Sinabi ni Ibraaheem al-Hatbee:
"Ang Guro ay hindi pinapayagan na maging Marahas, At ang Mag-aaral ay hindi pinapayagan na maging Hambog"
[Adab shar'iyyah 1/297]
Monday, December 2, 2013
KASINUNGALINGAN!!! Babaeng Muslimah! Mga Bagay na dapat katakutan at Layuan
Bismillaahir Rahmanir Raheem
Assalaamu Alaikum Warahmatullaahi Wabarakaatuh.
Marami pong naglilipana sa kahit saan mang social networking na mga hadith na talamak sa kasinungalingan subalit hindi napapansin bunsod sa kakulangan sa kaalaman. kayat minarapat po naming ipatid sa inyo na ang hadith na nasa ibaba ay isang uri ng hadith na puno ng kasinungalingan.
May salaysay mula kay Ali bin Abi Talib (RA) na siya ay nagwika : Pumasok ako at ang aking asawa na si Fatimah sa kinaroroonan ni Propeta Muhammad (SAW) at natagpuan namin siyang matindi ang pag-iyak. kaya't sinabi ko : Ano po ang nakapag-paiyak sa inyo O Sugo ni Allah? sinabi niya (saw) : O Ali noong agbi na itinaas ako sa kalangitan nakita ko ang mga kababaihan mula sa aking ummah na dumadanas ng matitinding parusa kaya't ako ay napaiyak ng makita ko ang matinding parusa na dinadanas nila.
** Nakakita ako ng babae na nakabitin sa impiyerno sa pamamagitan ng kanyang buhok at kumukulo ang kanyang utak.
**Nakakita ako ng babae na nakabitin sa pamamagitan ng kanyang dila at ang apoy ay ibinubuhos sa lalamunan niya.
**Nakakita ako ng babae na nakagapos ang mga paa niya sa suso niya niya at ang kanyang mga kamay ay nakagapos sa kanyang noo.
**nakakita ako ng babae na nakabitin sa impiyerno sa pamamagitan ng kanyang suso, at nakakita ako ng babae na ang ulo niya ay ulo ng baboy at ang katawan niya ay katawan ng asno at dumadans ng libo-libong parusa.
**Nakakita ako ng babaeng nasa larawan ng isang aso at ang apoy ay pumapasok sa bibig niya at lumalabas sa puwetan niya at ang mga anghel at hinahagupit ang ulo niya ng pamalong yari sa apoy .
Tumayo si Fatimah (RA) at nagwika : O mahal kong ama ano po ba ang ginagawa ng mga kababaihang iyon at ipinataw sa kanila ang mga parusang iyon? sinabi ng SUgo (SAW) ; O aking anak :
Ang babaeng nakabitin sa pamamagitan ng kanyang buhok ay yaong mga babae na hindi nagtatakip ng kanyang buhok sa harapan gn mga kalalakihan.
Ang babae na nakabitin sa pamamagitan ng kanyang dila ay yaong babae na lagi niyan pinipinsala ang asawa niya sa pagbubunganga. ang babaeng nakabitin sa pamamagitan ng kanyan suso ay yaong babae na hindi naging tapat sa kanyang asawa sa kanilang higaan.
At yaong babae na nakagapos ang kanyang mga paa sa kanyang dibdib at ang kanyang mga kamay sa kanyang noo ay yaong babae na hindi nililinis ang sarili niya mula sa janabah at regla at kinukutya niya ang salah.
Samantalang ang babaeng ang ulo niya ay baboy at ang katawan niya ay asno, at yaong mga babaeng Nammam (mga tsismosa na pinag aaway ang ibang tao sa pamamagitan ng mga tisimis niya) at sinungaling.
At yaong babae na nasa larawan ng aso at ang apoy ay pomapasok sa bibig niya at lumalabas sa pwetan niya ay yaong babae na gumagawa ng kabutihan sa iba at isinusumbat niya ito kaagapay ng pagiging maiinggitin, kaya aking anak kasumpa-sumpa ang babaeng sinusuway niya ang asawa niya.
Kitaabul-Kabaair page : 149. At-tirmidhiy / Hadith : 1174. Ibnu Majah / Hadith : 2014
" Lahat ng ito ay tanyag na pinag-uusapan ng mga tao subalit ito pawang huwad at kasinungalingang iniuugnay sa Propeta [صلى الله علبه وسلم],hindi mapapatunayan mula sa kanya at kabilang sa mga hadeeth na gawa-gawa lamang ng mga sinungaling; hindi totoo na ulat buhat kay Ali [رضي الله عنه] o sa iba liban sa kanya bagkus isang kasinungalingan lamang at nararapat sa sinumang may tangan ng ganitong sulat o aklat na sirain [punitin] at paalalahanan ang mga tao na ito ay isang kasinungalingan lamang..."
Sources: [http://www.binbaz.org.sa/mat/20070]
At nagpahayag rin ng fatwah ang Lujnatud daimah ng Saudi Arabia ukol dito at sinabing ito ay kasinungalingan at marami pang ibang mga pantas na nagsasabing ito ay hindi mapapanaligang Hadeeth kaya't nararapat sa mga Muslim na iwasan ang pagpapalaganap ng tulad nitong kasinungalingan at hindi mapapanaligang Hadeeth sapagkat matindi ang parusang makakamit ng taong magsisinungaling o magpapalaganap ng kasinungalingan laban sa Propeta Muhammad [صلى الله علبه وسلم]
-Allaahu Aalam-
Sources:
[http://fatwa.islamweb.net/fatwa/index.php?page=showfatwa&Option=FatwaId&Id=50789]
[http://www.alifta.net/fatawa/fatawaDetails.aspxView=Page&PageID=6449&PageNo=1&BookID=3&languagename=]
Researcher : Youth Peace Propagators Association Inc. and Salamodin D. Kasim
Subscribe to:
Posts (Atom)