Friday, October 10, 2014

MGA LABAG SA PANINIWALA (AQEEDAH)


1. Ang pagbaling ng pagsamba sa iba bukod sa Allah tulad ng pagdulog sa mga patay at paghingi ng tulong sa iba bukod sa Allah gaya ng Jinn, sa mga banal na tao, mga eskolar at pagkatay ng hayop bilang alay para sa kanila, panata  at iba pa rito  mula sa mga uri ng pagsamba.

 قال تعالى:

((قل إن صلاتي ونسكي ومحياي ومماتي لله رب العالمين**لا شريك له وبذلك أمرت وأنا أول المسلمين)),

Sinabi ng Allah:

 (( Sabihin," Katotohanan, ang aking pagdarasal, ang aking ritwal (ng pag-aalay),ang aking buhay at ang aking kamatayan ay para sa Allah, ang Panginoon ng lahat ng nilikha. Walang (dapat na ) itambal para sa Kanya. At iyan ay ipinag-utos sa akin, at ako ang una sa (hanay ng) mga Muslim)).

[6:162]

,وقال تعالى:

((وأن المساجد لله فلا تدعوا مع الله أحدا)).

 at sinabi pa Niya:

(( At Katotohanan, (Kanyang ipinag-utos) na ang mga Masjid (lugar ng dasalan) ay tanging para sa Allah lamang. Kaya, huwag kayong dumalangin sa sinuman bilang katambal ng Allah)).

[72:18]

وقال تعالى:

((ولا يأمركم أن تتخذوا الملائكة والنبيين أربابا أيأمركم بالكفر بعد إذ أنتم مسلمون)).

At sinabi pa Niya:

 (( At kayo ay hindi rin Niya dapat pag-utusang magturing sa mga anghel at sa mga propeta bilang inyong mga Panginoon.dapat ba Niyang ipag-utos sa inyo ang kawalan ng paniniwala pagkaraang kayo ay maging mga Muslim))

.[3:80]

At kabilang sa Shirk (Pagtatambal) ang pagturing sa kanila bilang tagapamagitan nila sa Allah.

قال تعالى:

((والذين اتخذوا من دونه أولياء ما نعبدهم إلا ليقربونا إلى الله زلفى إن الله يحكم بينهم في ما هم فيه يختلفون إن الله لا يهدي من هو كاذب كفار)).

Sinabi ng Allah:

 (( At yaong mga nagturing ng mga tagapangalaga bukod sa Kanya (ay nagsasabing):"Kami ay sumasamba lamang sa kanila upang kami ay kanilang dalhing malapit sa  Allah sa katayuan."Katotohanan, ang Allah ay maghahatol sa kanilang pagitan hinggil dito sa alinmang kanilang ipinagkakaiba. Katotohanan,hindi pinapatnubayan ng Allah ang isang sinungaling at di-naniniwala)).

[39:3].
                  
2. Ang pag-ikot sa palibot ng mga puntod at pagpapatayo dito ng mga Masjid at pagdarasal na nakaharap dito,

قال النبي عليه الصلاة والسلام:

((لعن الله اليهود والنصارى اتخذوا قبور أنبيائهم مساجد))

. متفق عليه 

sinabi ng Propeta (sumakanya nawa ang pagpapala ng Allah at kapayapaan):

( Ang sumpa ng Allah ay mapasa mga Hudyo at Kristyano, ginawa nila ang mga puntod ng kanilang mga Propeta na mga Masjid).

[Isinalaysay ni Al-Bukhari at Muslim].

,وقال عليه الصلاة والسلام:

((إن من شرار الناس من تدركه الساعة وهم أحياء ومن يتخذ القبور مساجد)).

 رواه الإمام أحمد

 Sinabi pa niya:

 (Tunay na kabilang sa mga pinakamasamang tao ay ang aabutan ng Oras (ng pagwawakas ng Mundo) na silay ay (nanatiling) buhay at silang ginagawang mga Masjid ang mga puntod)).

[Isinalaysay ni Imam Ahmad].                                                                                                    
                                                                                                   
3. Ang pagpunta sa mga manggagaway, mga manghuhula at mga katulad nila; sinuman ang maniwala sa kanilang mga sinasabi ay tunay na tumalikod sa pananampalataya at sinuman ang pumunta sa kanila nguni't hindi naman naniwala sa kanilang sinasabi ay hindi tatanggapin ang kanilang pagdarasal (Salah)  sa loob ng apatnapung gabi,

قال صلى الله عليه وسل:

م((من أتى عرافا أو كاهنا فصدقه بما يقول فقد كفر بما أنزل الله على محمد))

. رواه أبو داود

 sinabi ng Propeta (sumakanya nawa ang pagpapala ng Allah at kapayapaan):

 ( Sinuman ang pumunta sa manghuhula at pinaniwalaan ang anumang sinabi (hula); tunay na tinalikuran ang Aklat na ibinaba ng Allah kay Muhammad).

[Isinalaysay ni Abu Dawud].

,وقال أيضا

((من أتى كاهنا أو عرافا لم تقبل له صلاة أربعين ليلة)),

 رواه مسلم

Sinabi pa niya:

 ( Sinuman ang pumunta sa manghuhula ay hindi katanggap-tanggap ang kanyang dasal (Salah) sa loob ng apatnapung gabi).[Isinalaysay ni Muslim]. At maaaring nararapat ang pagpunta sa kanila o kanais-nais kung para sa sinumang may sapat na kaalaman na kayang pawalan ng bisa ang kanilang huwad na gawain at supalpalan ang kanilang mga katwiran.
                                               
4- Ang pagmamalabis sa karapatan ng Propeta (sumakanya nawa ang pagpapala ng Allah at kapayapaan) at tiyak na mayroon siyang dakila at mataas na antas na hindi ito abot ng sinuman; ni Anghel, tao o Jinni. Sapagka't siya ay may kakayahang mamagitan ( sa Araw ng paghuhukom) at siya ang may pinakamaraming tagasunod sa Araw ng Muling pagkabuhay at dahil sa kanyang pagmamahal sa atin ay pinagbawalan tayong magmalabis para sa kanya

فقال

((لا تطروني كما أطرت النصارى ابن مريم إنما أنا عبد فقولوا عبد الله ورسوله)). 

متفق عليه

at kanyang sinabi:

( Huwag ninyo akong papurihan nang nag-uumapaw tulad ng ginawang nag-uumapaw na pagpupuri ng mga Kristyano sa anak ni Maria (Hesus), ako ay isang lingkod lamang, kaya sabihin ninyo: lingkod ng Allah at Kanyang Sugo).

[Isinalaysay ni Al-Bukhari at Muslim].

At kabilang sa mga paraan ng pagmamalabis sa kanya ay: - ituring siyang nababatid ang lingid at ang Mundo ay nilikha dahil sa kanya, paghingi ng kapatawaran ng mga kasalanan mula sa kanya at papasukin niya ito sa Paraiso, ang sadyang paglalakbay upang dalawin ang kanyang puntod, ang ituring siyang tagapamagitan sa pamamagitan ng kanyang prestihiyo, pagpapabiyaya sa kanyang puntod at paghaplos dito (bilang pagsamba) o panalangin dito, at ang paniniwala na ang Madinah ay nakahihigit dahil dito nakalagay ang puntod ng Propeta (sumakanya nawa ang pagpapala ng Allah at kapayapaan).                                                                                                                                              
5- Ang panunumpa sa iba bukod sa Allah,

قال صلى الله عليه وسلم((من حلف بغير الله فقد كفر أو أشرك))

. رواه أحمد والترمذي والحاكم 

sinabi ng Propeta (sumakanya nawa ang pagpapala ng Allah at kapayapaan):

(Ang sinumang manumpa sa iba bukod sa Allah ay tunay na tumalikod sa pananampalataya o nagtambal (sa Allah)).

[Isinalaysay ni Ahmad, Tirmizi at Hakim].            

6- Ang pagsabit ng mga anting-anting at pagsuot ng singsing o kuwentas at mga bagay na yari sa tahi upang mahadlangan ang mahika, inggit at usog; kaya't sinuman ang maniwala na nahahadlangan nito (mismo) ang usog at inggit (siya'y) nakagawa ng mabigat na pagtatambal sa Allah at sinuman ang maniwala na ang lahat ng ito ay dahilan lamang; ito ay maituturing na magaan na pagtatambal.

,قال النبي صلى الله عليه وسلم:

((إن الرقى والتمائم والتولة شرك)).

 رواه أبو داود

 Sinabi ng Propeta (sumakanya nawa ang pagpapala ng Allah at kapayapaan):

( Katotohanan, ang mga orasyon, mga anting-anting at gayuma ay (gawaing) pagtatambal).

[Isinalaysay ni Abu Dawud].
                                                                                      
7- Ang pagsabi (paniniwala) na ang Allah ay naroon sa lahat ng pook at sapagka't nangangahulugan ang salitang ito na ang Allah ay nasa palikuran at sa mga maruruming lugar; sadyang ang Allah ay makapangyarihan sa lahat.

قال تعالى:

((أأمنتم من في السماء أن يخسف بكم الأرض فإذا هي تمور)),

 ( الملك: 16)

 Sinabi ng Allah:

(( kayo ba ay nakadarama ng katiwasayan na Siya na (may tangan ng kapangyarihan) sa kalangitan ay hindi magtutulot na kayo  ay lamunin ng lupa kapag ito ay biglang umuga?)).

[67:16].

وقال صلى الله عليه وسلم:

((ألا تأمنوني وأنا أمين من في السماء يأتيني خبر السماء صباحا ومساءا))

. رواه مسلم

 At sinabi ng Propeta (sumakanya nawa ang pagpapala ng Allah at kapayapaan):

 ( Hindi ba ninyo ako pagkatiwalaan samantalang ako ay pinagkakatiwalaan ng (Allah) na nasa Langit, dumarating sa akin ang rebelasyon ng kalangitan sa umaga't hapon).

[Isinalaysay ni Muslim].
          
8- Ang Pagliban (pag-iwan) ng pagdarasal ( Salah)  at ito ay gawaing laganap sa mga Muslim sa kabila na ang pag-iwan sa Salah ay maituturing na pagtalikod sa pananampalataya na nagtitiwalag sa tao sa Pananampalataya tulad ng pinagkaisahan ng mga kasamahan ng Propeta (Sahabah) dahil sa sinabi ng Propeta (sumakanya nawa ang pagpapala ng Allah at kapayapaan):

لقول النبي صلى الله عليه وسلم:

((بين الرجل والشرك أو الكفر ترك الصلاة)).

 رواه مسلم

 ( Ang pagitan ng Tao at ang pagtatambal o pagtalikod sa pananampalataya ay pag-iwan ng pagdarasal)

.[Isinalaysay ni Muslim].

                             
9- Ang panggagaya sa mga di-mananampalataya,

 قال صلى الله عليه وسلم:

((من تشبه بقوم فهو منهم))

. رواه الطبراني

sinabi ng Propeta (sumakanya nawa ang pagpapala ng Allah at kapayapaan):

( Sinuman ang gumaya sa isang pamayanan; siya ay kabilang sa kanila).

[Isinalaysay ni Tabarani].
                                                                     
10- Ang pag-iingat laban sa mga salitang labag sa paniniwala (Aqeedah) katulad ng :Dinadaya ka ng Allah, o nagtataksil sa iyo ang Allah, lumipat na siya sa kanyang huling hantungan, O Naalaala siya ng Allah, pagtutol sa itinakda ng Allah sa pamamagitan ng salitang:

" Ano po ang Iyong ginawa O aking Panginoon?".                                                                                        


" Ang mga labag sa paniniwala na may kinalaman sa Hajj at Umrah"

MGA LABAG SA PANINIWALA SA HAJJ AT UMRAH
MGA LABAG SA PANINIWALA (AQEEDAH)


Buod mula sa Aklat na pinamagatang " Ang mga labag sa paniniwala na may kinalaman sa Hajj at Umrah" ni: Dr. Ahmad Al-Mazeed                                                                                                    

Isinalin sa Tagalog ni:
SALAMODIN D. KASIM

Sinuri ni:
MOHAMMAD TAHA ALI

MGA LABAG SA PANINIWALA SA HAJJ AT UMRAH

1- Ang pagtitiwala sa iba bukod sa Allah sa mga bagay na walang kakayahan dito ang sinuman kundi ang Allah lamang (AngMaluwalhati at kataas-taasan) tulad ng mga nagbibigay tiwala samga patay at sa mga demonyo sa kanilang mga kahilingan gaya ng pananaig, biyaya, pamamagitan at iba pa, samakatwid ito aymabigat na pagtatambal. 

 2- Ang pagpapakitang-tao at pagpapasikat (lamang) napagsasagawa ng Hajj at Umrah, tunay na nagbigay babala ang Propeta (sumakanya nawa ang pagpapala ng Allah at kapayapaan) laban sa pakitang-tao at pagpaparinig (pagpapasikat), 

 فقال:((من سمع سمع الله به ومن يرائي يرائي الله به)). متفق عليه

kanyang sinabi:

 ( Ang sinumang magpaparinig (sa layuningupang marinig lamang) ay ipaparinig ito ng Allah at sinumang magpapakitang-tao ay ipapakita siya ng Allah).

[Isinalaysay ni Al-Bukhari at Muslim].

3- Ang pagdating ng mga nagsasagawa ng Hajj at Umrah na maydala-dalang mga anting-anting; mga lubid at mga kuwentas na isinasabit upang hadlangan ang usog, mahika at inggit, kaya't sinuman ang ituring itong dahilan samantalang batid niya na wala ito mismong naidudulot na masama o mabuti; ito ay magaan na pagtatambal (sa Allah) at sinuman ang ituring at paniniwalaan na ito mismo ang siyang nagdudulot ng kabutihan at kapinsalaan at siyang humahadlang sa kanya mula sa pinsala at nagdudulo tmismo sa kanya ng kabutihan; ito ay maituturing na kabilang sa mabigat na pagtatambal sa Allah. 

4- Ang panalangin ng ilang nagsasagawa ng Hajj at Umrah at paghingi ng tulong sa iba bukod sa Allah at ang kanilang pag-asasa mga orasyong may laman na pagtatambal sa Allah kaya hindi pinapahintulutan ang panalangin upang magkamit ng kabutihan at hadlangan ang kapinsalaan tulad ng paglunas ng mga sakit ,pagpaparami ng biyaya at paglutas ng mga suliranin maliban kung ito ay hiningi mula sa Allah –Ang Kataas-taasan- at sinuman anghiniling ang mga ito sa iba bukod sa Allah tunay na nagtakda siyang katambal kasama sa Allah bilang katuwang Niya.

ولا تدع من دون الله ما لا ينفعك ولا يضرك فإن فعلت فإنك إذا من الظالمين
 Sinabi ng Allah: 

 (( At huwag kang manalangin sa iba bukod saAllah, [sila ay] hindi makakabuti sa iyo at hindi makakapinsalasa iyo ngunit kung mangyari mang ito ay iyong nagawa, katotohanan ikaw ay mapabibilang sa mga mapaggawa ngkamalian)).

[Qur'an 10:106]. 


5- Ang paghaplos sa telang nakabalot sa Ka'abah at mga batonitong walang takip upang magpabiyaya (o magkamit ngpagpapala) at gayun din ang paghaplos sa itim na bato (blackstone) at sa sulok ng Ruk'n Al-Yamani hindi bilang pagsunod sa Propeta (sumakanya nawa ang pagpapala ng Allah atkapayapaan), kaya walang pag-aalinlangan na katotohanan angKa'abah ay tahanan ng Allah at siyang pinakadakilang tahanan samundo, pinarangalan ito ng Allah at Kanyang binigyan ng mataasna katayuan simula pa noong ito ay itayo subali't ang pagmamahalnatin sa isang bagay ay dapat nakasalalay sa (katuruan ng) Qur'an at Sunnah bilang pangamba laban sa pagmamalabis atpagkukulang at tunay na sinabi ni Omar (Kalugdan nawa siya ngAllah) nang kanyang halikan ang itim na bato (black stone). 

"Katotohanan, aking batid na ikaw ay bato lamang hindi kanakapipinsala at hindi nakabubuti kung hindi ko lamang nakitaang Sugo ng Allah (sumakanya nawa ang pagpapala ng Allah atkapayapaan) na ika'y hinahalikan; hindi na rin kita hinalikan".

[Isinalaysay ni Al-Bukhari at Muslim]. 

      قال عمر رضي الله عنه لما قبل الحجر الأسود:

((إني لأعلم أنك حجر لا تضر ولا تنفع ولولا أني رأيت رسول الله صلى الله عليه وسلم يقبلك ما قبلتك)). 

متفق عليه

6- Ang pagpapabiyaya sa pook na "Maqam Ibrahim" at angpagtanaw dito ng taong nagsasawa ng hajj, bagkus angitinatagubilin (lamang) ay ang pagsasagawa ng Salah dito.

قال تعالى((واتخذوا من مقام إبراهيم مصلى)),

 (البقرة: 125) 

Sinabi ng Allah: 

 (( At inyong ituring ang kinatatayuan niAbraham bilang isang pook ng dalanginan)).

[2:125].

 Kaya hindi ipinapahintulot ang  paghaplos dito (bilang pagpapabiyaya o paghangad ng pagpapala).                                                                      
7- Ang pagdalaw sa kuweba ng Hira' at Thour at pagpapakahirap sa pag-akyat dito, sapagaka't hindi napatunayan na ang mga ito ay may kalamangan sa iba.   
                                                                      
8- Ang pagpapakahirap sa pag-akyat sa bundok ng Arafah at ang bundok na ito ay may katayuan sa puso ng mga nagsasagawa ng hajj at dahil diyan sila'y nagpapakahirap sa pag-akyat sa araw ng Arafah datapuwat ang labis na pagpapakahirap na ito ay walang basihan,

قال صلى الله عليه وسلم((خذوا عني مناسككم)).

 رواه أحمد ومسلم والنسائي

tunay na sinabi ng Propeta (sumakanya nawa ang pagpapala ng Allah at kapayapaan): 

( Kunin ninyo mula sa akin ang (paraan) ng mga ritwal ng inyong Hajj).

[Isinalaysay ni Ahmad, Muslim at Nasa'i]. 

at hindi nagtakda ang Propeta sa bundok na ito ng kalamangan sa iba.                                 

9- Ang pagpapabiyaya sa mga punong-kahoy ng Makkah at mga bato nito at pagdala nito sa paglakbay; ang Makkah ay siyang pinakabanal na pook sa Lupa at narito ang banal na tahanan ng Allah (Ka'abah) na siyang pook ng kaligtasan dahil sa panalangin ng ating ama na si Abraham subali't walang katibayan patungkol sa natatanging kabanalan ng lupa nito at ganun din ang mga bato at bundok nito bagkus ang napatunayang may kinalaman sa mga puno, mga hayop at mga nawalang bagay dito ay dahil sa pagbabawal na galawin ang mga ito ganun pa man hindi pinapahintulutan ang pagpapabiyaya sa pamamagitan ng mga puno nito dahil hindi ito ginawa ng Propeta (sumakanya nawa ang pagpapala ng Allah at kapayapaan) at hindi rin ginawa ng kanyang mga kasamahan (kalugdan nawa sila ng Allah).                  

10- Ang pag-uugnay ng pagdalaw sa Madinah sa pagsasagawa ng Hajj at Umrah kaya ang tumpak ay walang kaugnayan sa pagitan ng dalawang ito nguni't kanais-nais ang pagdalaw sa Masjid ng Propeta na walang kasamang paniniwala na may natatanging ugnayan sa pagitan ng dalawang ito.                                                      
11- Ang sadyang paglakbay upang dalawin ang puntod ng Propeta (sumakanya nawa ang pagpapala ng Allah at kapayapaan) at pagtatakda ng mga paglalakbay para dito at ito ay hindi pinapahintulutan dahil sa sinabi ng Propeta (sumakanya nawa ang pagpapala ng Allah at kapayapaan):

لقول النبي صلى الله عليه وسلم((لا تشد الرحال إلا إلى ثلاثة مساجد المسجد الحرام والمسجد الأقصى ومسجدي هذا)),

 متفق عليه

 ( Hindi nararapat na magtakda ng mga paglalakbay maliban kung ito ay tungo sa tatlong Masjid; sa Masjid Al-Haram (sa Makkah), sa Masjid Al-Aqsa (sa Palestine) at sa Masjid kong ito).[Isinalaysay ni Al-Bukhari at Muslim]. At dapat malaman na ang pagdalaw sa puntod ng Propeta (sumakanya nawa ang pagpapala ng Allah at kapayapaan) ay kabilang sa mga mabuting gawain na itinagubilin, walang sinuman ang nag-aalinlangan dito kaya malayong ipagbawal niya ang pagdalaw dito subali't ang ipinagbabawal ay ang sadyang pagtatakda ng paglakbay upang dalawin lamang ang kanyang puntod at lahat ng Hadith na tumutukoy sa pagdalaw sa puntod ng Propeta ay pawang kasinungalingan lamang; walang katotohanan na ito ay buhat sa Propeta (sumakanya nawa ang pagpapala ng Allah at kapayapaan) kaya't sinuman ang nais dalawin ang kanyang puntod na siya ay nasa labas ng Madinah ay hayaang maging layunin niya ay pagdalaw sa Masjid Nabawi at isama na lang dito ang pagdalaw sa puntod ng Propeta (sumakanya nawa ang pagpapala ng Allah at kapayapaan).
                                                    
12- Ang paghaplos ( na may hangad na pagpapala) sa mga dingding at pader ng puntod ng Propeta at pagpapabiyaya sa pamamagitan nito at paghalik nito at ang pagbigkas ng mga gawa-gawang orasyon at pagharap sa puntod habang nananalangin sa Allah at ang pinakamasaklap pa dito ay ang paghingi ng tulong mula sa Propeta (sumakanya nawa ang pagpapala ng Allah at kapayapaan) at paghingi ng kalutasan sa mga pangangailangan at ito ay itinuturing na mabigat (malaki) na pagtatambal (sa Allah).