Tuesday, November 12, 2013

"ANG DAAN TUNGO SA KALIGTASAN"



Disclaimer: we are not the owner of this photo
Paano ka magiging Muslim?

Inihanda ni : Faisal bin Sukait As-Sukait
Isa sa mga kasapi ng Kagawaran ng Pagpalaganap at Patnubay ng Islam.
Nawa’y ang kapatawaran ng Allah ay mapasakanya, sa kanyang mga magulang at sa lahat ng mga Muslim.

Sa ngalan ng Allah, ang Mapagpala, ang Mahabagin

Katotohanan, ang lahat ng papuri at pasasalamat ay sa Allah lamang, tayo ay pumupuri at humihingi ng tulong sa Kanya, at tayo ay nagpapakupkop sa Allah laban sa mga kasamaan ng ating mga sarili, at masasamang mga gawain natin. Sino man ang patnubayan ng Allah, samakatuwid walang makapagsasadlak sa kanya sa pagkaligaw, at sino man ang isasadlak ng Allah sa pagkaligaw, samakatuwid walang makapagpatnubay sa kanya. Ako’y sumasaksi na walang diyos na karapat-dapat sambahin maliban sa Allah lamang, Siya ay walang katambal, at ako ay sumasaksi na si Muhammad ay tunay na Kanyang alipin at sugo. Ito ay isang maikling lathalain na aming ipinapapaliwanag dito ang mga pangunahing simulain ng Islam para sa sinumang nais yumakap sa Islam. Dapat mong malaman – nawa’y ang biyaya ng Allah ay mapasa iyo – na ang Islam ang siyang tunay na daan ng kaligtasan at tagumpay.

Sinabi ng Allah: إن الدين عند الله الإسلام 

[ Katotohanan, ang tunay na Relihiyon sa paningin ng Allah ay ang Islam ] Al-Imran (3): 19


At sinabi pa Niya: ومن يبتغ غير الإسلام ديناً فلن يقبل منه وهو في الآخرة من الخاسرين 

[ At sinuman ang maghangad ng iba pang Relihiyon bukod sa Islam, magkagayon kailanman ay hindi tatanggapin mula sa kanya at siya sa Kabilang-Buhay ay mapabilang sa mga talunan]. 
Al-Imran (3): 85


Magkagayon, kapag alam mo na iyon, dapat mo ring malaman na ang Islam ay naitayo sa limang haligi. Batay sa sinabi ng Sugo sa wastong Hadith: [Ang Islam ay naitayo sa limang haligi: Ang pagsaksi na walang diyos na karapat-dapat sambahin maliban sa Allah at si Muhammad ay tunay na Sugo ng Allah, ang pagtaguyod sa Salah (pagdarasal), ang pagbigay ng Zakah (obligadong kawang-gawa), ang pag-ayuno sa buwan ng Ramadhan, at ang pagsagawa ng Hajj sa Ka’bah (sagradong bahay ng Allah)]. Isinalaysay ni Al-Bukhari at Muslim.

1- Shahadatu an laa ilaha illa Allah wa anna Muhammadan rasuulullah. Ang iyong pagsaksi na walang diyos na karapat-dapat sambahin maliban sa Allah lamang at si Muhammad ay tunay na Kanyang alipin at sugo.

A. Ang pagsaksi na walang diyos maliban sa Allah: Ang kahulugan nito: Walang karapat-dapat sambahin maliban sa Allah lamang, at ito’y nagtatakwil sa pagkatunay na diyos ng iba maliban sa Allah at nagpapatunay sa katotohanan ng kaisahan ng Allah.

Sinabi ng Allah: ذلك بأن الله هو الحق و أن ما يدعون من دونه هو الباطل 

{Iyon ay dahil sa ang Allah ay Siya ang Katotohanan, at ang anumang tinatawagan nila bukod sa Kanya ay siya ang huwad }. 22: 62


Ang ibig sabihin nito: Hindi ipinahihintulot ang pag-alay ng anumang uri ng pagsamba maliban sa Allah lamang. Sinabi ng Allah: 

ومن يدع مع الله إلهاً آخر لا برهان له به فإنما حسابه عند ربه إنه لا يفلح الكافرون 

{At sinuman ang tumawag sa ibang diyos bilang katambal ng Allah nang wala siyang anumang katibayan tungkol dito, magkagayon ang kanyang pakikipagtuos ay nasa kanyang Panginoon. Katotohanan, hindi nagtatagumpay ang mga tumatangging sumampalataya }. 
Al-Mu’minun (23): 117

Ang dakilang salita na ito ay hindi magdulot ng kabutihan sa nagwika nito, ni hindi ito makapagpalabas sa kanya mula sa kabilugan ng Shirk (pagtambal sa kaisahan ng Allah) maliban kung kanyang alam ang kahulugan nito, isinagawa at pinaniwalaan ito. Ang mga Ipokrita ay bumibigkas nito subalit sila ay nasa pinakailalim ng Impiyerno dahil sila ay hindi naniwala rito at hindi isinagawa ang mga ipinag-uutos nito. at ganoon din yaong mga sumasamba sa mga libingan, sila ay bumibigkas nito subalit kanilang sinasalungat ito sa pamamagitan ng kanilang mga salita at mga gawa. Kaya nga naman hindi nagdudulot ito sa kanila ng kabutihan dahil sa sinasalungat nila ito.

Ang mga kondisyon nito ay walo, ito ay ang mga sumusunod:

1- Ang kaalaman sa kahulugan nito na nagtatakwil ng kamangmangan.

2- Ang katiyakan na nagtatakwil sa pag-aalinlangan, samakatuwid para sa kanya na nagpapahayag nito ay kailangang magkaroon ng katiyakan na ang Allah lamang ang Siyang karapat-dapat sambahin.

3- Ang kadalisayan – ito ay ang pag-ukol ng buong kadalisayan ng isang alipin sa kanyang Panginoon sa lahat ng uri ng pagsamba.

4- Ang katapatan na nagtatakwil ng kasinungalingan, samakatuwid kailangan lamang na magkasundo ang kanyang dila sa kanyang puso, at ang kanyang puso sa kanyang dila.

5- Ang pagmamahal – ang kahulugan nito ay ang pagmamahal sa Allah, samakatuwid kung kanyang binigkas ito samantalang hindi siya nagmamahal sa Allah, siya ay naging isa nang tumatangging sumampalataya.

6- Ang pagsuko – ito’y nangangahulugan na kanyang sambahin ang Allah lamang, at magpasailalim sa Kanyang Batas at paniwalaan na ito’y katotohanan.

7- Ang pagtanggap – ito’y nangangahulugan na kanyang tanggapin ang anumang itinuturo nito, tulad ng pagsamba sa Allah lamang at pagtalikod sa anumang huwad na diyos bukod sa Kanya.

8- Ang pagtakwil sa anumang sinasamba bukod sa Allah. At pagkalas sa pagsamba sa iba bukod sa Allah, at paniwalaan na ito’y huwad.

B. Ang pagsaksi na si Muhammad ay Sugo ng Allah : 

Tayo ay sumaksi at maniwala na si Muhammad صلى الله عليه و سلم  ay isang alipin ng Allah at Kanyang Sugo at siya ang اhuli sa  mga Propeta at mga Sugo. At dapat tayong manatili sa pagsunod sa kanya sa anumang ipinag-utos niya at paniwalaan natin siya sa anumang ipinahayag niya at iwasan natin ang anumang ipinagbawal niya at ikinagagalit. At na huwag tayo sumamba sa Allah maliban ayon sa anumang itinakda niya at ipinag-utos.

2- Ang Salah (Islamikong pagdarasal): Itinakda ng Allah sa Kanyang mga alipin ang limang Salah sa buong araw at gabi. Ito ay ang: ( Fajr – 2 rak-a/ Dhuh’r 4 rak-a/ Asr – 4 rak-a/ Maghrib – 3 rak-a/ Isha – 4 rak-a ).

Bago magsagawa ng Salah, kailangang maging nasa kalinisan ang muslim, at kapag siya ay nasa tinaguriang maliit na dumi (Hadath Asgar) kagaya ng pag-ihi o pagdumi, magkagayon kailangan siyang maglinis ng tubig sa bawat may lumabas mula sa dalawang pinaglalabasan ng dumi. At pagkatapos siya ay magsagawa ng Wudu’ (paghugas ng ilang bahagi ng katawan). At sa kung siya ay nasa tinaguriang malaki na dumi ( Hadath Akbar ) kagaya ng Janabah o pakikipagtalik – na siyang nagaganap sa pagitan ng mag-asawa – o buwanang dalaw o kapapanganak lamang, sila ay kailangang magsagawa ng Ghusl (pagligo) at pagkatapos ay isunod ang Wudu’.

Kailangang isagawa ang Salah sa takdang oras nito nang sama-sama sa mga Masjid, ito’y partikular na tungkulin ng mga kalalakihan, at hindi siya puwedeng lumiban sa sama-samang pagdarasal maliban sa matuwid na dahilan, kagaya ng pangamba o sakit. Pagkatapos, kailangan niyang malaman kung paano isinasagawa ang Salah mula sa Takbiratul Ihram (ang unang binibigkas na Takbeer “Allaahu Akbar”) hanggang sa katapusan ng Salah (sa pamamagitan ng pagbigkas ng “Assalamu Alaikum Warahmatullah”). At hindi puwedeng ipagpaliban ang Salah sa takdang oras nito sa anumang kalagayan, bagkus kanyang isasagawa ito sa takdang oras nito ayon sa kanyang kasalukuyang kalagayan. Para sa babae, ang kanyang pagdarasal sa loob ng kanyang pamamahay ay higit na mainam para sa kanya. At dapat mo ring malaman – nawa’y ang biyaya ng Allah ay mapasa iyo – na siya na nagsasagawa ng Salah ay Muslim at sinuman ang hindi nagsasagawa ng Salah ay hindi Muslim.

Tungkol naman sa babae, kapag dumating sa kanya ang buwanang dalaw o panganganak dapat siyang huminto sa pagdarasal at kapag siya’y malinis na, siya ay maligo at isasagawa ang Salah.

3- Ang Zakah (obligadong kawanggawa): Ito’y kayamanan na sapilitang kinukuha sa mga mayayaman at ibinibigay sa mga mahihirap. Ito’y 2.5 % kapag umabot sa Nisab (wastong halaga o takda) at inabot ng isang taon.

4- Ang pag-aayuno sa buwan ng Ramadhan: Ito ay ang pagpigil ng Muslim sa pagkain, inumin at pakikipagtalik na may layuning pagsamba sa Allah, magsimula sa bukang-liwayway hanggang sa paglubog ng araw.

Sa mayroong buwanang dalaw at kapapanganak lamang, sila ay titigil sa pag-aayuno at pagdarasal, at kapag sila’y malinis na dapat silang maligo, pagkatapos sila ay mag-umpisang mag-ayuno at magdasal. At pagkalipas ng buwan ng Ramadhan, dapat nilang pag-ayunohan ang mga araw nito na kanilang nasira bago mag-umpisa ang susunod na Ramadhan.sinumang nakatulog o nakautot, siya ay magsagawa ng Wudu’ lamang. At kung siya ay nasa tinaguriang malaki na dumi ( Hadath Akbar ) kagaya ng Janabah o pakikipagtalik – na siyang nagaganap sa pagitan ng mag-asawa – o buwanang dalaw o kapapanganak lamang, sila ay kailangang magsagawa ng Ghusl (pagligo) at pagkatapos ay isunod ang Wudu’. Kailangang isagawa ang Salah sa takdang oras nito nang sama-sama sa mga Masjid, ito’y partikular na tungkulin ng mga kalalakihan, at hindi siya puwedeng lumiban sa sama-samang pagdarasal maliban sa matuwid na dahilan, kagaya ng pangamba o sakit. Pagkatapos, kailangan niyang malaman kung paano isinasagawa ang Salah mula sa Takbiratul Ihram (ang unang binibigkas na Takbeer “Allaahu Akbar”) hanggang sa katapusan ng Salah (sa pamamagitan ng pagbigkas ng “Assalamu Alaikum Warahmatullah”). At hindi puwedeng ipagpaliban ang Salah sa takdang oras nito sa anumang kalagayan, bagkus kanyang isasagawa ito sa takdang oras nito ayon sa kanyang kasalukuyang kalagayan. Para sa babae, ang kanyang pagdarasal sa loob ng kanyang pamamahay ay higit na mainam para sa kanya. At dapat mo ring malaman – nawa’y ang biyaya ng Allah ay mapasa iyo – na siya na nagsasagawa ng Salah ay Muslim at sinuman ang hindi nagsasagawa ng Salah ay hindi Muslim.

Tungkol naman sa babae, kapag dumating sa kanya ang buwanang dalaw o panganganak dapat siyang huminto sa pagdarasal at kapag siya’y malinis na, siya ay maligo at isasagawa ang Salah. Sa mayroong buwanang dalaw at kapapanganak lamang, sila ay titigil sa pag-aayuno at pagdarasal, at kapag sila’y malinis na dapat silang maligo, pagkatapos sila ay mag-umpisang mag-ayuno at magdasal. At pagkalipas ng buwan ng Ramadhan, dapat nilang pag-ayunohan ang mga araw nito na kanilang nasira bago mag-umpisa ang susunod na Ramadhan. At hindi dapat pag-ayunohan ang mga nasirang araw na obligadong bayaran sa unang mga araw ng Eidul-Fitr at Eidul-Adh-ha, ni sa mga araw ng Tashriq (11, 12, 13) sa buwan ng Dhul-Hijjah, at hindi dapat pag-ayunohan ang araw ng Beyernis nang nabubukod-tangi lamang. At ang pagbabayad ay tanging gaganapin lamang sa pag-aayuno, hindi sa pag-sasalah. Sa katunayan, ibinigay luwag ng Allah ang kapahintulutang kumain sa araw ng buwan ng Ramadhan sa taong may sakit o naglalakbay.

Sinabi ng Allah: فمن كان مريضاً أو على سفر فعدة من أيام أخر 

[ Subalit ang sinumang may sakit o nasa paglalakbay, magkagayon ang katumbas na bilang (ay isasagawa) sa ibang mga araw ]. Al-Baqarah (2): 184

Samakatuwid, tungkulin nilang magbayad; Ibig sabihin mapag-aayunohan ang araw na kanilang nasira sa mga araw nito na may pagpapahalaga sa mga araw na hindi ipinahihintulot ang pag-aayuno rito, kagaya sa mga unang naipaliwanag.

5- Ang Hajj [Ang pagdalaw sa sagradong bahay (Ka’bah) sa Makkah]: Ito’y itinatagubilin sa Muslim nang isang beses sa buong buhay kapag siya’y may kakayahan ( Ibig sabihin; mayroon siyang panustus na gugulin para sa kanyang sarili sa Hajj at sa paglalakbay o mga katulad nito, gaya ng sasakyan o eruplano). Kapag iyon ay maluwag para sa kanya, itinagubilin sa kanya ang Hajj, maging lalaki man o babae, subalit para sa babae hindi itinatagubilin sa kanya ang Hajj maliban kung mayroon siyang makakasamang Mahram gaya ng ama, asawa, kapatid na lalaki o anak.

Sinabi ng Allah: ولله على الناس حج البيت من استطاع إليه سبيلاً 

[ At isang tungkulin na pananagutan ng tao sa Allah ang (pagsasagawa ng) hajj sa (sagradong) bahay (Ka’bah) sa sinumang may kakayahang maglakbay dito]. Al-Imran (3): 97

At sinuman ang magnais na isagawa ito muli o sa ikatlong pagkakataon, samakatuwid mapapasa kanya ang malaking gantimpala, subalit ang tungkulin ay isang beses lamang.

Ito ang mga haligi ng Islam kasama ang buod na paliwanag dito.

Paalaala: Inaakala ng mga Kristiyano na si Hesus – nawa ay mapasa kanya ang pagpapala at kapayapaan – ay diyos, na siya ay ikatlong bahagi ng trinidad, na siya ay anak ng Allah. Ganoon din kanilang inaakala na siya ay pinaslang at naipako sa krus, itong lahat ay kasinungalingan. Bagkus ang totoo, siya ay isang alipin ng Allah at Kanyang Sugo. Siya ay tao, ang katulad niya’y gaya ng kanyang mga kapatid na Sugo, siya ay walang anumang katangian sa pagka-diyos at pagka-panginoon. At siya ay hindi napatay, ni hindi naipako sa krus bagkus siya ay itinaas ng Allah sa ikalawang palapag ng kalangitan noong sandaling nais siyang paslangin ng mga Hudyo. At siya ay bababa kapag nalalapit na ang katapusan ng mundo sa kapahintulutan ng Allah at kanyang sisirain ang krus at papatayin ang baboy. At hindi siya magdala ng bagong batas, bagkus siya ay huhukom ayon sa batas ng ating Propeta na si Muhammad , at pagkatapos siya ay mananatili hanggang sa ninais ng Allah. Pagkatapos noon siya ay mamamatay, at pagkatapos siya ay babangon muli kasama ng lahat ng mga nilalang sa Araw ng pagbangon muli.

Ang mga haligi ng Pananampalataya:

1-Ang paniniwala sa Allah. 
2-Ang paniniwala sa mga Anghel. 
3-Ang paniniwala sa mga Aklat. 
4-Ang paniniwala sa mga Sugo. 
5-Ang paniniwala sa Huling-Araw. 
6-Ang paniniwala sa Itinakdang Kapalaran.

1- Ang paniniwala sa Allah : Tayo ay maniwala na ang Allah ay nag-iisa, Siya ang Panginoon (Tagapaglikha, Tagapangalaga atbp.) wala Siyang anumang katambal, ni anumang katulong. Siya ang Tagapaglikha, Tagatustus, Tagapagkaloob ng kabutihan, Tagapagdulot ng kapinsalaan, ang Tanging karapat-dapat sambahin lamang, wala Siyang anumang katambal, wala Siyang anumang kahalintulad, at Siya ang Nakaririnig, ang Nakakakita.

2- Ang paniniwala sa mga Anghel : Ang mga Anghel : Isang daigdig na hindi nakikita, tayo ay naniniwala sa kanila sa kabila nang hindi natin pagkakita sa kanila, sila ay mararangal na mga alipin, hindi sila sumusuway sa Allah sa anumang ipinag-utos sa kanila at kanilang ginagawa ang anumang ipinag-uutos sa kanila. Wala silang anumang katangian sa pagka-panginoon, ni pagka-diyos. Sila ay nilikha ng Allah mula sa liwanag at sila’y napakaraming nilalang. Walang nakababatid sa dami nila maliban sa Allah.

    Ang paniniwala sa mga Anghel ay binubuo ng apat na bagay :

1- Ang paniniwala na sila’y umiiral. 

2- Ang paniniwala sa mga nalaman nating mga pangalan nila, tulad ni Jibreel, Mikaail at Israafeel. At ang hindi natin alam ang kanyang pangalan, tayo ay naniniwala pa rin sa kanila sa pangkalahatang pananaw. 

3- Tayo ay naniniwala sa mga nalaman nating mga katangian nila, tulad ng katangian ni Jibreel, at sa katunayan siya ay nakita ng Propeta sa tunay na anyo ng pagkalikha sa kanya, siya’y may anim na daan na pakpak at halos natatabingan ang himpapawid. 

4- Ang paniniwala sa mga nalaman nating mga gawain nila, ang iba sa kanila ay inatasan sa rebelasyon ng Allah na siyang ipinapadala ng Allah sa mga Propeta at mga Sugo tulad ni Jibreel, at ni Mikaail na siyang inatasan sa ulan at mga pananim sa kautusan ng Allah at ni Israfeel na siyang inatasan sa pag-ihip ng trumpeta sa sandaling itatayo ang Oras ng paghuhukom. At ang iba sa kanila ay si Malakal Maut na siyang inatasang tagakuha ng mga kaluluwa sa oras ng kamatayan sa kautusan ng Allah.

    3- Ang paniniwala sa mga Aklat:
    Ito ay ang mga Aklat na ibinaba ng Allah sa Kanyang mga Sugo bilang tagahayag sa katotohanan at gabay sa sangkatauhan.

    Ang paniniwala sa mga Aklat ay binubuo ng mga sumusunod:

    1- Tayo ay maniwala na ang mga ito’y totoong binaba mula sa Allah.

    2- Tayo ay maniwala sa mga nalaman nating mga pangalan nito, tulad ng Qur-an na ibinaba sa Propeta nating si Muhammad , Tawrah na ibinaba kay Musa (Moses), Zabur na ibinaba kay Daud (David), at ng Injeel na ibinaba kay Eisa (Hesus). At tungkol sa mga hindi natin alam dito, tayo ay naniniwala pa rin dito sa pangkalahatang pananaw.

    3- Pagpapatotoo sa mga nilalaman nito, tulad ng mga nakasaad sa Qur-an at mga balitang hindi nabago sa mga naunang aklat. 

    4- Ang pagsagawa sa mga naiparating ng Qur-an, kalulugdan at tanggapin ito, maging alam man natin ang tunay na layunin dito o di natin alam. Ang Qur-an ay pinawalang bisa ang mga naunang Kasulatan.

    Sinabi ng Allah: و أنزلنا إليك الكتاب بالحق مصدقاً لما بين يديه من الكتاب و مهيمناً عليه

    [ At Aming ibinaba sa iyo ang Aklat (Qur-an) na may katotohanan, tagapatotoo sa mga naunang aklat at tagasaksi nito]. Al-Maidah (5): 48

    Samantala, ang ibang mga aklat ay nabago, tulad ng Tawrah (Torah) at Injeel (Ebanghelyo), ito’y sinalin ng mga Hudyo at Kristiyano. Ang mga tanyag at kilalang kopya sa mga ito ay apat: Mateo, Lukas, Markus at Juan. Ang apat na kopya na ito ay magkakaiba at magkakasalungat. Bagkus ang iba sa mga kopyang ito ay nilimbag ng maraming kopya at ang mga ito ay magkakaiba rin sa bawat isa. Samantala, ang Qur-an ay iisang kopya, nilimbag ito ng milyon-milyong kopya at ipinamahagi sa lahat ng sulok ng daigdig, subalit walang matagpuang pagkakaiba sa isa’t isa, ito ay isang malaking himala.


    Sinabi ng Allah: إنا نحن نزلنا الذكر و إنا له لحافظون 

    [ Katotohanan, Kami ang nagbaba sa Dhikr (Qur-an), at katotohanan, Kami ang Tagapangalaga nito ].Al-Hijr (15): 9


    4- Ang paniniwala sa mga Sugo: Sila ay mga tao, subalit sila’y pinalamang ng Allah sa pamamagitan ng mensahe, at ipinahayag sa kanila ang batas na siyang ipinag-utos sa kanila na ipalaganap ito, tulad ni Nuh (Noa), Ibrahim (Abraham), Musa (Moses), Eisa (Hesus) at ng sagka ng mga Propeta at Sugo na siyang Propeta natin na si Muhammad - nawa’y mapasa kanilang lahat ang pagpapala at kapayapaan – .

    Ang paniniwala sa mga Sugo ay binubuo ng mga sumusunod : 

    1- Ang paniniwala na ang kanilang mga mensahe ay totoong nagmula sa Allah. kaya’t sinuman ang nagtakwil ng isang mensahe, tunay na kanyang itinakwil ang lahat. 

    2- Tayo ay maniwala sa mga nalaman nating mga pangalan nila, ganoon din sa hindi natin alam ang kanyang pangalan, tayo ay maniwala sa kanila sa pangkalahatang pananaw. 

    3- Ang pagpatotoo sa mga napatunayang mga balita na nauukol sa kanila. 

    4- Ang pagsagawa sa batas ng sinumang ipinadala sa kanila sa atin, ang kanilang sagka na siyang Propeta natin na si Muhammad . Siya ay pinadala sa lahat ng sangkatauhan.

  • Sinabi ng Allah : فلا وربك لا يؤمنون حتى يحكموك فيما شجر بينهم ثم لا يجدوا في أنفسهم حرجاً مما قضيت ويسلموا تسليماً 

    [ Datapuwa’t hindi, sumpa sa iyong Panginoon, hindi sila sumasampalataya hangga’t hindi ka nila ginagawang tagahatol (O Muhammad ) sa anumang pinagtalonan sa pagitan nila, at pagkatapos sila’y walang nakikita sa kanilang sarili na anumang pagtutol sa anumang naipasiya mo, at kanilang tinatanggap ito nang may buong pagsuko]. An-Nisa’ (4): 65

    5- Ang paniniwala sa Huling-Araw: Ito ay ang Araw ng pagbangon muli (mula sa libingan), pababangonin ng Allah sa araw na ito ang mga tao para sa paglilitis at paggawad ng gantimpala. Ito’y tinagurian sa pangalang ito, dahil ito ang katapusan ng mga araw ng mundong ito. Kaya’t pababangonin muli ng Allah ang sinumang nasa loob ng mga libingan at pupunta ang mga maninirahan ng Paraiso sa kanilang mga tirahan sa kapahintulutan ng Allah, at ganoon din ang mga maninirahan ng Impiyerno pupunta sa kanilang mga tirahan sa kapahintulutan ng Allah.

    Ang paniniwala sa Huling-Araw ay binubuo ng mga sumusunod: 

    1- Ang paniniwala sa pagbangon muli: ibig sabihin, katotohanan na muling pababangonin ng Allah ang sinumang nasa loob ng mga libingan. Samakatuwid ang lahat ng mga patay ay lalabas mula sa kani-kanilang libingan sa kapahintulutan ng Allah, magmula sa unang araw ng mundong ito hanggang sa katapusan nito.

    Sinabi ng Allah: ثم إنكم بعد ذلك لميتون * ثم إنكم يوم القيامة تبعثون 

    [ At pagkatapos ng araw na yaon, katotohanan! Kayo ay tiyak na mamamatay, at pagkatapos, katotohanan! Kayo ay pababangonin muli sa Araw ng pagbangon (mula sa libingan)]. Al-Mu’minun (23) : 15-16

    2- Ang paniniwala sa paglilitis at paggawad ng gantimpala, at ang Allah ay maglilitis sa gawain ng lingkod

    Sinabi ng Allah : إن إلينا إيابهم * ثم إن علينا حسابهم

    [ Katotohanan ! Sa Amin ang kanilang pagbabalik at pagkatapos, katotohanan! Sa Amin ang kanilang pagtutuos ]. Al-Ghashiyah (88) : 25-26

    3- Ang paniniwala sa Paraiso’t Impiyerno, at ito’y panghabang-panahon na hantungan ng nilalang. Ang Paraiso ay tahanang walang hanggang kaligayahan na inihanda ng Allah sa mga mananampalatayang may banal na takot. Sila yaong sumampalataya sa Allah at gumawa ng anumang ipinag-utos sa kanila ng Allah at ng Kanyang Sugo nang buong katapatan sa Allah, sumusunod sa Kanyang Sugo.

    Sinabi ng Allah : إن المتقين في جنات و نهر في مقعد صدق عند مليك مقتدر 

    [Katotohanan! Ang Muttaqun (mga may banal na takot sa Allah) ay mapupunta sa mga Harden at mga ilog (Paraiso). Sa tunay na luklukan, malapit sa Haring Makapangyarihan]. Al-Qamar (54) : 54

    Ang Impiyerno naman ay tahanan ng kaparusahan na inihanda ng Allah sa mga tumatangging sumampalataya at gumagawa ng kawalan ng katarungan.

    Sinabi ng Allah : وقل الحق من ربكم فمن شاء فليؤمن ومن شاء فليكفر إنا أعتدنا للظالمين ناراً أحاط بهم سرادقها وإن يستغيثوا يغاثوا بماء كالمهل يشوي الوجوه بئس الشراب وساءت مرتفقاً 

    [ At ipagbadya: “Ang katotohanan ay mula sa inyong Panginoon.” Kaya’t sinuman ang may nais (sumampalataya), siya ay sumampalataya at sinuman ang may nais (tumalikod sa katotohanan), siya ay tumalikod. Katotohanan, Kami ay naghanda ng Apoy para sa mga gumagawa ng kawalan ng katarungan, sila’y napapalibotan ng mga bakod nito (na apoy). At kapag sila’y hihingi ng saklolo (maiinom), sila’y bibigyan ng tubig na tulad ng kumukulong mantika na susunog ng kanilang mga mukha. Katakot-takot na inumin at napakasamang Tirahan]. Al-Kahf (18): 29

    Ang paniniwala sa Huling Araw ay binubuo ng mga sumusunod: 

    1- Ang paniniwala sa pagsubok sa libingan: Ito’y ang pagtatanong sa patay pagkatapos ng kanyang libing tungkol sa kanyang Panginoon, Pananampalataya at Propeta. Patitibayin ng Allah ang mga mananampalataya sa pamamagitan ng matatag na Salita, kaya’t kanyang maisasagot sa pamamagitan ng pagsabi niya : “ Allah ang aking Panginoon at Islam ang aking Pananampalataya at si Muhammad ang aking Propeta”. Samantala, ang mga gumagawa ng kawalan ng katarungan, tumatangging sumampalataya ay magsasabi: “ Ah, Ah, hindi ko alam”. At sasabihin naman ng mga mapagkunwari o yaong mga nagdududa sa kanilang pananampalataya: “Hindi ko alam, aking nadinig sa mga tao na nagsasabi ng tungkol sa isang bagay at ito rin ang sinabi ko”.

    2- Ang paniniwala sa kaparusahan sa libingan at kaginhawaan nito: Ang parusa sa libingan ay para sa mga gumagawa ng kawalan ng katarungan mula sa mga tumatangging sumampalataya at mapagkukunwari.

    Sinabi ng Allah: ولو ترى إذ الظالمون في غمرات الموت والملائكة باسطوا أيديهم أخرجوا أنفسكم اليوم تجزون عذاب الهون
     [ At kung lang nakikita mo sa sandaling ang mga gumagawa ng kawalan ng katarungan ay nasa pag-aagaw buhay sa kamatayan, habang ang mga Anghel ay nakaabot ang kanilang mga kamay (nagsasabi): “Ilabas ninyo ang inyong mga kaluluwa! Ngayong Araw kayo’y pagkakalooban ng parusang mapanghamak]. Al-Anam (6): 93

    6- Ang paniniwala sa itinakdang Kapalaran: Sadyang ipinahiwatig nang hayagan ng mga tumpak na talata mula sa Qur-an at Sunnah (kaparaanan, gawain, salita at kapahintulutan ng Propeta ) ang pagka-obligado ng paniniwala sa itinakdang kapalaran, maging ang mabuti nito at masama. At ito ay isa sa anim na saligan ng Pananampalataya na hindi nagiging ganap ang pagka-muslim ng isang alipin, ni ang kanyang pananampalataya maliban sa pamamagitan nito.

    Sinabi ng Allah : ألم تعلم أن الله يعلم ما في السماء والأرض إن ذلك في كتاب إن ذلك على الله يسير 

    [ Hindi mo ba alam na ang Allah ay nalalaman ang anumang nasa kalangitan at kalupaan? Katotohanan, ang (lahat ng) yaon ay nakatala sa Aklat. Katotohanan, iyon ay madali para sa Allah ]. Al-Hajj (22): 70

    At sinabi pa Niya: ما أصاب من مصيبة في الأرض ولا في أنفسكم إلا في كتاب من قبل أن نبرأها إن ذلك على الله يسير 

    [ Walang sakunang nagaganap sa lupa, ni sa inyong sarili maliban na ito’y nakatala sa Aklat bago Namin likhain ito. Katotohanan, iyon ay madali para sa Allah ]. Al-Hadid (57): 22

    At sinabi pa Niya: إن كل شيء خلقناه بقدر 

    [ Katotohanan! Aming nilikha ang lahat ng bagay na may wastong takda ].
     Al-Qamar (54): 49

    At sa katunayan, ang mga pantas ng Islam – nawa’y kahabagan sila ng Allah – ay bumanggit ng mga antas ng paniniwala sa itinakdang kapalaran:

    1- Ang kaalaman: Ito ay ang paniniwala na ang Allah ay alam ang lahat ng bagay bago ang pagkaroon nito batay sa Kanyang walang hanggan na Kaalaman, at Kanyang alam ang mga wastong takda nito, mga panahon at takdang taning nito. Ganoon din ang mga takdang panahon ng mga alipin, ang kanilang mga panustus at ang lahat ng bagay. Maging sa kabuuan at detalye, pananatili at hangganan.

    2- Ang pagsulat: Ang paniniwala na ang Allah ay naitala ito sa Al-Lauh Al-Mahfoud (Talaan ng mga gawain). Sinabi ng Allah: ألم تعلم أن الله يعلم ما في السماء والأرض إن ذلك في كتاب إن ذلك على الله يسير 

    [ Hindi mo ba alam na ang Allah ay nalalaman ang anumang nasa kalangitan at kalupaan? Katotohanan, ang (lahat ng) yaon ay nakatala sa Aklat. Katotohanan, iyon ay madali para sa Allah ]. Al-Hajj (22): 70

    3- Ang paniniwala na ang Allah ay hindi naglilikha sa Kanyang kaharian ng anumang hindi Niya nais, ni walang anumang bagay na nagaganap sa kalangitan at sa kalupaan maliban sa kapahintulutan ng Allah.

    Sinabi ng Allah: لمن شاء منكم أن يستقيم و ما تشاؤون إلا أن يشاء الله رب العالمين 

    [ Sa sinumang may nais sa inyo na gumawa ng matuwid; Subalit hindi ninyo kayang loobin maliban kung nais ng Allah, ang Panginoon ng Alamin ( tao, jinn at lahat ng nilalang )]. At-Takwir (81): 28-29

    4- Ang paniniwala na ang Allah ang Siyang Tagapaglikha at Tagapag-iral ng lahat ng mga nilalang at mga daigdig. Samakatuwid ang lahat ay nilikha ng Allah at ang lahat ng bagay ay nagaganap batay sa Kanyang kapahintulutan at kapangyarihan.

    Sinabi ng Allah: الله خالق كل شيء وهو على كل شيء وكيل

    [ Ang Allah ang Tagapaglikha ng lahat ng bagay at Siya ang Tagapangalaga ng lahat ng bagay ]. Az-Zumar (39): 62

    Ito ang buod ng mga haligi ng Islam at Pananampalataya. At sinuman ang may nais na palawakin ang kaalaman, mangyaring sumangguni sa mga aklat ng mga pantas na nagbigay ng detalyeng pagpapaliwanag sa mga haliging ito.

    Bilang pangkatapusan, kami’y nagbibigay ng payo sa sinumang pumasok sa dakilang pananampalatayang ito, na matakot sa Allah at maging matatag sa pananampalataya. At kanyang palagiang idalangin sa Allah ang pagiging matatag sa pananampalatayang ito, at kanyang purihin at pasasalamatan ang Allah sa pagpatnubay sa kanya sa Islam. Aming ipinapayo rin sa kanya ang pagbabasa at pag-unawa sa mga katuruan ng Islam lalong-lalo na ang banal na Qur-an – partikular ang mga maiikling pagkakasalin nito, katulad ng Tafseer ni ibn Saad’ey – nawa ay kahabagan siya ng Allah.

    Ang puso ng tao ay katulad ng halaman na palagiang nangangailangan ng tubig, upang uusbong at tutubo ang gulay, prutas at mga katulad nito sa kapahintulutan ng Allah. Na kung mananatili nang walang tubig, ito’y mamamatay. Gayon din ang puso nabubuhay sa paggunita sa Allah at pagbabasa ng Qur-an, at namamatay sa pagligta at pagtakwil sa paggunita sa Allah. Aming ipinapayo rin sa kanya na hikayatin sa Islam ang kanyang asawa, mga anak, magulang, at mga kapatid na lalaki’t babae. At dapat malaman na ang bawat tao na yumakap sa Islam sa pamamagitan mo, napapasa iyo dahil dito ang isang dakilang gantimpala.

    Sinabi ng Propeta : [ لأن يهدي الله بك رجلاً واحداً خير لك من حمر النعم ]

    [ Na kung ang isang lalaki ay patnubayan ng Allah dahil sa iyo, ito ay higit na mainam para sa iyo kaysa mga kamelyong madalang matagpuan at mamahalin ].

    Kaya’t huwag ipagkait ito sa iyong sarili; ang mabuting salita, sulat-kamay at tape ay binibigyan ng Allah ng malaking pakinabang. Maraming lalaki na o babae na nasa kanyang bansa at dumating sa kanya ang isang sulat o tape mula sa isang kamag-anak na yumakap sa Islam dito sa Kaharian ng Saudia, kanyang hinikayat ito tungo sa Islam, kaya sa pamamagitan ng pagbabasa ng sulat o pakikinig ng tape nagsimula ang kanyang puso na hinahanap ang Islam, at pagkatapos ay kanyang niyakap ito – ang papuri at pasasalamat ay sa Allah lamang. At maaaring pagkatapos noon, sa pamamagitan naman niya ay yumakap sa Islam ang kanyang mag-anak at kababayan, at maaaring yumakap sa Islam ang isang buong baryo, na kung nagkagayon mapapasa inyo ang malaking gantimpala.

    Ganoon din aming binibigyan ng payo ang mga kapatid naming lalaki’t babae na pinagkalooban ng Allah ng biyaya sa pamamagitan ng pagyakap sa Islam, na sila’y magpapayohan sa isa’t isa tungkol sa pagkabanal ng takot sa Allah, at sikaping makisama sa mga mabubuting kaibigan nang sa gayon ang bawat isa sa kanila ay magiging tagatulong ng kanyang kapatid sa kabutihan at tagapayo sa katotohanan.

    Mayroong isang mahalagang bagay na dapat bigyan ng pansin. Maaaring may mapansin sa ilang masasamang mga gawain ng ibang mga muslim, - tulad ng mga employer o ng iba, maging sa bansang ito o sa iba – na kasinungalingan, masasamang mga kaugalian at hindi maayos na pakikitungo sa kapwa. Ang mga ito ay mga gawaing hindi inayunan ng pananampalatayang Islam. Ang Islam ay ipinag-uutos ang lahat ng mabuti at ipinagbabawal ang lahat ng masama. Ang mga pagkakamali ay iniaanib sa mga taong gumagawa nito at hindi sa Islam. Aming sinasabi: “Kapatid naming muslim na lalaki’t babae, sa sandaling magkaroon ng anumang suliranin, maging ito’y nauukol sa mga katuruan ng Islam o bukod doon na mga suliranin, mangyaring tumawag sa mga tanggapang nagpapalaganap ng Islam (Islamic propagation office) upang makatamo ng wastong payo at matugonan ang kalutasan ng mga suliraning ito sa kapahintulutan ng Allah.

    Ating hilingin sa Allah, سبحانه وتعالى  na nawa’y tanggapin sa amin at sa inyo ang mga gawain nating mabubuti. Ang Allah ang higit ng Nakaaalam sa lahat ng bagay. Ang pagpapala at kapayapaan ay mapasa Propeta natin na si Muhammad صلى الله عليه وسلم

    ISINALIN SA TAGALOG NI: EISA REAL