Si Imam Ahmad (RA) ay nagpahayag din mula sa ulat ni Ibn Umar (R.A.A.);
[Ang Propeta (SAS) ay nagsabi: "Walang mga araw na ang mga gawaing isinasagawa rito ay higit na dakila at kalugud-lugod para sa Allah maliban sa sampung araw na ito. Kaya dalasan ninyo ang pagpupuri, pagdakila at pasasalamat dito."]
At si Ibn Habban (RA) ay nagpahayag din sa kanyang mapapanaligang aklat mula sa ulat ni Jabir (RA);
[Ang Propeta (SAS) ay nagsabi: "Ang pinakamainam na mga araw ay ang araw ng Arafah."]
Ang mga isinasagawang gawain sa sampung araw na ito:
1. Ang pagsasagawa ng Hajj at Umrah. Sa katunayan ito ang siyang pinakamainam sa lahat ng mga gawain. Sadyang napakaraming Hadith ang nagpapahayag tungkol sa kadakilaan nito, isa na rito ang sinabi ng Propeta (Muhammad SAW):
["Ang Umrah sa isa pang Umrah ay nagpapawalang sala sa pagitan nito at ang tanggap na Hajj ay walang gantimpala kundi ang Paraiso"].
At ang iba pang mapapanaligang mga Hadith na nagpapahayag patungkol dito.
2. Ang pag-aayuno sa mga araw na ito o sa alinmang makakayanan dito – lalong-lalo na sa araw ng Arafah – Walang pag-aalinlangan na ang pag-aayuno ang pinakamainam sa mga gawain, sapagkat ibinukod-tangi ito ng Allah sa Kanyang sarili. Batay sa mga pahayag na matutunghayan sa Hadith Qudsi:
[Ang pag-aayuno ay para lamang sa Akin (Allah) at Ako mismo ang gagawad ng gantimpala nito, tunay na kanyang tinalikuran ang kanyang hilig, pagkain at inumin alang-alang sa Akin].
Sa naiulat ni Abu Sa`ied Al-Khudry (RA); [Ang Sugo ng Allah (Muhammad SAW) ay nagsabi: "Walang isang lingkod na nag-ayuno ng isang araw sa landas ng Allah kundi ang kanyang mukha ay ilalayo ng Allah sa Impiyerno ng dahil sa isang araw na ito, na ang layo ay katumbas ng pitumpong taon (kung lalakarin).] Isinalaysay ni Al-Bukhari at Muslim.
At sa naipahayag ni Muslim (RA) mula sa ulat ni Abu Qatadah;
[Ang Propeta (Muhammad SAW) ay nagsabi: "Aking hinahangad sa Allah na ang pag-aayuno sa araw ng Arafah ay Kanyang pawalang-sala ang nakaraang taon at ang kasunod nito"].
3. Ang pag-Takbeer (pagdakila) at paggunita (Dhikr) sa mga araw na ito.
{وَيَذْآُرُوا اسْمَ اللَّهِ فِي أَيَّامٍ مَّعْلُومَاتٍ} :(Sinabi ng Allah (SWT
{At binibigkas nila ang Pangalan ng Allah sa mga kilalang araw.} Al-Hajj: 28.
Sa katunayan, ang mga naturang kilalang araw ay binigyang pakahulugan na ang mga ito ay ang sampung araw ng Dhul-Hijjah. At dahil dito ang madalas na paggunita sa mga araw na ito ay naging kaaya-aya sa mga eskolar ng Islam.
Batay sa Hadith na naiulat ni Ibn Umar (RA) ayon sa pahayag ni Ahmad (RA) ganito ang pagkasaad: [Kaya't dalasan ninyo dito ang pagpupuri, pagdakila at pasasalamat].
Si Bukhari (RA) ay nagpahayag din patungkol kay Ibn Umar at kay Abu Hurairah (RA): " Na ang dalawang ito ay lumalabas sa palengke sa mga araw na ito nang nagtatakbeer kaya't nagsisitakbeer na rin ang mga tao batay sa kanilang pagta takbeer."
At si Ishaq (RA) ay nag-ulat tungkol sa mga Pantas ng Tabi `oun [mga eskolar sa ikalawang siglo (RA)]: Kanyang sinabi: "Sila ay nagtatakbeer sa mga araw na ito nang ganito: "Allaahu Akbar, Allaahu Akbar, Laa ilaaha illallaahu wallaahu Akbar, Allaahu Akbar walillaahil Hamd."
At mas mainam na pinatataas ang boses sa pagtakbeer maging sa loob ng mga palengke, tahanan, daanan, Masjid at sa iba pang lugar.
{وَلِتُكَبِّرُواْ اللّهَ عَلَى مَا هَدَاآُمْ } :(Batay sa sinabi ng Allah (SWT {At upang inyong dakilain ang Allah dahil sa pagkaloob Niya ng patnubay sa inyo.} Al-Baqarah: 185.
Paalaala: ang sabay-sabay na pagtakbeer ay hindi ipinahihintulot – ito ay sa pamamagitan ng sama-samang pagsambit ng isang grupo sa iisang tono – sapagkat hindi ito napatunayan sa mga sinaunang ninuno. Bagkus ang wastong pamamaraan nito, ang bawa't isa ay kanya-kanyang magtakbeer.
Ito ay sumasaklaw sa lahat ng uri ng paggunita (Dhikr) at panalangin maliban kung dahil sa kawalan ng kaalaman. Sa ganitong kalagayan maaaring gabayan siya ng iba hangga't sa matutunan niya ito.
Samakatuwid, ang paggunita ay ipinahihintulot alinman sa lahat ng uri ng takbeer, pagpupuri at pagluluwalhati, at sa lahat ng mga lehitimong panalangin.
4. Ang pagsisisi at pagkalas sa mga kasuwailan at sa lahat ng mga kasalanan. Nang maging karapat-dapat sa mga gawain ang kapatawaran at habag ng Allah (SWT).
Samakatuwid ang mga kasuwailan ay dahilan ng pagtaboy at pagtakwil, samantalang ang mga gawaing pagsunod naman ay dahilan ng pagpapalapit at pagmamahal. Batay sa Hadith na naiulat ni Abu Hurairah (RA) [ang Propeta ay nagsabi:

"Katotohanan, ang Allah ay naghihinakit at ang paghihinakit ng Allah ay ang pagsasanay ng tao sa mga ipinagbabawal Niya."] . Isinalaysay ni Al-Bukhari at Muslim.
5.Ang magparami ng mabubuting gawain sa mga gawaing pagsamba na kusang-loob, tulad ng Salah, pagkakawanggawa, pakikibaka sa pakikipaglaban sa landas ng Allah, pagbabasa, pag-utos ng kabutihan at pagbabawal ng kasamaan atbp. Sapagkat ito'y naibibilang sa mga gawaing paulit-ulit na ginagantimpalaan ng Allah sa mga araw na ito. Samakatuwid ang isang gawain dito kahit pa man ito'y napakaliit, ito ay mas mainam pa rin at kalugud-lugod sa Allah kaysa isagawa ito sa ibang araw bukod dito, at maging ang pakikipaglaban sa landas ng Allah (Jihad) na sadyang napakadakilang gawain, ito'y nangunguna pa rin dito, maliban sa taong napatay ang kanyang kabayo at dumanak ang kanyang dugo.
6.Itinatagubilin sa mga araw na ito ang pag-Takbeer ng walang takdang oras sa buong magdamag o sa buong maghapon hanggang sa oras na isagawa ang Salah sa Eid. Itinatagubilin din ang pag-takbeer ng may katakdaang oras. At ito'y sa bawa't pagkatapos ng mga ubligadong Salah na isinasagawang sama-sama. At para sa mga hindi nagsasagawa ng Hajj, magsimula ang oras nito sa pagsapit ng bukang-liwayway sa araw ng Arafah, at para naman sa nagsasagawa ng Hajj, magsimula sa tanghaling tapat sa araw ng Eid (ika-10 araw) at manatili ito hanggang sa Salah ng Asr sa huling araw ng Tashreeq (ika-13 araw).
7.Itinatagubilin ang Udh-hiyyah (hayop na kinakatay bilang alay) sa araw ng Nahr (ika-10 araw) at sa mga araw ng Tashreeq (ika-11, 12, 13 araw). Ito ay isang dakilang alaala sa ginawa ng ating ninunong si Ibraheem nang ihandog niya sa Allah (SWT) ang kanyang anak sa pamamagitan ng kakila-kilabot na pagkatay. At sa katunayan, [Ang Propeta ay naghandog ng dalawang tupa na ang mga balahibo nito'y kulay itim at puti at mahahaba ang mga sungay, siya mismo ang kumatay sa mga ito. Binigkas niya ang pangalan ng Allah at nagtakbeer (Bismillaahi Allaahu Akbar), at dinaganan niya ng kanyang paa ang tagiliran nito.] Isinalaysay ni Al-Bukhari at Muslim.
8. Ang sinumang nais maghandog ng Udhiyyah, hindi pinahihintulutang bumunot o pumutol ng kanyang buhok at mga kuko hangga't sa hindi siya nakapaghandog.
Batay sa naipahayag ni Muslim (RA) at ng iba. Si Ummu Salamah (RA) ay nag-ulat; [Ang Propeta (SAW) ay nagsabi:
"Kapag nakita ninyo ang buwan ng Dhul-Hijjah at nais ng isa sa inyo na maghandog ng alay. Hayaan niya ang kanyang buhok at mga kuko]. At sa ibang sanaysay ay ganito:
[Huwag pumutol ng kanyang buhok at mga kuko hangga't sa hindi siya nakapaghandog].
At maaring ito'y bilang pagtulad sa taong nakapagdala ng Hady (alay).
Sa katunayan sinabi ng Allah (SWT):
At huwag kayo mag-ahit ng inyong buhok hangga't hindi umabot ang Hady sa lugar (na} { وَلاَ تَحْلِقُواْ رُؤُوسَكُمْ حَتَّى يَبْلُغَ الْهَدْيُ مَحِلَّهُ } pinagkakatayan nito)} Al-Baqarah: 196
Sa panglabas na kahulugan, ipinahihiwatig nito na ang kabawalang ito ay sumasaklaw lamang sa may ari mismo ng Udhiyyah. Samakatuwid hindi nasasaklawan nito ang asawang babae at ang mga anak maliban kung ang isa sa kanila ay may sariling Udhiyyah. At wala ring masama sa paghugas ng ulo at pagkuskus nito kahit may nalaglag pa na buhok.
9.Dapat maging masigasig ang isang muslim sa pagtaguyod ng Salah sa Eid, saan mang lugar idinadaos ito, at sa pagdalo ng Khutbah at pakikinabang, at dapat din niyang alamin ang wastong layunin ng pagtakda sa pagdiriwang na ito. Ito ay araw ng pasasalamat at pagtaguyod ng kabutihan.
Samakatuwid, hindi karapat-dapat na itakda niya ito bilang araw ng kasamaan at kapilyuhan, ni gawing panahon ng kasuwailan at pinagsasanayan ng mga kabawalan, tulad ng mga awitin, mga aliwan, paglalasing at ang mga katulad nito na kung saan ay nagiging dahilan ng pagkawalang kabuluhan ng mga mabubuting gawain na kanyang pinagsikapan sa sampung araw na ito.
10.Pagkatapos ng mga nabanggit. Karapat-dapat lang sa bawat muslim maging lalaki man o babae na samantalahin ang dakilang mga araw na ito sa pagsunod sa Allah (SWT), paggunita at pagpapasalamat sa Kanya, pagtaguyod ng mga tungkulin at pag-iwas sa mga ipinagbabawal.
Gayon din dapat lang na samantalahin ang magagandang pagkakataon na ito at hangarin ang mga gantimpala ng Allah (SWT) nang sa gayo'y makamit ang Kanyang kaluguran. Ang Allah (SWT) ang nagkakaloob ng katampukan at nagpapatnubay ng wastong landas.
Nawa'y ang pagpapala at pagbati ng Allah ay igawad kay Muhammad (SAW), sa kanyang mag-anak at sa kanyang mga kasamahan.
Si Imam Ahmad (RA) ay nagpahayag din mula sa ulat ni Ibn Umar (R.A.A.); [Ang Propeta (SAW) ay nagsabi: "Walang mga araw na ang mga gawaing isinasagawa rito ay higit na dakila at kalugud-lugod para sa Allah maliban sa sampung araw na ito. Kaya dalasan ninyo ang pagpupuri, pagdakila at pasasalamat dito."]
At si Ibn Habban (RA) ay nagpahayag din sa kanyang mapapanaligang aklat mula sa ulat ni Jabir (RA); [Ang Propeta (SAW) ay nagsabi: "Ang pinakamainam na mga araw ay ang araw ng Arafah."]
Ang mga isinasagawang gawain sa sampung araw na ito:
1. Ang pagsasagawa ng Hajj at Umrah. Sa katunayan ito ang siyang pinakamainam sa lahat ng mga gawain. Sadyang napakaraming Hadith ang nagpapahayag tungkol sa kadakilaan nito, isa na rito ang sinabi ng Propeta (Muhammad SAW):
["Ang Umrah sa isa pang Umrah ay nagpapawalang sala sa pagitan nito at ang tanggap na Hajj ay walang gantimpala kundi ang Paraiso"].
At ang iba pang mapapanaligang mga Hadith na nagpapahayag patungkol dito.
2. Ang pag-aayuno sa mga araw na ito o sa alinmang makakayanan dito – lalong-lalo na sa araw ng Arafah – Walang pag-aalinlangan na ang pag-aayuno ang pinakamainam sa mga gawain, sapagkat ibinukod-tangi ito ng Allah sa Kanyang sarili. Batay sa mga pahayag na matutunghayan sa Hadith Qudsi:
[Ang pag-aayuno ay para lamang sa Akin (Allah) at Ako mismo ang gagawad ng gantimpala nito, tunay na kanyang tinalikuran ang kanyang hilig, pagkain at inumin alang-alang sa Akin].
Sa naiulat ni Abu Sa`ied Al-Khudry (RA); [Ang Sugo ng Allah (Muhammad SAW) ay nagsabi: "Walang isang lingkod na nag-ayuno ng isang araw sa landas ng Allah kundi ang kanyang mukha ay ilalayo ng Allah sa Impiyerno ng dahil sa isang araw na ito, na ang layo ay katumbas ng pitumpong taon (kung lalakarin).] Isinalaysay ni Al-Bukhari at Muslim.
At sa naipahayag ni Muslim (RA) mula sa ulat ni Abu Qatadah; [Ang Propeta (Muhammad SAW) ay nagsabi: "Aking hinahangad sa Allah na ang pag-aayuno sa araw ng Arafah ay Kanyang pawalang-sala ang nakaraang taon at ang kasunod nito"].
3.Ang pag-Takbeer (pagdakila) at paggunita (Dhikr) sa mga araw na ito.
{وَيَذْآُرُوا اسْمَ اللَّهِ فِي أَيَّامٍ مَّعْلُومَاتٍ} :(Sinabi ng Allah (SWT {At binibigkas nila ang Pangalan ng Allah sa mga kilalang araw.} Al-Hajj: 28.
Sa katunayan, ang mga naturang kilalang araw ay binigyang pakahulugan na ang mga ito ay ang sampung araw ng Dhul-Hijjah. At dahil dito ang madalas na paggunita sa mga araw na ito ay naging kaaya-aya sa mga eskolar ng Islam.
Batay sa Hadith na naiulat ni Ibn Umar (RA) ayon sa pahayag ni Ahmad (RA) ganito ang pagkasaad: [Kaya't dalasan ninyo dito ang pagpupuri, pagdakila at pasasalamat].
Si Bukhari (RA) ay nagpahayag din patungkol kay Ibn Umar at kay Abu Hurairah (RA): " Na ang dalawang ito ay lumalabas sa palengke sa mga araw na ito nang nagtatakbeer kaya't nagsisitakbeer na rin ang mga tao batay sa kanilang pagta takbeer."
At si Ishaq (RA) ay nag-ulat tungkol sa mga Pantas ng Tabi `oun [mga eskolar sa ikalawang siglo (RA)]: Kanyang sinabi: "
Sila ay nagtatakbeer sa mga araw na ito nang ganito:
"Allaahu Akbar, Allaahu Akbar, Laa ilaaha illallaahu wallaahu Akbar, Allaahu Akbar walillaahil Hamd."
At mas mainam na pinatataas ang boses sa pagtakbeer maging sa loob ng mga palengke, tahanan, daanan, Masjid at sa
iba pang lugar.
{وَلِتُكَبِّرُواْ اللّهَ عَلَى مَا هَدَاآُمْ } :(Batay sa sinabi ng Allah (SWT
{At upang inyong dakilain ang Allah dahil sa pagkaloob Niya ng patnubay sa inyo.} Al-Baqarah: 185.
Paalaala: ang sabay-sabay na pagtakbeer ay hindi ipinahihintulot – ito ay sa pamamagitan ng sama-samang pagsambit ng isang grupo sa iisang tono – sapagkat hindi ito napatunayan sa mga sinaunang ninuno. Bagkus ang wastong pamamaraan nito, ang bawa't isa ay kanya-kanyang magtakbeer. Ito ay sumasaklaw sa lahat ng uri ng paggunita (Dhikr) at panalangin maliban kung dahil sa kawalan ng kaalaman. Sa ganitong kalagayan maaaring gabayan siya ng iba hangga't sa matutunan niya ito. Samakatuwid, ang paggunita ay ipinahihintulot alinman sa lahat ng uri ng takbeer, pagpupuri at pagluluwalhati, at sa lahat ng mga lehitimong panalangin.
4. Ang pagsisisi at pagkalas sa mga kasuwailan at sa lahat ng mga kasalanan. Nang maging karapat-dapat sa mga gawain ang kapatawaran at habag ng Allah (SWT). Samakatuwid ang mga kasuwailan ay dahilan ng pagtaboy at pagtakwil, samantalang ang mga gawaing pagsunod naman ay dahilan ng pagpapalapit at pagmamahal. Batay sa Hadith na naiulat ni Abu Hurairah (RA) [ang Propeta ay nagsabi: "Katotohanan, ang Allah ay naghihinakit at ang paghihinakit ng Allah ay ang pagsasanay ng tao sa mga ipinagbabawal Niya."] Isinalaysay ni Al-Bukhari at Muslim.
5.Ang magparami ng mabubuting gawain sa mga gawaing pagsamba na kusang-loob, tulad ng Salah, pagkakawanggawa, pakikibaka sa pakikipaglaban sa landas ng Allah, pagbabasa, pag-utos ng kabutihan at pagbabawal ng kasamaan atbp.
Sapagkat ito'y naibibilang sa mga gawaing paulit-ulit na ginagantimpalaan ng Allah sa mga araw na ito. Samakatuwid ang isang gawain dito kahit pa man ito'y napakaliit, ito ay mas mainam pa rin at kalugud-lugod sa Allah kaysa isagawa ito sa ibang araw bukod dito, at maging ang pakikipaglaban sa landas ng Allah (Jihad) na sadyang napakadakilang gawain, ito'y nangunguna pa rin dito, maliban sa taong napatay ang kanyang kabayo at dumanak ang kanyang dugo.
6.Itinatagubilin sa mga araw na ito ang pag-Takbeer ng walang takdang oras sa buong magdamag o sa buong maghapon hanggang sa oras na isagawa ang Salah sa Eid. Itinatagubilin din ang pag-takbeer ng may katakdaang oras. At ito'y sa bawa't pagkatapos ng mga ubligadong Salah na isinasagawang sama-sama. At para sa mga hindi nagsasagawa ng Hajj, magsimula ang oras nito sa pagsapit ng bukang-liwayway sa araw ng Arafah, at para naman sa nagsasagawa ng Hajj, magsimula sa tanghaling tapat sa araw ng Eid (ika-10 araw) at manatili ito hanggang sa Salah ng Asr sa huling araw ng Tashreeq (ika-13 araw).
7.Itinatagubilin ang Udh-hiyyah (hayop na kinakatay bilang alay) sa araw ng Nahr (ika-10 araw) at sa mga araw ng Tashreeq (ika-11, 12, 13 araw). Ito ay isang dakilang alaala sa ginawa ng ating ninunong si Ibraheem nang ihandog niya sa Allah (SWT) ang kanyang anak sa pamamagitan ng kakila-kilabot na pagkatay.
At sa katunayan, [Ang Propeta ay naghandog ng dalawang tupa na ang mga balahibo nito'y kulay itim at puti at mahahaba ang mga sungay, siya mismo ang kumatay sa mga ito. Binigkas niya ang pangalan ng Allah at nagtakbeer (Bismillaahi Allaahu Akbar), at dinaganan niya ng kanyang paa ang tagiliran nito.] Isinalaysay ni Al-Bukhari at Muslim.
8. Ang sinumang nais maghandog ng Udhiyyah, hindi pinahihintulutang bumunot o pumutol ng kanyang buhok at mga kuko hangga't sa hindi siya nakapaghandog.
Batay sa naipahayag ni Muslim (RA) at ng iba. Si Ummu Salamah (RA) ay nag-ulat; [Ang Propeta (SAW) ay nagsabi:
"Kapag nakita ninyo ang buwan ng Dhul-Hijjah at nais ng isa sa inyo na maghandog ng alay. Hayaan niya ang kanyang buhok at mga kuko].
At sa ibang sanaysay ay ganito: [Huwag pumutol ng kanyang buhok at mga kuko hangga't sa hindi siya nakapaghandog]. At maaring ito'y bilang pagtulad sa taong nakapagdala ng Hady (alay).
Sa katunayan sinabi ng Allah (SWT):
{At huwag kayo mag-ahit ng inyong buhok hangga't hindi umabot ang Hady sa lugar (na pinagkakatayan nito)} Al-Baqarah: 196
Sa panglabas na kahulugan, ipinahihiwatig nito na ang kabawalang ito ay sumasaklaw lamang sa may ari mismo ng Udhiyyah. Samakatuwid hindi nasasaklawan nito ang asawang babae at ang mga anak maliban kung ang isa sa kanila ay may sariling Udhiyyah. At wala ring masama sa paghugas ng ulo at pagkuskus nito kahit may nalaglag pa na buhok.
9.Dapat maging masigasig ang isang muslim sa pagtaguyod ng Salah sa Eid, saan mang lugar idinadaos ito, at sa pagdalo ng Khutbah at pakikinabang, at dapat din niyang alamin ang wastong layunin ng pagtakda sa pagdiriwang na ito. Ito ay araw ng pasasalamat at pagtaguyod ng kabutihan.
Samakatuwid, hindi karapat-dapat na itakda niya ito bilang araw ng kasamaan at kapilyuhan, ni gawing panahon ng kasuwailan at pinagsasanayan ng mga kabawalan, tulad ng mga awitin, mga aliwan, paglalasing at ang mga katulad nito na kung saan ay nagiging dahilan ng pagkawalang kabuluhan ng mga mabubuting gawain na kanyang pinagsikapan sa sampung araw na ito.
10.Pagkatapos ng mga nabanggit. Karapat-dapat lang sa bawat muslim maging lalaki man o babae na samantalahin ang dakilang mga araw na ito sa pagsunod sa Allah (SWT), paggunita at pagpapasalamat sa Kanya, pagtaguyod ng mga tungkulin at pag-iwas sa mga ipinagbabawal.
Gayon din dapat lang na samantalahin ang magagandang pagkakataon na ito at hangarin ang mga gantimpala ng Allah (SWT) nang sa gayo'y makamit ang Kanyang kaluguran. Ang Allah (SWT) ang nagkakaloob ng katampukan at nagpapatnubay ng wastong landas.
Nawa'y ang pagpapala at pagbati ng Allah ay igawad kay Muhammad (SAW), sa kanyang mag-anak at sa kanyang mga kasamahan.
Isinalin sa Tagalog ni: Muhammad Taha
Source: Islamhouse.com
Isinalin sa Tagalog ni: Muhammad Taha
Source: Islamhouse.com