May iilan sa mga Muslim na nagsasabi na ang pagseselos daw po ng asawang babae kawalan ng pananampalataya.
Mayroon ngang hadith na makikita nito Subalit sa hadith ng mga shi'ah
Ito ang sinabi ni Ali (رضي الله عنه)
Ang pagseselos ng babae ay kufr (kawalan ng pananampalataya ) at ang pagseselos ng lalaki ay Eeman [isang pananampalataya ].
Makikita ito sa aklat ng mga Shia na "NAHJUL BALAGA/BAAB AL MUKHTUR MIN HIKAM AMIRIL MUMININ ALAYHI SALAM [124] 173"
Ngayon po ano po ba ang NAHJUL BALAGA ? ... Ito po ang aklat ng mga shi'ah na puno ng kasinungalingan na iniuugnay kay Ali bin Abi Talib ngunit ang totoo ay hindi niya ito sinabi at hindi niya ito mga salita. Ang Aklat na ito ni As-Shariff Al-Murtada ay iniugnay ito kay Ali.
Sinabi ni Sheikhul Islam Ibn Taymiyyah:
"Katotohanan ang mga pantas ay nababatim na tunay na ang karamihan sa mga salaysay na ito (NAHJUL BALAGH)ay mga kasinungalinan laban kay Ali (kalugdan nawa ng Allaah)"
Kaya't ang pagseselos ay hindi Kufr, ito ay likas na sa kababaihan at magiging kasalanan kung ito ay sobra na maging sanhi ng hidwaan.
Sinabi ni Ibnu Hajar sa Fathul Bari pagkatapos niyang banggitin ang mga Hadeeth ng pagseselos ni Aishah:
"Itoy patunay na hindi masama ang pagseselos at nangyari ito sa pinakamainam na kababaihan at maliban sa kanila, at ganito rin ang salaysay ni Imam At-Tabari at Sinabi ni Shiekh Ibn Uthaimin sa Majallatud Daawah:"
Ang pagseselos ay likas na sa mga babae at hindi ito masama hanggat hindi niya kamumuhian ang pahintulot ng Allaah sa pag-asawa hanggang apat.
Wallaahu 'Alaam
Wallaahu 'Alaam
ni: Salamodin Doton Kasim