Monday, March 2, 2015

Ang Katayuan ni Hesus sa ISLAM

Ang lahat ng papuri ay para sa Allah lamang, at ang kapayapaan at mapasa huling Propeta Muhammad (SAS).

Noong likhain ng Maykapal ang ating ama na si Adan, ang mga tao ay sumasamba sa nag-iisang Diyos.  Dahil iyon ang dakilang utos mula pa noong unang panahon, ang pagsamba sa Nag-iisang tagapaglikha, at ang pagsamba na ito ay sa pamamagitan ng pagkilalla sa kanya sa tamang paraan at sa pamamagitan ng pagsamba sa Kanya sa paraang Kanyang ipinag-utos.

Nguni’t sa katagalan, nanghimasok ang Satanas sa kanila upang sila ay kanyang maligaw mula sa tuwid na landas.  Kabilang sa mga taong ito ay ang mga taong mabubuti.  Nang sila ay mamatay, bumulong ang satanas sa mga tao:  Magtayo kayo ng mga monumento para sa kanila, upang sa tuwing makikita niyo ang mga ito, nagpapaalala sa inyo na gumawa ng mabuti.  At sa katagalan, nang mangamatay na ang mga taong gumawa ng monumento, hindi na alam ng mga sumunod na henerasayon kung bakit may mga REBULTONG nakatayo, at bumulong muli ang Satanas; ang mga rebultong yan ay may mga kapangyarihan, magbigay kayo ng pagpupugay at debosyon at sambahin niyo sila.  Kaya sinamba sila ng mga tao.  At nagpadala ang  Allah ng mga Propeta na sa tuwing ang mga tao, may mga gabay sa kanila sa tuwid na landas na pagsamba sa Nag-iisang Diyos.

Ipinadala Niya si Noe (Noah (AS)) upang ibalik ang mga tao sa Allah mula sa pagiging diboto ng mga ito sa mga rebulto.  Pagkawala ni Noe, muling bumalik nang mga tao sa pagiging diboto sa mga nilikha.  Kaya nagpadala muli Siya ng mga Propeta at mga sugo.  Kaya’t bumalik ang mga tao sa pagsamba sa tunay na Diyos, at pagkatapos ay natatangay na naman sila ng satanas sa pagsamba sa mga huwad na diyus-diyusan.  At ganoon ang takbo ng panahon, papalit-palit, ika nga sa kasabihan: “history repeats itself”.

Kabilang sa mga Propeta at sugo na ipadala ng Allah upanggabayan ang kanilang mga tao o bayan mula sa pagsamba sa mgahuwad na diyus-diyusan ay: Noe,  Saleh,  Hud,  Abraham, lot,  Ismael,  Isaac,  Jacob,  Joseph,  Joseph,  Jonah,  Moises,  Aaron, David,  Solomon,  Juan Bautista, Hesu Kristo at ang pinaka-huling Propeta na si Muhammad (sumakanila nawa ang kapayapaan).

At kabilang sa mga propeta at mensaherong ito ay si Hesu kristo (sumakanya nawa ang kapayapaan).  Dahil siya ay napapaloob sa mga linya ng mga Propeta na ipinadala upang ibalik ang kanyang mga bayan muli sa Allah.

Sabi ni hesus sa Qur’an:
“Sabi  niya (Hesus): “Ako ay alipin ng Allah, binigay sa akin ang Aklat (Ebanghelyo) at ginawa akong propeta”.

At sinabi din ng Bibliya;
“Ito ay si Hesusang propeta sa Nazaret” (Mateo 21:11)
“Si Hesus, na isang propeta…”(Lukas 24:19)

At ayon din  sa salita ni Hesus na hindi siya dumating dumating upang baguhin ang batas, bagkus upang ituloy at ipatupad ang batas na pagsamba sa Nag-iisang tagapaglikha.

Ayon sa turo ng Isalm tungkol sa katayuan ni Hesus, siya ay mula sa lahi ni Propeta Abraham mula sa anak niyang si Isaac at mula sa anak nitong si Jacob.  Linya ng mga Propeta.

Ang kuwento ni Maria bago at pagkatapos maisilang si Hesus (sumakanya nawa ang kapayapaan) ayon sa Qur’an 19:16.

Na noong si Maria ay nag-iisa sa silid upang siya ay mag-alay ng mga debosyon at panalangin sa Allah, Dumating sa kanya ang Anghel Gabriel sa porma ng isang tao.  At nagparating sa kanya ng magandang balita.  Na si Maria ay magkaroon ng anak na lalaki.

At nagtaka si Maria: “Paano ako magkaroon ng anak samantalang wala namang lalaking humawak sa akin?.

Ang sabi ng “sabi ng iyong Panginoon; “iyon ay madali lamng para sa akin.”

Kaya sa kapangyarihan at kapahintulutan ng allah, si Maria ay nagdalantao, na siya si Hesus (sumakanay nawa ang kapayapaan). At ayon pa rin sa Qur’an, nang isilang ni Maria si Propeta Hesus, dahil sa hirap na dala ng panganganak, sinabi sa kanya ng Anghel na ugain ang puno ng datiles at ginawa nga niya ito.  At nangalaglag ang mga bunga nito sa kanya para makain niya.  At sa pagbalik ni Maria sa kanyang bayan kasama ang sanggol na si hesus, nagtaka ang mga tao.  At kanilang Inakusahan si Maria, dahil nga siya ay nagkaroon ng anak samantalang wala naman siyang asawa.  At sa puntong iyon, bilang pangangalaga ng Allah sa kanyang alipin na si Maria, ay pinagsalita niya si Hesus habang ito ay nasa kanyang duyan; “Ako ang alipin ng Allah, binigay sa akin ang aklat at ginawa akong Propeta, at  ginawa  akong  mabiyaya  saan  man  ako  maparoon, at ipinag-utos sa akin ang pagdarasal at kawang-gawa habang ako ay nabubuhay.”   At iyon ang unang himala na  pinamalas ni Propeta Hesus, ang pagtatanggol sa kanyang ina mula sa bintang ng mga tao.

At sa paglaki ni Hesus kanyang ipinagaral na sumamba lamang sa nag-iisang Diyos na Tagapaglikha.  At ganoon din ay pinahintulutan siya ng Allah na magpamalas ng iilang mga himala upang patunayan na siya ay sugo ng Panginoon.  Kabilang ang pagbuhay ng mga patay, pagpapagaling ng mga ketongin, papapadilat ng mga bulag, at marami pa.

At sa kanyang pangangaral, nagkaroon ng inggit ang mga matataas na pinuno ng simbahan ng mga hudyo, at hanggang sa kanilang binalak na patayin si Kristo.

Nguni’t HINDI ito pinayagan ng Allah.  Bagkus ay inangat si Hesus sa pangalawang langit,  Buhay at hindi dumanas ng kamatayan.  Bagkus ay ibang tao ang apinamukha sa kanila ng Allah at siya ay kanilang kanilang pinako.  Sabni sa Qur’an: “At hindi nila siya napatay, at hindi naipako, Nguni’t ipinamukha lamang sa kanila.” At siya ay babalik muli, upang ipagpatulo ang kanyang buhay sa mundo, na kung saan ay tinawag na muling pagbalik ni Hesus (sumakanya nawa ang kapayapaan).
Katayuan niya sa Islam

Sinabi ng Allah na sinabi ni Hesus (sumakanya nawa ang kapayapaan):
“O mga angkan ni Israel, katotohanan na ako ay isang sugo ng Allah sa inyo.  Na aking pinatunayan ang Torah, at tagapagdala ng magandang balita sa inyo ng isang sugo pagkatapos ko na ang pangalan ay Ahmad (Muhammad).”

Sa madaling sabi: si Hesus ay isang Sugo para sa mga Israel. At hindi para kanino pa man.  “Hindi ako ipinadala liban sa naliligaw na tupa  ng Israel.” Bibliya.

Isang dakilang sugo Propeta ng Allah,  na sa kanaya rin ipinagkaloob ang salita ng Allah sa Aklat o Kapahayagan ng Ebanghelyo.  Wala siyang ipinagkaiba sa kanyang mga ninuno, Abraham, David…

At sa katuruan ng Islam; Si Hesus ay isang tao, Kakaiba nga lang ang paraan ng paglikha sa kanaya, ngunit siya pa rin ay tao.  Tulad lamang ni adan at ni Eba, ibang paraan ang paglikha sa kanila, nguni’t sila ay mga tao.  Ganoon din na sinabi ng Allah; “Hindi nararapat sa Allah na magkaroon Siya ng Anak, kaluwalhatian  sa kanya, kapag mayroon Siyang ninais mangyari, sasabihin lamang Niya: “kun!” mangyari at ito nga ang mangyayari.”

At si Hesus din ay hindi kabahagi ng maykapal na Tagapaglikha sa Kanyang pagka-Diyos. Siya ay isang Propeta, Sugo, at Alipin ng Allah.  Ipinadala siya sa Israel.  Kaya nararapat lamang na hindi tayo mag-alay ng anumang debosyon,  o pag-aalay o pagsamba sa kanya.

Aklat bibliya (Sampung utos) sabi ng tagapaglikha:

“Huwag kayong sasamba ng ibang Diyos liban sa akin.’

Sabi ng Allah sa Qur’an:

“Walang Diyos maliban sa Akin, kaya sambahin Ako lamang.”

ISLAMIC GUIDANCE CENTER – HAIL
Tel. No.: 06 5310116 / 06 5334748, Fax No.; 06 543 2211, P.O.Box; 2843