عَنْ أُمِّ الْمُؤْمِنِينَ أُمِّ عَبْدِ اللَّهِ عَائِشَةَ - رَضِيَ اللَّهُ عَنْهَا -، قَالَتْ:
قَالَ: رَسُولُ اللَّهِ - صلى الله عليه وسلم - "مَنْ أَحْدَثَ فِي أَمْرِنَا هَذَا مَا لَيْسَ مِنْهُ فَهُوَ رَدٌّ"؛
[ رَوَاهُ الْبُخَارِيُّ [رقم: 2697]، وَمُسْلِمٌ [رقم: 1718].

وَفِي رِوَايَةٍ لِمُسْلِمٍ: "مَنْ عَمِلَ عَمَلًا لَيْسَ عَلَيْهِ أَمْرُنَا فَهُوَ رَدٌّ".
Ulat mula sa Ina ng mga mananampalataya; Ina ni Abdullah; Aisha [رضي الله عنها] siya ay nagwika: sinabi ng Sugo ng Allaah [صلى الله عليه وسلم]:
"Ang sinumang gumawa ng panibago (paraan ng pananampalataya) sa Relihiyong ito na hindi (naman] kabilang dito; ito ay tatanggihan (hindi katanggap-tanggap)."
[Isinalaysay ni Al-Bukhari 2697 at Muslim 1718]
At sa salaysay ni Muslim:
(Sinuman ang gumawa ng gawaing hindi kabilang sa aming katuruan; ito ay tatanggihan [hindi katanggap-tanggap]).
ANG NAG-ULAT NG HADITH
Siya ang isa sa tinaguriang Ummul Mu'mineen [ina ng mga mananampalataya] na si Aisha, anak na babae ni Abu Bak'r (رضي الله عنه), pinakasalan siya ng Propeta [صلى الله عليه وسلم] bago ang paglikas [Hijrah] at naangkin niya ito sa Madinah sa edad n 9 taong gulang at namatay ang Propeta [saw] na ang kanyang edad ay 18 taong gulang. Siya [si Aisha] ang pinakamatalino sa mga tao sa kanyang kapanahunan, pinakamaalam at may pinakamagandang pananaw, siya ay naging isang halimabawa at huwaran sa kabutihang-loob at bukas-palad, nakapag-ulat mula sa Sugo [saw] ng maraming Hadith at umabot ang kanyang ulat ng 2210 na hadith. Siya [رضي الله عنها] ay namatay sa Madinah, Martes ng gabi ika-17 sa buwan ng Ramadhan o Shawwal sa taong ika-57 o 58 ng Hijrah, nagsagawa ng Salah [pagdarasal] para sa kanya si Abu Hurairah [رضي الله عنه] at siya ay nailibing sa Al-Baqi'. Siya ay walang anak nguni't naging palayaw na niya ang Umm Abdullah [ina ni Abdullah] sapagka't tiyahin siya ni Abdullah bin Az-Zubair at ang tiyahin ay parang ina na rin at sa katayuan nito.
* Ang naituturo ng Hadith na ito ay ang anumang gawain sa pananampalataya na hindi naayon sa katuruan ng Islam ay hindi tatanggapin ng Allaah
* sa kanyang sinabi (…ng panibagong paraan ng pananampalataya]): ibig sabihin na wala itong katibayang mapapatunayan mula sa Qur'an o sa katuruan ng Propeta (صلى الله عليه وسلم). At ang mga gawaing pagsamba at lahat ng gawain ay nangangailangan ng dalawang kondisyon upang tanggapin ito ng Maluwalhating Allaah:
1- Ito ay isinagawa alang-alang sa Allah lamang [Ikhlas].
2- Ito ay isinagawa alinsunod sa katuruan ng Propeta [صلى الله عليه وسلم] [Mutaba'atur Rasul].
Kaya kapag gumawa ang isang tao ng gawaing walang halong pagtatambal sa Allaah, samakatuwi'd ito ay alang-alang lamang sa Kanya; subali't KUNG labas NAMAN sa katuruan ng Propeta Muhammad (صلى الله عليه وسلم) ; ito ay tinatawag na Bid'ah (panibago sa pananampalataya) at hindi ito tatanggapin ng Allaah. عز وجال
* Pinapatunayan ng Hadith na ating paksa na lahat ng Bid'ah ay hindi katanggap-tanggap at lahat ito ay masama, walang tinatawag na mabuting Bid'ah [Bid'ah hasanah] dahil sinabi ng Propeta (صلى الله عليه وسلم): ( At katotohanan ang bawat panibago [ sa pananampalataya] ay Bid'ah at ang bawat Bid'ah ay kaligawan). [Isinalaysay ni Muslim, Abu Dawud, At-Tirmizi, An-Nasai, Ibn Majah, Ahmad, Darimi, Tabarani, Ibn Hibban, Al-hakim at Al-Bayhaqi]. Ang mga taong nagsasabing mayroong mabuting Bid'ah ay tunay na nais lang nilang palabasin ang mga iilang panibagong gawaing pagsamba o Bid'ah ay isang mabuting gawain at pinapahintulutan ito sa Islam; kanilang sinasabi na ang pagdiriwang ng araw ng kapanganakan ng Propeta (صلى الله عليه وسلم) [Mawlid] ay kabilang sa mabuting Bid'ah at ang pagdiriwang nito ay hindi ipinagbabawal sa Islam dahil isang pagpapatunay lamang sa lubos na pagmamahal sa dakilang Propeta (صلى الله عليه وسلم). Kaya kung titingnan natin ang salaysay NILA at paniniwalang ito; lumalabas na hindi minamahal ni Abu Bak'r, Umar, Uthman, Ali bin Abi Talib at iba pang kasamahan ng Propeta si Propeta Muhammad (صلى الله عليه وسلم) sapagka't ni-isa sa kanila walang nagdiriwang ng araw ng kapanganakan ng Propeta bagkus ang lahat ng Salaf sa mga mainam na Siglo o sa panahon ng mga Sahabah, mga sumunod sa kanila at sumunod sa mga sumunod sa kanila [sumunod sa tabi'een] ay hindi nila ipinagdiriwang ang araw ng kapanganakan ng Propeta (صلى الله عليه وسلم).
ANG MGA GAWAIN AY NAHAHATI SA DALAWA; MGA GAWAING PAGSAMBA [IBADAT] AT MGA TRANSAKSYON [MU'AMALAT]:
- Ang mga gawaing may kinalaman sa pagsamba; kung ito ay isinagawa ng labas sa batas ng Allaah at Kanyang Sugo ng lubusan ay hindi katanggap-tanggap mula sa kanya at ang taong yaon ay saklaw ng sinabi ng Allaah sa Qur'an: (( O, sila ba ay may katambal [na ibang mga diyos] na nagtakda [o nagtatag] para sa kanila ng Relihiyon na hindi pinahintulutan [ o sinang-ayunan] ng Allah?...)). [As- Shura: 21]. Kaya't sinumang nagpakalapit sa Allaah sa pamamagitan ng gawaing hindi ginawa ng Allaah at Kanyang Sugo na gawaing pagsamba; ang gawain niyang ito ay walang saysay siya ay katulad nilang nagdarasal sa sagradong bahay [ka'abah] sa Makkah at ang dasal nilang iyon ay walang kabuluhan maliban sa pasuwit [o sipol] at tunog ng palakpak ng mga kamay.
* Isang araw may nakita ang Propeta (صلى الله عليه وسلم) na isang lalaki nakatayo sa ilalim ng init ng araw; siya'y nagtanong hinggil sa lalaking ito?: may nakapagsabi na may panata ang lalaking ito na titindig at hindi uupo sa ilalim ng init ng araw at hindi sisilong at siya ay mag-aayuno; kaya inutusan siya ng Propeta (صلى الله عليه وسلم) na umupo at pumunta sa silong at ipagpatuloy ang pag-aayuno at hindi itinuring ng Propeta ang kanyang pagtindig sa ilaim ng init ng araw bilang isang gawaing pagsamba. [Isinalaysay ni Al-Bukhari sa pag-uulat ni Ibn Abbas].
* at tungkol naman sa transaksyon [Muamalat]; alin man dito ang binago at salungat sa itinuro ng Islam katulad nang pagbabago ng parusa sa pangangalunya at ginawa itong parusang pananalapi; ibig sabihin sa halip na siya ay hagupitin ng isandaang beses kung hindi pa nakapag-asawa o babatuhin hanggang kamatayan kung nakapag-asawa na siya, ito ay pinagbayad ng salapi kapalit ng kaparusahang ipinataw ng batas ng Islam; ito ay hindi katanggap-tanggap. Ang PATUNAY nito ay ang pangyayari sa panahon ng Propeta (صلى الله عليه وسلم) nang sabihin sa kanya ng ama ng binatang nangalunya: " Katotohanan ang aking anak ay binayaran ni pulano upang gamawa sa kanya ng isang gawain at nangalunya sa kanyang asawa [kaya may nakapagsabi na] magbabayad ako ng isandaang tupa at alipin; sinabi ng Propeta [صلى الله عليه وسلم]: (ang isandaang tupa at alipin ay ibabalik sa iyo at may kaparusahan ang iyong anak na isandaang hagupit at palalayasin sa lugar sa loob ng isang taon). [Isinalaysay ni Al-Bukhari 5/301 fat'h-Muslim 1697-1698]. At anumang transaksyong labag sa batas ng islam ay hindi pinapahintulutan at hindi ito katanggap-tanggap sa Allaah katulad ng usaping kasalan kung ito ay naisagawa na hindi naayon sa katuruan ng Islam sanhi ng pagkawala ng isa sa mga kondisyon nito o obligado; ito ay mawawalan ng bisa. At kabilang sa halimbawa nito ay mga transaksyon sa pananalapi kung ito ay may patubo [usury] o pagbebenta ng bagay na ipinagbabawal ng Islam tulad ng pagbebenta ng karne ng baboy, aso, Rebulto, alak at iba pang ipinagbabawal; ang sinumang gumawa nito ay tiyak na nakagawa ng malaking kasalanan at lumabag sa batas ng Allaah.

No comments:
Post a Comment