Monday, May 27, 2013

Ang Pagdadasal para sa Patay


Ang kahalagahan ng Pagdadasal dito

Naiulat ni Abu Hurairah (Kalugdan nawa siya ng Allah) kanyang sinabi: sinabi ng Sugo ng Allah ( I ) : (Sinuman ang makasaksi sa isang patay hanggang sa pagdadasal dito, mapapasakanya ang isang Qeraat, at sinumang makasaksi dito hanggang sa paglibing mapapasakanya ang dalawang Qeraat). May nagsabi: at ano ang dalawang Qeraat? kanyang sinabi: katulad ng dalawang bundok na malalaki ( bilang gantimpala). Napagkasunduan (ni Al-Bukhari at Muslim).

Paano magsasagawa ng Dasal para sa patay

1- Bigkasin ang Unang Takbir ( Allahu Akbar ): at ang ( Audhu billa-hi minas shayta-nir rajeem) at ( 
Bismilla-hir Rahma-nir Raheem) at pagkatapos basahin ang Suratul fatiha.


الحمد لله رب العالمين
Alhamdu lillaa-hi rabbil 'alameen

الرحمن الرحيم
Ar-Rahma-nir Raheem

مالك يوم الدين
Ma-liki yawmid deen

إياك نعبد وإياك نستعين
 iyya-ka na'abudu wa iyya-ka nas ta'een 

اهدنا الصراط المستقيم
صراط الذين أنعمت عليهم غير المغضوب عليهم ولا الضالين
ihdinas sira-tal mustaqeem sira-tal lazeena an'amta alayhim gayril magh-doobi alayhim waladdhaa-lleen

 A-meen.

2- Bigkasin ang Pangalawang Takbir (Allahu Akbar): Manalangin para sa propeta : ( Alla-humma Salli ala Muhammad wa ala ali Muhammad kama Sallayta ala ali Ebrahim Innaka hami-dun Majeed wa ba-rik ala Muhammad wa ala ali Muhammad kama ba-rakta ala ali Ebrahim Innaka Hameedun Majeed).

[kahulugan]
(O Allah pagpalain mo po si Muhammad at ang pamilya ni Muhammad kagaya ng pagpala mo sa pamilya ni Ibrahim, tunay po na ikaw ay Kapuri-puri, Ang Maluwalhati, O Allah biyayaan mo po si Muhammad at ang pamilya ni Muhammad gaya ng pagbiyaya mo sa pamilya ni Ibrahim, tunay po na Ikaw ay Kapuri-puri, Ang Maluwalhati).

3- At pagkatapos, Bigkasin ang pangatlong Takbir (Allahu Akbar) : at manalangin para sa patay ng panalanging naiulat mula sa Propeta (I ).

4- Pagkatapos, Bigkasin ang pang-apat na Takbir (Allahu Akbar).

5- at bigkasin ang ASSALA-MU ALAYKUM WARAHMATULLAH at lumingon sa kanan lamang.
  

Ang Panalangin

! Mga tamang panalangin na binibigkas sa pagdadasal para sa patay pagkatapos ng pangatlong Takbir:
(Alla-hummag fir lahu war hamhu wa a'fihi wa a'afu anhu wa akrim nujulahu wa wassi' mud-khalahu wag silhu bil ma-e was thalzi wal baradi wa naqqihi minal khata-ya kama naqqayta at-thawbal abyada minad danas wa abdilhu da-ran khayran min da-rihi wa ahlan khayran min ahlihi wa jawzan khayran min jawzihi wa ad-khilhul jannata wa a'iez-hu min 'azabin naa-r) Isinalaysay ni Muslim, at-Tirmizi at Ahmad.

[Ang Kahulugan]
    (O Allah patawarin at kahabagan mo po siya, bigyan ng lakas at pagpasinsiyahan, itaas ang antas ng kanyang kinalalagyan, palawakin ang kanyang mapapasukan, at hugasan siya ng tubig, niyebe at yelo at dalisayin mo po siya mula sa mga pagkakamali tulad ng pagdalisay mo sa puting damit mula sa karumihan, at bigyan siya (bilang kapalit) ng tirahan na mas nakakahigit sa kanyang (dating) tirahan, at pamilya na mas mabuti kaysa dati niyang pamilya, at asawa na mas mabuti kaysa dati niyang asawa, at papasukin mo po siya sa paraiso at iligtas mo po siya mula sa kaparusahan ng Apoy). Isinalaysay ni Muslim, At-Tirmizi at An-Nasa-ie.

    (Allahummag fir li hayyina wa mayyitina wa sha-hidina wa ga-ibina wa sagi-rina wa kabee-rina wa dhakarina wa untha-na). Isinalaysay ni At-Tirmizi, An-Nasa-ie at Ahmad.

[Ang Kahulugan]
    (O Allah patawarin mo po ang mga nabubuhay at namatay sa amin, at ang naririto man sa amin o wala, bata at matanda sa amin, lalaki at babae sa amin).

    ( Alla-humma  innahu abduka wabnu abdika wabnu amatika ka-na yash-hadu alla-ila-ha  illa Anta wa anna Muhammadan abduka wa rasu-luk wa Anta 'Alamu bihi, Alla-humma in ka-na muhsinan fa jid fi ihsa-nihi wa inka-na musee-an fa taja-waz an sayyi a-tihi, Alla-humma la tahrim naa ajrahu wa la taftinnaa ba'adahu). Isinalaysay ni Malik.

[Ang Kahulugan]
    (O Allah katotohanan, siya ay iyong alipin at anak ng iyong alipin at anak ng iyong babaeng alipin, sinaksihan niyang walang diyos na karapat-dapat sambahin maliban sa iyo at tunay na si Muhammad ay iyong Alipin at Sugo at Ikaw ang siyang  mas nakakaalam dito, O Allah kung siya man noon ay mabuti dagdagan mo ang kanyang kabutihan at kung siya man noon ay masama palampasin sa kanya ang kanyang mga masamang gawain, O Allah huwag mo po kaming pagkaitin ng bahagi sa kanyang gantimpala at huwag mo po kaming ilagay sa pagsubok o hirap matapos na siya ay yumao). Isinalaysay ni Imam Malik.

    At kapag ang dinadasalan ay babae kanyang bigkasin ang : ( Alla-hummag fir laha) gamitin ang salitang pantukoy na para sa babae.

    At kapag ang dinadasalan ay grupo (maramihan) kanyang bigkasin ang : (Alla-hummag fir lahum). Gamitin ang salitang pantukoy na para sa marami.

Si Abu Hurairah noon (kahabagan nawa siya ng Allah) kanyang binibigkas sa batang patay : (Alla-hummaj 'alhu lana salafan wa faratan wa ajran). Isinalaysay ni Bayhaqe.


Mga Paala-ala

! Sinuman ang hindi inabutan ang ilang bahagi ng dasal sa patay, papasok siya sa dasal kasama ang Imam (namumuno) sa nalalabing dasal, pagkatapos kapag nagsalam ang Imam isasagawa niya ang hindi  niya inabutan sa dasal ayon sa pamamaraan nito, at ituring ang kanyang inabutan kasama ang Imam  na unang bahagi ng kanyang dasal.

! At sinumang hindi nakapagdasal sa patay bago ito mailibing, magdasal siya sa libingan pagkatapos ng libing.

! At ang ipinagbubuntis ng babae kapag lumabas ng patay at kumpletong umabot ng apat na buwan o mahigit, dadasalan siya ng dasal na para sa patay, at kapag hindi pa umabot ng apat na buwan hindi ito dadasalan.




Isinalin sa Tagalog ni : SALAMODIN D. KASIM

Sinuri ni : MOHAMMAD TAHA ALI