Sunday, July 21, 2013

"Mula sa mga Doktrina ng Shi'ah"


?KAILAN LUMITAW ANG SEKTA NG RAFIDA

Nagsimula ang grupo ng RAFIDA nang lumitaw ang isang lalaking hudyo na ang pangalan ay " ABDULLAH BIN SABA'" nag-aangkin ng pagkamuslim, nag-aangkin ng pagmamahal sa AHLUL BAYT (mag-anak ng Propeta (SAW)), labis na dinakila si Ali-kalugdan nawa ng Allah-, inangkin para sa kanya ang bilin ng pagka KHALIFA at pagkatapos ay itinaas sa antas ng pagkadiyos at iyan ang inaamin mismo ng mga aklat ng SHI'AH.

Si Al-Qummi sa kanyang aklat na " ALMAQALAAT WAL FIRAQ[1]": kanyang pinagtibay ang kanyang presensiya (Abdullah bin Saba) at itinuturing na pinakaunang nagsabi ng pagsasatagubilin ng pagka-imam ni Ali at ang kanyang pagbabalik, nagpamalas ng panlalait kay Abu Bak'r, Umar,Uthman at sa mga nalalabi pang mga SAHABA (kasamahan ng propeta (SAW)). Gaya ng sinabi ni An-Nubkhati sa aklat niyang (FIRAQUS SHIA)[2]. At gaya rin ng sinabi ni AL-KASSHI sa kanyang kilalang aklat na " RIJAL AL-KASSHI"[3]. At kabilang sa mga kapanahong Shia na nagsasabi ng presensiya ni Abdullah bin Saba ay si Muhammad Ali Al-Muallim sa kanyang aklat na " ABDULLAH BIN SABA LINGID NA KATOTOHANAN"[4]. Ang pag-amin ay pinuno ng mga katibayan, at silang lahat ay kabilang sa mga mataas na pantas ng RAFIDA.

Sinabi ni Al-Bagdadi:" Ang As-Sabaiyah ay mga tagasunod ni Abdullah bin Saba na siyang nagmalabis sa pagdakila kay Ali- kalugdan nawa siya ng Allah- at inangkin na siya noon ay isang Propeta at pagkatapos ay umabot ang kanyang pagmamalabis sa pag-aangking katotohang siya (ALI) ang Allah".

At sinabi rin ni Al-Bagdadi:"Si Ibn As-Sawda- Ibn ay hudyo ang pinagmulan, mula sa mga tao ng pagkalito, ipinakita ang pagkamuslim at nais na magkaroon ng lakas at pamumuno sa mga taga Kufa', binanggit sa kanila na kanyang natagpuan sa Torah na katotohanang lahat ng Propeta ay may susunod na katiwala at tunay na si Ali (RA) ay susunod kay Propeta Mohammad (SAW)bilang katiwala.

Binanggit ni As-Shahristani buhat kay Ibn Saba' na katotohanang siya ang kauna-unahang nagsabi na may tekstong nakasulat tungkol sa pagiging Imam ni Ali (RA), at sinabing ang Sabaiyah ang siyang kauna-unahang sekta na nagsabi tungkol sa pagkawala at muling pagbabalik (ni Ali) at pagkatapos ay namana ito ng Shia sa bandang huli -sa kabila ng kanilang pagkakaiba at pagkakawatak-watak ng mga sekta- ang pagsasabi ng may tekstong nakasulat at habilin sa pagiging Imam at Khalifa ni Ali (RA) at ito'y kabilang sa mga naiwang turo ni Ibn Saba'. At pagkatapos nito'y dumami ang mga sekta at pahayag ng Shia na umabot ng dose-dosenang sekta at pahayag.

At ganyan inimbento ng Shia ang pahayag tungkol sa habilin (kay ALI), pagkawala at muling pagbabalik bagkos pati narin ang pahayag tungkol sa pagkadiyos ng mga Imam bilang pagsunod sa yapak ng Hudyong si Ibn Saba'[5].

BAKIT TINAWAG ANG SHIAH NA RAFIDA?

Ang katawagang ito ay nabanggit ng kanilang pantas ni si Al-Majlisi sa kanyang aklta na" BIHARUL ANWAR", kanyang sinabi sa pamagat na (ANG KAHIGTAN NG RAFIDA AT PAPURI SA KATAWAGAN NITO)at kanyang nabanggit buhat kay Sulayman Al-A'mash kanyang sinabi: Ako ay pumasok kay Abu Abdullah Ja'afar bin Mohammad, aking sinabi: Sa aking sakripisyo tungo sayo! Katotohanan, ang mga tao ay tinawag tayong RAWAFID, ano baga ang Rawafid? Siya (Abu Abdullah) ay nagsabi: Sumpa man sa Allah! Hindi sila ang tumawag sa inyo bagkos ang Allah ang Siyang nagbigay sa inyo ng pangalang ito sa Torah at Ibanghelyo sa pamamagitan ng dila ni Moises at Hesus[6].

May nakapagsabing na: tinawag silang Rafida sapagkat dumating sila kay Zayd bin Ali bin Alh-Hussien at sinabi nila: kumalas ka mula kay Abu Bak'r at Omar upang kami ay sasama sa iyo, kanyang sinabi: Silang dalawa ay kasamahan ng aking lolo, bagkos mamahalin ko silang dalawa, kanilang sinabi: Kung ganun, ikaw ay aming tatanggihan kaya't sila'y tinawag na Rafida, tinawag naman ang sinumang sumanib at sumang-ayon kay Zayd ng ZAYDIYAH[7].

Mayroong nakapgsabi na tinawag silang Rafida dahil sa kanilang pagtakwil sa pamumuno ni Abu Bak'r at Omar[8]. At mayroong nagsabing: tinawag sila sa katawagang ito dahil sa kanilang pagtakwil sa relihiyon[9].

HANGGANG ILAN NAHATI ANG SEKTA NG MGA RAFIDA?

Nakasulat sa aklat na (dairatul Ma'arif), katotohanan (( lumitaw mula sa mga sangay ng mga sekta ng shia ang mas mahigit ng pitumpu't tatlong tanyag na sekta[10])). Bagkos naiulat mula sa isang rafidi na si Mir Baqir Ad-Damad[11]:" katotohanan! Ang lahat ng sektang nabanggit sa hadith, Hadith ng pagkawatak-watak ng Ummah sa pitumpu't tatlong sekta ay siya ang sekta ng Shia at ang ligtas sa kanila ay sekta ng Imamiyah.

Binanggit ni Al-Maqrezi na umabot ang kanilang sekta ng (300) sekta[12].

Sinabi ni As-Shah'ristani: (( Katotohanan! Ang Rafida ay nahati sa limang uri:" AL'KISANIYAH, ZAYDIYAH, IMAMIYAH, AL-GALIYAH at ISMAILIYAH"))[13].

Sinabi ni Al-Bagdadi:" Tunay na ang rafida pagkatapos ng panahon ni ALI (RA) ay apat na uri:" ZAIDIYAH, IMAMIYAH, KISANIYAH at GULAT[14]", nang may napupuna na ang Zaidiyah ay hindi kabilang sa sekta ng Rawafid maliban sa grupo ng AL-JAROUDIYAH.

ANO ANG DOKTRINA NG "AL-BADA'" NA SIYANG PINANINIWALAAN NG MGA RAFIDA?

Ang "Al-bada" ay nangangahulugan ng paglitaw pagkatapos ng pagkalingid, o nangangahulugan ng paglitaw ng bagong opinion at ang AL-BADA sa dalawa nitong kahulugan ay nangangailangan ng unang kawalan ng kaalaman at pagkakaroon ng kaalaman, ang dalawa na ito ay parehong imposible sa Allah ngunit ang mga Rafidah ay inuugnay ang Al-Bada sa Allah.

Ulat mula kay Ar-Rayyan bin As-Salit na nagsabi: ((Narinig ko si Ar-Rida kanyang sinasabi: ((Hindi nagpadala ang Allah ng Propeta kundi para sa pagbabawal ng alak at pagsang-ayon (paniniwala) sa Al-Bada))[15]. At buhat kay Abu Abdullah tunay na kanyang sinabi: ((Hindi nasamba ang Allah sa pamamagitan ng isang bagay na tulad ng Al-Bada))[16]. Kataas-taasan ang Allah mula rito.

Pagmasdan mo aking kapatid na Muslim kung papaano nila inuugnay ang kamangmangan sa Tagapangasiwa (Allah)- Ang Maluwalhati- Ang Kataas-taasan- na Siyang nagsabi tungkol sa kanyang sarili- Ang Kataas-taasan-: ((Sabihin mo (O Muhammad) walang sinuman sa mga kalangitan at kalupaan ang nakaaalam ng lingid maliban sa Allah…))[An-Naml:65] at sa kabila nito, naniniwala parin ang mga Rafidah na katotohanan ang mga Imam ay nalalaman ang lahat ng kaalaman at walang nakakubli sa kanila na anumang lingid.

Ito ba ang doktrina (paniniwala) ng Islam na siyang dala ni Muhammad?

ANO ANG DOKTRINA NG RAFIDAH SA MGA KATANGIAN (NG ALLAH)?

Ang mga Rafidah ay sila ang pinaka-unang nagpahayag na mayroong katawan ang Allah. Tunay na tiniyak ni Shiekhul Islam Ibn Taimiyah at itinuro na ang gumawa ng malaking kasinunganlinagng ito mula sa mga Rawafid ay sina Hisham bin Al-Hakam[17], Hisham bin Salim Al-jawaliqi, Yunos bin Abdurrahman Al-Qummi at Abu Jaafar Al-Ahwal[18].

Lahat ng nabanggit ay kabilang sa mga malalaking pantas ng Ithna Ashariyah at pagkatapos, sila'y nagging Jahamiyah Muattila tulad ng paglalarawan ng kanilang mga akda tungkol sa katangian ng Panginoon ng lahat ng nilikha (Allah) ng mga negatibong katangian na kanilang ibinilang bilang tiyak na katangian ng Panginoon-Ang Maluwalhati- katotohanan, Isinalaysay ni Ibn Babawi ay mahigit pitumpong ulat na nagsasabi na ang Allah- Ang Kataas-taasan-ay: ((Hindi mailarawan sa pamamagitan ng panahon at hindi rin lugar, anyo, galaw, paglipat at walang anumang bagay mula sa mga katangian ng mga katawan, hindi mararamdaman, hindi nangangatawan at hindi larawan[19])). Kaya tinahak ng kanilang mga matataas na pantas ang ligaw na landas na ito kasama ang pagtatakwil sa mga katangiang nakasulat sa Qur'an at Sunnah. 


Tulad ng kanilang pagtanggi (hindi paniniwala) sa pagbaba ng Allah- Ang Kataas-taasan- at sinasabi nila na nilikha ang Qur'an at hindi sila naniniwala na makikita ang Allah sa kabilang buhay, nakasulat sa aklat na (Biharul Anwar) katotohanan Abu Abdullah Ja'afar As-Sadiq ay tinanong tungkol sa Allah- Ang Kataas-taasan-:" Makikita ba siya sa araw ng muling pagbabalik? Kanyang sinabi: Kaluwalhatian sa Allah- Ang Kataas-taasan-, katotohanan ang mga paningin ay hindi nito Siya aabutan maliban sa anumang may kulay at anyo at ang Allah ang Siyang lumikha sa mga kulay at anyo[20])).


Bagkus, sinabi nila: kung nauugnay sa Allah ang iilang katangian tulad ng pagkasaksi (pagkakita) sa Allah ay hahatulan ng pagtalikod sa Islam (ang sinumang nag-uugnay nito sa Allah) gaya ng naiulat buhat sa kanilang pantas na si Ja'afar An-Najfi[21],sa kabila ng katotohanan na ang pagkakita sa Allah ay tiyak na katotohanang nakasaad sa Qur'an at Sunnah (Hadith) nang walang pangkalahatang paningin at (hindi alam kung) paano. Tulad ng sinabi ng Allah : (( Sa araw na ito, ang mga ibang mukha ay magniningning sa kislap at kagandahan, na nagmamalas sa kanilang panginoon (Allah[22])).


At mula sa Hadith ay nakasaad sa Sahih Al-Bukhari at Muslim mula sa Hadith ni Jarir bin Abdullah Al-Bajali na nagsabi: ((Kami noon ay nakaupo kasama ang Propeta e at tumungin (siya) sa buwan gabi ng ika-labing apat at kanyang sinabi:" Katotohanan, makikita ninyo ang inyong Panginoon (sa pamamagitan) ng inyong mga mata gaya ng inyong pagkasaksi nito (buwan) nang walang kahirap-hirap (o walang pag-alinlangan) sa inyong paningin sa Kanya[23])). At ang mga taludtod at hadith tungkol dito ay napakarami na hindi na natin kayang banggitin[24].

ANO ANG PANINIWALA NG RAFIDA SA MALUWALHATING QUR'AN NA NASA MGA KAMAY NATIN NA IPINANGAKO NG ALLAH ANG PANGANGALAGA DITO?

Katotohanan ang Rafidah na tinatawag na (SHIA) sa panahon natin ngayon ay nagsasabing tunay na ang Qur'an na nasa atin ay hindi siya ang ibinaba (ipinahayag) kay Muhammad e, bagkus binago na at pinalitan, dinagdagan at kinulangan. Ang karamihan sa mga pantas sa Hadith mula sa Shia ay naniniwala sa pagbago ng Qur'an tulad ng nabanggit ni An-Nouri At-Tabrasi sa kanyang aklat na (Faslul Khitab fi Tahreef Kitab Rabbil Arbab)[25].

At sinabi ni Muhammad bin Ya'qub Al-Kulaini sa (Usulul Kafi) na nasa kabanata na (Katotohanan walang nakatipon ng buong Qur'an kundi ang mga Imam). : ((Ulat mula kay jabir na nagsabi, narinig ko si Abu Ja'afar na nagsasabi:" Walang sinumang tao ang umangkin na tunay na kanyang tinipon ang buong Qur'an ayon sa pagbaba nito ng Allah kundi isang sinungaling, walang tumipon at nagsaulo nito ayon sa pagbaba nito ng Allah maliban kay Ali bin Abi Talib at ang mga Imam pagkatapos niya))[26].

At ulat mula kay jabir buhat kay Abu Ja'afar- sumakanya ang kapayapaan- katotohanan kanynag sinabi: ((Hindi kaya ng sinuman na angkining nasa kanya ang buong Qur'an hayag nito at lingid maliban sa mga tagamana))[27].

Mula kay Hisham bin Salim nag-ulat mula kay Abi Abdullah- sumakanya ang kapayapaan- kanyang sinabi: ((Ang Qur'an na dala ni Jibreel- sumakanya ang kapayapaan- kay Muhammad e ay may labing pitung libo na talata))[28], ang kahulugan nito ay katotohanan, ang Qur'an na inangkin ng Rafidah ang mas marami kaysa Qur'an na nasa ating mga kamay na ipinangako ng Allah ang pangangalaga nito nang tatlong beses!! Magpakupkop tayo sa Allah laban sa kanila.


At binanggit ni Ahmad At-Tabrasi sa kanyang aklat na (Al-Ihtijaj): katotohanan, sinabi ni Umar kay Zaid bin Thabit: Tunay na si Ali ay nagdala ng Qur'an na naglalaman ng mga iskandalo (kasamaan) ng mga Muhajireen at Ansar at aming nakikitang tayo ay gagawa ng Qur'an at tatanggalin natin ang anumang iskandalo at paninirang-puri sa mga Muhajireen at Ansar at siya ay sinang-ayunan ni zaid, at pagkatapos. Sinabi niya:" kung aking matapos ang Qur'an sa inyong hiniling at ilabas ni Ali ang Qur'an na kanyang tinipon, hindi ba ito nagpapawalang-bisa sa anumang ginawa ninyo? Sinabi ni Umar:"Paano natin madaya? Sinabi ni Zaid:" Kayo ang nakaaalam ng paraan para mandaya!, kaya sinabi ni Umar:" Wala ng paraan para mandaya kundi patayin siya at makapagpahinga laban sa kanya at siya ay nagplano sa pagpatay (kay Ali) sa mga kamay ni Khalid bin Al-Walid at hindi nito nakayanan.


Nang pumalit si Umar bilang Khalifa, hiniling niya kay Ali na ibigay sa kanila ang Qur'an upang mabago nila ito at sinabi ni Umar:" O Ama ni Al-Hassan, maibigay mo sana ang Qur'an na siyang dinadala mo noon kay AbuBak'r upang mapagkaisahan natin, kanyang sinabi:"Malayo mangyari! Wala na itong paraan, dinala ko lang naman it okay AbuBak'r upang maging katibayan laban sa kanya at hindi ninyo masasabi sa araw ng muling pagkabuhay ((Katotohanan kami ay hindi nakakaalam nito)).[29], O sabihin ninyong: ((Hindi ka dumating sa amin)).[30], Katotohanan, itong Qur'an ay walang makakahawak kundi mga dalisay at tagapangalaga nito mula sa aking anak, at sinabi ni Umar:" Mayroon bang takdang panahon ang pagpapalabas nito? Sinabi ni Ali:"Oo, kapag tumayo ang (takdang) tatayo mula sa aking anak ay ilalabas ito at isatagubilin sa tao.[31]


Kahit ano pagtatakwil ang gagawin ng Shia sa aklat ni An-Nouri At-Tabrasi bilang pagsasakatuparan ng Taqiyyah (pagkukunwari) ay katotohanan, ang aklat ay naglalaman ng daan-daang teksto mula sa kanilang mga pantas sa kanilang mga mapapanaligang aklat, tiniyak nito na sila ay nakakatiyak na nabago ang Qur'an at kanila itong pinaniniwalaan ngunit ayaw lang nilang pagpiyestahan (ng mga tao o pag-aawayan) ang kanilang maling paniniwala sa Qur'an.


At ang nalalabing paniniwala pagkatapos nito ay tunay na mayroong dalawang Qu'ran, ang una ay alam at ang iba ay lingid at kabilang (sa lingid) ay Kabanata ng Al-Wilaya at kabilang sa inaakala ng Shia Rafidah na tinanggal mula sa Qur'an ay nabanggit ni An-Nouri At-Tabrasi sa kanyang aklat na (Faslul Khitab Fi Tahreef Kitab rabbil Arbab) talata: ((at ginawa ka naming kapuri-puri sa pamamagitan ni Ali na iyong manugang)), inakal nila na ito ay tinanggal mula sa Surah Alam Nash'rah, hindi man lang sila nahihiya mula sa ganitong maling akala sa kabila ng kanilang kaalaman na ang kabanatang ito ay Makkiyah (ipinahayag sa Makkah0 at si Ali ay hindi pa nagging manugang ng Propeta e sa Makkah.

"Tama Bang may Takdang Dua Araw Araw sa Buwan ng Ramadan"

Assalamo Alaykom warahmatullahi wabarakatuho

Tanong: Mayroon ba talagang takdang panalangin (Du'a) sa bawat araw ng Ramadhan gaya ng kumakalat?

Sagot: Walang napatunayan na takdang panalangin (Du'a) sa bawat araw ng Ramadhan mula sa Propeta Muhammad [sumakanya nawa ang pagbati at kapayapaan] at wala ring tumpak na ulat na mula sa mga naunang mabubuting Muslim (Salaf) na ginawa nila ang paraan ng pagtatakda ng dua o panalangin tulad ng nabanggit sa tanong; halimbawa ang unang araw ng Ramadhan ay may takdang panalangin (Du'a).

Sinabi ni Shiekh BIn Baz:" ...Ang mga takdang Adh'kar (paggunita) at takdang panalangin (Du'a) ay walang batayan..."[16/61-62]

bagkus napapaloob sa panalangin (Du'a) sa huling araw ng ramadhan ang kasuklam-suklam na paniniwala (Aqeedah), ito ay ang panalangin sa Allah sa pamamagitan ng karapatan ng Propeta [sumakanya ang kapayapaan].

Oo ito ay hindi Shirk bagkus binalaan na tayo ng mga pantas sa ganitong panalangin sapagkat daan ito upang masadlak ang tao sa Shirk [pagtatambal].

at maraming pantas ng Islam na nagsabing ito ay "BID'AH" kabilang na si Shiekh Bin Baz (Rahimahullah) [7/129-130].

kaya bilang kapatid ninyo sa Islam; pinapayuhan ko ang lahat kabilang na ang aking sarili na iwasan ang mga uri ng pagsamba na hindi naman napatunyang ginawa ng Propeta o kanyang katuruan; siguraduhing ang mga ganitong bagay upang hindi maligaw at hindi mailigaw ang iba.

ALLAHU A'ALAM


ni: Ustadz Salamodin Doton  Kasim