Saturday, May 25, 2013

Mga Palatandaan ng pagdating ng araw ng paghuhukom

Panimula

Ang lahat ng papuri ay para lamang sa Allah (SW), ang  mahabagin, ang Panginoon ng sanlibutan.Ang lathalaing ito ay isinulat upang ibigay ang tamang katuruan ng Islam tungkol sa mga palatandaan ng pagdating ng araw ng paghuhukom. Alam nating lahat na maraming kumakalat na balita buhat sa mga taong hindi-mananampalataya na minsa'y nagpapahayag ng mga maling impormasyon tungkol sa kawakasan ng mundo na hindi naman nangyayari kapag dumating ang oras na kanilang sinabi. Tanggapin nawa ng Allah ang pagsisikap na ito na isinagawa bilang matapat na paglilingkod sa Kanya. Maraming salamat sa lahat ng mga taong tumulong para maisagawa ang aklat na ito, nawa'y magsilbing karagdagang kaalaman para sa mga kapatid na Muslim at nawa'y patnubayan tayo ng Allah sa tamang landas tungo sa Kanyang Paraiso.

Ust. Salamodin D. Kasim
Islamic Propagation Office in Rabwah
Riyadh, K.S.A
Ramadhan 1431 H.

Napakarami ang nabanggit ng mga pantas sa Islam na mga palatandaan ng pagdating ng araw ng paghuhukom sa kanilang mga aklat subalit ang babanggitin ko lamang dito ay mga palatandaang kanilang nabanggit na hango mula sa  mapapanaligang Hadeeth ng Propeta Mohammad (SAW) at hindi ko na binangit ang mga mahina ang pagkakasalaysay mula sa Propet (SAW) o mga gawa-gawa lamang ngunit hindi ibig sabihin na ito lamang ang mga nabanggit ng Propeta (SAW) sa kanyang Hadeeth dahil maaaring marami pa akong hindi nabasa na kanyang mga Hadeeth maliban dito.                                                                                      

Binanggit ko dito ang mga palatandaan ng hindi magkakasunod-sunod dahil wala pa akong nabasang Hadeeth na naisalaysay dito ng sunodsunod, inuna ko muna ang mga nabanggit ng mga Pantas na mga palatandaan ng pagdating ng araw ng paghuhukom na nauna nanglumitaw at nangyari na at pagkatapos isinunod ko ang mga palatandaang hindi pa nangyari o lumitaw tulad ng ibang palatandaang inaasahangmangyayari sa mga huling panahon at pagkaraan ng mga malalaking palatandaan ng pagdating ng araw ng paghuhukom.                          

Dapat nating malaman na may mga taong ang pagkakaalam sa mga palatandaan ng Sa'ah (Wakas ng Mundo) ay kasuklam-suklam at bawal, ang ganitong paninindigan ay hindi tama dahil hindi lahat ng ipinahayag ng Propeta (SAW) mula sa mga palatandaan ng Sa'ah ay bawal (haram) o kasuklam-suklam sapagkat ang pataasan ng gusali at  pagdami ng kayamanan ay hindi haram subalit isa lamang ito sa mga palatandaan ng Sa'ah (wakas ng mundo), at ang palatandaan ay hindi nangangahulugan ng masama o bawal bagkos maaaring mabuti o masama, ipinapahintulot o ipinagbabawal at maliban pa dito, Ang Panginoong Allah ang higit na Nakaaalam.                                                                                          

Mga palatandaan ng pagdating ng araw ng paghuhukom  na  Sugra (maliliit).                                                                                              

1- Ang Pagsugo sa Propeta (SAW):                      

 Ipinahayag ng Propeta (SAW) na katotohanan ang kanyang pagiging Sugo ay nagpapatunay sa pagiging malapit ng araw ng paghuhukom at tunay na siya ay Propeta ng Sa'ah: Naiulat mula kay Sah'l (kahabagan nawa siya ng Allah) kanyang sinabi: sinabi ng Sugo  ng Allah (SAW)  Isinugo ako at ang Sa'ah (araw ng paghuhukom) ay katulad ng ganito at itinuro niya ang kanyang dalawang magkatabing daliri. Isinalaysay ni Al-Bukhari                                                                                       

2- Ang Pagkamatay ng Propeta (SAW):                

Kabilang sa mga palatandaan ng Sa'ah ay pagkamatay  ng Propeta (SAW): tulad ng naiulat ni Auf bin Malik na nabanggit ng Propeta (SAW) ang kanyang pagkamatay ay kabilang sa mga tanda ng nalalapit na araw ng paghuhukom, kaya't tunay na ang kayang pagkamataya ay kabilang sa mga masakit na pangyayaring tumama sa mga mananampalataya, dumilim ang mundo sa mga mata ng Sahaba (kanyang mga kasamahan) – kahabagan nawa sila ng Allah – nang mamatay ang Propeta (SAW).                                                                                 Dahil sa kanyang kamatayan naputol, nahinto at  natapos ang Rebelasyong nagmumula sa langit, namatay ang Propeta (SAW) katulad ng pagkamatay ng mga tao, sapagkat tunay na hindi ipinagkaloob ng Allah    ang kawalan ng kamatayan at pananatili dito sa mundo sa sinumang nilikha, dahil ito'y dinadaanan lamang at  hindi pinanatilihan tulad ng sinabi ng Allah  :                                                                

21:34
[At hindi namin ipinagkaloob sa sinumang tao ang pananatili (kawalan ng kamatayan) kaya't kung ikaw ay mamatay sila ba ay mabubuhay nang walang hanggan?] Al-Anbiya 34.    

3- Ang Tagumpay sa Bait Al- Muqaddas:            

Kabilang sa mga tanda ng Sa'ah ay ang tagumpay sa Bait Al-Muqaddas (Palestina) tulad ng nabanggit ng Propeta (SAW) sa kanyang Hadeeth. Sa  panahon ni Omar bin Al-Khattab   naganap ang tagumpay sa Bait AlMuqaddas mula sa kamay ng mga Hudyo at Kristiyano taong 16 Hijeriya, pumunta doon si Omar bin Al-Khattab    ng personal at nakipagkasundo sa mga tao dito, nagtagumpay siya at nilinis niya mula sa mga Hudyo at kristiyano at nagpatayo siya ng isang moske sa bandang Qibla ng Bait Al-Muqaddas.[ Al-Bidayah wan Nihayah 7 : 55-57].    

4-  Pagdami ng kayamanan at kawalan ng pangangailanagan sa kawang-gawa:                                                                                    

Naiulat ni Abu Hurairah    katotohanan ang sugo ng Allah    ay nagsabi:    Hindi tatayo ang araw ng paghuhukom maliban lang na dadami (muna) sa inyo ang kayamanan at aapaw hanggang sa magiging importante ng may-ari ng kayaman ang sinumang tatanggap ng kawanggawa  mula sa kanya, at ipapatawag ang isang lalake (para sa kanyang kawang-gawa) at kanyang sasabihin Hindi ko ito kailanagan [Isinalaysay
ni Al-Bukhari]. At naiulat mula kay Abu Musa   buhat sa Propeta kanyang sinabi:   Darating sa sangkatauhan ang isang panahong ililibot ng lalake sa pahong ito ang kanyang gintong kawang-gawa, pagkatapos wala siyang matatagpuang isang man lamang na kukunin ito mula sa kanya  Isinalaysay ni Muslaim.                                                          

5- Ang Paglitaw ng Pagsubok:                            

Fitnah: maraming kahulugan ng fitnah, kabilang na dito ang pagsubok, paggawa ng kasalanan, kawalan ng pananampalataya, pagpatay, pagkasunog at maliban pa dito mula sa mga bagay na kasuklam-suklam. Tunay na ipinahayag na ng Propeta   noon na kabilang sa mga tanda ng pagdating ng Sa'ah ang paglitaw ng malaking pagsubok (fitnah) sa kanyng Ummah na maghahalo dito ang katotohanan at huwad, kaya't lilondolin ang pananampalataya hanggang sa magiging mananampalataya ang lalake at mawawalan ng pananampalataya sa hapon, at mawawalan ng pananampalataya sa umaga at magiging mananampalataya sa hapon at ipagpapalit niya ang kanyang relihiyon sa mundo.

6- Paglitaw ng Nagpapanggap na Propeta:              

Kabilang sa mga Tanda ng Sa'ah ay paglitaw at paglabas ng mga taong sinungaling, aangkinin nila ang pagkapropeta, lumabas na ang ilan sa kanila noong panahon ni Propeta Muhammad   at panahon ng Sahabah at patuloy pa rin silang  lumalabas sa mga panahong kasalukuyan.Naiulat ni Thawban   kanyang sinabi: sinabi Sugo ng Allah :  At katotohanan magkakaroon sa aking Ummah (pamayanan) ang tatlompung mga sinungaling lahat sila ay aangkinin ang pagkapropeta at ako ang Sagka  (panghuli) sa mga Propeta wala ng propetang susunod sa akin . Isinalaysay ni Abu Dawood at At-Tirmizi.                                          

7- Paglaganap ng kapayapaan:                            

 Naiulat ni Abu Hurairah   kanyang sinabi: sinabi ng Sugo ng Allah  Hindi tatayo (mangyayari) ang Sa'ah maliban lang na (dahil sa kapayapaan at katiwasayan) maglalakbay ang nakasakay (na manlalakbay) sa pagitan ng Iraq at Makkah na wala siyang kinatatakutan maliban sa dilim ng daan  Isinalaysay ni Imam Ahmad.             

At mangyayari ang ganitong pagkakataon sa panahon ni Al-Mahdi at Hesus   kapag masakop na ng katarungan ang lugar ng pagdadaya at kawalan ng katarungan.                                                                      

8- Pagkawala ng Tiwala:                            

Naiulat ni Abu Hurairah   kanyang sinabi: sinabi ng Sugo ng Allah :   kapag mawala na ang tiwala hintayin mo na ang Sa'ah (araw ng paghuhukom) kanyang sinabi : paano ito mawawala o  Sugo ng Allah? 

Sinabi niya: Kapag ipagkatiwala ang bagay sa hindi  mapagkatiwalaan hintayin mo ang Sa'ah . Isinalaysay ni Al-Bukhari.

9- Pagkawala ng Kaalaman at Paglaganap ng Kamangmangan:

At kabilang sa mga tanda ng Sa'ah ay pagkawala  ng kaalaman at paglaganap ng kamangmangan, sa panahong ito mawawala ang kaalaman sa pamamagitan ng pagkawala ng mga Pantas hanggang  wala nang
matitirang marunong (pantas), kaya't ang mga mangmang ang magiging pinuno ng mga tao, at sila'y tatanongin (tungkol sa relihiyon? At sila ay sasagot ng walang kaalaman, maliligay sila at ililigaw ang mga tao.  

10- Paglaganap ng Pangangalunya:                  

At kabilang din dito ang paglaganap ng pangangalunya tulad ng nabanggit ng Propeta   sa kanyang Hadeeth na ang pangangalunya ay kabilang sa mga tanda ng Sa'ah kaya sinabi niyang magkakaroon sa kanyang Ummah ng mga taong ipapahintulot nila ang Pangangalunya at Sutla.                                                                                                  

11- Paglaganap ng Riba:                                      

At kabilang din dito ang paglaganap ng Riba sa mga tao at pagwawalang bahala sa pagkain ng Haram (ipinagbabawal). Naiulat ni Abu Hurairah   kanyang sinabi: sinabi ng Sugo ng Allah  :  Darating sa sangkatauhan ang panahong ipagwawalang-bahala ng isang tao ang dahilan ng pagkamit niya ng kayamanan, kung ito ba ay galing sa Halal (ipinapahintulot) o galing sa Haram (ipinagbabawal)  Isinalaysay ni AlBukhari.                                                                                           

12- Paglaganap ng paggamit at pakikinig ng Intrumento o Musika:

Narinig ni Abu Malik Al-Ash'ari    ang Propeta    na kanyang sinasabi:   Magkakaroon sa aking Ummah ng mga pamayanang ipinapahintulot nila ang pangangalunya, sutla, alak at mga instrumento (musika)…  Isinalaysay ni Al-bukhari.                                              

13- Pagdami ng Pag-inom ng Alak:                    

 Isa sa mga tanda ng Sa'ah ay pagdami ng pag-inom ng alak, at ang ibang tao ang ipinapahintulot nila ito para mainom nang lantaran maging sa mga lugar ng mga Muslim kaya kapag Makita ninyo ang mga ganitong pangyayari nangangahulugan lamang ng pagiging malapit ng araw ng paghuhukom.                                                                                      

14- Pagandahan ng Moske:                            

Marami na tayong nakikitang mga Moske na masyadong pinapaganda ng mga Muslim na nagmistulang paligsahan sa kanilang mga pagitan, at iba sa kanila ay ipinagmamayabang pa ang ganda ng kanyang Moske sa kasalukuyang mga panahon, ito na ang sinabi ng Sugo ng Allah   :  Hindi tatayo ang Sa'ah malaiban lang na magyayabangan (muna) ang mga tao sa mga Moske (Masjid)  Musnad Ahmad.                              

15- Pataasan ng mga Gusali:                          

 Kabilang sa mga tanda ng pagdating ng araw ng paghuhukom ay pataasan ng mga tao sa pagpapatayo ng mga gusali at mga bahay tulad ng isinalaysay ni Muslim: isinagot ng Anghel Gabriel sa Propeta tungkol sa mga tanda ng Sa'ah at sinabi niya sa Propeta: At kapag Makita mo ang mga walang tsinelas (noon), mga walang damit, mga mahihirap, mga pastol ng kambing na sila'y magtataasan ng mga gusali) Saheeh Muslim.

16- Panganganak ng Aliping Babae sa kanyang Pinaglilingkuran:

Ito'y nabanggit sa Hadeeth ni Anghel Gabriel na kanyang sinabi sa   Propeta   : (At ikukuwento ko sa iyo ang mga tanda nito: kapag manganak ang aliping babae para sa kanyang tagapangalaga (pinaglilingkuran). Pinagkasunduan.                                                  

17- Pagdami ng mga Lindol:                            

 Naiulat ni abu Hurairah   kanyang sinabi: sinabi ng Sugo ng Allah  : (Hindi tatayo ang Sa'ah maliban lang na dadami (muna) ang mga lindol).Saheeh Al-Bukhari.                                                                  

18- Pagkawala ng mga Mabubuting Tao:        

 At kabilang sa mga palatandaan ng Sa'ah ay pagkawala ng mga mabubuting tao, at pagdami ng mga masasama hanggang sa walang matitira maliban sa mga masasamang tao at sa kanila gugunawin ang mundo. Naiulat ni Abdullah bin Amr   kanyang sinabi: sinabi ng Sugo ng Allah  : (Hindi tatayo ang Sa'ah maliban lang na kukunin (muna) ng Allah ang kanyang mga mabubuting alipin mula sa mga tagalupa, at matitira dito ang mga masasamang tao, hindi nila alam ang mabuti at hindi sinasaway ang masama). Musnad Ahmad.                                

19- Pagdami ng mga Babae at pagliit ng bilang ng mga Lalake:

 Naiulat ni Anas   kanyang sinabi: ikukuwento ko sa inyo ang isang kwento na walang isa mang magsasabi nito sa inyo pagkatapos ko, narinig ko ang Sugo ng Allah   na nagsasabing: ( Kabilang sa mga tanda ng Sa'ah ay pagkulang ng kaalaman, lilitaw ang kamangmangan, lilitaw ang pangangalunya, dadami ang mga kababaihan at liliit ang bilang ng mga kalalakihan hanggang sa magiging katumbas ng limampung babae ay isang lalake lamang). Saheeh Al-Bukhari.                                      

Kaya't naitanong kung ang sanhi nito, at may nagsabing dahil sa dami ng karahasan at bilang ng pagpatay o krimen kaya maraming mamatay na kalalakihan lalong-lalu na sa digmaan sapagkat kadalasan ang mga kalalakihan lamang ang nakikipagdigma.                                            

20- Digmaan laban sa mga Hudyo:                

At kabilang sa mga tanda ng Sa'ah ay pakikipagdigma ng mga Muslim laban sa mga Hudyo sa huling panahon at sila ay magiging hukbo ni Dajjal kaya't didgmain sila ng mga Muslim na mga hukbo ni Propeta Hesus   hanggang sa magsasalita ang kahoy at bato: O Muslim! O Alipin ni Allah! Nandito ang isang hudyo sa aking likuran ko, halika at  patayin mo siya.                                                                                  

Mga Palatandaan ng Pagdating ng Araw ng Paghuhukom

Al-Kubra (malalaki)                                      

1-  Al-Mahdi: 

Sa huling panahon lalabas ang isang lalake mula sa pamilya ng Propeta   , tutulungan ng Allah ang relihiyong Islam sa pamamagitan niya, maghahari ng pitong taon, pupunuin ang kalupaan ng katarungan tulad pagkapuno nito ng kawalang-katarungan, mabibiyayaan ang Ummah sa kanyang panahon nang biyayang hindi pa nito nakamit kailanman, dahil sa biyayang ito tutubo ang mga luntiang pananim, pauulanin niya ang langit ng biyayang ulan, magbibigay ng kayamanang hindi mabilang.                                                                                    

*Ang kanyang pangalan: Ang pangalan ng lalaking ito ay katulad ng pangalan ng Sugo ng Allah  , ang pangalan ng kanyang ama ay katulad ng pangalan ng Propeta    kaya ang kanyang magiging pangalan ay Muhammad – o Ahmad – bin Abdullah, siya'y mula sa angkan ni fatimah anak na babae ng Sugo ng Allah  , at mula na rin sa angkan ni Al-Hassan bin Ali  .                                                                                            

*Siya ay lalabas mula sa silangan: Naiulat ni Abdullah bin Mas'ood   kanyang sinabi: sinabi ng Sugo ng
Allah  : (Hindi maglalaho o hindi magugunaw ang mundo maliban lang na maghahari (muna) sa mga arabo ang isang lalaking mula sa pamilya ng Propeta   , katulad ng kanyang pangalan ang aking pangalan) Musnad Ahmad.                                                                                                

2- Bulaang Kristo:                                                    

Ang kahulugan ng Al-Maseeh (Kristo): Nabanggit ni  Abu Abdullah Al-Qurtubi ang dalawampu't tatlong salita sa paghango ng salitang ito, at ang salitang Al-Maseeh (Kristo) ay nangangahulugan ng matapat at taong makatotohanan, gayunpaman nangangahulugan din ito ng sinungaling, kaya't tinatawag na Al-Maseeh si Hesus dahil siya ay matapat at makatotohanang tao at tinatawag na Al-Maseeh si Ad-Dajjal sapagkat siya ay sinungaling at mapanlinlang.tinatawag ding Al-Maseeh si Hesus dahil nakagagamot siya ketongin, bulag at binubuhay niya ang patay dahil sa kapahintulutan ng panginoong Allah  , at tinatawag ding AlMaseeh si Ad-Dajjal dahil nabura ang kanyang kanang mata o kaliwa. At ang ibig sabihin naman ng salitang  Ad-Dajjal ay tagatakip at tagahalo sapagkat si Al-Maseehud Dajjal ay tinatakpan niya ang katotohanan ng kasinungalinagan, huwad at kawalan ng pananampalataya sa Allah.                                                                                              

Si Ad-Dajjal ay mula sa angkan ni Adan na may maraming katangiang nabanggit sa mga Hadeeth ng Propeta   para ipaalam sa sangkatauhan ang kanyang pagkatao, at bilang babala sa mga tao laban sa kanya mula sa kanyang malagim na kasamaan upang sa ganon kapag siya'y lalabas kilala siya ng mga mananampalataya at para hindi sila mapahamak dahil sa kanya, kabilang sa kanyang mga katangian ay tunay na siya ay isang lalaking binata, pula, maiksi, sakang at kulot ang  buhok, manipis ang pisngi, malawak (malapad) ang liig, nabura ang kanyang kanang mata, ang matang ito ay hindi klaro at  may tumubong laman sa kanyang kaliwang mata, nakasulat sa pagitan ng kanyang dalawang mata ang letrang  (Ka-f Fa Ra), mababasa ito ng bawat Muslim marunong man sumulat o hindi at kabilang sa kanyang katangian ay isang baog at hindi siya magkakaanak, at minsan naring inihahalintulad siya ng Propeta kay AbdulUzza bin Qut'n.                                                                    

Ang Tanong: Buhay ba si Ad-Dajjal? At siya ba ay buhay sa panahon ni Propet Muhammad  ?                                                                  

- Bago natin sagutin ang dalawang tanong na ito dapat muna natin malaman ang katayuan ni Ibn Sayyad; siya ba ang Ad-Dajjal o hindi?

 - At kung hindi si Ibn Sayyad ang Ad-Dajjal; siya  ba (Ad-Dajjal) ay buhay bago pa mangyari ang kanyang Fitnah  (masasamang gawain) o hindi?                                                                                                

- At bago ang mga sagot sa mga tanong na ito kilalanin muna natin si Ibn Sayyad:                                                                                              

 Ibn Sayyad: Ang kanyang pangalan ay Saafi – o Abdullah bin Sayyad o Sa-id.                                                                          
Siya noon ay mula sa mga hudyo ng Madinah, at may nakapagsabing mula sa Ansar, at maliit pa siya nang dumating ang  Propeta    sa Madinah, nabanggit ni Ibn Katheer na siya ay yumakap sa Islam at ang kanyang anak ay nagngangalang Ummarah mula mga pinuno ng Tabi-een at nagkaroon si Imam Malik ng pagsasalaysay ng Hadeeth mula sa kanya at maliban pa sa kanya.                                                                      
Hindi  nagkakasundo ang mga pantas tungkol kay Ibn Sayyad kung siya ba talaga si Ad-Dajjal o hindi, subalit nagkasundo sila  na siya'y isa sa mga gumagawa ng kasinungalingan at gumagamit ng pangitain at pamahiin.                                                                                            

     Si Ad-Dajjal (Bulaang Kristo) ay lalabas mula sa silangan, mula sa Khurasan, mula sa hudyo ng Asbahan at pagkatapos maglalakad siya sa lupa, wala siyang iiwanang lugar maliban lang na kanyang itong papasukin, maliban sa Madinah at Makkah kaya't hindi niya kayang pasukin ang dalawang ito sapagkat binabantayan ito ng mga Anghel. Naiulat ni Abu Bakar   kanyang sinabi: ikinuwento sa amin ng Sugo ng Allah, sinabi niya na: Ang Ad-Dajjal ay lalabas mula sa kalupaan ng silangan, ito ay tinatawag na Khurasan). Jamie At-Tirmizi.                

    At Naiulat ni Anas    kanyang sinabi: sinabi ng Sugo ng Allah   :(Lalabas si Ad-Dajjal (Bulaang kristo) mula sa hudyo ng Asbahan, may kasama siyang pitumpong libo mula sa mga hudyo). Si Ad-Dajjal (Bulaang Kristo) ay hindi makakapasok sa apat na Moske: 

1- Al-Masjid Al-Haram
2- Masjid Al-Madinah 
3- Masjid At-Toor 
4-  Al-Masjid AlAqsa.                                                                                                   

Mga Tagasunod ng Bulaang Kristo:                                

Karamihan sa mga tagasunod ng Bulaang Kristo ay mula sa Hudyo, Ajam (hindi arabo), Turk, mula sa iba't ibang tao na ang karamihan ay mga Arab at mga kababaihan. At minsan kapag makakaharap ng Bulaang kristo ang isang arabi (beduien) kanyang sasabihin: Ano sa palagay mo kung bubuhayin ko para sa iyo ang iyong tatay at nanay; sasaksihan mo arabi: Oo, at  ba na ako ang iyong panginoon? At sasabihin ng magpapakita sa kanya ang dalawang demonyo na kamukhang-kamukha ng kanyang tatay at nanay, kanilang sasabihin: O aking anak! Sundin mo siya; dahil siya ang iyong panginoon). Isinalaysay ni Ibn Majah.        

At karamihan sa kanyang magiging tagasunod ay mga kababaihan dahil madali lang silang sumunod lalung-lalo na sa mga matatamis na salita ni Ad-Dajjal (Bulaang Kristo).                                                                  

Ang Fitnah (kasamaan) ni Ad-Dajjal:                                        

Ang Kasamaan ng Bulaang Kristo ang siyang pinakamasamang fitnah sa kalupaan mula nang lalangin ng Allah si Adam hanggang sa araw ng paghuhukom dahil sa kapangyarihan at kababalaghan na ibibigay sa kanya ng Allah na bibiyak sa mga utak at magbibigay ng alinlangan sa mga isipan.                                                                                          

Katotohanan! Nabanggit sa mga hadeeth na mayroon siyang paraiso at impiyerno, ang kanyang paraiso ang siyang impiyerno, at ang kanyang impiyerno ang siyang paraiso, at mayroon din siyang mga ilog ng tubig, mga bundok ng tinapay, at uutusan niya ang langit para umulan at uulan, at ang lupa para tutubo (ng mga pananim, mga damo atbp.) at tutubo, sunod-sunod sa kanya ang mga libing na yaman ng lupa, at maglilibot sa lupa ng sobrang-bilis katulad ng ulan na itinutulak ng malakas na hangin at maliban pa dito na nabanggit ng Sugo ng Allah  .                            

Naiulat ni Hudhaifa    kanyang sinabi: sinabi ng Sugo ng Allah : (Tunay na ako ang nakaaalam kung ano mayroon ang bulaang kristo, mayroon siyang dalawang umaagos na ilog, isa sa kanila ay makikita ng mata na puting tubig, at ang iba ay makikita ng mata na lumalagablab na apoy, kapag inabutan ang mga ito ng isa sa inyo ay pupuntahan niya ang kanyang nakikitang apoy, at ipikit (ang mga mata) pagkatapos iyuko niya ang kanyang ulo at iinom mula dito sapagkat katotohanan ito ay malamig na tubig).                                                                                          

Ang panangga laban sa Fitnah (kasamaan) ng Bulaang Kristo:

Ginabayan ng Propeta    ang kanyang ummah tungo sa bagay na maglilitas sa kanila mula sa fitnah ng Bulaang Kristo, tunay na iniwan niya ang kanyang ummah sa puting daan, na ang liwanag ng gabi nito ay tulad ng liwanag ng araw nito, walang sinumang  lilihis mula dito maliban sa taong sira, walang bagay na nakabubuti maliban lang na kanya itong itinuro sa kanyang ummah, at walang nakasasama maliban lang na kanyang binigyan ng babala ang kanyang ummah mula dito, at kabilang dito ang fitnah ng Bulaang Kristo sapagkat ito na ang pinakamalaking fitnang mangyayari sa ummah hanggang sa araw ng paghuhukom kaya narito ang mga paalalang pang-gabay mula sa Propeta   na itinuro niya sa kanyang ummah upang maligtas mula sa malaking fitnah na ito, na hinihingi natin sa Allah   na iligtas tayong lahat mula dito:                

1- Pagsasabuhay sa mga katuruan ng Islam, at gawing sandata ang paniniwala (sa Allah), at kaalaman tungkol sa kanyang mga pangalan at mabubuting katangian na wala siyang katambal o kahati dito na kahit sino, kaya't malalaman niya na ang bulaang kristo ay tao lamang, kumakain at umiinom, at katotohanan ang Allah    ay maluwalhati at  wala siyang katangiang tulad nito, ang bulaang kristo ay bulag at si Allah ay hindi bulag, at tunay na walang sinumang makikita niya ang kanyang panginoon hanggang sa kamatayan, at Ad-Dajjal ay makikita siya ng mga tao sa kanyang paglabas, mananampalataya man sa kanila o hindi.    

2- Paghingi ng kalinga at pagpapakupkop laban sa fitnah ni Ad-Dajjal, lalung-lalo na sa pagdarasal, ito ang katuruan sa atin ng Propeta ; Naiulat ni Aisha asawa ng Propeta  : (Katotohanan! Ang Sugo ng Allah   noon ay kanyang idinadalangin ang: O Allah ako ay nagpapakupkop sayo mula sa kaparasuhan ng libingan, at nagpapakupkop ako sayo laban sa kasamaan ng bulaang kristo.....). Isinalaysay ni Al-Bukhari.          

3- Pagsasaulo ng mga taludtod mula sa kabanata ng Al-Kah'f, tunay na iniutos ng Propeta    ang pagbasa ng mga pambungad ng taludtod ng Suratul Kah'f laban sa bulaang kristo o pagbasa ng  unang sampung taludtod at huling sampung taludtod.

Kabilang sa mga hadeeth na nagbanggit nito ay ang ulat ni An-Nawwas bin Sam'an na mahabang hadeeth, sinabi ng Propeta  : (Kung sinuman ang kanyang aabutan mula sa inyo; basahin niya laban sa Dajjal ang mga
pambungad na taludtod ng Suratul Kah'f). Saheeh Muslim.                

4- Ang Paglayo mula sa Dajjal, at ang mas mainam ay mga nakatira sa Makkah at Madinah sapagkat hindi makakapasok si Dajjal sa Haramain (Makkah at Madinah) kaya't dapat lang layuan ng isang Muslim si Dajjal para makaligtas dahil susunod kay Dajjal ang isang  lalaking inaakala niyang sa kanyang sarili na siya ay mananampalataya, at magiging sunodsunoran kay Dajjal, tayo'y hihingi sa Allah na ilayo tayo at lahat ng mga Muslim mula sa kasamaan ni Dajjal.                                                      

*Ang Pagkamatay ng Dajjal

       Mamamatay si Dajjal sa mga kamay ni Hesus na anak ni Maria ayon sa mga ulat mula sa Propeta   sapagkat lalabas si Dajjal sa lahat ng kalupaan maliban sa Makkah at Madinah, dadami ang kanyang mga tagasunod, lalawak ang kanyang kasamaan, walang makakaligtas sa kanya maliban sa maliit na bilang mula sa mga mananampalataya, at sa panahong ito bababa si Hesus na anak ni Maria   sa bandang silangang menaret ng Damascus, at dadagsain siya ng mga alipin ng Allah na mananampalataya, palibutan siya ng mga mananampalataya at sila'y sasama sa kanya laban kay Dajjal, at si Dajjal naman sa panahon ng pagbaba ni Hesus ay patungong Baitul Maqdis (Palestine) at masalubong siya ni Hesus sa pintuan ng Ludd (isang lugar sa palestine na malapit sa Bait Al-Maqdis), kapag makita siya ni Dajjal siya'y (Dajjal) matutunaw tulad nang pagkatunaw ng asin, kaya't sasabihin sa kanya ni Hesus  : 

(Tunay na ikaw ay aking papaluin; hinding-hindi ka  makakaligtas sa akin), aabutan siya ni Hesus at siya'y papatayin sa pamamagitan Hirba (pamalo ni Hesus), at matatalo ang kanyang mga tagasunod, sila'y susundan ng mga mananampalataya at sila ay papatayin, hanggang sa  magsasalita ang punong-kahoy at bato: O Muslim! O Alipin ng Allah!  Nandito ang isang hudyo sa aking likuran, halika at siya'y patayin,  maliban sa punong-kahoy na nagngangalang Garqad dahil ito ay kabilang  sa mga punong-kahoy ng mga hudyo.                                                      At dahil sa pagpatay sa kanya (isinumpa ni Allah) magtatapos ang  kanyang malagim na kasamaan at ililigtas ng Allah silang mga  nanampalataya mula sa kanyang kasamaan at kasamaan ng kanyang mga  tagasunod sa mga kamay ni Hesus na anak ni Maria (Roohullah wa  kalimatuho)   at ang kanyang mga tagasunod, ang lahat ng pagpupuri  ay sa Allah lamang.                                                                                

3- Ang Pagbaba ni Hesus  :                                

Katangian ni Hesus  :                                                                    

Siya ay isang lalaking katamtaman ang tangkad, hindi matangkad at  hindi naman pandak (maiksi), pula, malapad ang dibdib, kulot ang buhok  na para bang bagong ligo na galing ng banyo, may mahabang buhok na  lampas ng tainga, kanya itong inayos na punong-puno ang pagitan ng  dalawang balikat.                                                                                  Naiulat ni Ibn Abbas   kanyang sinabi: sinabi ng Sugo ng Allah  : ( Nakita ko si Hesus, Moses at Abraham, at si Hesus ay pula, kulot at malapad ang dibdib...) Saheeh Al-Bukhari.                                              

Katangian ng pagbaba ni Hesus  :                                                  

Pagkatapos ng paglabas ni Dajjal at kanyang kasiraan sa lupa,  ipapadala ng Allah si Hesus  , siya'y bababa sa lupa, sa bandang puting  menaret sa silangang damascus, nakasuot ng mahroodatain,  nakalagay  ang kanyang dalawang kamay sa mga pakpak ng dalawang Anghel,  kapag iyuyuko niya ang kanyang ulo'y may tumutulong tubig mula dito,  at kapag iangat niya ay may nahuhulog mula dito na  perlas, walang nakakaamoy na hindi mananampalataya sa kanyang hiningi maliban sa ito'y namamatay.                                                                                    Siya ay bababa sa grupong nagtagumpay, na ipaglalaban ang  katotohanan, sila'y magkakaisa upang digmain si Dajjal, at siya'y bababa sa oras ng pagtayo ng Salah (dasal) at magdadasal sa likod ng pinuno ng grupong iyon.                                                                                         

Dunong sa pagbaba ni Hesus  :                                                        

1- Bilang kasagutan sa maling akala ng mga hudyo na kanilang napatay at  naipako sa krus si Hesus   kaya't ipinahayag ng Allah   ang kanilang kasinungalingan, at tunay na siya ang makakapatay sa kanila at ang kanilang pinuno na si Dajjal.                                                                 

2- Katotohanan! Natagpuan ni Hesus   sa ebanghelyo ang kalamangan  ng ummah ni Propeta   tulad ng sinabi ng Allah  :                                 

48:29

(At ang nakakahalintulad nila sa ebanghelyo ay: katulad nila ay buto (na itinanim) at bumukadkad sa pagtubo, at naging matatag, at sa kalaunan ay lumago at tumindig nang matuwid...)[Al-Fath: 29].                               

3- Tunay na siya ay bababa upang pasinungalingan ang mga mali at huwad na paniniwala ng mga kristiyano tungkol sa kanya, at wawasakin o sisirain ng Allah ang lahat ng relihiyon sa kanyang panahon maliban sa Islam sapagkat wawasakin niya ang krus.                                               

- mananatili siya sa lupa nang pitong taon o apat na pu't taon, at pagkatapos siya ay mamatay at dadasalan siya ng mga Muslim.           

4- Ya'zooz at Mazooz: 

Kanilang Pinagmulan: 

Sila ay mula parin sa tao, mula sa angkan ni Adan , sila ay mula mga anak ni Yafeth abu At-Turk, at si Yafeth ay isa sa mga anak ni Noh (Noa) . Naiulat ni abdullah bin Amr, ulat na mula sa Sugo ng Allah : (Katotohanan! Ang Ya'zooz at Ma'zooz ay mula sa mga anak ni Adan, at tunay na kapag sila ay naipadala sa mga tao kanilang wawasakin ang kanilang ( tao) mga kabuhayan, at hindi mamamatay ang isa sa kanila maliban lang na ito'y nag-iwan ng isang libong anak o higit pa). 

Kanilang Katangian: 

Ang nabanggit sa mga Hadeeth na katangian ng mga Yaz'ooz at  Ma'zooz ay tulad ng hitsura ng mga Turk ( mga tao sa Turkistan), maliliit ang mga mata, blondy ang buhok, malalapad ang pagmumukha. Sila ay malalakas at walang sinumang makakalaban sa kanila. Sinabi ng Allah : 

21:97
[Hanggang nang sina Gog at Magog ay hayaan na makawala(sa kanilang hadlang) at silay mabilis na nagsipangalat sa bawat talampas. At ang tunay na pangako ( Araw ng muling pagkabuhay) ay malapit na (sa katuparan).At kapag (ang sangkatauhan ay ibangon na mula sa kanilang libingan), mapgmamalas ninyo ang mga mata ng mga hindi sumasampalataya na nakatitig sa pagkasindak.(sila ay mangungusap):"kasawian sa amin!Katotohanan kami ay nagpabaya rito;datapwat (walang alinlangan) na kami ay mapagsamba sa mga diyus-diyosan at mapaggawa ng kamalian].[Al-Anbiya: 97].

Sagka ni Ya'zooz at Ma'zooz: 

Nagpatayo si Dhul Qarnain noon ng Sagka para maging pagitan nila Gog at Magog sa kanilang mga kabit-bahay o mga taong malapit sa kanilang lugar na humingi ng tulong sa kaniya. Sinabi ng Allah sa Qur'an:

18:94
18:95
(Sila ay nagsabi: O Dhul Qarnain!Katotohang si Ya'zooz at Ma'zooz ay gumagawa ng malaking kabuktutan sa kalupaan.Kami baga ay magbabayad sa iyo ng buwis (o pagkilala) upang ikaw ay magtayo ng isang sagka sa pagitan namin at nila. Siya ay nagsabi:"Yaong (kayamanan, kapamahalaan at kapangyarihan) na itinatag sa akin ng aking panginoon ay higit na mainam (sa inyong buwis at pagkilala).Kaya't tulungan ninyo ako ng lakas (ng mga tao), ako ay magtatayo ng sagka sa pagitan ninyo at nila).[Al-Kahf:95]. 

5- Ang Tatlong Khosoof: 

Ang Khosoof ay nangangahulugan ng pagkawala ng isang lugar. Ang Tatlong khosoof na isa sa mga tanda ng pagdating ng araw ng paghuhukom ay nabanggit lahat sa mga Hadeeth ng Propeta , Naiulat ni Huzaifa bin Aseed (o Asyad) katotohanan, sinabi ng Sugo ng Allah :

عن حذيفة بن أسيد   أن رسول !   قال:( إن الساعة لن تقوم حتى تروا عشر آيات ... (فذكر منھا) وث ثة خسوف: خسف بالمشرق،         وخسف بالمغرب، وخسف بجزيرة العرب)  - رواه مسلم.

(Katotohanan!Ang araw ng paghuhukom ay hinding-hindi tatayo (mangyayari)maliban lang na makikita ninyo muna ang sampong tanda nito...at binanggit niya dito: at ang tatlong Khosoof: Isang Khas'f sa bandang silangan, isang Khas'f sa bandang kanluran at isang Khas'f sa Isla ng Arab). Isinalaysay ni Muslim. 

Nangyari naba ang tatlong Khosoof na ito? 

Ang mga Khosoof na ito ay hindi pa nangyari hanggang ngayon tulad ng ibang malalaking tanda ng pagdating ng araw ng paghuhukom, kaya't mangyayari ito kapag nalalapit na talaga ang araw ng paghuhukom at ito'y maging kasindak-sindak na pangyayari dahil maraming mga taong mamatay. 

Isinulat sa wikang Tagalog ni: Ust. Salamodin D. Kasim
Islamic Center in Rabwah, Riyadh
Kingdom of Saudi Arabia
Ramadhan 1431 H.

Sinuri ni:Ust. Muhammad Taha Ali
Islamic Center in Rabwah