- ang limang ulit na pagdadasal sa tamang oras,
- Zakah (kawanggawa)
- Sawm (pag-aayuno sa buwan ng Ramadan),
- at Hajj sa Makkah.
- Ganoon din ang paniniwala sa Allah,
- sa Kanyang mga Anghel,
- ang Kanyang mga Aklat,
- ang Kanyang mga Propeta, at
- ang Araw ng Paghuhukom.
- Ang paniniwala sa kahihinatnan sa lahat ng bagay mabuti o masama,
- at ang pananaw sa Ihsaan (ang pinakamataas na antas ng iman o paniniwala) na nangangahulugan ng pagsamba sa Allah na tila nakikita mo Siya, sapagka’t kung hindi mo siya nakikita, palagi ka Niyang nakikita.
Dagdag pa rito, ang Al-Ma'roof (kabutihan) ay kinabibilangan na lahat ng bagay ng panlabas at panloob na ipinag-uutos ng Allah at ng Kanyang Propeta. Ang mga ito ay: ang sukdulang katapatan sa Allah (Ikhlas), ang lubos na pagtitiwala at pag-aasa sa AllahU (tawakkal), na ang Allah at ng Kanyang Propeta ay higit sa pagmamahal ng mga naininiwala kaysa ibang bagay, ang umaasa sa habag ng Allah at takot sa Kanyang parusa, ang pagtitiis sa itinakda ng Allah at lubos na pagsuko sa Kanyang mga kautusan, katapatan sa panananalita, ang pananatili sa ugnayan ng kamag-anakan, ang pakikiisa sa lahat ng gawaing matutuwid at mabuti, kabaitan at mapagbigay sa mga kapit-bahay, sa mga maralita, mahihirap, ang mga naantala sa paglalakbay, mga kasamahan, mga asawa at mga gawaing katatagan tulad ng pananatili ng ugnayan sa mga lumayo sa inyo, ang pagbibigay sa mga nagtanggi sa inyo, at ang pagpapatawad sa mga umapi sa inyo. Ang pag-uutos sa mga tao upang magkakalapit, at pagbabawal sa kanila sa hindi pagkakaunawaan at pagkapangkat-pangkat ay bahagi rin ng pag-uutos ng kabutihan. At sa kasamaan (Al-Munkar) na ipinagbabawal ng Allah at ng Kanyang Propeta, ang pinakamasamang anyo nito ay ang pagkaroon ng kaakibat sa pagsamba sa Allah. Ang pagkakaakibat ay ang pagsamba sa iba o may kaakibat sa pagsamba sa Allah. Ang kaakibat na ito ay maaring ang araw, ang buwan, ang mga bituin at mga planeta, anghel, isa sa mga propeta, isang tuwid na tao o santo, maaring isang Jinn (espiritu), mga larawan o puntod ng mga dakilang tao kasama ng AllahU, ang Kataas-taasan. Ang pagkakaakibat ay maaring ang paghingi ng tulong o kaginhawaan mula sa sinuman sa mga nabanggit sa una, o ang pagpapatirapa o pagyukod sa kanila. Ang lahat ng mga ito at anumang katulad nito ay ang pagkakaakibat na ipinagbabawal ng AllahU sa pagpapahayag ng lahat ng mga Propeta.
Ang lahat ng ipinababawal ng Allah ay bahagi pa rin ng ‘Al-Munkar’ (kasamaan) tulad ng walang hustisyang pagpatay, pag-angkin sa ari-arian ng iba na labag sa batas at sapilitan, pagpapatubo, o sugal, lahat ng uri ng pangangalakal o mga kasunduan na ipinagbawal ng Propeta, pagputol sa mga ugnayan sa kamag-anakan, kaluputan sa mga magulang, ang mandaya sa timbangan at panukat, at anumang uri ng paglabag o pagmamalabis sa karapatan ng ibang tao. Sa mga uring ito ay lahat bahagi ng gawaing pagbabago-bago sa ‘pagsamba’ na ipinag-uutos o pinahihintulutan ng Allah at ng Kanyang Propeta.
Ang May akda : Nur Maguid
kabilang sa mga Babasahin ng: Islamic Propagation Office in Rabwah
Ugnayan : http://www.islamhouse.com/p/60569
-----------------------------------------------
Ang lathalaing ito ay hango sa akda ni Ibn Taymiyya na pinamagatang
“Ang Pag-uutos ng kabutihan at ang Pagbabawal ng Kasamaan”