Sunday, September 29, 2013

Three Conditions to Acquire Excellent Character

This is one example of the excellent character with which Allâh, the Exalted, has equipped his Messenger (صلى الله عليه وسلم). He described him as,

“Verily, you (Muhammad) are on an exalted standard of character.”
[Al-Qalam (68): 4]

‘Â’ishah (radiyAllâhu ‘anhâ), described him as,

“His character was just [a reflection of] the Qur’ân.”
[Muslim, Abû Dâwûd, Ahmad]

Such excellent character cannot be attained without three conditions:

1. The foundation must be good. If one has a rough and dry nature, it will be hard for him to submit to this [excellence of character] through knowledge, will, or practice. On the other hand, a mild and smooth nature will be ready and willing to receive the plowing and the seeds [to prepare it for character excellence].

2. The soul must be strong and capable of conquering calls of laziness, transgression, and desire. Those matters contradict perfection, and souls that cannot defeat them will always be defeated and conquered.

3. [One must possess] a discerning knowledge of the truth of matters, enabling one to put them in the rightful position, and to distinguish between flash and cancer - between glass and jewels.

If these three qualities are present in a man, and Allâh’s facilitation helps him, then he will be among those whom the best (husnâ) has been decreed and for whom Allâh’s care has been secured.


Ibn al-Qayyim al-Jawziyyah (Rahimallaahu)
Excerpted from his Risâlat-ut-Tabûkiyyah.

Ang ilang mga alituntunin ng Udhiyyah at Pagkakatay

Ang lahat ng papuri at pasasalamat ay sa Allah lamang, ang Panginoon ng lahat ng nilalang, nawa'y ang pagpapala at kapayapaan ay makamit ng pinuno ng mga Sugo (Muhammad e )…

Ito ay ilang mga alituntunin ng Udhiyyah + at pagkakatay na tinipon mula sa Aklat na pinamagatang "Ang mga alituntunin ng Udhiyyah at pagkakatay", na inihanda ni Shaikh: Muhammad bin Salih Al-Uthaimeen (nawa'y kahabagan siya ng Allah).

Ang kahulugan ng Udhiyyah:

Ito ay ang hayop na kinakatay (tulad ng, kamelyo, baka, tupa at kambing) sa mga araw ng Eidul - Adha dahil sa pagsapit ng araw ng Eid (ika-10 araw sa Dhul-Hijjah) bilang pagpapalapit sa Allah (ang Kapita-pitagan, ang Kataas-taasan), at ito ay isa sa mga lehitimong simbulo ng Islam na matutunghayan sa Qur'an at sa Sunnah. At nagkaisa ang mga Pantas ng mga muslim sa pagkalehitimo nito (Al-Ijma').

Ang Allah ay nagsabi: {فَصَلِّ لِرَبِّكَ وَانْحَرْ} {Samakatuwid, magsagawa ng dasal para sa iyong Panginoon, at (sa Kanya lamang) maghandog ng hayop } Al-kauthar (108): 2

At sinabi pa Niya: {قُلْ إِنَّ صَلاَتِي وَنُسُكِي وَمَحْيَايَ وَمَمَاتِي لِلّهِ رَبِّ الْعَالَمِينَ} {Sabihin (O Muhammad e): Katotohanan, ang aking dasal, paghahandog, buhay at kamatayan ay para sa Allah (lamang), ang Panginoon ng lahat ng nilalang} Al-An'am (6): 162

Sa Sunnah, matutunghayan sa Sahih (mapapanaligang salaysay) ni Bukhari at Muslim mula sa ulat ni Anas bin Malik, kanyang sinabi: [Nag-alay ang Sugo ng Allah (e) ng dalawang tupa na ang mga balahibo nito'y kulay puti at itim, siya mismo ang kumatay nito, at kanyang sinambit ang Pangalan ng Allah at nagtakbeer (Bismillaahi Allahu Akbar), at dinaganan niya ng kanyang paa ang tagiliran nito.]

At si Abdullah bin Umar (nawa'y kalugdan silang dalawa ng Allah) ay nag-ulat; kanyang sinabi: [Nanatiling nag-aalay ang Sugo ng Allah sa loob ng sampung taong ipinamalagi niya sa Madinah.] Isinalaysay ni Ahmad at Tirmethi.

Ang wastong katuruan sa Udhiyyah: Ito ay lehitimong tungkulin lamang ng mga buhay, tulad ng nakagawian ng Sugo (Muhammad e) at ng mga Sahabah (tagasunod ng Propeta), sila ay nag-aalay para sa kanilang sarili at mga pamilya. At tungkol naman sa pag-aakala ng ibang tao na ang Udhiyyah ay maaaring ibukod-tangi sa mga patay, ito ay walang batayan. Ngunit hindi rin naman masama ang mag-alay para sa kanila (mga patay) kung isabay sa mga buhay. Ang halimbawa nito: Isasapuso ng isang tao na siya ay mag-aalay para sa kanyang pamilya na sama-sama na rito ang buhay at patay, o di kaya'y kusang-loob siyang mag-aalay para sa mga patay na hiwalay sa mga buhay.

Ang Mga Kondisyon Sa Udhiyyah:

1. Isang hayop; ito ay ang Kamelyo, Baka, Tupa o Kambing. 2. Umabot sa itinakda na lehitimong gulang: Para sa Tupa, dapat bata pa ito, at ang wastong kabataan nito ay ang umabot ng isang taon at kalahati. At para sa iba, kailangang nasa wastong gulang ito. Ang wastong gulang para sa Kamelyo: kailangang umabot ito ng limang taon. Ang wastong gulang para sa Baka: kailangang umabot ito ng dalawang taon. At ang wastong gulang para sa Kambing: kailangang umabot ito ng isang taon. 3. Malaya sa anumang kapintasan: tulad ng pilay, bulag, masasakitin at payat. 4. Pag-aari mismo ng nag-aalay. 5. Maialay ito sa tamang oras na itinakda: Ito ay pagkatapos ng Salah sa Eid sa araw ng Nah'r (ika-10 sa Dhul-Hijjah) hanggang sa paglubog ng araw sa huling mga araw ng Tashriq (ika-13 araw). At ipinahihintulot ang pagkatay ng Udhiyyah maging sa umaga man o sa gabi. Ngunit ang pagkatay sa umaga ay mas mabuti. At ang pinakamainam sa lahat ng mga oras nito ay sa araw ng Eid pagkatapos na pagkatapos ng dalawang Khutbah (talumpati).

Ano Ang Mga Dapat Iwasan Ng Taong May Balak Mag-alay.

Kapag nais niyang mag-alay at sumapit na ang buwan ng Dhul Hijjah, ipinagbabawal sa kanya na kumuha ng anuman sa kanyang buhok , mga kuko at balat hangga't hindi niya naihahandog ang kanyang alay. Batay sa isang Hadith na naiulat ni Ummu Salamah. [ Ang Propeta (e) ay nagsabi: " Kapag sumapit na ang (unang) sampung araw at nais ng isa sa inyo na mag-alay, magkagayon hayaan niya ang kanyang buhok at mga kuko."] Isinalaysay ni Muslim at Ahmad.

Ang alituntuning ito ay sumasaklaw lamang sa taong nag-aalay mismo, at hindi nasasaklawan ng kabawalang ito ang sinumang isinasama lang. At kung sakali mang ang taong nais mag-alay ay nakakuha ng anuman sa kanyang buhok o kuko. Magkagayon dapat niyang pagsisihan ito sa Allah, at hindi makakahadlang iyon sa kanyang pag-aalay. At kung nangyari man iyon sanhi ng pagkalimot o kawalan ng kaalaman, siya ay walang sala.

Ang Mga Kondisyon Ng Pagkakatay:

1. Ang tagapagkatay ay may sapat na pag-iisip at pang-unawa. 2. Ang tagapagkatay ay isang Muslim o angkan ng kasulatan (Hudyo o Kristiyano). 3. Maisapuso ang pagkakatay. 4. Ang pagkatay ay hindi maibaling sa kaninuman maliban sa Allah. 5. Ang di sumambit ng anumang pangalan maliban sa Pangalan ng Allah. 6. Ang ipangkatay ay isang matalim na bagay. 7. Ang sambitin ng tagapagkatay ang Pangalan ng Allah. Samakatuwid ang kanyang sasambitin sa pagkatay (Bismillaah). 8. Ang bumulwak ang dugo sa pamamagitan ng pagkatay. 9. And hayop na kakatayin ay lehitimong ipinahihintulot.

Mga Magagandang Asal Sa Pagkakatay:

1. Ang iharap sa Qiblah ang hayop na kakatayin. 2. Ang pagbutihin ang pagkakatay. 3. Ang lalaslasin ang lalamunan (na siyang daanan ng hangin papuntang baga), ang esopago (na siya namang daanan ng pagkain at inumin), at ang isa sa dalawang malaking ugat sa leeg. 4. Ang sambitin ang Allaahu Akbar pagkatapos ng Bismillaah. 5. Ang sambitin ang Pangalan ng Allah bago tuluyang katayin ang Udhiyyah nang ganito : "Bismillaahi wallaahu Akbar, allaahumma minka wa laka `anni, allaahumma taqabbal minni".

Kung ito'y para sa kanya, at kung para sa iba ay ganito : " Bismillaahi wallaahu Akbar, allaahumma minka wa laka `an fulan, allaahumma taqabbal min fulan." Ang Mga Makrooh (di kanais-nais) Sa Pagkakatay:

1. Ang pagkatay sa pamamagitan ng mapurol na patalim. 2. Ang gumawa ng isang gawaing nakasasakit dito (sa kinakatay) pagkatapos ng pagkatay, tulad halimbawa na ang leeg nito ay babaliin, balatan o putulin ang isang bahagi nito bago malagutan ng hininga.

Isinalin sa Tagalog ni: Muhammad Taha Ali