Saturday, October 5, 2013

GABAY PARA SA MGA BAGONG MUSLIM

Ang mga sumusunod ay iilan lamang sa mga gabay para sa bagong Muslim;

1 - Isabuhay ang Islam sa abot ng iyong makakayanan.

> Kung ikaw ay medyo nahirapan sa ibang mga turo na iyong sinasabuhay, magkaganito, maari mong ialintala ang iba at ilaan mo ang iyong sarili at isipan sa mga pangunahing mahalagang turo na tulad ng pagsasagawa ng Wudo o limang beses na pagdarasal at iba pa.

> “Pano mo ba kinakain ang baka, sa pamamagitan ba ng isang subo lamang?” Na ang ibig sabihin nito ay unti-unti, hanggang sa ikaw ay matuto.

> Manalangin sa Allah ng lagi, hingin mo sa Kanya na padaliin ang lahat ng bagay para sa iyo, at pagkatapos, ito ay darating na lamang na hindi mo namamalayan.

> Pagkatapos, alamin at isabuhay ang mga nalalamang Sunnah ng Popeta (SAW) paunti-unti.

ومن أحب سنتي فقد أحبني ، ومن أحبني كان معي في الجنة

رواهالترمذي

"Sino man ang nagmahal sa aking Sunnah, ay minamahal niya ako, at sa sino man ang nagmahal sa akin, ay makakasama ko siya sa Paraiso."

~ Hadith Tirmidhi

2 - Igalang ang mga Magulang.
> Ang pananatili ng ugnayan sa pamilya ay napakahalaga.

> Iwasan ang makisangkot sa usapin na may pakikipagtalo tungkol sa Relihiyon. Higit lalo ikaw ay bago pa lamang sa iyong Pananampalataya.

> Dahan dahan, utay-utay na magkaroon ang iyong mga magulang ng paggalang at pag-unawa tungkol sa Pananampalataya na iyong tinahak, at maaring sa bagay na iyan ay magkakaroon sila ng intires na magtanong tungkol dito.

" الجنة تحت أقدام الأمهات "
” Nakasalalay ang Paraiso sa talampakan ng iyong ina.”

~ Hadith (Ahmad, Nisaa’i)
3 - Maghanap ng Guro
> Ang paghahanap ng guro pagkatapos mong yumakap, ay isa sa mga napakalaking bagay upang magkaroon ka ng kaalaman at malawak na pananaw tungkol sa iyong pananampalataya.
> Hanapin ang makakasama na may kaalaman sa kanyang pananampalataya.
" الْمَرْءُ عَلَى دِينِ خَلِيلِهِ فَلْيَنْظُرْ أَحَدُكُمْ مَنْ يُخَالِلْ " . رَوَاهُ أَبُو دَاوُدَ
“kung ano ang isang tao, ay ganon din ang kanyang kasamahan, kaya’t tingnan ng isa sa inyo kung sino ang kanyang pakikisamahan”
-Hadith Abu Dawud

> Dapat laging tiyakin ang mga bagay na iyong nakita, narinig, nabasa mula sa Youtube, Networking, babasahin at iba pa.

Sinabi ng Allah: [21:7]

فَاسْأَلُوا أَهْلَ الذِّكْرِ إِن كُنتُمْ لَا تَعْلَمُونَ

“Kayo ay mag tanong sa mga bagay na hindi niyo alam sa mga taong nakakaalam nito”

> Laging maging mababa ang kalooban sa bawat kaalaman na iyong natutunan, at alalahanin na may mga taong higit na mas nakakaalam kaysa sa iyo.

مَنْ تَوَاضَعَ لِلَّهِ رَفَعَهُ اللَّهُ ، فَهُوَ فِي نَفْسِهِ صَغِيرٌ ، وَفِي أَعْيُنِ النَّاسِ عَظِيمٌ ، وَمَنْ تَكَبَّرَ وَضَعَهُ اللَّهُ عَزَّ وَجَلَّ ، فَهُوَ فِي أَعْيُنِ النَّاسِ صَغِيرٌ ، وَفِي نَفْسِهِ كَبِيرٌ ، وَحَتَّى لَهُوَ أَهْوَنُ عَلَيْهِمْ مِنْ كَلْبٍ أَوْ خِنْزِيرٍ “

“Sino man ang nagpapakumbaba para sa Allah, ay iaangat siya ng Allah, na sa kanyang sarili ay napakaliit, ngunit sa paningin ng tao ay dakila, at sino man ang nagmataas ay ibababa siya ng Allah, na sa mga mata ng tao ay napakaliit, ngunit sa kanyang sarili ay dakila, hanggang sa ang tingin nila sa kanya ay mas mababa pa kaysa aso at baboy.”

Huwag tumigil sa pagsasaliksik ng kaalaman sa Islam, dahil dito ka magtatagumpay.
من سلك طريقا يلتمس فيه علما سهل الله له به طريقا إلى الجنة

 “Sino man ang tumahak sa landas ng kaalaman, ay pagagaanin ng Allah para sa kanya ang daan tungo ng Paraiso.”
~ Hadith (Muslim)

4 - Laging Lumayo sa Pakikipagtalakayan at Pagtatalo
> Ang palagiang pagdepensa sa iyong pananampalataya mula sa pakikipagtalo ay isang bagay na magbibigay sayo ng sakit ng ulo, pasanin at iba pa. Nararapat sayo muna bilang isang bago ay mag-imbak ng kaalaman.

> Kung mayroon ka ng matibay na pundasyon sa iyong pananampalataya at sapat na kaalaman at kaya mo na itong ihayag at ibahagi ang iyong pananampalataya ng walang halong pakikipagtalo sa iba, ang pintuan nito ay bukas para isa iyo
.
> Inatasan ka, na ibahagi at ibigay ang iyong pananampalataya sa iba at huwag ipagkait ito, higit lalo sa mga tao na ang kanilang natunghayan sa Islam ay ang mga negatibong pananaw na kanilang nakita mula sa Medya.

> Ang pag-iwas sa pakikipagtalo at talakayan ay magbibigay sayo ng malawak na paghinga, at kapayapaan o katahimikan.

 “Tunay na ang galit ay sinisira nito ang pananampalataya, na tulad ng aloe (uri ng halaman) na sumisira sa tamis.”
~ (Abu Dawood, Termidhi)

5 - Makipag-ugnayan sa May Karunungan sa Salitang Arabik
> Ang pamamaraan na ito ay matutunghayan sa pamamagitan ng Online, o di naman kaya sa mga aklat, sa pakunti-kunti mong pagsasaliksik ay magbibigay sayo ng daan upang matutunan ang Arabic.
> Magsimulang matoto sa mga Arabik na letra at pagdudugtong-dugtong.
> Pagsumikapan at pagtiisan ang ganitong pamamaraan hanggang sa utay-utay mo nang masusundan ang pagbabasa ng Qur’an, sa pamamagitan ng pakikinig nito sa Computer o di naman kaya sa MP3.
> Hanggang sa matotonan mong litisin at tukuyin ang bawat salita, hanggang sa malaman mo ang Balarilang Arabiko. Kanaisnais na kanyang matotonan muna ang mga simpleng pangalan at pang-ukol.

إِنَّا أَنزَلْنَاهُ قُرْآنًا عَرَبِيًّا لَّعَلَّكُمْ تَعْقِلُونَ

 “Katiyakan, ipinahayag Namin ang Qur’ân na ito sa wikang ‘Arabic;’ upang kayo ay pag-isipan ang mga kahulugan nito at maintindihan at isagawa at ipatupad ang Kanyang mga katuruan…”
~ Qur’an (12:2)

6 - Intindihin ang mga Bawat Bahaging Kalikasan ng Islam
> Ang pagpasok sa Islam ay minsan naglalagay sayo sa kalagayan na ikaw ay natatabunan ng ibat ibang pananaw at hindi mo na alam kung ano at sino ang iyong susundin.
> Isa sa mga halimbawa nito, maaring pagsabihan ka ng isang Muslim na kinakailangan lagi mong huhugasan ang iyong paa sa bawat pag Wudho o paghuhugas mo, maliban na lamang kung nakasuot ka ng BALAT NA MEDYAS kung ito ay nasuot muna sa unang Wudho mo ay maari mong punasan lamang at hindi mo na kailangan hugasan ang iyong paa.
Ang pananaw sa pagsuot ng BALAT na MEDYAS ay bagay na labis na hindi karaniwan.
> Ngunit kung ikaw ay nagbabasa at nagsasaliksik ay iyong matatagpuan na may mga Pantas na nagsasabi na ito ay pinapahintulutan ang pagpunas ng Medyas na yari sa koton, maging ito man ay may maliit na butas. Para sa isang bagong yakap sa Islam ay magsasanhi ito sa kanya ng malaking buntong-hininga bilang kaluwagan sa kanya.

هلك المتنطعون

- “Sino man ang nagpahirap sa isang bagay sa kanilang mga sarili ay mawawasak.”
~ Hadith (Muslim)


source [clive-chanel.tumblr.com]