Iniulat ni Abu Hurairah na kanyang narinig na sinabi ng Propeta (salla Allaahu Alaihi wasallam):
“Katotohanan, ang isang alipin ay magsalita ng isang kataga habang hindi niya nalalaman ang maaring dulot nito, at dahil dito maari siyang itapon sa Impiyerno na higit na malayo kaysa sa pagitan ng silangan at kanluran.”
[Al-Bukhari and Muslim]
Iniulat ni Sufyaan Ibn 'Abdullah:
“O Sugo ng Allah, sabihin mo sa akin ang bagay na aking maaring mapanghahawakan. ‘Sinabi Niya: ‘Ako’y naniniwala sa Allah at manatiling matatag. Sinabi ko: “O Sugo ng Allah, ano ang maaring kung labis na katatakutan sa aking sarili?’ At hinawakan niya ang kanyang dila at sinabi: ‘Ito.”
[Isang Mapaniniwalaang hadith na iniulat nina At-Tirmidhi, Ibn Maajah at iba].
Iniulat ni 'Uqbah Ibn 'Aamir:
“Aking sinabi: ‘O Sugo ng Allah, paano makakamit ang Kaligtasan?’ Kanyang sinabi: ‘Pangalagaan ang inyong pananalita, at manatili sa inyong mga tahanan at pagsisihan ang inyong mga kasalanan.”
[Isang Mapaniniwalaang hadith na iniulat ni Ibn Al-Mubaarak sa Az-Zuhd at may pagsa-ayon kay Ahmad]