- Na ang sinumang mag-ayuno sa buwan ng Ramadhan nang may paniniwala sa Allah at bilang pagsunod sa Kanyang mga kautusan at nakatitiyak sa gantimpala ng Allah sa kabilang buhay, na patatawarin ang kanyang mga nauna kasalanan. Tulad ng sinabi niya (salallaahu alaihi wasalaam) : «Sinuman ang nag-ayuno sa buwan ng Ramadhan nang may paniniwala at pag-asang pagpalain, patatawarin sa kanya ang mga nauna niyang kasalanan». (Al-Bukhari: 1910 – Muslim: 760).
- Katotohanang ang nag-aayuno ay makararanas ng labis na kaligayahan sa Kabilang buhay nang dahil sa mga tatamuhing gantimpala at ang kaligayahang kanyang tatamasahin ng dahilsa kanyang pag-aayuno. Tulad ng sinabi niya (salallaahu alaihi wasalaam) : «Ang isang nag-aayuno ay mayroong dalawang kasiyahan: kasiyahan sa sandaling siya ay kakain ng kanyang Iftar (hapunan pagkaraan ng pag-aayuno), at ang kasiyahan sa sandaling makakaharap niya ang kanyang Panginoon [sa kabilang buhay]». (Al-Bukhari: 1805 – Muslim: 1151)
- Katotohanang mayroon sa Paraiso na isang pintuan na tinatawag na Al-Rayyan, walang nakakapasok dito maliban sa mga nag-aayuno. Siya (salallaahu alaihi wasalaam) ay nagsabi: «Katotohanang mayroon sa Paraiso na isang pintuan na tinatawag na Al-Rayyan na papasok dito ang mga nag-aayuno sa Araw ng Pagkabuhay na Muli, walang makakapasok dito na sinuman maliban sa kanila. Sasabihin: Nasaan ang mga nagsipag-ayuno? Kaya sila ay magsisitindig, walang makakapasok dito na sinuman maliban sa kanila, at kapag sila ay nakapasok na rito, ito ay isasara, kaya wala nang makakapasok pa rito na sinuman». (Al-Bukhari: 1797 – Muslim: 1152)
- Katotohanang bawat gawaing pagsamba ay mayroong nakalaan gantimpala maliban sa pag-aayuno na ang Allah ay magbibigay ng masaganang gantimpala para sa mga nag-ayuno bilang paggawad sa kanila ng Kanyang walang hanggang habag at biyaya. Kaya sinuman ang magtatamo ng kanyang kabayaran at gantimpala mula sa Kanya ay balitaan nang nakasisiya tungkol sa mga inilaan sa kanya ng Allah. Siya (salallaahu alaihi wasalaam) ay nagsabi na sinabi ng Allah: «Lahat ng gawain ng anak ni Adam ay para sa kanilang sarili maliban sa pag-aayuno, sapagka’t ito ay para sa Akin kaya Ako ang maggagawad nito ng gantimpala». (Al-Bukhari: 1805 – Muslim: 1151)
Monday, June 30, 2014
"Ang kabutihan ng Pag-aayuno"
Sa pag-aayuno ay mayroong maraming kabutihan ang ilan sa mga ito ay ang mga sumusunod:
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment