Wednesday, April 2, 2014

"Ang Tatlo na Mayroon ang Isang Muslim! "

  • عن عمر رضي الله عنه أيضا ، قال : بينما نحن جلوس عـند رسـول الله صلى الله عليه وسلم ذات يوم اذ طلع علينا رجل شديد بياض الثياب ، شديد سواد الشعر لا يرى عليه أثـر السفر ولا يعـرفه منا احـد. حتى جـلـس إلى النبي صلي الله عليه وسلم فـأسند ركبـتيه إلى ركبتـيه ووضع كفيه على فخذيه، وقـال: " يا محمد أخبرني عن الإسلام ".

    فقـال رسـول الله صـلى الله عـليه وسـلـم :(الإسـلام أن تـشـهـد أن لا إلـه إلا الله وأن محـمـد رسـول الله وتـقـيـم الصلاة وتـؤتي الـزكاة وتـصوم رمضان وتـحـج البيت إن اسـتـطـعت اليه سبيلا).
    قال : صدقت. فعجبنا له ، يسأله ويصدقه ‍‍‍‍‍‍‍‍‍‍‌‌‌؟
    قال : فأخبرني عن الإيمان .
    قال : أن تؤمن بالله وملائكته وكتبه ورسله واليوم الاخر وتؤمن بالقدر خيره وشره .
    قال : صدقت .
    قال : فأخبرني عن الإحسان .
    قال : ان تعبد الله كأنك تراه ، فإن لم تكن تراه فإنه يراك .
    قال : فأخبرني عن الساعة .
    قال : "ما المسؤول عنها بأعلم من السائل "
    قال : فأخبرني عن أماراتها .
    قال : " أن تلد الأم ربتها ، وان ترى الحفاة العراة العالة رعاء الشاء يتطاولون في البنيان"
    ثم انطلق ، فلبثت مليا ،ثم قال :" يا عمر أتدري من السائل ؟"
    قلت : "الله ورسوله أعلم ".
    قال : فإنه جبريل ، اتاكم يعلمكم دينكم " [رواه مسلم]


Ulat din mula kay Umar bin Al-Khattab رضي الله عنه kanyang sinabi:

" Isang araw habang kami ay nakaupo kasama ang Sugo ng Allaah  صلى الله عليه وسلم, biglang dumating sa amin ang isang tao na nakasuot ng napakaputing  damit at napakaitim ang buhok, hindi makikita sa kanya ang bakas ng paglalakbay at kahit isa sa amin ay walang nakakakilala sa kanya. Siya ay umupo na malapit sa Propeta  صلى الله عليه وسلم at idinikit ang dalawang tuhod sa dalawang tuhod [ng Propeta] at inilagay ang dalawang palad sa dalawang hita at sinabi:"O Muhammad! Sabihin mo sa akin ang tungkol sa Islam? Sinabi ng Sugo ng Allah: ((Ang Islam ay: ang iyong pagsasaksi na walang Diyos na dapat sambahin maliban sa Allah at katotohanan si Muhammad ay Sugo ng Allah, at pagsasagawa mo ng pagdarasal [Salah], at pagbibigay mo ng Zakat [katungkulang kawang-gawa],at pag-aayuno mo sa [buwan ng] Ramadhan, at pagsagawa mo ng Hajj sa bahay [dalanginan sa Makkah] kung may kakayahan kang maglakbay dito)). Ang estranghero ay nagsabi:"Tama ang iyong tinuran". Sinabi [ni Umar]:" kami ay nagtaka sa kanya; siya'y nagtatanong at pagkatapos ay sasabihing "tama ang iyong tinuran". [ang estranghero naman ay] nagsabi:" Sabihin mo sa akin ang tungkol sa Eeman [Pananampalataya]?,sinabi [ng Propeta]: ((ito ang iyong: paniniwala sa Allah, sa Kanyang mga Anghel, at sa Kanyang mga aklat [kasulatan at rebelasyon], at sa Kanyang mga Sugo at sa Huling Araw, at ang iyong paniniwala [pagtanggap] sa takdang kapalaran; mabuti nito at masama)). Ang estranghero ay nagsabi:"Tama ang iyong tinuran". Sinabi [naman] niya:" Sabihin mo sa akin ang tungkol sa Al-Ihsan?, sinabi [ng Propeta]: ((ito ang iyong pagsamba sa Allah na para bang nakikita mo Siya, Bagama't hindi mo man Siya nakikita; tunay na Siya ay nakakakita sa iyo)). Ang estranghero ay nagsabi:"Tama ang iyong tinuran". Sinabi niya:" Sabihin mo sa akin ang tungkol sa Araw ng Paghuhukom?, sinabi [ng Propeta]: (( Ang tinatanong ay hindi higit na nakakaalam kaysa nagtatanong)). Sinabi [ng estranghero]:"Sabihin mo sa akin ang mga palatandaan nito?, sinabi ng Propeta: ((Kapag nagkaanak ang aliping babae sa kanyang amo,at kapag ang mga pulubi [na halos nakahubad na dahil sa hirap] na naglalakad ng walang sapatos, mga nag-aalaga lang ng mga tupa ay mag-uunahan na silay kung sino ang may mataas na gusali [palasyo] dail sa yaman)). At pagkatapos ay lumisan na [ang estranghero], pagkaraan ng ilang sandal,sinabi [ng Propeta] sa akin:" O Umar! Kilala mo ba kung sino yaong nagtanong?". Aking sinabi:" Ang Allah at Kanyang Sugo ang higit na nakababatid. Kanyang sinabi: ((Siya si Anghel Gabriel, dumating sa inyo upang kayo ay turuan sa inyong pananampalataya)).

[ Isinalaysay ni Muslim (8)]

 * Ang Hadith na ito ay napakahalaga, saklaw nito ang ganap na paliwanag sa pananampalataya, kaya sinabi ng Propeta   صلى الله عليه وسلم sa huling bahagi ng Hadith na ito: (Siya si Anghel Gabriel, dumating sa inyo upang kayo ay turuan sa inyong pananampalataya) pagkatapos niyang ipaliwanag ang antas ng Islam,Eeman [paniniwala] at antas ng Ihsan, tinawag ang lahat ng ito na pananampalataya.)

* Islam: Ito ay mga hayag na gawain ng tao at mga salita ayon sa pakahulugan dito ng Propeta; ang pinakauna ay pagsaksi na walang Diyos na dapat sambahin liban sa Allah at katotohanan si Muhammad ay Sugo ng Allah- at ito ay gawain ng dila- unang haligi ng Islam; at pagkatapos ay pagdarasal [Salah], at pagbigay ng Zakat [katungkulang kawang-gawa], at pag-aayuno sa Buwan ng Ramadhan at pagsagawa ng Hajj sa bahay [dalanginan sa Makkah] kung may kakayahan kang maglakbay dito,- ito naman ay nahati sa tatlo: gawain ng katawan tulad ng pagdarasal [Salah] , pag-aayuno; at gawaing may kinalaman ang yaman: ito ang pagbibigay ng katungkulang kawang-gawa, at gawaing saklaw ang huling dalawang nabanggit: ito ang pagsagawa ng Hajj sa bahay [dalanginan sa Makkah] para sa taong malayo ang pinanggagalingan sa Makkah-. sa pagdarasal ang pangalawang haligi ng Islam; dapat alinsunod sa paraang itinuro ng Propeta  صلى الله عليه وسلم, kanyang sinabi: 

(Magdarasal [Salah] kayo nang katulad ng inyong nakita na aking pagdarasal) 

[Al-Bukhari: 631]

At nasa takdang oras nito na siyang sinabi ng Allaah sa Qur'an: ((Katotohanan, ang pagdarasal [ ay isang tungkulin na] itinagubilin para sa mga mananampalataya sa mga itinakdang oras nito)).

[An-Nisa:103].

Ang ikatlong haligi ng Islam ay katungkulang kawang-gawa [Zakat], ito ay tungkulin at karapatan sa kayamanan ng mga mayayaman para sa mga mahihirap, sinabi ng Allaah عز وجل :

 ((At yaong sa [kanilang] yaman ay may [pagkilala sa ]karapatan,[nauukol] para sa mga namamalimos at mga kapus-palad)).

[ٍSurah Al-Maarij : 24-25].

Ang sinumang ibigay ito nang bukal sa kanyang kalooban; ito ay katanggap-tanggap.

Ang Ikaapat na haligi ay pag-aayuno sa buwan ng Ramadhan: ito ay tungkulin ng bawat muslim, sinabi ng Allaah عز وجل:

((kayat, sinuman sa inyo ang nakatanaw sa bagong buwan ng ramadhan, siya ay nararapat na mag-ayuno…))

[Surah Al-Baqarah:185].

Ang ikalimang haligi ay pagsasagawa ng Hajj ng sinumang may kakayahang isagawa ito, sinabi ng Propeta: (O mga tao, tunay na itinagubilin sa inyo ng Allaah عز وجل ang Hajj; kaya nararapat na ito ay isagawa ninyo at tumayo ang isang lalaki: " bawat taon ba ito O Sugo ng Allaah? Nanahimik [ang Propeta] hanggang sa nasabi ito ng lalaki ng tatlong ulit at sinabi ng Sugo ng Allaah صلى الله عليه وسلم : ( Kung sinabi ko lang na "Oo" tunay na ito ay magiging obligado [taon-taon] at hindi ninyo kayang isagawa).-[Muslim:1337].

At ang nagpapatunay na ang lahat ng hayag na gawain ay sakop ng salitang ISLAM ay ang sinabi ng Propeta صلى الله عليه وسلم ( Ang Muslim ay ang sinumang nalampasan ng mga muslim ang kamandag ng kanyang dila at kamay).  -[Al-Bukhari (1/53-Fat'h),Muslim (400].

At nang tanungin siya ng isang lalaki kung ano ang mainam sa Islam? Kanyang sinabi: (Ang magpakain ka ng pagkain, at pagbati mo ng Salaam para sa taong kilala mo at hindi mo kilala).- Al-Bukhari [1/55-Fat'h], Muslim [10113].

At gayundin ang pag-iwas sa mga ipinagbabawal na bagay ay sakop din ng salitang Islam, tulad ng naiulat mula sa Propeta صلى الله عليه وسلم, katotohanan kanyang sinabi:

( kabilang sa mabuting pagiging Muslim ng tao ay ang pag-iwan [pag-iwas] niya sa bagay na wala siyang kinalaman dito).

 -Isinalaysay ni At-Tirmizi.

 * At tungkol naman sa Eeman [paniniwala]: ay mga paniniwala ng puso ayon sa paliwanag ng Propeta صلى الله عليه وسلم, kaya kanyang sinabi: (ito ang iyong: paniniwala sa Allaah, sa Kanyang mga Anghel, at sa Kanyang mga aklat [kasulatan at rebelasyon], at sa Kanyang mga Sugo at sa Huling Araw, at ang iyong paniniwala [pagtanggap] sa takdang kapalaran; mabuti nito at masama). Katotohanan binanggit din ng Allah ang limang pangunahing paniniwala sa maraming taludtod ng Qur'an; tulad ng kanyang sinabi: ((Ang Sugo [si Muhammad] ay naniniwala sa anumang ibinaba [ipinahayag] sa kanya mula sa kanyang panginoon at gayundin ang mga naniniwala. Silang lahat ay naniniwala ay naniniwala sa Allah at sa Kanyang mga Anghel, sa Kanyang mga aklat, at sa Kanyang mga Sugo.)). Al-Baqarah [285]. At sa iba pang mga taludtod na tulad nito mula sa Qur'an. Ang paniniwala sa mga Sugo ay nangangailangan nang paniniwala sa lahat nang kanilang ipinarating na paniniwala sa mga Anghel, mga Propeta, Aklat, muling pagkabuhay, takdang kapalaran at iba pa mga paniniwalang kanilang ipinarating sa kanilang mga sambayanan at sa lahat ng sangkatauhan tulad nang tunay na katangian ng Allaah, at katangian ng Huling Araw, tulay na tatahakin nang mga tao, timbangan, Paraiso at Impiyerno.

* Ang paniniwala sa takdang kapalaran [kahihinatnan] ay binubuo ng dalawang antas:

1- Ang paniniwala na katotohanan ang Allaah ay nauna na niyang batid ang anumang gagawin ng kanyang mga alipin; ito man ay mabuti o masama, pagsamba man o pagsuway bago ang Kanyang paglikha sa kanila, at batid na niya kung sino sa kanila ang makakapasok ng Paraiso at sino sa kanila ang makakapasok ng Impiyerno. Inihanda niya para sa kanila ang mabuting gantimpala at kaparusahan bilang gantimpala at kabayaran sa kanilang mga ginawa; lahat ng ito ay batid Niya bago pa sila likhain at tunay na ito ay nakasulat.

2- Tunay na nilikha ng Allaah ang lahat ng gawain nga mg aalipin; pagsunod o pagsuway, pananampalataya o hindi paniniwala at kabilang ang lahat ng ito sa kanyang nakatakda sa kanila. At ang antas na ito ay pinapatunayan nang Ahlus Sunnah samantalang itinatakwil ito ng Qadariyah , at ang unang antas ay pinapatunayan nang marami sa Qadariyadh at itinatakwil naman nang mga nagmalabis sa kanila tulad ni Ma'abad Al-Juhani, Am'r bin Ubaid at iba pa. Ang sinumang hindi maniwala sa ating nabanggit ay katotohanan siya ay tumanggi sa pananampalataya at pinasinungalingan ang Qur'an.

Ang Eeman ay binubuo ng salita, gawa at layunin at lahat ng gawain ay saklaw nito ayon sa napagkaisahan ng mga eskolar mula pa noong panahon ng mga Sahabah. At binalaan ng mga naunang eskolar ang sinumang nagsasabing hindi saklaw nang Eaman ang mga gawa, at sinabi ni Sufyan At-Thawri tungkol sa nagsasabing hindi kasama ang mga gawa sa salitang Eeman: " ito ay panibagong opinyon na salungat sa aming inabutang paniniwala ng mga tao". Ang nagpapatunay na saklaw ng Eeman ang mga gawain ay ang hadith ng propeta sa pag-uulat ni Abu Hurairah, sinabi ng Propeta صلى الله عليه وسلم : (Ang Eeman [paniniwala] ay mahigit pitumpo- o mahigit animnapung bahagi, ang pinakamainam nito ay pagsabi ng :" LA-ILAAHA ILLALLAAH [walang Diyos na dapat sambahin maliban sa Allah] at ang pinakamababa ay pagtanggal ng nakasasakit sa daan at ang pagkamahiyain ay isang bahagi ng Eeman).-[Al-Bukhari: 1/51- Fat'h,Muslim: 35] at iba pang katibayan.

 * Sa Hadith na ating paksa; magkahiwalay ang pagbanggit ng Propeta sa Eeman at Islam, lahat nang mga gawa ay kanyang binanggit sa salitang Islam; at ang mga paniniwala na gawain ng puso ay siyang laman ng salitang Eeman; sapagkat ang dalawang salitang ito [Eeman at Islam] kapag magkasabay nabanggit sa iisang panahon ay may pagkakaiba, at kung alin man dito ang nabanggit ay saklaw na ang siyang hindi nabanggit.

Sinabi ni Ibn Rajab Al-hanbali:

" Ang Eeman ay paniniwala ng Puso, pagsang-ayon nito at kaalaman, at ang Islam ay pagsuko ng alipin sa Allah at pagtalima niya sa [Kanyang kautusan]".

[ Jamiul Ulum wal Hikam:57]. 

Kapag nagdarasal sa patay ang Propeta ang kanyang panalangin ay :

(O Allaah, sinuman ang buhayin mo sa amin ay buhay mo [na napapaloob] sa Islam, at sinuman ang bawian mo ng buhay; bawian mo siya ng buhay na [napapaloob] sa Eeman).

[Sahih Al-Wabil As-Sayyib: 269].

Magkagayunman; mababatid natin na lahat ng Mu'min [ may ganap na pananampalaya at pag-sunod] ay Muslim kapag naisakatuparan niya ang Eeman at tumatag sa kanyang puso at naisagawa ang mga gawain ng Islam. At hindi matatamo ng Puso ang tunay na Eeman [pananampalataya] maliban kung naisagawa ng buong katawan ang gawain sa islam. At hindi lahat ng Muslim ay Mu'min; sapagkat maaaring mahina ang kanyang pananampalataya at mahina rin ang pagsasakatuparan ng kanyang tungkulin, Gayun pa man ; siya ay Muslim subali't hindi pa siya matatawag na Mu'min [may ganap na pananampalataya], at bilang patunay sa ating salaysay, sinabi ng Allaah:

((Ang mga arabong Bedouin ay nagsasabi: "kami ay naniniwala", sabihin mo: "Hindi pa kayo [lubos] na naniwala, nguni't [sa halip]sabihin ninyo:" Kami ay tumalima [naging Muslim]".

[Al-Hujurat:14]

Hindi naman sila naging mga Munafiq [mapagkunwari] subali't mahina lamang ang kanilang paniniwala [Eeman]. Ang paniniwala at pananampalataya na nasa puso ng mga tao ay magkakaiba ng antas kaya ang Eeman na nasa puso ng mga Siddiqin [lubos na matatapat] ay walang halong pag-aalinlangan kahit bahagya hindi katulad ng Eeman ng iba, at dahil dito; pagkatapos maitanong ni Anghel Gabriel ang Islam at Eeman, kanyang itinanong ang tungkol sa Ihsan na siyang may mataas na antas at sinabi ng Propeta صلى الله عليه وسلم na ito ang pagsamba ng alipin na para bang nakikita niya ang kanyang Panginoon; at hindi ito nangyayari sa lahat ng mga mananampalataya. Dahil dito sinabi ng ibang kasamahan ng Propeta:" Hindi kayo naunahan [nalamangan] ni Abu Bak'r dahil sa pag-aayuno o pagdarasal, bagkus ito ay dahil sa ganap na pananampalataya sa kanyang puso. At minsan itinanong kay Ibn Umar [رضي الله عنه] kung tumatawa rin ba ang mga Sahabah? Siya ay nagwika: " Oo, gayunpaman, tunay na ang Eeman sa kanilang mga puso ay kasinlaki ng mga bundok". 

ANG MGA HALIGI NG PANANAMPALATAYA

1-Ang Paniniwala sa kaisahan ng Allaah.
2-Ang Paniniwala sa mga Anghel.
3-Ang Paniniwala sa mga Kasulatan.
4-Ang Paniniwala sa mga Sugo.
5-Ang Paniniwala sa Kabilang buhay.
6-Ang Paniniwala sa Itinakdang kapalaran, ang mabuti at masama nito.

1- ANG PANINIWALA SA ALLAAH: Ang paniniwala sa Allah ay ang wagas na Pananampalataya at Paniniwala sa pagka-Panginoon ng Allah, ang tanging Namamahala, Nagmamay-ari at lumikha sa lahat ng bagay. Katunayan, Siya lamang ang karapat-dapat pag-ukulan ng pagsamba. at ang may ganap na katangian. Luwalhatiin Siya sa lahat ng kakulangan at kapintasan, kaya dapat lang na panatiliin ito at maging tapat sa pagsagawa nito.

Ang paniniwala sa Allaah ay sumasaklaw sa apat na bagay:

[A] Ang paniniwala sa pagkaroon ng Allaah. Ang pagkaroon ng Allaah ay napatutunayan sa mga sumusunod na babanggitin: Sa fitrah / kaisipan / batas /at sa pangdamdam.

1-Ang patunay nito sa Fitrah: Sa Katunayan, ang lahat ng nilalang ay likas na nilikha na taglay nya ang Fitrah (ang paghahanap at paniniwala sa Tagapaglikha) hindi na kailangang pairalin pa ang isipan dito, at bigyan ng masugid na pag-aaral. At ito’y hindi lamang kusang nawawala   at naibabaling sa iba, maliban kung may panibag ong nagaganap sa kanyang kalooban, at ito’y maging dahilan ng kanyang paglihis mula rito. Dahil ang Propeta (صلى الله عليه وسلم) ay nagsabi: (Ang lahat ng ipinapanganak ay ipinanganganak sa Fitrah (Islam), Samakatuwid ang kanyang dalawang magulang ang nagtatakda ng kanyang pagiging Hudyo, Kristiyano at Pagano). [Isinalaysay ni Al Bukhari]

2-Ang patunay nito sa kaisipan: Ang lahat ng nilikhang ito, ang mga nauna at ang sumunod pa rito, dapat lang na may lumikha at gumawa nito. ni hindi maaring magkaroon ang isang may buhay, na siya mismo ang lumikha sa kanyang sarili, at hindi rin  ito maari na bigla na lamang na magkakaroon. Ang mga ito ay hindi nilikha ng walang pinagmulan, at hindi rin sila ang lumikha sa kanilang sarili. At ito ay pinatutunayan ng Quran, ang Allaah ay nagsabi:

{Sila ba ay nilikha nang walang pinagmulang bagay, o sila ba ang tagapaglikha ng kanilang sarili}

[Surah At-Tur : 35]

3-Ang patunay nito sa batas: At dahil sa ang lahat nang kasulatang pangkalangitan ay nagsasabi nito. at sa mga naihatid nito (mula sa mga wastong pananalig na naglilinis ng kalooban) at sa mga matuwid na alituntunin nito na sumasaklaw sa lahat ng ikakabuti ng nilalang. Ito’y nagpapatunay lamang na ang lahat nang mga ito ay nagmula sa nag-iisang Panginoon, na ganap sa paggawa at ang tanging nakakaalam sa ikabubuti ng Kanyang mga nilikha. at gayon din sa mga naihatid nito tungkol sa mga pangkalawakang balita na siya namang napatunayan sa kasalukuyan, na ang lahat ng ito ay pawang katotohanan. Ito’y nagpapatunay lamang na mayroong nag-iisang Panginoong makapangyarihan ang tanging may kakayahang lumikha sa lahat ng Kanyang tinuran at ginusto.

4-At tungkol naman sa patunay nito sa pangdamdam ay may dalawang bahagi:

1-Katotohanan, tayong lahat ay nakakarinig at nakakasaksi sa mga katuparan ng kahilingan ng taong humihiling,at ng mga taong humihiling para sa ikagagaan ng kanilang paghihirap.

Ito’y nagpapatunay nang walang pag-aalinlangan sa pagkaroon ng Allaah. at sadyang ito'y pinatunayan na ng Quran at ng Sunnah. Gaya ng sinabi ng Allaah:


{At si Nuh, (tandaan) noong siya ay nanawagan noon, at Aming tinugunan sa kanya}.

[ Surah Al anbiyaa’ : 76]

At sa Sunnah, tungkol naman ito sa kuwento ng isang arabo, nang siya ay pumasok sa Masjid sa araw ng Biyernes, at kanyang hiniling sa Sugo ng Allaah (صلى الله عليه وسلم) na humiling ito sa Allaah ng ulan para sa kanila .

2-Ang mga tanda ng mga Propeta na tinatawag na Mua’jizat (Kapangyarihan) at ito ay tunay na nasaksihan ng mga tao o kanilang narinig. Ito’y nagpapatunay lamang sa pagkaroon ng Nagsugo sa kanila, na walang iba kundi ang Alalah عز وجل. dahil ang lahat ng mga ito ay mga bagay na humihigit sa kakayahan ng tao. At ito ay himala ng Allah upang maging katibayan at gabay ng Kayang Sugo sa kanyang pagka-Propeta at ito’y nakakatulong sa kanila. Ang mga halimbawa nito: Si Muosa (Alaihi salam) nang kanyang hampasin ang dagat at ito’y nahati nang parang daan. Si Eisa (Alaihis salaam) ay nagbubuhay ng patay (sa kapahintulutan ng Allaah). Si Muhammad (salla Allaahu alaihi wasalaam) ay kanyang itinuro ang buwan at ito’y nahati ng dalawang bahagi.

[B] Ang paniniwala sa Kanyang (Allaah) pamamahala: Ang ibig sabihin nito: Siya lamang ang kaisa-isang Panginoon na namamahala, wala Siyang katambal at wala Siyang kasama na tumutulong sa Kanya (Tawheed Ar-Rubuobiyyah). Ang “Rab” ay ang sinumang nagmamay-ari ng nilalang, kaharian at ng lahat ng bagay. Ang Allaah ay nagsabi:

{Katiyakan, pagmamay-ari Niya ang nilalang at ang kautusan}

[Surah Al-A’raf : 54]

 [C] Ang paniniwala sa Kanyang pagka-Diyos: Ang ibig sabihin nito: Siya lamang ang kaisa-isang tunay na Diyos na karapat-dapat pag-ukulan ng pagsamba, wala Siyang katambal (Tawheed Al-Uluohiyyah). Ang ibig sabihin ng “ilaah” ay ang tanging pag-uukulan ng pagmamahal at pagsamba. Sinabi ng Allaah:

{At ang inyong Panginoon ay iisa, walang Diyos maliban sa Kanya (Allah), ang Mapagpala, ang Mahabagin}

[Surah Al Baqarah : 163]

[D] Ang paniniwala sa Kanyang mga pangalan at katangian: Ang ibig sabihin nito: ang pagpapatunay sa mga pinatutunayan ng Allaah sa Kanyang sarili sa Quran, o sa Sunnah ng Kanyang Sugo (صلى الله عليه وسلم) tungkol sa mga pangalan at katangiang na naaangkop lamang sa Kanya., nang walang pagpapalit ng kahulugan, ni-walang pagtatanggi ng kahulugan, ni-walang paglalarawan ng kahulugan, at walang paghahalintulad. Sinabi ng Allaah sa Qur’an:


{At taglay ng Allah ang mga magagandang pangalan, kaya manawagan kayo sa kanya sa pamamagitan ng mga ito}.

[Surah Al-A’raf : 180]

At sinabi pa Niya: 


{Walang anumang bagay na kasing tulad Niya, at Siya ay ang Nakakarinig, ang Nakakakita}

[Ash-Shura: 11]

(Tawheed Al-Asma’ was Sifaat) Ang paniniwala sa Allah ay nagdudulot ng magagandang bagay sa buhay ng Mananampalataya.

Ang ilang mga halimbawa nito ay ang mga sumusunod:

1-Napatutunayan ang kaisahan ng Allaah dahil sa Kanya lamang naiuukol ang pagmamahal at takot, at ang hindi pagsamba sa anumang diyus-diyosan maliban sa kanya.

2-Nagiging ganap ang pag-ukol ng pagmamahal at pag-samba sa Kanya, sa pamamagitan ng Kanyang magagandang Pangalan at matataas na Katangian.

3-Ang pagpapatunay sa pagsamba sa Kanya lamang, sa pamamagitan ng pagsasagawa ng Kanyang mga ipinag-uutos, at pag-iwas sa Kanyang mga ipinagbabawal.

4-Ang kaligayahan dito sa Mundo at sa Kabilang-Buhay.

2- ANG PANINIWALA SA MGA ANGHEL Ang paniniwala sa mga Anghel ay ang wagas na paniniwala na ang Alalah ay may mga Anghel at Kanyang nilikha sila mula sa liwanag at inatasan silang lahat ng gawain na dapat nilang gampanan at binigyan sila ng ganap na kakayahan para sumunod sa Kanyang ipinag-uutos at isakatuparan ito. Ang mga Anghel ay isang daigdig na lingid, mga nilalang, sumasamba sa Alalah, wala silang taglay na anumang mga katangian ng pagka-Panginoon at pagka-Diyos. Ang Allaah ay nagsabi sa Quran:

  {At pagmamay-ari Niya ang sinumang nasa mga kalangitan at sa kalupaan. At ang sinumang (mga Anghel) naroroon sa Kanya ay hindi nagmamalaki sa pagsamba sa Kanya, ni naiinip o napapagod, sila ay nagpupuri sa gabi’t araw, ni hindi sila nanghihina (sa kanilang ginagawa)}. 

[Surah Al-Anbiya’ :19-20]

Sadyang napakarami ng bilang nila, walang nakakaalam nito maliban sa Allaah عز وجل. ِAt tunay na napagtanto sa As-Sahihain (Al Bukhari & Muslim) batay sa Hadith na naiulat ni Anas (radhi Allaahu anhu) tungkol sa kuwentong “Al me’raaj”, na sa oras na yaon ay ipinagbigay alam sa Propeta (صلى الله عليه وسلم) ang tungkol sa “Al baytul Ma’moor” na naroroon sa langit, na sa bawat araw ay nagsasalah doon ang pitumpong libo na Anghel, na kapag sila’y nakalabas na mula roon , hindi na sila nakababalik sa huling punta nila roon.

Ang paniniwala sa mga Anghel ay napaloloob ang apat na bagay: 

1-Ang paniniwala sa pagkaroon nila.

2-Ang paniniwala sa sinumang nalaman natin ang kanyang pangalan sa kanila, katulad ni Jibreel (Alaihis Salaam). At sinuman ang hindi natin nalaman ang kanyang pangalan, ating paniwalaan sila sa pangkalahatang pananaw.

3-Ang paniniwala sa anumang nalaman natin sa kanilang mga kaanyuan, tulad ng anyo ni Jibreel, tunay na ipinahayag ng Propeta صلى الله عليه وسلم  na kanya itong nakita sa kanyang anyo ayon sa pagkalikha sa kanya, at mayroon siyang anim na daan na pakpak, na halos natabingan nito ang buong himpapawid. At kung minsan ay nagpapalit ng anyo ang Anghel sa kapahintulutan ng Allaah sa anyong lalaki. katulad ng nangyari kay Jibreel nang ipadala siya ng Allaah para pumunta kay Maryam at siya ay nagsa-anyo sa harap niya ng isang ganap na tao. At gayon din nang dumating siya sa Propeta (صلى الله عليه وسلم), habang siya ay nakaupo kasama ng kanyang mga Sahabah, siya ay nagsa-anyo ng isang lalaki. (Isinalaysay ni Muslim) At gayon din ang mga Anghel na ipinadala ng Allaah kay Ebrahim at Loot, sila’y nagsa-anyong mga lalaki.

4-Ang paniniwala sa anumang nalaman natin sa kanilang mga gawain, na kanilang isinasagawa ayon sa kautusan ng Allaah, katulad halimbawa ng pagluwalhati sa Kanya, at pagsamba sa Kanya sa gabi’t araw nang walang pagyayamot, ni-panghihina dulot ng kapaguran. At maaring ang iba sa kanila ay may personal na mga gawain, tulad halimbawa ni Jibreel, siya ang pinagkakatiwalaan sa Kapahayagan ng Allaah, sa kanya ipinapadala ito para sa mga Propeta at Sugo. Si Mikaa-eil, ang naatasan sa ulan at mga pananim. Si Esrafil, ang naatasana sa pag-ihip ng tambuli, sa sandaling dumating ang takdang oras ng Paghuhukom at pagbangon-muli ng nilalang. Si Malakal Mawt, ang inatasan sa paghugot ng mga kaluluwa sa takdang oras ng kamatayan. Si Malik, ang inatasan sa Impiyerno, at siya ang tagapagbantay ng Apoy ng Impiyerno. At katulad pa ng mga Anghel na inatasang mamamahala sa mga batang nasa mga sinapupunan, na kapag naganap sa tao ang apat na buwan sa loob ng tiyan ng kanyang ina, nagpadala ang Allaah sa kanya ng Anghel, at Kanyang ipinag-utos dito na isulat ang panustos nito, ang takda ng buhay nito, ang gawain nito, at kung ito ay isang masama o mabuting tao. At katulad ng mga Anghel na inatasang mamamahala sa mga gawain ng inapo ni Adam, at ang pagsulat dito sa bawat tao sa pamamagitan ng dalawang Anghel, ang isa sa kanila ay nasa bandang kanan at ang ikalawa ay nasa kaliwa. At katulad ng mga Anghel na inatasan sa pagtatanong sa patay, na kapag nailagay na ito sa kanyang libingan, darating sa kanya ang dalawang Anghel na magtatanong sa kanya tungkol sa kanyang Panginoon, sa kanyang Relihiyon at sa kanyang Propeta. Ang paniniwala sa mga Anghel ay nagdudulot ng mga magagandang kahihinatnan.Ang ibang bahagi nito ay ang mga sumusunod:

1-Ang kaalaman sa kadakilaan ng Allaah,sa kanyang lakas, at ng kanyang kapangyarihan. Dahil ang kadakilaan ng nilalang ay nagpapatunay lamang sa kadakilaan ng lumikha.

2-Ang pagpapasalamat sa Allaah sa kanyang pangangalaga sa mga anak ni Adam,dahil ang iba sa mga Anghel na iyon ay itinalaga para pangalagaan sila, at isulat ang kanilang mga gawain at iba pa, para sa kabutihan nila.

3-Ang pagmamahal sa mga Anghel, dahil sa mga ginagampanan nilang mga tungkuling pagsamba sa Allaah. Ngunit tumanggi ang ibang grupo na nagmula sa Zaa-igeen(Mga naliligaw sa landas)sa pagkaroon ng Anghel ng sariling katawan.at ang sabi nila: Sila’y kathang isip lamang na sumasangguni sa mga mabubuting gawain ng mga nilalang. At iyan ay pagpapabulaan sa aklat ng Allaah at sa sunnah ng kanyang Sugo (salla Allaahu alaihi wassalaam) at sa napagka-isahan ng mga Muslim. Ang Alalah ay nagsabi sa Quran:

{Ang lahat ng papuri ay saAllah (lamang), na lumikha ng mga kalangitan at kalupaan, ang lumikha ng mga Anghel bilang mga Sugo, na may kanya-kanyang mga pakpak, dalawa, tatlo at apat}.

[Faatir : 1]

Sa Sahih ni Al Bukhari, nai-ulat ni Abu Hurayrah(Radhi Allaahu anhu), ang Propeta(Salla Allaahu Alaihi wasalaam)ay nagsabi: (Kapag nagustuhan ng Allaah ang isang lingkod, kanyang tinatawag si Jibreel at sinasabi sa kanya:(Katotohanan,ang Allaah ay kinagigiliwan si ginoo kaya dapat mo siyang kagiliwan.at kanyang kagigiliwan ito. pagkatapos, siya ay mananawagan sa mga naroroon sa kalangitan.katotohanan,ang Allaah ay kinagigiliwan si ginoo,kaya dapat ninyong kagiliwan siya.at kanilang kagigiliwan ito.pagkatapos iparating sa lupa ang kanyang tagumpay)

At muli siyang nag-ulat, ang Propeta (Salla Allaahu Alaihi wassalaam)ay nagsabi: (Kapag araw ng Biyernes, ang bawat pintuan ng Masjid ay may mga Anghel na isinusulat ng sunod-sunod ang bawat pumapasok,na kapag nakaupo na ang Imam,silay makikilinya na rin,at makikinig ng mesa). Ang mga talata na ito,ay maliwanag na nagpapatunay na ang mga Anghel ay may sariling katawan. hindi kathang isip lamang, gaya ng pinagsasabi ng mga taong nawawala sa tamang landas.at dahil sa patunay at paghahayag ng mga talatang ito, nagka-isa ang mga Muslim tungkol dito.

3-ANG PANINIWALA SA MGA KASULATAN: Itoy ang lubos na pagpapatunay na ang Allaah ay may mga aklat na ipinababa sa kanyang mga Propeta at Sugo.at ang paniniwala na ang Quran ay pinawalan ng saysay ang mga nauna sa kanya.at ginawan ng Allaah ng sariling katangian na wala sa mga naunang kasulatan, katotohanan ang Quran ay tunay na kanyang salita. Ang tinutukoy na mga aklat, ay ang mga kasulatang ipinahayag ng Allaah sa kanyang mga Sugo para sa kabutihan ng nilalang, at mapatnubayan sila para makamtan nila ang kasiyahan dito sa mundo at sa kabilang buhay. At ang paniniwala sa mga kasulatan ay napapaloob ito sa apat na sangkap:

1]Ang paniniwala na ang pagkakapahayag ng mga kasulatan ay totoong nagmula sa Allaah.

2]Ang paniniwala sa mga napag-alaman nating pangalan nito.kabilang dito ang Quran na ipinahayag kay Muhammad (Salla Allaahu Alaihi wassalaam).at ang Tawrah na ipinahayag kay Muosa (Alaihis salaam), at ang Injeel na ipinahayag kay Eisa (Alaihis salaam),at ang Zaboor na ipinahayag kay Daud (Alaihis salam).at tungkol naman sa iba pang hindi natin napag-alaman ang pangalan nito ay dapat din nating paniwalaan sa pangkalahatang pananaw.

3]Ang pagpapatunay sa mga tamang nakasaad dito. katulad nang mga nasasaad sa Quran, at ang mga nakasaad dito ay hindi pinapalitan o binabali-wala ang mga nilalaman ng mga naunang kasulatan.

4]Ang gampanan ang mga alituntunin nito na hindi napawalan ng saysay, kagiliwan ito, at magpapasailalim dito, maging ito man ay ating alam ang kahihinatnan nito o hindi, at ang lahat ng naunang kasulatan ay pinawalan ng saysay ng Quran. Ang Allaah ay nagsabi:

{Katotohanang pinababa namin sa iyo ang Quran para magpatunay sa mga kasulatang nauna sa kanya,o maging saksi nito at ang magpapasiya}. [Surah Al Maa-idah : 48]

At dahil diyan, hindi maaaring gampanan ang anumang alituntunin sa mga alituntunin ng mga naunang kasulatan maliban na lang kung itoy inaayunan o pinahihintulutan ng Quran. Ang paniniwala sa mga kasulatan ay nagdudulot ng mga magagandang kahihinatnan,ang iba nito ay ang mga sumusunod:

1]Ang kaalaman sa pamamahala ng Allaah sa kanyang mga lingkod,dahil kanyang ipinahayag sa bawat pamayanan ang isang aklat na magpapatnubay sa kanila.

2]Ang kaalaman sa layunin ng Allaah sa kanyang batas. Dahil kanyang iniatas sa bawat pamayanan ang nababagay sa kanilang mga kalagayan. Tulad ng sinabi ng Allaah:

{Ang bawat isang pamayanan sa inyo ay ginawan namin ng batas at pamamaraan}.
[Surah  Al Maa-idah : 48] 

3]Ang pagpapasalamat sa mga biyayang bigay ng Allaah.

4-ANG PANINIWALA SA MGA SUGO: Itoy ang lubos na pagpapatunay na ang Allaah ay nagsugo sa bawat pamayanan ng isang Sugo para mag-anyaya sa kanila na sumamba sa Allaah lamang nang walang pagtatambal.at ang pagtakwil sa mga iba pang sinasamba liban sa kanya. Katotohanan, silang lahat ay matatapat at may tunay na takot sa Allaah, at mapapagkatiwalaan, at kanila ding nagampanan ang kani-kanilang tungkulin, at ito'y naiparating nila sa kani-kanilang pamayanan, at kanilang pinatatag ang tanda at katibayan ng Allaah sa lahat ng sangkatauhan. Ang tinutukoy na sugo dito ay ang sinumang taong ikinasi sa kanya ang batas at ipinag-utos sa kanya na iparating ito sa mga tao. Ang unang sugo ay si Nooh, at ang huli ay si Muhammad (Salla Allaahu Alaihi Wassalaam). Sinabi ng Allaah: {Katotohanan,aming ikinasi sa iyo ang katulad ng ikinasi namin kay Nooh,at sa mga propetang sumunod sa kanya}. [Surah Annisa’: 163] At sa Saheeh ni Al Bukhari,si Anas bin Malik (Radhi Allaahu Anhu) ay nag-ulat tungkol sa “Hadeeth ng pamamagitan”. nabanggit ng Propeta (Salla Allaahu Alaihi Wassalaam) na ang mga tao sa araw ng paghuhukom ay pupunta kay Adam para mamagitan sa kanila, ngunit itoy hihingi ng paumanhin sa kanila, at magsasabi : pumunta kayo kay Nooh, ang unang sugo na sinugo ng Allaah….

At sinabi ng Allaah tungkol kay Muhammad (Salla Allaahu Alaihi Wassalaam): {Hindi naging magulang ng isa sa inyo si Muhammad,bagkus siya ay isang sugo ng Allah at ang pinakahuling propeta}. [Surah Al Ahzab : 40] At walang pamayanan na wala itong isang sugo na sinugo ng Allaah sa kanyang mga tauhan na may sariling batas, o isang propeta na ikinasi sa kanya ang batas ng nauna sa kanya para itoy kanyang ipagpapatuloy o panatilihin. Ang Allaah ay nagsabi: {Katotohanan,aming sinugo sa bawat pamayanan ang isang sugo para mag-anyaya sa inyo na sambahin ang Allah,at itakwil ang mga diyos diyosan}{Surah An-Nahl : 36] At sinabi pa ng Allaah: {Walang pamayanan maliban na mayroon itong tagapagbabala}. [Surah Faatir:24] At sinabi pa niya: {Katotohanan,aming ibinaba ang Tawrah na mayroon itong patnubay at liwanag sa mga alituntuning siyang ipinagpapasiya ng mga propetang nagpapasailalim sa kagustuhan ng Allah para sa mga pantas ng angkan ng israel}. [Surah Al Maidah : 44] Ang mga sugo ay mga taong nilikha, wala sa kanila ang mga katangian ng tagapamahala at pagka-panginoon kahit kaunti.

Ang Allaah ay nagsabi tungkol sa kanyang Propeta (na si Muhammad -Salla Allaahu Alaihi Wassalaam-) na siyang pangulo ng mga sugo at may dakilang antas doon kay Allaah: {Sabihin mo!hindi ko angkin ang aking sarili sa kabutihang maaari kong matamo,at sa kapahamakang maaaring daratal sa akin,maliban kung itoy naisin ng Allah,at kung alam ko lang ang bagay na lingid, sanay paparamihin ko ang kabutihang matatanggap ko, at hindi daratal sa akin ang masama, at wala sa akin kundi para magbabala at magbigay ng magagandang balita sa mga taong sumasampalataya}.[Surah Al aa’raf : 188] At sinabi pa ng Allaah: {Sabihin mo,hindi ko angkin ang masama para hindi daratal sa inyo,at ang mabuti para mapasa inyo.sabihin mo!katotohanan,akoy walang karapatang humadlang o pumigil kahit kanino sa parusang itinakda ng Allah.at kailan man,wala akong sisilungan bukod sa kanya}. [Surah Al jinn:21-23] At silay may angking katangian ng tao, dumaratal  sa kanila ang sakit, kamatayan, at ang pangangailangan sa pagkain at pag-inom at ibp.

Ang Allaah ay nagsabi tungkol kay Ibrahem (Alaihis Salaam) nang kanyang ilarawan ang kanyang panginoon: { Siya ang nagpapakain sa akin at nagpapainom, at kapag akoy nagkasakit siya ang nagpapagaling sa akin,at siya ang bumabawi ng aking buhay,pagkatapos ay muling bigyan ng buhay}. {surah Ash-shuaraa’:79-81] At sinabi pa ng Allaah , nang ang Propeta Muhammad (Salla Allaahu Alaihi Wassalaam) ay magsabi:. {Tanging ako'y isang taong katulad ninyo, nakakalimot gaya ng inyong pagkalimot, kaya kapag ako'y nakalimot ,inyo akong paalalahanan}. Katunayan, inilarawan ng Allaah na sila'y tanging tagapaglingkod sa kanya, sa kabila ng kanilang matataas na antas, at naipapahiwatig ito sa pagpupuri niya sa kanila.

Sinabi ng Allaah ang tungkol kay Nooh (Alaihis Salaam): {Katotohanan,siya ay isang lingkod na mapagpasalamat}. [Surah Al israa’ : 3] At sinabi ng Allaah ang tungkol sa Propeta (Salla Allaahu Alaihi Wassalaam): {Napakadakila ang nagpababa ng Quran sa kanyang lingkod para maging itoy magbabala sa lahat ng daigdig}. [Surah Al furqan:1]

At sinabi pa niya ang tungkol kay Ibrahem,Ishaq, at Yaqub (Ahs): {At gunitain mo ang aming mga tagalingkod na si Ibrahem,Ishaq,at Yaqub na may mga malakas at matatag na pananampalataya,at may mga tamang kaalaman sa relihiyon. katotohanan,aming ginawang banal at dalisay sila para tunay nilang magunita ang kabilang buhay.at silang lahat ay aming pinili, at may mga magagandang asal}. [Surah Sad:45-47 ]

At sinabi pa niya ang tungkol kay Eisa anak ni Maryam (Alaihis Salaam): {Siya ay tanging isang lingkod lamang na binigyan namin ng karangalan sa kanyang pagka-propeta,at nilikha namin siyang walang ama para maging halimbawa sa angkan ng Israel}. [Surah Azzukhruf : 59]

Ang paniniwala sa mga Propeta ay may apat na sangkap:

1)Ang paniniwala na ang kanilang mga mensahe ay totoong nagmula sa Allaah,aat ang sinumang tanggihan ang mensahe ng isa sa kanila ay kanyang tinanggihan silang lahat. Gaya ng sinabi ng Allaah: {Pinabulaanan ng mga tauhan ni Nooh ang lahat ng sugo}.[Surah Ash-shuaraa’: 105]. Maliwanag na pinatunayan ng Allaah at kanyang binansagan silang mga taong mapapagbulaan sa lahat ng sugo, samantala walang sugo bukod sa kanya (Nooh) nang kanilang pabulaanan ito, at dahil diyan ang mga Kristiyanong pinabulaanan si Muhammad (Salla Allaahu Alaihi Wassalaam) at hindi sumunod sa kanya, ay kanila ding pinabulaanan ang Mesias anak ni Maryam, at hindi rin nila ito sinunod. At humigit pa doon dahil kanyang ibinalita sa kanila ang tungkol kay Muhammad (Salla Allaahu ALaihi Wassalam), at walang kahulugan ang pagbigay niya ng magandang balita sa kanila kundi tanging pinapatunayan lamang na siya (Salla Allaahu Alaihi Wassalaam) ay isang sugo sa kanila para mailigtas sila ng Allaah sa pamamagitan niya (Salla Allaahu Alaihi Wassalaam) mula sa pagkaligaw at mapatnubayan sila tungo sa matuwid na landas.

2)Ang paniniwala sa sinumang napag-alaman natin ang kanyang pangalan. kabilang na dito halimbawa ni: Muhammad, Ibrahem, Muosa, Eisa, Nooh (Asw) at silang lima ang may matatag na kapasiyahan at tanyag sa mga sugo, Katunayan sila'y nabanggit ng Allaah mula sa dalawang Surah ng Quran. Sa Suratol Ahzab kanyang sinabi: {Aming tinanggap at pinangahawakan mula sa mga Propeta ang kanilang pagsang-ayon sa kasunduan, magmula sa iyo, at kay Nooh, Ibrahem, Muosa,at Eisa anak ni Maryam}. [Surah Al Ahzab : 7] At sa Surah Ash-shuraa, kanyang sinabi: {Ginawa sa inyo ang pinakadakilang relihiyon,na siyang itinagubilin kay Nooh at ikinasi namin sa iyo,na siya rin ang itinagubilin namin kay Ibrahem,Muosa at Eisa,kaya maging matatag kayo sa relihiyong (Islam) at huwag kayong maghiwa-hiwalay o magkasalungatan sa mga nilalaman nito}. [Surah Ash-shuraa:13] At tungkol naman sa hindi natin napag-alaman sa kanila ang kanyang pangalan ay ating paniwalaan sa pangkalahatang pananaw. Sinabi ng Allaah: {Katunayang kami ay nagsugo ng mga sugo na nauna sa iyo,ang iba sa kanila ay aming ikinuwento sa iyo,at ang ibay hindi naikuwento sa iyo}. [Surah Gaafir:78]

3)Ang pagpapatunay sa mga tamang naituran tungkol sa kanila.

4)Ang pagsagawa sa batas nang sinuman sa kanilang sinugo para sa atin, at ang siyang kahuli hulihan nila, siya si Muhammad (Salla Allaahu Alaihi Wassalaam) na sinugo sa lahat ng sangkatauhan. Sinabi ng Allaah: {Sumpa man sa iyong panginoon,hindi magiging ganap ang pananampalataya ng bawat isa sa inyo hanggat hindi nila pinapairal ang kapasiyahan mo sa lahat ng kanilang pinagtatalunan,pagkatapos ay hindi magkakaroon ng sama ng loob ang bawat isa sa kanila sa iyong naging kapasiyahan,at silang lahat ay magpapasailalim nito na walang pag-aalinlangan}. [Surah Annisa: 65]

Ang paniniwala sa mga sugo ay may magagandang kahihinatnan, ang iba nito ay ang mga sumusunod: 

1-Ang kaalaman sa habag ng Allaah at ang pamamahala niya sa kanyang mga lingkod, dahil kanyang sinugo sa kanila ang mga sugo para patnubayan sila sa landas ng Allaah,at ipaliwanag sa kanila kung papaano nila sasambahin ang Allaah, dahil ang likas ng kaisipan ng tao ay hindi kayang alamin ito.

2-Ang pagpapasalamat sa Allaah sa mga dakilang biyayang nito.

3-Ang pagmamahal sa mga sugo (As) pagdakila at pagpupuri sa anomang nararapat para sa kanila, dahil sila'y mga sugo ng Allaah at nagsakripisyo sa pagsamba sa kanya at tagapaghatid ng kanyang mensahe at mangaral sa kanyang mga lingkod. Katunayan ang mga “taong tumatanggi sa katotohanan” ay kanilang pinabulaanan ang mga sugo, at kanilang sinasabi na ang mga sugo ng Allaah ay hindi maaaring maging tao, kaya binanggit ng Allaah na ang paratang na iyan ay hindi totoo.bkanyang sinabi: {At walang nakakahadlang sa pagsasampalataya ng tao nang dumating sa kanila ang isang magpapatnubay kundi ang kanilang isinasagot : Ano!magpapadala ang Allah ng isang sugong tao?. Sabihin mo, kung ang mga Anghel ay lalakad ng dahan dahan sa lupa at kanilang makikita.aming ibababa sa kanila mula sa langit ang isang Anghel na sugo}. [Surah Al israa’:90]  Kaya pinawalan ng saysay ng Allaah ang paratang na yaon ,na ang katotohanan nito ay dapat lang na ang maging sugo ay tao, dahil siya ay ipapadala sa lupa na ang mga naninirahan doon ay mga tao. kung Anghel ang mga naninirahan sa lupa sana'y pinababa ng Allaah sa kanila mula sa langit ang isang Anghel na sugo na katulad din nila.

Ganyan na ganyan din nang ikuwento ng Allaah ang tungkol sa mga taong pinabulaanan ang mga sugo, at sila'y nagsabi: {Wala sa inyo kundi kayo’y taong katulad din namin,tanging ang gusto ninyo ay hadlangan ang mga sinasamba ng aming mga magulang,kaya kung totoo ang inyong pinagsasabi magbigay kayo ng maliwanag na katibayan. ang sagot sa kanila ng mga sugo,wala nga sa amin kundi taong katulad ninyo,ngunit ang Allah ay nagbibigay ng karangalan sa pagka-propeta sa sinumang kanyang naisin sa kanyang mga lingkod,at kamiy hindi makapagbibigay ng katibayan maliban lang kung ipahintulot ng Allah}.[Surah  Ibrahem:10-11]

5- ANG PANINIWALA SA HULING ARAW: Ang paniniwala sa huling araw ay ang lubos na pagpapatunay na walang pag-aalinlangan sa lahat ng naipahayag ng Allaah sa kanyang aklat (Quran) at sa naipahayag ng sugo (Salla Allaahu ALaihi Wassalaam) sa kanyang Sunnah sa mga bagay na maaaring mangyari pagkatapos mamatay tulad ng mga parusang igagawad sa loob ng libingan, ang pagdurusa at kaginhawahan nito, ang pagkabuhay na muli, ang pagtitipon, ang listahan ng mga gawain, ang pagsisiyasat, ang pagtimbang, ang lawa, ang daanan, ang mamamagitan, ang paraiso, ang impiyerno at ang lahat ng inilaan ng Allaah sa bawat isa. at gayon din sa mga tanda na kapag nalalapit na ang araw ng paghuhukom, mga tandang maliliit at malalaki. Ang huling araw ay ang araw ng pagkabuhay nang muli, babangon ang lahat ng tao sa araw na iyon mula sa kani-kanilang libingan para isagawa ang pagsisiyasat at pagbibigay ng gantimpala. At binansagan sa pangalang ito “huling araw” dahil wala nang araw pang darating muli. sa araw na ito mananatili ang mga taong mapupunta sa paraiso sa kanilang mga tirahan at ang mapupunta sa impiyerno ay manatili din sa kanilang mga tirahan.

Ang paniniwala sa huling araw ay may tatlong sangkap:

1-Ang paniniwala sa “Ba’th”(Ang pagkabuhay ng mga patay muli) kapag hinipan ang tambuli sa ikalawang pag-ihip at magsisipagbangon ang mga tao mula sa kanilang libingan na nakayapak, hubot hubad at di tuli para humarap sa nag-iisang panginoon ang panginoon ng lahat ng daigdig . Sinabi ng Allaah: {Katulad ng unang paglikha namin na walang pinagmulan, aming ibabalik ito. at iyan ay pangako mula sa amin tunay na aming gagawin}. [Surah Al anbiyaa’ :104] Ang pagkabuhay muli at ang paglabas mula sa libingan sa huling araw ay totoo, walang pag-aalinlangan. itoy pinatunayan ng Quran at ng Sunnah at pinagkaisahan ng mga Muslim. Ang Allaah ay nagsabi: {Pagkatapos ng iyon kayo’y mamamatay at kayo’y sa huling araw muling mabubuhay at babangon mula sa inyong mga libingan}. [Al mo’minoon: 15-16]

At ang Propeta (Salla Allaahu Alaihi Wassalaam )ay nagsabi: [ Iipunin ang mga tao sa kabilang buhay ng nakayapak, Hubot hubad, at di tuli ]- Isinalaysay ni Al Bukhari at Muslim. At nagka-isa ang mga Muslim sa pagpapatunay sa lahat nang ito, na siya ang tanging layunin sa paglikha, dahil nararapat lang na gumawa ang Allaah ng kasunduan sa mga nilalang, na kanyang gagantimpalaan sila sa mga iniobliga niya sa kanila sa pamamagitan ng mga Sugo. Ang Allaah ay nagsabi: َ {Inaakala ba ninyong nilikha lamang namin kayo ng walang dahilan at kayoy hindi babalik sa amin}. [Al mo’minoon: 115] At sinabi niya sa kanyang Propeta (Salla Allaahu Alaihi Wassalaam): {Katotohanan,ang nagpababa sa iyo ng Quran ay kanyang ibabalik ka sa paraiso pagkatapos na ikaw ay mamatay}. [Al qasas : 85]

2-Ang paniniwala sa pagsisiyasat at paghatol: Sisiyasatin ang isang lingkod sa kanyang gawa at siya ay hahatulan ayon sa uri ng kanyang ginawa . at iyan ay pinatunayan ng Quran at ng Sunnah at pinagka-isahan ng mga Muslim. Ang Allaah ay nagsabi: {Katotohanan,sa amin silay babalik at pagkatapos amin silang sisiyasatin}. Al gaashiyah:25-26 At sinabi pa niya: {Ang sinumang gumawa ng isang kabutihan ay mapapasa kanya ang sampong gantimpalang katumbas nito,at ang sinumang gumawa ng masama ay walang hatol kundi ang katulad nito at silay hindi madadaya}. [Al anam: 160] At sinabi pa niya: {At aming ilalagay ang mga timbangang matutuwid sa araw ng paglilitis at hindi madadaya ang isang may hininga kahit pa itoy kasing liit ng isang butil ng khardala(pangalan ng tanim) ay aming iparating o ilahad ito,kaya tama lang na kami ang magsiyasat} [Al anbiya’:47]. Si Ibn Omar (Radhi Allaahu Anhu) ay nag-ulat na ang Propeta (Salla Allaahu Alaihi Wassalaam) ay nagsabi: [Katotohanan, ang Allaah (sa kabilang buhay) ay palalapitin ang isang mananampalataya at kanyang nilalagay ang kanyang pangtakip kayat siya'y matatakpan ,pagkatapos ay kanyang sasabihin, alam mo ba kung kanino ang kasalanang ito?. At siya ay sasagot; Opo aking panginoon. At kung kanyang ipapasiya ang paghatol sa mga kasalanan nito at kanyang makikita na itoy mapapahamak, kanyang sasabihin: Aking tinakpan sa iyo ang mga kasalanang ito noon ng sa mundo, kaya ngayon aking bibigyan ng kapatawaran ang mga ito para sa iyo.pagkatapos ay ibibigay sa kanya ang aklat ng kanyang mga kabutihan. at tungkol naman sa mga taong di sumasampalataya at mga Munafiq (mapagsuway) sila'y tatawagin sa harapan ng mga nilalang ng ganito: {Sila yaong mga taong pinabulaanan nila ang kanilang panginoon kaya nararapat lang na ang sumpa ni Allah ay mapasa mga manlilinlang }(Hood: 18)] -sinalaysay ni Al Bukhari at Muslim. At napatunayan mula sa Propeta (Salla Allaahu Alaihi Wassalaam) na ang sinumang maghangad ng isang kabutihan at kanyang ginawa ito, ipapasulat ng Allaah doon sa kanya ng sampong kabutihang katumbas nito hanggang sa aabot ng pitong daan at humigit pa doon.at ang sinumang maghangad ng masama at kanyang ginawa ito, ipapasulat ng Allaah ng isang beses lamang. Katunayan, napagkaisahan ng mga Muslim ang pagpapatunay sa araw ng pagsisiyasat at paghatol sa mga gawain sapagkat iyan ang totoong layunin sa paglikha, kaya ang Allaah ay nagpababa ng mga kasulatan at nag-atas ng mga Sugo,at inuobliga ang mga lingkod na tanggapin ang mga naiparating nila at gampanan ang dapat gampanan dito. at matinding ipinag-uutos na puksain ang mga sumasalungat nito. at ipinahihintulot ang pagdanak ng kanilang dugo at angkinin ang kanilang pamilya at kababaihan at gayon din ang kanilang ari-arian,Kung kaya't walang pagsisiyasat at walang paghatol ang lahat nang itoy walang kabuluhan na, 'yan naman ay hindi nararapat sa nag-iisang panginoon na ganap kung lumikha. At 'yan ang ipinahihiwatig ng Allaah sa kanyang sinabi: {At tunay na aming itatanong sa mga kalipunang pinadalhan namin ng mga Sugo kung ano ang kanilang itinugon sa mga ito,at gayon din aming itatanong sa mga Sugo ang tungkol sa kanilang mga tungkulin.at tunay na aming ilalahad sa kanila ang kanilang mga gawain na may ganap na kaalaman at hindi namin nakakaligtaan ang kanilang mga ginagawa}. [Al Aa’raf:6-7 3]

Ang paniniwala sa Paraiso at Impiyerno: Ang dalawang ito ang siyang magiging hantungan nang mga nilalang. ang paraiso ay tahanan ng kaginhawaan na siyang inilaan ng Allaah sa mga mananampalatayang may banal na takot at sumang-ayon sa mga ipinag-uutos ng Allaah sa kanila na dapat nilang paniwalaan, At sila'y matatag na sumunod kay Allaah at sa kanyang Sugo, na may katapatan sa Allaah at sumusunod sa katuruan ng kanyang Sugo. Nasa loob nito ang lahat ng klase ng kaginhawaan na hindi pa nakita ng mata, at hindi narinig ng tainga at ni-hindi pa sumagi sa isipan o kalooban ng tao. Sinabi ng Allaah: {Katotohanan, ang mga mananampalataya at ang gumagawa ng kabutihan ang siyang mabubuting nilalang,ang kanilang matatamong gantimpala mula sa kanilang panginoon ay ang mga paraisong matatag,pang-panatilian,dumadaloy sa ibaba nito ang batis at sila ay mananatili doon ng walang hanggan,iyon ay dahil sa silay kinagigiliwan ng Allah at kanila din kagigiliwan siya sa mga matatanggap nilang kaginhawaan doon, ang mga iyon ay para lang sa sinumang may takot sa kanyang panginoon} [Al bayyinah: 7-8] At sinabi pa ng Allaah: {At hindi alam ng may hininga ang mga inilihim sa kanila na nakakaaliw ng mga mata, ang mga iyon ay ang gantimpala ng kanilang mga gawain} [Assajadah:17].

At ang tungkol naman sa impiyerno ay ang siya namang tahanan ng pagdurusa na inilaan ng Allaah sa mga kafir na mang-aapi, sila yaong mga taong tumanggi sa kaisahan ng Allaah at sumalungat sa kanyang Propeta, naroroon sa loob nito ang lahat ng klase ng pagdurusa, parusa at paghihirap ni-hindi pa ito sumagi sa isipan. Ang Allaah ay nagsabi: {Matakot kayo sa Impiyernong inilaan sa mga taong di sumasampalataya} [Surah Ali imran:131] At sinabi pa niya: {katotohanan, aming inilaan sa mga di sumasampalatayang mang-aapi ang impiyernong nakapalibot sa kanila ang kanyang pader,na kapag silay humihingi ng makapagpapawi ng kanilang paghihirap, pagka-uhaw silay bibigyan ng tubig na parang kumukulong mantika na susunog sa kanilang mukha, napakasamang inumin at napakasamang hantungan} [Surah Al kahf : 29].

At sinabi pa ng Allaah: {Katotohanan,ang Allaah ay kanyang isinumpa ang mga di sumasampalataya at kanyang inilaan sa kanila ang mainit at lumalagablab na apoy ng impiyerno,silay mananatili doon ng walang katapusan at hindi sila makakatagpo doon ng Wale ( Mapagkatiwalaang tao) na mamamahala sa kanila, ni-wala rin silang tagapagtanggol na maaaring mamagitan sa kanila sa lahat ng pagdurusa doon.sa araw na ang kanilang mga mukha ay gigiling-gilingin sa apoy at silay makapag sasalita,sanay naging masunurin kami at tumalima kay Allah at sa Sugo} [Surah Al Ahzab : 66].

Ang Paniniwala sa Huling Araw ay may mga Magagandang Kahihinatnan ,Ang ibang bahagi nito ay ang mga sumusunod:

1-Ang ibigin ang gawaing pagsunod at maging masigasig dito para sa paghangad ng gantimpala sa araw na iyon.

2-Ang katakutan ang gawaing pagsuway at kagiliwan ito, para katakutan ang parusang igagawad sa araw na iyon.

3-Ang hindi maghinayang ang isang mananampalataya sa mga materyal na bagay na hindi niya nakakamtan na ang kapalit nito ay ang kanyang hangaring matamo ang mga biyaya at gantimpala sa huling araw. Ngunit tinanggihan ng mga Kafir ang pagbabangon ng mga patay sa kabila ng kamatayan, na ang kanilang pag-aakala ay hindi maaari at ang pag-aakalang iyan ay hindi totoo . mapapatunayan sa batas at pakiramdam at sa isipan ang pagkawalang saysay nito. Ang tungkol sa batas: Katunayan sinabi ng Allaah: {Inaakala ng mga Kafir na hindi kailan man babangon ang mga patay mula sa kanilang libingan. Sabihin mo,Oo!sumpa man sa aking panginoon tunay na kayoy babangon mula sa inyong mga libingan at pagkatapos noon ilalahad sa inyo ang bunga ng lahat ng inyong ginawa at iyon ay napakadali para sa Allah} [Surah Attaghaabon : 17]

At iyan ay pinagkaisahan nang lahat ng kasulatang pangkalangitan. At tungkol naman sa Pangdamdam: Nauna ng pinatunayan ng Allaah at ipinakita ito sa kanyang mga lingkod kung papaano siya bumubuhay ng patay sa mundong ito. At sa Suratol Baqarah limang halimbawa ang nandito, ito'y ang mga sumusunod:

1-Ang mga tagasunod ni Muosa nang kanilang sabihin sa kanya, kailan-man hindi kami maniniwala sa iyo hanggat hindi namin nakikita ang Allaah nang hayagan.at dahil doon binawian sila ng Allaah nang buhay at pagkatapos ay kanyang binuhay silang muli, Kung Kayat ang salita ng Allaah ay bakit nakatuon sa mga angkan ng Israel: {At inyong sinabi: O Muosa! kailan man hindi kami maniniwala sa iyo hanggat hindi namin nakikita ang Allaah ng hayagan at bigla na lamang kumulog ng napakalakas at kayo'y isa-isang namatay at ito'y inyong nasaksihan, pagkatapos kayo’y aming binuhay muli matapos kayong mamatay baka sakaling kayo’y magpapasalamat}{Surah Al Baqarah : 56]

2-Tungkol sa isang kuwentong may pinatay at pinagtatalunan siya ng mga anak ng israel kung sino ang pumatay. [Al Baqarah:73]

 3-Tungkol sa kuwento ng mga taong lumisan mula sa kanilang mga tahanan para takbuhan ang kamatayan, at silay napakarami libo libo ang bilang nila at binawian sila ng Allaah ng buhay pagkatapos ay kanyang binuhay silang muli. [Al Baqarah : 243] 

4-Tungkol sa kuwento ng isang lalaking dumaan sa isang baryong walang kabuhay buhay at inaakala nito na ito'y hindi muling maibabalik ng Allaah sa kanyang dating kasaganaan.kaya binawian siya ng Allaah nang buhay sa loob nang isang daang taon at muli niyang binuhay ito. [Al Baqarah : 259]

5-Tungkol sa kuwento ni Propeta Ibrahem nang kanyang hilingin sa Allah na ipakita sa kanya kung papaano siya bumubuhay ng patay. [Al Baqarah : 260]

Ito'y mga halimbawa ng nararamdaman, aktuwal na pangyayari at nagpapatunay na maaaring buhayin ang mga patay. naunang naisalaysay ang mga tanda ni Eisa anak ni Maryam na siyang ibinigay ng Allaah sa kanya, ang bumuhay nang mga patay at pinababangon sila mula sa kanilang mga libingan sa kapahintulutan ng Allaah. At ang tungkol naman sa pangkaisipang patunay sa pagkabuhay na muli, itoy may dalawang sangkap:

Una: Ang Allaah ang lumikha ng kalangitan at ng kalupaan at nang lahat nang nasa loob nito. siya ang lumikha ng dalawang ito magmula pa noon, at ang may kakayahang lumikha ng nilalang nang walang pinagmulan ay hindi mahirap sa kanya ang ibalik ito sa dati niyang anyo o pinagmulan. Ang Allah ay nagsabi: {At siya ang nagpasimula ng mga nilalang at kapag namatay na ang mga ito ay kanyang muling ibabalik ang buhay nito at iyon ay napakadali para sa kanya} [Surah Ar-Room : 27]. At sinabi pa niya: {Kagaya din ng paglikha namin noong una ibabalik namin ito,at iyan ay pangako mula sa amin tunay na aming gagawin at tutuparin}. Al anbiyaa’:104 At sinabi pa niya tugon sa sinumang tumatangging muling mabuhay ang nabubulok na buto. {Sabihin mo,bubuhayin siya ng lumikha sa kanya noong una,at siya ang nakakaalam sa lahat ng nilalang} [Surah Yasin:79].

Pangalawa: Ang patay na lupa na tuyong tuyo ni-walang kahoy na kulay berde at kapag ito'y nabuhusan ng ulan, itoy gagalaw at lalabas mula rito ang isang kulay berde na magbubunga ito ng ibat-ibang uri ng prutas na nakakasiyang tanawin. at ang may kakayahang buhayin ito matapos mamatay ay may kakayahan ding buhayin ang mga patay.

Ang Allaah ay nagsabi: {At ang bahagi ng kanyang mga tanda ay tunay na makikita mo sa lupang tuyong tuyo na walang katanim tanim ito,at kapag binuhusan namin ng ulan itoy gagalaw at bubukadkad at tutubo ang mga tanim. Katotohanan, ang sinumang bumubuhay nito ay kaya din niyang buhayin ang mga patay. katotohanan, siya ang makapangyarihan sa lahat ng bagay}.[Surah Fussilat:39]. At sinabi pa niya: {At aming ibinuhos mula sa langit ang tubig na may maraming naidudulot na biyaya, at dahil dito pina-uusbong namin ang mga harden, mga pananim na inaani at matataas na palmera na may maraming sanga na nagkapatong patong. ang lahat ng yaon ay para panustos sa mga lingkod at dahil na rin sa ulan aming binuhay ang lupang patay (walang katanim tanim) gayon din aming bubuhayin ang mga patay at silay magsisilabasan mula sa kanilang mga libingan sa araw ng paghuhukom} [Surah Qaf:11] At kalakip sa paniniwala sa huling araw ang paniniwala sa mga nangyayari sa kabila ng kamatayan.

A] Ang pagsusulit sa loob ng libingan: Ito'y ang pagtatanong sa patay matapos siyang ilibing tungkol sa kanyang panginoon, relihiyon at ng kanyang propeta at papanatilihin ng Allaah sa mga sumasampalataya ang matatag na salita.at ang maisasagot ng mananampalataya ay; ang Allah ang aking panginoon at ang islam ang aking relihiyon at si Muhammad (Salla Allaahu Alaihi Wassalaam )ang aking Propeta. At ililigaw ng Allaah ang mga manlilinlang at ang maisasagot ng di sumasampalataya; Hah! Hah! hindi ko alam. at ang masasabi ng Munafiq (nagbabalat kayong muslim) o ng taong nag-aalinlangan, hindi ko alam narinig ko sa mga tao sila'y nagsasabi ng ganito (ng isang bagay) at iyon ang sinabi ko.

B] Ang pagdurusa sa loob ng libingan at ang kaginhawaan nito: Ang tungkol sa pagdurusa sa loob ng libingan ay mapasa mga taong manlilinlang mula sa mga Munafiq at mga di sumasampalataya. Ang Allaah ay nagsabi: {At kung makikita mo lang (Muhammad) ang mga mang-aapi sa oras ng kanilang paghihingalo para harapin ang kamatayan, ang mga Anghel ay iaabot ang kanilang mga kamay at magsasabi: ilabas ninyo ang inyong mga kaluluwa, ngayong araw malalasap ninyo ang matinding parusa na magpapahamak sa inyo dahil sa mga paratang ninyo kay Allah ng walang katotohanan,at inyong ipinagmamalaki ang kanyang mga tanda ngunit hindi rin kayo sumasampalataya. }[Surah Al Anam: 93] At ang Allaah ay nagturan hinggil sa mga tauhan ni Fir-aon: {Ang apoy sa impiyerno ang isusunog sa kanila sa umagat hapon at sa pagsapit ng huling araw sasabihin sa mga Anghel,ipasok ninyo ang mga tauhan ni Fir-aon sa may pinakamatinding parusa} [Surah Ghafir:46]

At sa Sahih ni Muslim sa Hadeeth na nai-ulat ni Zayd bin Thabit (Radhi Allaahu Anhu) ang Propeta (Salla Allaahu Alaihi Wassalaam) ay nagsabi: [Kung hindi lang kayo ililibing,hihilingin ko sana sa Allaah na iparinig sa inyo ang pagdurusa sa libingan gaya ng aking naririnig mula dito. pagkatapos siya ay humarap at nagsabi: Magpakupkop kayo sa Allaah laban sa parusang igagawad sa oimpiyerno. Silay nagsabi : nagpapakupkup kami sa Allah laban sa parusang igagawad sa impiyerno.At sinabi pa: magpakupkop kayo sa Allah laban sa pagdurusa sa loob ng libingan. Nagsabi sila: nagpapakupkop kami sa Allah laban sa pagdurusa sa loob ng libingan.At sinabi pa: magpakupkop kayo sa Allaah laban sa mga tukso nito na hayag at lingid.Sinabi nila: kami ay nagpapakupkop sa Allaah laban sa mga tukso nito hayag man o  lingid. At sinabi pa niya: magpakupkop kayo sa Allaah laban sa tukso ni Dajjal (Ang bulaang kristo).At sinabi nila: kami ay nagpapakupkop sa Allaah laban sa tukso ni Dajjal. At tungkol naman sa kaginhawaan sa loob ng libingan ito'y para lang sa mga matapat na mananampalataya. Ang Allaah ay nagsabi: {Katotohanan,ang mga taong nagsasabi ng: “ang Allah ang aming panginoon” at silay matatag sa kanilang paniniwala at tungkulin,sa kanilay magsisibaba ang mga Anghel sa oras ng kanilang paghihingalo at magsasabi sa kanila: “Huwag kayong matakot sa mga haharapin ninyo at huwag malumbay sa mga naiwan ninyo at dapat kayong matuwa sa paraisong naipangako sa inyo”} [Surah Fussilat:30] At sinabi pa ng Allaah: {Na kapag nasa lalamunan na ang kaluluwa sa oras ng paghugot nito,sa mga oras na iyon sinusundan ninyong tingnan ito, at kami ang higit na nakakaalam kaysa inyo ang tungkol dito subalit hindi ninyo nalalaman, sige nga! Kung talagang inaakala ninyong hindi kayo babangon ulit pagkatapos mamatay pabalikin ninyo ang kaluluwa sa katawan kung talagang kayo ang makatuwiran. at kapag ang namatay ay kabilang sa mga malalapit sa Allaah mapasa kanya ang kapanatagan at ang mga magagandang panustos at ang paraiso ng kaginhawaan} [Surah Al waqiah: 83-89] Naiulat ni Al Barra’ bin Azib (Radhi Allaahu Anhu) na ang Propeta (Salla Allaahu Alihi Wassalaam) ay nagsabi hinggil sa isang mananampalataya na kapag nasagot nito ang dalawang Anghel sa loob ng libingan [“Mananawagan ang isang nananawagan mula sa langit. katotohanan,makatuwiran ang aking lingkod kaya latagan ninyo siya ng carpet mula sa paraiso at damitan ninyo siya ng damit mula sa paraiso at buksan ninyo sa kanya ang isang pinto patungong paraiso.sinabi niya,at dadalhin sa kanya ang kaginhawaan nito at ang mga mabubuting bagay nito at palalawakin sa kanya ang loob ng kanyang libingan hanggang sa abot ng kanyang matatanaw”]-Isinalaysay ni Ahmad at ni Abu Daud sa isang mahabang Hadeeth .

Katotohanang naligaw ang pangkat ng Zaa-ig (mga naliligaw sa tunay na landas) kanilang pinabulaanan ang pagdurusa sa loob ng libingan at ang kaginhawahan nito, inaakala nilang hindi ito maaari, dahil sumasalungat ito sa aktuwal na pangyayari. At ang kanilang pinagsasabi : "siguradong kung ilalantad ang patay buhat sa kanyang libingan, itoy matatagpuan sa dati pa rin niyang kaayusan at ang libingan ay hindi pa rin naiba sa dati niyang kaluwangan o kasikipan". Ang pag-aakalang iyan ay walang saysay maging sa Batas, Pakiramdam at sa kaisipan.

Ang tungkol sa Batas: Naunang naituro ng mga naunang talata ang pagpapatunay sa pagdurusa sa libingan at sa kaginhawahan nito. At sa Sahih ni Al Bukhari mula sa hadeeth ni Ibn Abbas (Radhi Allaahu Anhu) siya ay nagsabi: Lumabas ang Propeta (Salla Allaahu Alaihi Wassalaam) mula sa isang bahagi ng pader ng Madinah, at siya ay nakarinig ng boses ng dalawang taong pinaparusahan sa loob ng kanilang libingan. pagkatapos ay kanyang binanggit (Ibn Abbas) ang hadeeth at ang kabuuan nito:[Katotohanan, ang isa sa kanila ay hindi nagkukubli kapag umi-ihi at ang isay pinalalakad ang “Nameemah”(naghahatid ng mga balita sa tao at ang layunin ay masama).

At ang tungkol naman sa Pakiramdam: Katotohanan, ang natutulog ay kanyang nakikita minsan sa kanyang pagtulog na siya ay nasa maluwang, nakakasiyang lugar at tumatamasa doon ng kaginhawahan.o kaya nasa lugar na masikip,nakakatakot at nagdudusa doon,at kung minsan ay nagising siya sa kanyang nakikita subalit nandoon pa rin siya sa kanyang higaan sa loob ng kanyang silid na nasa dati pa rin niyang kaayusan. Ang pagtulog ay kapatid ng kamatayan kayat tinagurian nig Allaah ito ng kamatayan. Ang Allaah ay nagsabi: {Binabawian ng Allaah ng buhay ang mga may buhay sa sandali ng kanilang kamatayan at yaong hindi namatay sa sandali ng kanyang pagtulog,. Kaya Kanyang pipigilan yaong naitakda sa kanila ang kamatayan at Kanyang palalayain ang iba, hanggang sa nakatakdang panahon (ng kanilang kamatayan)} [Surah Azzumr: 42]

At tungkol naman sa Pangka-isipan: Ang natutulog ay kanyang nakikita sa kanyang pagtulog ang totoong pangitain na parang aktuwal na pangyayari,at baka kung minsan kanyang makita ang Propeta (Salla Allaahu Alaihi Wassalaam) sa kaanyuan nito at ang sino man ang makakita sa kanyang kaanyuan (sa panaginip) ay tunay na kanyang nakita ito. magkagayon pa man ang natutulog sa loob ng kanyang silid sa kanyang banig ay malayo sa mga nakita niya. At kung ang mga Kalagayan na yan ay maaring maganap dito sa mundo? Hindi ba maaring maganap din sa Huling Araw??!... At ang tungkol naman sa pinaninindigan nila sa kanilang pag-aakala na kung ilalantad ang patay sa kanyang libingan matatagpuang gayon pa rin siya sa dati niyang kaayusan at ang pagkaluwang o pagkasikip ng libingan ay hindi man lang nabago.  At Ang Sagot Dito ay May Ilang Sangkap:

Una: Hindi maaaring salungatin ang mga naiparating nang batas sa mga ganitong walang saysay na “Shubhah” (Walang katiyakan tama o mali) na kung sisiyasatin lang nang sumasalungat ang mga naiparating na batas sa tunay na pagsasaliksik, kanyang matatanto ang pagkawalang saysay ng mga Shubhah na ito.

Pangalawa: Ang mga nangyayari sa “Barzakh” (pagkabuhay muli sa loob ng libingan )ay bahagi ng mga bagay na lingid na hindi ito natatalos ng pakiramdam, at kung natatalos lang ng pakiramdam mawawalan nang halaga ang paniniwala sa Gayb (mga lingid). at magiging kasing tulad nang mga mananampalataya ang mga tumatanggi nito sa paniniwala .

Pangatlo: Ang kaparusahan, kaginhawaan at ang pagkaluwang ng libingan at pagkasikip nito ay ang patay lamang ang tanging nakaka-alam nito na walang  iba bukod sa kanya. at iyan ay kasing tulad ng natutulog, kanyang nakikita sa kanyang pagtulog na siya ay nasa masikip, nakakatakot na lugar o kaya nasa malawak, nakakasiya na lugar, subalit ang nasa kanyang paligid ay hindi nakikita ang mga iyon, ni-hindi nararamdaman ito. Katotohanan! ang Propeta (Salla Allaahu Alaihi Wassalaam) ay kinakasihan? at kung minsan siya ay nasa pagitan ng kanyang mga tagasunod, kanyang naririnig ang Wahe (Revelation) na hindi naririnig nang kanyang mga tagasunod, at kung minsan ay nagsasa-anyong lalaki sa kanya ang Anghel (Jibreel) at kinakausap siya at ang mga Sahabah ay hindi nakikita ang Anghel ni-hindi nila ito naririnig.

Pang-apat: Ang pakiramdam ng nilalang ay limitado sa ibinigay sa kanila ng Allaah na kung hanggang saan lamang ang maaari  matalos ng kanilang pakiramdam. at hindi  nila maaaring matalos  ang lahat nang umiiral. ang pitong langit at lupa ang mga nasa loob nito.. At ang lahat ng bagay ay lumuluwalhati sa pagpupuri  sa Allaah nang tunay na pagluluwalhati, na kung minsan ay ipinaparinig ng Allaah sa kanyang nilikha sa kung sino ang kanyang naisin. at magkagayon pa man siya ay lingid pa rin sa atin. Kaya sinabi ng Allaah: {Lumuluwalhati sa kanya ang pitong langit at lupa at ang lahat ng nasa loob nito.at walang isang bagay kundi lumuluwalhati sa kanyang kapurihan, subalit hindi ninyo naiintindihan ang kanilang pagluluwalati}-[Surah Al israa’:44] At gayon din ang mga demonyo at jinn silay lumalakad sa lupa papunta doon at pabalik. Katunayan, minsan dumating ang mga jinn sa Propeta (Salla Allaahu Alaihi Wassalaam ) at silay taimtim na nakikinig sa kanyang binabasa, pagkatapos silay lumisan papunta sa kanilang mga tauhan para magbabala. magkagayon pa man sila pa rin ay lingid sa atin. Kaya ang Allaah ay nagsabi: {O mga anak ni Adam! Huwag na huwag ninyo hayaang maililigaw kayo ni Shaitan nang tulad ng kanyang pagtaboy sa inyong dalawang magulang mula sa Paraiso, kanyang hinubad sa kanila ang kanilang damit upang ipakita sa kanilang dalawa ang mga masilang bahagi ng kanilang katawan. Katotohanan, nakikita niya kayo, siya at ng kanyang mga kampon, ngunit hindi ninyo sila nakikita. Katotohanan, Aming nilikha ang mga demunyo para maging Walee(tagapamahala)ng mga taong hindi sumasampalataya}.-[Al a’raaf:27]  At dahil ang lahat ng Umiiral ay hindi natatalos ng kanyang pakiramdam, dapat lang na hindi nila maaaring tanggihan ang mga napatunayan sa mga bagay na lingid na hindi nila natatalos ng pakiramdam.

6-ANG PANINIWALA SA “QADAR”. Ang paniniwala sa naitakdang kapalaran ay ang wagas na paniniwala na ang Allaah ang lumikha nang lahat ng bagay, ang namamahala at ang nagmamay-ari nito at siya ang nagtakda ng mga naitakdang nitong kapalaran ang mabuti at masama , ang matamis at mapait nito, at siya rin ang lumikha sa ligaw na landas at tamang landas ang kasamaan at ang kabutihan . ang nagtatakda ng buhay at ang taga-panustos ay nakasalalay sa kanyang kamay maluwalhati siya at kataas-taasan.

ANG QADAR: Ay ang pagtakda ng Allaah sa kahihinatnan nang mga nilalang na sang-ayon sa unang-una niyang kaalaman at tumpak sa kanyang layunin sa paglikha. At Ang Paniniwala sa Qadar ay may Apat na Sangkap:

UNA: Ang paniniwala na ang Allaah ay nalalaman ang lahat nang bagay ang kabuuan at ang ditalye nito, ang simula at katapusan nito maging ito'y sa kanyang mga gawain o sa mga gawain ng kanyang mga lingkod.

PANGALAWA: Ang paniniwala na ang Allaah ay naisulat ang mga iyon sa “Al-lawhul mahfood” at sa dalawang ito sinabi ng Allaah: { Hindi mo ba alam, na ang Allah ay Kanyang nalalaman ang anumang nasa langit at lupa. Katotohanan, iyon ay nasa Aklat (talaan ng mga gawain) at iyon para sa Allah ay lubhang napakadali} [Surah Al Hajj:70] At sa Sahih ni Muslim nai-ulat ni Abdullah bin Am’r bin Al-as (رضي الله عنه) sinabi niya: narinig ko sa Sugo ng Allaah (صلى الله عليه وسلم) siya ay nagsabi : [ Isinulat na ng Allah ang mga takda ng kapalaran ng mga nilalang bago niya nilikha ang mga kalangitan at kalupaan nang limampong taon].

PANGATLO: Ang paniniwala na ang lahat ng nilalang ay hindi magkakaroon kung hindi hinangad ng Allaah maging ito ay sa Kanyang gawain o sa gawain nang Kanyang mga nilalang. Ang Allaah ay nagsabi tungkol sa Kanyang gawain: {Ang iyong Panginoon ay lumilikha ng lahat ng Kanyang naisin}-[Al qasas:68] At sinabi pa Niya: {At ginagawa ng Allah ang anumang Kanyang naisin}-[Ibrahem:27] At sinabi pa rin  Niya: {Siya ang nagbibigay hugis sa inyo sa loob ng mga sinapupunan sa kung paano Niya naisin}-[Al-imran:6] At Siya ay nagsabi tungkol sa gawain ng mga nilalang: {At kung ninais ng Allaah, katiyakan binigyan Niya sila ng lakas upang lumaban sa inyo, magkagayon, walang pasubali makikipaglaban sila sa inyo}-[Annisaa’:90] At sinabi pa Niya: {At kung ninais ng Allaah, hindi nila nagawa iyon, kaya pabayaan mo sila at ang mga ginagawa-gawa nilang kasinungalingan laban sa Allaah}-[Al-anam:137]

PANG-APAT: Ang paniniwala na ang lahat ng nilalang ay nilikha ng Allaah maging ang kanilang kabuuan, katangian , kilos at galaw . Sinabi ng Allaah: {Ang Allaah ang Tagapaglikha nang lahat nang bagay at Siya ang Namamahala sa lahat nang bagay}-[Azzumr:62] At sinabi pa Niya: {At Kanyang nilikha ang lahat nang bagay, at Kanyang tinakdaan ito nang ganap na sukat batay sa karapatdapat nitong sukat}-[Al-furqan:2] At sinabi pa Niya tungkol sa Kanyang Propetang si Ibrahem (Alaihis Salaam) nang siya ay magsabi sa kanyang pamayanan: {At ang Allaah ang lumikha sa inyo at sa anumang ginagawa ninyo}-[Assaffaat:96]. At ang paniniwala sa Qadar tulad ng naisalaysay natin ay hindi binabaliwala ang sariling desisyon ng isang lingkod sa mga gawaing maaari niyang pagpilian. at ang sarili niyang kakayahan para gampanan ang mga ito. dahil ang batas at ang aktuwal na pangyayari ay itinuturo ang pagpapatunay nito sa kanya. Ang tungkol sa batas: Katotohanan, sinabi ng Allaah ang tungkol sa pagkaroon ng sariling desisyon: {Kaya, sinuman ang may gusto, magtakda siya ng isang lugar (o isang daan tungo) sa kanyang Panginoon}-[Annabaa’:39]. At sinabi pa Niya: {Kaya’t lapitan ninyo ang inyong taniman kung paano ninyo nais}-[Al baqarah:223] At Siya ay nagsabi tungkol sa sariling kakayahan: {At matakot kayo sa Allaah sa abot ng inyong makaya, kaya makinig at sumunod kayo (sa mga pangaral ng Allaah at ng Kanyang Sugo)}-[At-Tagaabun:16] At sinabi pa Niya: {Hindi inuobligahan ng Allaah ang isang may buhay maliban sa abot ng kanyang makakayanan. mapapasa kanya ang anumang (kabutihang bunga ng) kanyang pinagsumikapan at pagdurusahan niya ang anumang (kasamaan na) kanyang ginawa}-[Al baqarah:286] Ang tungkol naman sa aktuwal na pangyayari: Katotohanan, ang bawat tao ay alam na siya ay may sariling desisyon at kakayahan. maari niyang gawin ang isang bagay at maari rin niya rin itong  iwasan. maari rin niyang pag-ibahin ang mga bagay na umaayon sa kanyang kagustuhan, katulad halimbawa ng paglalakad. at ang di uma-ayon sa kanyang kagustuhan, katulad halimbawa ng panginginig. ngunit ang kagustuhan ng isang lingkod at ang kanyang kakayahan ay nakasalalay sa kagustuhan ng Allaah at sa Kanyang kakayahan. Dahil Kanyang sinabi: {Para sa sinumang may nais sa inyo na tumahak ng matuwid na landas, at wala kayong naipapasiya na kagustuhan maliban kung naisin ng Allah,ang Panginoon ng lahat ng daigdig}-[At-Takweer:28-29]. At nang dahil sa ang lahat ng daigdig ay pag-aari ng Allaah, magkagayon walang maaring maganap na anumang bagay sa Kanyang kaharian nang wala Siyang alam at pahintulot. Ang paniniwala sa Qadar batay sa mga nailarawan natin ay hindi nagbibigay ng isang katuwiran sa isang lingkod upang kumalas sa mga tungkulin o gumawa ng masamang gawain. at dahil dito ang kanyang pinaninindigan ay walang saysay sa mga sumusunod na dahilan:

UNA: Ang Allaah ay nagsabi : {Malamang na sasabihin ng mga nagtatambal sa Allaah. “kung ginusto lang ng Allaah hindi sana kami nagtambal at pati ng aming mga magulang at hindi rin sana namin naipagbawal ni-kahit isang bagay. ganoon na ganoon din ang ginawang pagpapabulaan ng mga nauna sa kanila hanggang sa natikman nila ang aming parusa. Sabihin mo !mayroon ba kayong kaalaman at ilahad ninyo sa amin. tunay na wala kayong sinusunod maliban sa haka-haka lamang at wala kayong sinasabi kundi kasinungalingan}-[Al anam:148] At kung makatuwiran ang naging batayan nila ang Qadar, hindi sana ipinatikim ng Allaah sa kanila ang kanyang parusa.

PANGALAWA: Ang Allaah ay nagsabi: {At kami ay nagsugo ng mga sugong maghahatid ng magagandang balita at magbabala sa inyo, para walang maikatuwiran ang mga tao sa Allaah matapos gampanan ng mga sugo ang kanilang tungkulin, ang Allaah ang kataastaasan at ang ganap kung gumawa}-[Annisa’:165] At kung ang Qadar ay makatuwirang panindigan ng mga sumasalungat hindi mapapawalan ng saysay ang kanilang pinapanindigan sa pagsugo sa mga Sugo,dahil ang pagsalungat matapos silang maisugo ay nangyayari din sa takda ng Allaah.

PANGATLO: Ang mga nai-ulat ni Al Bukhari at Muslim,/ang nai-ulat kay Al Bukhari “Si Ali bin Abi Thalib (Radhi Allaahu Anhu ) ay nag-ulat, ang Propeta (Salla Allaahu Alaihi Wassalaam)ay nagsabi: [Walang isa sa inyo kundi naisulat na ang kanyang kalalagyan sa impiyerno o sa paraiso] at nagsalita ang isang lalaki mula sa mga tao: Hindi ba maaaring umasa na lamang tayo O sugo ni Allah!.ang sinabi ng Propeta (Salla Allaahu Alaihi Wassalaam): Hindi! Magtrabaho kayo ang lahat ng bagay ay napapagaan, pagkatapos kanyang binasa ang isang talata sa Quran: {At ang tungkol sa sinumang nagbibigay ng kanyang kayamanan at may takot sa kanyang panginoon at pinaniniwalaan ang katotohanan ng paraiso.aming iaalay sa kanya ang mabuting gawain at maging magaan sa kanya}-[Surah Al-layl : 5] At sa nai-ulat kay Muslim [Ang lahat ng bagay ay napapagaan sa mga nailaan sa kanya]. kaya ang Propeta (Salla Allaahu Alihi Wassalaam) kanyang ipinag-uutos ang magtrabaho at ipinagbabawal ang umasa na lamang sa Qadar.

PANG-APAT: katotohanan ang Allaah ay kanyang inuutusan ang isang lingkod at pinagbabawalan ito, at hindi niya ito inobliga liban sa abot ng kanyang makakaya. Sinabi ng Allaah: {At matakot kayo kay Allah,gawin ninyo ang ipinag-uutos niya sa abot ng inyong makakaya}-[Attagaabon:16]. At sinabi pa niya: {Hindi inobliga ng Allaah ang isang may hininga maliban sa abot ng kanyang kakayahan}-[Surah Al Baqarah:286]. Ngayon kung ang isang lingkod ay napipilitan lang siya sa kanyang ginagawa, lumalabas na siya ay inuobliga sa mga bagay na hindi niya kayang lutasin ito, at iyan ay hindi maaari. kaya kung bakit kapag siya ay nakagawa ng kasalanan sa dahilang hindi alam o nakalimot o napilitan ay wala siyang kasalanan dito dahil mayroon siyang dahilang pangbatas.

PANGLIMA: Ang Bagay na Lingid na  itinakda ng Allaah  walang nakakaalam nito maliban kapag nangyari na ang naitakdang bagay. At ang kagustuhan ng lingkod ay nauuna bago ang kanyang ginagawa at ang mga nagugustuhan niyang gawin bago niya isagawa ang isang bagay ay wala siyang kaalam-alam kung ano ang itinakda ng Allaah dito. At dahil dito nawawalan nang saysay ang kanyang pinaninindigan sa Qadar, dahil hindi maaaring panindigan ng isang tao ang mga bagay na wala siyang nalalaman dito.

PANG-ANIM: Katotohanan, ating nakikita ang tao na masyadong masigasig sa mga bagay na materyal na makapagdudulot sa kanya ng kabutihan hanggang sapilitan niyang makamtan ito at hindi mahalaga sa kanya ang umiwas sa mga bagay na hindi nakakabuti sa kanya at kapag siya ay nakagawa ng kasalanan kanyang pinaninindigan ang Qadar. At bakit lumilihis siya sa mga nakakabuti sa kanya sa mga gawaing pang-relihiyon, na iyon ang magpapahamak naman sa kanya pagkatapos kanyang paninindigan ang Qadar?! Hindi ba ang kahulugan ng dalawang itoy iisa?!. Kung bibigyan mo ng pansin ang mga sumusunod na halimbawa magiging malinaw sa iyo ang tungkol dito: 

Kung nagkataon nasa harapan ng isang tao ang dalawang daan, ang isa nito ay hahantong sa bayang puro walang saysay; patayan, holdapan, hinahamak ang dangal, takot, gutom. At ang pangalawa ay hahantong sa isang bayang puro kabutihan; maayos,panatag ang kalooban, may malawak na kabuhayan,at iginagalang ang mga buhay ng tao,dangal at ari-arian. Ngayon anong daan ang kanyang pipiliin? Siguradong kanyang tatahakin ang pangalawang daan na hahantong sa bayan na maayos at panatag, at hindi maaari kailan man sa sinumang may matinong isipan na ang kanyang tahakin ay ang daang papunta sa lugar na ang lahat ng nasa loob nito ay walang kabuluhan at puro nakakatakot at ang kanyang papanindigan ay ang Qadar. at bakit tinatahak niya ang daang papuntang impiyerno sa paggawa ng mga gawaing panghuling araw at hindi ang daang patungong paraiso, pagkatapos kanyang panindigan ang Qadar?. Isa pang halimbawa:

Nakikita nating inuobliga ang taong may sakit na uminom ng gamot at kanyang iniinom ito kahit pa ang kanyang sarili ay kinamumuhian ito, at pinagbabawalan sa pagkaing makakasama sa kanyang kalagayan at kanyang iniiwasan ito kahit pa ang kanyang sarili ay hinahanap-hanap ito. ang lahat ng iyon ay dahil sa kagustuhang gumaling at sa kaligtasan at hindi maaaring tanggihan niya ang pag-inom ng gamot o kumain ng pagkaing makakasira sa kanya at ang papanindigan niya ay ang Qadar. At bakit iniiwasan ng tao ang mga ipinag-uutos sa kanya ng Allaah at ng kanyang sugo o ginagawa ang mga ipinagbabawal sa kanya ng Allaah at ng kanyang sugo pagkatapos ay kanyang paninindigan ang Qadar?.

PANGPITO: Katotohanan, ang nangangatuwiran sa Qadar sa mga iniiwanan niyang mga obligasyon o pagsasagawa ng mga kasalanan, kung siya'y pagtangkaan ng isang tao nang masama at kukunin sa kanya ang kayamanan niya o kaya lapastanganin ang kanyang dangal at pagkatapos ipangatuwiran ng taong iyon ang Qadar at sasabihin sa kanya: Huwag mo akong sisihin dahil ang ginawa kong paghamak sa iyo ay takda ng Allaah .hinding hindi niya tatanggapin ang katuwiran ng isang ito, at bakit hindi niya tatanggapin na ipangatuwiran ang Qadar kapag siya ang hinamak ng ibang tao. samantala sa kanyang sarili kanyang ipinangangatuwiran ang Qadar kapag nilapastangan niya ang karapatan ng Allaah?. Nabanggit na ang Ameerul Mu’mineen “Omar bin Al Khatthab” (Radhi Allaahu Anhu) dinala sa kanya ang isang magnanakaw na nararapat hatulan ng Putol (kamay).at kanyang ipinag-utos na putulan ito ng kamay. At siyay (magnanakaw) nagsabi: Maghunos dili ka O ameerul Mu’minen! akoy nakapagnakaw lamang dahil sa takda ng Allaah. At ang sinabi ni Omar: kami ay puputol dahil rin sa takda ng Allaah. Ang paniniwala sa Qadar ay may mga magagandang kahihinatnan, ang ilan sa mga ito ay ang mga sumusunod:

1]Ang umasa lamang sa Allaah matapos gawin ang mga dahilan, subalit hindi dapat umasa sa dahilan mismo dahil ang lahat ng bagay ay nakasalalay sa takda ng Allaah.

2]Hindi dapat humanga ang isang tao sa kanyang sarili kapag nakamtan niya ang kanyang minimithi, dahil ang pagkakuha niya sa mga ito ay biyayang galing sa Allaah sa naitakda Niyang dahilan ng kabutihan at tagumpay, at ang paghanga niya sa kanyang sarili ay magiging daan para makalimutan niyang magpasalamat sa mga biyayang ito.

3]Ang kapanatagan at kaginhawaan ng kalooban sa mga dumarating sa kanyang buhay mula sa mga itinakda ng Allaahn. Hindi siya dapat mangamba sa mga nawawalang mahahalagang bagay o dumarating na mga kasawian sa kanyang buhay, dahil ang lahat ng iyon ay itinakda ng Allaah ang tanging nagmamay-ari ng mga kalangitan at ng kalupaan, ito’y mangyayari nang walang pasubali. At dahil doon sinabi ng Allaah: {Walang sakuna na naganap sa ibabaw ng lupa (tulad ng lindol,baha,pagkamatay ng mga pananim) ni sa inyong mga sarili (tulad ng sakit,kasawian,negusyong bumagsak,namatayan ng kamag-anak at iba pa) kundi (ang lahat ng iyon ay nakatalaga) sa “Allawhul-Mahfood”bago Namin likhain ang mga ito. Katotohanan, iyon para sa Allah ay napakadali, upang hindi kayo mawalan ng pag-asa at malumbay sa mga lumalampas sa inyo.at huwag kayo magpakasaya dahil sa mga ipinagkaloob sa inyo (na katiwasayan), at ang Allah ay hindi nagmamahal sa lahat ng mapagmalaki, mapagmataas  (sa kanyang kapwa)}-[Al-hadeed:22-23]. At sinabi ng Propeta (صلى الله عليه وسلم):             [ Nakapagtataka ang ginagalawan ng isang mananampalataya,ang lahat ng kanyang ginagalawan ay pawang kabutihan,at wala ito sa kahit na sinong may buhay kundi sa taong mananampalataya lamang, na kapag siya ay tumanggap ng kaginhawaan siya ay nagpapasalamat at iyon ay mabuti para sa kanya at kapag ang dumating naman sa kanya ay kasawian siya ay nagtitiis at iyon ay mabuti pa rin para sa kanya]-Isinalaysay ni Muslim.

Sa katunayan, may naligaw pa rin sa Qadar na dalawang pangkat:

 UNA: Ang “Jabariyyah” sila ang nagsasabi na ang isang lingkod ay napipilitan sa kanyang ginagawa, wala siyang sariling desisyon at kalayaang pumili.

PANGALAWA: Ang “Qadariyyah” sila ang nagsasabi na ang isang lingkod ay may sariling desisyon at kakayahan at walang kinalaman dito ang kapahintulutan ng Allaah at ng Kanyang kapangyarihan. At ang sagot sa unang pangkat (Al Jabariyyah), may pambatas at may pang-aktuwal:

Sa pambatas: Katotohanan, pinatunayan ng Allaah na ang lingkod ay may sariling kagustuhan at pasya sa kanyang ginagawa. Sinabi ng Allaah: {Ang ilan sa inyo ay naghahangad ng Kamunduhan, subalit ang iba sa inyo ay naghahangad ng Huling Araw}-[Ali-imran:152]. At sinabi pa Niya: {At sabihin (O Muhammad), ang Katotohanan ay mula sa inyong Panginoon, kaya sinuman ang may gusto (na sumampalataya), magkagayon siya ay sumamlataya at sinuman ang may gusto (na di sumampalataya), magkagayon siya ay di sumampalataya. Katotohanan, Aming inilaan sa mga gumagawa ng labag sa Katarungan ang Apoy na pumalibot sa kanila ang mga pader nito}-[Al kahf:29]. At sinabi pa rin Niya: {Sinuman ang gumawa ng anumang kabutihan, samakatuwid ito ay para sa kanyang sarili at sinuman ang gumawa ng masama, samakatuwid ito ay mapapasa kanya. at ang iyong Panginoon ay hindi gumagawa ng labag sa Katarungan sa (Kanyang) mga alipin}-[Fussilat:46]

At ang tungkol naman sa aktuwal: Katotohanan, ang bawat tao ay alam kung paano niya pag-ibahin ang kanyang gawaing maaari niyang pagpilian, may ginagawa siya na kusang loob niyang ginagawa ito katulad halimbawa ng: pagkain, pag-inom, pagbebenta, pamimili, at na g mga gawaing hindi kusang loob niyang ginusto, katulad halimbawa ng panginginig dahil sa lagnat at pagkahulog mula sa itaas. Sa unang halimbawa siya ay kusang gumawa na ayon sa kanyang kalooban, hindi pinilit. At sa ikalawang halimbawa wala siyang kalayaang pumili at hindi niya kagustuhan ang mga nangyayari sa kanya.

At ang sagot sa pangalawang pangkat (Al Qadariyyah), may pambatas at pang-aktuwal:

Ang pambatas: katotohanan, ang Allaah ang lumikha sa lahat nang bagay at ang mga ito ay umiiral batay sa kanyang kalooban at tunay na pinaliwanag na ng Allaah sa Kanyang Aklat, na ang mga gawain ng kanyang mga alipin ay nagaganap batay sa kanyang kalooban. Sinabi ng Allaah: {At kung niloob ng Allah, hindi naganap ang paglalaban-laban ng mga yaong dumating pagkatapos nila., matapos na dumating sa kanila ang mga mahahayag na patunay, subalit sila ay nagkasalungatan, kaya ang ilan sa kanila ay sumampalataya at ang iba ay hindi sumampalataya,kung ninais lang ng Allah hindi sana sila naglaban-laban hanggang sa humantong ng patayan,subalit ang Allah ay ginagawa ang lahat ng kanyang nagugustuhan}-[Al Baqarah:253] At sinabi pa niya: {Kung ginusto namin na patnubayan ang bawat may hininga aming ginawa.subalit tunay na banal ang salitang nagmula sa akin, katotohanang pupunuin namin ng mga jinn at ng tao ang impiyerno lahat-lahat}.-[Assajadah:13] .

At tungkol naman sa pangkaisipan: Katunayan ang lahat ng daigdig ay pag-aari ng Allaah at ang tao ay kabilang na sa daigdig na iyan, siya ay pag-aari din ng Allaah ngayon hindi maaari na ang isang ari-arian lang ay maghihimasuk sa kaharian ng may ari(Allah)maliban kung may kapahintulutan mula sa kanya at sa kanyang kagustuhan.

Ihsan [kabutihan]: ito ay nabanggit sa maraming taludtod mula sa Qur'an, minsan ito ay nababanggit kasama ang Eeman at minsan kasama ang Islam, takot sa Allaah o mabuting gawain: Binanggit ng Allaah na may kasamang Eeman: ((Walang pagkakasala yaong mga naniniwala at gumagawa ng mga gawaing matwid,kung anuman ang kanilang kinain [noong mga nakaraang panahon]kung sila ay natatakot sa Allah, at naniniwala at gumagawa ng mga gawaing matwid at pagkaraan at natatakot sa Allah at naniniwala at pagkaraan at muli pang natatakot sa Allah at gumawa ng kabutihan. Tunay na ang Allah ay nagmamahal sa mga mapaggawa ng kabutihan)).[ Al-Maidah:93]. 

At binanggit din na kasama ang salitang Islam [pagsuko sa Allaah]: ((Bagkus, sinuman ang isinuko ang kanyang mukha [ sarili] sa Allah at siya'y mapaggawa ng kabutihan, para sa kanya ay gantimpala mula sa kanyang Panginoon…)).[Al-Baqarah:112].

* Sa pakahulugan ng Propeta sa Ihsan: " ito ang iyong pagsamba sa Allaah na para bang nakikita mo Siya", tumutukoy sa dapat maging paraan ng alipin sa pagsamba sa kanyang Panginoon, ito ang pagiging gising ng puso sa pagdarasal na batid niyang nasa harap siya ng Panginoon na parang nakikita niya; ito ang siyang nagdudulot ng takot [sa Allah], prestihiyo  at pagdakila sa Kanya habang nagdarasal, at nagdudulot din ng pagpapabuti sa paraan ng pagdarasal [Salah] upang ito ay maging ganap at katanggap-tanggap. -"Bagama't hindi mo man Siya nakikita; tunay na Siya ay nakakakita sa iyo", kahit hindi nakikita ng alipin ang kanyang Panginoon; Siya ay nakakakita sa kanya, anuman ang gawain ng alipin dapat niyang isipin na batid ng Allaah ang lahat ng kanyang ginawa; malaki man o maliit, mabuti man o masama, lihim man o hayagan, at kapag naisakatuparan niya ito. Ayon sa ibang pantas at eskolar ng Islam na may kinalaman sa nabanggit na salaysay ng Propeta: " Ang sinuman nahihirapang sambahin ang Allaah-Ang Kataas-taasan- na parang nakikita niya Siya; sambahin niya na kanyang nababatid na tiyak na nakikita siya ng Allaah at nakamasid; kaya dapat siyang mahiya sa pagmamasid sa kanya at nararapat niyang pagbutihin ang pagdarasal". 

* Si Anghel Jibriel ay nagtanong: " Sabihin mo sa akin ang tungkol sa Araw ng Paghuhukom? Ang Propeta ay sumagot: ((( Ang tinatanong ay hindi higit na nakakaalam kaysa nagtatanong), ibig sabihin, ang kaalaman ng mga nilikha tungkol sa pagdtaing ng Araw ng paghuhukom ay magkakapantay, wala ni -isa sa kanila ang nakakaalam nito maliban sa Allaah- Ang Maluwalhati; Ang Kataas-taasan-. Dahil dito; kapag tinanong ang taong may alam o eskolar tungkol sa bagay na hindi niya alam; sasabihin niya ang " ALLAAHU A'ALAM" [ Ang Allah ang higit na Nakaaalam]. At ito ay hindi kapintasan at kakulangan sa kanya at lalong hindi nakakahiya bagkus! tanda ito ng kanyang kaalaman at kabutihan at pangamba upang hindi masadlak sa kasalanan, sa bawat nagtataglay ng kaalaman, nahihigitan nito ang isang [mas] maalaman. Ulat mula kay Abu Hurairah na si Propeta Muhammad ay nagwika: (Limang bagay ang walang nakakaalam nito maliban sa Allah- Ang Kataas-taasan-, at pagkaraan ay kanyang binasa ang salita ng Allah: ((Katotohanan, tanging ang Allah ang may kaalaman sa [takdang] Oras, at [Siya] ang nagpapababa ng ulan at [Siya] ang nakababatid ng anumang nasa mga sinapupunan [ng mga ina]. Walang sinuman ang nakaaalam kung ano ang kanyang kinahihinatnan sa kinabukasan, at kautusan [ na nangangailangan ng] katatagan)). [Luqman:34] at ang sinabi ng Allaah: ((Sila ay nagtatanong sa iyo [O Muhammad] tungkol sa Oras [ng pagdating ng araw ng paghuhukom]. Kalian nga ba ang takdang Oras? Sabihin:" Ang kaalaman nito ay nasa aking Panginoon, walang sinuman ang makapagpapahayag ng oras nito maliban sa Kanya…)).[Al-A'araf:187].

* sinabi naman ni Anghel Jibriel: " Sabihin mo sa akin ang mga palatandaan nito?", ang tinutukoy nito ay mga tanda na nagpapatunay na malapit na ito mangyayari.

Isinalin sa Tagalog ni : Ustadh Saalamodin D. Kasim

Tuesday, April 1, 2014

"MAGTRABAHO! Upang Jannah ay matamo"



Si Ali bin Abi Thalib (Radhi Allaahu Anhu ) ay nag-ulat, ang Propeta (Salla Allaahu Alaihi Wassalaam)ay nagsabi: 

"Walang isa sa inyo kundi naisulat na ang kanyang kalalagyan sa impiyerno o sa paraiso"
at nagsalita ang isang lalaki mula sa mga tao:


" Hindi ba maaaring umasa na lamang tayo O sugo ni Allah!"

Ang sinabi ng Propeta (Salla Allaahu Alaihi Wassalaam): 

"Hindi! Magtrabaho kayo ang lahat ng bagay ay napapagaan, pagkatapos kanyang binasa ang isang talata sa Quran: 


{At ang tungkol sa sinumang nagbibigay ng kanyang kayamanan at may takot sa kanyang panginoon at pinaniniwalaan ang katotohanan ng paraiso.aming iaalay sa kanya ang mabuting gawain at maging magaan sa kanya} -[Surah Al-layl : 5] 

[Ulat ni Al Bukhari]

At sa nai-ulat kay Muslim

"Ang lahat ng bagay ay napapagaan sa mga nailaan sa kanya"
kaya ang Propeta (Salla Allaahu Alihi Wassalaam) kanyang ipinag-uutos ang magtrabaho at ipinagbabawal ang umasa na lamang sa Qadar.

Isinalin sa tagalog ni: Ustadh Salamodin D. Kasim

Title Credit to owner

Saturday, March 29, 2014

MGA ARAL AT KAALAMAN mula sa mga Hadith ng Sugo ng Allaah

1. Gawain! Nakabatay sa Layunin
2. Ang Tatlo na mayroon ang isang Muslim
3. Limang Haligi ng Islam
4. Tatlong Yugto ng Buhay mo
5. Gawaing Bid'ah Hindi Tanggap sa Islam
6. Ang Halal at Haram
7. Ang Relihiyon ay Naseeha

Inihanda at Isinalin sa Tagalog ni: Ustadh Salamodin D. Kasim
Hango sa Aklat na: MGA ARAL AT KAALAMAN mula sa mga Hadith ng Sugo ng Allaah

"Gawain! Nakabatay sa Layunin"

 Si Umar bin Al-Khattab (رضي الله عنه) ay nagsabi: 


عن أمير المؤمنين أبي حفص عمر بن الخطاب رضي الله عنه قال: 


سمعت رسول الله صلى الله عليه وسلم يقول: ((إنما الأعمال بالنيات وإنما لكل امرئ ما نوى فمن كانت هجرته إلى الله ورسوله فهجرته إلى الله ورسوله ومن كانت هجرته لدنيا يصيبها أو امرأة ينكحها، فهجرته إلى ما هاجر إليه))


[ز رواه البخاري ومسلم]


"Narinig ko ang Sugo ng Allaah  صلى الله عليه وسلم   na nagsasabi: (Ang mga gawain ay nakabatay lamang sa mga layunin, at ang bawa't tao ay (gagantimpalaan) lamang ayon sa kanyang nilayon. Kaya't ang sinumang lumikas alang-alang sa Allah at sa Kanyang Sugo; ang kanyang paglikas ay para sa Allah at sa Kanyang Sugo, at sinuman ang lumikas alang-alang sa makamundong bagay upang ito ay kanyang makamit, o alang-alang sa isang babae upang ito ay kanyang mapangasawa, magkagayon ang kanyang paglikas ay nakabatay sa kung ano ang kanyang layunin sa paglikas)".

[Isinalaysay nina Al-Bukhari [54], Muslim [1907]

ANG NAG-ULAT NG HADITH

Siya si Al-faruq na ama ni Hafs, Umar ibn Al-Khattab, mula sa angkan ng Quraish, siya ang ikalawa sa mga napatnubayang Khalifa [humalili sa Propeta] na binansagang Amirul Mu'mineen [pinuno ng mga mananampalataya], yumakap sa Islam anim na taon ang nakalipas matapos na maging Sugo si Muhammad. Ang kanyang pagyakap sa Islam ay isang malaking tagumpay at biyaya para sa mga Muslim, siya ay lumikas patungong Madinah at nasaksihan niya ang lahat ng labanan kasama ng Propeta. Ang Qur'an (rebelasyon) ay ibinababa kung minsan na sumasang-ayon sa kanyang opinyon, umabot ang kanyang ulat ng 537 na hadith.
Hinirang siya ni Abu Bakr (رضي الله عنه) na kanyang kahalili nang siya ay mamatay taong ika-13 sa Hijri. Siya ang nagtala ng talaan ng mga karapatan at siya rin ang gumawa ng kalendaryong Hijri, pinamumunuan niya ang mga tao nang makatarungan, siya [r.a] ay pinaslang ni Abu Lu'lua Al-Majusi habang siya ay nagdarasal sa fajr (madaling araw) taong ika-23 sa Hijri, at siya ay inilibing sa tabi ni AbuBakr As-Siddiq [radhi Allaahu Anhu] kasama ng Sugo ng Allah sa silid ni Aisha [radhi Allaahu Anha] at tumagal ang kanyang pamumuno ng sampung taon at kalahati.

MGA KAALAMAN

* Ang hadith na ito naiulat mag-isa ni Yahya bin Said Al-Ansari mula kay Muhammad bin Ibrahim At-Taimi mula kay Alqama bin Abi Waqqas Al-laythi buhat Kay Umar bin Al-Khattab (رضي الله عنه).

Sinabi ni Al-Khattabi: " Wala akong alam na salungatan sa pagitan ng mga eskolar ng Hadith ukol dito".  Kahit na ito ay naiulat din mula kay Abu Said at iba pa. 

At pagkatapos; naiulat ng maraming tao mula kay Yahya bin Said Al-Ansari, may nagsabing umabot sa dalawandaang tao ang nag-ulat mula sa kanya, kabilang sina: Imam malik, At-Thawri, Al-Awza'ie, Ibn Al-Mubarak, Al-layth bin Saad, Hammad bin Zaid, Shu'bah, Ibn Uyainah at iba pa.

Nagkaisa ang mga eskolar sa katumpakan ng Hadith na ito at tinanggap ng Ummah.

* Ang katapatan sa Allaah ay isa sa mga kondisyon ng pagtanggap sa gawain, sapagka't hindi tinatanggap ng Allah ang anumang gawain maliban kung ito ay maging wagas para sa kanyang Marangal na Mukha at sumasang-ayon sa pamamaraan ng hinirang na Propeta. 

Ang Hadith na ang isa  sa mga Hadith na umiikot dito ang pananampalataya.

Sinabi ni Imam As-Shafi'e:" Ang hadith na ito ay ikatlong bahagi ng kaalaman at pumapasok sa pitumpung usapin ng Fiqh [hurispruensiya]".

at ayon kay Imam Ahmad –kahabagan nawa ng Allah- kanyang sinabi: " Ang pinagmulan [alituntunin] ng Islam ay nasa tatlong mga Hadith: ( Hadith ni Umar: "  Ang mga gawain ay nakabatay lamang sa mga layunin", at hadith ni Aisha: " Sinuman ang gumawa ng bago sa pananampalataya nating ito na hindi naman dito kabilang; ito ay tatanggihan [hindi tatanggapin]", at hadith ni An-Nu'man bin Bashir: " Ang bagay na pinapahintulutan ay malinaw at ang bagay na hindi pinapahintulutan ay malinaw"). 

Sapagka't ang pananampalatayang Islam ay nasa tatlong bagay:

1- Pagsasakatuparan ng mga kautusan
2- Pag-iwas sa mga ipinagbabawal
3- Pagtigil at pag-iwas sa mga kahina-hinalang bagay

Ang tatlong bagay na nabanggit ay napapaloob lahat sa hadith na naiulat ni An-Nu'man bin Bashir at lahat ng ito ay nagiging ganap naman sa pamamagitan ng dalawang:

1- Na ang gawaing ginawa ng tao ay alinsunod sa katuruan ng Propeta, na siyang napapaloob sa Hadith ni Aisha [Radhi Allaahu Anha].

2- Na ang gawaing ito ay ginawa alang-alang sa Allah lamang, na siya naming napapaloob sa hadith ni Umar bin Al-Khattab [Radhi Allaahu Anhu].

Kaya malinaw sa iyo ngayon ang ibig ipahiwatig ni Imam Ahmad Bin Hanbal [Rahimahullaah].

Sinabi ni Ibn Rajab Al-hanbali: si Imam Ahmad ay nagsabi: " Gusto ko para sa bawat taong gagawa ng gawain, ito man ay pagdarasal [Salah], o pag-aayuno, o kawang-gawa o isang uri mula sa mga uri ng kabutihan na mauuna dito ang layunin bago ang gawa; sinabi ng Propeta: ((Ang mga gawain ay nakabatay sa mga layunin…)), sa lahat ng mga gawain.

Sinabi ni Al-fad'l Bin Ziyad: "tinanong ko si Abu Abdullah [Ahmad] tungkol sa layunin [Niyyah] sa gawain; aking sinabi: " papaano ang layunin?, Sinabi niya:" Suriin niya ang kanyang sarili kapag nais niyang gumawa ng isang gawaing hindi niya ninanais dito ang mga tao".

* Sa kanyang sinabi na " at ang bawa't tao ay (gagantimpalaan) lamang ayon sa kanyang nilayon" : nais niyang iparating na ang makakamit lamang ng tao mula sa kanyang ginawa ay ang siyang kanyang nilayon; kung mabuti ang layunin ay mabuti rin ang kanyang makakamit; at kung masama ay masama rin.

Ito ay hindi pag-uulit sa unang pangungusap dahil ang unang pangungusap ay tumutukoy sa pagiging katanggap-tanggap o hindi ng gawain at ang tinutukoy sa pangalawang pangungusap ay ang gantimpala ng kanyang gawain ay ayon sa kanyang magandang layunin; at ang kaparusahan sa kanyang gawain ay ayon naman sa kanyang masamang layunin.

* Ang layunin [Niyyah] sa literal nitong kahulugan ay NAIS, at ang Niyyah  sa salita ng mga eskolar ay tumutukoy  sa dalawang kahulugan:

Una: Ito ang nagtatakda ng kaibahan sa pagitan ng mga pagsamba at pananampalataya sa isa't isa tulad ng kaibahan ng pagdarasal ng Dhuh'r at As'r, sa layunin mo malalaman kung ano ang dasal na iyong isinasagawa kung ito ba ay Dhuh'r o As'r.

Pangalawa: Ito ang nagtatakda ng kaibahan ng layunin sa isang gawain; kung ito ba ay alang-alang sa Allah o para sa iba liban sa Kanya, ito ang siyang madalas na natutunghayan sa mga salaysay ng mga naunang mabubuting Muslim [Salaf], si Abu Bak'r bin Abiddunya ay sumulat ng aklat na kanyang tinawag na ( Aklt ng Ikhlas at Niyyah).

Sinabi ni AL-Fudail: " Katotohanan, kapag ang gawain ay ginawa alang-alang lamang sa Allaah subali't hindi tama [hindi alinsunod sa katuruan ng Propeta]; ito ay hindi katanggap-tanggap, at kung ito ay tama [alinsunod sa katuruan ng Propeta] nguni't ginawa nang hindi para sa Allah; hindi pa rin katanggap-tanggap maliban kung ito ay magiging tama at alang-alang lamang sa Allaah."

HIJRA (PAGLIKAS)

Ito ang paglikas mula sa lugar ng mga taong nagtatambal sa Allaah patungo sa lugar ng Islam, tulad ng ginawa ng mga MUHAJIRUN  bago masakop ang Makkah; lumikas sila mula rito patungong Madinah ng Propeta, at lumikas rin ang sinumang lumikas bago ito papuntang Habasha [Ethiopia] sa lugar ni An-Najashi.
Sa hadith na ating paksa; ipinapaalam ng Propeta na ang paglikas ay magkakaiba ng gantimpala ayon sa pagkakaiba ng layunin at naisin:

Ang sinumang lumikas tungo sa lugar ng Islam alang-alang sa pagmamahal sa Allaah at Kanyang Sugo, at nais niyang matuto sa pananampalatayang Islam at paghayag ng kanyang paniniwala na siyang hindi niya kayang gawin sa lugar ng mga nagtatambal sa Allaah; ito ang taong tunay na lumikas tungo sa Allaah at Kanyang Sugo.

At sa tao na ang kanyang paglikas mula sa lugar ng mga nagtatambal sa Allaah patungo sa lugar ng Islam upang makamit ang layuning makamundo, o upang mapangasawa niya babaeng iniibig sa lugar ng Islam; magkagayun ang kanyang paglikas ay nakabatay sa kung ano ang kanyang layunin sa paglikas. Ang una ay mangangalakal at ang pangalawa ay gusting mag-asawa at wala ni isa sa kanilang dalawa ang tunay na lumilikas [para sa Allaah].

* Naging tanyag ang isang kuwento ni Muhajir Umm Qais na siyang dahilan ng pagsabi ng Propeta صلى الله عليه وسلم    sa hadith na ating paksa, nabanggit ito ng maraming manunulat sa kanilang aklat at wala tayong natagpuang tama at tumpak na ulat ukol dito at sinabi ni Ibn Rajab Al-hanbali at ibn Hajar Al-Asqalani  na ito ay hindi tamang ulat.

* At ang lahat ng gawain ay katulad ng paglikas sa ganitong kahulugan, ang pagiging tumpak o pagkawala ng bias nito ay nakabatay sa layunin, gaya ng Jihad ,Hajj at iba pa.

Tinanong Ang Propeta صلى الله عليه وسلم    tungkol sa pagkakaiba ng mga tao sa layunin ng Jihad [pakikibaka at pagpupunyagi] kapag ito ay dahil sa pakitang-tao, pagpapahayag ng katapangan o dahil lamang sa galit at maliban pa dito; kung alin ba sa mga nabanggit ang nasa tunay na landas ng Allah?, kanyang sinabi [sagot]: ((Sinuman ang nakipaglaban upang ang salita ng Allah ang siyang mangibabaw; ito ang siyang nasa tunay na landas ng Allaah)). 

Si Abu Hurairah [Radhi Allaahu Anhu] ay nag-ulat:  Narinig ko ang Propeta صلى الله عليه وسلم    kanyang sinasabi: (Katotohanan, ang pinakauna sa mga tao na tutuusin sa araw ng Muling pagkabuhay ay ang lalaki namatay sa digmaan [martir], siya ay ihaharap at ipababatid sa kanya ang mga biyaya [ng Allaah]at kanya itong mababatid, sasabihin sa kanya: " ano ang iyong ginawa sa mga [biyayang] ito? sinabi niya: " ako ay nakipaglaban alang-alang sa Iyo hanggang ako ay mapatay [martir],sinabi niya: (nagsisinungaling ka! Sapagka't ika'y nakipaglaban para masabi na ikaw ay: "Matapang" tunay na ito ay nasabi na [ng mga tao sa mundo] at pagkatapos ay ipag-uutos siya, kakaladkarin ang kanyang mukha hanggang sa maitapon siya sa Apoy [ng Impiyerno]. At ang lalaking nag-aral ng kaalaman at itinuro ito at binasa ang Qur'an, siya'y ihaharap at ipababatid sa kanya ang mga biyaya at mababatid niya, kanyang sinabi:" ano ang ginawa mo dito?, sinabi niya: " nag-aral ako ng kaalaman at itinuro ko ito, at binasa ko ang Qur'an alang-alang sa Iyo?,sinabi Niya: (nagsisinungaling ka! Nguni't nag-aral ka ng kaalaman upang sabihin na ikaw ay: "Maalam", binasa mo ang Qur'an upang sabihin na ikaw ay "magaling bumasa", tunay na ito ay nasabi na [sa mundo],at pagkatapos ay ipag-uutos siya at kakaladkarin ang kanyang mukha hanggang sa maitapon sa Apoy [ng Impiyerno]. At ang lalaking pinaginhawa ng Allah, binigyan siya [ng Allah] ng lahat ng uri ng kayamanan [ari-arian],siya ay iniharap at ipinabatid sa kanya ang mga biyaya at nabatid niya, Kanyang sinabi: "ano ang iyong ginawa dito?, sinabi niya: " wala na akong iniwang landas na Iyong iniibig ang paggugol dito kundi ginugol ko dito alang-alang sa Iyo. Kanyang sinabi: ( nagsisinungaling ka!, nguni't ito ay iyong ginawa upang masabi [ng mga tao] na ikaw ay: "Bukas-palad", tunay na ito ay nasabi na [sa mundo] at pagkatapos ay ipag-uutos siya at kakaladkarin ang kanyang mukha hanggang sa maitapon sa Apoy [ng Impiyerno]). 

 * katotohanan, nagbigay ng pananakot at babala ang Propeta tungkol sa pagsasaliksik ng kaalaman na hindi para sa Allaah:

Si Abu Hurairah [Radhi Allaahu Anhu] at nag-ulat mula sa Propeta صلى الله عليه وسلم kanyang sinabi: (Sinuman ang nag-aral [nagsaliksik] ng kaalamang [dapat] ay alang-alang lamang sa Allah; hindi niya ito pinag-aralan kundi upang matamo ang mabubuting kapakinabangan sa mundo; hindi niya matatagpuan ang halimuyak ng paraiso sa araw ng muling pagkabuhay). 

Sinabi ni Sah'l Bin Abdullah: " Wala ng pinakamahirap sa sarili maliban sa Ikhlas ; sapagka't wala siyang bahagi dito".

Si Yusof Bin Hussain Ar-Razi ay nagsabi: " Ang pinakamataas [o pinakamhirap] dito sa mundo ay Ikhlas, maraming beses ko sinikap upang tanggalin ang pakitang-tao sa aking puso,subali't para bagang tumutubo dito na may ibang kulay."

* Kabilang sa mga usaping pinapasukan ng layunin ay usapin sa panunumpa:

- ang hindi sinasadyang panunumpa na siyang nakasanayan ng dila; ito ay walang kabayaran. Sinabi ng Allaah:
 (Hindi kayo pananagutin ng Allaah sa anumang hindi ninyo sinadya sa inyong mga panunumpa, nguni't kayo ang Kanyang pananagutin sa anumang [hangarin o layong] pinagsumikapan ng iyong mga puso. At ang Allaah ay Mapagpatawad, Mapagparaya).
 [Al-Baqarah: 225], 

at ang lahat ay nakabatay sa layunin ng taong nanunumpa.

* ito ay sumasaklaw rin sa usapin ng Talaq [paghihiwalay], kapag ang isang tao ay bumigkas ng ibang mga salita pero maaaring tumutukoy sa paghihiwalay; kailangan malaman kung ano ang kanyang layunin sa kanyang salita, kung ito ba ay Talaq [paghihiwalay] o hindi.

* Ang layunin [Niyyah] ay naisin ng puso, at hindi kailangang bigkasin ng dila sa anumang uri ng mga gawaing pagsamba.

Isang tumpak na ulat mula kay Ibn Umarna siya ay nakarinig ng isang lalaki sa pagsasagawa ng Ihram na nagsasabi: " Katotohanan, nais kong magsagawa ng Hajj at Umrah. Sinabi [ni Ibn Umar] sa kanya: "Ipinapaalam mo pa bas a mga tao? Hindi ba nababatid na ng Allaah  ang anumang nasa iyong sarili?".

Inihanda ni : Ustadh Salamodin D. Kasim

Hango sa Aklat na:  MGA ARAL AT KAALAMAN mula sa mga Hadith ng Sugo ng Allaah

Monday, March 24, 2014

"Oh Aking Ina! Umm Ayman"


Ummu Ayman Barakah Bint Tha'alabah رضي الله عنها

Oh Aking Ina:

* Ummu Ayman, barakah; pinaghalong biyaya at kaligayahan sa katauhan ng mabuting Sahabiyah (1) na ito, na nagkamit ng parangal mula sa Sugo ng Allaah صلى الله عليه وسلم.                                      

* Ang pinagpalang Sahabiyah na ito ay nasaksihan ang lahat ng baitang ng Propesiya at nakasabay ang mga Islamikong kaganapan mula A hanggang Y(2).                        

* Namuhay bilang isang alipin at bilang isang Malaya, asawa at ina.                                                                           
* Siya noon ay tagapangalaga ng Dakilang Propeta صلى الله عليه وسلم at naging kabiyak ng taong mahal ng Sugo ng Allaah صلى الله عليه وسلم na si Zaid bin Haritha, Ina ng Martir na si Ayman bin Ubayd Al-Khajraji at Ina ng Prinsipe ng mga pinuno at kabalyero mula sa mga kabalyero ng  Sugo; ang mahal na anak ng mahal [ng Sugo ng Allaah  ] na si Osama bin Zaid [kalugdan nawa silang dalawa ng Allaah].                                                          

* At ngayon sino nga ba itong si Ummu Ayman at ano ang kanyang pagkatao?                                                                
Ito'y sa pamamagitan ng pangalan ng kanyang anak na si Ayman buhat sa kanyang asawa na si Ubayd bin Zaid Al-Habashi, at siya'y tinatawag na alipin ng Sugo ng Allaah صلى الله عليه وسلم at kanyang kasambahay. 
                                                 
* Ang dakilang babaeng ito ay nakilala ang Propeta noong sanggol pa lamang at nakilala rin nang siya ay isang binata na, isang Propeta at Sugo, isang asawa, ama at lolo,  sinasabi sa kanya noon ng dakilang Propeta : (O Aking Ina)
                                                                                         
Siya ay namuhay pa pagkaraan ng kamatayan ng propeta  nang ilang taon; siya'y itinuturing na isa sa mga sanggunian ng talambuhay ng propeta .  
                           
* At ngayon tayo ay papasok sa kalawakan ng talambuhay ng dakilang Sahabiyah na ito, isa sa mga babaeng muslim na may bahagi sa kasaysayan ng Islam.                               

ANG MABUTING TAGA PAG-ALAGA

* Binanggit ng Eskolar sa Talambuhay ng Propeta na si Mohammad bin Ishaq – kaawaan nawa ng Allaah- katotohanan si Abdullah bin Abdulmutallib ay namatay at ang Propeta ay nasa sinapupunan pa lamang ng inang si Aminah bint Wah'b at tunay na ang naiwan ni Abdullah para sa batang nasa sinapupunan ay limang kamelyo, mga kambing, isang namanang espada, pilak at isang alipin; siya si Ummu Ayman barakah Al-habashiyah na ating dakilang  Tauhan ngayon, at inaalagaan siya (صلى الله عليه وسلم) ni Ummu Ayman at tinatawag nitong UMMIE [aking ina].       
  
 * At ipinadala ang Propeta sa Bani Saad upang pasusuhin, at siya'y ibinalik ni Haleemah As-Saadiyah sa kanyang ina na si Aminah sa kanyang ikalimang taong gulang, nang umabot ng anim na taong gulang dinala siya ng kanyang ina sa Madinah upang dalawin ang Bani An-Najjar, mga tiyuhin ng kanyang lolo na si Abdulmuttalib at kinuhang kasama sa pagdalaw na ito si Ummu Ayman, nang sila ay bumalik sa Makkah; nagkasakit si Aminah sa daan at binawian ng buhay sa Al-Abwa'-isang nayon sa pagitan ng Makkah at Madinah- at umupo si Muhammad  na umiiyak dahil sa pagkawalay sa ina na nagdulot ng malaking epekto sa kanyang sarili at nanatiling Ala-ala hanggang pagkatapos ng paglikas [sa Madinah]. Tunay na tumingin ang Propeta  sa tahanan ng Bani An-Najjar nang siya'y lumikas at sinabi: " Dito ako ibinaba ng aking Ina at nasa lugar na ito ang puntod ng aking ama na si Abdullah at napagbuti ko ang paglutang [paglangoy] sa balon ng Bani Adi bin An-Najjar".      
                                    
* At sa masakit na kalagayang ito; Lumabas si Ummu Ayman upang maisagawa ang kanyang katayuan sa pagitan ng mga kababaihan na silang nag-iwan ng malinaw na bakas sa kasaysayan at tunay na ninais ng Allaah - Ang Maluwalhati, Ang Kataas-taasan- para sa kanya ang lahat ng kabutihan, at ibinalik niya ang Propeta  at naging taga pag-alaga  at Inialok nya ang sarili upang siya'y (صلى الله عليه وسلم)  alagaan at paka-ingatan, ibinuhos nito ang kanyang (Umm Ayman) pagmamahal gaya ng ginawa sa kanya (صلى الله عليه وسلم) ng kanyang Lolo na  si Abdulmuttalib sa pamamagitan ng kanyang (صلى الله عليه وسلم)  pagmamahal din at ito'y ginantihan ng Allaah ang pagmamahal ng kanyang dalawang magulang (Aminah at Haleemah)  ng isa pang pagmamahal ng kanyang lolo at ni Ummu Ayman at lubos na naawa sa kanya si Abdulmuttalib at lagi nito ibinibilin sa taga pag-alagang si Ummu Ayman: " O Barakah huwag mong pababayaan ang aking anak sapagkat natagpuan ko siyang nanggilalas kasama ang mga kabataan at tunay na ang mga angkan ng kasulatan ay naniniwala na ang aking anak na ito ay Propeta ng sambayanang ito".   
          
* At si Abdulmuttalib ay nasisiyahan sa anumang nakikitang mga tanda ng karangalan at pagiging bukas-palad sa kanyang apo na si Muhammad at nagbibilin sa kanyang mga tiyuhin na kanyang sinasabi: " Hayaan na ninyo ang aking anak, tunay na mayroon siyang mabuting kinabukasan".                                                                        

* Subalit dinatnan ng kamatayan si Abdulmuttalib pagkatapos niyang magbilin sa anak na si Abu Talib para sa pangangalaga sa Propeta at pang-iingat sa kanya. Nalungkot ang propeta  ng labis na pagkalungkot at siya noon ay isa pang batang paslit.    
                                      

* Tunay na tinanong si Propeta :" Naaalala pa ba ninyo ang pagkamatay ni Abdulmuttalib? Kanyang sinabi:" Oo, ako sa panahong iyon ay walong taon gulang".  

                       
* At isinasalaysay ni Ummu Ayman ang kalungkutan ng Dakilang Sugo  sa kanyang lolo at nagsasabi: " Aking nakita ang Sugo ng Allaah  sa araw na iyon na umiiyak sa likod ng kama ni Abdulmuttalib". 

                                          
TUNAY NA IKAW AY MAPALAD 

* Lalo pang nadagdagan ang pag-aalaga ni Ummu Ayman sa Propeta  tulad ng pagtatanggol sa kanya ni Abu Talib at ang kanyang asawa na si Fatimah bint Asad nang natatanging pag-iingat, at pinangalagaan siya ng Allaah sa pamamagitan ng Kanyang habag at ginawang bukod-tangi sa pamamagitan ng kanyang biyaya, samakatuwid, pagsapit ng umaga'y maayos ang kanyang buhok na may tina sa pilikmata hindi katulad ng ibang kabataan na hindi ganoon ang kalagayan pagsapit ng umaga. Naiulat ni Ibn Abbas- kalugdan nawa silang dalawa ng Allaah- kanyang sinabi: " Ang mga anak ni Abu Talib ay may mga muta sa mata at magulo ang buhok pagsapit ng umaga;samantalang si Muhammad  ay maayos ang buhok at may tina sa pilimata at lubos siyang minamahal ni Abu Talib".                                                                          
* At nagsalaysay si Ummu Ayman tungkol sa biyayang ito at sinabi: "Hinding-hindi ko nakita ang Sugo ng Allaah  na nagreklamo sa gutom at uhaw; bagkos pagsapit ng umaga ay umiinom mula sa tubig ng Zamzam; at minsan inaalok namin siya ng tanghalian at siya'y nagsasabi:" Ayaw ko po, busog pa po ako".       
                                                    
* At palagi noon sinasabi ni Abu Talib sa Dakilang Propeta: " Katotohanan, ikaw ay tunay na mapalad [mabiyaya], dahil sa kanyang nakikitang biyaya at mga mabubuting tanda na pumapalibot sa pamilya ni Abu Talib"                               

ANG PAGPAPALAYA SA KANYA NG KANYANG ASAWA

* Naging Binata na ang Sugo ng Allaah  at tinatawag parin si Ummu Ayman na "O aking Ina", tunay na siya'y nagsilbing  taga pag-alaga at ina ng Propeta at inaalagaan nang mabuting pag-aalaga, at nang mapangasawa ng dakilang Propeta si Khadijah bint Khuwailid - kalugdan nawa siya ng Allaah- ay pinalaya niya si Ummu Ayman at pinakasalan siya (Umm Ayman) ni Ubayd bin Zaid Al-Khajraji, ipinanganak niya [mula kay Ubayd] si Ayman- at si Ayman ay nakasama sa paglikas, Jihad at napatay [bilang martir] sa digmann ng Hunain- kalugdan nawa ng Allaah- at mula sa kanyang pangalan ang palayaw [ni Ummu Ayman] -kalugdan nawa silang dalawa ng Allaah-.
                                
* Hindi naputol ang paggalang ng dakilang Propeta kay Ummu Ayman bagkos patuloy parin itong bukas-palad sa kanya at dinadalaw, at kapag napatingin ang Sugo ng Allaah  sa kanya, kanyang sinasabi: (Ito ang natitirang Kamag-anak ko) gaya ng kanyang pagtawag sa kanya ng: (O aking ina).                                                                                
* At sa aklat na (tahzibul Asma wal Lugat) binanggit ni An-Nawawi -kahabagan nawa ng Allaah-katotohanan ang Sugo  ay nagsasabi: (Si Ummu Ayman ay aking ina pagkatapos ng aking ina).                                                      
* At nang gampanan na ni Muhammad ang Kanyang tungkulin bilang sugo ng Allaah, si Ummu Ayman ay kabilang sa mga taong naunang yumakap sa Islam, at kabilang sa mga naniwala sa mensahe ni Muhammad , binanggit Ibn Al-Athir Al-Jazari sa kanyang mahalagang aklat na (Asadul Gabah) kanyang sinabi: " Siya [Ummu Ayman] ay naunang nagmuslim sa unang panahon pa lang ng Islam at sa unang araw mula sa mga araw ng kanyang pagpasok sa Islam ay sumanib na sa hanay ng mga kababaihang muslim kaya't iniwan siya ng kanyang kabiyak na si Ubayd bin Zaid at tumangging maging muslim kaya pinaghiwalay sila ng Islam."
                
* Si Khadijah bint Khuwailid - ina ng mga mananampalataya- ay umaangkin na [bilang pagmamay-ari] si Zaid bin Haritha, binili para sa kanya ni Hakeem bin Hizam bin Khuwailid sa pamilihan ng Okaz at hiniling ng Propeta  sa kanyang kabiyak na si Khadijah na ipagkaloob sa kanya si Zaid at ito ay ipinagkaloob sa kanya kaya't si Zaid ay naging pagmamay-ari ni propeta at ito ay pinalaya [tinubos mula sa pagkaalipin] at pagkatapos ay ipinakasal sa kanyang taga alaga na si Ummu Ayman at ginawang [kabilang sa makakapasok sa ] Paraiso, ipinanganak niya [mula kay Zaid] si Osama at mula [kay Osama] ang kanyang palayaw kalugdan nawa silang lahat ng Allaah at taglay ng mabiyayang pamilya na ito ang mabuting katayuan sa panahon ng propesiya [panahon ng Propeta] at sa unang panahon ng Islam.
                                              
* Nabanggit ni Ibn Athir- kaawaan nawa siya ng Allaah- katotohanan si Ummu Ayman ay matagal ng naging Muslim at lumikas patungong Ethiopia at pagkatapos ay sa Madinah, ang kanyang paglikas patungong Madinah ay may kawili-wiling kuwento na tumutukoy sa parangal sa kanya ng Allaah - Ang Maluwalhati, Ang Kataas-taasan-.    
    
* Ating pakinggan ang parangal na ito na iginawad ng Allaah sa Babaeng Mananampalataya, Matatakutin at dalisay, tunay na binanggit ni Ibn Saad at iba pa ang karangalang ito at sinabi: " Nang lumikas si Ummu Ayman inabutan siya ng hapon sa lugar na Munsarif malapit sa Rawha at siya ay nauhaw, at wala siyang dala na tubig habang siya'y nag-aayuno kaya't pinahina siya ng uhaw; magkagayon, may iniabot na balde sa kanya mula sa langit na may tubig na may puting lubid, kanyang kinuha at uminom mula rito hanggang siya ay mabusog at kanyang sinasabi: Hindi na ako nauhaw pagkatapos kung makainom at tunay na ako ay tinamaan ng uhaw sanhi ng pag-aayuno sa Hawajir kaya't   hindi na ako nauhaw pa pagkatapos ng pag-inom na iyon at kahit ako noon ay nag-aayuno na mainit na mainit ang araw , hindi ako nauuhaw".  
                                                                           
* Tunay na ito ay karangalan mula sa Allaah –Ang Kataas-taasan- dahil sa kanyang paglabas tungo sa Kanyang landas na hangad ang Kanyang habag at kasiyahan, dahil dito binanggit siya ni Abu Na'eem nang isulat ang kanyang pagkatao at sinabi: " At kabilang sa kanila si Ummu Ayman; lumikas ng naglalakad, nag-aayunong gutom, tumatangis na umiiyak, nakainom nang walang nagpainom sa kanya ng inuming buhat sa langit na nagsilbing lunas at sapat para sa kanya".
                           
MGA LARAWAN NG KANYANG PAGPUPUNYAGI

* Naipon kay Ummu Ayman -kalugdan nawa siya ng Allaah- ang mga mabubuting katangian kung saan dapat itong taglay ng isang babae, subalit bilang karagdagan sa kapuri-puri niyang katangian ay taglay pa niya ang iba pang kahanga-hangang katangian sa mga pahina ng kanyang buhay; ito ay ang katangiang pagpupunyagi, tunay na siya'y tumanggi maliban na sumama sa Sugo ng Allaah at ang mga magigiting ng Islam sa paglaban sa mga hindi-mananampalataya upang mangibabaw ang salita ng Allaah at ang salita niyang di-naniniwala ay maging pinakamababa at may tanyag na katayuan [bahagi] si Ummu Ayman sa mga digmaang kanyang nasaksihan, itinala ito ng kasaysayan sa pamamagitan ng mga letra mula sa liwanag.                                                                     
* At ngayon hayaan niyo kaming masiyahan sa mga linyang ito kasama ang pagpupunyagi [pakikibaka] ni Ummu Ayman at ating masaksihan ang kanyang tapang at mga dalisay na Gawain.                                                          
* Sa digmaan ng Uhud ay lumabas si Ummu Ayman -kalugdan nawa siya ng Allaah- kasama ang mga kababaihan at ang naging tungkulin ni Ummu Ayman ay paggamot sa mga nasugatan at pag-alaga sa kanila , pagpapainom sa mga nauuhaw mula sa mga mandirigma [mujahidin], binanggit ng ating pinuno na si Ka'ab bin Malik -kalugdan nawa siya ng Allaah- ang naging tungkulin ni Ummu Ayman at kanyang sinabi: "…At ang naging tungkulin ni Ummu Ayman ay ang pagpapainom sa  mga nasugatan".                                                                             
* at habang isinasagawa ang pagpapainom ng mga sugatan ay tinamaan siya ng palaso sa kamay ng isa sa mga hindi-mananampalataya siya si Habban bin Al-Arqah at siya ay natumba, napatawa ng malakas si Habban, dahil doon naging mahirap ito sa Sugo ng Allaah  kaya't ibinigay kay Saad bin Abi Waqqas ang isang palasong walang talim at sinabi: " Panain mo", at tinamaan si Habban, siya'y natumba, tumihaya at nakita ang maselang bahagi ng katawan kaya't natawa ang Sugo ng Allaah  hanggang sa nakita ang kanyang bagang at pagkatapos kanyang sinabi: ( Gumanti sa kanya si Saad, tinugon ng Allaah ang iyong panalangin at itinuwid ang iyong pagpana). 
                                                                             
* At ipinagpatuloy parin ng matapang na mujahidah [Ummu Ayman] ang kanyang tungkulin at mayroon siyang nagawa na tumutukoy sa kanyang katapangan at katalinuhan, nang sumuway ang mga tagahagis ng pana ang utos ng Propeta  sa digmaan ng Uhud at natalo ang ilang Muslim sinalubong sila ni Ummu Ayman at tinatapunan niya ng lupa ang kanilang mga mukha at kanyang sinasabi: " Ito ang kidkiran; iyong gamitin at ibigay mo ang iyong espada at pagkatapos ay tumungo sa Sugo ng Allaah  upang mabatid ang kalagayan kasama ang mga kababaihan hanggang sa naging panatag ang kalooban dahil sa kanyang (صلى الله عليه وسلم) kaligtasan at pinuri ang Allaah - Ang Kataas-taasan-.                                                                       
KANYANG KATAYUAN SA KHAYBAR

* Sa digmaan ng Khaybar; nagkaroon ng kaaya-ayang katayuan si Ummu Ayman na hindi bababa sa kanyang naging Gawain sa Uhud, tunay na lumabas kasama ang Sugo ng Allah  mula sa Madinah ang dalawampung kababaihan, isa na sa kanila si Ummu Ayman,Ummu Ammarah, Naseebah bint Kaab, Ummul Ala Al-Ansariyah at iba pa,at si Ayman na anak ni Ummu Ayman ay hindi nakasama sa mga digmaang ito sanhi ng kalagayang siyang pumigil sa kanya kaya't nakapagsalita  siya [ng ina] na duwag at takot samantalang [alam natin na ] si Ayman ay kabilang sa mga kabalyero ng Propeta , tunay na pinigilan siya ng sakit ng kanyang kabayo upang hindi makalabas, katotohanan tinukoy ito ni Hassan bin Thabit at sinabi: " makatuwiran [ang hindi pagsama] ni Ayman -kalugdan nawa ng Allaah-, at binabanggit rin ang kanyang tapang at naitala ang kahigitan ng ina at katayuan:  
             
Nang sabihin kay Ayman ng kanyang ina…ika'y naduwag at hindi nakasama sa mga kabalyero ng Khaybar

Subalit hindi naduwag si Ayman ngunit napinsala ang kanyang kabayo ng pag-inom ng nakahihilo na harinang may halong tubig.                                                                  

Kaya't kung hindi lamang dahil sa nangyari sa kanyang kabayo…tunay na siya'y makikipaglaban bilang kabalyero nang walang kahirap-hirap [hindi kalewete]…                         

Subalit tunay na nahadlangan siya ng nangyari sa kabayo at ito ay hindi madali para sa kanya.  

                               
ANG MATIISIN SA DIGMAAN NG MU'TA AT HUNAIN


* Sa kasaysayan ng Mu'ta, lumabas ang ating pinunong si Zaid bin Harith -ang mahal ng Sugo ng Allaah - bilang pinuno ng lahat ng mga kawal at sa Mu'ta namatay bilang martir kasama si Ja'afar bin Abi Talib at Abdullah bin Rawaha at isinasalaysay ng Dakilang Propeta sa kanyang mga kasamahan ang tungkol sa pagkapaslang [martir] ng tatlong pinuno, at ang nauna sa kanila ay si Zaid at nang matanggap ni Ummu Ayman ang balita sa pagkamatay ng kabiyak ay ipinaubaya na lamang sa Allaah na hangad niya'y gantimpala at nagtiis at itinuro [na rin] sa anak na si Osama ang pagtitiis, itinanim sa kanyang diwa ang katapangan at pagiging matatag upang maipaghiganti ang kanyang ama laban sa mga hindi-mananampalataya at sa pangyayaring ito naging mabuting huwaran si Ummu Ayman sa pagtitiis at pagtanggap sa naitakda ng Allaah.       
* at ang kasunod ay digmaan sa Hunain, at Lalabas si Ummu Ayman -kalugdan nawa siya ng Allah- kasama ng mga lumabas na kababaihan, at sa pinagpalang digmaang ito maraming [bagay] ang naibahagi ni Ummu Ayman, itinulak ang dalawang anak na si Ayman at Osama upang maging  katabi ng Sugo , nakasama rin siya sa pagpapainom ng mga nasugatan , tulad ng kanyang pagbahagi sa pamamagitan ng kanyang dila sa panalangin para sa mga Muslin at paghingi ng tulong mula sa Allaah para sa kanila.                                                           
* At hindi makakalimutan na ang anak na si Ayman ay kabilang sa grupo mula sa mga Muhajirin at Ansarna silang nanatiling matatag kasama ang Sugo ng Allaah  sa Hunain at kabilang din sa kanila sina: Al-Abbas bin Abdulmuttalib,Ali bin Abi Talib, Abu Sufyan bin Al-Harith bin Abdulmuttalib, Ayman bin Ubayd AL-Khajraji, Osama bin Zaid,Abu Bak'r, Omar, Haritha bin An-Nu'man at iba pa, at tunay na naging mabuting halimbawa si Ayman bin Ubayd sa pagiging matapang at pagtatanggol sa Sugo ng Allaah  at siya'y napaslang [martir] at nakasama ang kanyang Panginoon sa mga hardin na kasing-lawak ng mga kalangitan at ng kalupaan,na inihanda para sa mga may Takot [sa Allah].      
                                                          
* At tiniis rin ito ni Ummu Ayman at ipinasa Allaah na lamang ang nangyari sa anak na hangad niya ang kasiyahan [ng Allah] at ng Kanyang Sugo .         
               
* Naging Gawain [na rin] ni Ummu Ayman -kalugdan nawa ng Allaah- ang pagsilbi sa Propeta  at pagpapahalaga sa kanya at mayroon siyang mataas na katayuan sa dakilang Propeta, at ang Sugo  ay siyang pinakamaalam mga tao, at tunay na siya'y tumingin at nakita ang busilak ng pagkatao at puso ni Ummu Ayman kaya't inilagay ito sa mataas na katayuan na para bagang kabilang na si Ummu Ayman sa kanilang pamilya nang sabihin niya sa kanya : " Takpan mo ang iyong kaluguran O Ummu Ayman"
   
* Naiulat ni Ali bin Burhanuddin Al-Halbi sa kanyang magandang aklat na kasaysayan ang isang ulat na tumutukoy sa antas ni Ummu Ayman sa sarili ng Sugo , naiulat mula kay Aisha bint Siddiq - kalugdan nawa ng Allah- kanyang sinabi: " Isang araw uminom ang Sugo ng Allaah  at naroroon sa kanya si Ummu Ayman at sinabi: (O Sugo ng Allaah painumin mo ako; sinabi [ni Aisha]: " nasasabi mo ito sa Sugo ng Allaah?, sinabi nya [Ni Ummu Ayman]:" ang aking pagsilbi sa kanya ay mas marami. Kaya't sinabi ng Propeta : (tama ang sinabi niya) at ito ay pinainom". 
                                                                            
* at ito si Anas bin Malik - kalugdan nawa ng Allaah- ikinukuwento ang antas [katayuan] ni Ummu Ayman at kanyang sinasabi: (Ako'y pumunta kasama ang propeta  patungo kay Ummu Ayman, dadalawin namin siya at inilapit sa kanya ang pag-kain o inumin, at [hindi kinain ng Propeta ] na maaaring siya ay nag-aayuno o hindi niya nagustuhan kaya't pinipilit [nitong kumain], at ayon sa ibang ulat- "pinapatawa niya [ang Propeta ],at napapangiti lamang ang Propeta  dahil sa mga inaasal ni Ummu Ayman -kalugdan nawa ng Allah-. 
                              
* At ang nakakawili ay itong si Ummu Ayman ginawa ang lahat ng makakayanan upang maging mapagbigay sa Sugo ng Allaah, katotohanan naiulat na siya'y nagsala ng harina at ginawa itong tinapay para sa Propeta  at kanyang sinabi: " Ano ito? Kanyang sagot: ( isang pagkain na aming ginagawa sa aming lugar [ sa Ethiopia] at nais kong gawing tinapay para sa iyo, sinabi ng Propeta :" Ibalik mo na lang at gawin na lamang itong Ajeen [harinang may halong tubig]".     
                                         
* At kabilang sa maidaragdag sa antas [katayuan] ni Ummu Ayman ay katotohanan nasa kanya ang pamimitagan [pagpapahalaga] ng Dakilang Propeta , tunay na nabanggit ng ilang mananalaysay na siya ay kulay itim, at ipinanganak si Osama na kakulay niya samantala ang ama [ni Osama] na si Zaid bin Haritha ay maputi, at magkagayon; ang mga mapagkunwari [Munafiq] ay nililibak at naninirang-puri kay Osama bin Zaid sa kanyang pinagmulan [angkan] at kanilang sinasabi: " Hindi siya anak ni Zaid", at ito ay gumagambala sa Dakilang Propeta  hanggang sa lumitaw ang katotohanan, tunay na naisalaysay [ni Bukhari At Muslim] buhat kay Aisha ina ng mga mananampalataya - kalugdan nawa ng Allaah- kanyang sinabi:      ( Pumasok sa akin ang Propeta  na Masaya at sinabi: Alam mo bang si Mujazzaz Al-Mudlaji ay pumasok sa akin at nakita si Osama at Zaid, natatakpan ng pelusa ang kanilang mga ulo at nakalabas ang mga paa at sinabi: (katotohanan ang mga paa na ito ay mula sa isa't isa).                                   
* at mayroon din nakakawiling kuwento na nagpapatunay sa katayuan ng dakilang Sahabiyah na si Ummu Ayman na kanyang taglay sa sarili ng Sugo ng Allaah  at tinutukoy rin nito ang kanyang pagmamahal sa Sugo ng Allaah at kanyang paggalang at parangal kaya't hayaan na lang natin ang taong nasaksihan ng mga mata niya ang siyang magsasalaysay sa atin tungkol sa kawili-wiling kuwento na iyon.                                                                     
Naiulat  ni Anas bin Malik - kalugdan nawa ng Allah- katotohanan may isang lalaki na nagbibigay sa Propeta  ng mga puno ng palmera o anumang kanyang nais mula sa kanyang kayamanan o anuman kanyang naisin hanggang sa masakop niya ang Quraidha at Nadhir at ibinabalik ang anumang ibinigay sa kanya [ng lalaki], inutusan ako ng aking pamilya upang siya'y puntahan at hingin sa kanya ang kanilang ibinigay sa kaniya o ilang bahagi nito at ang Propeta  ay binigyan si Ummu Ayman o anumang nais ng Allah, kanyang sinabi: humingi si [Ummu Ayman] sa kanya at siya ay binigyan, at dumating [ sa akin] si Ummu Ayman at pinilipit ang damit sa aking leeg at sinasabi: (Hindi! Sumpa man sa Allaah na walang dapat sambahin liban sa Kanya, hindi namin ito ibibigay sa iyo, tunay na ito ay ibinigay niya [Propeta ] sa akin, sinabi ng Propeta : (O Ummu Ayman iwan ang ganito ganyan…) at siya'y nagsasabi: ( Hindi! Sumpa man sa Allah maliban kung magbigay siya ng sampung katulad nito- at sa ulat mula sa Saheeh kanyang sinabi: (Hindi! Sumpa man sa Allah maliban kung magbigay ng sampung katulad nito).  
                                                                       
* At ganoon ang pagkamatuwain ni Ummu Ayman hindi nalulugod hangga't hindi niya nakukuha ang gusto at tunay na ipinagkaloob sa kanya ng Dakilang Sugo ang anumang ninais at nakamit [nga] ang kaligayahan at karangalan -kalugdan nawa siya ng Allaah-.    
                                            
ANG NAKANGITING DAKILANG PROPETA

* Nakaugalian ng dakilang Propeta  ang pakikipagbiro sa kanyang mga kasamahan  –kalugdan nawa sila ng Allah- ito ay upang sila ay pasayahin at mayroong nakawiwiling pangyayari sa kanya kasama ang taga alaga na si Ummu Ayman, isa na rito ang naiulat na katotohanan, si [Ummu Ayman] ay dumating at sinabi: (O Sugo ng Allaah dalhin mo ako) sagot [ng Propeta]: (Isasakay kita sa anak ng kamelyo) kanyang sinabi: (hindi niya ako kaya at ayaw ko) sinabi [ng Propeta]: ( hindi kita dadalhin maliban kung ito ay[ sa pamamagitan ng] anak ng kamelyo –" na binibiro siya ng Propeta"- at ang mahal na Sugo ay nagbibiro subalit hindi siya nagsasalita kundi katotohanan [lamang] at ang lahat ng kamelyo ay anak ng babaeng kamelyo.       

* Ang Dakilang Propeta  ay tinuturuan si Ummu Ayman ng ilang bagay tungkol sa Halal at Haram, at minsan itinutuwid ito sa maayos na paraan,kabilang na dito ang naiulat ni Ummu Ayman -kalugdan nawa ng Allaah- na kanyang sinabi: (Sinabi sa akin ng Sugo ng Allaah : (Paki abot po ng khamrah [takip] mula sa Masjid) aking sinabi:" ako ay nereregla", kanyang sinabi: ( ang iyong regla ay wala sa iyong kamay).    
                                                      
* At nabanggit [din] ng mga mananalaysay na si Ummu Ayman ay natitisod minsan sa pagsasalita- sanhi ng mahirap na bigkas ng dila- at pinangangaralan na lang siya ng Dakilang Propeta  at inuutusang panatilihin ang pananahimik, kabilang na ang naiulat na siya'y pumasok sa Propeta  at sinabi: ( Salaam La Alaykom) kaya't pinahintulutan na lamang siya [ng Propeta ] na sabihin ang: (As-Salaam). Ang gusto sana niyang sabihin ay "Salaamullah Alaykom" [Ang kapayapaan ng Allah ay sumainyo]. Ganyan siya tinuturuan ng Propeta upang hindi mababago ang "Salaam" [pagbati] sa tumbak nitong hugis at upang hindi masugatan ang damdamin ng mabuting Sahabiyah na si Ummu Ayman - kalugdan nawa ng Allah-.        
                                                                         
* At ang isa pang nakakawiling pangyayari na ang Dakilang Propeta ay hindi nakakalimot ngumiti kahit na may sugat at tinuturuan ang taga alaga niya [si Ummu Ayman], ito ay nangyari sa digmaan ng Hunain na kung saan ang digmaang ito ay naging matindi sa una; Dito Nasubok ang mga mananampalataya, sila ay niyanig sumikip sa kanilang ang mundo at umatras ang karamihan sa mga tao at nanatili ang ilan sa kanila, sa mga pangyayaring iyon; tinatawag ng Sugo ng Allaah  ang mga taong umatras [sa labanan] na nanaig sa kanila ang sindak at sinasabi: ( O mga tao! Pumunta kayo sa akin, ako ang Sugo ng Allaah, ako si Muhammad Bin Abdullah, ako ang propeta, walang pagsisinungaling, anak ako ni Ibn Abdulmuttalib).                                                                        
* sa pangyayaring ito, kanyang naririnig ang taga-alagang si Ummu Ayman nananalangin sa Allaah sa sarili niyang wika [hindi arabik] at sinasabi:" SABATALLAH AQDAMAKUM, ALLAAH AQDAMAKUM, napansin ng Dakilang Propeta ang kanyang sinasabi at ang tindi ng labanan ay hindi naging dahilan upang makalimutan niyang magbiro sa kanya at siya'y humarap at sinabi: (Manahimik ka O Ummu Ayman sapagkat ikaw ay bulol). 

SI UMMU AYMAN AT ANG NAPAKATAPAT NA SI AISHA

* Nang bumalik ang Sugo ng Allaah  mula sa digmaan ng Bani Al-Mustaliq, pinamalita na ng mga taong nagparatang kay Aisha ang kanilang paratang sa kanya –kalugdan nawa ng Allah- Ina ng mga mananampalataya at siya ay dinalisay ng Allaah mula sa anumang paratang nila, sa pangyayaring ito ang pinagkakatiwalaan ng Propeta na si Umm Ayman ay Pinuri si Aisha  - kalugdan nawa ng Allaah- at kanyang sinabi: (Walang ako narinig at nakita at wala akong alam [kay Aisha] kundi kabutihan).                                                      
* Ganoon naipahayag ni Ummu Ayman dahil sa mabuting paraan na naituro ng Propeta [sa kanya] at nakamit ang marangal na antas sa Dakilang Sugo at sa asawang si Aisha ina ng mga mananampalataya           -kalugdan nawa ng Allah-.                                                                                       

SI UMMU AYMAN AT ANG MGA ANAK NA BABAE NG PROPETA

* Sa mga  Kaganapan sa Tahanan ng Propeta Palaging na andyan  si Umm Ayman tunay na nakikilahok siya sa Propeta at ganoon din sa kanyang pamilya sa kanilang mga Gawain at kasiyahan at sa araw ng kasal ng anak ng sugo ng Allaah na si Fatimah kay Ali Bin Abi Talib . Siya (Umm Ayman) At ang sahabi na si Asma Bint Umais  ay magkasamang  Inihahanda  ang mga gawain sa kasal.                                                                               
* At nang mamatay si Zainab na anak ng Sugo ng Allaah  kabilang si Ummu Ayman sa nagsagawa ng paligo sa kanya at kasama rin si Saudah bint Zam'ah at Ummu Salamah na asawa ng Dakilang propeta .                         
* At ang napakahalagang mababanggit na si Ummu Ayman ay napaliguan si Khadijah -ina ng mga mananampalataya- sa Makkah nang siya'y mamatay, ito ay nangyari bago ang paglikas ng Propeta .                                                          

ANG PAMAMAALAM NG MAHAL NA PROPETA 

* Sa buwan ng Safar, taong (11H), inihahanda ng Dakilang Propeta  ang malaking lupon ng mga hukbo at hinirang na pinuno nito si Osama bin Zaid bin Haritha at inutusang makarating ang mga kabayo sa " Al-Balqa" [ito ay lugar malapit sa Jordan] upang sindakin ang mga Romano at upang ipanumbalik ang tiwala ng mga arabo na nasa mga hangganan, pinag-uusapan ng mga tao ang tungkol sa pinuno ng hukbo; si Osama sanhi ng kanyang murang edad at sinabi ng Mahal na Propeta : (Kung siraan [pintasan] niyo ang kanyang pamumuno, tunay na sinisiraan [din] ninyo ang pamumuno ng kanyang ama noon, sumpa man sa Allaah tunay na nababagay siya sa pamumuno [kahit na sa una ay inaakala nilang hindi siya nababagay], at kahit na pinakamamahal siya sa akin,at tunay na itong [si Osama] ay pinakamamahal sa akin pagkatapos niya [Zaid].   
                                                     
Nagparada ang mga tao sa hukbo ni Osama sa lugar na may tatlong milya ang layo mula sa Madinah, subalit ang pagkakasakit ng Sugo ng Allaah ang naging sanhi ng kanilang pangamba, Ang nanay ng pinuno noon na si Ummu Ayman ay siyang nagsasagawa ng pag-aalaga sa Propeta  dahil sa kanyang pagkamalapit sa kanya gaya ng kanyang nakasanayan, at siya'y pumasok sa Dakilang Propeta  at sinabi niya: (O Sugo ng Allaah kung hayaan niyo si Osama na manatili sa kanyang kampo hanggang ika'y malunasan tunay na si Osama kapag siya ay lalabas sa kanyang katayuang ito; hindi makikinabang sa kanyang sarili. Sinabi ng Sugo ng Allaah : (Ipatupad ninyo ang pagpapadala kay Osama).pagkatapos ay sinabi kay Osama: (Pumunta ka [sa pamamagitan] ng pagpapala ng Allaah),at nagpaalam sa kanya si Osama at lumabas pumunta sa kanyang kampo at nang siya'y pasakay na; dumating ang sugo mula kay Ummu Ayman na nagsasabi: (Katotohanan ang Sugo ng Allaah ay naghihingalo na, humarap pumunta si Osama, Omar at Abu Ubaydah- kalugdan nawa sila ng Allah- hanggang sa sila ay dumating sa Sugo ng Allaah  na siya ay naghihingalo.     
     
* Namatay ang Dakilang Propeta  at Umingay [lumabas] ang masamang balita at dumilim ang kalupaan ng Madinah at himpapawid nito, nabiyak ang puso ng mga tao sanhi ng kalungkutan at tumayo si Ummu Ayman habang siya'y malungkot na iniiyakan ang Sugo ng Allaah na para bagang nakikita niya ang mga larawan sa kanyang harapan at naalala ang batang si Muhammad, ang Sugo, dakilang kakampi ng Allaah at siya naglakad habang sinasabi ang kanyang papuri:
                                                                    
O matang lumuluha, tunay na luha ang lunas nito ay luha kaya't paramihin ang pagtangis…                                   
Nang sabihin nila: Ang Sugo ay nawala at namatay na, tunay na ito ay malaking pagsubok…                              
Kayo ay umiyak sa [taong] mabuting nawala sa atin dito sa mundo, at siyang pinagbukod-tangi sa pamamagitan ng Rebelasyon ng langit…     
                                               
sa pamamagitan ng mga maraming luha mula sa iyo, hanggang sa itakda sa iyo ng Allaah ang mabuting pagtatakda…
                                                                   
tunay na wala akong alam noon na daan, at tunay [siya] dumating bilang habag sa pamamagitan ng liwanag…     

Isang bata na pagkatapos nito ay isang liwanag, at lampara na nagliliwanag sa mga kadiliman…                  
Pinakamainam na gabilya, buwis, metal at selyo na siyang kahuli-hulian sa mga Propeta.                                        
Tunay na binibigkas niya sa maayos na paraan at tula, at hindi ito kakaiba, tunay na ito ay katapatan, pananampalataya at pagpapala buhat sa Sugo ng Allaah ,katotohanan ito'y nabatid niya [mula sa kanya ] ang anumang hindi niya noon nalalaman.    
                                
* At kabilang din sa nakakawili at kapaki-pakinabang na banggitin sa pagkakataong yaon ay ang nabanggit ni Ibn Said An-Nas kanyang binanggit ang mga tula ng mga Sahabah na pumuri sa Sugo ng Allaah  sa kanyang aklat na ( Man'h AL-Mad'h) at ibinilang sa kanila si Ummu Ayman at sinabi mula sa kanyang mahabang tula:           
    
At mayroon din kay Ummu Ayman at ang anak ng Adawi na si Atikah ang tula [tulang papuri] kaya't mas mabuti ang kabuluhan nito     
                                                           
Tulad ng kanyang pagbanggit [din] sa mga kababaihang nagtula [bilang pagpuri] sa Sugo ng Allah .                      
ANG KANYANG ANTAS-KALUGDAN NAWA NG ALLAAH

* Nanatiling napangalagaan  sa  antas na Marangal at Mataas na Katayuan sa Puso ng mga Sahabah, lalong-lalo na kay Abu Bak'r As-Siddiq -kalugdan nawa sila ng Allaah-  ang sahabiyh na si Umm Ayman . Noong namatay ang dakilang Propeta ; sinabi ni Abu Bak'r kay Omar –kalugdan silang dalawa ng Allaah-: (Daanan natin si Ummu Ayman dadalawin natin siya gaya ng pagdalaw noon sa kanya ng Sugo ng Allaah , nang Makita niya[ Ummu Ayman] silang dalawa siya ay napaiyak, at sinabi nila sa kanya: (ano ang nagpapaiyak sa iyo? Kanyang sinabi: (hindi ako umiiyak dahil hindi ko na alam pumunta pa ang Sugo ng Allaah  sa akin nang mas higit noon ngunit ako ay naiiyak dahil nahinto na sa atin ang rebelasyon  mula sa langit kaya't nadala niya silang dalawa sa pag-iyak at umiyak narin silang dalawa).      
                                                               
* At sa isa pang ulat; tunay na siya'y nagsabi: ( ako ay umiiyak dahil sa rebelasyon mula sa langit na dumarating sa amin noon nang bagong kagat bawat araw at gabi, tunay na nahinto na at naitaas kaya dahil doon ako ay umiiyak at hinangaan ng mga tao ang kanyang tinuran.)

* Nanatiling taglay ng taga alaga [ng Propeta na si Ummu Ayman] ang kadakilaan ang karangalan.                              
* Naiulat sa akin ni Harmalah aliping pinalaya ni Osama bin Zaid habang siya ay nakaupo kasama si Ibn Omar biglang pumasok si Al-Hajjaj bin Ayman at nagdasal ng hindi ganap ang yuko at pagpapatirapa nito [sinabi sa kanya ni Ibn Omar]: " Bumalik ka ulit sa iyong pagdarasal". Nang siya ay tumalikod [umalis], sinabi ni Ibn Omar: Sino siya? Aking sinabi: (Siya si Al-Hajjaj bin Ayman bin Umm Ayman) kanyang sinabi: "Kung nakita lamang siya ng Sugo ng Allaah  tunay na siya'y mamahalin nito".    
          
* at ang maidadagdag sa mabuting pagkatao ng dakilang Sahabiyah na si Ummu Ayman ay ang naiulat ni Maslamah bin Muharib sinabi niya: sinabi ni Muawiyah na anak ni Abu Sufyan kay Osama bin Zaid-kalugdan nawa silang dalawa ng Allah-: "Kahabagan ng Allaah si Ummu Ayman, para nakikita ako ang kanyang mga binti na parang binti ng Ostrich".   
                                                      
Sinabi ni Osama; tunay na mas higit -sumpa man sa Allaah- kay Hind at mas marangal. Sinabi ni Muawiyah: 
" At mas marangal?!,sagot ni Osama: Oo, sinabi ng Allaah-Ang Kataas-taasan: (Tunay na ang pinakamarangal sa inyo [sa paningin] ng Allah ay ang may taglay na takot sa Allaah [pinakamatakutin sa Kanya]). 
[Al-Hujurat: 13  ]                    
* At nanatili ang paggalang kay Ummu Ayman sa mga puso, at nanatili ang kanyang mataas na antas na patuloy na nadadagdagan sa paglipas ng mahabang panahon, sa isang kawili-wiling kuwento na tumutukoy dito ang ulat na: katotohanan si Ibn Abil Furat [aliping napalaya] ni Osama bin Zaid ay nakipagtalo [argument] kay Al-Hassan na anak ni Osama bin Zaid-apo ni Ummu Ayman-sinabi sa kanya ni Ibn Abil Furat: (O anak ni Barakah-tinutukoy niya si Ummu Ayman-,kaya't sinabi ni Al-Hassan bin Osama: sumasaksi kayo [sa kanyang sinabi] at nagsampa [ng kaso] sa Hukom ng Madinah kay Abu Bak'r bin Muhammad bin Amr bin Hazm-Hukom ni Omar bin Abdulaziz- at isinalasaysay niya ang pangyayari, sinabi ni Abubak'r kay Ibn Abil Furat: Ano ang nais [mong ipahiwatig] sa iyong salita na "O anak ni Barakah"?sinabi niya: pinangalanan ko lamang siya sa kanyang pangalan, sinabi ni Abubak'r: ( nais mo [lamang ipahiwatig] ang pagmamaliit sa kanya, ang kanyang katayuan sa islam ay kanyang [mabuting] antas, at ang Sugo ng Allah  ay sinasabi sa kanya: (O aking ina,at O Ummu Ayman,[ngayon] tatawagin mo siyang O anak ni Barakah! Hindi ako tatanggalin ng Allah kung tatanggalin kita! At pinalo ng latigo ng pitumpong ulit.    
                                  
* Nananatiling inuugnay ang mga apo ni Ummu Ayman sa Sugo ng Allaah  at tinatawag sila [noon] na :            " Mga angkan ng minamahal".       
                                                   
* Namatay si Ummu Ayman -kalugdan nawa ng Allaah- pagkatapos ng Dakilang Propeta  nang limang buwan, maraming nagkasaksi at nagluksa sa araw ng kanyang kamatayan.                                                                           
* Sinabi ng Allaah: 
( Nangako ang Allaah sa mga lalaking naniniwala at sa mga babaing naniniwala- ng mga hardin sa ilalim nito ay mga ilog na umaagos, doon sila ay mamamalagi nang walang hanggan, at ng kasiya-siyang mga tahanan sa mga hardin ng walang hanggang pamamalagi. Subalit ang magandang lugod ng Allaah ang siyang pinakamalaking [gantimpala], iyan ang dakilang tagumpay).
[At-Tawbah:72].                                                    

* Si Ummu Ayman na taga Habasha [Ethiopia] ang natitirang pamilya sa Marangal ng Propeta  at isa sa mga mararangal na kababaihan na nauuna sa kabutihan.
           
* At ang dakilang Sahabiyah na ito ay isa sa mga magandang huwaran sa panahon ng propesiya [panahon ng Propeta] at isa sa mga kababaihan na hanggang sa pagkamatay ng Propeta  siya'y nalulugod sa kanila.          

* Ang mapalad na babaing ito ay kabilang [din] sa mga naunang lumikas na silang tumahak sa landas ng kabutihan kahit gaano man kahirap ang daan, at sila ay nakarating sa kanilang paroroonan, tunay na natamo ni Ummu Ayman ang magandang balita ng paraiso para sa kanya dahil sa busilak ng kanyang kalooban at dalisay ng puso, kaya nga ipinagkaloob sa kanya ng Sugo ng Allaah  ang dakilang balita- ito ang pagpasok niya ng paraiso- at binalitaan din ang makakapag-asawa sa kanya ng paraiso.                                                                                    
* Ang magandang balita ay naiulat ni Fudail bin Marzuq buhat kay Sufyan bin Aqabah kanyang sinabi: pinararangalan, pinakitutunguhan ng mabuti ang Propeta  at tumatayo para sa kanya [bilang paggalang] at sinasabi [ng Propeta]: " Sinuman ang nais niyang mag-asawa ng isang Babae mula sa Paraiso ay pakasalan si Ummu Ayman".
                                                                                
Sinabi niya: pinakasalan siya ni Zaid bin Haritha -kalugdan nawa ng Allaah- isa sa mga dakilang Sahabah at minamahal ng Sugo ng Allaah at aliping kanyang binigyan ng kalayaan, at isa sa mga naunang yumakap sa islam, nang marinig ang salitang ito ng Dakilang Propeta  at nagmadali siyang pakasalan [si Ummu Ayman] at ipinanganak niya sa kanya si Osama -ang minamahal na anak ng minamahal- at ano ang makapagpapaliwanag sa iyo kung ano ang minamahal na anak ng minamahal- kalugdan nawa silang lahat ng Allaah.   
                                 
Siya si Ummu Ayman Barakah, ang sapat na sa kanyang pagiging mapalad ang anumang natamo mula sa Sugo ng Allaah  na pagpapahalaga at parangal at sapat na rin ang sa kanya ang nauukol na gantimpala ang anumang nakamit mula sa Allaah na marangal na gantimpala -ito ang Paraiso- kung naisin ng Allaah-.
                                               
* At pagkatapos; mayroon pa bang mas higit sa masamyong talambuhay ng dakilang Sahabiyah na ito? 

Walang pag-aalinlangan mayroon pang marami at mas marami, subali't ipaalaala ko [lamang] sa iyo aking kapatid na mambabasa na katotohanan si Ummu Ayman ay nag-ulat mula sa propeta  ng limang Hadeeth, at naiulat mula sa kanya ni Anas bin Malik, Hanash bin Abdullah As-San'ani at Abu Yazid Al-Madani. 
                                        
* At karagdagan  ko pa sa iyo - aking kapatid na mambabasa- katotohanan si Ummu Ayman ay isang ina.     
* Kahabagan nawa ng Allaah si Ummu Ayman at siya'y kalugdan, at bago tayo magpaalam sa kanyang kawili-wiling talambuhay basahin natin ang sinabi ng Kataas-taasan [Allaah]:
  (Katotohanan ang mga natatakot sa Allah ay nasa [gitna ng ] mga hardin at mga ilog,[ sila ay] nasa mga luklukan ng karangalang malapit sa [kinaroroonan ng ] makapangyarihang Hari [ang Allah], ang Ganap na may Kakayahan).
[Al-Qamar: 54-55]


Talababa

1.Ang tawag sa babaeng mananampalataya na kasamahan ng Sugo ng Allaah
2.Mula sa una hanggang katapusan


Isinalin sa Tagalog ni:  Ustadh Salamodin D. Kasim