Tuesday, April 8, 2014

"Tatlong Yugto ng Buhay Mo"


  • عن أبي عبد الرحمن عبد الله بن مسعود (رضي الله عنه) قال:
  • حدّثنا رسول الله (صلى الله عليه وسلم) وهو الصادق المصدوق: "إن أحدكم يجمع خلقه في بطن أمه أربعين يوماً نطفةً ثم يكون علقةً مثل ذلك ثم يكون مضغةً مثل ذلك، ثم يرسل إليه الملك فينفخ فيه الروح ويؤمر بأربع كلمات: بكَتْب رزقه وأجله وعمله وشقي أو سعيد، فوالله الذي لا إله غيره إن أحد كم ليعمل بعمل أهل الجنة حتى ما يكون بينه وبينها إلا ذراع، فيسبق عليه الكتاب فيعمل بعمل أهل النار فيدخلها، وإن أحدكم ليعمل بعمل أهل النار حتى ما يكون بينه وبينها إلا ذراع فيسبق عليه الكتاب فيعمل بعمل أهل الجنة فيدخلها"

  •  [رواه البخاري ومسلم]


    Ulat mula sa ama ni Abdurrahman Abdullah bin Mas'ud (رضي الله عنه) kanyang sinabi:
  • " Sinabi sa amin ng Sugo ng Allaah (صلى الله عليه وسلم) at siya ay tapat [sa kanyang salita] na kapani-paniwala: (Katotohanan, ang bawat isa sa inyo ay nilikha [ng Allaah] sa loob ng sinapupunan ng kanyang ina na semelya [ng babae at lalake] na tumatagal ng apatnapung araw, at pagkaraan [nang apatnapung araw ay] nagiging Alaqah [ namumuong dugo] at pagkaraan muli [ng apatnapung araw ay] nagiging Mud'gah [kimpal ng laman], at pagkatapos; ipapadala sa kanya ang Anghel at siya ay hihipan ng buhay, at uutusang isulat ang apat na bagay: ang pagsulat sa kanyang biyaya [ikabubuhay], ang itatagal ng kanyang buhay, ang kanyang magiging gawain at kung siya ba ay magiging malungkot o Masaya [masama o mabuti]. Sumpa man sa [Allaah na] walang Diyos na dapat sambahin liban sa Kanya; tunay na ang isa sa inyo ay gagawa ng gawain ng mga tao sa Paraiso hanggang sa wala na silang pagitan [sa Paraiso] liban sa haba ng braso lamang [abot-kamay] subali't ang nakasulat na kanyang kahihinatnan [ ay Impiyerno]; kaya't siya ay gagawa ng gawain ng mga tao sa Impiyerno at makakapasok dito, at katotohanan ang isa sa inyo ay gagawa ng gawain ng mga tao sa Impiyerno hanggang sa wala na silang pagitan [sa Impiyerno] liban sa haba ng braso lamang [abot-kamay] subali't ang nakasulat na kanyang kahihinatnan [ay Paraiso]; kaya't siya ay gagawa ng gawain nang mga tao sa Paraiso , At siya ay makakapasok dito ).
  • [Isinalaysay ni Al-Bukhari: 6/303 (Fat'h), at Muslim: 2643].

  • ANG NAG-ULAT NG HADITH 
  • Siya si Abdullah ibn Mas'ud isa sa mga eskolar at tanyag na Sahabi, siya ang pinakamahusay magbasa ng Qur'an sa mga Sahabah, umabot ang kanyang ulat ng 848 na Hadith at nasaksihan ang lahat ng labanan kasama ang Sugo at pagkatapos ay nasaksihan ang labanan sa Al-yarmuk sa Sham matapos ang kamatayan ng Sugo. Ipinadala siya ni Umar  (رضي الله عنه) sa Kufa [Iraq] upang turuan ang mga tao doon ng mga katuruan ukol sa kanilang pananampalataya. At pagkatapos ay hinirang siya dito ni Uthman bin Affan (رضي الله عنه) bilang pinuno at pagkaraan ay inutusan siyang bumalik sa Madinah. Siya (رضي الله عنه) ay namatay sa Madinah taong ika-32 sa Hijri, sa edad na mahigit 60 taong gulang at siya ay nailibing sa Al-baqi'. 
  • MGA KAALAMAN 
  • Pinapatunayan nang Hadith na ito ang tatlong yugto paglikha sa tao sa loob ng isandaan at dalawampung araw, bawat yugto ay binubuo ng apatnapung araw at pagkaraan ng isandaan at dalawampung araw ay hihipan siya ng Anghel nang buhay at isusulat ang apat na bagay. Ito ay binanggit ng Allaah (عز وجال) sa Qur'an: ((O sangkatauhan, kung kayo ay nag-aalinlangan tungkol sa [araw ng] muling pagkabuhay, samakatwid [isaalang-alang ito], katotohanan kayo ay Aming nilikha mula sa alabok, pagkaraan mula sa isang patak ng semilya at pagkaraan mula sa isang namuong kimpal ng dugo, pagkaraan mula sa kapirasong laman…)).[Al-Hajj:5]. 

  • * Naiulat ni Huzaifah bin Asid ang isang hadith na nagpapatunay sa paglikha ng Allaah sa buto at laman ng tao sa ikalawang apatnapung araw; sinabi ng Propeta (صلى الله عليه وسلم): ( Kapag ang semelya ay umabot ng apatnapu't dalawang araw, ipinapadala sa kanya ng Allaah ang Anghel at siya ay hinuhubog at ginagawa ang kanyang pandinig, kanyang paningin, kanyang balat, kanyang laman at kanyang buto, at pagkaraan ay kanyang sinabi: O Panginoon! [siya ba ay] lalaki o babae? Kaya itatakda ng iyong Panginoon ang anumang nais Niya at isusulat [ito] ng Anghel, at pagkatapos ay kanyang sasabihin: O Panginoon! Ang itatagal ng kanyang buhay? At sasabihin ng iyong Panginoon ang anumang naisin Niya at isusulat [ito] ng Anghel, at pagkatapos ay kanyang sasabihin: O Panginoon! Ang kanyang biyaya [ikabubuhay]? At sasabihin ng iyong Panginoon ang anumang naisin Niya at isusulat [ito] ng Anghel at pagkaraan ay lalabas ang anghel na hawak niya ang aklat [talaan] at hindi niya dadagdagan ang anumang iniutos sa kanya at hindi kukulangan). [Isinalaysay ni Muslim 2645].

    Ayon sa hadith na ito; ang paghubog ng sanggol sa sinapupunan at paglikha ng kanyang pandinig, paningin, balat,laman at buto ay sa unang bahagi ng ikalawang apatnapung araw.

    * Ayon kay Imam Ahmad bin Hanbal [kahabagan nawa ng Allaah] kapag lumabas na patay ang sanggol pagkaraan ng apat na buwan ay dadasalan [ng dasal para sa patay] sapagka't hinipan na ng buhay [ayon sa hadith na ulat ni Ibn Mas'oud] at pagkatapos ay namatay at ito rin ang hatol ni Said bin Al-Musayyab, Ishaq at ikalawang opinyon ni Imam As-Shafi'e.

    * Ang pagsulat ng Anghel ng kanyang kapalaran ay pagkaraan ng apat na buwan ito ay kinakatigan ng isa pang Hadith sa Sahih Al-Bukhari at Muslim sa ulat ni Anas bin Malik mula sa Propeta (صلى الله عليه وسلم) kanyang sinabi: (Nagtalaga ang Allaah ng isang Anghel para sa sinapupunan, kanyang sinasabi: O Panginoon! [ito ay] Nutfah [semelya], O Panginoon! [ito ay] namumuong dugo,O Panginoon! [ito ay] kimpal ng laman. At kapag ninais ng Allaah na magtakda ng nilikha; [sasabihin ng Anghel]:"O Panginoon lalake ba o babae? Malaungkot [masama] o Masaya [mabuti]? Ano ang biyaya [ikabubuhay niya]? gaano  katagal ang kanyang buhay? Kaya't isusulat din iyon sa sinapupunan ng ina). [Al-Bukhari 11/477 (Fat'h),Muslim 2646].

    - Isinulat ito ng Anghel sa pagitan ng dalawang mata ng sanggol ayon sa ibang ulat na binanggit ni Ibn Rajab sa kanyang aklat na Jamiul Ulum wal Hikam at ayon naman sa nauna nating nabanggit na Hadith; isinulat niya ito sa aklat [talaan].

    Subali't hindi ito ang pagkasulat nang pangkalahatang kapalaran ng lahat ng nilalang na binanggit ng Allah sa Qur'an : ((Walang dumating na sakuna [o masamang pangyayari] sa kalupaan at maging sa inyong mga sarili, maliban na ito ay nasa talaan bago pa man Namin tuluyang ipatupad ito. Katotohanan, iyan ay madali para sa Allaah)). [Al-Hadid 22].

    At sinabi rin ng Propeta (صلى الله عليه وسلم) sa pag-uulat ni Abdullah bin Am'r (رضي الله عنه): (katotohanan,itinakda ng Allah ang kapalaran [kahihinatnan] ng mga nilalang bago ang paglikha sa mga langit at lupa nang limampung libong taon). [Isinalaysay ni Muslim 2653].

    Inihanda at Isinalin sa Tagalog ni: Ustadh Salamodin D. Kasim

No comments: