Thursday, October 10, 2013

تعليمات قبل الحج Mga paalaala bago magsagawa ng Hajj

UNA: Nararapat sa nagsasagawa ng Hajj bago bumiyahe at umalis patungo sa sagradong tahanan (Ka`bah) na isagawa muna ang mga bagay na siyang kaganapan ng kanyang Hajj at Umrah at upang ang kanyang gawain ay maging katanggap-tanggap – sa kapahintulutan ng Allah.
At ang ilan sa mga ito ay ang sumusunod:
1. Al-Istikhaarah (ang paghiling sa Allah ng wastong pagpapasiya) at Al-Istisharah (ang pagsasangunian ng isa't isa sa opinyon). Samakatuwid, walang mawawala ang sinumang humiling sa Allah ng wastong pagpapasiya, at walang pagsisisi ang sinumang nakipagsanggunian sa isa't isa. Kaya hilingin sa Allah kung ano ang tamang oras, magandang biyahe, mabuting kasamahan at tumpak na daan kung marami ang daan, at pagkatapos ay makipagsanggunian sa mga taong may karanasan at makadiyos.
Ang pamamaraan ng Istikhaarah: Ang magsagawa ng dalawang rak`ah, at (pagkatapos ay) manalangin mula sa mga mapapanaligang panalangin na matatagpuan sa mga aklat ng Dhikr (paggunita) at Du`a' (panalangin).
2. Ang kawagasan ng layunin sa Allah – ang Kataas-taasan: Samakatuwid, nararapat sa nagsasagawa ng Hajj na kanyang isasapuso sa pagsasagawa niya ng Hajj at Umrah ang kagalakan ng Allah at ang Huling Araw, upang ang kanyang mga gawain, salita at mga ginugol ay maibilang sa pagpapalapit sa Allah.
3. Ang pag-aaral sa mga alituntunin ng Hajj at Umrah at mga bagay na nauukol dito: Kaya't pag-aralan ang mga kondisyon, obligado, saligan at mga mabubuting gawain sa Hajj, nang maisakatuparan ang pagsamba sa Allah sa tamang katuruan at nang hindi masadlak sa mga pagkakamali na siyang makakasira sa kanyang Hajj. Sa katunayan, ang mga sinaunang Pantas at maging ang mga bago ay nakapaglathala na ng mga aklat patungkol sa paksang ito. Kaya nararapat sa nagsasagawa ng Hajj na saliksikin ito at basahin, magtanong sa mga eskolar at mga Pantas tungkol sa mga di nalalaman at nauunawaan mula sa mga alituntunin at pamamaraan ng Hajj at Umrah.
4. Ang paghanda sa mga kakailanganin ng kanyang pamilya at ang pagbigay ng payo sa kanila tungkol sa At-Taqwah (ang kabanalan ng takot sa Allah). Tungkulin ng nagsasagawa ng Hajj ang ipaghanda sa kanyang pamilya at ang sinumang nasa ilalim ng kanyang pananagutan ang anumang kakailanganin nila tulad ng pera, pagkain, inumin atbp. nang hindi maging tungkulin pa ng mga tao ang pagtustos sa kanila sa kanyang pag-alis. At bukod dito, nararapat sa kanyang payuhan sila tungkol sa kabanalan ng takot. Ang ibig sabihin ng kabanalan ng takot: ang pagtaguyod sa mga kautusan at ang pag-iwas sa mga kabawalan. Kaya't ang kabanalan ng takot ang siyang pinakamainam na maging baon ng isang muslim saan mang lugar siya nanunuluyan at sa kanyang paglalakbay.
Sinabi ng Allah: {وَتَزَوَّدُواْ فَإِنَّ خَيْرَ الزَّادِ التَّقْوَى وَاتَّقُونِ يَا أُوْلِي الأَلْبَابِ}
{Samakatuwid, maghanda ng magiging baon ninyo, datapuwa't ang pinakamainam na baon ay ang Taqwah (kabanalan ng takot). Kaya't matakot sa Akin, O tao na may pang-unawa!}
Al-Baqarah: 197
Ang pagsisisi sa lahat ng mga kasalanan at kasuwailan:
Sinabi ng Allah: {وَتُوبُوا إِلَى اللَّهِ جَمِيعًا أَيُّهَا الْمُؤْمِنُونَ لَعَلَّكُمْ تُفْلِحُونَ}
{At magbalik-loob kayong lahat sa Allah, O mga sumasampalataya. Nang inyong makamit ang tagumpay.}
An-Nour: 31
Ang wagas na pagsisisi: • Ang pagkalas sa lahat ng mga kasalanan at kasuwailan, at ang pag-iwas dito. • Ang pagsisisihan ang mga nakaraan. • Ang wagas na pagpapasiya na hindi na uulitin ito. • Kapag siya ay nagkasala sa tao. Dapat niyang ayusin ito at hingin ang kanilang paumanhin, maging ito man ay patungkol sa dangal, pera o sa iba.
Ang paghanda ng malinis na panggugol: Ito ay ang kinita sa mabuting pamamaraan, nang hindi mahaluan ang kanyang Hajj ng anumang pagkakasala. Sapagkat ang taong nagsasagawa ng Hajj na walang katiyakan ang kanyang kinita – ito ba'y malinis o hindi – ang kanyang pagsasagawa ng Hajj ay maaring hindi matanggap at maari rin namang matanggap, subalit may kalakip na kasalanan.
Batay sa isang Hadith, ang Sugo ng Allah (Muhammad ) ay nagsabi:
[ إذا خرج الحاج حاجاً بنفقة طيبة ووضع رجله في الغرز فنادى لبيك اللهم لبيك، ناده مناد من السماء: لبيك وسعديك، زادك حلال وراحلتك حلال وحجك مبرور غير مأزور، وإذا خرج بالنفقة الخبيثة ووضع رجله في الغرز فنادى: لبيك اللهم لبيك ناده مناد من السماء لا لبيك ولا سعديك زادك حرام وراحلتك حرام وحجك مأزور غير مبرور ] 
[Kapag lumisan ang isang tao upang magsagawa ng Hajj na may malinis na panustus at inilapag ang kanyang paa sa tusok at sumambit nang malakas "Labbaikallaahumma labbaik". Ipananawagan siya ng isang tagatawag sa langit: "Labbaika wa Sa`adaik, Zaaduka Halal wa Raahilatuka Halal wa Hajjuka Mabrour Ghaira Ma' zour". At kapag humayo na may maruming panustus at kanyang iniapak ang kanyang paa sa tusok at sumambit nang malakas "Labbaikallaahumma labbaik". Ipananawagan siya ng isang tagatawag sa langit: "La labbaik wa la Sa`adaik Zaaduka Haram wa Raahilatuka Haram wa Hajjuka Ma'zour Ghaira Mabrour.]
At bukod dito: Piliin ang mabubuting mga kasamahan.
At bilang pagtatapos: Alalahanin na ang paglalakbay ay may mga partikular na panalangin at magagandang asal. Ang tungkol sa panalangin para sa paglalakbay. Mangyaring ipaalaala na lang namin ito sa inyo sa unang sandali ng paglalakbay.
At tungkol naman sa ilang magagandang mga asal sa paglalakbay: ito ay ang pagtatakbeer kapag pumapaitaas, pagpupuri at pagluluwalhati kapag pumapaibaba sa lambak.
At sabihin kapag bumababa sa tinutuluyan : "Audhu bi kalimaatillaahi attamaat min sharri ma khalaq" . Nang hindi siya maaano ng anumang nakapipinsala hangga't sa lisanin ang tahanang iyon.
PANGALAWA: Pangkalahatang paalaala sa lahat ng samahan ng paglalakbay.
1. Sa pagsapit ng oras ng Salah, lisanin ang lahat ng bagay na pinag-aabalahan at maghanda para sa Salah. Sapagkat hindi binibiyayaan ng Allah ang anumang gawain na nakaaabala sa Salah.
2. Maging masigasig sa pagbabasa ng banal na Qur`an at pagsasa-ulo nito sa mga oras na walang ginagawa, sapagkat sa bawat titik nito ay nakakamit ang sampung kabutihan.
3. Maging isang halimbawa ng magagandang pakikipag-ugnayan at mabubuting kaugalian.
4. Iwasan ang pakikipagtalo at pagtalakayan sa mga bagay na walang kabuluhan. Sinabi ng Allah: 
{ فَمَن فَرَضَ فِيهِنَّ الْحَجَّ فَلاَ رَفَثَ وَلاَ فُسُوقَ وَلاَ جِدَالَ فِي الْحَجِّ}
{Kaya't, sinumang may layuning magsagawa ng Hajj sa panahong ito (sa kalagayan ng Ihram), huwag magsalita ng mahahalay na salita – o makipagtalik sa asawa, huwag gumawa ng kasuwailan at huwag makipagtalo habang nasa Hajj.} 
Al-Baqarah: 197
Samakatuwid, ang mga bagay na ito ay ipinagbabawal ng Allah. Kaya ang sinumang nakapagsimula na sa pagsasagawa ng Hajj o Umrah. Dapat niyang iwasan ang mga mahahalay na salita lalong-lalo na tungkol sa mga masisilang bahagi ng katawan o sa mga kababaihan. At dapat din niyang pangalagaan ang kanyang dila. Kapag hindi niya ito naaabala sa paggunita sa Allah at sa pagsambit ng Talbiyyah. Huwag na niya itong abalahin sa walang katuturang usapin, sa masasama at mahahalay na salita. Bagkus dapat niyang ibaling ito sa mga usaping kapaki-pakinabang, at tuluyang iwasan ang mga bagay na nakapipinsala sa kanya.
5. Piliin ang mga kaibigan na mapagkakatiwalaan (sa pananampalataya at kaugalian). Bilang pagsunod sa sinabi ng Sugo: [ المرء على دين خليله فلينظر أحدكم من يخالل ] [Ang isang tao ay nakasalalay sa pananampalataya ng kanyang kaibigan. Kaya kilatisin ng bawat isa sa inyo ang kanyang kakaibiganin.]
6. Maging masigasig sa pakikinabang sa lahat ng mga palatuntunan ng iba't ibang uring kaalaman.
7. Hindi ipinahihintulot sa kaninuman ang paglalabas nang hindi alam ng kinauukulan. Kapag nais mong lumabas, o nakaramdam ng masamang pakiramdam o kapaguran. Dapat mong ipagbigay alam agad sa tagapamahala ng paglalakbay, upang maihanda para sa iyo ang wasto at ganap na paglingkod.
8. Hindi ipinahihintulot sa kaninuman ang lumabas sa grupo para manuluyan sa mga kaibigan maging sa anupamang kadahilanan.
9. Panatiliin ang ganap na katahimikan sa mga oras ng pamamahinga at pagtulog.
10. Pangalagaan ang mga personal na mga gamit, pera, mobile at ang lahat ng ari-arian at walang pananagutan ang kinauukulan sa mga nawawala.
Kapatid na Hajj! Huwag kaligtaan ang mga sumusunod:
1) Ang pag-alis ay sa araw ng Biyernes ika- 6/12/1434 – October 11, 2013 – In sha Allah.
2) Kailangan na dalhin ang orihinal ng Iqamah at buong kopya nito.
3) Kailangan na dumating sa Tanggapan sa oras ng 12: 30 nang tanghali.
4) Magdala ng personal na mga gamit : a. Qur'an. b. Personal na mga damit at mga gamit. c. Bag Pang-aralin.
Ang lahat ng personal na mga gamit ay ilagay sa maliit na bag. Dalhin sa ibaba ng bus maliban sa Ihram at sinturon, sapagkat ang dapat ay dala-dala mo ito sa loob ng bus.
5) Kailangang magdala ng pamplet na tumatalakay sa mga retuwal ng Hajj, at Qur`an. At magdala rin ng pera para sa Hady (hayop na inihahandog). Ito ay para sa nagsasagawa ng Hajj na Mutamatti`a o Qarin. Para sa kaalaman, ang halaga ng Hady ay hindi humigit kumulang ng 375 Riyal.
Paalaala: huwag na magdala ng banig dahil may ibibigay ang kinakatawang tagapaglingkod ng Ahensiya – In Sha Allah.
6) Maging masigasig sa pakikipagtulungan, at sa paglingkod sa kapwa at sa mga kapatid na panauhin ng Allah, ang Mapagpala.
Inuulit namin hinding-hindi ipinahihintulot sa kaninuman ang kumalas sa grupo maging sa anupamang kadahilanan o kalagayan. At sinuman ang may balak makipagkita sa kanyang pamilya o kamag-anak. Kung maaari sana ngayon pa lang ay ipagbigay alam na ninyo sa amin. Samakatuwid, hindi namin ipinahihintulot na sumama sa amin ang sinumang may balak kumalas sa grupo.
Para sa mga katanungan mangyaring tumawag sa mga sumusunod: (0560764378) – (0509008359) – (0506480567) – ( 0505271910 ).
Ang Allah ang Siyang nagkakaloob ng katampukan at gabay..
Isinalin sa Tagalog ni: Mohammad Taha Ali Mobile #: 0554370319

Wednesday, October 9, 2013

"Striving Hard, Competing for Good Deeds in Ramadan"

Shaykh ‘Abdul-‘Azeez bin Baaz رحيم الله

All Praise is due to Allaah, and may the peace and blessings be upon His Messenger Muhammad.
It is legislated for all the Muslims to strive hard in the various types of worship during this noble month. They should strive to pray voluntary prayers and recite the Qur’an with reflection and thinking. They should increase the glorification of Allaah [saying “SubhanAllaah”], declaring his right to be worshiped alone [saying “La illaaha il Allaah”], praising Him [saying “Al-Hamdulillaah”], declaring his greatness [saying “Allaahu Akbar”] and seeking His forgiveness.
 
They should say legislated supplications, command the good, forbid the evil, invite to Allaah (سبحانه وتعالى), be generous to the poor and needy, strive to be kind to parents, keep good family ties, honor the neighbor, visit the sick, and other types of good deeds.
This is due to the Prophet’s (صلى الله عليه وسلم) statement: 
"Allaah (سبحانه وتعالى) looks at your competing for good works during it and He proudly tells the angels about you all. Therefore, show Allaah (سبحانه وتعالى) goodness from yourselves. For verily, the wretched person is the one who is deprived of Allaah’s (سبحانه وتعالى)Mercy during it (Ramadaan)."
[ Majma ‘uz-Zawa’id 3:142; Kanzul-‘Ummal no. 23692]
This is also due to what is reported from him (صلى الله عليه وسلم) that he said: 

"Whoever draws near to Allaah during it (Ramadaan) with a single characteristic from the characteristics of (voluntary) goodness, he is like whoever performs an obligatory act in other times. And whoever performs an obligatory act during it, he is like whoever performed seventy obligatory acts in other times." 
[Sahih Ibn Khuzaymah, no. 1887].
This is also due to his (صلى الله عليه وسلم) statement in the authentic hadith: 

"An ‘Umrah performed during Ramadaan is equal to a performance of Hajj - or he said - a Hajj with me." 
[ Al-Bukhari (no. 1863) and Muslim (no. 1256)]
The ahadith and narrations that prove the sanctioning of competing, and being aggressive in performing the various acts of goodness in this noble month are numerous.
Allaah (سبحانه وتعالى) is the one Who is asked to help us and the rest of the Muslims to do all that contains His Pleasure and to accept our fast and standing for night prayer. We ask Him to correct our situations and protect us all from the deviations of trials and temptations. Likewise, we ask Him to make the leaders of the Muslims righteous, and unite their word upon the truth. Verily, Allaah is the Guardian of that, and He is capable of doing it.

[Source: Fataawa Islamiyyah, pp. 220-221]

"A Wealth that takes without Greed

Narrated Hakeem Bin Hizaam:
" I asked the Prophet (salal-laahu-alayhi-wasallam) (for some money) and he gave me, and then again I asked him and he gave me, and then again I asked him and he gave me and he then said, ‘’This wealth is (like) green and sweet (fruit), and whoever takes it without greed, Allaah will bless it for him, but whoever takes it with greed, Allaah will not bless it for him, and he will be like the one who eats but is never satisfied. And the upper hand in (giving) is better than the lower (taking) hand’’ [1]
Imaam Abdul-Azeez Bin Baaz (rahimahullaah) said:
And in this (hadeeth) is an encouragement towards contentment and to acquire wealth in a good manner (approved) by the Sharia. The giver (of wealth) is the upper hand and the receiver is the lower hand. [2]
____________
References:
[1] Saheeh Al-Bukhaari: Vol: 8. Hadeeth Number: 6441]
[2] Al-Hulalul Ibreeziyyah Min At-Taliqaat Al-Baaziyyah Alaa Saheeh Al-Bukhaari. Page:232; Vol 4. Footnote:2

"Times When Du’a is Answered by Shaykh Salih Al-Fawzan"

بسم اللہ الرحمن الرحیم
1. Last third of the night
2. Between the adhaan and the iqaamah
3. The supplication of the parent
4. The supplication of the traveler
5. The supplication of the oppressed
6. When the armies meet
7. When the rain descends
8. In prostration
Abu Hurairah (Radhiallahu anhu) narrated that Allaah’s messenger (Sallallahu Alayhi Wa Sallam) said,
“Every night when it is the last third of the night, our Lord, the Superior, the Blessed, descends to the nearest heaven and says: Is there anyone to invoke Me that I may respond to his invocation? Is there anyone to ask Me so that I may grant him his request? Is there anyone asking My forgiveness so that I may forgive him?”
(Reported by Al-Bukhaaree in ‘Kitaabut-Tawheed’ and Muslim.)
Allaah’s Messenger (Sallallahu Alayhi Wa Sallam) mentioned various occasions when the du’aa is accepted, from them:
“A supplication made between the adhaan and the iqaamah is not refused.”
(Authenticated by Al-Albaanee in Al-Irwaa (no. 244)
He (Sallallahu Alayhi Wa Sallam) said:
“There are three supplications that are answered and there is no doubt about this: the supplication of the parent, the supplication of the traveler and the supplication of the oppressed.”
(Authenticated by Al-Albaanee in Saheeh Al-Jaami (no. 3030).)
He (Sallallahu Alayhi Wa Sallam) also said:
“Seek that your supplications be answered when the armies meet, when the iqaamah is made and when the rain descends.”
(Ash-Shafi’ee in Al-Umm (1/420). Declared Saheeh due to supports by Shaykh Al-Albaanee in As-Saheehah (no. 1469)
He (Sallallahu Alayhi Wa Sallam) also said:
“When you are prostrating make a lot of supplication, because you are worthy to be answered.”
(Reported by Muslim (no. 1074) upon the authority of Ibn ‘Abbaas (Radhiallahu anhu).)
Source: [The Excellence of Supplicating to Allaah & Constantly Remembering Him. By Shaykh Salih Al-Fawzan]

"The Ruling Concerning Birth Control"

Question:

What is the ruling concerning birth control ?
Answer:

This is a contemporary issue and many people ask about it. In the previous session of the Conference of the Leading Scholars [of Saudi Arabia], there was a study of this issue. They issued a verdict according to their opinion on this issue. In sum, they concluded that it is not allowed to take birth control pills. Allah has sanctioned the means that lead to procreation and a larger Muslim nation. The Prophet (sallallaahu ‘alaihi-wasallam) said,
”Marry the child-bearing, loving women for I shall outnumber the peoples by you on the Day of Resurrection .” [1]
Another narration states at the end, ‘’[outnumber] the prophets on the Day of Resurrection.’’ The Muslim Nation is in need of being increased in numbers so that it may worship Allah, strive in His way, and defend the Muslims, by the will of Allah, from the plots of their enemies. It is a must to avoid such things [as birth control] and not to use them except in the cases of dire necessity. If there is a necessity, there is no harm.[This would be,] for example, if the women has some illness in her uterus or so forth that would harm her if she were to become pregnant. Then she may use such pills to the extent of her need. This is also the case if she already has many children and it would become a hardship on her to have another one soon, then she may use the birth control pills for a specific amount of time, such as one year or two years, which is the amount of time designated for breast feeding, until she reaches the stage where she would be able to raise the child properly. But if the women is taking them just so she will be free of responsibility or to be able to work or to live comfortable life and other similar reasons why women take such pills these days,[it should be understood that] for these reasons it is not allowed to take birth control pills.
________________________
[1] Recorded by ibn Hibban, Ahmed, al- Tabarani and others. Without the words ‘’the Day of Resurrection,’’ it is also narrated by Abu Dawud and Nasai According to al- Albani , it is authentic due to its supporting chains. Muhammed Nasir al-Din al –Albani,Irwa al- Ghaleel fi Takhreej Ahadeeth manaar al-Sabeel (Beirut: al- Maktab al- Islami, 1979), Vol.6, P. 195

 Sheikh  `Abdul-`Azeez Bin Baz
Source [Islamic Fatawa Regarding Women - Darussalam Pg. 163-164]

Ang Pagkabuhay Muli Bago ang Kamatayan

Ang Buhay Sa Kabilang Ng Kamatayan 

Ang katanungan kung tunay ngang may buhay pagkatapos ng kamatayan ay hindi nasasakop ng kapamahalaan ng agham sapagka’t ang agham ay tumutukoy lamang sa pagbaha-bahagi at pag-aaral ng mga katipunan sa senso. Higit pa roon, ang tao ay naging abala sa mga pang-agham ng pag-uurirat at pananaliksik sa makabagong pagtawag, sa mga nakalipas na ilang daang taon na lamang, nguni’t siya ay hirati na sa konsepto ng buhay sa kabila ng kamatayan sapul pa sa pasimula. 

 Ang lahat ng mga Propeta ng Diyos ay nawawagan sa kanilang pamayanan upang sumamba sa Diyos at ang maniwala sa pagkaroon ng kabilang buhay. Sila ay nagbuos ng lubhang maraming pagbibigay diin sa paniniwala sa sa kabilang buhay na kahit ang pinakamaliit sa pag-aalingan doon ay naguguluhan ng pagtakwil sa Diyos ay nagsitalakay sa ganitong metapisakang katanungan tungkol sa kabilang buhay ng may paniniwala at pagkatulad na ang agwat ng kanilang mga magulang ay libong taon at nagpatunay lamang na pinagkunan ng ganitong kaalaman tungkol sa kabilang buhay na ipinahayag nilang lahat ay iisa. 

 Ang kapahayagan ng Diyos ay batid natin na ang lahat ng mga Propetang ito ay mahigpit na tinutulan ang kanilang pamayanan dahilan na rin sa pinakabuod na katanungan ng kabilang buhay sapagkat ang kanilang pamayanan ay nag-aakala na ito ay di kapani-paniwala. Nguni’t sa kabila ng lahat ng pagtutol, ang mga Propeta ay nagsipagwagi ng lubhang maraming matatapat na tagasunod. Ang katanungan ay kung ano ang nag-udyok sa mga tagasunod na ito na iniwan ang kanilang nakagisnang paniniwala, tradisyon at kaugalian ng kanilang mga ninuno ng hindi nagbibigay pahalaga sa panganib na sila ay mapaghiwalay sa kanilang sariling pamayanan? Ang payak na kasagutan ay ito: sila ay gumagamit ng kakayahan ng kanilang pag-iisip at puso at napagtanto nila ang katotohanan. Sila ba’y napagtanto ang katotohanan sa kanilang pag-uunawa? Hindi nga, sapagka’t ang makaranas ng kabatiran tungkol sa buhay sa kabila ng kamatayan at tunay na imposible. 

 Sa katotohanan, ang Diyos ay hindi lamang nagbigay ng kaisipang pangkamalayan kundi gayon din naman ng kamalayang makatuwiran, paghanga sa kagandahan at moral. Ang kamalayang ito ang  namamatnubay sa pamamagitan ng katipunang pangsentido. Dahil dito, kung bakit ang lahat ng mga Propeta ng Diyos habang sila at nanawagan sa mga tao upang sumampalataya sa Diyos at sa kabilang buhay ay nanawagan sa pamamagitan ng paghanga sa kagandahan sa moral at makatuwirang kamalayan ng tao. Halimbawa, nang ang mga paniniwala sa diyus-diyosan sa Makkah ay nagtakwil sa pagkaroon ng buhay sa kabila na kamatayan ang Qur’an ay naglantad ng kahinaan ng kanilang pananagan sa paggagawad ng lubhang makakatotohan at makatuwirang argumento upang patunayan. 

 “At siya ay nagturing sa amin ng pabula, at nakalimot sa katotohan ng kanyang pagkalikha na nagsasabi: sino ang magpapanumabalik sa butong ito ng nangabulok na? Ipagbadya, Siya ang magpapanumbalik doon (sa mga buto) na Siya rin ang lumikha roon ng una, sapagkat Siya ang nakakaalam ng bawat nilikha Siya ang naggawad sa inyo ng apoy mula sa luntiang puno at tunghayan nagpapaningas kayo roon.  
“Di ba Siya na lumikha ng mga kalangitan at kalupaan ay malilikha ang katulad nila? Tunay nga, at Siya
lamang ang kataas-taasang Manlilikha, ang Nakakaalam”.
(Qur’an 36:78-81)

 Sa iba pang pangyayari, ang Qur’an ay malinawanag na nagsasaysay na ang mga di sumasampalataya ay walang matibay na batayan sa kanilang pagtatakwil ng buhay sa kabila ang kamatayan. Ito ay batay lamang sa mga haka-haka. 
 “Sila’y nagsisipagbadya, “wala ng iba pa maliban sa aming pangkasalukuyang buhay; kami’y mamatay, kami’y mabubuhay, at tanging panahon lamang ang makaksira sa amin. At tungkol sa kabilang buhay, silay walang kaalaman bagkus ay mga haka-haka lamang. At kung ang Aming rebelasyon ay binigkas sa kanila, ang kanilang pamarali ay pagsasabi ng:”Ibalik mo muli sa aming mga ninuno kung ikaw ay
nagbadya na katotohanan”. 
[Qur’an 45:24-25]

Saturday, October 5, 2013

GABAY PARA SA MGA BAGONG MUSLIM

Ang mga sumusunod ay iilan lamang sa mga gabay para sa bagong Muslim;

1 - Isabuhay ang Islam sa abot ng iyong makakayanan.

> Kung ikaw ay medyo nahirapan sa ibang mga turo na iyong sinasabuhay, magkaganito, maari mong ialintala ang iba at ilaan mo ang iyong sarili at isipan sa mga pangunahing mahalagang turo na tulad ng pagsasagawa ng Wudo o limang beses na pagdarasal at iba pa.

> “Pano mo ba kinakain ang baka, sa pamamagitan ba ng isang subo lamang?” Na ang ibig sabihin nito ay unti-unti, hanggang sa ikaw ay matuto.

> Manalangin sa Allah ng lagi, hingin mo sa Kanya na padaliin ang lahat ng bagay para sa iyo, at pagkatapos, ito ay darating na lamang na hindi mo namamalayan.

> Pagkatapos, alamin at isabuhay ang mga nalalamang Sunnah ng Popeta (SAW) paunti-unti.

ومن أحب سنتي فقد أحبني ، ومن أحبني كان معي في الجنة

رواهالترمذي

"Sino man ang nagmahal sa aking Sunnah, ay minamahal niya ako, at sa sino man ang nagmahal sa akin, ay makakasama ko siya sa Paraiso."

~ Hadith Tirmidhi

2 - Igalang ang mga Magulang.
> Ang pananatili ng ugnayan sa pamilya ay napakahalaga.

> Iwasan ang makisangkot sa usapin na may pakikipagtalo tungkol sa Relihiyon. Higit lalo ikaw ay bago pa lamang sa iyong Pananampalataya.

> Dahan dahan, utay-utay na magkaroon ang iyong mga magulang ng paggalang at pag-unawa tungkol sa Pananampalataya na iyong tinahak, at maaring sa bagay na iyan ay magkakaroon sila ng intires na magtanong tungkol dito.

" الجنة تحت أقدام الأمهات "
” Nakasalalay ang Paraiso sa talampakan ng iyong ina.”

~ Hadith (Ahmad, Nisaa’i)
3 - Maghanap ng Guro
> Ang paghahanap ng guro pagkatapos mong yumakap, ay isa sa mga napakalaking bagay upang magkaroon ka ng kaalaman at malawak na pananaw tungkol sa iyong pananampalataya.
> Hanapin ang makakasama na may kaalaman sa kanyang pananampalataya.
" الْمَرْءُ عَلَى دِينِ خَلِيلِهِ فَلْيَنْظُرْ أَحَدُكُمْ مَنْ يُخَالِلْ " . رَوَاهُ أَبُو دَاوُدَ
“kung ano ang isang tao, ay ganon din ang kanyang kasamahan, kaya’t tingnan ng isa sa inyo kung sino ang kanyang pakikisamahan”
-Hadith Abu Dawud

> Dapat laging tiyakin ang mga bagay na iyong nakita, narinig, nabasa mula sa Youtube, Networking, babasahin at iba pa.

Sinabi ng Allah: [21:7]

فَاسْأَلُوا أَهْلَ الذِّكْرِ إِن كُنتُمْ لَا تَعْلَمُونَ

“Kayo ay mag tanong sa mga bagay na hindi niyo alam sa mga taong nakakaalam nito”

> Laging maging mababa ang kalooban sa bawat kaalaman na iyong natutunan, at alalahanin na may mga taong higit na mas nakakaalam kaysa sa iyo.

مَنْ تَوَاضَعَ لِلَّهِ رَفَعَهُ اللَّهُ ، فَهُوَ فِي نَفْسِهِ صَغِيرٌ ، وَفِي أَعْيُنِ النَّاسِ عَظِيمٌ ، وَمَنْ تَكَبَّرَ وَضَعَهُ اللَّهُ عَزَّ وَجَلَّ ، فَهُوَ فِي أَعْيُنِ النَّاسِ صَغِيرٌ ، وَفِي نَفْسِهِ كَبِيرٌ ، وَحَتَّى لَهُوَ أَهْوَنُ عَلَيْهِمْ مِنْ كَلْبٍ أَوْ خِنْزِيرٍ “

“Sino man ang nagpapakumbaba para sa Allah, ay iaangat siya ng Allah, na sa kanyang sarili ay napakaliit, ngunit sa paningin ng tao ay dakila, at sino man ang nagmataas ay ibababa siya ng Allah, na sa mga mata ng tao ay napakaliit, ngunit sa kanyang sarili ay dakila, hanggang sa ang tingin nila sa kanya ay mas mababa pa kaysa aso at baboy.”

Huwag tumigil sa pagsasaliksik ng kaalaman sa Islam, dahil dito ka magtatagumpay.
من سلك طريقا يلتمس فيه علما سهل الله له به طريقا إلى الجنة

 “Sino man ang tumahak sa landas ng kaalaman, ay pagagaanin ng Allah para sa kanya ang daan tungo ng Paraiso.”
~ Hadith (Muslim)

4 - Laging Lumayo sa Pakikipagtalakayan at Pagtatalo
> Ang palagiang pagdepensa sa iyong pananampalataya mula sa pakikipagtalo ay isang bagay na magbibigay sayo ng sakit ng ulo, pasanin at iba pa. Nararapat sayo muna bilang isang bago ay mag-imbak ng kaalaman.

> Kung mayroon ka ng matibay na pundasyon sa iyong pananampalataya at sapat na kaalaman at kaya mo na itong ihayag at ibahagi ang iyong pananampalataya ng walang halong pakikipagtalo sa iba, ang pintuan nito ay bukas para isa iyo
.
> Inatasan ka, na ibahagi at ibigay ang iyong pananampalataya sa iba at huwag ipagkait ito, higit lalo sa mga tao na ang kanilang natunghayan sa Islam ay ang mga negatibong pananaw na kanilang nakita mula sa Medya.

> Ang pag-iwas sa pakikipagtalo at talakayan ay magbibigay sayo ng malawak na paghinga, at kapayapaan o katahimikan.

 “Tunay na ang galit ay sinisira nito ang pananampalataya, na tulad ng aloe (uri ng halaman) na sumisira sa tamis.”
~ (Abu Dawood, Termidhi)

5 - Makipag-ugnayan sa May Karunungan sa Salitang Arabik
> Ang pamamaraan na ito ay matutunghayan sa pamamagitan ng Online, o di naman kaya sa mga aklat, sa pakunti-kunti mong pagsasaliksik ay magbibigay sayo ng daan upang matutunan ang Arabic.
> Magsimulang matoto sa mga Arabik na letra at pagdudugtong-dugtong.
> Pagsumikapan at pagtiisan ang ganitong pamamaraan hanggang sa utay-utay mo nang masusundan ang pagbabasa ng Qur’an, sa pamamagitan ng pakikinig nito sa Computer o di naman kaya sa MP3.
> Hanggang sa matotonan mong litisin at tukuyin ang bawat salita, hanggang sa malaman mo ang Balarilang Arabiko. Kanaisnais na kanyang matotonan muna ang mga simpleng pangalan at pang-ukol.

إِنَّا أَنزَلْنَاهُ قُرْآنًا عَرَبِيًّا لَّعَلَّكُمْ تَعْقِلُونَ

 “Katiyakan, ipinahayag Namin ang Qur’ân na ito sa wikang ‘Arabic;’ upang kayo ay pag-isipan ang mga kahulugan nito at maintindihan at isagawa at ipatupad ang Kanyang mga katuruan…”
~ Qur’an (12:2)

6 - Intindihin ang mga Bawat Bahaging Kalikasan ng Islam
> Ang pagpasok sa Islam ay minsan naglalagay sayo sa kalagayan na ikaw ay natatabunan ng ibat ibang pananaw at hindi mo na alam kung ano at sino ang iyong susundin.
> Isa sa mga halimbawa nito, maaring pagsabihan ka ng isang Muslim na kinakailangan lagi mong huhugasan ang iyong paa sa bawat pag Wudho o paghuhugas mo, maliban na lamang kung nakasuot ka ng BALAT NA MEDYAS kung ito ay nasuot muna sa unang Wudho mo ay maari mong punasan lamang at hindi mo na kailangan hugasan ang iyong paa.
Ang pananaw sa pagsuot ng BALAT na MEDYAS ay bagay na labis na hindi karaniwan.
> Ngunit kung ikaw ay nagbabasa at nagsasaliksik ay iyong matatagpuan na may mga Pantas na nagsasabi na ito ay pinapahintulutan ang pagpunas ng Medyas na yari sa koton, maging ito man ay may maliit na butas. Para sa isang bagong yakap sa Islam ay magsasanhi ito sa kanya ng malaking buntong-hininga bilang kaluwagan sa kanya.

هلك المتنطعون

- “Sino man ang nagpahirap sa isang bagay sa kanilang mga sarili ay mawawasak.”
~ Hadith (Muslim)


source [clive-chanel.tumblr.com]

Friday, October 4, 2013

"ANG ISLAM AT ANG MGA MUSLIM ''

Ang salitang Islam ay nagmula sa wikang arabik na may kahulugan na: kapayapaan, pagsuko, pagtalima at pagsunod. Sa pananaw ng relihiyong Islam, ito ay ganap na pagtanggap ng mga aral at alituntunin ng Diyos na Kanyang ipinahayag sa Kanyang Huling Propeta na si Muhammad. 

 Ang Muslim ay isang naniniwala at nananalig sa Diyos at nagsusumikap na magampanan at maisaayos ng ganap ang kanyang buhay ayon sa ipinahayag na patnubay (Qur’an) at mga aral (Sunnah) ng Propeta. Siya ay nagpupunyagi upang makapagtatag ng isang makabuluhang lipunan ayon din sa naturang patnubay at aral. Ang salitang “Muhammadanismo” ay isang maling katawagan na sadyang sumusugat sa tunay na diwa at kahulugan ng Islam. Ang alitang “Allah” ay pantanging ngalan ng Diyos sa wikang arabik. Ito ay isang unikong kataga sapagka’t ito ay hindi nasasangkot sa pangmaramihan o sa anumang kasarian. 

 ANG PAGPAPATULOY NG PAHAYAG 

  Ang Islam ay hindi isang bagong relihiyon. Sa diwa at buod nito, ito rin ang dating mensahe at patnubay na ipinahayag sa lahat ng Propeta ng Diyos. 

 “Ipagbadya: kami ay naniniwala sa Allah at sa anumang ibinaba sa amin at sa ipinahayag kay Abraham, Ismael, Isaak, Hakob at sa mga Tribo (na angkan ni Israel) at yaong ipinagkaloob kay Moises, Hesus at sa mga ibang Propeta mula sa kanilang Panginoon. Kami ay hindi nagbibigay ng anumang pagtatangi sa pagitan ng ninuman sa kanila. Kami ay tumatalima bilang Muslim.”
 
(Qur’an 3:84) 

 Ang Islam na ipinahayag kay Propeta Muhammad ay kabuuan ng mga naunang mensahe, kaya naman, ito ay malawak sa anyo, ganap at nasa pinakahuling yugto sapagka’t ito na ang wakas na Kapahayagan ng Diyos sa Sangkatauhan. 
“Sa araw na ito, Aking binigyang ganap para sa inyo ang inyong relihiyon, at binuo ng lubusan ang kagandahang-loob sa inyo at pinili ang Islam bilang inyong relihiyon.” 
(Qur’an 5:3) 

ANG LIMANG HALIGI NG ISLAM 

 1. Ang Shahadah (Pagpapahayag o Pagsaksi ng Pananampalataya): 
             Ito ang pagsaksi na walang diyos na dapat sambahin maliban sa Allah, at si Muhammad ay Kanyang Sugo sa lahat ng nilikha hanggang sa pagsapit ng Araw ng Paghuhukom. Ang pagiging tunay na Propeta ni Muhammad ay nagbigay tungkulin sa bawa’t Muslim na sundin o tularan ang kanyang mabuting pamumuhay bilang Huwaran. 

 2. Ang Salah (Pagdarasal):
               Ang pang-araw-araw na pagdarasal ay isinasagawa limang ulit sa maghapon bilang tungkulin sa Allah. Ito ang nagpapatatag at nagbibigay sigla (at lakas) sa pananalig sa Allah at nagbibigay inspirasyon sa tao upang mabuhay ng marangal. Ito ang nagpapadalisay sa puso at pinipigil ang mga tukso tungo sa kasamaan at mga kasalanan. 

 3. Ang Sawm (Pag-aayuno sa buwan ng Ramadan).
            Ang mga Muslim sa buwan ng Ramadan ay hindi lamang umiiwas mula sa pagkain, inumin at pakikipagtalik sa asawa mula sa madaling araw hanggang sa paglubog ng araw, bagkus umiiwas din mula sa mga makasalanang layon at pagnanasa. Ito ay nagtuturo ng pagmamahal, katapatan at kabanalan. Pinauunlad nito ang panlipunang kaalaman o kahalagahan ng pag-aayuno, nagtuturo ng pagtitiis, kabaitan at tibay ng loob. 

4. Ang Zakat (Itinakdang Kawanggawa). 
               Ito ay taunang pagbabayad ng 2.5% mula sa naipong yaman bilang tungkuling pangkawanggawa at isang paraan ng paglilinis ng yaman na dapat ugulin  sa mga mahihirap at dukhang tao ng isang pamayanan. 

5.Ang Hajj (Paglalakbay sa Makkah):
          Ito ay isinasagawa minsan sa tanang buhay ng isang Muslim kung may kakayahang pananalapi at kalusugan ng katawan.  Bukod sa mga haliging nabanggit sa itaas, ang bawa’t kilos o gawain na isinagawa nang may layong pagmamahal at pagbibigay lugod sa Allah ay itinuturing bilang mga uri ng pagsamba. Ang Islam ay nag-aanyaya ng tuwirang pagsamba sa Kaisahan ng Diyos at ang pananalig sa Kapamahalaan Niya. Ito ang daan upang magkaroon ng mabuting kaisipan tungkol sa tunay na kahulugan at kahalagahan ng buong santinakpan at ang katayuan ng tao sa mundong ito. Ang paniniwalang ito ay nagpapalaya sa tao mula sa lahat ng pangamba (takot) at pamahiin sapagka’t kapag sumagi sa isipan na ang lahat ng pangyayari ay nakikita at nababatid ng Makapangyarihang Allah, sa gayon, tapat na naisasakatuparan ng tao ang kanyang tungkulin sa Kanya. Ang paniniwala at pananampalataya ay nararapat na ipinahahayag at ipinakikita sa pamamagitan ng tapat at maayos na pagsasagawa o pagsasakatuparan ng mga tungkulin. Ang paniniwala ay hindi sapat. Ang paniniwala o pananampalataya sa Makapangyarihang Diyos ay nangangailangan ng pagsasaalang-alang sa lahat ng tao bilang isang angkan na nasa ilalim ng kapamahalaan ng Makapangyarihan at Dakilang Diyos, ang Tagapaglikha at Tagapagtaguyod at Sandigan ng lahat. Tinatalikdan ng Islam ang paniniwala na mayroong natatanging tao kaya naman itinuturing ng Islam ang tamang pananampalataya at ang mabubuting gawa bilang batayan ng kaligtasan at tanging daan tungo sa Paraiso. Kaya, ang tuwirang ugnayan ay itinatatag sa Diyos na walang sinumang tagapamagitan. 

TAO BILANG MALAYANG NILIKHA 

           Ang tao ang siyang pinakamataas sa hanay ng lahat ng nilikha ng Diyos. Siya ay ginawaran ng pinakamataas na kakayahan. Taglay niya ang kalayaan sa kanyang kalooban, gawa at pagpili. Ipinakita ng Diyos sa kanya ang tamang landas, at ang buhay ng Propeta Muhammad ay nagbibigay ng isang huwarang pamumuhay na dapat pamarisan ng sinumang tao. Ang tagumpay at kaligtasan ng tao ay nakasalalay sa pagsunod dito. Nagtuturo ang Islam na ang personalidad ng tao ay sagrado at nanghihikayat ng pantay na karapatan sa lahat ng tao at walang sinumang itinatangi o kinikilingan batay sa lahi, kasarian o kulay. Ang batas ng Diyos, na napapaloob sa Qur’an at isinakatuparan o isinabuhay ng Propeta Muhammad, ay nangingibabaw sa lahat ng kalagayan. Ito ay dapat na ipinatutupad sa pinakamataas at pinakamababang uri ng tao, maging siya man ay prinsipe o isang karaniwang tao lamang, pinuno man o nasa ilalim ng kapamahalaan ng iba. 

ANG QUR’AN AT ANG HADITH 

     Ang Banal na Qur’an ay pinakahuling Salita na ipinahayag ng Diyos at siyang pangunahing pinagkukuhanan ng Batas at Aral ng Islam. Ang Qur’an ay humahalaw at sumasakop tungkol sa mga batayan ng pananampalataya (ang Islam), kagandahang-asal, mga kasaysayan ng sangkatauhan, pagsamba, kaalaman, katalinuhan, ugnayang tao at Diyos at makataong ugnayan sa lahat ng aspeto ng buhay. Ito ay naglalaman ng malawak na aralin na makapagtatatag ng panlipunang katarungan (o batas ng pagkapantay-pantay), kabuhayan, pulitika, pamahalaan, ang paghuhukom, mga batas at pakikipag-ugnayan. Si Propeta Muhammad ay taong hindi nakapag-aral at hindi marunong bumasa at sumulat. Magkagayunman, ang Banal na Qur’an ay naisaulo niya at naisulat naman ng kanyang mga mabubuting tagasunod sa ilalim ng kanyang pamamahala noong kanyang kapanahunan. Ang orihinal at kabuuang paksa ng Qur’an ay inihanda para sa lahat sa pinagpahayagang wikang arabik. Ang pagsasalin nito sa iba’t ibang wika ay laganap na ginagamit. 

          Ang Hadith ay mga aral, sawikain at gawain ng Propeta Muhammad na maingat na isinalaysay at tinipon ng kanyang matatapat na mga kasamahan. Ito ang nagpapaliwanag sa mga talata ng Banal na Qur’an. 

ANG KONSEPTO NG PAGSAMBA

            Ang Islam ay hindi lamang nagtuturo ng mga rituwal. Higit na pinagtutuunang pansin ang mabuting layunin at mabuting gawain. Ang pagsamba sa Allah ay pagpapahiwatig ng tamang pagkilala at pagmamahal sa Kanya, ang maging masunurin sa Kanyang mga itinakdang batas sa bawa’t aspeto ng buhay, ang mag-aanyaya ng mga gawang kabutihan at magbawal naman ng mga gawang masasama at pang-aapi, ang magsagawa ng kawanggawa at katarungan at maglingkod sa Kanya sa pamamagitan ng pagtulong sa sangkatauhan. Inilarawan ng Qur’an ang konseptong ito sa isang marangal at dakilang pagpapahayag: 
“Hindi isang Birr (kabutihan, kabanalan at pagsunod sa Allah) ang ibaling ninyo ang inyong mga mukha tungo sa dakong silangan at kanluran (sa pagdarasal) subali’t, ang Birr ay (isang katangian na) maniwala sa Allah, at sa Huling Araw, sa mga Anghel, sa Aklat, sa mga Propeta at ang pamamahagi ng inyong yaman sa kabila ng pagmamahal dito para sa mga kamag-anakan, sa mga ulila at sa mga dukha at mga naglalakbay at yaong humihingi at pagpapalaya ng mga alipin, pagsasagawa ng pagdarasal at pagbibigay ng Zakat (kawanggawa) at tumutupad ng kanilang mga kasunduan at matiisin sa (panahon ng) labis na paghihikahos at (malubhang) karamdaman at sa panahon ng pakikipaglaban. Sila yaong taong makatotohanan at sila ang Muttaqun (may ganap na takot at masunurin sa Allah).”
(Qur’an 2:177) 

ISLAM: ANG PAMAMARAAN NG BUHAY 

              Ang Islam ay nagbigay ng isang kabuuang alituntunin sa lahat ng tao upang sundin sa lahat ng kalakaran ng buhay. Ang alituntunin ay sadyang malawak at binubuo ng panlipunan, pangkabuhayan, pampulitikal na adhikain, kagandahang-asal at ispirituwal na aspeto ng buhay. Itinatagubilin ng Qur’an sa tao ang tunay na layunin ng kanyang pansamantalang buhay sa daigdig, ang kanyang mga tungkulin sa kanyang sarili, sa mga kamag-anakan, sa kanyang pamayanan at kapwa tao at higit sa lahat sa kanyang Tagapaglikha. Ang tao ay ginawaran ng pangunahing alituntunin tungkol sa makabuluhang buhay at iniwan sa kanyang sariling pasya ang hamon ng makataong pamumuhay upang ugaliin at sanayin sa pagsasakatuparan ng mga dakilang simulaing ito sa paraang kapaki-pakinabang. Sa pananaw ng Islam, ang buhay ng tao ay isang malinis at magkakaugnay na bahagi at hindi mga pira-pirasong bahagi ng nagpapaligsahan sa isa’t isa. Ang ispiritwal at materyal na pamumuhay ay hindi magkakahiwalay na bahagi ng tao: ang mga ito ay magkakahugpong at nagkakaisa sa kalikasan ng tao. 

ANG MAKATUWIRANG PAANYAYA AT PANAWAGAN NG ISLAM 

                Ang Islam sa maliwanag at tuwirang pagpapahayag nito ng katotohanan ay mayroong pambihirang lakas na panawagan sa sinumang naghahanap ng kaalaman. Ito ang lunas sa lahat ng suliranin ng buhay. Ito ang patnubay tungo sa isang mabuti at ganap na makahulugang buhay at ang lahat ng bahagi nito ay nag-aalay ng pagluwalhati sa Diyos na Makapangyarihan, Tagapaglikha at Mahabaging Tagapagtaguyod ng lahat ng nilikha.

ISLAM- ANG TANGING LUNAS SA MGA MAKABAGONG SULIRANIN 

  • Ang Pagkakapatiran ng Tao:

Ang mga pangunahing suliranin na kinahaharap ng tao sa makabagong panahon ay ang diskriminasyon sanhi ng pagkakaiba-iba ng lahi ng tao. Ang materyal na pag-unlad ng mga ibang bansa ay may kakayahang ipadala ang tao sa (paglalakbay sa) buwan nguni’t hindi kayang sugpuin at pigilin ang tao na kamuhian at hamakin ang kapwa tao. Nguni’t ang Islam, sa huling 1,400 taon ay nagpakita ng aral kung paano lunasan ang ganitong suliranin. Bawa’t taon, ang Hajj ay isang himala ng tunay na diwa ng pagkakapatiran ng lahat ng lahi ng tao at bansa at ito ay isang patunay na ating matutunghayan bilang lunas sa hidwaan sanhi ng iba’t ibang lahi ng tao (racial discrimination). 
  •  Ang Pamilya:
   Ang pamilya na tumatayo bilang pangunahing bahaging sangay ng kabihasnan ay unti-unting nagkakawatak-watak sa mga kanlurang bansa. Ang pamamaraan ng Islam sa pagtataguyod ng pamilya ay naghahatid sa isang maayos at pagkakapantay-pantay ng lalake, babaing asawa, ang mga anak at mga kamag-anakan. Ang Islam ay nag-aanyaya ng kabaitan, pagtutulungan at pagmamahalan sa isang lubusang maayos na pamamaraang pampamilya.

 ANG KABUUANG PANANAW NG BUHAY 

  Ang tao ay nabubuhay ayon sa kani-kanilang pananaw sa buhay. Ang masakit na bunga ng sekular na lipunan ay nabigong pag-ugnay-ugnayin ang iba’t ibang aspeto ng buhay. Ang materyal at pisikal, ang agham at ispiritwal na pamumuhay ay tila magkakasalungat. Nguni’t sa Islam, binigyang lunas ang pagkakasalungatan ng iba’t ibang aspeto ng buhay at naghatid ng pagkakatugma-tugmang pananaw ng tao tungkol sa buhay. 

 ANG MGA PANGUNAHING LAYUNIN NG NADWAH (WAMY) 

 *Ang mapaglingkuran ang kaisipang Islamiko sa pamamagitan ng pagbibigay liwanag ng pananampalataya sa pamamagitan ng ng lantay na monoteismo (Tawheed) o Kaisahan ng Diyos) at palakasin ang kabataang Muslim ng may ganap na pagkatiwala sa sarili sa pangingibabaw ng paraang Islamik sa lahat ng iba pang paraan. 

*Ang makilahok upang mapangatawan ang ninanais ng mga kabataan at mga mag-aaral sa pagtatayo ng panglipunan, pangkabuhayan at pangteknolohiyang institusyon ng Ummah. 

Para sa karagdagang kaalaman tungkol sa Islam, makipag-ugnay lamang sa Punong Tanggapan ng WAMY sa Riyadh at sangay na tanggapan sa Jeddah. 

WAMY, P.O Box 10845, Riyadh 11443, Saudi Arabia. Tel.: (01) 464-1669/4655431 

WAMY, P.O. Box 8856, Jeddah, Saudi Arabia. Tel.: (02) 689-1962 



O sa pinakamalapit na Kilusang Pang-Muslim o Sentro sa inyong pook.

Thursday, October 3, 2013

"Kasaysayan ni Sa'eed"

Isang araw; hiniling ni Umar bin Al-Khattab (ra) mula sa mga taga Homs ang pangalan ng mga mahihirap upang bahagian mula sa kaban ng mga Muslim, nang matanggap niya ang mga pangalan ng mahihirap ay nagulat siya dahil nasa listahan ang pangalan ng gobernador ng Homs na si Sa'eed bin Aamir.

Tinanong niya ang mga tao kung bakit naghirap ang kanilang pinuno?, sagot ng mga tao:"...dahil ginugugol niya ang lahat ng knyang sahod upang ipamahagi sa mga mahihirap at knyang sinasabi:"Ano ang aking magagawa! Sila'y aking responsibilidad sa harap ng Allah".

At nang tanungin ni Umar (ra) ang mga tao kung ano ang ayaw nila kay Sa'eed bin Aamir? Kanilang sagot:"ayaw nmin ang tatlong bagay sa kanya:

1- Hindi siya lumalabas sa amin maliban kung umaga na.
2- Hindi nmin siya nakikita sa gabi kailanman.
3- hindi siya ngpapakita ng isang beses sa isang linggo.
Tinanong siya ni Umar (ra) tungkol sa tatlong bagay na yaon?

Kanyang sinabi:

1- umaga na lang ako nkakalabas dahil inuuna ko muna ang pangangailangan ng aking pamilya sapagkat wala kaming kasambahay at may sakit pa ang aking mahal na asawa.

2- Hindi nila ako nasisilayan sa gabi dahil ginugugol ko lamang ang gabi sa panalangin sa Panginoon, at nakalaan din nmn ang araw para sa kanila.

3- isang beses nila ako hindi nakikita sa loob ng isang linggo dahil panahon ito ng aking paglalaba ng kaisa-isa kong damit at hinhintay na ito ay matuyo; wala akong damit maliban dito.

Napaiyak si Umar (ra) nang marinig niya ang mga salaysay ni Sa'eed at sinabi:"Nasaan ang inabot mo Umar kumpara kay Sa'eed".


Translated by: Salamodin Doton Kasim
source [History of Islam Books]

من أسباب مغفرة الذنوب -Ilan sa mga Sanhi (Dahilan) ng Pagpapatawad sa mga Kasalanan

السلام عليكم ورحمة الله وبركاته

Kapatid, narito para sa'yo ang ilan sa mga gawaing nagiging sanhi upang patawarin ng Allaah (سبحانه و تعالى) ang ating mga nakaraang kasalanan at pagkakamali, upang hindi ka mawalan ng pag-asa mula sa habag ng Allaah (سبحانه و تعالى) at ikaw ay magmadali tungo sa kanyang Kapatawaran. Sinabi ng Allaah (سبحانه و تعالى):
{قال تعالى:( وسارعوا الى مغفرة من ربكم وجنة عرضها السماوات والأرض أعدت للمتقيت}
 [ سورة آل عمران: 133]. 
"At Kayoy maging maagap sa pag-uunahan (magmadali) tungo sa kapatawaran ng Allah, at sa Paraiso na kasinglawak ng kalangitan at ng kalupaan na inihanda para sa mga matatakutin,matutuwid, mabubuti na mananampalataya."
Kabilang dito ang mga sumusunod:

1- الإسلام: قال تعالى:
{قل للذين كفروا إن ينتهوا يغفر لهم ما قد سلف وإن يعودوا فقد مضت سنة الأولين}
[ سورة الأنفال:37 ]

Ang Pagpasok sa Islam (Pagiging Muslim).Sinabi ng Allaah (سبحانه و تعالى): 
"Sabihin mo ( O Muhammad)sa mga hindi nananampalataya na kung silay titigil(sa kawalan ng pananalig at pang-aaway sa mga nananampalataya), ang kanilang nakaraan ( na mga kasalanan)ay ipatatawad. Datapuwat kung silay magbalik (sa kawalan ng pananalig) kung gayon, ang halimbawa ng mga mapaghimagsik at naparusahan na mga unang tao ay nangyari na nga"

قال- صلى الله عليه وسلم- : (أما علمت أن الإسلام يهدم ما كان قبله). صحيح مسلم.

Sinabi ng Propeta (صلى الله عليه وسلم):
 "Hindi mo ba Alam na katotohanan ang islam ay pinapawi (pinapatawad, Sinisira) ang Nakaraan؟". 
[Sahih Muslim]

2- :الهجرة في سبيل الله: هي الإنتقال من دار الكفر الى دار الإسلام, قال تعالى
 {ثم إن ربك للذين هاجروا من بعد ما فتنوا ثم جاهدوا وصبروا إن ربك من بعدها لغفور رحيم}
 [ سورة النحل:110 ]

Ang Paglikas tungo sa Landas ng Allaah: Siya na Lumlikas mula sa lugar ng mga hindi mananampalataya tungo sa Lugar ng Islam, Sinabi ng Allaah (سبحانه و تعالى)
"At Katotohanan! Ang iyong Panginoon para sa kanilang nagsilikas matapos na silay malagay sa pagsubok at pagkaraan (sila) ay nakipaglaban sa kapakanan ng Allah at silay nagtiis, Katotohanan ang iyong Panginoon, matapos ito ay lagi ng Nagpapatawad(sa kanila), ang pinakamaawain."

3- الحج المبرور عن أبي هريرة- رضي الله عنه- قال: سمعت النبي- صلى الله عليه وسلم- يقول: (من حج لله فلم يرفث ولم يفسق رجع كيوم ولدته أمه)- صحيح البخاري. 

Ang Pag-hajj (sa makkah) na katanggap-tanggap: naiulat ni Abi hurayrah ( Kinalugdan siya ng Allah) kanyang sinabi: narinig ko ang Propeta (صلى الله عليه وسلم) na kanyang sinasabi:

 "Ang sinumang magsagawa ng Hajj para sa Allah at hindi gumawa ng anumang malaswang bagay at hindi sumuway (sa ipinag-uutos), para siyang nanumbalik sa araw na isinilang siya ng kanyang ina."
[Sahih Bukhari]

4- الذكر عند سماع الأذان: قال رسول الله- صلى الله عليه وسلم- (من قال حين يسمع المؤذن: أشهد أن لا اله الا الله وحده لا شريك له وأن محمدا عبده ورسوله, رضيت بالله ربا وبمحمد رسولا وبالإسلام دينا غفر له ذنبه). صحيح مسلم.


Ang Dhikr (Pag-alaala sa Allaah) tuwing naririnig ang Adhan: Sinabi ng Sugo ng Allaah (صلى الله عليه وسلم) : 
"Sinuman ang magsabi tuwing naririnig ang Nag-aadhan: Ash-hadu An La Ilaha Illallah Wahdahu La Sharika lahu Wa Anna Muhammadan Abduhu wa Rasuluh, Radee-tu billahi Rabban wa Bi Muhammadin Rasuu-lan wa bil Islami Dee-nan, Patatawarin sa kanya ang kanyang Kasalanan"
[Sahih Muslim]

5- من وافق تأمينه تأمين الملائكة: عن أبي هريرة- رضي الله عنه- أن رسول الله- صلى الله عليه وسلم- قال: (إذا أمن الإمام فأمنوا, فإنه من وافق تأمينه تأمين الملائكة غفر له ما تقدم من ذنبه)
.[صحيح مسلم].

     Ang Sinumang makasabay ng kanyang pagbangbit ng AMEEN (sa Salah) ang Pag-Ameen ng mga Anghel .Naiulat ni Abi Hurayrah (Kinalugdan siya ng Allaah) Katotohanan! Ang Sugo ng Allah (صلى الله عليه وسلم) ay Nagsabi: 
"Kapag Bumigkas  ng AMEEN ang Imam (Namumuno sa Dasal) ay magbikas rin kayo ng AMEEN, dahil katotohanan, Sinumang makasabay ng kanyang pag-Ameen ang pag-Ameen ng mga Anghel ay patatawarin sa kanya ang kanyang nakaraang kasalanan". 
[ Sahih Muslim]


6- من وافق قوله:( سمع الله لمن حمده) قول الملائكة: عن أبي هريرة- رضي الله عنه- أن رسول الله- صلى الله عليه وسلم- قال : (إذا قال الإمام: سمع الله لمن حمده, فقولوا:اللهم ربنا لك الحمد, فإنه من وافق قوله قول الملائكة غفر له ما تقدم من ذنبه).[صحيح مسلم]

      Ang Sinumang makasabay ng Kanyang pagsabi ng: (Sami-Allahu Liman hamidah) ang pagsabi ng mga Anghel: Naiulat ni Abi Hurayrah (Kinalugdan siya ng Allah) katotohanan ang Sugo ng Allah (صلى الله عليه وسلم) ay nagsabi: 
"Kapag sabihin ng Imam ang Sami-Allahu Liman Hamidah), sabihin niyo ang :(Allahumma Rabbana Lakal Hamd), dahil katotohanan sinuman ang makasabay ng kanyang pag-sabi ang pagsabi ng mga Anghel ay Patatawarin sa kanya ang kanyang nakaraang kasalanan"
[ Sahih Musli].



7- صلاة ركعتين لا سهو فيهما- قال رسول الله- صلى الله عليه وسلم-: (من توضأ فاحسن الوضوء, ثم صلى ركعتين لا سهو فيهما غفر له ما تقدم من ذنبه) رواه أحمد.

Pag-Salah (Pag Dasal) ng dalawang raka-ah ng walang pagkakamali: Sinabi ng Sugo ng Allah (صلى الله عليه وسلم):
"Sinuman ang Mag-wudu (Ablusyon), Pinaganda (Pinabuti) ang Wudu, pagkatapos ay Nagdasal ng dalawang Raka-ah ng walang pagkakamali patatawarin sa kanya ang kanyang nakaraang kasalanan"
 [Naiulat ni Ahmad]

8- مسح الحجر الأسود والركن اليماني: عن ابن عمر- رضي الله عنهما- قال: قال: رسول الله- صلى الله عليه وسلم-:( إن مسح الحجر الأسود والركن اليماني يحطان الخطايا حطا).[رواه أحمد].


 Paghaplos sa Hajar Aswad ( Batong Itim sa Ka abah) at Ruknul Yama-nie: Naiulat ng Anak ni Umar (Kinalugdan silang dalawa ng Allah): Sinabi niya: Sinabi ng Sugo ng Allah (صلى الله عليه وسلم):
" Katotohanan, Ang Paghaplos ng Hajar Aswad at Ruknul Yama-nie ay pawang nagpapawi ng mga kasalanan"
 [ Naiulat ni Ahmad]

9- الإجتماع على ذكر الله: عن أنس بن مالك- رضي الله عنه- عن رسول الله- صلى الله عليه وسلم- قال:( ما من قوم اجتمعوا يذكرون الله لا يريدون بذلك إلا وجهه إلا ناداهم مناد من السماء, أن قوموا مغفورا لكم قد بدلت سيئاتكم حسنات)-.مسند أحمد بن حنب
     

Ang Pagtipun-tipon dahil sa Pag-ala-ala sa Allaah: Naiulat ni Anas bin Malik (Kinalugdan siya ng Allah) na naiulat ng Sugo ng Allah (صلى الله عليه وسلم) kanyang sinabi:
" Walang anumang grupo na nagtipon-tipon, inaala-ala (binabanggit) nila ang Allah na wala silang ninanais dahil doon maliban sa kanya, maliban na silay tawagin ng tumatawag buhat sa langit, na kayoy tumayo na, pinatawad na sa inyo (ang inyong mga kasalanan), katotohanan, Pinalitan na ang inyong mga masamang (gawain) ng mga Mabubuti"
[Musnad Ahmad Bin Hanbal]

10- مرض الإنسان: قال رسول الله-صلى الله عليه وسلم- اذا اشتكى المؤمن أخلصه الله [من الذنوب]...).

       Ang Pagkasakit ng isang Tao: Sinabi ng Sugo ng Allah (صلى الله عليه وسلم):
" Kapag may naramdamang (sakit) ang mananampalataya, linilinis siya ng Allah mula sa mga kasalalan…"


Isinulat ni : Salamodin Doton Kasim
Pagmamay-ari ng YPPAI

"Ang Pagsuot ng Lalake ng Ginto"

Si Abu Musa al-Ash'ari ay nag-ulat na ang Propeta ay nagsabi:
 "Ang Silk (seda) at ginto ay ipinahihintulot lamang sa mga kababaihan ng aking Ummah (pamayanan) subali't ipinagbabawal sa mga kalalakihan."
Sa panahon ngayon, ang mga pamilihan (ng ginto) ay puno ng iba't ibang bagay na nakadisenyo para sa kalalakihan, katulad ng relo, butones, panulat, lalagyan ng susi, medalya na iba't ibang uri na yari sa ginto. Isa sa mga pangkaraniwang kasalanan na matatagpuan sa mga patimpalak ay ang mga regalong relong gintong panlalaki.

Si Ibn Abbas ay nag-ulat na nakita ng Sugo ng Allah ang isang lalaking may suot na gintong singsing; kinuha niya ito at itinapon sa isang tabi, at nagsabi, "Nais ba ng isa sa inyo ang kumuha ng nagbabagang Apoy sa Impiyerno at hahawakan ito ng kanyang kamay?" Pagkatapos umalis ang Propeta صلى الله عليه و سلم, may isang nagsabi sa lalaki: "Bakit hindi mo kunin ang iyong singsing at pakinabangan ito (ipagbili ito)?" Siya ay nagsabi, "Hindi, sumpa man sa AllahU, kailanma'y hindi ko maaaring kunin ang anumang itinapon ng Sugo ng Allah." 



Ang May akda : Usof Butucan
Nagrepasu : Nur Maguid
kabilang sa mga Babasahin ng: : Islamic Propagation Office in Rabwah


Tuesday, October 1, 2013

HUKOM SA PAG SUOT NG THAWB O PANTALON NA LAMPAS SA BUKONG BUKONG

Tanong:

Salam Alaikom, ustadh, Ano po ba ang ruling ng hindi paglagpas ng pantalon o thawb sa bukong-bukong? Ito po ba ay sunnah o wajib? kasi may mga ibang kilalang lecturer na nakapagtapos ng mga kilalang mga Islamic University na lagpas sa bukong-bukong ang kanilang mga pantalon o thawb? Napansin ko lang po, na hindi sila ganun kahigpit regarding sa paglagpas ng pantalon sa bukong-bukong at sa hadith regarding dito.

Sagot:
بسم الله الرحمن الرحيم
السلام عليكم ورحمة الله وبركاته
الحمد لله والصلاة والسلام على رسول الله أما بعد:

Maraming salamat po sa inyong katanungan;

Sagot: Upang malaman natin kung ano ang hukom sa isang kasuotan (para sa kalalakihan) alinsunod sa iyong katanungan, ay tunghayan muna natin ang sinabi ng Islam ayon sa pananaw ng mga pantas sa Islam tungkol sa hukom ng'Isbaal' (pagsuot ng kasuotan maging pantalon man ito o thawb para sa mga kalalakihan na lagpas ng bukong-bukong), at sa usaping ito ay kailangan muna natin linawin ang dalawang puntos;

Una: Kapag siya ay nagsuot ng ‘Isbaal’ ng may pagmamayabang o pagmamataas - Sa kalagayang ito mahigpit na ipinagbabawal ang pagsuot nito bagkus ito ay napapabilang sa malaking pagkakasala, at lahat ng mga Iskolar sa Islam ay nagkasundo sa bagay na ito, batay ito sa sinabi ng Propeta Muhammad (sallallahu ‘alayhi wa sallam):

الإسبال في الإزار والقميص والعمامة ، من جر منها شيئاً خيلاء لا ينظر الله إليه يوم القيامة ) رواه أبو داود رقم 4085 والنسائي رقم 5334 بإسناد صحيح

"Ang Isbaal ay sa pang-ibabang kasuotan, damit at maging sa turban, sino man ang nagsuot ng mga ito ng may halong pagmamataas o pagmamayabang (sa kanilang mga puso) ay hinding-hindi sila titingnan ng Allah sa Araw ng Paghuhukom."

At gayundin sinabi pa ng Propeta (sallallahu ‘alayhi wa sallam):

( لا ينظر الله إلى من جر إزاره بطراً ) البخاري رقم 5788 ، ومسلم رقم 2087

"Hindi titingnan ng Allah ang sinumang binabandera ang kanyang kasuotan ng may pagmamayabang."

( إياك وإسبال الإزار فإنهـا من المخيلة وإن الله لا يحب المخيلة ) صححه الترمذي رقم 2722

"Ilayo mo ang iyong sarili sa kasuotang isbaal, dahilan sa ito ay nagtutulak sa isang tao sa kayabangan, at hindi nalulugod ang Allah sa mga mayayabang."

Pangalawa: Pagsusuot ng Isbaal na walang halong pagmamayabang o pagmamataas - sa kalagayang ito, nagkakaroon ng iba’t ibang pananaw ang mga pantas ng Islam sa tatlong pananaw; May mga nagsabi mula sa kanila na ito ay Haram, may mga nagsabi naman na ito ay Makrooh (di kanais-nais), at ang iba sa kanila ay Jawaz (maaring gawin).

- At ang pananaw ng karamihan sa mga pantas mula sa kilalang (apat na madhhab) ay Jawaz (pinahntulutan).

- Maging si Imam Abu Hanifah ay nagsuot ng kasuotan na ito ay lampas ng bukong-bukong at sumayad sa lupa, at sinabi sa kanya; Hindi bagat pinagbawalan tayo sa ganong bagay? kanyang sinabi: ‘tunay na ito ay ipinagbawal sa mga mapagmayabang at mapagmataas, at tayo ay hindi kabilang doon.” [Ito ay nabanggit ni Ibn Muflih sa aklat na pinamagatang al-adaab ash-shar’iyyah 3/521][at gayundin tingnan ang al-Fataawa al-Hindiyyah5/333].

- Samantalang sa mga iskolar ng Maalikiyyah na tulad nina Ibn al-‘Arabiy at al-Qarraafiy ang kanilang pananaw ay ito ay Haram. Kaya naman sinabi ni Ibn al-‘Arabiy sa aklat na ‘Aaridatul Ahwazhiy 7/238;

"Hindi maari sa isang lalaki na hayaan niya ang kanyang kasuotan hanggang sa ibaba ng bukong-bukong at kanyang sasabihin; ‘hindi naman ako magmamayabang’; dahil ang pagbabawal na nabanggit sa hadith ay pasalita o ‘verbally’ at kukunin niya ang ‘illah’ o katwiran (pagmamayabang o pagmamataas), at hindi maaring kunin ang isang daleel na ito ay pasalita upang gawing hukom at kanyang sasabihin na ako ay hindi katulad nila dahil ang wala sa akin ang ‘illah sa pagbabawal na ito ay ang pagmamayabang o pagmamataas. Dahil ito ay taliwas sa shaa’riah, at hindi tanggap ang kanyang dahilan, ngunit ang sino man may halong pagmamayabang at pagmamataas sa kanyang kasuotan na may isbaal ay pinasinungalingan niya ang bagay na ito ng walang pag-aalinlangan.”

- At ang sabi naman ng ibang iskolar ay ito ay bagay na Makrooh o di kanais-nais at hindi hahantong sa Haraam. Sinabi ni haafizh ibn Abdil Barr sa Tamhid 3/244:

“Ang mga hadith ay batayan lamang sa sino mang nagsuot ng isbaal ng walang halong pagmamayabang o pagmamataas, ay hindi kasama sa nabanggit na parusa sa ibang hadith, ngunit sino man ang magsuot ng isbaal ng walang halong pagmamayabang o pagmamataas ay bagay na hindi kanais-nais sa anumang kapanahonan.”

- Kabilang sa mga pumapanig sa pananaw na ito ay si Imam Shaa’f’iy na kanyang sinabi bilang sipi ni Imam Nawawi (rahimuhumallah);

“Ipinagbawal ang isbaal sa pagsasalah at sa labas ng pagsasalah ng may pagmamayabang, ngunit kung ito ay may pagmamayabang bagay na ito ay ipinagbawal ngunit magaan lamang, sa sinabi ni propeta Muhammad (saw) kay Abu Bakr (radiyallahu ‘anhu) noong sinabi ni Abu Bakr sa kanya; ‘tunay na ang aking izaar (pang-ibabang kasuotan) ay nahuhulog mula sa isa mga binti ko’, at sinabi sa kanya ng Propeta; ‘hindi ka katulad nila (mapagmayabang)” [Majmoo’ 3/177]

- Sa mga iskolar naman na nagsasabi na ito ay pinahintulutan ay tulad ni Shiekh al Islam Ibn Taymiyyah at ang sino mang sumang-ayon sa kaniya.

- Ngunit ang pinakamalakas na pananaw dito ay ang pagbabawal sa gawain na ito, kapag walang halong pagmamayabang ito ay ipinagbawal, batay sa pangkalahatang sinabi ng Propeta (sallallahu ‘alayhi wa sallam):

( ما أسفل من الكعبين من الإزار ففي النار)البخاري رقم 5787

“Ano man ang lumagpas sa bukong-bukong mula sa kasuotan, ito ay impiyerno”

( ثَلَاثَةٌ لَا يُكَلِّمُهُمُ اللهُ يَوْمَ الْقِيَامَةِ، وَلَا يَنْظُرُ إِلَيْهِمْ وَلَا يُزَكِّيهِمْ وَلَهُمْ عَذَابٌ أَلِيمٌ:الْمُسْبِلُ، وَالْمَنَّانُ، وَالْمُنَفِّقُ سِلْعَتَهُ بِالْحَلِفِ الْكَاذِبِ» ) رواه مسلم رقم 106

“Tatlong uri ng tao hindi kakausapin ng Allah sa Araw ng Paghuhukom, ni hindi Niya sila titingnan, ni sila ay hindi lilinisin, at kasaki-sakit na parusa ang kanilang matatamo; Ang al Musbil (nagsusuot na lagpas ng bukong bukong), ang Mannaan (mga taong ipinamukha nila ang kanilang ginawang kabutihan sa iba), at ang mga nagbibinta ng kanilang produkto na may kasinungalingan.”

- At ang mga Ulama sa panahon natin ngayon na tulad nina Shiekh ibn Baz, Shiekh ‘Uthaymin, Shikh Saleh al Fawzaan at iba pa lahat sila ang kanilang pananaw ito ay Haram maging ito man ay walang halong pagmamayabang o pagmamataas.

Batay sa iyong katanungan kapatid, ngayon ito ay malinaw na ito ay ipinagbawal, na ang ibig sabihin nito, isang obligasyon o waajib ang kasalungat dito, waajib ang pagsuot na hindi isbaal o hindi lalagpas sa bukong bukong.

2 – Ayon naman sa sinabi mo;

“kasi may mga ibang kilalang lecturer na nakapagtapos ng mga kilalang mga Islamic University na lagpas sa bukong-bukong ang kanilang mga pantalon o thawb? Napansin ko lang po, na hindi sila ganun kahigpit regarding sa paglagpas ng pantalon sa bukong-bukong at sa hadith regarding dito.”

Sagot: Huwag mong tingnan o sundin ang mga nagtuturo o nangangaral maging sila man ay nakapagtapos sa kilalang Unibersidad, bagkus ang titingnan at ang susundin mo ay kung ano ang sinabi ng Propeta (sallallahu ‘alayhi wa sallam) o batas ng Islam dahil doon ka magtatagumpay. Ang kanilang pagsuway sa isang batas ay sa kanila yon at hindi sa ibang tao. Allahu ‘Alam..

source [http://clive-chanel.tumblr.com]

Monday, September 30, 2013

Superior Days for Righteous Deeds

Verily, the praise belongs to Allah, the Most High, and may the Blessings of Allah and Peace be upon His Prophet Muhammad and his family and companions, all of them.

It is narrated from Ibn Abbas (radhiallahu 'anhu) that the Prophet (peace be upon him) said:
 "There are no days in which righteous deeds done in them are more beloved to Allah than these days (i.e. the ten days of Dhu'l-Hijjah)." They said: "O Messenger of Allah, not even Jihad in the path of Allah?" He said: "Not even Jihad in the Path of Allah, the Most High, except if a man goes out (for Jihad) with his self and his wealth, then he doesn't return with anything from that." 
[Al-Bukhari]

It is narrated from Ibn 'Umar that the Prophet Muhammad (may the blessings of Allah and peace be upon him) said:
"There aren't any days greater, nor any days in which deeds done in them are more beloved to Allah, the Most High, than these ten days (of Dhu'l-Hijjah). So, increase in them the saying of tahlil (la ilaha illallah), and takbir (allahu akbar) and tahmid (alhamdulillah)." 
[Imam Ahmad]

The Types of Deeds in These Ten Days


First: The performance of Hajj and Umrah, and these are the best of deeds that may be done. And what indicates their superiority are a number of ahadith, one of which is the saying of the Prophet (peace be upon him).
Performance of Umrah is an expiation of the sins committed between it and the previous Umrah, and the reward of the Hajj which is accepted by Allah, the Most High, is nothing but Paradise.
[Al-Bukhari and Muslim] 

Second:  Fasting during these days - as many of them as may be easy (for one to fast); especially the Day of Arafah. There is no doubt that the act of fasting is one of the best deeds, and it is from what Allah, the Most High, has chosen for himself, as in the Hadith Qudsi:
"Fasting is for Me, and it is I who give reward for it. Verily, someone gives up his sexual passion, his food and his drink for My Sake ... "
Also, from Abu Sa'id al-Khudri who said that the Messenger of Allah said:
 "No servant (of Allah, the Most High) fasts one day in the Path of Allah, except that Allah, the Most High, removes his face from the Fire because of it (the distance of travelling) seventy years." 
[ Muslim] 

From Abu Qatadah that the Prophet said:
"Fasting the Day of Arafah will be credited with Allah by forgiving one's sins of the previous year and the following year." 
[Al-Bukhari and Muslim] 

Third: At-Takbir (allahu akbar) and adh-dhikr (the remembrance of Allah through different words of praise and glorification) in these (ten) days, Allah said
 "And mention the name of Allah on the appointed days." 
 [Al-Qur'an 12:28]

This has been explained (by some) to mean the ten days (of Dhul-Hijjah), and the scholars consider it desirable to increase adh-Dhikr in these days, based upon the hadith of Ibn 'Umar narrated by Ahmad, which contains the words:
" ... so increase in these days the tahlil and takbir and tahmid ... "
It is reported about Ibn 'Umar and Abu Hurayrah that the two of them used to go out to the market place during the ten days (of Dhu'l-Hijjah) saying allahu akbar, causing the people also to say it.[Al-Bukhari]

Ishaq narrates from the scholars of the Tabi'in that in these ten days they used to say:
"Allahu akbar, allahu akbar, la ilaha illallah wa'llahu akbar, allahu akbar wali'llahi'l-hamd."
It is a beloved act to raise the voice when saying the takbir in the markets, the houses, the streets, the Masjids and other places, because of the saying of Allah, the Most High, in Surah Al-Hajj, verse 37: " ... that you may magnify Allah for His Guidance to you."

The saying of takbir in congregation, i.e. everyone pronouncing the takbir with one voice, is not permissible since this has not been transmitted (to us) from the early generations of the Sahabah and those who followed their ways. Verily, the Sunnah is for everyone to say the takbir individually. And this is (generally) applicable to dhikr and supplications, except if the person doesn't know what to say. In that case he may repeat after someone else until he learns (the words to be said). It is also permissible to make dhikr with all the different wording of takbir and tahmid and tasbih, and the rest of the Islamic legislated supplications (from the Qur'an and Sunnah).

Fourth: At-Tawbah (repentance) and abstaining from disobedience and all types of sins, since forgiveneand mercyare the results of deeds. Disobedience is the cause of being far away (from Allah, the Most High) and repulsion, while obedience is the cause of being near (to Allah, Most High) and His love. In the hadith of Abu Hurayrah he said that the Prophet said:
"Verily Allah has a sense of ghayrah, and Allah's sense of ghayrah is provoked when a person does that which Allah has prohibited." 
[Al-Bukhari and Muslim] 

Fifth: Doing plenty of voluntary (nafl) righteous deeds of worship like prayer, charity, jihad, reading the Qur'an, commanding what is good and forbidding what is evil, and other such deeds.

Verily, these are amongst the deeds that are multiplied in these days. It is during these days that even deeds that are less preferred, are superior and more beloved to Allah than superior deeds done at other times. These deeds are superior even to al-Jihad - which is one of the most superior of all deeds - except in the case of one whose horse is killed and his blood is spilled (i.e. loss of life in Jihad).

Sixth: It is legislated in these days to make at-takbir al-mutlaq  at all times of night and day until the time of the Eid Prayer. Also, at-takbir al-muqayyad  is legislated, and it is done after the (five) obligatory prayers that are performed in congregation. This begins from Dawn (Fajr) on the Day of Arafah (the 9th of Dhu'l-Hijjah) for those not performing Hajj, and from Noon (Dhuhr) on the Day of Sacrifice (10th of Dhu'l-Hijjah) for those performing Hajj (pilgrims); and it continues until 'Asr prayer on the last day of the days oftashriq (13th of Dhu'l-Hijjah).

Seventh: The slaughtering of a sacrificial animal (adhiyah) is also legislated for the Day of Sacrifice (10th) and the days of tashriq (11th, 12th and 13th). This is the Sunnah of our father Ibrahim - when Allah, the Most High, redeemed Ibrahim's son by the great sacrifice (of an animal in his place). It is authentically reported that the Prophet Muhammad slaughtered (sacrificed) two horned rams, black and white in colour, and said takbir (allahu akbar), and placed his foot on their sides (while slaughtering them).[Al-Bukhari and Muslim]

Eighth: Offering animal as udhiya. It has been narrated from Umm Salamah (may Allah be pleased with her) that the Prophet said: "If you see the Hilal (new moon) of Dhul-Hijjah, and any one of you wants to make a sacrifice, then he should not cut (anything) from his hair and his nails."  [Muslim and others.And in one narration, he said: "Then he should not cut (anything) from his hair, nor from his nails, until he performs the sacrifice. Perhaps this is because of the similarity with the one who is bringing a sacrificial animal for slaughter (in Hajj). As Allah, the Most High, said: 'And do not shave your heads until the hadiye (sacrifice) reaches the place of sacrifice ... ' "

The apparent meaning of this prohibition is that it is particularly for the one whom the sacrifice is for, and does not include the wife or children, unless there is an individual sacrifice for one of them. There is no harm in washing the head, or scratching it, even if hairs may fall out.

Ninth: It is incumbent for the Muslim (who is not performing Hajj) to make every effort to perform the Eid Prayer wherever it is performed, and to be present for the Khutbah and benefit.

He must know the wisdom behind the legislation of this Eid (celebration). It is a day of thankfulness and performing deeds of righteousness. So, he must not make it a day of wildness, pride and vanity. He should not make it a season for disobedience and increase in the forbidden things like music and singing, uncontrolled amusement, intoxicants and the like - those things which could cause the cancellation of the good deeds done in these days (of Dhu'l-Hijjah).

Tenth: After what has been mentioned, it is fitting that every Muslim, male and female, take advantage of these days by obeying Allah,the Most High, remembering Him, thanking Him, fulfilling all the obligatory duties, and staying far away from the prohibited things. He must take full advantage of this season, and the open display of Allah's gifts, to attain the pleasure of his Lord.

Surely, Allah, the Most High, is the One Who grants success, and He is the Guide to the Straight Path. And may the blessings of Allah, the Most High, and peace be upon Muhammad and his family and companions!

Sunday, September 29, 2013

Three Conditions to Acquire Excellent Character

This is one example of the excellent character with which Allâh, the Exalted, has equipped his Messenger (صلى الله عليه وسلم). He described him as,

“Verily, you (Muhammad) are on an exalted standard of character.”
[Al-Qalam (68): 4]

‘Â’ishah (radiyAllâhu ‘anhâ), described him as,

“His character was just [a reflection of] the Qur’ân.”
[Muslim, Abû Dâwûd, Ahmad]

Such excellent character cannot be attained without three conditions:

1. The foundation must be good. If one has a rough and dry nature, it will be hard for him to submit to this [excellence of character] through knowledge, will, or practice. On the other hand, a mild and smooth nature will be ready and willing to receive the plowing and the seeds [to prepare it for character excellence].

2. The soul must be strong and capable of conquering calls of laziness, transgression, and desire. Those matters contradict perfection, and souls that cannot defeat them will always be defeated and conquered.

3. [One must possess] a discerning knowledge of the truth of matters, enabling one to put them in the rightful position, and to distinguish between flash and cancer - between glass and jewels.

If these three qualities are present in a man, and Allâh’s facilitation helps him, then he will be among those whom the best (husnâ) has been decreed and for whom Allâh’s care has been secured.


Ibn al-Qayyim al-Jawziyyah (Rahimallaahu)
Excerpted from his Risâlat-ut-Tabûkiyyah.

Ang ilang mga alituntunin ng Udhiyyah at Pagkakatay

Ang lahat ng papuri at pasasalamat ay sa Allah lamang, ang Panginoon ng lahat ng nilalang, nawa'y ang pagpapala at kapayapaan ay makamit ng pinuno ng mga Sugo (Muhammad e )…

Ito ay ilang mga alituntunin ng Udhiyyah + at pagkakatay na tinipon mula sa Aklat na pinamagatang "Ang mga alituntunin ng Udhiyyah at pagkakatay", na inihanda ni Shaikh: Muhammad bin Salih Al-Uthaimeen (nawa'y kahabagan siya ng Allah).

Ang kahulugan ng Udhiyyah:

Ito ay ang hayop na kinakatay (tulad ng, kamelyo, baka, tupa at kambing) sa mga araw ng Eidul - Adha dahil sa pagsapit ng araw ng Eid (ika-10 araw sa Dhul-Hijjah) bilang pagpapalapit sa Allah (ang Kapita-pitagan, ang Kataas-taasan), at ito ay isa sa mga lehitimong simbulo ng Islam na matutunghayan sa Qur'an at sa Sunnah. At nagkaisa ang mga Pantas ng mga muslim sa pagkalehitimo nito (Al-Ijma').

Ang Allah ay nagsabi: {فَصَلِّ لِرَبِّكَ وَانْحَرْ} {Samakatuwid, magsagawa ng dasal para sa iyong Panginoon, at (sa Kanya lamang) maghandog ng hayop } Al-kauthar (108): 2

At sinabi pa Niya: {قُلْ إِنَّ صَلاَتِي وَنُسُكِي وَمَحْيَايَ وَمَمَاتِي لِلّهِ رَبِّ الْعَالَمِينَ} {Sabihin (O Muhammad e): Katotohanan, ang aking dasal, paghahandog, buhay at kamatayan ay para sa Allah (lamang), ang Panginoon ng lahat ng nilalang} Al-An'am (6): 162

Sa Sunnah, matutunghayan sa Sahih (mapapanaligang salaysay) ni Bukhari at Muslim mula sa ulat ni Anas bin Malik, kanyang sinabi: [Nag-alay ang Sugo ng Allah (e) ng dalawang tupa na ang mga balahibo nito'y kulay puti at itim, siya mismo ang kumatay nito, at kanyang sinambit ang Pangalan ng Allah at nagtakbeer (Bismillaahi Allahu Akbar), at dinaganan niya ng kanyang paa ang tagiliran nito.]

At si Abdullah bin Umar (nawa'y kalugdan silang dalawa ng Allah) ay nag-ulat; kanyang sinabi: [Nanatiling nag-aalay ang Sugo ng Allah sa loob ng sampung taong ipinamalagi niya sa Madinah.] Isinalaysay ni Ahmad at Tirmethi.

Ang wastong katuruan sa Udhiyyah: Ito ay lehitimong tungkulin lamang ng mga buhay, tulad ng nakagawian ng Sugo (Muhammad e) at ng mga Sahabah (tagasunod ng Propeta), sila ay nag-aalay para sa kanilang sarili at mga pamilya. At tungkol naman sa pag-aakala ng ibang tao na ang Udhiyyah ay maaaring ibukod-tangi sa mga patay, ito ay walang batayan. Ngunit hindi rin naman masama ang mag-alay para sa kanila (mga patay) kung isabay sa mga buhay. Ang halimbawa nito: Isasapuso ng isang tao na siya ay mag-aalay para sa kanyang pamilya na sama-sama na rito ang buhay at patay, o di kaya'y kusang-loob siyang mag-aalay para sa mga patay na hiwalay sa mga buhay.

Ang Mga Kondisyon Sa Udhiyyah:

1. Isang hayop; ito ay ang Kamelyo, Baka, Tupa o Kambing. 2. Umabot sa itinakda na lehitimong gulang: Para sa Tupa, dapat bata pa ito, at ang wastong kabataan nito ay ang umabot ng isang taon at kalahati. At para sa iba, kailangang nasa wastong gulang ito. Ang wastong gulang para sa Kamelyo: kailangang umabot ito ng limang taon. Ang wastong gulang para sa Baka: kailangang umabot ito ng dalawang taon. At ang wastong gulang para sa Kambing: kailangang umabot ito ng isang taon. 3. Malaya sa anumang kapintasan: tulad ng pilay, bulag, masasakitin at payat. 4. Pag-aari mismo ng nag-aalay. 5. Maialay ito sa tamang oras na itinakda: Ito ay pagkatapos ng Salah sa Eid sa araw ng Nah'r (ika-10 sa Dhul-Hijjah) hanggang sa paglubog ng araw sa huling mga araw ng Tashriq (ika-13 araw). At ipinahihintulot ang pagkatay ng Udhiyyah maging sa umaga man o sa gabi. Ngunit ang pagkatay sa umaga ay mas mabuti. At ang pinakamainam sa lahat ng mga oras nito ay sa araw ng Eid pagkatapos na pagkatapos ng dalawang Khutbah (talumpati).

Ano Ang Mga Dapat Iwasan Ng Taong May Balak Mag-alay.

Kapag nais niyang mag-alay at sumapit na ang buwan ng Dhul Hijjah, ipinagbabawal sa kanya na kumuha ng anuman sa kanyang buhok , mga kuko at balat hangga't hindi niya naihahandog ang kanyang alay. Batay sa isang Hadith na naiulat ni Ummu Salamah. [ Ang Propeta (e) ay nagsabi: " Kapag sumapit na ang (unang) sampung araw at nais ng isa sa inyo na mag-alay, magkagayon hayaan niya ang kanyang buhok at mga kuko."] Isinalaysay ni Muslim at Ahmad.

Ang alituntuning ito ay sumasaklaw lamang sa taong nag-aalay mismo, at hindi nasasaklawan ng kabawalang ito ang sinumang isinasama lang. At kung sakali mang ang taong nais mag-alay ay nakakuha ng anuman sa kanyang buhok o kuko. Magkagayon dapat niyang pagsisihan ito sa Allah, at hindi makakahadlang iyon sa kanyang pag-aalay. At kung nangyari man iyon sanhi ng pagkalimot o kawalan ng kaalaman, siya ay walang sala.

Ang Mga Kondisyon Ng Pagkakatay:

1. Ang tagapagkatay ay may sapat na pag-iisip at pang-unawa. 2. Ang tagapagkatay ay isang Muslim o angkan ng kasulatan (Hudyo o Kristiyano). 3. Maisapuso ang pagkakatay. 4. Ang pagkatay ay hindi maibaling sa kaninuman maliban sa Allah. 5. Ang di sumambit ng anumang pangalan maliban sa Pangalan ng Allah. 6. Ang ipangkatay ay isang matalim na bagay. 7. Ang sambitin ng tagapagkatay ang Pangalan ng Allah. Samakatuwid ang kanyang sasambitin sa pagkatay (Bismillaah). 8. Ang bumulwak ang dugo sa pamamagitan ng pagkatay. 9. And hayop na kakatayin ay lehitimong ipinahihintulot.

Mga Magagandang Asal Sa Pagkakatay:

1. Ang iharap sa Qiblah ang hayop na kakatayin. 2. Ang pagbutihin ang pagkakatay. 3. Ang lalaslasin ang lalamunan (na siyang daanan ng hangin papuntang baga), ang esopago (na siya namang daanan ng pagkain at inumin), at ang isa sa dalawang malaking ugat sa leeg. 4. Ang sambitin ang Allaahu Akbar pagkatapos ng Bismillaah. 5. Ang sambitin ang Pangalan ng Allah bago tuluyang katayin ang Udhiyyah nang ganito : "Bismillaahi wallaahu Akbar, allaahumma minka wa laka `anni, allaahumma taqabbal minni".

Kung ito'y para sa kanya, at kung para sa iba ay ganito : " Bismillaahi wallaahu Akbar, allaahumma minka wa laka `an fulan, allaahumma taqabbal min fulan." Ang Mga Makrooh (di kanais-nais) Sa Pagkakatay:

1. Ang pagkatay sa pamamagitan ng mapurol na patalim. 2. Ang gumawa ng isang gawaing nakasasakit dito (sa kinakatay) pagkatapos ng pagkatay, tulad halimbawa na ang leeg nito ay babaliin, balatan o putulin ang isang bahagi nito bago malagutan ng hininga.

Isinalin sa Tagalog ni: Muhammad Taha Ali