Tuesday, October 15, 2013

Ano ang Dapat Gawin sa Araw ng Eidul Adha?

Ipinag-utos sa araw ng Eidul Adha sa mga hindi nagsasagawa ng Hajj ang lahat ng ipinag-utos na kaaaya-ayang gawin sa pinagpalang araw ng Eidul Fitr, at sa katunayan nauna nang nabanggit ito sa (pahina 158), maliban sa pagbibigay ng Zakatul Fitr, sapagka’t ito ay natatangi lamang para sa araw ng Eidul Fitr. 

At naiibang katangian ng Eidul Adha ay ang kaaya-ayang pag-aalay ng Udhhiyah bilang isang paraang mapalapit sa habag at biyaya ng Allah. 


Ang Udhhiyah: Ito ay tumutukoy sa alinmang pastulang hayop mula sa lipon ng kamelyo, baka o kambing na kinakatay sa araw ng Eid-ul-Adhaa na ang layunin ay mapalapit sa Allah. Ang simula ng pag-aalay ay pagkatapos ng pagdarasal sa Eid hanggang sa lumubog ang araw sa ikalabing tatlo mula sa buwan ng Dhul Hijjah. Ang Kataas-taasang (Allah) ay nagsabi:
 {Kaya ikaw ay marapat na mag-alay ng Salaah (pagdarasal) sa iyong Panginoon at maghandog ng sakripisyo (bilang pag-aalay)}. 
Al-Kauthar (108): 2



Sa katunayan, ito’y binigyang paliwanag na ang kahulugan ng talatang binanggit sa itaas ay ang pagsasagawa ng Salaah sa araw ng Eid-ul-Adha at ang pag-aalay ng Udh-hiyah.



Ang Hatol Nito: Ito ay Sunnah Muakkadah (kaaya-ayang gawain na binibigyang-diin) sa sinumang may kakayahan, kaya maaaring mag-alay ng Udh-hiyah ang isang Muslim para sa kanyang sarili at mga kasambahay.



At ang isang Muslim na naglalayong mag-alay ng Udh-hiyah [hayop] ay nararapat na umiwas mula sa pagputol ng kanyang buhok o paggupit ng kanyang mga kuko o pag-alis sa kanyang balat kahit kaunti, simula sa unang araw sa buwan ng Dhul Hijjah hanggang sa makatay niya ang alay na Udh-hiyah sa 10th of Dhul-Hijjah

Ang mga Patakaran na Dapat Tuparin Para sa Hayop na Iniaalay Bilang Handog:



  1. Ipinag-utos na ito ay nagmula sa lipon ng mga alagang [pinapastulang] hayop, tulad ng kambing, baka o kamelyo, samakatuwid hindi tinatanggap ang Udh-hiyah sa ibang mga hayop o mga ibon.
    Sapat na ang isang tupa o kambing para sa isang lalaki kabilang ng kanyang mag-anak [o mga kasambahay], at maaaring magsama-sama ang pitong katao para sa isang baka o isang kamelyo.
  2. Ang hayop ay nararapat na nasa tamang gulang. Sa tupa ang gulang nito ay dapat na anim na buwan, at sa kambing ay isang taon, at sa baka ay dalawang taon at sa kamelyo ay limang taon.
  3. Ang Kawalan ng Hayag na Kapintasan [o Kapansanan] ng Hayop. Sinabi ni Propeta (salallaahu alaihi wasalaam :                                                                                      «Apat ang hindi tinatanggap para sa mga Udh-hiyah: Ang hayop na bulag na sadyang lantarang ang pagkabulag nito, ang hayop na may sakit na sadyang lantaran ang sakit nito, ang pilay na lantaran ang pagkapilay nito at ang patpatin [o labis na payat] na walang utak [ang buto nito]». (An-Nisaai: 4371 – At-Tirmidhi: 1497)                                                       
Ano ang Nararapat Gawin Para sa Udh-hiyah?
  • Ipinagbabawal na ipagbili ang Anumang Bahagi ng Udh-hiyah.
  • Higit na mabuti na ipamahagi ang karne nito sa tatlong bahagi, ang unang ikatlong bahagi nito ay para sa kanyang pagkain at ang ikalawang ikatlong bahagi nito ay dapat ipamigay bilang handog, at ang huling ikatlong bahagi ay dapat ipamahagi sa mga mahihirap bilang kawanggawa. 
  • Ipinahihintulot sa taong (nag-aalay) na ipagkakatiwala ito sa iba o ibigay ang kayamanan sa mga mapagkakatiwalaang institusyon ng kawanggawa na tumatayo [bilang tagapangasiwa] sa pagkatay sa Udh-hiyah at sa pamamahagi nito sa mga nangangailangan.