Ang Propet (صلى الله عليه وسلم) ay nag bigay ng babala laban sa inggit sa pamamagitan ng paghahambing nito sa apoy na lubusang tumutupok sa kahoy. Siya ay nagsabi:
“Mag-ingat sa inggit, sapagka’t tinutupok nito ang mabubuting gawa katulad ng pagtupok ng apoy sa kahoy.”
[Abu Dawud]
ِSinabi ng Allaah na palagi-ing magpakup laban sa mga maiing-gitin at ito ay nakasaad sa Qur'an:
قل أعوذ برب الفلق
"Sabihin: Ako ay nagpapakupkop sa Panginoon ng bukang-liwayway…laban sa kasamaan ng mga mapanibugho kapag sila ay naiinggit.
[Surah al-Falaq, 113:1]
Isinalaysay ni At-Tirmidhee mula kay Al-Zubayr Ibn Al-Awam na ang Propeta (صلى الله عليه وسلم) ay nagsabi:
“Dumating na sa inyo ang sakit ng mga bansang nauna sa inyo: Ang paninibugho at ang pagkapoot. Ito ang ‘taga-ahit’(tagawasak); hindi ko sinasabing inaahit nito ang buhok, bagkus inaahit (winawasak) nito ang pananampalataya…”
[(Hasan) Jamee At-Tirmidhi (2434)]