga krus sapagka’t ang krus na siyang kinamulatang sagisag ni Hesus ay sadyang walang katotohanan. Sa mga naunang panahon, ang 14 www.islamhouse.com parusa ng isang taong nagkasala ay ang pagpako sa krus, kaya naman, ito ay hindi angkop sa karangalan ni Hesus na siya ay ipako sa krus.

Ayon sa Banal na Qur’an siya ay hindi napako sa krus bagkus siya ay itinaas ng Makapangyarihang Allah at iniligtas mula sa mga taong umalipusta sa kanya. Higit na makatarungan ang salaysay ng Banal na Qur’an tungkol sa pangyayaring ito kaysa sa salaysay ng Bibliya sapagka’t kung pag-aaralan ang Bibliya tungkol sa pagpako sa krus kay Hesus, walang matatag na patunay tungkol dito.

Ikatlo, papatayin ni Hesus ang mga baboy sapagka’t ang pagkain ng baboy ay tunay na karumal-dumal na gawain. Ang babalang ito ay nakatala sa Lumang Tipan sa Kabanata Leviticus at Deuteronomy. Bakit nga ba kumakain ng baboy ang mga Kristiyano sa kabila ng maliwanag na babala tungkol dito? Ayon na rin sa makabagong medisina, ang baboy ay sadyang hindi karapat-dapat kainin ng tao sapagka’t ito ay may dala-dalang mga sakit.

Sa mga nabanggit na paliwanag, ako ay tapat na umaasa sa ibang Kristiyano na nagsasabi na ang mga Muslim ay Anti-Kristo ay magkakaroon ng tamang pananaw tungkol sa naturang paksa at higit sa lahat magkaroon ng pagkakataon na bigyan ng kahit kaunting panahon ang pag-aralan ang relihiyong Islam.

Ang relihiyong Islam lamang ang tanging relihiyon na nagbibigay ng maganda at maliwanag na pananaw tungkol kay Hesus at maging sa kanyang dakilang Ina na si Birhen Maria. Wala ng iba pang relihiyon sa kasalukuyan ang nagtatanggol sa mga maling paratang tungkol kay Hesus at sa kanyang ina maliban sa Banal na Qur’an.

Walang Muslim ang dapat taguriang Anti-Kristo sa anupamang kaparaanan o dahilan sapagka’t isang pangunahing aral ng Islam ang dakilain at ikarangal ang lahat ng Sugo at Propeta na ipinadala ng Nag-iisang Allah (Ang Makapangyarihan at Dakila).

Ang Islam ay maingat sa pagbibigay ng anumang katawagan o kataga sa kaninumang Propeta maliban na ito ay binanggit ng Qur’an at ng Hadith mula sa Sugo ng Allah. Hindi katulad sa ibang relihiyon na kung anu-ano ang itinataguri nila kay Hesus at maging kay Birhen Maria. Halimbawa, tinatawag si Hesus na Black Nazarene. Bakit siya tinawag na Black Nazarene, siya ba ay maitim? Tinawag din siyang Sto Nino, bakit siya tinawag na batang santo, siya ba ay santo? Tinawag din siyang Jesus Christ Superstar. At maging sa kanlurang panooring pampelikulang “The Last Temptation of Jesus Christ” na kung saan may mga kasaysayan o tagpo na hindi naman mababasa sa Bibliya! Ang isa pang aklat (nobela at ginawang pelikula) na ikinalat sa buong mundo ay ang Da Vinci Code, na kung saan sina Hesus at Maria Magdalena ay gumanap bilang mag-asawa. Ang pelikulang ito ay kumita ng limpak-limpak na salapi at pinanood ng milyun-milyong Kristiyano sa buong mundo. Ito ba ay maituturing bilang isang karangalan para sa kanya o isang pang-aalipusta sa kanyang kabanalan?

At bilang huling pananalita, hayaan ninyong banggitin ko ang isang magandang puna na isinulat ni George Bernard Shaw, isang pinagpipitaganang Kristiyanong manunulat mula sa Amerika. Sa kanyang aklat na “The Genuine Islam” Vol. 1 no. 81936, hayagan niyang sinabi na:

Lagi kong inilalagay ang relihiyon ni Muhammad sa mataas na pagpapahalaga dahil sa kahanga-hangang tatag (at lakas) nito. Ito ang tanging relihiyon para sa akin ang  nagtataglay ng matatag na kakayahan sa nagbabagong aspeto ng pamumuhay na nakagagawa ng sariling pang-akit sa bawa’t panahon. Aking pinag-aralan si Muhammad – ang kahanga-hangang tao at sa aking palagay siya ay malayo sa pagiging Anti-Kristo. Dapat siyang tawaging Tagapagligtas ng Sangkatauhan. Naniniwala ako na kung ang taong katulad niya ang gumanap na diktador sa makabagong daigdig, siya ay magtatagumpay sa paglutas ng mga suliranin sa paraang magdadala sa higit pang kailangang kapayapaan at kaligayahan. Aking hinuhulaan na ang relihiyon ni Muhammad (ang Islam) ay ganap na tatanggapin sa Europa sa darating na panahon na unti-unti ng tinatanggap sa Europa ngayon.”

Sa aking mga minamahal na mambabasa, dapat nga bang tawaging Anti-Kristo ang mga Muslim? Kayo ang humusga kung sino nga ba ang dapat tawaging Anti-Kristo, ang mga Muslim ba na ganap na sumusunod sa aral ni Hesus o yaong bulag na tagasunod ni Hesus?

Maraming salamat at nawa’y pagpalain tayo ng Poong Maykapal sa lahat ng ating mga mabubuting gawain. At ibilang tayo sa hanay ng mga mabubuting tao hanggang sa Huling Araw....Ameen.

Nais mo bang mag muslim ngayon? email us: .. yppaincorporation@gmail.com


source: islamhouse.com




Sunday, September 13, 2015

Ang kadakilaan ng (unang) sampung araw ng Dhul Hijjah

Si Imam Ahmad (RA) ay nagpahayag din mula sa ulat ni Ibn Umar (R.A.A.); 

[Ang Propeta (SAS) ay nagsabi: "Walang mga araw na ang mga gawaing isinasagawa rito ay higit na dakila at kalugud-lugod para sa Allah maliban sa sampung araw na ito. Kaya dalasan ninyo ang pagpupuri, pagdakila at pasasalamat dito."]

At si Ibn Habban (RA) ay nagpahayag din sa kanyang mapapanaligang aklat mula sa ulat ni Jabir (RA);

 [Ang Propeta (SAS) ay nagsabi: "Ang pinakamainam na mga araw ay ang araw ng Arafah."]

Ang mga isinasagawang gawain sa sampung araw na ito:

1. Ang pagsasagawa ng Hajj at Umrah. Sa katunayan ito ang siyang pinakamainam sa lahat ng mga gawain. Sadyang napakaraming Hadith ang nagpapahayag tungkol sa kadakilaan nito, isa na rito ang sinabi ng Propeta (Muhammad SAW):

["Ang Umrah sa isa pang Umrah ay nagpapawalang sala sa pagitan nito at ang tanggap na Hajj ay walang gantimpala kundi ang Paraiso"].

At ang iba pang mapapanaligang mga Hadith na nagpapahayag patungkol dito.

2. Ang pag-aayuno sa mga araw na ito o sa alinmang makakayanan dito – lalong-lalo na sa araw ng Arafah – Walang pag-aalinlangan na ang pag-aayuno ang pinakamainam sa mga gawain, sapagkat ibinukod-tangi ito ng Allah sa Kanyang sarili. Batay sa mga pahayag na matutunghayan sa Hadith Qudsi:

[Ang pag-aayuno ay para lamang sa Akin (Allah) at Ako mismo ang gagawad ng gantimpala nito, tunay na kanyang tinalikuran ang kanyang hilig, pagkain at inumin alang-alang sa Akin].

Sa naiulat ni Abu Sa`ied Al-Khudry (RA); [Ang Sugo ng Allah (Muhammad SAW) ay nagsabi: "Walang isang lingkod na nag-ayuno ng isang araw sa landas ng Allah kundi ang kanyang mukha ay ilalayo ng Allah sa Impiyerno ng dahil sa isang araw na ito, na ang layo ay katumbas ng pitumpong taon (kung lalakarin).] Isinalaysay ni Al-Bukhari at Muslim.

At sa naipahayag ni Muslim (RA) mula sa ulat ni Abu Qatadah;

 [Ang Propeta (Muhammad SAW) ay nagsabi: "Aking hinahangad sa Allah na ang pag-aayuno sa araw ng Arafah ay Kanyang pawalang-sala ang nakaraang taon at ang kasunod nito"].

3. Ang pag-Takbeer (pagdakila) at paggunita (Dhikr) sa mga araw na ito.

{وَيَذْآُرُوا اسْمَ اللَّهِ فِي أَيَّامٍ مَّعْلُومَاتٍ} :(Sinabi ng Allah (SWT

{At binibigkas nila ang Pangalan ng Allah sa mga kilalang araw.} Al-Hajj: 28.

Sa katunayan, ang mga naturang kilalang araw ay binigyang pakahulugan na ang mga ito ay ang sampung araw ng Dhul-Hijjah. At dahil dito ang madalas na paggunita sa mga araw na ito ay naging kaaya-aya sa mga eskolar ng Islam.

Batay sa Hadith na naiulat ni Ibn Umar (RA) ayon sa pahayag ni Ahmad (RA) ganito ang pagkasaad: [Kaya't dalasan ninyo dito ang pagpupuri, pagdakila at pasasalamat].

Si Bukhari (RA) ay nagpahayag din patungkol kay Ibn Umar at kay Abu Hurairah (RA): " Na ang dalawang ito ay lumalabas sa palengke sa mga araw na ito nang nagtatakbeer kaya't nagsisitakbeer na rin ang mga tao batay sa kanilang pagta takbeer."

At si Ishaq (RA) ay nag-ulat tungkol sa mga Pantas ng Tabi `oun [mga eskolar sa ikalawang siglo (RA)]: Kanyang sinabi: "Sila ay nagtatakbeer sa mga araw na ito nang ganito: "Allaahu Akbar, Allaahu Akbar, Laa ilaaha illallaahu wallaahu Akbar, Allaahu Akbar walillaahil Hamd."

At mas mainam na pinatataas ang boses sa pagtakbeer maging sa loob ng mga palengke, tahanan, daanan, Masjid at sa iba pang lugar.

{وَلِتُكَبِّرُواْ اللّهَ عَلَى مَا هَدَاآُمْ } :(Batay sa sinabi ng Allah (SWT  {At upang inyong dakilain ang Allah dahil sa pagkaloob Niya ng patnubay sa inyo.} Al-Baqarah: 185.

Paalaala: ang sabay-sabay na pagtakbeer ay hindi ipinahihintulot – ito ay sa pamamagitan ng sama-samang pagsambit ng isang grupo sa iisang tono – sapagkat hindi ito napatunayan sa mga sinaunang ninuno. Bagkus ang wastong pamamaraan nito, ang bawa't isa ay kanya-kanyang magtakbeer.

Ito ay sumasaklaw sa lahat ng uri ng paggunita (Dhikr) at panalangin maliban kung dahil sa kawalan ng kaalaman. Sa ganitong kalagayan maaaring gabayan siya ng iba hangga't sa matutunan niya ito.

Samakatuwid, ang paggunita ay ipinahihintulot alinman sa lahat ng uri ng takbeer, pagpupuri at pagluluwalhati, at sa lahat ng mga lehitimong panalangin.

4. Ang pagsisisi at pagkalas sa mga kasuwailan at sa lahat ng mga kasalanan. Nang maging karapat-dapat sa mga gawain ang kapatawaran at habag ng Allah (SWT).

Samakatuwid ang mga kasuwailan ay dahilan ng pagtaboy at pagtakwil, samantalang ang mga gawaing pagsunod naman ay dahilan ng pagpapalapit at pagmamahal. Batay sa Hadith na naiulat ni Abu Hurairah (RA) [ang Propeta ay nagsabi:

"Katotohanan, ang Allah ay naghihinakit at ang paghihinakit ng Allah ay ang pagsasanay ng tao sa mga ipinagbabawal Niya."] . Isinalaysay ni Al-Bukhari at Muslim.

5.Ang magparami ng mabubuting gawain sa mga gawaing pagsamba na kusang-loob, tulad ng Salah, pagkakawanggawa, pakikibaka sa pakikipaglaban sa landas ng Allah, pagbabasa, pag-utos ng kabutihan at pagbabawal ng kasamaan atbp. Sapagkat ito'y naibibilang sa mga gawaing paulit-ulit na ginagantimpalaan ng Allah sa mga araw na ito. Samakatuwid ang isang gawain dito kahit pa man ito'y napakaliit, ito ay mas mainam pa rin at kalugud-lugod sa Allah kaysa isagawa ito sa ibang araw bukod dito, at maging ang pakikipaglaban sa landas ng Allah (Jihad) na sadyang napakadakilang gawain, ito'y nangunguna pa rin dito, maliban sa taong napatay ang kanyang kabayo at dumanak ang kanyang dugo.

6.Itinatagubilin sa mga araw na ito ang pag-Takbeer ng walang takdang oras sa buong magdamag o sa buong maghapon hanggang sa oras na isagawa ang Salah sa Eid. Itinatagubilin din ang pag-takbeer ng may katakdaang oras. At ito'y sa bawa't pagkatapos ng mga ubligadong Salah na isinasagawang sama-sama. At para sa mga hindi nagsasagawa ng Hajj, magsimula ang oras nito sa pagsapit ng bukang-liwayway sa araw ng Arafah, at para naman sa nagsasagawa ng Hajj, magsimula sa tanghaling tapat sa araw ng Eid (ika-10 araw) at manatili ito hanggang sa Salah ng Asr sa huling araw ng Tashreeq (ika-13 araw).

7.Itinatagubilin ang Udh-hiyyah (hayop na kinakatay bilang alay) sa araw ng Nahr (ika-10 araw) at sa mga araw ng Tashreeq (ika-11, 12, 13 araw). Ito ay isang dakilang alaala sa ginawa ng ating ninunong si Ibraheem nang ihandog niya sa Allah (SWT) ang kanyang anak sa pamamagitan ng kakila-kilabot na pagkatay. At sa katunayan, [Ang Propeta ay naghandog ng dalawang tupa na ang mga balahibo nito'y kulay itim at puti at mahahaba ang mga sungay, siya mismo ang kumatay sa mga ito. Binigkas niya ang pangalan ng Allah at nagtakbeer (Bismillaahi Allaahu Akbar), at dinaganan niya ng kanyang paa ang tagiliran nito.] Isinalaysay ni Al-Bukhari at Muslim.

8. Ang sinumang nais maghandog ng Udhiyyah, hindi pinahihintulutang bumunot o pumutol ng kanyang buhok at mga kuko hangga't sa hindi siya nakapaghandog.

Batay sa naipahayag ni Muslim (RA) at ng iba. Si Ummu Salamah (RA) ay nag-ulat; [Ang Propeta (SAW) ay nagsabi:

"Kapag nakita ninyo ang buwan ng Dhul-Hijjah at nais ng isa sa inyo na maghandog ng alay. Hayaan niya ang kanyang buhok at mga kuko]. At sa ibang sanaysay ay ganito:

 [Huwag pumutol ng kanyang buhok at mga kuko hangga't sa hindi siya nakapaghandog].

At maaring ito'y bilang pagtulad sa taong nakapagdala ng Hady (alay).

Sa katunayan sinabi ng Allah (SWT):

At huwag kayo mag-ahit ng inyong buhok hangga't hindi umabot ang Hady sa lugar (na} { وَلاَ تَحْلِقُواْ رُؤُوسَكُمْ حَتَّى يَبْلُغَ الْهَدْيُ مَحِلَّهُ } pinagkakatayan nito)} Al-Baqarah: 196

Sa panglabas na kahulugan, ipinahihiwatig nito na ang kabawalang ito ay sumasaklaw lamang sa may ari mismo ng Udhiyyah. Samakatuwid hindi nasasaklawan nito ang asawang babae at ang mga anak maliban kung ang isa sa kanila ay may sariling Udhiyyah. At wala ring masama sa paghugas ng ulo at pagkuskus nito kahit may nalaglag pa na buhok.

9.Dapat maging masigasig ang isang muslim sa pagtaguyod ng Salah sa Eid, saan mang lugar idinadaos ito, at sa pagdalo ng Khutbah at pakikinabang, at dapat din niyang alamin ang wastong layunin ng pagtakda sa pagdiriwang na ito. Ito ay araw ng pasasalamat at pagtaguyod ng kabutihan.

Samakatuwid, hindi karapat-dapat na itakda niya ito bilang araw ng kasamaan at kapilyuhan, ni gawing panahon ng kasuwailan at pinagsasanayan ng mga kabawalan, tulad ng mga awitin, mga aliwan, paglalasing at ang mga katulad nito na kung saan ay nagiging dahilan ng pagkawalang kabuluhan ng mga mabubuting gawain na kanyang pinagsikapan sa sampung araw na ito.

10.Pagkatapos ng mga nabanggit. Karapat-dapat lang sa bawat muslim maging lalaki man o babae na samantalahin ang dakilang mga araw na ito sa pagsunod sa Allah (SWT), paggunita at pagpapasalamat sa Kanya, pagtaguyod ng mga tungkulin at pag-iwas sa mga ipinagbabawal.

Gayon din dapat lang na samantalahin ang magagandang pagkakataon na ito at hangarin ang mga gantimpala ng Allah (SWT) nang sa gayo'y makamit ang Kanyang kaluguran. Ang Allah (SWT) ang nagkakaloob ng katampukan at nagpapatnubay ng wastong landas.

Nawa'y ang pagpapala at pagbati ng Allah ay igawad kay Muhammad (SAW), sa kanyang mag-anak at sa kanyang mga kasamahan.

Si Imam Ahmad (RA) ay nagpahayag din mula sa ulat ni Ibn Umar (R.A.A.); [Ang Propeta (SAW) ay nagsabi: "Walang mga araw na ang mga gawaing isinasagawa rito ay higit na dakila at kalugud-lugod para sa Allah maliban sa sampung araw na ito. Kaya dalasan ninyo ang pagpupuri, pagdakila at pasasalamat dito."]

At si Ibn Habban (RA) ay nagpahayag din sa kanyang mapapanaligang aklat mula sa ulat ni Jabir (RA); [Ang Propeta (SAW) ay nagsabi: "Ang pinakamainam na mga araw ay ang araw ng Arafah."]

Ang mga isinasagawang gawain sa sampung araw na ito:

1. Ang pagsasagawa ng Hajj at Umrah. Sa katunayan ito ang siyang pinakamainam sa lahat ng mga gawain. Sadyang napakaraming Hadith ang nagpapahayag tungkol sa kadakilaan nito, isa na rito ang sinabi ng Propeta (Muhammad SAW):

["Ang Umrah sa isa pang Umrah ay nagpapawalang sala sa pagitan nito at ang tanggap na Hajj ay walang gantimpala kundi ang Paraiso"].

At ang iba pang mapapanaligang mga Hadith na nagpapahayag patungkol dito.

2. Ang pag-aayuno sa mga araw na ito o sa alinmang makakayanan dito – lalong-lalo na sa araw ng Arafah – Walang pag-aalinlangan na ang pag-aayuno ang pinakamainam sa mga gawain, sapagkat ibinukod-tangi ito ng Allah sa Kanyang sarili. Batay sa mga pahayag na matutunghayan sa Hadith Qudsi:

[Ang pag-aayuno ay para lamang sa Akin (Allah) at Ako mismo ang gagawad ng gantimpala nito, tunay na kanyang tinalikuran ang kanyang hilig, pagkain at inumin alang-alang sa Akin].

Sa naiulat ni Abu Sa`ied Al-Khudry (RA); [Ang Sugo ng Allah (Muhammad SAW) ay nagsabi: "Walang isang lingkod na nag-ayuno ng isang araw sa landas ng Allah kundi ang kanyang mukha ay ilalayo ng Allah sa Impiyerno ng dahil sa isang araw na ito, na ang layo ay katumbas ng pitumpong taon (kung lalakarin).] Isinalaysay ni Al-Bukhari at Muslim.

At sa naipahayag ni Muslim (RA) mula sa ulat ni Abu Qatadah; [Ang Propeta (Muhammad SAW) ay nagsabi: "Aking hinahangad sa Allah na ang pag-aayuno sa araw ng Arafah ay Kanyang pawalang-sala ang nakaraang taon at ang kasunod nito"].

3.Ang pag-Takbeer (pagdakila) at paggunita (Dhikr) sa mga araw na ito.

{وَيَذْآُرُوا اسْمَ اللَّهِ فِي أَيَّامٍ مَّعْلُومَاتٍ} :(Sinabi ng Allah (SWT {At binibigkas nila ang Pangalan ng Allah sa mga kilalang araw.} Al-Hajj: 28.

Sa katunayan, ang mga naturang kilalang araw ay binigyang pakahulugan na ang mga ito ay ang sampung araw ng Dhul-Hijjah. At dahil dito ang madalas na paggunita sa mga araw na ito ay naging kaaya-aya sa mga eskolar ng Islam.

Batay sa Hadith na naiulat ni Ibn Umar (RA) ayon sa pahayag ni Ahmad (RA) ganito ang pagkasaad: [Kaya't dalasan ninyo dito ang pagpupuri, pagdakila at pasasalamat].

Si Bukhari (RA) ay nagpahayag din patungkol kay Ibn Umar at kay Abu Hurairah (RA): " Na ang dalawang ito ay lumalabas sa palengke sa mga araw na ito nang nagtatakbeer kaya't nagsisitakbeer na rin ang mga tao batay sa kanilang pagta takbeer."

At si Ishaq (RA) ay nag-ulat tungkol sa mga Pantas ng Tabi `oun [mga eskolar sa ikalawang siglo (RA)]: Kanyang sinabi: "

Sila ay nagtatakbeer sa mga araw na ito nang ganito:

"Allaahu Akbar, Allaahu Akbar, Laa ilaaha illallaahu wallaahu Akbar, Allaahu Akbar walillaahil Hamd."

At mas mainam na pinatataas ang boses sa pagtakbeer maging sa loob ng mga palengke, tahanan, daanan, Masjid at sa

iba pang lugar.

{وَلِتُكَبِّرُواْ اللّهَ عَلَى مَا هَدَاآُمْ } :(Batay sa sinabi ng Allah (SWT 

{At upang inyong dakilain ang Allah dahil sa pagkaloob Niya ng patnubay sa inyo.} Al-Baqarah: 185.

Paalaala: ang sabay-sabay na pagtakbeer ay hindi ipinahihintulot – ito ay sa pamamagitan ng sama-samang pagsambit ng isang grupo sa iisang tono – sapagkat hindi ito napatunayan sa mga sinaunang ninuno. Bagkus ang wastong pamamaraan nito, ang bawa't isa ay kanya-kanyang magtakbeer. Ito ay sumasaklaw sa lahat ng uri ng paggunita (Dhikr) at panalangin maliban kung dahil sa kawalan ng kaalaman. Sa ganitong kalagayan maaaring gabayan siya ng iba hangga't sa matutunan niya ito. Samakatuwid, ang paggunita ay ipinahihintulot alinman sa lahat ng uri ng takbeer, pagpupuri at pagluluwalhati, at sa lahat ng mga lehitimong panalangin.

4. Ang pagsisisi at pagkalas sa mga kasuwailan at sa lahat ng mga kasalanan. Nang maging karapat-dapat sa mga gawain ang kapatawaran at habag ng Allah (SWT). Samakatuwid ang mga kasuwailan ay dahilan ng pagtaboy at pagtakwil, samantalang ang mga gawaing pagsunod naman ay dahilan ng pagpapalapit at pagmamahal. Batay sa Hadith na naiulat ni Abu Hurairah (RA) [ang Propeta ay nagsabi: "Katotohanan, ang Allah ay naghihinakit at ang paghihinakit ng Allah ay ang pagsasanay ng tao sa mga ipinagbabawal Niya."] Isinalaysay ni Al-Bukhari at Muslim.

5.Ang magparami ng mabubuting gawain sa mga gawaing pagsamba na kusang-loob, tulad ng Salah, pagkakawanggawa, pakikibaka sa pakikipaglaban sa landas ng Allah, pagbabasa, pag-utos ng kabutihan at pagbabawal ng kasamaan atbp.

Sapagkat ito'y naibibilang sa mga gawaing paulit-ulit na ginagantimpalaan ng Allah sa mga araw na ito. Samakatuwid ang isang gawain dito kahit pa man ito'y napakaliit, ito ay mas mainam pa rin at kalugud-lugod sa Allah kaysa isagawa ito sa ibang araw bukod dito, at maging ang pakikipaglaban sa landas ng Allah (Jihad) na sadyang napakadakilang gawain, ito'y nangunguna pa rin dito, maliban sa taong napatay ang kanyang kabayo at dumanak ang kanyang dugo.

6.Itinatagubilin sa mga araw na ito ang pag-Takbeer ng walang takdang oras sa buong magdamag o sa buong maghapon hanggang sa oras na isagawa ang Salah sa Eid. Itinatagubilin din ang pag-takbeer ng may katakdaang oras. At ito'y sa bawa't pagkatapos ng mga ubligadong Salah na isinasagawang sama-sama. At para sa mga hindi nagsasagawa ng Hajj, magsimula ang oras nito sa pagsapit ng bukang-liwayway sa araw ng Arafah, at para naman sa nagsasagawa ng Hajj, magsimula sa tanghaling tapat sa araw ng Eid (ika-10 araw) at manatili ito hanggang sa Salah ng Asr sa huling araw ng Tashreeq (ika-13 araw).

7.Itinatagubilin ang Udh-hiyyah (hayop na kinakatay bilang alay) sa araw ng Nahr (ika-10 araw) at sa mga araw ng Tashreeq (ika-11, 12, 13 araw). Ito ay isang dakilang alaala sa ginawa ng ating ninunong si Ibraheem nang ihandog niya sa Allah (SWT) ang kanyang anak sa pamamagitan ng kakila-kilabot na pagkatay.

At sa katunayan, [Ang Propeta ay naghandog ng dalawang tupa na ang mga balahibo nito'y kulay itim at puti at mahahaba ang mga sungay, siya mismo ang kumatay sa mga ito. Binigkas niya ang pangalan ng Allah at nagtakbeer (Bismillaahi Allaahu Akbar), at dinaganan niya ng kanyang paa ang tagiliran nito.] Isinalaysay ni Al-Bukhari at Muslim.

8. Ang sinumang nais maghandog ng Udhiyyah, hindi pinahihintulutang bumunot o pumutol ng kanyang buhok at mga kuko hangga't sa hindi siya nakapaghandog.

Batay sa naipahayag ni Muslim (RA) at ng iba. Si Ummu Salamah (RA) ay nag-ulat; [Ang Propeta (SAW) ay nagsabi:

"Kapag nakita ninyo ang buwan ng Dhul-Hijjah at nais ng isa sa inyo na maghandog ng alay. Hayaan niya ang kanyang buhok at mga kuko].

At sa ibang sanaysay ay ganito: [Huwag pumutol ng kanyang buhok at mga kuko hangga't sa hindi siya nakapaghandog]. At maaring ito'y bilang pagtulad sa taong nakapagdala ng Hady (alay).

Sa katunayan sinabi ng Allah (SWT):

 {At huwag kayo mag-ahit ng inyong buhok hangga't hindi umabot ang Hady sa lugar (na pinagkakatayan nito)} Al-Baqarah: 196

Sa panglabas na kahulugan, ipinahihiwatig nito na ang kabawalang ito ay sumasaklaw lamang sa may ari mismo ng Udhiyyah. Samakatuwid hindi nasasaklawan nito ang asawang babae at ang mga anak maliban kung ang isa sa kanila ay may sariling Udhiyyah. At wala ring masama sa paghugas ng ulo at pagkuskus nito kahit may nalaglag pa na buhok.

9.Dapat maging masigasig ang isang muslim sa pagtaguyod ng Salah sa Eid, saan mang lugar idinadaos ito, at sa pagdalo ng Khutbah at pakikinabang, at dapat din niyang alamin ang wastong layunin ng pagtakda sa pagdiriwang na ito. Ito ay araw ng pasasalamat at pagtaguyod ng kabutihan.

Samakatuwid, hindi karapat-dapat na itakda niya ito bilang araw ng kasamaan at kapilyuhan, ni gawing panahon ng kasuwailan at pinagsasanayan ng mga kabawalan, tulad ng mga awitin, mga aliwan, paglalasing at ang mga katulad nito na kung saan ay nagiging dahilan ng pagkawalang kabuluhan ng mga mabubuting gawain na kanyang pinagsikapan sa sampung araw na ito.

10.Pagkatapos ng mga nabanggit. Karapat-dapat lang sa bawat muslim maging lalaki man o babae na samantalahin ang dakilang mga araw na ito sa pagsunod sa Allah (SWT), paggunita at pagpapasalamat sa Kanya, pagtaguyod ng mga tungkulin at pag-iwas sa mga ipinagbabawal.

Gayon din dapat lang na samantalahin ang magagandang pagkakataon na ito at hangarin ang mga gantimpala ng Allah (SWT) nang sa gayo'y makamit ang Kanyang kaluguran. Ang Allah (SWT) ang nagkakaloob ng katampukan at nagpapatnubay ng wastong landas.

Nawa'y ang pagpapala at pagbati ng Allah ay igawad kay Muhammad (SAW), sa kanyang mag-anak at sa kanyang mga kasamahan.

Isinalin sa Tagalog ni: Muhammad Taha

Source: Islamhouse.com

Ang Hajj (malaking Pilgrimahe)

Ang Mga Kabutihan at Katangian ng Makkah at ng Masjidil Haram (Ang Sagradong Bahay-Dalanginan)

Ang Masjidil Haram sa Makkah Al-Mukarramah ay nakatayo sa dakong kanluran ng kapuluang Arabia, ito ay nagtataglay ng maraming katangian sa Islam, ang ilan dito ay:

1. Dito nakatirik ang marangal na Kaabah:

 Ang Kaabah ay isang kuwadradong gusali at halos parang kubo, na nakalagay sa gitna ng Masjidil Haram sa Makkah Al-Mukarramah.

Ito ang Qiblah (direksiyon) na hinaharap ng mga Muslim sa sandaling isinasagawa ang Salaah at iba pang mga Ibaadah (gawaing pagsamba) na ipinag-uutos ng Allah.At katotohanan, ito ay itinayo ni Propeta Abraham [Ibrahim Al-Khalil sa arabik] at ng kanyang anak na si Propeta Ismael, nawa’y ipagkaloob sa kanila ang pagpapala at kapayapaan – bilang pagsunod sa kautusan ng Makapangyarihang Allah. Paglipas ng mahabang panahon, ito ay dumanas ng maraming ulit na pagbabago [pagkumpuni].


Ang Allah na Makapangyarihan at Kapita-pitagan ay nagsabi: {At [banggitin mo] nang itayo nina Abraham at [ng kanyang anak na si] Ismael ang haligi ng [sagradong] bahay-dalanginan [ang Ka’bah] [at sila ay nanalangin]: “Aming Panginoon, tanggapin Mo po [ang paglilingkod na] ito mula sa amin. Katotohanan, Ikaw ang Lubos na Nakaririnig, ang Maalam.” 




[Al-Baqarah (2): 127]



At katotohanan, nang ito ay kanilang muling kinumpuni, tumulong ang Propeta Muhammad  sa paglagay ng Al-Hajarul Aswad (itim na bato) sa kinalalagyan nito kasama ng mga tribu sa Makkah Al-Mukarramah.

2.Ito ang kauna-unahang Masjid (Bahay dalanginan) sa ibabaw ng lupa:

Sapagka’t, nang tanungin ng isang dakilang Sahabah (kasamahan ng Propeta) na si Abu Dar – kalugdan nawa siya ng Allah – ang Sugo ng Allah  : O Sugo ng Allah! Aling Masjid (bahay dalanginan) ang kauna-unahang itinayo sa lupa? Siya ay nagsabi:

 «Ang Masjidil Haram (bahay dalanginan sa Makkah)», sinabi niya (Abu Dar): aking sinabi: Alin ang sumunod? Siya ay nagsabi: 

«Ang Masjidil Aqsa (bahay dalanginan sa Herusalem)»

aking sinabi: Ilan ang naging pagitan ng mga ito? Siya ay nagsabi:

 «Apatnapung taon, at saan ka mang maabutan ng Salaah (pagdarasal) simula ngayon, iyong isagawa ito, sapagka’t naroroon ang kabutihan».

 [Al-Bukhari: 3186 – Muslim: 520]

3.Dinaragdagan nang maraming ulit ang gantimpala ng mga pagdarasal [Salaah] dito:

Sapagka’t katotohanang sinabi ng Sugo ng Allah  :

 «Ang isang Salaah sa aking Masjid – ibig sabihin ay ang Masjid sa Madinah – ay higit na mainam kaysa sa isang libong [1,000] pagdarasal [Salaah] na isinasagawa sa iba pang mga Masjid maliban sa Masjidil-Haram, sapagka’t ang isang Salaah sa Masjidil Haram ay katumbas ng isang daang libong [100,000] Salaah na isinasagawa sa iba pa rito».

 (Ibn Majah: 1406 – Ahmad: 14694)

4. Ito ay sagradong pook ng Allah at Kanyang Sugo:
Ang Allah ay nagpahayag: 
{[Sabihin mo, O Muhammad], “Ako ay napag-utusan na sambahin ang Panginoon ng lungsod na ito [ang Makkah], na Kanyang ginawang sagrado at Siyang nagmamay-ari ng lahat ng bagay. At ako [si Muhammad] ay napag-utusan na maging isa sa mga Muslim [na tumatalima sa Allah]. [Surah An-Naml (27): 91]

Ang ayah [o talata ng Qur’an] ay nagpahayag na ang Makkah ay isang sagradong sambahan, kaya ipinagbawal ng Allah sa mga mamamayan dito ang magpadanak ng dugo, o maghasik ng kawalang katarungan kaninuman, o magsasanay dito ng pangangaso, o mamutol dito ng anuman sa mga kahoy nito at mga damo nito. 


Sinabi niya  : «Katotohang ang Makkah ay ginawang banal ng Allah, subali’t ito’y hindi ginawang banal ng mga tao, kaya hindi nararapat para sa isang taong naniniwala sa Allah at sa Huling Araw na siya ay magpadanak ng dugo rito, gayundin na magpuputol dito ng anumang kahoy». (Al-Bukhari: 104 – Muslim: 1354)
  1. 5. Ito ang pinakamamahal na bayan para sa Allah at sa Kanyang Sugo 
Sinabi ng isa sa mga Sahabah (kasamahan ng Propeta): Nakita ko ang Sugo ng Allah  habang siya ay nakasakay sa kanyang kamelyo na nakatindig sa Hajurah (isa sa mga purok sa Makkah) na nagsasabi: «Sumpa man sa Allah! Katotohanang [O Makkah] ikaw ang pinakamainam at pinakamamahal na lupa ng Allah, at kung hindi lamang ako ipinagtabuyan mula sa iyo, tunay na hindi ko magagawang iwanan ka.» (At-Tirmidhi: 3925 – An-Nisaai sa Al-Kubra: 4252)
  1. 6. [Bilang tungkulin] ipinag-utos ng Dakilang Allah ang pagsasagawa ng Hajj (Pilgrimahe) sa Kanyang banal na tahanan sa sinumang may kakayahan pumarito:
Sa katunayan, si Propeta Abraham [Ibrahim[ – nawa’y ipagkaloob ang kapayapaan sa kanya – ay nanawagan sa sangkatauhan na kanilang isagawa ang Hajj, kaya dumagsa ang mga tao mula sa lahat ng lugar, at maging ang mga Propeta ay nagsipaggawa ng Hajj – tulad ng ipinabatid dito ng Sugo  . Ang Allah ay nagsabi bilang kautusan kay Ibrahim: {At ipanawagan mo sa sangkatauhan [O Abraham] ang [kahalagahan ng] Hajj; sila ay darating sa iyo na nakayapak at nakasakay sa bawa’t kamelyo, at sila ay magsisirating mula sa bawa’t [matatarik at] malalayong daan}. Al-Hajj (22): 27


Ang Kahulugan ng Hajj (Pilgrimahe):

Ang Hajj ay ang pagtungo sa banal na Tahanan ng Allah upang isagawa ang mga rituwal, ito ay ang mga gawain at salita na napatunayan sa Propeta  , tulad ng Al-Ihram (pagpasok sa kalagayan ng Hajj), At-Tawaf (pag-ikot) sa palibot ng banal na tahanan (Kaabah) nang pitong ulit, As-Sa`ey (paglalakad) sa pagitan ng dalawang bundok na tinaguriang As-Safa at Al-Marwah, Al-wuquf (pagtigil) sa `Arafah, at ang Rami - paghahagis ng mumunting mga bato sa Mina atbp.

At mayroon itong malalaking kapakinabangan para sa mga Muslim, tulad ng paghahayag sa Kaisahan ng Allah, ang pagtamo ng dakilang pagpapatawad na ipagkakaloob sa mga nagsasagawa ng Hajj, ang pagkakakilala sa pagitan ng mga Muslim at ang pag-aaral sa mga alituntunin ng Relihiyon atbp.

Ang oras ng Hajj: Natutuon ang mga gawain ng Hajj sa pagitan ng araw ng ikawalo at ikalabingtatlo sa buwan ng Dhul Hijjah, na siyang ikalabindalawang buwan sa mga lunar na buwan sa Islamikong Kalendaryo.


Sino Ang May Tungkuling Upang Magsagawa ng Hajj?

[Bilang tungkulin], ipinag-utos angHajj para sa isang Muslim na may kakayahan (ang kahulugan ng nasa ganap na katungkulan – tulad ng naunang nabanggit – nasa wastong pag-iisip at wastong edad).


At Ang Kahulugan ng May Kakayahan ay:


Ang kakayahang makaabot pagtungo sa banal na Tahanan sa tamang pamamaraan at naaalinsunod sa Batas [ng Islam], at ang pagsasakatuparan sa mga rituwal ng Hajj nang wala gaanong danasing paghihirap nang higit kaysa sa natatamong paghihirap ng karaniwang paglalakbay, kalakip ang kaligtasan ng sarili at kayamanan, at na ang lahat ng kanyang kakailanganin para sa kanyang Hajj na panggugol ay higit kaysa sa kanyang pangunahing pangangailangan at sa panggugol sa mga taong tungkulin niyang tustusan.


Ang Kakayahan ng isang Muslim Upang Magsagawa ng Hajj

  1. Ang makayanan niyang isagawa ang Hajj sa sarili niya mismo. Ibig sabihin ay makakayanan niyang makaabot patungo sa Tahanan sa sarili niya mismo nang walang daranasing labis na paghihirap kaysa sa karaniwang paglalakbay, at mayroon din siyang sapat na kayamanan para sa paggugol rito, kaya nararapat niyang isagawa ang tuugkulin ng Hajj sa sarili niya mismo.
  2. Ang kakayahang pananalapi upang isagawa ito para sa kanya. Ito ay nauukol para sa mga Muslim na walang kakayahang isagawa ito nang sarili sanhi ng karamdaman o katandaan, nguni’t mayroon siyang kakayahan upang pahintulutan ang iba upang isagawa para sa kanya ang Hajj bilang kanyang kapalit, sa gayon tungkulin niyang gastusan ng salapi ang sinumang magsasagawa ng Hajj bilang kanyang kapalit.
  3. Ang walang kakayahang isagawa ang Hajj, maging sa sarili niya mismo o sa iba bukod sa kanya. Kaya sa kanya ay hindi ipinag-uutos ang pagsasagawa ng Hajj hanggang wala siyang kakayahan dito.
    Ang halimbawa nito ay ang taong wala kayamanang labis sa kanyang sariling mga pangunahing pangangailangan at pagtustos ng kabuhayan sa kanyang pamilya na sasapat sa kanya upang ito ay kanayng gamitin para sa pagsasagawa ng Hajj.
    At hindi niya kailangang maglikom ng kayamanan upang magkaroon ng kakayahang isagawa ang Hajj, datapuwa’t kung kailan siya magkaroon ng kakayahan, samakatuwid, ipinag-uutos sa kanyang ang Hajj [bilang tungkulin].

Mayroon ka bang sapat na kayamanan at kakayahan pangkalusugan sa pangangatawan upang makapagsagawa para sa Hajj?


Oo > > > Tungkulin mong isagawa ang Hajj sa iyong sarili mismo.


Hindi > > > Mayroon ka bang sapat na kayamanan, nguni’t wala kang angking kakayahang pangkalusugan sa pangangatawan para magsagawa ng Hajj sanhi ng iyong karamdaman na hindi inaasahang gagaling pa o sanhi ng sa iyong katandaan?


Oo > > > Tungkulin mong gumugol ng kayamanan para sa sinumang magsasagawa ng Hajj bilang iyong kapalit [para sa pagsasagawa ng mga ritwal ng Hajj].


Hindi > > > Kung ikaw ay walang sapat na kayamanan para sa Hajj na humigit kaysa sa iyong mga pangunahing pangangailangan at mga pangangailangan ng mga taong dapat mong tustusan ng kanilang ikabubuhay, sa gayon hindi isang tungkulin para sa iyo ang magsagawa ng Hajj at hindi mo na rin kailangang maglikom ng kayamanan upang isagawa ang Hajj

Ang Mga Kabutihan ng Hajj

Nakapaloob sa pagsasagawa ng Hajj ang mararaming Katangian at Kabutihan, at ang ilan dito ay dahil sa:

Ito ay isa sa mga pinakamabuting gawain. Nang tanungin ang Propeta  : Ano ang pinakamabuting mga gawain? Siya ay nagsabi: «Ang paniniwala sa Allah at sa Kanyang Sugo». May nagsabi: Ano po ang kasunod? Siya ay nagsabi: «Ang pagpupunyagi [at pakikipaglaban] sa Landas ng Allah». May isa na namang nagsabi: Ano pa po ang kasunod? Siya ay nagsabi: «Ang Hajj Mabrur (katanggap-tanggap na Hajj)». (Al-Bukhari: 1447 – Muslim: 83)

Ang Hajj ay Isang Dakilang Panahon para sa paghingi ng kapatawaran. Sinabi niya  : «Sinuman ang nagsagawa ng Hajj at hindi nagsalita ng malalaswa (o nakipagtalik sa kanyang asawa sas panahon ng Hajj), at hindi nakagawa ng pagsuway [o paghihimagsik]. Siya ay uuwing katulad ng araw na siya ay ipanganak ng kanyang ina». (Al-Bukhari: 1449 – Muslim: 1350). Ibig sabihin: Siya ay uuwi nang walang bahid ng kasalanan, wari bang siya ay bagong silang.

Ito ay isang malaking pagkakataon para sa kalayaan (o kaligtasan ng isang Muslim) mula sa Apoy. Sinabi ng Sugo  : «Wala nang iba pang araw na pinalalaya ng Allah ang nakararami sa Kanyang alipin mula sa Apoy maliban sa araw ng `Arafah». (Muslim: 1348)

Ang gantimpala nito ay ang Paraiso. Sinabi niya  : «Ang Hajj na Mabrur (katanggap-tanggap) ay wala nang iba pang gantimpala maliban sa Paraiso». (Al-Bukhari: 1683 – Muslim: 1349)
Ang mga kabutihang ito at ang iba pang kabutihan ay matatamo lamang niyaong mga nagsigawa nito para sa kasiyahan ng Allah sa pamamagitan ng pagsunod sa yapak ng Sugo ng Allah 



Ang Mga Layunin ng Hajj

Ang Hajj ay mayroong mga di-mabilang na dakilang layunin at hangarin sa sarili at sa pamayanan. Pagkaraang bigyan ng alituntunin ang mga nagsasagawa ng Hajj hinggil sa mga hayop na iaalay, sila ay nararapat na hanapin ang pamamaraang mapalapit sa Dakilang Allah sa Araw ng An-Nahr (araw ng pagkakatay sa mga hayop na iniaalay bilang handog):

{Kailanman ay hindi nakakarating sa Allah ang mga laman nito, gayundin ang dugo nito, datapuwa’t ang inyong Taqwa (pitagang takot sa Allah) ang nakakarating sa Kanya}. Al-Hajj (22): 37
Siya  ay nagsabi: «Itinalaga lamang ang Tawaf (pag-ikot) sa palibot ng Kaabah, at (ang paglakad) sa pagitan ng As-Safa at Al-Marwah at ang pagbato sa Jamarat upang itaguyod ang paggunita sa Allah». (Abu Daud: 1888)


At ang ilan sa mga layunin nito ay:
  • Ang paglalarawan ng ganap na pagsuko [o pagtalima] pagpapakumbaba sa Allah:
At ito ay natututuhan lamang kapag ang isang Hajji (nagsasagawa ng Hajj) ay lumisan sa lahat ng uri ng karangyaan at palamuti, bagkus siya ay nagsusuot lamang ng isang simpleng kasuutang Ihram bilang tanda ng kanyang lubos na pangangailangan at umaasa lamanag sa habag ng kanyang Panginoon, at umiiwas sa mga makamundong kasiyahan na maaaring makapaglihis sa kanya sa marubdob na pagsasagawa ng matapat na pagsamba sa kanyang Panginoon, upang kanyang matamo ang Kanyang kapatawaran at habag, at ang paglalarawan ng ganap na pagsuko [o pagtalima] ay higit na nagiging malinaw sa kanyang pagtindig sa araw ng `Arafah habang nagsusumamo sa kanyang Panginoon, nagpupuri, nagpapasalamat sa Kanyang mga Biyaya at Kabutihang-loob, at humihingi ng kapatawaran sa kanyang mga kasalanan at pagkakamali. 

  • Ang Pagpasalamat sa Mga Biyaya at Pagpapala:
Nailalarawan ang pagpapasalamat sa pagsasagawa ng tungkuling Hajj sa dalawang panig: Pagpapasalamat sa biyayang ng yaman, at pagpapasalamat sa kaligtasan ng katawan, na ang mga ito ang pinakadakilang biyaya at pagpapala ng mundo na siyang ikinaliligaya ng tao. Samakatuwid sa Hajj ay pagpapasalamat sa dalawang dakilang biyaya na ito, na kung saan ay nagpapakahirap ang tao sa kanyang sarili at gumugugol ng kanyang kayamanan alang-alang sa pagsunod sa kanyang Panginoon at pagpapalapit sa Kanyang Kaluwalhatian, at walang pag-aalinlangan na ang pagpapasalamat [at pagkilala] sa mga ipinagkaloob na biyaya ay isang tungkulin, na ipinahahayag ng makatuwirang isip at ipinaag-uutos rin ng relihiyon.
  • Ang Pagtitipon ng Mga Muslim:
Nagkakatipun-tipon ang mga Muslim mula sa iba’t ibang bansa ng mundo sa panahon ng Hajj, kaya nagkakakilala sila sa isa’t isa at nagkakapalagayan ng loob, dito ay pinapawi ang pagkakaiba sa pagitan ng mga tao, pagkakaiba sa kasaganaan at kahirapan, pagkakaiba sa kasarian at kulay, pagkakaiba sa salita at wika, nagkakaisa ang salita ng mga Muslim sa pinakamalaking pagtitipon ng mga tao, nagkaisa ang salita ng mga sambayanan nito sa kabutihan, sa kabanalan, sa pagpapayuhan sa katotohanan at pagiging matiisin, ang pinakamalaking layunin nito ay ang pag-uugnay ng mga kadahilanan ng buhay sa mga kadahilanan ng langit.

  • Ang Paggunita sa Huling Araw:
Sa Hajj ipinaaalaala nito sa isang Muslim ang tungkol sa Araw ng Pakikipagharap [ng tao sa kanyang Panginoon [Allah], ito ay kapag nakapaghubad na ang isang Hajji (nagsasagawa ng Hajj) ng kanyang kasuutan at nagsimulang mag-Talbiyah (binibigkas ang mga ipinag-utos na bigkasin para sa Hajj) bilang isang Muhrim (nasa kalagayan ng Hajj) at nakatindig sa kapatagan ng Arafah at nakita ang pagkarami-raming mga tao na ang kanilang mga kasuutan ay iisa na para bagang natutulad sa mga sapot (damit na ginagamit sa paglilibingl), at dito ay sasagi sa isipan niya ang isang kalagayan na tiyak na kahaharapin ng isang Muslim pagkatapos ng kanyang kamatayan, kaya’t ito ang maghikayat sa kanya upang paghandaan ito at maghanda ng baon bago ang pakikipagtagpo sa Allah. 

  • Ang paghahayag sa Kaisahan ng Allah at ang pagtatangi sa Kanya sa pagsamba - maging sa salita at gawa:
Kung gayon ang sagisag ng mga nagsasagawa ng Hajj ay ang Talbiyah : Labbaykal laahumma labbayk, labbayka laa shareeka laka labbayk, innal hamda wan ni`mata laka wal mulk, laa shareeka lak (Bilang pagtugon sa Iyong Panawagan, O Allah, bilang pagtugon sa Iyong panawagan; bilang pagtugon sa Iyong panawagan, wala Kang katambal; bilang pagtugon sa Iyong panawagan. Tunay na ang papuri at ang pagdakila ay ukol sa Iyo at ang paghahari; wala kang katambal). At dahil dito nagsabi ang isang dakilang Sahabi (kasamahan ng Propeta) sa paglalarawan sa Talbiyah ng Propeta  : «At siya  ay nagbubunyi sa [kahalagahan at] kadakilaan ng Tawhid (Kaisahan ng Allah)». (Muslim: 1218), at nagpapatunay nang malinaw sa Tawhid [Kaisahan ng Allah] sa lahat ng mga sagisag ng Hajj, sa mga gawain nito at sa mga salita nito.

Isinasatungkulin ang Umrah sa taong may kakayahan nang minsan sa tanang buhay

Ang Umrah (maliit na pilgrimahe)

Ito ay ang pagtataguyod sa pagsamba sa Allah sa pamamagitan ng Al-Ihram (pagpasok sa kalagayan ng Hajj), At-tawwaf (pag-ikot) sa palibot ng Kaabah nang pitong ulit, As-Sa`ey (paglakad) sa pagitan ng As-Safa at Al-Marwah ng pitong ulit, at pagkatapos ay ang pag-aahit o pagputol ng buhok.
Ang Hatol nito: Ito ay ipinag-uutos para sa lahat ng may kakayahan nang minsan sa tanang buhay, at kaaya-aya itong isagawa nang ilang ulit.

Ang oras nito: Maaaring isagawa ito sa loob ng isang taon, nguni’t sa buwan ng Ramadan nagkakaroon ito ng kahigtang gantimpala. Batay sa sinabi niya  : «Ang isang Umrah sa Ramadan ay tumutumbas ng isang Hajj». (Al- Bukhari: 1764 – Muslim: 1256)



Source:http://newmuslimguide.com