Sunday, June 16, 2013

"Ano ang Tunog nang Kulog"

Si Ibn Abbas  رضي الله عنه  ay nagsabi: May mga Hudyo na lumapit Sa Propeta Muhammad  صلى الله عليه و سلم  at nagsabi:

Sabihin mo sa amin kung ano ang kulog ?

Siya (صلى الله عليه و سلم  ) ay sumagot: 

"Ito ay isang anghel mula sa mga anghel ng Allaah na nakatalaga sa pagsasaayos ng mga ulap , kung saan ang kanyang mga kamay ay isang mikhraaq (isang uri ng  kasangkapan na ginagamit ng mga Anghel upang direktang itaboy ang mga ulap),sa pamamagitan nito ay dinadala niya ang mga ulap sa direksyon na itinalaga ayon sa kautusan ng Allaah."

Sila ay nagsabi: At ano ang tunog (nang kulog) na aming naririnig?

Sinabi niya (صلى الله عليه و سلم  ): Ito ay ang tunog ng kanyang boses.

Sila ay nagsabi: Ikaw ay nagsasabi ng katotohanan.

[Hasan ni Al-Albani sa Al-hadeeth As-Sahihah] 


Si Ikrimah   رضي الله عنه ay nagsabi na tuwing makakarinig ng kulog si Ibn Abbas ( رضي الله عنه) siya ay nagsasabi: 

"Kaluwalhatian sa Kanya na iyong (anghel) Pinupuri. At siya rin ay nagsabi: "Ang Kulog ay Anghel na humihiyaw sa ulan, katulad ng isang pastol na humihiyaw sa kanyang mga tupa."

[Hasan ni Al-Albani sa Sahih Al-Adab Al-Mufrad]

No comments: