Thursday, October 3, 2013

"Kasaysayan ni Sa'eed"

Isang araw; hiniling ni Umar bin Al-Khattab (ra) mula sa mga taga Homs ang pangalan ng mga mahihirap upang bahagian mula sa kaban ng mga Muslim, nang matanggap niya ang mga pangalan ng mahihirap ay nagulat siya dahil nasa listahan ang pangalan ng gobernador ng Homs na si Sa'eed bin Aamir.

Tinanong niya ang mga tao kung bakit naghirap ang kanilang pinuno?, sagot ng mga tao:"...dahil ginugugol niya ang lahat ng knyang sahod upang ipamahagi sa mga mahihirap at knyang sinasabi:"Ano ang aking magagawa! Sila'y aking responsibilidad sa harap ng Allah".

At nang tanungin ni Umar (ra) ang mga tao kung ano ang ayaw nila kay Sa'eed bin Aamir? Kanilang sagot:"ayaw nmin ang tatlong bagay sa kanya:

1- Hindi siya lumalabas sa amin maliban kung umaga na.
2- Hindi nmin siya nakikita sa gabi kailanman.
3- hindi siya ngpapakita ng isang beses sa isang linggo.
Tinanong siya ni Umar (ra) tungkol sa tatlong bagay na yaon?

Kanyang sinabi:

1- umaga na lang ako nkakalabas dahil inuuna ko muna ang pangangailangan ng aking pamilya sapagkat wala kaming kasambahay at may sakit pa ang aking mahal na asawa.

2- Hindi nila ako nasisilayan sa gabi dahil ginugugol ko lamang ang gabi sa panalangin sa Panginoon, at nakalaan din nmn ang araw para sa kanila.

3- isang beses nila ako hindi nakikita sa loob ng isang linggo dahil panahon ito ng aking paglalaba ng kaisa-isa kong damit at hinhintay na ito ay matuyo; wala akong damit maliban dito.

Napaiyak si Umar (ra) nang marinig niya ang mga salaysay ni Sa'eed at sinabi:"Nasaan ang inabot mo Umar kumpara kay Sa'eed".


Translated by: Salamodin Doton Kasim
source [History of Islam Books]

من أسباب مغفرة الذنوب -Ilan sa mga Sanhi (Dahilan) ng Pagpapatawad sa mga Kasalanan

السلام عليكم ورحمة الله وبركاته

Kapatid, narito para sa'yo ang ilan sa mga gawaing nagiging sanhi upang patawarin ng Allaah (سبحانه و تعالى) ang ating mga nakaraang kasalanan at pagkakamali, upang hindi ka mawalan ng pag-asa mula sa habag ng Allaah (سبحانه و تعالى) at ikaw ay magmadali tungo sa kanyang Kapatawaran. Sinabi ng Allaah (سبحانه و تعالى):
{قال تعالى:( وسارعوا الى مغفرة من ربكم وجنة عرضها السماوات والأرض أعدت للمتقيت}
 [ سورة آل عمران: 133]. 
"At Kayoy maging maagap sa pag-uunahan (magmadali) tungo sa kapatawaran ng Allah, at sa Paraiso na kasinglawak ng kalangitan at ng kalupaan na inihanda para sa mga matatakutin,matutuwid, mabubuti na mananampalataya."
Kabilang dito ang mga sumusunod:

1- الإسلام: قال تعالى:
{قل للذين كفروا إن ينتهوا يغفر لهم ما قد سلف وإن يعودوا فقد مضت سنة الأولين}
[ سورة الأنفال:37 ]

Ang Pagpasok sa Islam (Pagiging Muslim).Sinabi ng Allaah (سبحانه و تعالى): 
"Sabihin mo ( O Muhammad)sa mga hindi nananampalataya na kung silay titigil(sa kawalan ng pananalig at pang-aaway sa mga nananampalataya), ang kanilang nakaraan ( na mga kasalanan)ay ipatatawad. Datapuwat kung silay magbalik (sa kawalan ng pananalig) kung gayon, ang halimbawa ng mga mapaghimagsik at naparusahan na mga unang tao ay nangyari na nga"

قال- صلى الله عليه وسلم- : (أما علمت أن الإسلام يهدم ما كان قبله). صحيح مسلم.

Sinabi ng Propeta (صلى الله عليه وسلم):
 "Hindi mo ba Alam na katotohanan ang islam ay pinapawi (pinapatawad, Sinisira) ang Nakaraan؟". 
[Sahih Muslim]

2- :الهجرة في سبيل الله: هي الإنتقال من دار الكفر الى دار الإسلام, قال تعالى
 {ثم إن ربك للذين هاجروا من بعد ما فتنوا ثم جاهدوا وصبروا إن ربك من بعدها لغفور رحيم}
 [ سورة النحل:110 ]

Ang Paglikas tungo sa Landas ng Allaah: Siya na Lumlikas mula sa lugar ng mga hindi mananampalataya tungo sa Lugar ng Islam, Sinabi ng Allaah (سبحانه و تعالى)
"At Katotohanan! Ang iyong Panginoon para sa kanilang nagsilikas matapos na silay malagay sa pagsubok at pagkaraan (sila) ay nakipaglaban sa kapakanan ng Allah at silay nagtiis, Katotohanan ang iyong Panginoon, matapos ito ay lagi ng Nagpapatawad(sa kanila), ang pinakamaawain."

3- الحج المبرور عن أبي هريرة- رضي الله عنه- قال: سمعت النبي- صلى الله عليه وسلم- يقول: (من حج لله فلم يرفث ولم يفسق رجع كيوم ولدته أمه)- صحيح البخاري. 

Ang Pag-hajj (sa makkah) na katanggap-tanggap: naiulat ni Abi hurayrah ( Kinalugdan siya ng Allah) kanyang sinabi: narinig ko ang Propeta (صلى الله عليه وسلم) na kanyang sinasabi:

 "Ang sinumang magsagawa ng Hajj para sa Allah at hindi gumawa ng anumang malaswang bagay at hindi sumuway (sa ipinag-uutos), para siyang nanumbalik sa araw na isinilang siya ng kanyang ina."
[Sahih Bukhari]

4- الذكر عند سماع الأذان: قال رسول الله- صلى الله عليه وسلم- (من قال حين يسمع المؤذن: أشهد أن لا اله الا الله وحده لا شريك له وأن محمدا عبده ورسوله, رضيت بالله ربا وبمحمد رسولا وبالإسلام دينا غفر له ذنبه). صحيح مسلم.


Ang Dhikr (Pag-alaala sa Allaah) tuwing naririnig ang Adhan: Sinabi ng Sugo ng Allaah (صلى الله عليه وسلم) : 
"Sinuman ang magsabi tuwing naririnig ang Nag-aadhan: Ash-hadu An La Ilaha Illallah Wahdahu La Sharika lahu Wa Anna Muhammadan Abduhu wa Rasuluh, Radee-tu billahi Rabban wa Bi Muhammadin Rasuu-lan wa bil Islami Dee-nan, Patatawarin sa kanya ang kanyang Kasalanan"
[Sahih Muslim]

5- من وافق تأمينه تأمين الملائكة: عن أبي هريرة- رضي الله عنه- أن رسول الله- صلى الله عليه وسلم- قال: (إذا أمن الإمام فأمنوا, فإنه من وافق تأمينه تأمين الملائكة غفر له ما تقدم من ذنبه)
.[صحيح مسلم].

     Ang Sinumang makasabay ng kanyang pagbangbit ng AMEEN (sa Salah) ang Pag-Ameen ng mga Anghel .Naiulat ni Abi Hurayrah (Kinalugdan siya ng Allaah) Katotohanan! Ang Sugo ng Allah (صلى الله عليه وسلم) ay Nagsabi: 
"Kapag Bumigkas  ng AMEEN ang Imam (Namumuno sa Dasal) ay magbikas rin kayo ng AMEEN, dahil katotohanan, Sinumang makasabay ng kanyang pag-Ameen ang pag-Ameen ng mga Anghel ay patatawarin sa kanya ang kanyang nakaraang kasalanan". 
[ Sahih Muslim]


6- من وافق قوله:( سمع الله لمن حمده) قول الملائكة: عن أبي هريرة- رضي الله عنه- أن رسول الله- صلى الله عليه وسلم- قال : (إذا قال الإمام: سمع الله لمن حمده, فقولوا:اللهم ربنا لك الحمد, فإنه من وافق قوله قول الملائكة غفر له ما تقدم من ذنبه).[صحيح مسلم]

      Ang Sinumang makasabay ng Kanyang pagsabi ng: (Sami-Allahu Liman hamidah) ang pagsabi ng mga Anghel: Naiulat ni Abi Hurayrah (Kinalugdan siya ng Allah) katotohanan ang Sugo ng Allah (صلى الله عليه وسلم) ay nagsabi: 
"Kapag sabihin ng Imam ang Sami-Allahu Liman Hamidah), sabihin niyo ang :(Allahumma Rabbana Lakal Hamd), dahil katotohanan sinuman ang makasabay ng kanyang pag-sabi ang pagsabi ng mga Anghel ay Patatawarin sa kanya ang kanyang nakaraang kasalanan"
[ Sahih Musli].



7- صلاة ركعتين لا سهو فيهما- قال رسول الله- صلى الله عليه وسلم-: (من توضأ فاحسن الوضوء, ثم صلى ركعتين لا سهو فيهما غفر له ما تقدم من ذنبه) رواه أحمد.

Pag-Salah (Pag Dasal) ng dalawang raka-ah ng walang pagkakamali: Sinabi ng Sugo ng Allah (صلى الله عليه وسلم):
"Sinuman ang Mag-wudu (Ablusyon), Pinaganda (Pinabuti) ang Wudu, pagkatapos ay Nagdasal ng dalawang Raka-ah ng walang pagkakamali patatawarin sa kanya ang kanyang nakaraang kasalanan"
 [Naiulat ni Ahmad]

8- مسح الحجر الأسود والركن اليماني: عن ابن عمر- رضي الله عنهما- قال: قال: رسول الله- صلى الله عليه وسلم-:( إن مسح الحجر الأسود والركن اليماني يحطان الخطايا حطا).[رواه أحمد].


 Paghaplos sa Hajar Aswad ( Batong Itim sa Ka abah) at Ruknul Yama-nie: Naiulat ng Anak ni Umar (Kinalugdan silang dalawa ng Allah): Sinabi niya: Sinabi ng Sugo ng Allah (صلى الله عليه وسلم):
" Katotohanan, Ang Paghaplos ng Hajar Aswad at Ruknul Yama-nie ay pawang nagpapawi ng mga kasalanan"
 [ Naiulat ni Ahmad]

9- الإجتماع على ذكر الله: عن أنس بن مالك- رضي الله عنه- عن رسول الله- صلى الله عليه وسلم- قال:( ما من قوم اجتمعوا يذكرون الله لا يريدون بذلك إلا وجهه إلا ناداهم مناد من السماء, أن قوموا مغفورا لكم قد بدلت سيئاتكم حسنات)-.مسند أحمد بن حنب
     

Ang Pagtipun-tipon dahil sa Pag-ala-ala sa Allaah: Naiulat ni Anas bin Malik (Kinalugdan siya ng Allah) na naiulat ng Sugo ng Allah (صلى الله عليه وسلم) kanyang sinabi:
" Walang anumang grupo na nagtipon-tipon, inaala-ala (binabanggit) nila ang Allah na wala silang ninanais dahil doon maliban sa kanya, maliban na silay tawagin ng tumatawag buhat sa langit, na kayoy tumayo na, pinatawad na sa inyo (ang inyong mga kasalanan), katotohanan, Pinalitan na ang inyong mga masamang (gawain) ng mga Mabubuti"
[Musnad Ahmad Bin Hanbal]

10- مرض الإنسان: قال رسول الله-صلى الله عليه وسلم- اذا اشتكى المؤمن أخلصه الله [من الذنوب]...).

       Ang Pagkasakit ng isang Tao: Sinabi ng Sugo ng Allah (صلى الله عليه وسلم):
" Kapag may naramdamang (sakit) ang mananampalataya, linilinis siya ng Allah mula sa mga kasalalan…"


Isinulat ni : Salamodin Doton Kasim
Pagmamay-ari ng YPPAI

"Ang Pagsuot ng Lalake ng Ginto"

Si Abu Musa al-Ash'ari ay nag-ulat na ang Propeta ay nagsabi:
 "Ang Silk (seda) at ginto ay ipinahihintulot lamang sa mga kababaihan ng aking Ummah (pamayanan) subali't ipinagbabawal sa mga kalalakihan."
Sa panahon ngayon, ang mga pamilihan (ng ginto) ay puno ng iba't ibang bagay na nakadisenyo para sa kalalakihan, katulad ng relo, butones, panulat, lalagyan ng susi, medalya na iba't ibang uri na yari sa ginto. Isa sa mga pangkaraniwang kasalanan na matatagpuan sa mga patimpalak ay ang mga regalong relong gintong panlalaki.

Si Ibn Abbas ay nag-ulat na nakita ng Sugo ng Allah ang isang lalaking may suot na gintong singsing; kinuha niya ito at itinapon sa isang tabi, at nagsabi, "Nais ba ng isa sa inyo ang kumuha ng nagbabagang Apoy sa Impiyerno at hahawakan ito ng kanyang kamay?" Pagkatapos umalis ang Propeta صلى الله عليه و سلم, may isang nagsabi sa lalaki: "Bakit hindi mo kunin ang iyong singsing at pakinabangan ito (ipagbili ito)?" Siya ay nagsabi, "Hindi, sumpa man sa AllahU, kailanma'y hindi ko maaaring kunin ang anumang itinapon ng Sugo ng Allah." 



Ang May akda : Usof Butucan
Nagrepasu : Nur Maguid
kabilang sa mga Babasahin ng: : Islamic Propagation Office in Rabwah