Para po sa inyo: mga kamag-anak , Ka Kilala, at Kaibigan
Kaming mga Muslim po naniniwala na ang kamatayan natin ay hindi magkakapareho... marahil po sasabihin nyong tama naman talaga hindi magkakapareho dahil may namamatay sa kahit anumang sakuna, sa malubhang sakit,o kaya sa sobrang tanda.
Subalit Hindi po yan ang tinutukoy kong kamatayan Kundi po ang paraan ng pag kuha ng kaluluwa ni anghel ng kamatayan, kayo po bilang ahlul kitab (people of the book eg: cristian and jews) ay naniniwala na may anghel din po ng kamatayan na humuhugot sa kaluluwa ng isang tao kapag ito ay patay na. dahil sa kami po ay naniniwala (kaisahan) sa Allaah (Dios) tinatawag po kaming Mananampalataya.
Kapag dumating na ang kanyang kamatayan sa isang Mananampalataya, ang anghel po ng Kamatayan ay pupumunta sa kanya na nasa magandang anyo at may mabangong amoy. At may mga Anghel pong dumarating na kasama, ito ang mga anghel ng awa na magpaparating sa kanya ng nakalulugod na balita ng pagpasok sa Paraiso. Sinabi ng Allaah (subhanahu wata'alaa):
إِنَّ الَّذِينَ قَالُوا رَبُّنَا اللَّهُ ثُمَّ اسْتَقَامُوا تَتَنَزَّلُ عَلَيْهِمُ الْمَلَائِكَةُ أَلَّا تَخَافُوا وَلَا
تَحْزَنُوا وَأَبْشِرُوا بِالْجَنَّةِ الَّتِي كُنتُمْ تُوعَدُونَ
"Tunay na ang mga nagsabing, ang Allaah ang aming Panginoon, at pagkatapos ay nananatiling matuwid, magsisibabaan sa kanila ang mga Anghel sa sandali ng kamatayan upang magsabi na'Huwag kayong mangamba at huwag kayong malungkot, at tanggapin ninyo ang nakalulugod na balita ng pagpasok sa Paraiso na sa inyo noon ay ippinangako."
[Qur'an 41:30]
Bilang Muslim nakalulugod pong isipin na sa pag hugot pa lang ng kaluluwa sa katawang Lupa ay may sasabihin ng magandang balita. at yon po ay ang Makakapasok sa Paraiso. sapagkat ang lahat po ng Tao na sumasampalataya sa Kaisahan ng Allaahu ta'alaa at namatay na pinandigan nya ang kaisahan (ng Allaah) ay mananahan po sa paraiso.
Sinabi naman ng Sugo (salallaahu alaihi wasalaam ):
"Sumasaksi ako na walang Diyos kundi ang Allaah at na ako ay Sugo ng Allah. Walang makikipagtagpo kay Allaah na isang taong hindi nagdududa sa dalawang [pagsasaksing] ito nang hindi papasok sa Paraiso."
At ang mga Hindi sumasampalataya sa Allaah o tumangging sumampalataya at namatay ay pupuntahan po siya ng Anghel ng Kamatayan na may Nakakatakot na Anyo at Maitim ang Mukha. At ang Anghel ng Parusa ay darating na kasama nito na may dalang balita sa Taong hindi sumampalataya at sasabihin ang pagdurusang tatamuhin nya.
Sinabi ng Allaah:
وَمَنْ أَظْلَمُ مِمَّنِ افْتَرَىٰ عَلَى اللَّهِ كَذِبًا أَوْ قَالَ أُوحِيَ إِلَيَّ وَلَمْ يُوحَ إِلَيْهِ شَيْءٌ
وَمَن قَالَ سَأُنزِلُ مِثْلَ مَا أَنزَلَ اللَّهُ ۗ وَلَوْ تَرَىٰ إِذِ الظَّالِمُونَ فِي غَمَرَاتِ
الْمَوْتِ وَالْمَلَائِكَةُ بَاسِطُو أَيْدِيهِمْ أَخْرِجُوا أَنفُسَكُمُ ۖ الْيَوْمَ تُجْزَوْنَ عَذَابَ الْهُونِ
بِمَا كُنتُمْ تَقُولُونَ عَلَى اللَّهِ غَيْرَ الْحَقِّ وَكُنتُمْ عَنْ آيَاتِهِ تَسْتَكْبِرُونَ
"At kung nakikita mo sana kapag ang mga lumalabag sa katarungan ay nasa mga hapdi ng kamatayan samantalang ang mga Anghel ay nag-aabot ng kanilang mga kamay habang nagsasabi: "Ilabas ninyo ang inyong mga kaluluwa; ngayon ay gagantihan kayo ng pagdurusa ng kahihiyan dahil sa kayo noon ay nagsasabi hinggil kay Allah ng hindi totoo at kayo noon sa Kanyang mga Kapahayagan ay nagmamalaki."
[Qur'an 6:93]
Ganyan po ang pagkakaiba ng Kamatayan ng mga Sumasampalataya at Hindi Sumasampalataya sa Allaah. (ang tunay at nag iisang Dios).
Malugod po namin kayong inaanyayahan na magsaliksik patungkol sa Islam.
Gumagalang,