Tuesday, June 25, 2013
Monday, June 24, 2013
Sunday, June 23, 2013
Sunday, June 16, 2013
"Ano ang Tunog nang Kulog"
Si Ibn Abbas رضي الله عنه ay nagsabi: May mga Hudyo na lumapit Sa Propeta Muhammad صلى الله عليه و سلم at nagsabi:
Sabihin mo sa amin kung ano ang kulog ?
Siya (صلى الله عليه و سلم ) ay sumagot:
"Ito ay isang anghel mula sa mga anghel ng Allaah na nakatalaga sa pagsasaayos ng mga ulap , kung saan ang kanyang mga kamay ay isang mikhraaq (isang uri ng kasangkapan na ginagamit ng mga Anghel upang direktang itaboy ang mga ulap),sa pamamagitan nito ay dinadala niya ang mga ulap sa direksyon na itinalaga ayon sa kautusan ng Allaah."
Sila ay nagsabi: At ano ang tunog (nang kulog) na aming naririnig?
Sinabi niya (صلى الله عليه و سلم ): Ito ay ang tunog ng kanyang boses.
Sila ay nagsabi: Ikaw ay nagsasabi ng katotohanan.
[Hasan ni Al-Albani sa Al-hadeeth As-Sahihah]
Si Ikrimah رضي الله عنه ay nagsabi na tuwing makakarinig ng kulog si Ibn Abbas ( رضي الله عنه) siya ay nagsasabi:
"Kaluwalhatian sa Kanya na iyong (anghel) Pinupuri. At siya rin ay nagsabi: "Ang Kulog ay Anghel na humihiyaw sa ulan, katulad ng isang pastol na humihiyaw sa kanyang mga tupa."
[Hasan ni Al-Albani sa Sahih Al-Adab Al-Mufrad]
SHI'AH ISSUE!!!: " Salaysay ni Dr. Majdi Ar-Rab'ie "
Si Dr. Majdi Ar- Rab'ie,isang bihasa sa kasaysayan ay nagsabi:
Sampung taon ang aking ginugol sa pag-aaral tungkol sa SHIA, sa kanilang kasaysayan, mga pinuno at tungkol sa kanilang alitan laban sa Ahlus Sunnah; itoy sa pmamagitan ng aking paglalakbay pangkaalaman upang makamit ang aking Masteral at doctorate degree sa kasaysayan ng SHIA,lalung-lalo na sa IRAQ at IRAN...at matagal kung pinag-aralan ang SHIA BATINIYAH na siyang gumawang halal ang pagdanak ng mga Muslim, nagpalaganap ang pagsanib sa SHIA sa pamamagitan ng bakal at apoy,hanggang sa pinilit nila ang mga tao sa IRAN na yakapin ang SHIA at pinilit ang milyon-milyong Ahlussunnah na maging SHIA, at umabot sa isang milyon ang naitala ng kasaysayan na kanilang napatay mula sa Ahlus sunnah, kinatay sila sa mga kamay ng RAWAFID kaya't ang dating Ahlussunnah na IRAN ay naging RAFIDAH MAJOSIYAH.
At Hindi lang iyan! Nakipag-kaisa pa sila sa mga Hudyo at. Kristyano laban sa Ahlussunnah wal Jamaah, na siyang pumigil sa mga pagwagi at pananakop ng Ottoman Empire sa Europa pgktapos nilang masakop ang silangang Europa hanggang Veina... Subalit dahil sa pag traydor ng SHIA Safawiyeen ay napilitan ang Ottoman Empire na itigil ang pagsakop sa Veina at bumalik ulit sa Silangan upang kalimutan na lamang ang pananakop sa Europa at pagyakap sa Islam ng mga tao nito, na siyang nagtulak upang sabihin ng mga tagatala ng kasaysayan ng Europa na: KUNG HINDI LANG DAHIL SA PAGTRAYDOR NG MGA SHIA SA OTTOMAN EMPIRE AY NASAKOP NA SANA NITO ANG BUONG EUROPA AT NAGING BANSANG MUSLIM NA SANA...
At kabilang sa mga pangyayaring aking tinutukan ng mahabang panahon: ay ang pangyayaring halos Hindi ako mkapaniwalang kaya itong gawin ng tao maliban pa sa pag-aakin niya bilang Muslim; na siyang ginawa ng SHIA QARAMITAH (isa sa mga sekta ng Batiniyah); ang kanilang ginawa sa masjidil haram sa Makkah taong 317 ng Hijrah...araw ng Tarwiyah (8 ng dhul hijjah),kanilang nilusob ang mga nagsasagawa ng Hajj,pinagpapatay ang mahigit tatlum pong libo katao, winasak ang dome of Zamzam, tinanggal ang pintuan ng Ka'abah, at tinanggal din ang telang takip nito, kinatay ang sinumang nakasabit dito, ibinaon at inilibing ang mga patay ng Muslim sa balon ng Zamzam,at pgktapos ay tinangay ang blackstone at dinala sa kanilang lugar.
Sa pangyayaring ito! Aking napagtanto ang katotohanan ng sinabi ni Shiekhul Islam Ibn Taymiyah tungkol sa SHIA BATINIYAH na tunay ngang mas masahol at matindi ang pagtalikod sa pananampalataya kaysa mga Hudyo at Kristyano...at ang pakikipagdigma laban sa kanila ay mas obligado kaysa mga mananampalataya; sapagkat sila tumalikod sa Islam ( mga Murtad).
Sa ngayon! Pagkatapos natin masaksihan ang pangyayari sa SYRIA na pagdakila kay ASAD...at pagpatay at pagkatay sa mga Ahlussunnah na kabilang sa talaan ng mga pagpatay ng mga Hudyo at tatar...at pagsira at pagwasak sa mga MASJID; aking napagtanto na si BASHAR ASAD at mga kapanalig nitong mga NUSAYRIYAH (ALAWIYAH) na mula sa angkan ng Batiniyah at Qaramitah ay magkakatulad silang magkaka-angkan...
PARA BAGANG IBINABALIK LAMANG NG KASAYSAYAN ANG SARILI NITO!!
Ni : Salamodin Doton Kasim
Ni : Salamodin Doton Kasim
SHI'AH ISSUE!!!: "Kung Galit ka sa isang Tao ayaw mong marinig pangalan nya"
MUST READ!
...Kapag mahal mo ang isang tao o humahanga ka sa kanya ay may nagagawa kang mga bagay na tanda ng iyong paghanga o pagmamahal; at ganun din kapag galit ka sa isang tao at kinamuhian mo siya; may mga bagay na nagagawa kang tanda na iyong pagkamuhi at galit sa kanya;
Kabilang sa mga tanda ng pagmamahal at paghanga sa isang tao ay ang ipangalan sa isa sa mga anak mo ang kanyang pangalan tanda ng pagmamahal; kaya't marami sa atin ang pangala'y MUHAMMAD tanda ng pagmamahal sa huling Propeta [sumakanya ang kapayapaan], at ganun din ang pangalang Abu Bak'r o Omar...
HETO NA!
...Sinasabi ng mga SHIA galit daw ang mga Pamilya ng Propeta [Ahlul Bayt] sa mga SAHABA, at siyempre po marami tayong katibayan na pawang kasinungalingan lamang ito; hindi nga lang natin kayang ilatag dito baka kapusin tayo ng panahon...
"Kapag ating susuriin ay ang mga anak ni Ali bin Abi Talib na nakababatang kapatid nina Al-Hassan at Al-Hussayn ay nakapangalan pa sa mga SAHABA; sila ay sina: Abu Bak'r bin Ali bin Abi Talib, Omar bin Ali bin Abi Talib at Uthman bin Ali bin Abi Talib,,,eh kung totoong galit si Ali sa kanila bakit naman niya ipapangalan sa kanila.
" diba dahil sa ayaw natin sa kaaway ng Allah na si FIR'AUN ay ayaw natin itong ipangalan sa pamilya natin?? wala ata akong narinig na muslim/ mu'min na ang pangalan ay FIR'AUN o kung meron man ay bihira lamang...
HETO PA!
Galit sila kay AISHA [Radiallahu anha wa ardaa-ha] pero ang mismong mga apo ni Ali bin abi Talib ay maraming AISHA ang pangalan tanda ng kanilang pagmamahal kay AISHA...
" Sila sina: AISHA NA ANAK NI JA'AFAR AS-SADIQ, AISHA NA ANAK NI MUSA AL-KADHIM, AISHA NA ANAK NI ALI AR-RIDA at si AISHA NA ANAK NI ALI AL-HADI...
" at ganun din si Al-Hassan at Al-Hussayn meron silang mga anak na ang pangalan ay OMAR at ABU BAK'R.
"kaya't mag-isip isip kayong mga naliligaw at naaakay ng mga SHIA [RAWAFID] sapagkat pawang kasinungalingan at itinuturo sa inyo ng mga ligaw na SHIA".
KUNG ALAM LANG SANA NINYO ANG KATOTOHANAN SA MGA SHIA AT PINAGMULAN AY BAKA KAYO PA MISMO ANG SASAMPAL SA MGA IMAM NILA.
ALLAHUL MUS'TAAN!
gabayan nawa ng Allah ang mga naliligaw [AAMEEN]
ni : Salamodin Doton Kasim

Wednesday, June 12, 2013
BABALA!!! Sa Mga pagkakamali o Pagkukulang na nagaganap sa nag-aayuno
Ang lahat ng papuri at pasasalamat ay sa Allah lamang, ang Panginoon ng lahat ng nilalang. Nawa'y ang pagpapala at kapayapaan ay ipagkaloob sa pinakadakilang Propeta at Sugo ng Allah, si Muhammad ( salallaahu alaihi wasalaam), sa kanyang mag-anak at mga kasamahan lahat ...
2. Ang pagkain at pag-inom habang isinisigaw ang Adhan sa Fajr o pagkatapos nito. At kahit paman ang ilan sa mga nananawagan ng Adhan ay nauuna, bilang pagbabakasakali lamang.
3. Ang maagang pag-aalmusal sa madaling araw (Suhur), isang oras o dalawang oras bago ang Fajr. Samantalang ang mapananaligang ulat ukol dito ay ang pag-iinganyo sa maagang pag-aalmusal sa hapunan (Iftar) at pagpapahuli ng pagaalmusal sa madaling araw (Suhur).
4. Ang pagmamalabis sa pagkain at inumin ng karamihan sa mga tao. Ito'y sumasalungat sa kautusang pagpipigil ng gutom na siyang dahilan ng kataimtiman ng pananampalataya.
4. Ang pagmamalabis sa pagkain at inumin ng karamihan sa mga tao. Ito'y sumasalungat sa kautusang pagpipigil ng gutom na siyang dahilan ng kataimtiman ng pananampalataya.
5. Ang di pagdalo sa pagsasagawa ng Salah sa sama-samang pagdarasal (sa Mosque), tulad ng Salah sa Dhuhr at As’r, dahil sa katamaran, pagtulog o pagkaka-abala sa mga bagay-bagay na walang katuturan.
6. Ang kawalan ng pag-iingat sa dila sa araw ng Ramadan at maging sa gabi nito mula sa walang katuturan at masasamang salita, kawalang katotohanan at kasinungalingan, paninirangpuri at pagtsitsismis.
7. Ang pagpapalipas ng mga mahahalagang oras sa paglilibang at paglalaro, panonood ng mga palaro at pelikula, mga bugtong at palaisipan at pag-iistambay sa mga daan.
8. Ang di pagsasanay sa mga gawain na paulit-ulit ginagawaran ng gantimpala sa buwan ng Ramadan, tulad ng mga panalangin, mga dhikr, pagbabasa (ng Qur'an), at pagsasagawa ng mga kusang loob na Salah.
9. Ang di pagdalo sa Salah ng Tarawih sa sama-samang pagdarasal, samantalang napatunayan ang pag-iinganyo sa pagsasagawa nito kasama ng Imam hanggang sa ito’y lumisan nang sa gayo'y maitatala sa kanya ang pagtaguyod sa buong magdamag.
10. Napupuna sa unang mga araw ng Ramadan ang maraming bilang ng mga nagsasagawa ng Salah at mambabasa (ng Qur'an), subalit sa huling mga araw ng Buwan lumalaganap ang katamaran at kakulangan, samantalang may nabubukodtangi na partikular na kalamangan ng huling sampung araw ng Ramadan sa mga unang araw nito.
11. Ang di pagtaguyod ng dasal sa gabi (Al-Qiyam) na siyang partikular na kalamangan ng huling sampung araw ng Ramadan. Sa katunayan ang Propeta (Muhammad ), kapag sumapit ang huling sampung araw ng Ramadan, binibigyan niya ng buhay ang kanyang gabi at ginigising ang kanyang maganak, pinag-iibayo ang pagsisikap at hinihigpitan ang kanyang epron.
12. Ang pagpupuyat sa gabi, anupa't nakatulugan ang Salah sa Fajr, kaya’t hindi ito naisasagawa ng iba kundi sa pagsikat na ng araw, at iyon ay napakalaking pagkukulang sa tungkuling ito.
13. Ang karamutan sa salapi at pagtanggi sa mga nangangailangan, samantalang dumadami sila sa Ramadan, sa kabila na ang gantimpala ng pagkakawanggawa sa ganitong mga pagkakataon ay ginagawaran nang paulit-ulit.
14. Ang hindi pagpapahalaga sa pamamahagi ng kabuuan ng Zakah (ubligadong kawanggawa) ng karamihan. Samantalang ito ay kaakibat ng Salah at Pag-aayuno, kahit paman ito'y hindi nabubukod-tangi lamang sa buwan ng Ramadan.
15. Ang pagkalingat sa panalangin habang nasa sandaling pagaayuno, lalong-lalo na sa oras ng Iftar (hapunan), sa pagaalmusal ng pagkain at inumin anupa’t ito’y matutunghayan sa Hadith. At sa katunayan, may kahilingan ang isang nag-aayuno na hindi natatanggihan sa sandali ng kanyang pag-aalmusal sa hapunan (Iftar).
16. Ang di pagsasagawa ng I`tikaf (pananatili sa Mosque) sa buwan ng Ramadan lalong-lalo na sa huling sampung araw nito, anupa’t matutunghayan ang kadakilaan nito sa Qur’an at sa Sunnah.
17. Ang paglalabas ng karamihan sa mga kababaihan sa Mosque nang may magagandang damit at humahalimuyak na pabango kaakibat pa nito ang mga bagay-bagay na nagiging dahilan ng paglalaganap ng tukso.
18 . Ang pagbibigay luwag sa paglalabas ng mga kababaihan sa gabi ng Ramadan sa mga palengke na ang tanging kasama lamang ay banyagang tsuper, ni walang kasamang Mahram. Kadalasan pa’y hindi naman ito kanais-nais.
19. Ang di pagsasagawa ng Sunnah At-Takbeer sa gabi bago ang Eid at sa kinaumagahan nito bago isagawa ang Salah, at sa sampung araw ng Dhul Hijjah, anupa’t ito'y ipinag-uutos sa Qur’an.
20. Ang pagpapaliban sa Zakatul Fitr, samantalang ang wastong kaparaanan ng pamamahagi nito ay sa araw ng Eid bago isagawa ang Salah. At maaari ring ipamamahagi ito, isang araw o dalawang araw bago ang araw ng Eid.
Nawa’y ang pagpapala at kapayapaan ay ipagkaloob sa Propeta nating si Muhammad (salallaahu alaihi wasalaam ), sa kanyang mag-anak at mga kasamahan.
Isinalin sa Wikang Filipino ni: Muhammad Taha Ali
Reviewed by: Salamodin D. Kasim
Islamic Propgation Office in Rabwah
Saturday, June 8, 2013
''Ang Pag seselos ay hindi pagka kufur'
May iilan sa mga Muslim na nagsasabi na ang pagseselos daw po ng asawang babae kawalan ng pananampalataya.
Mayroon ngang hadith na makikita nito Subalit sa hadith ng mga shi'ah
Ito ang sinabi ni Ali (رضي الله عنه)
Ang pagseselos ng babae ay kufr (kawalan ng pananampalataya ) at ang pagseselos ng lalaki ay Eeman [isang pananampalataya ].
Makikita ito sa aklat ng mga Shia na "NAHJUL BALAGA/BAAB AL MUKHTUR MIN HIKAM AMIRIL MUMININ ALAYHI SALAM [124] 173"
Ngayon po ano po ba ang NAHJUL BALAGA ? ... Ito po ang aklat ng mga shi'ah na puno ng kasinungalingan na iniuugnay kay Ali bin Abi Talib ngunit ang totoo ay hindi niya ito sinabi at hindi niya ito mga salita. Ang Aklat na ito ni As-Shariff Al-Murtada ay iniugnay ito kay Ali.
Sinabi ni Sheikhul Islam Ibn Taymiyyah:
"Katotohanan ang mga pantas ay nababatim na tunay na ang karamihan sa mga salaysay na ito (NAHJUL BALAGH)ay mga kasinungalinan laban kay Ali (kalugdan nawa ng Allaah)"
Kaya't ang pagseselos ay hindi Kufr, ito ay likas na sa kababaihan at magiging kasalanan kung ito ay sobra na maging sanhi ng hidwaan.
Sinabi ni Ibnu Hajar sa Fathul Bari pagkatapos niyang banggitin ang mga Hadeeth ng pagseselos ni Aishah:
"Itoy patunay na hindi masama ang pagseselos at nangyari ito sa pinakamainam na kababaihan at maliban sa kanila, at ganito rin ang salaysay ni Imam At-Tabari at Sinabi ni Shiekh Ibn Uthaimin sa Majallatud Daawah:"
Ang pagseselos ay likas na sa mga babae at hindi ito masama hanggat hindi niya kamumuhian ang pahintulot ng Allaah sa pag-asawa hanggang apat.
Wallaahu 'Alaam
Wallaahu 'Alaam
ni: Salamodin Doton Kasim
Monday, June 3, 2013
"Ang hindi pagtupad sa pangako"
Sabi ng Propeta Muhammad صلى الله عليه وسلم:
" Sinuman ang magkait sa karapatan ng iba sa kabila ng kanyang pangako ay itatakda ng Allah sa kanya ang impiyerno at ipagbabawal sa kanya ang pagpasok sa Paraiso. "
At nagtanong ang isang lalaki :" Oh sugo ng Allaah, kahit ba ito ay maliit na bagay lamang ? " Kanyang sinabi : " Kahit na ito ay patpat ng siwak lamang ( miswak ) . "
[Salaysay ni Muslim]
عن أبي أمامة (يعني الحارثي) رضي الله عنه , أن رسول الله صلى الله عليه و سلم قال : (( من اقتطع حق امرئ مسلم بيمينه فقد أوجب الله له النار و حرم عليه الجنة )) . فقال له رجل : " يا رسول الله ! و إن كان شيئا يسيرا ؟ قال : (( و إن قضيبا من أراك ))
أخرجه مسلم :137
Saturday, June 1, 2013
Ang Pag-uutos ng kabutihan (Al-Ma’roof) at ang Pagbabawal ng Kasamaan (Al-Munkar)
Ang pagpapatupad ng mga kaparusahang itinatag ng AllahU sa sinumang lalabag sa hangganan ng Shar’iah ay bahagi ng pagbabawal ng kasamaan. Ito ay ipinag-uutos sa mga kinauukulan (Ulu-ul-amr), tulad ng mga eskolar mula sa iba’t ibang pangkat o lipunan, at ng kanilang mga amir, at ng mga nakakatanda, na tumayo sa sangkatauhan sa pag-uutos ng kabutihan at pagbabawal ng kasamaan, samakatuwid ang pag-uutos sa lahat ng mga ipinag-uutos ng Allah at ng Kanyang Propeta. Halimbawa, ang paghuhukom sa Batas ng Islam (Shari’ah) –
Dagdag pa rito, ang Al-Ma'roof (kabutihan) ay kinabibilangan na lahat ng bagay ng panlabas at panloob na ipinag-uutos ng Allah at ng Kanyang Propeta. Ang mga ito ay: ang sukdulang katapatan sa Allah (Ikhlas), ang lubos na pagtitiwala at pag-aasa sa AllahU (tawakkal), na ang Allah at ng Kanyang Propeta ay higit sa pagmamahal ng mga naininiwala kaysa ibang bagay, ang umaasa sa habag ng Allah at takot sa Kanyang parusa, ang pagtitiis sa itinakda ng Allah at lubos na pagsuko sa Kanyang mga kautusan, katapatan sa panananalita, ang pananatili sa ugnayan ng kamag-anakan, ang pakikiisa sa lahat ng gawaing matutuwid at mabuti, kabaitan at mapagbigay sa mga kapit-bahay, sa mga maralita, mahihirap, ang mga naantala sa paglalakbay, mga kasamahan, mga asawa at mga gawaing katatagan tulad ng pananatili ng ugnayan sa mga lumayo sa inyo, ang pagbibigay sa mga nagtanggi sa inyo, at ang pagpapatawad sa mga umapi sa inyo. Ang pag-uutos sa mga tao upang magkakalapit, at pagbabawal sa kanila sa hindi pagkakaunawaan at pagkapangkat-pangkat ay bahagi rin ng pag-uutos ng kabutihan. At sa kasamaan (Al-Munkar) na ipinagbabawal ng Allah at ng Kanyang Propeta, ang pinakamasamang anyo nito ay ang pagkaroon ng kaakibat sa pagsamba sa Allah. Ang pagkakaakibat ay ang pagsamba sa iba o may kaakibat sa pagsamba sa Allah. Ang kaakibat na ito ay maaring ang araw, ang buwan, ang mga bituin at mga planeta, anghel, isa sa mga propeta, isang tuwid na tao o santo, maaring isang Jinn (espiritu), mga larawan o puntod ng mga dakilang tao kasama ng AllahU, ang Kataas-taasan. Ang pagkakaakibat ay maaring ang paghingi ng tulong o kaginhawaan mula sa sinuman sa mga nabanggit sa una, o ang pagpapatirapa o pagyukod sa kanila. Ang lahat ng mga ito at anumang katulad nito ay ang pagkakaakibat na ipinagbabawal ng AllahU sa pagpapahayag ng lahat ng mga Propeta.
- ang limang ulit na pagdadasal sa tamang oras,
- Zakah (kawanggawa)
- Sawm (pag-aayuno sa buwan ng Ramadan),
- at Hajj sa Makkah.
- Ganoon din ang paniniwala sa Allah,
- sa Kanyang mga Anghel,
- ang Kanyang mga Aklat,
- ang Kanyang mga Propeta, at
- ang Araw ng Paghuhukom.
- Ang paniniwala sa kahihinatnan sa lahat ng bagay mabuti o masama,
- at ang pananaw sa Ihsaan (ang pinakamataas na antas ng iman o paniniwala) na nangangahulugan ng pagsamba sa Allah na tila nakikita mo Siya, sapagka’t kung hindi mo siya nakikita, palagi ka Niyang nakikita.
Dagdag pa rito, ang Al-Ma'roof (kabutihan) ay kinabibilangan na lahat ng bagay ng panlabas at panloob na ipinag-uutos ng Allah at ng Kanyang Propeta. Ang mga ito ay: ang sukdulang katapatan sa Allah (Ikhlas), ang lubos na pagtitiwala at pag-aasa sa AllahU (tawakkal), na ang Allah at ng Kanyang Propeta ay higit sa pagmamahal ng mga naininiwala kaysa ibang bagay, ang umaasa sa habag ng Allah at takot sa Kanyang parusa, ang pagtitiis sa itinakda ng Allah at lubos na pagsuko sa Kanyang mga kautusan, katapatan sa panananalita, ang pananatili sa ugnayan ng kamag-anakan, ang pakikiisa sa lahat ng gawaing matutuwid at mabuti, kabaitan at mapagbigay sa mga kapit-bahay, sa mga maralita, mahihirap, ang mga naantala sa paglalakbay, mga kasamahan, mga asawa at mga gawaing katatagan tulad ng pananatili ng ugnayan sa mga lumayo sa inyo, ang pagbibigay sa mga nagtanggi sa inyo, at ang pagpapatawad sa mga umapi sa inyo. Ang pag-uutos sa mga tao upang magkakalapit, at pagbabawal sa kanila sa hindi pagkakaunawaan at pagkapangkat-pangkat ay bahagi rin ng pag-uutos ng kabutihan. At sa kasamaan (Al-Munkar) na ipinagbabawal ng Allah at ng Kanyang Propeta, ang pinakamasamang anyo nito ay ang pagkaroon ng kaakibat sa pagsamba sa Allah. Ang pagkakaakibat ay ang pagsamba sa iba o may kaakibat sa pagsamba sa Allah. Ang kaakibat na ito ay maaring ang araw, ang buwan, ang mga bituin at mga planeta, anghel, isa sa mga propeta, isang tuwid na tao o santo, maaring isang Jinn (espiritu), mga larawan o puntod ng mga dakilang tao kasama ng AllahU, ang Kataas-taasan. Ang pagkakaakibat ay maaring ang paghingi ng tulong o kaginhawaan mula sa sinuman sa mga nabanggit sa una, o ang pagpapatirapa o pagyukod sa kanila. Ang lahat ng mga ito at anumang katulad nito ay ang pagkakaakibat na ipinagbabawal ng AllahU sa pagpapahayag ng lahat ng mga Propeta.
Ang lahat ng ipinababawal ng Allah ay bahagi pa rin ng ‘Al-Munkar’ (kasamaan) tulad ng walang hustisyang pagpatay, pag-angkin sa ari-arian ng iba na labag sa batas at sapilitan, pagpapatubo, o sugal, lahat ng uri ng pangangalakal o mga kasunduan na ipinagbawal ng Propeta, pagputol sa mga ugnayan sa kamag-anakan, kaluputan sa mga magulang, ang mandaya sa timbangan at panukat, at anumang uri ng paglabag o pagmamalabis sa karapatan ng ibang tao. Sa mga uring ito ay lahat bahagi ng gawaing pagbabago-bago sa ‘pagsamba’ na ipinag-uutos o pinahihintulutan ng Allah at ng Kanyang Propeta.
Ang May akda : Nur Maguid
kabilang sa mga Babasahin ng: Islamic Propagation Office in Rabwah
Ugnayan : http://www.islamhouse.com/p/60569
-----------------------------------------------
Ang lathalaing ito ay hango sa akda ni Ibn Taymiyya na pinamagatang
“Ang Pag-uutos ng kabutihan at ang Pagbabawal ng Kasamaan”
Subscribe to:
Posts (Atom)