Friday, April 4, 2014

"Limang Haligi ng Islam"

عن أبي عبد الرحمن عبد الله بن عمر بن الخطاب رضي الله عنهما قال: سمعت رسول الله صلى الله عليه وسلم يقول:

( بني الإسلام على خمس: شهادة أن لا إله إلا الله وأن محمدا عبده ورسوله، وإقامة الصلاة وإيتاء الزكاة وحج البيت، وصوم رمضان)).

- رواه البخاري ومسلم



Ulat mula kay Abu Abdirrahman Abdullah bin Umar ibn Al-Khattab (رضي الله عنهم‬‎) siya ay nagsabi: 

"Narinig ko Ang Sugo ng Allaah (صلى الله عليه وسلم‬‎) na nagsasabi: ( Itinatag ang Islam sa Lima: " Ang pagsasaksi na walang Diyos na dapat sambahin liban sa Allah at katotohanan si Muhammad ay kanyang alipin at Sugo, at pagsasagawa ng Salah [Pagdarasal], at pagbibigay ng Zakat [katungkulang kawang-gawa] at pagsasagawa ng Hajj sa Bahay [dalanginan] at pag-aayuno sa buwan ng Ramadhan).

[Al-Bukhari:49/1(fat'h)-Muslim:16]

ANG NAG-ULAT NG HADITH

ABDULLAH IBN UMAR IBN AL-KHATTAB (رضي الله عنهم‬‎) : Isang dakilang Sahabi [kasamahan ng Propeta], yumakap sa Islam kasama ng kanyang amang si Umar Al-Faruq sa kanyang murang edad at pagkatapos ay lumikas siya papuntang Madinah bago ang kanyang ama. Ang unang digmaan na kanyang nasaksihan ay labanan sa Al-Khandaq, at  pagkaraan ay nasaksihan niya ang lahat ng labanan kasama ang Sugo ng Allaah. Mayroon din siyang naibahagi sa mga malalaking tagumpay ng Islam sa Ehipto, sham [Syria,Palistine, Jordan, Lebanon], Iraq,  at Persia, siya ay isang magiting at matapang, nabibilang sa mga pantas [maalam] mula sa mga kasamahan ng Propeta (صلى الله عليه وسلم‬‎) , umabot ang kanyang ulat ng 2,630 na Hadith. Siya ay naging isang magandang halimbawa at huwaran sa pagsamba at kabanalan, Namatay siya sa Makkah sa taong ika-73 ng Hijri, sa edad na 86 na taong gulang, kalugdan nawa siya ng Allaah. 

* Ang Hadith na ito ay nasa Sahih Al-Bukhari at Muslim sa pag-uulat at pagsasalaysay ni Ikrimah bin Khalid, buhat kay Abdullah bin Umar . At mayroon din ganitong ulat na isinalaysay ni Imam Ahmad sa kanyang Musnad. 

* At una ng nabanggit sa naunang Hadith ang tungkol sa Islam, gayunpaman; ang hadith na ito ay tumutukoy sa limang haligi ng Islam na ang Islam ay itinatag sa limang bagay na ito, ito ay kahalintulad ng bahay na may saligan, hindi ito maitatayo kung walang haligi na siyang nagpapalakas dito at kapag walang haligi ito ay mabubuwal at kung kulang naman ay hindi rin makakatayo ng maayos at hindi mapakikinabangan.

- Ang dalawang pagsasaksi ay tumutukoy sa paniniwala sa Allaah at Kanyang Sugo. 

- At ang pagdarasal [Salah] ay isang napakahalagang haligi ng Islam; maraming Hadith ng Propeta (صلى الله عليه وسلم) na tumutukoy sa kahalgahan nito at katotohanan sinumang iwan ito at hindi isagawa; tunay na siya ay lumabas sa Islam, isang ulat mula kay Jabir (رضي الله عنه) mula sa Propeta at siya ay nagwika: (Ang namamagitan sa tao [Muslim] at Shirk [pagtatambal sa Allaah] at Kuf'r [pagtalikod sa pananampalataya] ay pag-iwan ng Salah). -[Isinalaysay ni Muslim: 82]. At sa Hadith ni Muadh (رضي الله عنه) mula sa Propeta  (صلى الله عليه وسلم): ( Ang ulo ng [lahat ng] bagay ay Islam, at ang haligi nito ay Salah [pagdarasal] at ang taluktok nito ay Jihad [pakikibaka at pagpupunyagi]).

- [Sahih Kitab Al-Adhkar wa Da'eefuh: 773/1012]

Sinabi ni Abdullah bin Shaqiq:

 " Ang mga kasamahan noon ng Sugo ng Allaah   (صلى الله عليه وسلم) ay wala silang nakikitang mga Gawain na ang pag-iwan dito ay isang Kuf'r [pagtalikod sa pananampalataya maliban sa Salah [pagdarasal])".

-[At-Tirmizi:2622, Ibn Nas'r Al-Maruzi sa aklta na "Ta'azim qad'r As-salah" (948), Ibn Abi Shaiba sa Musannaf: 11/49].

* Ang mga nabanggit na saligan ay may kaugnayan sa isa't isa at ang kautusan ay ganap na pagsasagawa nito ng lahat. at dapat nating malaman na ang paggawa ng ipinagbabawal na nagdudulot ng paghina ng pananampalataya ay nagiging sanhi ng hindi pagtanggap ng Allaah sa ibang gawaing pagsamba, tulad ng sinabi ng Propeta  (صلى الله عليه وسلم): ( Sinumang uminom ng alak ay hindi tatanggapin mula sa kanya ang Salah [sa loob] ng apatnapung araw).-[Isinalaysay ni Muslim:2003]. At sinabi rin niya: (Sinuman ang pumunta sa manghuhula at pinaniwalaan ang kanyang hula; hindi tatanggapin mula sa kanya ang Salah [sa loob] ng apatnapung araw). [Isinalaysay ni Muslim: 69].

* Ang pagsasagawa ng pagdarasal ay dapat naaayon sa katuruan ng Propeta  (صلى الله عليه وسلم), ganap ang pagsasagawa nito sa takdang oras at ito ay isasagawa sa Jama'ah [sama-samang pagdarasal] para sa mga kalalakihan. Sinumang isasagawa ito pagkaraan ng takdang oras nang walang sapat na dahilan; ang kanyang pagdarasal [Salah] ay hindi tanggap sapagka't hindi ito naisagawa ayon sa kautusan ng Allaah. Sinabi ng Allaah: 
((Kaya, kasawian sa mga nagdarasal, yaong sa kanilang pagdarasal ay nagpapabaya [walang pagpapahalaga]))-.[Al-Maun:4-5]

Ayon sa mga eskolar ang kahulugan ng pagpapabaya sa taludtod na ito ay "pagdarasal pagkaraan ng takdang oras nito". 

* ِِAt pagbibigay ng Zakat [katungkulang kawang-gawa]: isang obligadong kawang-gawa ng mga mayayaman para sa mga nangangailangan, sinuman ang magtakwil nito ay tunay na tumanggi sa pananampalataya [Kafir]. Si Abu Bak'r (رضي الله عنه) noon ay dinigma ang mga taong tumangging magbigay ng zakat sapagka't tumanggi silang ibigay ang kanilang obligasyon at tungkulin. 

* ang pag-aayuno sa buwan ng Ramadhan ay ikaapat na hailigi ng Islam .

*At ang Hajj naman ang siyang ikalimang haligi at ito ay nabanggit natin sa naunang hadith.

Inihanda at Isinalin sa Tagalog ni: Ustadh Salamodin D. Kasim