Thursday, October 30, 2014

Bukas na Liham: " Paka- Ingatan ang Iyong Dangal"

Bismillaahir Rahmanir Raheem

Kapatid na Muslimah

Assalaamu alaikum warahmatullaahi wabarakaatuh... sumulat po ako sa iyo upang ipaalam kung  bakit kailangan nating mag Hijab.Napapansin ko po kasi na  tila baga nakakalimutan mo na ang utos ng Allaahu ta'alaa ang sabi nya: 

"O Propeta, sabihin mo sa iyong mga maybahay at sa iyong mga anak na babae at sa mga kababaihan na mga Muslim na isuot nila ang kanilang balabal [na bumabalot sa kanilang ulo at katawan]. Iyan ang higit na mainam upang sa gayon ay makilala sila [bilang kagalang-galang na mga babae] at hindi pinsalain. Ang Allah ay laging nagpapatawad, maawain." [Qur'an, 33:59]

Kapatid na Muslimah ang pagsuot po  ng damit na siyang nagpapakita ng hubog ng katawan hindi ito ang tamang pag hijab walang pinag kaiba sa hubad na katawan... 

Si Abu Hurairah (radhillaahu anhu ) ay nag-ulat na ang Sugo ng Allaah (salallaahu alaihi wasalaam) ay 
nagsabing: 

“Mayroong dalawang uri ng taong kabilang na mananahan sa Impiyerno, at sila ay hindi ko pa nakikita; ang mga taong may panghagupit na katulad ng mga tainga ng toro, na siyang pinanghahagupit sa mga tao. At ang mga kababaihang nakadamit nguni't parang walang damit, at naglalakad na parang nang-aakit, at hindi sumusunod sa Allaah. Ang kanilang mga ulo ay kagaya ng umbok ng pilay na kamelyong ‘Bactrian’. Sila ay hindi makakapasok sa Jannah (Paraiso) na ang bango ay maaamoy mula sa napakalayong lugar.” 

kung patuloy mong gagawin ang pag papa seksi  na animo'y  nilalako ang  katawan sa lansangan ay magsisi po kayo na ang kakahantungan nyo ay... IMPIYERNO :( wal yadhubillaah...bakit ko po nasabing parang inilalako dahil hindi nababagay sa isang marangal na babaeng may asawa o naghahanap ng mapapangasawa na naka suot nga ng damit subalit parang ito ay hubad habang naglalakad sa lansangan...  sabi ng Allaah:

"Manatili kayo (mga babae) sa inyong mga tahanan at huwag ninyong itanghal ang inyong mga kagandahan katulad ng ginagawang pagtatanghal ng kagandahan noong panahon ng kamangmangan [ang panahon bago dumating ang Islam]." [Qur'an, 33:33]


Huwag po nating tularan mga kapatid na Muslimah ang mga Babaeng hindi mananampalataya Kayat pakatandaan na ang pag takda po ng Allaahu ta'alaa sa ating mga kababaihang Muslim na tama at matuwid na kasuotan ay upang tayo ay mapabuti lamang....

“O mga anak ni Adan! Kami ay nagtakda ng kasuotan sa inyo para takpan ang inyong mga sarili (maseselang bahagi ng katawan, atbp.) at bilang palamuti. Subali’t ang kasuotang matuwid ay higit na makabubuti (mainam).” [Qur’an, 7:26]


Ang Pagtanghal ng kagandahan ay siyang nag uudyok sa mga kalalakihan ng gumawa ng kahalayan sa isip sa salita o sa gawa. kayat kapatid na muslimah huwag na ikaw ang maging dahilan ng pagnanasang yaon ng mga kalalakihan. Huwag mong hayaan na marami ng naka kita sayong kagandahan na siyang dapat ay para sayong asawa o magiging asawa lamang. " Pangalagaan natin ang ating Puri"... Yan ang mahigpit na Payo ng Allaahu ta'alaa sa atin.

"At sabihin mo (Muhammad) sa mga babaeng mananampalataya na ibaba nila ang kanilang paningin at pangalagaan nila ang kanilang puri, at huwag nilang ilantad ang kanilang gayak maliban sa nakalitaw na, at balutin nila ang kanilang katawan, at huwag nilang ipakita ang kagandahan maliban sa kanilang asawa…… ."[Qur'an, 24:31]

Gumagalang,

P.S; Ang salitang hijab ay nagmula sa salitang Arabik na “hajabah” na ang kahuluga’y itago sa paningin o ikubli.  InshaAllaah ta'alaa palagi po tayong gabayan ng Allaah tungo sa tamang landas na siyang ikabubuti nating mga Muslimah.

Aameen...

"Takip Sa Mukha Dangal Mo"

Sinabi ng Allaah:
يا أيها النبي قل لأزواجك وبناتك ونساء المؤمنين يدنين عليهن من جلابيبهن
 ذلك أدنى أن يعرفن فلا يؤذين وكان الله غفورا رحيما

" O Propeta, sabihin mo sa iyong mga asawa at sa iyong mga anak na babae at sa mga kababaihan ng mga mananampalataya na kanilang ibaba ang kanilang takip sa kanilang mga sarili [ang bahagi] ng kanilang panlabas na kasuutan". 

[Al-Ahzab:59]


1- Sa ayah na ito ay inutusan ang lahat ng nabanggit na kababaihan na magtakip nang ganap na pagtatakip kabilang na dito ang pagtakip ng mukha, at nagkaisa ang mga Muslim na obligadong magtakip ng mukha ang mga asawa ng Propeta [sallallahu alyhi wa sallam]. At dahil parehong utos ang iniutos sa kanila sa ayah na ito; nangangahulugang obligado rin magtakip ng mukha ang mga kababaihan ng mga mananampalataya.


2- Ayon sa mga pantas ng Tafsir; ang ayah na ito ay nangangahulugan ng pagtatakip ng mukha, ito ay ayon kay: Jamakhshari, Abu Hayyan Al-Andalusi, Ibn Abbas, Ubaydah As-Salmani, Muhammad Ibn Sireen, Ibn Aliyyah at Ibn Awn, at ang ulat mula kay Ibn Abbas ay Saheeh o tumpak, tama at matibay ayon kay Imam Ahmad, Al-Bukhari, Ibn Hajar at Ibn Jareer.


At ganito rin ang tafsir ng mga sumusunod na mga eskolar ng tafsir tulad nila: Al-Jassas, Al-Bagawi, Al-Qurtubi, Al-Baydawi, An-Nasafi, Ibn Jazzi Al-Kalbi, Ibn taymiyah, Abus Saud, As-Sayuti, Al-Alusi, As-Shawkani, Al-Qasimi, As-Shanqayti.


Sinabi din nang Allaah:

وقل للمؤمنات يغضضن من أبصارهن ويحفظن فروجهن ولا يبدين زينتهن إلا ما ظهر...

"At Huwag nilang Iladlad ang kanilang ganda maliban sa Kailangang Ilitaw..."

[Surah A-Nur:31].



Ang nabanggit na ayah mula sa Qur'an ay kabilang sa katibayan ng mga nagsasabing kailangan takpan ang mukha tulad nila: Ibn Mas'ud, An-Nakh'ie, Al-Hassan, Abu Ishaq As-Subay'ie, Ibn Sireen at Abul Jawza'.


ANG OPINYON AT PANANAW NG MGA ULAMA NG APAT NA MADH'HAB TUNGKOL SA PAGTAKIP NG MUKHA

 AL-AHNAAF (HANAFIYYAH) 

Sinabi ni Abu bakr Al-Jassas [Rahimahullaah]:

" Ang babaeng [hindi matanda] ay inatasang magtakip ng mukha sa harap ng ibang tao at ang pagtatakip kapag siya ay lumalabas upang hindi pagnanasahan siya pagnanasahan ng mga masasama".

 [Ahkamul Qur'an 3/458]

 At sinabi ni Ala'uddin Al-Hanafi:

"…at pinagbabawal ang [batang]babae na buksan ang mukha sa harap ng mga kalalakihan."

 [Hashiyat Ibn Abidin 3/261]. 

Sinabi ni Imam At-tahawi:

" Pinagbabawalan ang batang babae na buksan ang mukha sa harap ng mga kalalakihan''. 

[Raddul Mukhtar 1/272]. 

AL-MALIKIYYAH 

Sinabi ni Ibn Al-Arabi at Al-Qurtubi:

" Ang babae ay awrah; ang boong katawan at boses,pinapahintulutan lamang ito kung kinakailangan (Darurah)…".

[ (Ahkamul Qur'an 3/1578). (Al-jami Li Ahkamil Qur'an 14/277). ]

Binanggit ni Al-Abbi na katotohanan naitala ni Ibn Marzuq na: 

"ang [Mash'hur] tanyag na pinapanigan ng Mad'hab ng Malikiyah ay obligadong takpan ang mukha at dalawang palad kapag pinangangambahan ang fitnah mula sa makakakita nito…". 

(Jawahirul Ikleel 1/41).

 At nabanggit ng maraming eskolar ng Malikiyah ang pagiging obligado ng pagtatakip ng Mukha sa mga sumusunod: 

Al-Mi'yarul Mu'rib (10/165-11/226-229),
Mawahibul Jaleel (3/41), 
Ad-Dhakheerah ni Al-Qurafi (3/307),
At-Tasheel (3/932), 
Hashiyat Ad-Dasuqi (2/55).

 AS-SHAFI'EYYAH 

Sinabi ni Imam Al-Haramayn Al-Juwayni:

" Nagkaisa ang mga Muslim sa pagbabawal ng pagpapakita ng babae sa kanyang mukha kapag siya ay lumalabas sapagkat ang pagtingin dito ay maaaring sanhi ng fitnah…".

( Rawda At-Talibeen 7/24). 

Sinabi ni Ibn Raslan:

"Nagkaisa ang mga Muslim na pigilan ang mga kababaihan sa pagpakita ng mukha lalung-lalo na kapag maraming masasamang tao". 

( Awnul ma'bud 11/162).

Sinabi ni Imam Al-Gazzali:

" nanatiling lumalabas ang mga kababaihan nang nakatakip ang mukha sa paglipas ng mga panahon"

(fathul Bari 9/337)( Ihya ulumid Deen). 

At nabanggit din ni Imam An-Nawawi sa (fatwah pahina 192). 

AL-HANABILA 

Nabanggit ni Imam Ahmad ang pagiging obligado ng pagtakip ng mukha sa aklat na (Al-Furu' 1/601). At ganun din Si Ibn Taymiyah at kanyang estudyante na si Ibn Al-Qayyim at iba pa.


Sinipi ng Iyong Lingkod,

Salamodin D.Kasim