Thursday, May 30, 2013

Tanong at Sagot sa Salah

Talasalitaan

Kapag may mga salitang Arabik na di-maunawaan ang kahulugan ay mangyaring sumanguni lamang sa Talasalitaan na ito.

da`eef: Hadeeth na hindi mapananaligan kaya hindi dapat gamitin na patunay
dhikr: Panalangin sa wikang Arabik na itinuro ng Propeta (SAS) o hingngo sa Qur’an; personal na panalangin sa anumang wika
fard: Tungkuling dapat gawin; obligadong gawain o pagsamba.
Hadeeth: Ulat tungkol sa kung ano ang sinabi, ginawa, at sinang ayunan ng Propeta (SAS).
Imam: Taong namumuno sa pagsasagawa ng salah
Jama`ah: Grupo o pangkat ng mga taong sama-samang nagsasagawa ng salah. Ang jama ay binubuo ng 2 tao o higit pa.
Ma’moom: Taong pinamumunuan ng imam sa salah

MasbooqTaong nahuli sa paglahok sa salah sa jama`ah

Makrooh: Hindi kanais-kanais ngunit hindi naman ipinagbabawal.
Muftarid: Taong nagsasagawa ng salah na fard
Musafir: Manlalakbay. Musafir ang tawag sa taong lumabas sa kanyang bayan at pumunta sa isang lugar na ang layo mula sa kanyang sariling bayan ay hindi bababa sa 80 kilometro.
Mustahabb: Kanais-nais ngunit hindi fard
Mutanaffil: Taong nagsasagawa ng salah na hindi fard
Neeyah: Layunin o hangaring gawin ang isang bagay
Rak`ah: Yunit ng salah

Sahabah: Mga taong nakakita at naniwala kay Propeta Muhammad (SAS) at namatay na mga Muslim.  Ang kanilang sinabi o ginawa ay magagamit na batayan sa Sharee’ah.
Saheeh:  Hadeeth na napatunayang totoo o sinabi ng Propeta (SAS) kaya ginagamit na patunay upang katigan ang isang hatol.
Saheehayn:  Dalawang aklat na Hadeeth:  Ang Saheeh Al-Bukharee at ang Saheeh Muslim

Sharee’ah: Batas ng Islam
Sunnah: anumang itinagubiling Gawain sapagkat ito ay alinsunod sa ginawa ng Propeta (SAS)
Tasleem: Pagsabi ng assalamu ‘alaykum wa rahmatullaah habang lumilingon sa kanan at ang pagsabi uli nito habang lumilingon naman sa kaliwa.
Tawaf: Pag-ikot nang pitong beses sa Ka`bah.  Ito ay isa sa mga rituwal ng hajj at ‘umrah
SAS:  Sallallaahu ‘Alayhi wa Sallam (Ang biyaya at pagbati ni Allah ay sumakanya).  Ito ay binibigkas sa tuwing binabanggit ang pangalan o mga titulo ni Propeta Muhammad bilang paggalang sa kanya.
RA: Radiyallaahu ‘Anhu (kalugdan siya ni Allah). Ito ay binibigkas sa tuwing binabanggit ang pangalan o titulo ng isang anghel at ng lalaking kasamahan ni Propeta Muhammad (SAS) bilang paggalang sa kaniya. Radiyallaahu ‘Anhaa naman ang binibigkas kung ay ang asawa ni Propeta Muhammad (SAS) o ang babaeng kasamahan niya.

1. May mga taong nagsasagawa ng salah na fard ngunit walang anumang nakatakip sa kanilang mga balikat at iyon ay lalung-lalo na sa panahon ng hajj ( o ‘umrah) habang nasa sandali ng ihram;(1)* ano po ang hatol doon?

Sagot: Kung hindi niya magawang takpan, wala siyang kasalanan ayon sa sabi ni Allah: “Katakutan ninyo si Allah sa abot ng inyong makakaya.” (64:16) at ayon din sa sabi ng Propeta (SAS) kay Jabir bin ‘Abdullah (RA): Kung malapad ang tela, balutin mo (ang buong katawan); at kung hindi malapad, ipantapis mo na lamang.” Kung magagawa namang takpan ang dalawang balikat o kahit ang isang balikat, kailangang takpan ang dalawa o isang balikat ayon sa pinakatumpak na pahayag ng mga pantas ng Islam.  Kung hinayaang walang takip ang balikat, hindi tanggap ang salah ayon sa sabi na Propeta (SAS): “Walang sinuman sa inyo ang magsasagawa ng salah nang nakatapis nga ngunit wala naming anumang nakapatong sa balikat.”  Si Allah ang tagapagpatnubay.
__________________________________
(1)* Ang ihram ay isa sa mga rituwal na hajj at ‘umrah.

2.  Ano po ang hatol kapag nalamang ang isinagawang salay ay hindi pala nakaharap sa qiblah sa kabila ng lahat ng pagsisikap na alamin ang qiblah? Mayroon po bang pagkakaiba kung ang pangyayaring ito ay naganap sa lugar ng mga Muslim o sa lugar ng mga di-Muslim o sa isang ilang na lugar?

Sagot:  kung naganap ito habang ang isang Muslim ay naglalakbay o nasa bayang hindi madaling makakita roon ng isang taong makapagtuturo kung nasaan ang qiblah, ang kanyang sala ay tanggap kapag talagang nagsikap siyang hanapin ang qiblah ngunit bandang huli ay napag-alaman niya matapos magsagawa ng salah hindi pala siya nakaharap sa qiblahSubalit kung siya ay nasa lugar ng mga Muslim, ang salah niya ay hindi tanggap (kung hindi nakaharap sa qiblah) sapagkat maaari siyang makapagtanong sa isang taong makapagtuturo sa kanyang kung nasaan and qiblah at maari rin niyang malaman ito sa pamamagitan ng mga Masjid.

3.  Narinig namin na binbigkas na maraming mga tao ang neeyah kapag nagsisimulang magsagawa ng salah: ano po ang hatol ditto?

Sagot:  Ang pagbigkas ng neeyah ay walang batayan sa Sharee’ah. At walang ulat mula ss Propeta (SAS): Ang halaga ng mga gawa ay nakabatay sa layunin (neeyah) at ang bawat tao ay gagantimpalaan ayon sa kanyang nilayon.”

4.  Nakikita namin na may mga taong nagsisiksikan upang makapagsagawa ng salah sa loob ng Hijr Isma`eel.(2*)  Ano po ang hatol sa pagsasagawa ng salah dito? At mayroon po ba itong kalamgan (sa ibang salah)?

Sagot: Ang pagsasagawa ng salah sa loob ng Hijr Ismae’eel ay mustahabb (kanais-nais ngunit hindi kailangan o tungkuling isagawa) sapagkat ito ay bahagi ng ka`bah.  Sa Hadeeth na isinalaysay ni Ibnu “Umar tungkol sa Propeta (SAS) ay nabanggit na pumasok siya (SAS) sa ka`bah noong taong masakop ang Makkah at nagsagawa na dalawang rak`ah na salah sa loob nito.  Nasasaad din sa Hadeeth na sinabi niya (SAS) kay A’ishah (RA) (ang kanyang maybahay) nang nais nitong pumasok sa Ka`bah: “Magsagawa ka na salah sa loob ng Hijr Isma`eel sapagkat ito ay bahagi ng ka’abah.”

Tungkol naman sa salah na fard, mas mainam na hindi ito isagawa sa loob ng Ka`bah o Hijr Isma`eel sapagkat hindi ginawa iyon ng Propeta (SAS) at sapagkat may mga pantas ng Islam na nagsabing: “Hindi karapat-dapat na mgasagawa ng salah na fard sa loob na ka`bah o sa loob ng Hijr Isma`eel sapagkat ito ay bahagi ng ka`bah.” Dahil ditto, nalalaman na ang wasto ay ang isagawa ang salah na fard sa labas ng ka`bah at sa labas ng Haijr Isma`eel upang masunod and halimbawa ng Propeta (SAS) at maiwasan na masalungat ang mga pantas ng Islam na nagsasabing hindi tama ang pagsasagawa ng salah na fard sa loob ng Ka`bah at Hijr Isma`eel. Si Allah ang tapagpatnubayan.
______________________________________________________________
(2)*Ang Hijr Isma`eel ay ang bahagi ng ka`bah na hindi nasakop ng dingding nito.


5.  May mga kababaihang hindi nalalaman ang ipingkaiba ng regla sa istihadah,* kaya kapag nagpatuloy ang paglabas ng dugo (sanhi ng istihadah) humihinto sil sa pagsasagawa ng salah sa loob ng panahon na patuloyang paglabas ng dugo (ng istihadah).

Sagot:  Ang regla ay dugong itinakda ni Allah na lumabas sa mga kababaihan,  Kadalasan itong lumalabas buwan-buwan.  Nabanggit ito sa Hadeeth ng Propeta (SAS).

Ang babaeng may istihadah ay may tatlong kalagayan:

1.  Na siya ay wala talagang regular na period simula nang siya ay magkaregla: kaya buwan-buwan ay (may mga araw na) hindi siya mgsasagawa ng salah o pag-aayuno (kung buwan ng Ramadan) hangga’t may nakikita siyang dugo.  At hindi rin ipinahihintulot sa Kanyang asawa na makipagtalik sa kanya hangga’t hindi tumitigil ang paglabas ng dugo.   Ituturing na regla ang pagdurugo kung tumatagal ng 15 araw o mas mahaba pa ayon sa pahayag ng nakararaming mga pantas ng Islam.  Kung nagpatuloy ang pagdurugo sa loob ng mahigit sa 15 araw, siya ay may istihadah.*(3)  Aalamin niya kung ilang araw ang period ng karamihan sa mga malalapit niyang mga kamag-anakan; kaya kung halimbawang 6 o 7 araw ang period ng marami sa kanila, ituturing niya ang kanyang sarili na nagreregla ng 6 o 7 araw.  Ito ang gagawin niya kapag hindi niya malaman ang ipinagkaiba ng dugo ng regla sa dugo na istihadah.

2.  Na nakikilala niya (ang ipinagkaiba ng regla sa istihadah); kaya hihinto siya sa pagsasagawa ng salah at pag-aayuno (kung buwan ng Ramadan), at sa pakikipagtalik sa kanyang asawa sa loob ng mga araw na lumalabas ang dugong kilalang (regla) dahil sa kaitiman ng kulay at kakaibang amoy.  (kapag nawala na ang kaitiman at kakaibang amoy ng dugo) ay maliligo siya at saka magsagawa ng sala.*(4)  (Ituturing na regla ang dugong may kaitiman ang kulay at may kakaibang amoy) sa kondisyong hindi lalampas sa 15 araw ang paglabas niyon.

3.  Na dati ay may regular siyang period (halibawa’y 6 o 7 araw buwan-buwan tuwing umpisa o kalagitnaan o katapusan ng buwan bago pa man siya nagkaroon ng istihadah); kaya kapag dumating na ang kanyang period ay hihinto siy sa pagsasagawa ng salah o pag aayuno.  At kapag natapos na ang period na iyon ay saka siya maligo.  Maari na siyang magsagawa ng salah ngunit kailangang magsagawa siya ng wudu’ sa bawat salah hangga’t may dugong Lumabas sanhi ng istihadah.  Sa sandaling ito ay maari na rin siyang (kahit may dugo pang lumalabas na sanhi ng istihadh) hanggang hindi dumarating muli ang kanyang period para sa kasunod na buwan.  Ito ang buod ng mga Hadeeth ng Propeta (SAS) hinggil sa babaeng may istihadah.
_________________________________________________________________________________
(3)*Ang istihadah ay ang patuloy na pagdurugo na hindi na talaga humihinto o kung huminto man ay sa loob lamang ng maikling panahon gaya ng isa o dalawang araw sa isang buwan.  Iba ito sa regla.
(4)*Kahit may dugong lumalabas dahil ang dugong ito ay istihadah at ang babaeng nilabasan ng dugong sanhi ng istihadah  ay maaring magsagawa ng mga gawaing panrelihiyon at makipagtalik sa asawa.


4.  Nakikita namin na may mga taong nagsisiksikan upang makapagsagawa ng salah sa loob ng Hijr Isma`eel.(5)*  Ano po ang hatol sa pagsasagawa ng salah dito? At mayroon po ba itong kalamgan (sa ibang salah)?

Sagot: Ang pagsasagawa ng salah sa loob ng Hijr Ismae’eel ay mustahabb (kanais-nais ngunit hindi kailangan o tungkuling isagawa) sapagkat ito ay bahagi ng ka`bah.  Sa Hadeeth na isinalaysay ni Ibnu “Umar tungkol sa Propeta (SAS) ay nabanggit na pumasok siya (SAS) sa ka`bah noong taong masakop ang Makkah at nagsagawa na dalawang rak`ah na salah sa loob nito.  Nasasaad din sa Hadeeth na sinabi niya (SAS) kay A’ishah (RA) (ang kanyang maybahay) nang nais nitong pumasok sa Ka`bah: “Magsagawa ka nang salah sa loob ng Hijr Isma`eel sapagkat ito ay bahagi ng ka’abah.”
 
Tungkol naman sa salah na fard, mas mainam na hindi ito isagawa sa loob ng Ka`bah o Hijr Isma`eel sapagkat hindi ginawa iyon ng Propeta (SAS) at sapagkat may mga pantas ng Islam na nagsabing: “Hindi karapat-dapat na mgasagawa ng salah na fard sa loob na ka`bah o sa loob ng Hijr Isma`eel sapagkat ito ay bahagi ng ka`bah.” Dahil dito, nalalaman na ang wasto ay ang isagawa ang salah na fard sa labas ng ka`bah at sa labas ng Haijr Isma`eel upang masunod and halimbawa ng Propeta (SAS) at maiwasan na masalungat ang mga pantas ng Islam na nagsasabing hindi tama ang pagsasagawa ng salah na fard sa loob ng Ka`bah at Hijr Isma`eel. Si Allah ang tapagpatnubay.
_______________________________________________________
(5)*Ang Hijr Isma`eel ay ang bahagi ng ka`bah na hindi nasakop ng dingding nito.


5.  May mga kababaihang hindi nalalaman ang ipingkaiba ng regla sa istihadah,(7)* kaya kapag nagpatuloy ang paglabas ng dugo (sanhi ng istihadah) humihinto sil sa pagsasagawa ng salah sa loob ng panahon na patuloyang paglabas ng dugo (ng istihadah).

Sagot:  Ang regla ay dugong itinakda ni Allah na lumabas sa mga kababaihan,  Kadalasan itong lumalabas buwan-buwan.  Nabanggit ito sa Hadeeth ng Propeta (SAS).

Ang babaeng may istihadah ay may tatlong kalagayan:
1.  Na siya ay wala talagang regular na period simula nang siya ay magkaregla: kaya buwan-buwan ay (may mga araw na) hindi siya mgsasagawa ng salah o pag-aayuno (kung buwan ng Ramadan) hangga’t may nakikita siyang dugo.  At hindi rin ipinahihintulot sa Kanyang asawa na makipagtalik sa kanya hangga’t hindi tumitigil ang paglabas ng dugo.   Ituturing na regla ang pagdurugo kung tumatagal ng 15 araw o mas mahaba pa ayon sa pahayag ng nakararaming mga pantas ng Islam.  Kung nagpatuloy ang pagdurugo sa loob ng mahigit sa 15 araw, siya ay may istihadah.  Aalamin niya kung ilang araw ang period ng karamihan sa mga malalapit niyang mga kamag-anakan; kaya kung halimbawang 6 o 7 araw ang period ng marami sa kanila, ituturing niya ang kanyang sarili na nagreregla ng 6 o 7 araw.  Ito ang gagawin niya kapag hindi niya malaman ang ipinagkaiba ng dugo ng regla sa dugo na istihadah.

2.  Na nakikilala niya (ang ipinagkaiba ng regla sa istihadah); kaya hihinto siya sa pagsasagawa ng salah at pag-aayuno (kung buwan ng Ramadan), at sa pakikipagtalik sa kanyang asawa sa loob ng mga araw na lumalabas ang dugong kilalang (regla) dahil sa kaitiman ng kulay at kakaibang amoy.  (kapag nawala na ang kaitiman at kakaibang amoy ng dugo) ay maliligo siya at saka magsagawa ng sala.*  (Ituturing na regla ang dugong may kaitiman ang kulay at may kakaibang amoy) sa kondisyong hindi lalampas sa 15 araw ang paglabas niyon.

3.  Na dati ay may regular siyang period (halibawa’y 6 o 7 araw buwan-buwan tuwing umpisa o kalagitnaan o katapusan ng buwan bago pa man siya nagkaroon ng istihadah); kaya kapag dumating na ang kanyang period ay hihinto siy sa pagsasagawa ng salah o pag aayuno.  At kapag natapos na ang period na iyon ay saka siya maligo.  Maari na siyang magsagawa ng salah ngunit kailangang magsagawa siya ng wudu’ sa bawat salah hangga’t may dugong Lumabas sanhi ng istihadah.  Sa sandaling ito ay maari na rin siyang (kahit may dugo pang lumalabas na sanhi ng istihadh) hanggang hindi dumarating muli ang kanyang period para sa kasunod na buwan.  Ito ang buod ng mga Hadeeth ng Propeta (SAS) hinggil sa babaeng may istihadah.
________________________________________________________________________________
(7)*Ang istihadah ay ang patuloy na pagdurugo na hindi na talaga humihinto o kung huminto man ay sa loob lamang ng maikling panahon gaya ng isa o dalawang araw sa isang buwan.  Iba ito sa regla.  


6.  Kapay may salah na nakaligtaang isagawa ang isang tao gaya halimbawa ng sala sa dhuhr at naalala lamang iyon nang nasimulan nang isagawa ang salah sa ‘asr, sasabay ba siya sa jama`ah na ang neeya ay ang magsagawa ng sala sa ‘asr o ang neya ay ang magsagawa ng salah sa dhuhr? O isasagawa ba niya muna ang d\huhr at saka isasagawa ang ‘asr?

Sagot:  Ang nararapat sa sinumang napaalalahanan sa katanungang ito ay ang magsagawa ng salah -- na ang neeyah ay ang magsagawa ng salah para sa dhuhr -- kasama ng jama`ah na ang isinasagawang salah sa oras na iyon ay ‘asr upang mapanatili ang pagkasunod sunod ng mga salah.  Hindi naalis ang obligsyong kailangang sunod-sunod ang pagsasagawa ng salah dahil lamang sa pangambang hindi makasabay sa jama`ah.


7.  Maraming mga babae ang walang ingat sa pagsasagawa ng salah.  Lumilitaw ang braso o bahagi nito at pati narin ang paa at baka pati pa ang binti.  Kaya ang tanong, tangap po ba ang kanilang salah?

Sagot : Tungkulin na nasa wastong gulang (8)* na babaeng Muslim at may wastong pag-iisip na balutin ang kanyang buong katawan kapag nagsasagawa ng salah maliban sa kanyang mukha at palad.  Kaya kung ang isang babae ay nagsasagawa ng salah habang nakalitaw ang kanyang binti o paa o buhok o bahagi ng buhok, ang kanyang salah ay hindi tangagap ayon sa sinabi ng Propeta (SAS): “Hindi tatangapin ni Allah ang salah ng babaeng dinatnan na ng regla kung hindi natatakpan ang kanyang katawan.”  Ang ibig sabihin ng “babaeng dinatnan na ng regla” ay babaeng nasa wastong gulang na may lalaking hindi kaanu-ano ng babae na nakakikita sa kanya, kailangang takpan din niya ang kanyang mukha at kamay .
_________________________________________________________________________________
(8)*Ang isang Muslim  ay nasa wastong gulang kapag naganap ang alinman sa mga sumusunod 1) Kapag naging 15 taong gulang na, 2) kapag tinubuan na ng mga buhok sa maselang bahagi ng katawan, 3)Kapag nailabasan ng punlay sa panaginip (wet dream) o sa ano pa mang paraan 4) kapag ang isang babae ay may regla na.



8.  Kapag huminto ang regla ng isang babae sa oras ng “asr or “`isha”, pagsasamahin (9)* ba niya ang dhuhr at “asr o ang magrib at ang “`isha” yaman din lamang na ang mga salah na ito ay naipagsasama?

Sagot:  Kapag huminto ang regla ng isang babae (10)** o ang kanyang nifas (11)*** sa oras ng ‘asr, kailangan niya ring isagawa ang salah sa dhuhr kasama ng sala sa ‘asr ayon sa pinakatumpak na pahayag ng mga pantas nag Islam sapagkat ang oras ng dalawang salah na ito ay iisa para sa taong may dahilang ipagsama ang mga salah tulad halimbawa ng may-karamdaman at naglalakbay. Ang babaeng katatapos lamang huminto ang regla ay may dahilan ding ipagsama ang mga salah dahil sa pagkahuli ng paghinto ng kanyang regla.  Ganito rin ang patakaran kung huminto naman ang regla sa oras ng salah sa ‘`isha’, kailangan din niyang isagawa nang magkasama ang salah sa maghrib at `isha’.  Ganito rin ang payo ng isang pangkat ng mga sahabah (RA). 
_________________________________________________________________________________
(9)*Ang pagsasama ng salah ay ganito: isinasagaw muna ang salah sa dhuhr bago ang salahasr sa oras ng alin man sa dalawang salah na ito at ang salah sa maghrib bago ang salah sa `isha’ sa oras ng alin man sa dalawang nabanggit na salah.
(10)**Kapag huminto ang regla ng isang babae ay kailangang maligo siya sa lalong madaling panahon bago magsagawa ng salah o makipagtalik sa asawa.
 (11)***Ang nifas ay ang dugong inilalabas ng sinapupunan bago o habang matapos magsilang hanggang sa ika-40 araw matapos magsilang.  Para sa karagdagang kaalaman tungkol sa nifas, mangyari po lamang na sumngguni sa ating aklat na pnamagatang Isang Aklat Para sa Babaeng Muslim.


9.  Maraming mga mangagawa ang ipinagpapaliban ang pagsasagawang salah sa dhuhr at ‘asr at isinasagawa lamang ang mga ito sa gabi.  Ang kanilang idinadahilan ay abala sila sa kanilang mga gawain at ang kanilang damit ay may najasah(12)* o hindi malinis; kaya ano po ang maipapayo ninyo sa kanila?

Sagot:  Hindi ipinahihintulot para sa mga Muslim, lalaki man o babae, na ipagpaliban ang pagsasagawa ng salah na fard sa takdang oras nito.  Sa halip, tungkulin ng bawat Muslim, lalaki man o babae, na nasa wastong gulang na isagawa ang salah sa takdang oras nito sa abot ng makakaya.  Ang trabaho ay hindi dahilan upang ipagpaliban ang salah at ganoon din ang dumi sa damit.  Ang lahat ng ito ay hindi katangap-tanggap na dahilan.  Ang trabaho ay dapat itigil sa oras ng salah at inoobliga ang isang mangagawa pagsapit ng oras ng salah na hugasan ang bahagi ng kanyang damit na may najasah o palitan ng damit na malinis.  Ang dumi ay hindi hadlang sa pagsasagawa ng salah kung ang duming iyon ay hindi buhat sa mga najasah o hindi nagtataglay ng masamang amoy na nakapipinsala sa ibang mga nagsasagawa ng salah.  Kung ang dumi mismo o ang amoy nito ang nakakapinsala sa iba pang mga Nagsasagawa ng salah, kailangang hugasan iyon o palitan ng damit na malinis bago magsagawa ng salah nang sa gayon ay maisagawa niya ang salah kasama ng jama`ah.  Ipinahihintulot sa isang taong may katanggap-tanggap na dahilan, gaya ng may-sakit o naglalakbay, na ipagsama ang salah sa dhuhr at salah sa ‘asr sa oras ng alin man sa dalawang salah na ito at ipagsama ang maghrib at ‘`isha’ sa oras ng alin man sa dalawang ito.  Nasasaad din sa Hadeeth na maaring ipagsama ang mga salah kung may ulan at baha at mahirap para sa mga tao na isagawa nang isa-isa ang bawat salah.(13)*
________________________________________________________________________________
(12)*Najasah ang mga sumusunod: 1) ang dugo, 2) ang dumi at ihi ng tao, ihi nana, at suka 3) and dumi at ihi ng hayop na ipnagbabawal ng Islam na kainin 4) ang madhy:likidong malinaw na kadalasan ay lumalabas sa ari sanhi ng pagnanasang sesuwal, 5) ang wady: likidong malapot na lumalabas sa ari na maaaring lumabas pagkatapos umihi o kapag may karamdaman.

(13)*Ang pagsasama ng mga salah kapag may ulan o baha ay ipanahihintulot lamang sa mga taong nasa Masjid.  Isinasagaw ang pagsasama ng mga salah sa jama`ah.  Ang taong nasa kanyang tahanan ay hindi pinahihitulutang ipagsama ang mga salah kahit pa may ulan o baha dahil hindi mahirap para sa kanya na isagawa nang hiwalay ang mga salah.  Tingan ang sagot sa tanong bilang 53.



10.  Uulitin pa ba ng isang tao ang kanyang naisagawang salah matapos na magsagawa ng tasleem kapag siya ay nakakita ng najasah sa kanyang damit?

Sagot:  Ang sinumang nagsagawa ng salah samantalang ang kanyang katawan o kasuutan ay may najasah at napag-alaman lamang ang tunkol dito matapos maisagawa ang salah, ang kanyang salah ay tanggap ayon sa pinakatumpak na pahayag ng mga pantas ng Islam.  At ganoon din kung sakaling noong una pa man ay nalaman na niya (na ang kanyang kasuutan o damit ay may janasah) ngunit nakalimutan sa oras ng salah at naalala lamang pagkatapos ng salah, ang kanyang salah ay tanggap parin ayon sa isang talata ng Qur’an. “O Panginoon namin, huwag Mo po kaming parusahan kung kami ay makalimot o magkamali.” (2:286) Ang tugon naman ni Allah dito ay: “Ginawa ko na.”  Nabangit sa isa pang Hadeeth na isang araw habang ang Propeta (SAS) ay nagsasagawa ng salah samantalang ang kanyang sapin sa paa ay may najasah, ipinagbigay-alam sa kanya ni Jibreel ang tungkol dito.  Hinubad niya ang sapin at nagpatuloy sa kanyang salah at hindi na niya inulit ito.  Ito ay kaluwagan at habag na kaloob ni Allah sa kanyang mga lingkod.  Subalit ang sinumang makalimot na magsagawa ng wudu’ at nagsagawa ng salah, kailangan ulitin niya ang salah ayon sa nagkakaisang hatol ng mga pantas ng Islam. 

Ito ay alinsunod sa sinabi ng Propeta (SAS): “Hindi tangagap ang salah na walang wudu’ at ang kawanggawa na galing sa nakaw.” Ang Hadeeth na ito ay nasa Saheeh Muslim.  At ang sabi pa niya (SAS): “Kapag walang wudu’ and sinuman sa inyo, hindi tanggap ang kanyang salah hanggang hindi siya nakapagsagawa ng wudu’.” 



11.  Maraming mga tao sa ngayon ang pabaya sa kanilang salah.  Ang ilan sa kanila ay tuluyan nang hinintuan ang pagsasagawa ng salah; ano po ang hatol sa mga iyon? At ano ang tungkulin ng isang Muslim para sa kanila at lalong-lalo na sa kanyang mga kamag anakan gaya ng ama, anak, asawa at iba pa?

Sagot: Ang pagpapabaya sa salah ay kabilang sa mga malalaking kasalanan at ito ay kabilang rin sa mga katangian ng isang Munafiq (nagpapaggap na Muslim).  Ang sabi ni Allah: 
4:142


“Tunay na ang mga Munafiq ay nagsisikap na linlangin si Allah ngunit Siya ang lumilinlang sa kanila.  At kung sila ay tatayo upang magsagawa nang salah, sila ay tinatamad at nagpapakita lamang sa mga tao at kaunti lamg kung kanilang alalahanin si Allah.”
(4:142) At ang sabi pa ni Allah tungkol sa kanilang katangian: 

9:54
“At walang humahadlang sa kanilang ambag upang matanggap buhat sa kanila kundi dahil sa sila ay hindi sumasampalataya kay Allah at sa kanyang Sugo, dahil sa sila ay pumupunta sa salah nang patamad-tamad, at dahil sa sila ay gumugugol nang may sama ng loob.” (9:54)  Ang sabi naman ng Propeta (SAS): “Ang pinakamabigat na salah para sa mga Munafiq ay ang salah sa ‘`isha at salah sa fajr.  At kung nalalaman lamang nila kung ano ang gantimpalang mayroon and dalawang salah na ito, pupunta sila kahit pagapang upang isagawa ito.”  Kaya tungkulin ng bawat Muslim, lalaki man o babae,  na panatilihin ang pasasagawa ng limang salah sa kani-kanilang mga takdang oras at isagawa ang mga ito nang may kapanatagan,  may pagmamalasakit, may kataimtiman, at konsentrasyon  dahil ang sabi ni Allah:
23:1
23:2
“Tunay na mga matagumpay ang mga mananapalataya na sa kanilang pasasagawa ng salah ay maitimtim na ngpapakumbaba.” (23.:1-2) Nasasaad din sa isang Hadeeth na inutusan ng Sugo ng Allah (SAS) ang isang taong hindi pinagbuti ang pagsagawa ng salah na ulitiin ang salah sapagakat hindi niya iyon isinagawa ng may kapanatagan.  Sa panig naman ng mga kalalakihan, kailangang palagi nilang isagawa ang salah sa jama`ah, kasama ng kanilang mga kapatid sa pananampalataya, sa mga bahay ni Allah na walang iba kundi ang mga Masjid.  Ayon sa sinabi ng Propeta (SAS): “Ang sinumang makarinig ng panawagan (adhan) at hindi pumunta (sa dasalan), wala siyang salah maliban na lamang kung siya ay may magandang dahilan.”  Si Ibnu ‘Abbas (RA) tinanong kung ano ang magandang dahilan. “Takot o karamdaman,” ang sagot niya.  Ayon naman sa isang Hadeeth na inulat ni Abu Hurayrah (RA) tungkol sa Propeta (SAS), may isang lalaking bulag na nagsadya sa kanya (SAS) at ang sabi, “O Sugo ni Allah, wala po akong gabay na gagabay sa akin papuntang Masjid; kaya may kapahintulutan po ba akong magsagawa ng sala sa aking bahay?” Binigyan niya (SAS) ito ng kapahintulutan ngunit ng nakaalis na ito ay tinawag niya ito at sinabi rito “Naririnig mo ba ang panawagan ng salah? Opo,” sabi nito. Kung gayon, tugunin mo,”  sabi nman niya  (SAS). (Ang ibig niyang sabihin ay: Pumunta ka sa Masjid at doon isagawa ang salah.) Sa isa pang Hadeeth na nasa Saheehayn na iniulat pa rin ni Abu Hurayrah (RA), sinabi ng Propeta (SAS): “Napag-isipan kong mag- utos na simulan ang pagsasagawa ng salah at saka uutusan ko ang isang lalaki na mamuno sa salah at ako ay aalis, kasama ng ilang mga kalalakihan na may dalang mga bigkis ng panggatong, papunta sa mga taong hindi dumadalo sa salah upang aking sunugin ang kanilang mga bahay.”  Ang Hadeeth na ito ay nagpapahiwatig na ang salah sa jama`ah ay is sa mahalagang tungkulin ng mga kalalakihan at ang hindi tumutupad sa tunkuling ito ay karapat dapat parusahan.
            Idinadalangin natin kay Allah na nawa’y Kanyang pabutihin ang kalagayan ng lahat ng mga Muslim at pagkalooban sila ng tagumpay na ikinalulugod Niya.

Ayon sa pinakatumpak na pahayag ng mga pantas ng Islam, ang paghinto sa pasasagawa ng salah o kahit paminsan-minsan lamang ay itinuturing na isang malakingkawalan ng pananampalataya kahit hindi man ikaila na ang sala ay fard-maging lalaki man o babae ang huminto sa pagsasagawa ng salah.  Ang sabi nag Propeta (SAS):  “Ang namamagitan sa tao at kawalang pananampalatay ay shrik (pagatambal kay Allah) ay ang patalikod sa salah.”  Ang Hadeeth na ito ay nasa Saheeh Muslim.  Sa isa apang Hadeeth ay sinabi ng Propeta (SAS): “Ang kasunduang namamagitan sa atin at sa kanila (mga mananampalataya) ay ang salah; kaya ang sinumang huminto sa pagsasagawa ng salah ay nawalan na ng pananampalataya.”  Mayroon pang maraming ibang Hadeeth tungkol sa paksang ito.

            Ang nagkakaila sa pagiging fard ng salah, maging lalaki man o babae, ay tuluyan nang nawalan ng pananampalatay ayon sa nagkakaisang hatol ng mga pantas ng Islam kahit sabihin pang nagsasagawa rin siya ng salah.  Kaya hinihiling natin kay Allah na nawa’y huwag sanang mangyari sa atin at sa lahat ng mga Muslim ang gayon.  Tunay na Siya ang pinakamainam hilingan.

            Ang lahat ng mga Muslim ay may tungkuling pagpayuhan ang isa’t isa sa kung ano ang totoo at magtulungan sa kabutihan at kabanalan. Kabilang sa tungkuling ito ang pagpayuhan ang hindi dumadalo sa salah sa jama`ah o nagpapabaya sa salah anupa’t kung magkaminsan ay hindi na ito isinasagawa.  Tungkulin din na magbigay-babala sa kanya tungkol sa galit at parusa ni Allah.  Tungkulin ng kanyang ama, ina, mga kapatid, at kasambahay na siya ay kanilang pagpayuhan at magpatuloy sa pagpayo hangang sa siya ay patnubayan ni Allah maging matuwid.  Gayon di sa mga babaeng nagpapabaya at huminto sa pagsasagawa ng salah, tungkulin din na sila ay pagpayuhan, bigyang-babala sa galit at parusa ni Allah, at magpatuloy sa pagpayo at pagbibigay-babala.  Kung ayaw na talagang makinig ay putulin na ang ugnayan sa kanya at bigyan ng karampatang kaparusahan kung magagawa.  Ang lahat ng ito ay pakikipagtulungan sa kabutihan at kabanalan at pag-uutos sa mabuti at pababawal sa masama na ginawang obligasyon ni Allah sa Kanayng mga lingkod na mga lalaki at babae.  Ayon sa sinabi Niya: 
9:71
“Ang lalaking mananapalataya at babaeng mananampalataya ay mga wali (Kaibigan, katuwang, tagapagtanggol, tagatangkilik, at iba pa) ng bawat isa sa kanila.  Ipinag-uutos nila ang mabuti at ipinagbabawal ang masama.  Nagsasagawa sila ng salah , nagbibigay ng zakah, at sinusunod si Allah at ang Kanyang Sugo. Ang mga iyon ang kaawaan ni Allah.  Tunay na si Allah ay makapangyarihan, marunong.” (9:71) At ayon naman sa sinabi ng Propeta (SAS): “Utusan ninyo ang iyong mga anak na magsagawa ng salah pagsapit ng pitong taon, paluin sila sa hindi nila pagsasagawa ng salah at paghiwalayin (huwag pagtabihin sa higaan ang mgkapatid na lalaki at babae) ang kanilang higaan kapag sila sampung taon na.”  Kung ang mga batang lalaki at babae nga ay inuutusang magsagawa ng salah pagsapit ng ika-pitong taong gulang at pagsapit ng ika-sampung taong gulang ay papaluin kung hindi issagawa iyon, ang mga nasa hustong gulang ay mas lalong kailangang magsagawa ng salah at nararapat parusahan kung hindi niya ito isanasagawa sa kabila ng patuloy na papayo.  Ang pagtatagubilin sa isa’t isa  upang itaguyod ang katotohanan at ang patitiis alang-alang dito ay isang tunkulin batay sa sinabi ni Allah:  Sumpa man sa panahon, (14)* tunay na ang tao ay nasa kapahamakan; maliban sa mga sumasampalataya at gumagawa ng mga kabutihan at nagtatagubilinan ng pagtataguyod sakatotohanan at nagtatagubilinan ng pagtitiis"
.


Ang sinumang huminto sa pagsasagawa ng salah matapos na sumapit sa wastong gulang at hindi tinanggap ang payong magsagawa ng salah, ang kanyang kaso ay isasampa sa hukuman na Sharee’ah upang hilingin sa kanya na magsisi sa hindi pagsagawa ng salah.  At kung magsisissi siya, iyon ay mabuti para sa kanya: at kung hindi, hahatulan siya ng kamatayan.  Kaya ipinapanalangin natin kay Allah na sana ay pabutihin Niya ang kalagayan ng mga Muslim at pagkalooban sila ng karunungan sa relihiyon at patnubayan sila sa pakakikpagtulungan sa kabutihan at kabanalan, pag-uutos sa kabutihan at pagbabawal sa masama, pagtatagubilin sa isa’t isa na itaguyod ang katotohanan, at pagtitiis alang-alang dito.  Tunay na siya ay bukas-palad, mapagbigay.


12.  ang ilang mga tao, dahil sa mga sakunang sanhi ng sasakyan at iba pa, ay nakaranas ng pakaalog ng utak at pagkawala ng malay sa loob ng ilang araw; kaya kailangan po bang isagawa ng mga iyon ang mga salah na hindi nila naisagawa kapag nanumbalik na ang kanilang malay?

Sagot:  Kung ang pagkawala ng malay ay ngatagal lamng ng maikling panahon, halimbawa’y tatlong araw o mababa pa, obligado silang isagawa ang mga salah na hindi nila naisagawa.  Naiulat ng isang pangkat na mga sahabah (RA) na sila ay nawalan ng malay sa loob ng panahong mababa sa tatlong araw ngunit nang nanumbalik na ang kanilang malay ay isinagawa nila ang mga salah na hindi nila naisagawa.  Kung ang pakawala naman ng malay ay higit sa tatlong araw, hindi na kailangang magsagawa ng mga salah para sa mga araw na hindi nakapagsagawa ng salah.  Ayon ito sa sinabi ng Propeta (SAS):  “Inangat ang panulat sa tatlong tao: (15)* ang natutulog hanggang sa magising, ang bata hanggang sa maging sapat ang gulang, at ang baliw haggang sa bumalik ang pag-iisip.” Ito ay alinsunod sa sinabi ng Propeta (SAS): “Hindi tanggap ang salah na walang wudu’ at ang kawanggawa na galing sa nakaw.”  Ang nawalan ng malay sa loob ng tatlong araw o higit pa ay para na ring baliw dahil kapwa sila nawala sa sarili.  Si Allah ang tagapagpatnubay.
_______________________________________________________________________________
(14)* Ang nanunumpa sa panahon ay si Allah.  Karapatan ni Allah na sumumpa sa alin man sa Kanyang mga nilikha ngunit ang tao ay hindi pinahihitulutang sumumpa sa iba maliban pa kay Allah.
(15)*Ibig sabihin ay hind itnatala ng mga anghel ang kanilang gawa kaya hindi sila papanagutin sa kabilang-buhay sa anumang nagawa nila.


13.  Marami sa mga may karamdaman ang nagpapabaya sa pagsasagawa ng salah at sinasabing, “Kapag ako ay magaling na, issasagawa ko ang mga salah na hindi ko naisagawa.”  Ang iba naman sa kanila ay nagsasabi, “Papaano akong makagpagsasagawa ng salah samantalang hindi ako makapasagawa ng wudu’ at hindi ko malinis ang katawan mula sa najasah.”  Ano po ang inyong maipapayo sa mga iyo?

Sagot:  Ang karamdaman, hagga’t hindi pa nawala ang katinuan, ay hindi makahahadlang sa pagsasagawa ng salah dahil lamang sa kawalang kakayahang magsagawa ng wudu’.  Sa halip tungkulin pa rin ng isang may-sakit na magsagawa ng salah sa abot ng kanyang makakaya.  Magsasagawa siya ng wudu’ sa abot ng kanyang makakaya at kung hindi siya maaring gumamit ng tubig, magsasagawa siya ng tayamum at saka magsagawa ng salah.  Ang najasah sa kanyang katawan at kasuutan ay kailangang hugasan sa oras ng salah o palitan ang kasuutan na may najasah ng malinis na kasuutan sa oras ng salah.  Kung hindi niya kayang hugasan ang najasah o palitan ang kasuutan na may najasah ng kasuutan na malinis, hindi na niya kailangan gawin iyon.  Magsasagawa siya ng salah maging ano pa man ang kalagayan  niya batay sa sinabi ni Allah: 
فاتقوا الله ما استطعت
“Kaya katakutan ninyo si Allah sa abot ng inyong makakaya.”
(
64:16) At ayon din sa sinabi ng Propeta (SAS):  “Kapag may ipinag-utos ako sa inyo, isgawa ninyo iyon sa abot ng inyong makakaya.” Ang Hadeeth na ito ay nasa Saheehayn.  Ang sabi pa niya (SAS) kay ‘Imran bin Husayn (RA) nang idinaing nito ang karamdaman sa kanya: “Isagawa mo ang sala nang nakatayo; at kung hindi mo kaya, isagawa mo nang nakaupo; at kung hindi mo kaya, isagawa mo nang nakahigang patagilid.”  Ang Hadeeth na ito ay nasa Saheeh Al-Bukhari.  Sa iba pang Hadeeth ay ito pa ang idinagdag: “at kung hindi mo parin kaya, isagawa mo nang nakatihaya.”


14.  Ang salah na sadyang hindi isinagawa ng isang tao-isang salah o higit pa - ay kailangan pa bang isagawa kapag siya ay pinatnubayan na ni Allah na magbalik-loob?

Sagot:  Hindi kailangang isagawa ang mga salah na hindi naisagawa kung ang mga iyon ay sadyang hindi isinagawa.  Ito ang pinakatumpak na pahayag ng mga pantas sapagkat ang isang taong sadyang hindi nagsasagawa ng salah ay lumabas na sa loob ng Islam at pumasok sa bakuran ng mga di-sumasampalataya. Hindi isasagawa ng isang di-sumasampalataya ang mga salah na hindi naisagawa noong siya ay wala pang pananampalataya.  Ito ay ay batay sa sinabi ng Propeta (SAS):  “Ang namamagitan sa tao at kawalang pananampalataya at shirk  (pagtatambal kay Allah) ay ang pagtalikod sa salah.” Ang Hadeeth na ito na nasa Saheeh Muslim ay isinalaysay ni Jabir bin ‘Abdullah (RA).  Ang sabi pa niya (SAS):  “Ang kasunduang namamagitan sa atin at kanila (mga mananampalataya) ay ang salah; kaya ang sinumang tumalikod sa salah ay nawalan na ng pananampalataya.”  Karagdagan pa rito , hindi inatasan ng Propeta (SAS) ang mga di-Muslim na nagsipasok sa Islam na isagawa ang mga salah na hindi nila naisagawa noong sila ay hindi pa mga Muslim.  At ganoondin ang mga sahabah (RA), hindi nila inatasan ang mga Murtadd (tumalikod sa Islam) nang ang mga ito ay magbalik sa Islam na isagawa ang mga salah na hindi nila naisagawa (noong sila ay mga Murtadd pa).  Ngunit kung isagawa man ng isang taong huminto sa pagsasagawa ng salah ang mga salah na sadyang hindi niya isinagawa, walang masama sapagkat ito ay pag-iingat at pag-iwas na masalungat ang sinabi ng nakararaming pantas ng Islam na hindi nagiging di-mananampalataya ang huminto sa pagsasagawa ng salah kung hindi rin lamang niya ikinaila na ang salah ay fard.  Si Allah ang tagapagpatnubay.


15.  May mga taong nagsasabi na kapag hindi nakapasagawa ng adhan sa umpisa ng pagsapit ng oras ng salah, hindi na kailangang mgasagawa ng adhan sapagkat ang adhan ay ang pagbibigay-alam na pagsapit ng oras ng salah.  Ano po ang inyong pahayag hinggil dito? Kailangan pa po bang mgasagawa ng adhan ang taong nagiisa sa disyerto o ilang?

Sagot:  Kapag hindi nasagawa ng adhan ang mu’adhdhin sa simula pa lamang ng pagsapit ng oras ng salah, hindi na niya kailangang magsagawa ng adhan kung sa lugar din naiyon ay may mga mu’adhdhin bukod pa sa kanya sapagakat ang mga iyon na ang tumupad sa tungkuling magkaroon ng adhan.  Subalit kung ang pagkahuli ng pagsasagawa ng adhan ay hindi naman gaanong matagal, walang masama kung isagawa ang adhan.  Kung wala ngng iba pang mua’dhdhin maliban sa kanya, kailangan niyang magsagawa ng adhan kahit nahuli siya nang matagal sapagkat ang adhan sa pagkakataong ito ay fard kifayah (16)* at walang ibang magsasagawa nito kaya kailangan niyang isagawa ito dahil tungkulin niya ito at ang mga tao ay kadalasang naghihintay lamang.

            Itinatagubilin sa musafir (manalalakbay) na magsagawa ng adhan kahit nag-iisa lamang siya.  Ito ay ayun sa Hadeeth na sinabi ni Abu Sa’eed (RA) sa isang lalaki:  Kapag ikaw ay kasama ng iyung mga 
  tupa sa ilang, lakasan mo ang iyong tinig kapag nagsasagawa ng adhan.  Walang jinn o tao o maging ano paman na nakarinig sa narating ng tinig ng isang mu’adhdhin na hindi sasaksi para sa kanya sa araw ng paghuhukom.”
___________________________________
(16)*Isang obligasyon ng isang komunidad ng mga Muslim na kapag ginawa ng isa sa kanila o ilan sa kanila, silang lahat ay hindi magkakasala at hindi pananagutin ni Allah.  Subalit kung wala ni isa man lamang sa kanila ang nagsagawa nito, silang lahat ay magkakasala at mananagot.


16.  Kapag nakalimutan ang iqamah at nagsagawa ng salah (nang walang iqamah), makakaapekto ba iyon sa salah na isinagaw ng isang tao o ng isang jama`ah.

Sagot:  Kapag ang salah ay isinagawa ng isang tao o ng isang jama`ah nang walang iqamah, ang salah ay tanggap parin ngunit ang sinumang nakagawa ng ganito ay kailangang humingi ng tawad kay Allah.  Ganoon di naman kung sakaling nagsagawa ng salah nang walang adhan, ang salah ay tanggap pa rin sapagkat ang adhan at ang iqamah ay ilan lamang sa mga fard kifayah at ang dalawang ito ay hindi bahagi ng salah.

            Ang sinumang hindi nakapagsagawa ng adhan at iqamah ay kailangang humingi ng tawad kay Allah sapagkat kapag hindi naisagawa ang mga fard kfayah ay nagkakasala ang lahat ngunit hindi sila magkakasala kung may isa o ilan sa kanilang nagsagaw nito.  Ang adhan at iqamah ay ilan sa mga fard kifayah.  Kapag 


17.  Ipinahihintulot ba sa mga babae ang pagsasagawa ng adhan at iqamah kung wala silang kasamang lalaki?

Sagot:  Ang mga babae ay hindi kinakailangang magsagawa ng adhan o iqamah, nananatili man sila sa kanilang lugar o nasa paglalakbay.  Ang pagsasagawa ng adhan at iqamah ay ilan sa mga gawaing laan lamang sa mga kalalakihan gaya ng ipinakita ng mga Hadeeth na saheeh buhat sa Propeta (SAS).

isinagawa ang dalawang ito ng sapat na bilang ng tao, hindi na tungkulin ng lahat na isagawa ito at hindi na magkakasala ang lahat maging sila man ay nanatili sa kanilang lugar o nasa paglalakbay, nasa mga nayon o mga bayan at lunsod o mga ilang.

            Hinihiling natin kay Allah na ipagkaloob sa lahat ng mga Muslim ang lahat ng patnubay na ikanalulugod Niya.


18.  Maraming mga kapatid sa Islam ang maysadong istrikto pagdating sa paggamit ng sutrah (17)* anupa’t naghihintay silang magkaroon ng sutrah kapag sila ay nasa loob ng Masjid at walang makitang bakanteng halige o ding ding o anumang magagamit na sutrah.  Pinupuna nila ang nagsasagawa ng salah  na walang sutrah.

Ang iba naman ay hindi binibigyang halaga ang sutrah.  Ano po ba ang tama rito?  Ang guhit po ba ay maaring ipamalit sa sutrah kapag wala ito?  At mayroon po ba naman itong batayan? 

Sagot:  Ang pagsasagawa ng salah na nakaharap sa sutray isang sunnah mu’akkhadah (gawaing binigyan ng lubos na pagpapahalaga ng Propeta (SAS) at hindi fard.  Kaya kung hind man nakakita ng anumang nakatay o nakaharang, maari na ang guhit.  Ang patunay sa binanggit natin ay ang sinabi ng Sugo (SAS): Kapag nagsagawa ng salah ang sinuman sa inyo, magsagawa siya ng salah ng nakaharap sa sutrah.”  Ang sabi pa ng Propeta (SAS): “Kapag nagsagawa ng salah ang sinuman sa inyo, maglagay siya sa kanyang harapan ng anumang bagay.  Kung wala siyang makita, magtusok siya ng isang patpat (sa kanyang harap).* Ngunit kung wala siyang makitang patpat, gumuhit siya ng isang guhit (sa kanyang harap) at kapag ginawa niya iyon hindi maapektuhan ang kanyang salah ng nagdaraan sa kanyang harapan.” Napatunayan din sa ibang mga Hadeeth na may mga pagkakataong nagsagawa ng salah ang Sugo (SAS) nang walang sutrah; kay ito ay nagpapahiwatig na ang sutrah ay hindi fard.  Sa Al-Masjid Al-Jaram, ay hindi  nanganailangang maglagay ng sutrah ng nagsasagawa ng salah doon.  Ito ay batay no po sa napatunayang ginagawa noon ni Ibnu Zubayr (RA).  Siya noon ay nagsasagawa ng salah sa Al-Masjid Al-Haram nang walang sutrah samantalang ang mga nagssagawa ng tawaf ay nasa harapan niya.  Karagdagan pa rito, ang Al-Masjid Al-Haram ay isang lugar na tagagang inaasahang magkakaroon ng siksikan samaraming pagkakataon at hindi magagawang hadlangang ang mga nagsisidaan sa harap; kaya inalis na ang pagiging kanais-nais ng paglalagay ng sutrah na ating nabanggit. Sa Al-Masjid An-Nabawi sa Madinah at sa iba pang lugar na pinagsasagawaan ng salah, sa mga sandaling matindi ang siksikan, ay hindi na kailangan ang sutrah.  Ito ay bilang pagsunod sa sinabi ni Allah:  “kaya katakutan ninyo si Allah sa abot ng inyong makakaya.” (64:16) Ang sabi naman ng sugo (SAS): “Kapag may ipnag-utos sa inyo, gawin ninyo ito sa abot ng inyong makakaya.”  Si Allah ang tagapagpatnubay.

sinabi ng Propeta (SAS): “Kung nalalaman lamang ng nagdaraan sa harap ng nagsasagawa ng salah ang pananagutan niya, mas pipiliin pa niyang maghintay ng apatnapung (araw o buwan)* kaysa sa dumaan sa harapan ng nagsasagawa ng salah.”


19.  Nakikita naming inilalagay ng maraming tao ang kamay sa ilalim ng pusod.  Ang iba naman ay inilalagay ang kamay sa dibdib at mariin nilang tinutuligsa ang kamay sa dibdib sa tabi ng leeg.  May iba namang nakalawit ang kamay.  Kung gayon, ano po ang tama sa mga ito? Patnubayan kayo ni Allah.

Sagot: Ipinakikita ng Hadeeth na saheeh na ang pinakamainaman para sa nagsasagawa ng salah habang nakatayo ay ipatong ang kanyang kanang palad sa kaliwang kamay na nakapatong naman sa kanyang dibdib, bago at pagkatapos yumukod. Pinagtibay ito ng ipinahihiwatig ng Hadeeth na isinalaysay ni Wa’il  bin Hujr at Qabeesah bin Halab At-Taee ayon sa kanyang ama -- kalugdan sila ni Allah -- at pinagtibay rin iyon ng ipinahihiwatig ng Hadeeth na isinalaysay ni Sahl bin Sa’d As-Sa’dee (RA).  Tungkol naman sa paglalagay ng kamay sa ilalim ng pusod, ito ay nasasaad sa isang Hadeeth na da`eef (mahina anupa’t hindi mapaniniwalaan o mapagbabatayan) na diumano’y isinalaysay ni ‘Ali bin Abee Talib (RA).  Tungkol naman sa paglawit ng kamay o paglalgay sa digdib sa tabi ng leeg, ito ay salaungat sa sunnah.  Si Allah ang tagapatnubay.



20.  Maraming mga kapatid sa Islam ang nagpapahalaga sa pag-upo nakung tawagin ay jalsatu istirahah (18)* at pinupuna ang hind umuupo nang ganito.  Ano po ang hatol dito? At kanais-nais poi ba ang ganitong pag-upo para sa imam (namaumuno sa salah) at ma’moon (taong pinangungunahan ng imam sa salah) kung papanong ito ay kanais-nais para sa munfarid (mag-isang nagsasagawa ng salah).

Sagot:  Ang Jalsatul istirahah ay kanais-nais para sa imam, ma’mmom, at munfarid.  Ang pag-upong ito ay katulad ng pag-upo sa pagitan ng dalawang papapatirapa.  Ito ay daglian at walang dhikr o dua’a’ na binibigkas dito.  At ang sinumang  hindi naupo ng ganito ay hindi nagkakasala.  Ang mga Hadeeth hinggil sa pag-upong ito ay napatunayang buhat sa Propeta (SAS).  Ang ilan sa mga Hadeeth na ito ay isinalaysay nina Malik bin Al-Huwarith at Abu Hameed As-Sa’idee at ng isang pangkat ng mga sahabah (RA).  Ai Allah ang pumapatnubay.
 _________________________
(18)*Ito ang dagliang pag-upo pagkatapos ng ikalawang pag-papatirapa sa unang rak`ah at ikatlong rak`ah ng mga salah na binbuo ng apat na ra’ah at pagkatapos ng ikalawang papapatirapa ng unang rak`ah ng salah na binubuo ng tatlo o dalawang rak`ah.


21.  Papaanong isasagawa ng isang Muslim ang salah sa loob ng eroplano?  At mas mabuti ba para sa kanya na isagawa ang salah sa umpisa ng oras nito habang nasa eroplano o maghintay na makarating sa paliparan at magsagawa doon ng salah sa katapusan ng oras nito?

Sagot:  Ang isang Muslim na nakalulan sa eroplano ay kailangang magsagawa ng salah doon sa abot ng kanyang makakaya kapag dumating na ang oras nito.  Kung magagawa niyang magsagawa ng salah na may kasamang patayo (qiyam), pagyukod (ruku`), at pagpapatirapa (sujud), gagawin niya ang mga ito.  Kung hindi magagawa ang mga iyon, isassagawa ang salah ng nakaupo.  Ang pagyukod (ruku`) at ang papapatirapa (sujud) ay ipahihiwatig (sa pamamagitan ng pagyuko ng ulo at pagyukod ng katawan).  Kung makakita siya ng isang lugar sa eroplano na maari tumayo at magpatirapa sa sahig sa halip na ipapahiwatig ang mga kilos na ito, kailangan magsagawa ng salah sa lugar na iyon.  Ito ay batay sa sinabi ni Allah:  “Kaya katakutan ninyo si Allah sa abot ng inyong makakaya.” (64:16) at batay din sa sinabi ng Propeta (SAS) kay ‘Imran bin Husayn (RA) ng ito ay may sakit: “Isagawa mo ang salah nang patayo; kung hindi mo kaya, isagawa mo nang paupo; kung hindi mo kaya, isagawa mo nang pahigang nakatagilid.”  Ito ang salaysay sa Saheeh Al-Bukhari ngunit ang salaysay na Nasa’ee ay may dagdag na: “kung hind mo parin kaya, isagawa mo nang patihaya.”  Ang mabuti para sa kanya ay ang isagawa ang salah sa simula pa lamang ng oras nito. Ngunit kung ipahuli  man niya ang pagsasagawa ng salah at isagawa ito kapag malapit ng magtapos ang oras nito upang ito ay isagawa sa labas ng eroplano, walang masama ayon sa lahat ng mga patunay.  Ang patakaran para sa nakasakay sa kotse, tren, at barko ay ang mismong patakaran para sa nakasay sa eroplano.  Si Allah ang tagapagpatnubay.


22. Maraming mga tao ang gumagawa ng maraming mga walang kabuluhang kilos at kalikutan habang nagsasagawa ng salah: mayroon po bang itinakdang bilang ng galaw na makapagpapawalang-saysay sa salah?  At ang pagtatakda sa
tatlong magkasunod na galaw (na walang kaugnayan sa salah
na diumanoy’y nakakapagpawalang-saysay sa salah) ay may batayan po  ba?  Ano po ang inyong maipapayo sa taong sobrang likot sa salah?

Sagot:  Ang mananampalataya, lalaki man o babae, ay kailangang maging panatag sa pagsasagawa ng salah at iwasan ang mga walang kabuluhang kilos sapagkat ang kapanatagan ay bahagi ng salah.  Nasasaad sa Hadeeth na nasa Saheehayn na inutusan ng Propeta (SAS) ang isang taong hindi panatag ang pagsasagawa ng salah na ulitin ang salah.  Itinatagubilin sa bawat Muslim, lalaki man o babae, na isagawa ang salah nang maykataimtiman, sigasig, at konsentrasyon sa harap ni Allah sapagkat ang sabi Niya: “Tunay na matagumpay ang mga mananampalataya na sa kanilang pagsasagawa ng salah ay mataimtim na nagpapapakumbaba.” (23:12) Hindi rin maganda na kung anu-ano ang gagawin sa damit o sa balbas o maging ano pa man iyon.  At sa aking pagkakaalam ayon sa sharee’ah, ipinagbabawal ang marami at sunod-sunod na mga walang kabuluhang kilos at galaw at ang salah ay nawawalan din ng saysay.

            Walang takdang bilang (ang mga walang kabuluhang galaw na nagpapawalang-saysay sa salah) at ang sinasabing pagtatakda sa tatlong galaw ay maling pahayag at walang batayan.  Ang maaasahang pahayag sa kung ano ang maraming walang kabuluhang galaw ay ang paniniwala ng nagsasagawa ng salah.  Kapag naniwala siya na siya ay nakagawa ng maraming walang kabuluhang galaw at nagkasunod-sunod pa iyon, kailangang ulitin niya ang salah kung ito ay fard at kailangang pagsisihan niya iyon.  Ang aking payo sa bawat lalaki at babaeng Muslim ay maging maselan sa pagsasagawa ng salah, mataimtim, at huwag gumawa ng mga walanng kabuluhang galaw kahit kaunti lamang dahil napakadakila ng kalagayan ng salah sapagkat ito ang pangunahing haligi ng Islam, pinakadilang saligan ng Islam matapos ang shahadatan, at ang unang gawa na pananagutan ng tao sa araw ng paghuhukom.

Patnubayn nawa ni Allah ang mga Muslim sa pagsasagawa nila ng salah sa paraang iknalulugod Niya.


23.  Ano po ba ang lalong mainam kapag magpapatrapa, ilapag muna ang tuhod bago ang mga kamay o ang kabaligtaran?  Papaano pagtutugmain ang dalawang Hadeeth hinggil dito na magkasalungat?

Sagot:  Ang sunnah para sa nagsasagawa ng salah, kapag nais niyang magpatirapa, ay ilapag niya muna ang mga tuhod bago ang mga kamay kung kaya niya ito. Ito ang pinakatumpak na pahayag ng nakararaming mga pantas batay sa Hadeeth na isinalaysay ni Wa’il bin Hujr (RA) at iba pang mga hadeeth na ganito rin ang kahulugan.  Tungkol naman sa Hadeeth na isinalaysay ni Abu Hurrayrah (RA), ang totoo niyan ay hindi nito sinasalungat (ang Hadeeth na isinalaysay ni Wa’il) sa halip ay tumutugma pa ito roon sapagkat sa Hadeeth na ito ay ipinagbabawal  ng Propeta (SAS) sa nasasagawa ng salah na lumuhod na gaya ng pagluhod ng kamelyo.  At ang sinabi sa katapusan ng Hadeeth na ito.  “At ilapag niya muna ang kanyang mga kamay bago ang kanayng mga tuhod” ay malamang na isang pagkakamali ng mananalaysay.  Ang tama ay:  “Ilapag niya muna ang mga tuhod bago ang mga kamay.”  Sa ganito ay napagtutugma ang mga Hadeeth at ang huling bahagi ng Hadeeth na nabanggit ay tumutugma na sa simula ng Hadeeth at naalis na ang pakakasalungatan.  Ganito rin ang pakahulugang ibingay ni Ibnul Qayyim -- kahabagan siya ni Allah -- sa kanyang akalat na pinamagatang Zadul Ma`ad

Ang hindi naman kayang unahin ang mga tuhod sanhi ng kahinaan o katandaan ay hindi masisisi sa pag-una ng kanyang mga kamay ayon sa sinabi ni Allah: “Kaya katakutan ninyo si Allah sa abot ng inyong makakaya.” At ayon sa sinabi ng Propeta (SAS):  “Ang ipinagbawal ko sa inyo ay iwasan ninyo at ang ipinag-utos ko sa inyo ay gawin sa abot ng inyong mgkakay.”  Si Allah ang tagapagpatnubay.


24.  Ano po ang opinyon ninyo sa pag-ehem habang nagsasagawa ng salah, pag-ihip, at pag-iyak; nakakapapawalang -- saysay po ba ang mga ito sa salah?

Sagot:  Ang pag-ehem, pag-ihip, at pa-iyak --  ang lahat nang ito ay hindi nakakapagpawalang -- bisa sa salah at walang masama kung talagang tinatawag ng pangngilangan.  Makrooh lamang gawin ang mga ito kundi kailangan sapagkat ang Propeta (SAS) ay umeehem kay ‘Ali (RA) kapag siya ay humihingi ng pahintulot dito habang siya ay nagsasagawa ng salah.  Ang  pag-iyak na ito ay buhat sa pagpapakumababa, debosyon kay Allah, at walang halong pagkukunwari.  Naiulat na ang Propeta (SAS) ay umiiyak sa salah.  Ganito rin ang naiulat tungkol kina Abu Bakr, ‘Umar, mga sahaba, at mga tagasunod nila – kalugdan silang lahat ni Allah.


25.  Ano po ang hatol sa pakikipagkamay pagkatapos ng salah?  At mayroon po bang pagkakaiba ang pakikipagkamay pagkatapos ng salah na fard sa pakikipagkamay pagkataos ng salah na sunah?

Sagot:  Ang pakikipagkamay kapag nagkikita ang mga Muslim ay itinatagubilin.  Ang Propeta (SAS) ay nakikipagkamay sa kanyang mga sahabah (RA) kapag nakatagpo niya sila.  At ang mga sahabah rin ay nagkakamayan kapag nakikita.  Ang sabi nina Anas (RA) at Ash-Sha’bi -- kahabagan sila ni Allah:  “Kapag nagkikita ang mga sahabah, sila ay nagkakamayan; at kapag sila ay dumating buhat sa isang paglalakbay, sila ay nagyayakapan.”  Nasasaad sa Hadeeth na nasa Saheehayn na si Talhah bin “Ubaydullah na isa sa sampung tao na tiniyak na papasok sa paraiso -- kahabagan sila ni Allah -- ay tumayo sa pagtitipon ng Propeta sa Masjid nito ay lumapit kay Ka’b bin Malik (RA) nang ito ay gawaran ni Allah ng kapatawaran  upang makipagkamay rito at batiin  ito sa kapatawarang natamo nito.  Ang gawaing ito ay laganap noong kapanahunan  ng Propeta (SAS) at noong wala na siya.  Nasasaad sa Hadeeth na kanyang sinabi na:  Kapag ang dalawang Muslim ay nagkita at saka nagkamayan, malalagas sa kanila ang kanilang kasalanan tulad ng pagkalagas sa kahoy ng dahon nito.”

            Isang kanais-nais na bagay ang pakikipagkamay kapag nagkita sa Masjid o sa klase,  Kapag hindi nakipagkamay bago magsagawa ng salah, makipagkamay pagkatapos nito nang sa gayon ay maisagawa ang dakilang sunnah na ito sapagkat ito ay nagpapatibay sa pagmamahalan at nag-aalis  ng sama ng loob.  Kung hindi kinamayan ng isang Muslim ang kanyang kapwa bago magsagawa ng salah na fard, makabubuting kamayan niya ito pagkatapos ng salah matapos bigkasin ang dhikr.  Tungkol naman sa ginagawa ng ibang mga tao na nakikipagkamayan kaagad matapos na isagawa ang ikalawang tasleem ng salah na fard, wala akong nalalaman na itoy may batayan.  Datapuwa’t malinaw na ito ay hindi maganda dahil walang batayan ang ganito at sa dahilang ang nagsasagawa ng salah, sa pagkakataong ito, ay dapat na bumigkas  ng mga dhikr na siyang ginagawa noon ng Propeta (SAS) pagkatapos magsabi ng tasleem sa salah na fard.  Tungkol naman sa salah na sunah, mabuting makipagkamayan pagkatapos magsabi ng tasleem kung hindi nagkamayan bago magsagawa ng salah.  Subhalit kung nagkamayan na bago magsagawa ng salah, sapat na iyon.


26.  Mayroon bang Hadeeth na nagpapatunay na kanais-nais ang pagpalit ng lugar kapag magsasagawa ng salah na sunnah pagkatapos magsagawa ng isang salah?

Sagot:  Walang Hadeeth na saheeh, sa aking pagkakaalam, hinggil dito.  Subalit si Ibnu ‘Umar (RA) at ang maraming salaf (19)* ay ginagawa ito.  May isang Hadeeth na da`eef hinggil dito na iniulat ni Abu Dawud -- kahabagan siya ni Allah.  Ang ginagawa ni Ibnu Umar at ng salaf ay maaring kumatig sa Hadeeth na de’eef na ito.  Si Allah ang tagapagpatnubay. 
__________________________________
(19)*Sila ang mga taong nagunguna sa sambayanang Muslim na kinabibilangan ng mga sahabah ng Propeta (SAS), mga tagasunod ng mga ito, at ang mga imam ng Islam sa unang tatlong siglo ng Islam.  Ang katawagang ito ay itinaguri rin sa sinumang ginagawang huwaran ang salaf.


27.  May Hadeeth na naghihikayat na sabihin ang dhikr na:  laa ilaaha illalaah, wahdahu laa shareeka lah, lahul mulku wa lahul hamd, wa huwa ‘alaa kulli shay’in qadeer nang sampung beses pagkatapos ng salah sa fajr at maghrib; saheeh po ba ang Hadeeth na ito?

Sagot:  Ang mga Hadeeth tungkol dito sa sahheh at buhat sa Propeta (SAS).  Ang lahat ng ito ay nagpapatunay na sunnah ang dhikr na nabaggit pakatapos ng salah sa fajr at maghrib.  Binibigkas ang:  laa ilaaha illaahah, wahdahu laa shareeka lah, lahul mulku wa lahul hamd, wa huwa ‘alaa kulli shay’in qadeer nang sampung beses.  Sunah para sa bawat mananampalataya, lalaki man o babae, na palagi  itong bigkasin pagkatapos ng salah sa fajr at maghrib.  Bibigkasin ito pagkatapos ng mga dhikr na sunnah rin matapos magsabi ng tasleem sa lahat ng limang salah na fard.  Pagkatapos magsabi ng tasleem ay sasabihin ang mga dhikr na ito.


Astaghfirulaah (3x)
  Patawarin mo po ako Allah.

allahuma antas salam wa minkas salaam, tabaarakta yaa dhal jalaali wal ikram
  O Allah, ikaw po ang Walang kapintasan at sa Iyo po nagmumula ang kapayapaan,  Ikaw po ay pakabanalin, Ikaw na karapat-dapat sa pagpipitagan at pagpaparangal

laa ilaaha illaallah, wahdahu laa shareeka lah, lahul mulku wa lahul hamd, wa huwa ‘alaa kulli shay’in qadeer
  Walang ibang diyos maliban pa kay Allah, tanging Siya lamang, wala Siyang katambal.  Sa Kanya lamang ang paghahari at sa Kanya lamang nauukol ang pagpupuri.  At Siya ay may kapangyarihan sa lahat ng bagay.


laa hawla wa laa qoowata illaa billaah
  Walang lakas at walang kapangyarihan kundi sa pamamagitan ni Allah.

laa ilaaha illallaah, wa laa na’budu illaa iyyaah, lahun ni’matu wa lahul fadlu wa lahuth thanaa ulhasan, laa ilaaha illallaah,
  Walang ibang diyos maliban pa kay Allah, at wala tayong iba pang sinasamba kundi Siya lamang.  Angkin niya ang pagpapala at angkin din Niya ang biyaya at sa Kanya lamang nauukol ang mainam na papuri.  Walang ibang diyos maliban kay Allah, manalangin kayo nang tapat sa Kanya, sa Kanya lamang ang pagtalima, kasuklaman man ito ng mga hindi sumasamplataya.

Allaahumma laa maani’a lima a’tayta, wa laa mu’tiya lima mana’ta, wa laa yanfa’u dhal jaddi minkal jadd

  O Allah, wala po makakapigil sa Iyong pagkakalooban at wala pong makapagbibigay kapag pinigilan Mo. At hindi po Makapagbibigay ng kapakinabangan sa taong may mgandang kapalaran ang mgandang kapalaran sapagkat sa Iyo po ito nagmumula.

            (Pagkatapos ng mga dhikr na nabanggit sa itaas ay bigkasin ang dhikr na ito nang sampung beses pagkatapos ng salah sa fajr at maghrib at isang beses naman pagkatapos ng salah sa dhuhr, ‘asr, at ‘`isha’)

            Para sa imam sa salah, sunnah na humarap sa mga ma’moom pagkatapos sabihin ang astaghfirullaah nang tatlong beses at ang allaahumma antas salaamu wa minkas salaam, tabarakata yaa dhal jalaali wal ikram bilang pagtulad sa Propeta (SAS).

laa  ilaaha illallaah, wahdahu laa shareeka lah, lahul mulku walahul hamd, wa huwa ‘alaa kulli shay \’in qadeer.

Walang ibang diyos maliban pa kay Allah, tanging Siya lamang, wala Siyang katambal.  Sa Kanya lamang ang paghahari at sa Kanya lamang nauukol ang pagpupuri.  Siya ay may kapangyarihan sa lahat ng bagay.

            Kanais-nais din para sa nagsasagawa ng salah, pagkatapos ng bawat salah na fard at pagkatapos ng dhikr na nabanggit, na sabihin ang mga sumusunod:

Subhaanallaah (3X)
            Kaluwalhatian kay Allah.
Alhamdul lillah (3X)
            Ang papuri ay nauukol kay Allah.
Allahu akbar (3X)
            Si Allah ay Dakila

Ang lahat ng ito ay siymnapu’t siyam.  Upang maging isandaan lahat ay sasabihin niya ang sumusunod sapagkat naiulat buhat sa Propeta (SAS) na hinhiling niyang bigkasin ito at nasasaad din na ito ay isa sa mga dahilan ng kapatawaran:

laa ilaaha illallaah, wahdahu laa shareeka lah, lahul mulku wa lahul hamd, wa huwa ‘alaa kulli shay’in qadeer.


Pagkatapos ng lahat ng mga dhikr na nabanggit ay sunnah din para sa mga nagsasagawa ng salah pagkatapos ng bawat salah na fard na bigkasin ang ayatul kursee, suratul ikhlas, suratul falaq, at suratul nas.  Sunnah bigkasin nang tigtatatlong beses ang tatlong surah na nabanggit (iklas, falaq, at nas) pagkatapos ng salah sa maghrib at fajr at bago matulog dahil nabanggit ito sa mga Hadeeth na saheeh.

28.  Ang maraming mga Muslim sa ngayon ay pabaya sa pagsasagawa ng salah sa jama`ah at pati na ang ilang mga magaaral ng Islam.  Ang idinadahilan nila ay may ilang mga pantas ng Islam na diumano ay nagsabing hindi raw ito fard.  Kaya ano po ang hatol hinggil sa salah sa jama`ah at ano po ang inyong maipapayo sa mga iyon?

Sagot:  Ayon pinakatumpak na pahayag ng mga pantas, ang salah sa jama`ah kasama ng iba pang mga Muslim sa mga Masjid ay hindi mapasusubaliang tungkulin ng bawat lalaking may kakayahan at naririnig ang adhan.  Ito ay ayon sa sinabi ng Propeta (SAS):  “ang sinumang makarinig ng panawagan ng salah ngunit hindi dumalo, wala siyang salah maliban na lamang kung may magandang dahilan.”  Tinanong si Ibnu ‘Abbas (RA) kung ano ang magandang dahilan, kaya ang sabi niya:  “Takot o karamdaman.”  Sa isa pang Hadeeth tungkol sa Propeta (SAS) ay isinalaysay ni Abu Hurayrah (RA) na pinuntahan ang Propeta (SAS) ng isang lalaking bulag at ang sabi:  “O Sugo ni Allah, wala po akong gabay na papatnubay sa akin sa pagpunta sa Masjid: Kaya mayroon po ba akong kapahintulutan na isagawa ang salah sa aking bahay?”  Ang sabi ng Propeta (SAS):  “Naririnig mo ba ang panawagan ng salah?” “Opo” sabi niya.  “Kung gayon ay tugunin mo (ang panawagan),” (20)*sabi naman niya (SAS).  Sa isa pang sinabi ng Propeta (SAS):  “Napag-isipan kong mag-utos na simulan ang pagsasagawa ng salah at saka uutusan ko ang isang lalaki na mamuno sa salah at akoy aalis, kasama ng ilang kalalakihan na may dalang mga bigkis ng panggatong , papunta sa mga taong hindi dumadalo sa salah upang aking sunugin ang kanilang mga bahay.”  Ang kahulugan ng lahat ng mga Hadeeth na ito ay nagpapatunay na ang salah sa jama`ah sa mga Nashud at fard para sa mga kalalakihan at ang sinumang hindi dumalo ay karapat-dapat sa parusa.  At kung sakaling ang sala sa jama`ah sa mga Masjid ay hindi fard, hindi sana naging karapat-dapat sa parusa ang hindi dumadalo sa jama`ah..  Dahil sa itong pagsasagawa ng salah sa mga Masjid ay isa sa dakilang gawaing panlabas sa Islam, isa sa mga dahilan ng pagkakila-kilala ng mga Muslim, pinagmumulan ng pag-ibig at pagmamahalan, nag-aalis ng sama ng loob, at sapagkat ang hindi pagdalo sa salah sa jama`ah ay paggaya sa mga taong nagpapangap na Muslim; kailangang mag-ingat na hindi makadalo sa salah sa jama`ah.  Hindi nararapat na bigyang lahat ng salitang sumasalungat sa mga patunay ng Sharee’ah ay kailangang iwaksi at hindi gagawing batayan,  Ito ay ayon sa sinabi ni Allah:  
فإن تنازعتم في شيء فردوه إلى الله والرسول إن كنتم تؤمنون بالله واليوم الآخر ذلك خير وأحسن تأويلا
“Kapay may isang bagay kayong pinagtalunan, isangguni ninyo ito kay Allah at sa Sugo kung talagang naniniwala kayo kay Allah at sa kabilang buhay.  Iyan ang mainam at pinakaangkop na huling pasya.” (4:59) Ang sabi pa Niya:
وما اختلفتم فيه من شيء فحكمه إلى الله 
  “Ang anumang bagay na hindi ninyo mapagkasunduan, ang hatol nito ay kay Allah.”   (42:10) Sa isang Hadeeth na nasa Saheehayn, ang sabi ni Abdullah bin Mas’ood (RA):  “Nasaksihan namin na walang nagpapghuli sa pagdalo sa salah sa jama`ah kundi ang nagpapanggap na Muslim o ang may-karamdaman.  At kahit na ang nanghihina ay dinadala sa Masjid.  Inaalalayan ng dalawang lalaki hangang sa mailagay sa hanay ng salah.”  Walang duda na ito ay nagpapatunay sa pagpapahalaga ng mga sahabah (RA) sa salah sa jama`ah sa Masjid at sa marubdob nilang hangarin na makadalo rito anupa’t kung magkaminsan ay may hinahatid silang lalaking may-karamdaman na inaalalayan ng dalawang lalaki hanggang sa mailagay sa hanay ng salah.  Iyon ay nagpapakita lamang kung gaano karubdob ang kanilang hangad na makadalo sa salah sa jama`ah -- kahabagan silang lahat ni Allah.  Si Allah ang tagapagpatnubay.
 ______________________________________
(20)*Isagawa mo ang salah sa Masjid.

29.  Nagkakaiba ang mga pananaw ng mga pantas hinggil sa pagbigkas ng ma’moon ng suratul fatihah sa likod ng imam, ano po ang tama rito?  Ang ma’moom po ba ay kailangan bumigkas ng suratul fatihah?  At kailan po ba niya maaring bigkasin ang suratul fatihah kung ang imam ay hindi tumitigil sa pagbigkas?  Sunnah po ba para sa imam ang tumahimik nang ilang sandali matapos na bigkasin ang suratul fatihah nang sa gayon ay mabigkas naman ito ng ma’moom?

Sagot:  Ang wasto ay kailangang bigkasin ng ma’moom ang suratul fatihah sa lahat ng limang fard na salah ayon sa sinabi ng Propeta (SAS):  “Walang salah ang hindi bumibigkas ng suratul fatihah.”  Ang sabi pa niya (SAS)  sa kanyang sahabah (RA):  “Sana ay bumibigkas kayo sa likod ng inyong imam.”  Ang sabi naman nila:  “Opo”  Ang sabi naman niya (SAS):  “Huwag kayong bumigkas ng iba pa maliban sa suratul fatihah; sapagkat walang salah ang hindi bumigkas ng suratul fatihah.”

            Ang pagbigkas ng suratul fatihah ay sunnah habang nanahimik ang imam.  Kung hindi tumitigil sa pagbigkas ang imam, bibigkasin ng ma’moom ang suratul fatihah kahit na bumibigkas din ang imam.  At itong pagbigkas ng suratul fatihah kahit na bumibigkas din ang imam ay hindi saklaw ng mga patunay na nagpapatunay na kailangang tumahimik kapag nagbabasa ang imam.  Subalit kung sakaling nakalimutan ng ma’moom na bigkasin ang suratul fatiha o hindi ginawa dahil di-alam na ito ay kailangan o dahil sa paniniwalang hindi ito fard, wala siyang pagkakamali at sapat na para sa kanya ang pagbigkas ng imam ayon sa pahayag ng nakararaming mga pantas.  Ganoon din naman kung dumating siya habang ang imam ay nakayukod, yuyukod din siyang kasama nito at sapat na sa kanya ang pagyukod na ito.  Hindi na rin niya kailangang bigkasin ang suratul fatihah dahil hindi niya ito naabutan.  Sa isang Hadeeth na isinalysay ni Abu Bakrah ath Thaqafi (RA), sinabi rito na siya ay pumunta sa Propeta habang ito nakayukod kaya yumokod narin siya nang wala sa hanay at saka lamang pumasok sa hanay pagkatapos yumukod.  Pgakatapos ng Propeta (SAS) na magsabi ng tasleem, siya ay sinabihan nito (SAS):  “Naway pag-ibayuhin ni Allah ang marubdob mong hangaring gumawa ng mabuti.  Ngunit huwag mo nang ulitin.”  Ang Hadeeth na ito ay nasa Saheeh Al-Bukhari.  Hindi siya inutusan ng Propeta (SAS) na ulitin ang rak`ah ( na naabutan niya ng yumukod nang wala sa hanay).  Ang ibig sabihin ng sinabi ng Propeta (SAS) na:  “Huwag mo nang ulitin” ay huwag mo nang ulitin ang pagyukod nang wala sa hanay Dahil dito ay nalaman na ang sunnah para sa isang pumasok sa Masjid, habang ang imam ay nakayukod, ay huwag yumukod sa likod ng hanay.  Sa halip, kailangan maghintay hanggang sa makarating sa hanay kahit na hindi niya mahabol ang pagyukod.  Ito ay ayon sa sinabi na Propeta (SAS):  “Kapag kayo ay pupunta sa salah, maglakad ng mahinahon.  Ang anumang maabutan ninyo sa salah ay isagawa ninyo at kumpletuhin ninyo ang natitirang hindi ninyo nagawa.”

            Tungkol naman sa Hadeeth na nagsasabing :  “Ang sinumang may imam, ang pagbigkas nito ay pagbigkas niya rin.”  ,ito ay isang Hadeeth na da`eef – hindi ginagamit na patunay ng mga pantas.  At kahit maging saheeh man ang Hadeeth na ito, ang suratul fatihah ay sasaklawan nito nang sa gayon ay tumutugma ito sa iba pang mga Hadeeth.  

Tungkol naman sa pananahimik pagkatapos ng suratul fatiha, wala akong alam na Hadeeth na saheeh tungkol dito.  Sa puntong ito ay maluwag kung nanaisin ni Allah.  Kaya kung sinuman ang hihinto at mananahimik na ilang sandali pagkatapos ng suratul fatiha, walang masama; at kung sino mana ang ayaw gawin ito, wala ring masama sapagkat hindi napatunayang ito ay ginawa ng Propeta (SAS), ayon sa aking pagkakaalam.  Ang napatunayang ginawa ng Propeta (SAS) ay ang dalawang pananahimik:  ang una ay pagkatapos ng takbeeratul ihram (21)* at habang nanahimik ay sunnah na bigkasin nang tahimik ang istifah; (22)** at ang ikalawa ay pagkatapos bumigkas ng talata sa Qur’an at bago yumukod.  Ang ikalawang pananahimik ay dagliang pananahimik na naghihiwalay sa pagbigkas ng talata sa Qur’an at sa takbeer.
_____________________________________________________
(21)*Ito ang kaun-unahang pagsabi ng allaahu akbar sa salah.
(22)**ang du`a’ na: Subhaanakal laahumma wa bihamdika wa tabarakasmukha wa ta’aalaa jadduka wa laa ilaaha ghayruk.


30.  Nasasad sa Hadeeth na pinagbabawalang lumapit sa Masjid ang sinumang kumain ng sibuyas o bawang.(23)*** Saklaw rin ba ng pagbabawal na ito ang may masamang amoy pagbabawal na ito ay ang may masamang amoy buhat sa isang bagay na ipinagbabawal gaya ng sigarilyo? At nangangahulugan bang ang sinumang gumamit ng mga bagay na ito ay may dahilang hindi dumalo sa salah sa jama`ah at hindi magkakasala sa di-pagdalo?

Sagot:  Napatunayang sinabi ng Sugo (SAS) na: “Ang sinumang kumain ng bawang o sibuyas ay huwag lalapit sa ating Masjid at sa bahay na lamang siya magsagawa ng salah.”  Napatunayan din na sinabi  niya (SAS) na: “Ang mga Angel ay nayayamot din nakakayamot na mga tao.”  At ang lahat ng may masamang amoy ay itinuturing na parang kumain ng bawang o sibuyas gaya halimbawa ng paninigarilyo, may amoy sa kilikili at iba pang nakakapinsala sa kanyang katabi.  Makrooh para sa kanya na magsagawa ng salah kasama ng jama`ah.  Iyon ay ipinagbabawal hanggang sa hindi siya gumagamit ng pang-alis sa amoy ng ito.  Kailangan gawin niya iyon sa abot ng kanyang makakaya ng sa gayon ay maisagawa niya ang kanyang tungkulin kay Allah na magsagawa ng salah sa jama`ah.  Ang paninigarilyo ay ipinagbabawal at kailangan iwaksi ito sa lahat ng oras yaman din lamang na ito ay may maraming masamang naidudulot sa relihiyon, sa katawan, at sa pera.


            Nawa’y pabutihin ni Allah ang kalagayan ng mga Muslim at patnubayan sila sa lahat ng mabuti.

________________________________


(23)***Dahil ang taong kumain nito ay nangangamoy.




31.  Sisimulan po ba ang hanay ng salah sa kanan ng imam o sa likuran niya mismo?  Sunnah po bang magkasindami ang bilang sa kanan at kaliwa?  Anupa’t sinasabing pagpantayin ang haba ng hanay (sa kanan at kaliwa) gaya ng sinasabi ng maraming imam.

Sagot: Ang hanay ay sisimulan sa gitna buhat sa likod ng imam.  Ang kanan ng bawat hanay ay mas mainam kaysa kaliwa nito.  Kailangan huwag magsimulang gumawa ng isa pang hanay hangang hindi pa kumpleto ang naunang hanay.  Walang masama kung mas marami ang mga tao sa kanan ng hanay.  At hindi kailangan pagpantayin ang bilang (ng kanan at kaliwang bahagi ng hanay), datapwat ang pag-uutos ng ganito ay salungat sa sunnah.  Subalit hindi gagawa ng ikalawang hanay hangga’t hindi nabubuo ang unang hanay at hindi gagawa ng ikatlong hanay hangang hindi nabubuo ang ikalawang hanay at ganoon din sa nalalabi pang mga hanay sapgkat napatunayang ganoon ang ipinag-utos ng Propeta (SAS).




32.   Ano po ang masasabi ninyo sa muftarid (taong nagsagawa ng sala na fard) na ang ginawang imam ay ang mutanaffil (taong nagsasagawa ng sala na sunnah)?


Sagot:   Walang masama kung gagawing imam ng muftarid ang mutanaffil sapagkat napatunayang sa ilang uri ng salatul khawf (24)* ay nagsagawa ang Propeta (SAS) ng salah na dalawang rak`ah bilang imam ng isang pangkat at saka sinabi ang tasleem.  Pagkatapos nito ay nagsagawa uli siya ng salah ng dalang rak`ah bilang imam ng isa pang pangkat at saka sinabi ang tasleem.  Ang una niyang salah ay fard at ang ikalawang ay sunah ngunit ang mga ma’moon ng dalawang pangkat ay mga muftarid lahat. Napatunayan din sa Hadeeth na isinalaysay ni Mu’adh bin Jabal (RA)na siya ay nagsagawa ng salah sa ‘`isha’ kasama ng Propeta (SAS) at pagkatapos ay umuwi siya sa kanyang mga kanayon upang maging imam nila sa salah. Ang salah na isinagawa niya ay upang maging imam nila sa salah.  Ang salah na isinagawa niya ay sunah at and sa kanila naman ay fard.  Katulad din ito ng sa buwan ng Ramadan.  Kung sakaling dumating sa Masjid ang isang tao.samantalang ang mga tao ay nagsasagawa ng salah na taraweeh* at siya naman ay hindi nakapagsagawa ng salah sa ‘`isha’, sa ganitong pagkakataon ay sasabay siya sa kanila upang isagawa ang ‘`isha’ nang sa gayon ay matamo niya ang biyaya sa pagsasagawa ng salah sa jama`ah.  Kapag nagsabi ng tasleem ang imam, tatayo siya upang kumpletuhin ang kanyang salah.
 _____________________________
(24)*Ito ang tawag sa limang salah na fard sa panahon ng ang mga nagsasagawa nito ay nasa larangan ng digmaan.  Ang salatul khawf ay nangangahulugang salah sa panahon ng pangamba o takot.  Sa salah na ito, ang mga salah na binubuo ng apat na rak`ah ay pinapaiksi sa dalawang rak`ah.


33.   Ano ang hatol sa salah ng taong mag-isang nagsasagawa ng salah sa likod ng hanay?  Kapag dumating at hindi nakakita ng lugar sa hanay, ano ang gagawin?  Kapag nakakita ng batang wala pa sa wastong gulang, maari ba siyang gumawa ng bagong hanay kasama nito?

Sagot:  Walang saysay ang salah na ginawang mag-isa (walang katabi) sa likod ng hanay.  Ito ay ayon sa Propeta (SAS): “Walang salah ang mag-isang nagsagawa ng salahsa likod ng hanay.”  At dahil napatunayang inatasan ng Propeta (SAS) ang mag-isang nagsasagawa ng salah sa likod ng hanay na ulitin ang salah at hindi niya ito tinanong kung may nakitang puwang sa hanay o wala, ito ay nagpapatunay lamang na walang pinagkaiba ang may nakitang puwang sa hanay at ang walang nakitang puwang upang magkaroon ng dahilan ng mag-isang magsagawa ng salah sa likod ng hanay.  Subalit kung may dumating na hindi nakaabot sa umpisa ng salah samantalang ang imam ay nakayukod at siya ay yumokod nang wala sa hanay at saka pumasok sa hanay bago nagpatirapa, sapat na iyon para sa kanya.  Ito ay ayon sa Hadeeth na isinalaysay ni Abu Bakrah ath-Thaqafi (RA).  Ayon sa kanyang sanaysay, dumating siya sa salah samantalang ang Propeta (SAS) ay nakayukod kaya yumokod siya nang wala sa hanay at pagkatapos nito ay pumasok sa hanay.  Pagkatapos ng salah ay sinabi sa kanya ng Propeta (SAS): “Nawa’y pag-ibayuhin ni Allah ang marubdob mong hangarin na gumawa ng kabutihan.  Ngunit huwag mo nang ulitin. (25) *”  Hindi siya inutusan ng Propeta (SAS) na magsagawa ng isa pang rak`ah.
___________________________________
 (25)*Isang uri ng salah na sunnah na isinagawa sa buwan ng Ramadan pagkatapos ng sala sa `isha’.

 34.       Sa pagiging imam sa salah, ang neeyah ba ng maging imam ay isa sa mga kondisyon (bago magsagawa ng salah)?  Kapag pumasok ang isang lalaki sa Masjid at may nakita siyang nagsasagawa ng salah, gagawin ba niya itong imam niya sa salah?  Ipinahihintulot bang gawing imam ang masbooq? (26)**

Sagot: Sa pagiging imam sa salah, ang neeyah ay isa sa mga kondisyon ayon sa sinabi ng Propeta (SAS): “Ang halaga ng gawa ay nakabatay sa layunin (neeyah) at ang bawat tao ay gagantimpalaan ayon sa kanyang nilayon.” kapag pumasok ang isang lalaki sa Masjid at hindi na niya naabutan ang salah sa jama`ah ngunit nakakita siya ng mag-isang nagsasagawa ng salah, walang masama kung sumabay siya rito at gawin itong imam niya sa salah sapagkat ito ang pinakamainam ayon sa sinabi ng Propeta (SAS) nang may nakita siyang isang lalaking pumasok sa Masjid matapos na naisagawa na ng mga tao ang salah“Wala bang lalaking magbibigay ng kawanggawa sa lalaking ito sa pamamagitan ng pagsasagawa ng salah kasama nito?”  Sa ganitong paraan ay kapwa natamo ng dalawa ang biyaya ng salah sa jama`ah.  Sa panig ng nakapagsagawa na ng Salah, ang salah na ito ay sunah  na lamang.

            Si Mu’adh bin jabal (RA) ay nagsasagawa noon ng salah na ‘`isha’ kasama ng Propeta (SAS).  Pagkatapos nito ay umuwi siya sa kanyang mga kanayon at nagsagawa uli ng sala bilang kanilang imam.  Ang salah na isinagawa niya kasama nila ay sunah at ang sa kanila naman ay fard.  Ang ginawa niyang ito ay sinang ayunan ng Propeta (SAS).

            Walang masama kung ang masbooq ay gawing imam ng isang taong hindi nakaabot sa salah sa Jam’ah sa paghahangad niyang magtamo ng pagpapala ng salah sa jama`ah.  At kapag nakumpleto na ng masbooq ang kanyang salah, tatayo ang hindi pa nakukumpleto ng salah upang kumpletuhin ito.  Ito ang sinabi ng Propeta (SAS) kay Abu Dharr (RA) nang sinabi nito sa kanya na may darating na mga prinsipe na ipinapahuli ang pagsasagawa ng salah sa takdang oras nito.  Ang sabi niya (SAS) rito: “Isagawa mo ang salah sa takdang oras nito.  Subalit kung maabutan mo (na isinasagawa nila) ito, isagawa mo (uli ito) kasama nila. Ito ay magiging salah na sunnah para sa iyo.  At huwag mong sabihing, ‘Nakapagsagawa na ako ng salah kay hindi na ako muling magsasagawa.”  Si Allah ang Tagapagpatnubay.
__________________________________
(26)**Ang masbooq ay ang taong nahuli sa paglahok sa salah sa jama`ah



35.       Ang mga rak`ah bang maaabutan ng masbooq kasama ng imam ay itinuturing na simula ng kanyang salah o katapusan nito?  At kung halimbawa hindi niya naabutan ang unang dalawang rak`ah sa salah na binubuo ng apat na rak`ah, kailangan pa bang siya ay bumigkas ng talata sa Qur’an pagkatapos ng suratul fatihah sa huling dalawang rak`ah?

Sagot: Ang tama ay itinuturing simula ng salah ng masbooq ang anumang maabutan niya kasama ng imam at ang natitirang kukumpletuhin ay siyang katapusan nito.  Saklaw nito ang lahat ng salah na fard batay sa sinabi ng Propeta (SAS): “Kapag kayo ay pupunta sa salah, maglakad ng mahinahon.  Ang  anumang maabutan ninyo sa salah ay isagawa ninyo at kumpletuhin ninyo ang natitirang hindi ninyo nagawa.” Dahil duon, kanais nais na ang ikatlo at ikaapat na rak`ah ng salah na binubuo ng apat na rak`ah  at ang ikatlong rak`ah ng salah sa maghrib ay lilimitahan sa pagbigkas ng suratul fatihah.  Ito ay nasasaad sa Hadeeth na isinalaysay ni Abu Qatadah (RA).  Ang sabi niya: “Binibigkas ng Propeta (SAS) ang suraul fatihah at isang surah sa unang dalawang rak`ah ng dhuhr at ‘asr.  Pinahahaba niya ang pagbikas niya sa dalawang huling rak`ah ay suratul fatihah lamang. “Kung magbabasa ng talata ng Qur’an karagdagan sa suratul fatihah sa ikatlo at ikaapat na rak`ah ng dhuhr, ito ay mabuti batay sa Hadeeth na nasa Saheeh Muslim na isinalaysay ni Abu Sa’eed (RA).  Ang sabi niya : “Ang pagbigkas ng Propeta (SAS) sa unang dalawang rak`ah ng dhuhr ay kasingtagal ng pagbigkas ng surah as sajdah, sa huling dalawang rak`ah ng dhuhr a kasintagal ng kalahati niyon,(27)* sa unang dalawang rak`ah na ‘asr ay kasintagal ng huling dalawang rak`ah ng dhuhr, at sa huling dalawang rak`ah ng asr ay kasintagal ng unang dalawang rak`ah ng  asr.”  Malamang na ito ay paminsan-minsan lamang isinasagawa ng Propeta (SAS) sa huling dalawang rak`ah ng dhuhr nang sa gayon ay tumugma ito sa unang Hadeeth na nabanggit.    

 _________________________________
(27)*Dahil kung minsan ang pagbikas g Propeta (SAS) sa huling dalawang rak`ah ay kasintagal ng pagbigkas ng kalahati ng surah as-sajada, ito ay nagpapahiwatig na hindi lamang suratul fatihah ang binibigkas niya.

36.       Dahil sa sobrang dami ng mga tao sa ibang mga Masjid na pinagdadausan ng pagsamba sa araw ng biyernes, napupuno ang mga Masjid na ito kaya ang ibang mga tao ay sa mga kalsada at daanan na lamang nagsasagawa ng salah kasabay ng imam.  Ano po ang masasabi ninyo tungkol doon?  Mayroon po bang ipinagkaiba kung may kalsada sa pagitan ng mga nagsasagawa ng salah at Masjid o walang kalsadang naghihiwalay?

Sagot: Kapag magkarugtong ang mga hanay, walang masama.  Ganoon din naman kung ang mga ma’moon ay nasa labas ng Masjid ngunit nakikita nila ang mga hanay sa harapan nila o naririnig nila ang pagsasabi ngallaahu akbarAt kahit pinaghihiwalay man sila ng ilang mga daanan ay wala ring masama doon dahil mahalaga ang salah sa jama`ah at nagagawa naman nilang makita ang hanay sa harap at naririnig ang pagsasabi ng allaahu akbar.  Subalit walang sinuman ang maaring magsagawa ng salah sa harap ng imam dahil hindi iyon lugar ng ma’moom.  Si Allah ang tagapatnubay.


37.       Kapag naabutan ng masbooq ang imam na nakayukod, ano ang dapat niyang gawin sa sandaling iyon?  Ang pagsabi ng Subhaana rabbiyal ‘adheem bago maiangat  ng imam ang kanyang likod ay isabang kondisyon para sa masbooq upang maituring na naabutan niya ang rak`ah?

Sagot: Kapag naabutan ng masbooq ang imam habang ito ay nakayukod, sapat na iyon para maabutan niya ang buong rak`ah kahit nasabi lamang niya ang subhaana rabbiyal ‘adheem matapos na maiangat ng imam ang likod nito dahil ang sabi ng Propeta (SAS): “Ang nakaabot ng isang rak`ah sa salah ay naabutan ang salah (sa jama`ah).”  Ang Hadeeth na ito ay nasa    Saheeh Muslim.  Nalalaman natin na naabutan ang rak`ah kapag naabutan ang pagyukod (sa rak`ah na iyon)  ayon sa Hadeeth na nasa Saheeh Al Bukhari.  Ayon sa Hadeeth na ito na isinalaysay ni Abu Bakrah Ath Thaqafi (RA) ay dumating siya isang araw sa Masjid habang ang Propeta (SAS) ay nakayukod kaya yumokod na rin  siya nang wala sa hanay at (pagkatapos ng pagyukod) ay saka lamang pumasok sa hanay.  Nang nasabi na ng Prepeta (SAS) ang tasleem ay sinabi nito sa kanya: “Nawa’ay pag-ibayuhin ni Allah ang marubdob mong hangaring gumawa ng mabuti.  Ngunit huwag mo nang ulitin.(28)*”  Hindi siya nito inutusang ulitin  ang rak`ah.  Pinagbawalan  lamang siya nito na ulitin ang pagyukod na wala sa hanay.  Kaya ang masbooq ay huwag magmadali na yumokod hanggat’t hindi nakakapapasok sa hanay.  Si Allah ang tagapagpatnubay.
 ________________________
(28)* Ang pagyukod nang wala sa hanay.


38.       May mga imam na hinihintay ang dumating upang maabutan nito ang rak`ah. May iba namang nagsasabing hindi dapat maghintay.  Ano po ang tama?  Patnubayan po kayo ni Allah.



Sagot: Sunnah ang maghintay sandali upang makasama sa hanay ang dumarating.  Ito ay bilang pagsunod sa ginawa ng Propeta (SAS).


39.       Kapag ang isang lalaki ay imam sa salah na ang ma’moom ay dalawang bata o higit pa, ilalagay ba niya sila sa kanyang likod o sa kanyang kanan.  Ang pagsapit ba sa wastong gulang ay isang kondisyon upang maaring makasama sa hanay ang batang lalaki.

Sagot: Ang dapat niyang gawin ay ilagay  ang mga bata sa kanyang likuran tulad ng mga taong nasa wastong gulang na kapag ang mga batang ito ay sumapit na sa pitong  taong gulang o higit pa.  Ganoon din naman kung ang mga ma’moom isang bata at isang taong nasa wastong gulang na, ilalagay din niya sila sa likod.  Sapagkat nang ang Propeta (SAS) ay nagsasagawa ng salah bilang imam ni Anas (RA) at ng isang ulilang wala pa sa wastong gulang ay inilagay niya ang dalawang ito sa kanyang likuran.  Nangyari ito noong dalawin ng Propeta (SAS) ang lola ni Anas (RA).  Ganoon din ang kanyang ginawa kina Jabir at Jabbar na mga taga Madinah nang humanay sila sa kanya, inilagay niya sila sa kanyang likuran.  Kung ang kasama ng imam sa salah ay isang lalaki lamang, ito ay pupuwesto sa kanyang kanan --nasa wastong gulang man ito o wala -- dahil nang tumayo si Ibnu Abbas sa kaliwa ng Propeta noong ito ay nagsasagawa ng salatul layl (29)* ay inilagay niya ito sa kanan.  Ang kalalakihan sapagkat nang magsagawa ng salah ang Propeta (SAS) bilang imam si Anas at isang ulilang wala pang sa wastong gulang ay inilagay niya si Umm Sulayn na ina ni Anas sa likuran ni Anas at ng ulila.
______________________________________________
 (29)*Isang uri ng salah na sunnah na isinasagawa sa pagitan ng ‘`isha’ at fajr.
 
40.       Ang sabi ng iba ay hindi ipinahihintulot na magsagawa ng isa pang sala sa jama`ah (sa Masjid) pagkatapos na maisagawa ang salah sa jama`ah;  mayroon po bang batayan ito?  At ano po ang tama?

Sagot: Ang sabi nilang ito ay hindi tama at wala itong batayan sa Sharee’ah, ayon sa aking pagkakaalam.  Datapuwa’t ang ipinahihiwatig ng mga Hadeeth na saheeh ay salungat sa sinabi nila.  Ang Sabi ng Sugo (SAS): “Ang salah  jama`ah ay mas mainam ng dalawampu’t pitong ulit kaysa sa salah na isinagawa ng nag-iisaang tao.”  Ang sabi pa niya (SAS):  “Ang salah ng lalaki kasama ng isa pang lalaki ay mas mainam kaysa sa salah na isingawa niyang mag-isa.”  At ang sabi pa niya nang makita niyang pumasok sa Masjid ang isang lalaki matapos a makapagsagawa ng salah ang mga tao:  “Wala bang lalaking magbibigay ng salah kasama niya.”  Gayon pa man, hindi ipinahihintulot sa isang Muslim na magpahuli sa salah sa jama`ah.  Datapuwa’t kailangan dali-dali siyang dadalo sa sandaling marinig niya ang adhan.  Si Allah ang tagapagpatnubay.


41.       Kapag nasira ang wudu’ ng imam habang nagsasagawa ng salah, kukuha ba siya ng isang tao bilang kahalili niya na siyang magpatuloy sa salah bilang imam ng mga ma’moon o nawalan na ng saysay ang salah ng lahat kaya magtatalaga na lamang siya ng isang tao bilang imam ng mga ma’moom upang ulitin ang salah mula sa umpisa?


Sagot: Ang tama ay tungkulin ng imam na kumuha ng kahalili niya na siyang kukumpleto sa salah kasama ng mga ma’moom tulad ng ginawa ni ‘Umar (RA) nang siya ay saksakin habang nagsasagawa ng salah bilang imam, ginawa niyang kahalili si ‘Abdurahman bin ‘Awf (RA).  Kinumpleto ni ‘Abdurahman bin ‘Awf (RA) ang salah na fajr kasama ng mga ma’moon.  Kung hindi kumuha ng kahalili ang imam, ang isang ma’moon sa kanyang likuran ay pupunta sa harap ng mga ma’moom para kumpletuhin ang salah nila bilang kanilang imam.  Kung uulitin ang salah mula sa umpisa, wala ring masama doon sapagkat sa puntong ito ay makakaiba ang pahayag ng mga pantas ng Islam.  Subalit ang pinakamainam na pahayag ay ang magtalaga ng kahalili bilang imam upang kumpletuhin ang salah batay sa ginawa ni ‘Umar (RA) na ating nabanggit na.  Sa muli, kung uulitin man nila ang salah ay walang masama.  Si Allah ang tagapagpatnubay.


42.       Naabutan ba ang salah sa jama`ah kapag naabutan ang tasleem kasama ng imam o hindi naabutan kung hindi nakaabot ng isang rak`ah?  Kapag dumating ay nakaupo at binibigkas ang huling tashahud, mas mabuti bang sila ay sumabay na sa imam o maghintay ng panibagong salah sa jama`ah?

Sagot: Hindi naabutan ang salah sa jama`ah kung hindi naabutan ang isang rak`ah man lamang ayon sa sinabi ng Propeta (SAS):  “Ang nakaabot ng isang rak`ah sa salah ay naabutan ang salah.”  Ang Hadeeth na ito ay nasa Saheeh Muslim.  Subalit ang sinumang may katangap-tangap na dahilan, makakamit pa rin niya ang salah kasama ng imam ayon sa sinabi ng Propeta (SAS) noong siya ay nasa labanan sa Tabuk: “Kapag nagkasakit ang isang Muslim o naglalakbay, itatala ni Allah para sa kanya ang mga ginagawa niya noong siya ay malusog at hindi naglalakbay.”  Ang Hadeeth na ito ay nasa Saheeh Al Bukhari.  At ayon pa sa sabi niya (SAS): “May mga tao sa Madinah na wala kayong daan na tinahak at lambak na binagtas na hindi ninyo sila kasama.  Ang kanilang katanggap-tanggap na dahilan ang humadlang sa kanila (na makasama).”(30)*  At isa pang sanaysay ay ito ang sinabi: “Nakilahok sila sa inyo sa gantimpala.”  Ang Hadeeth na ito ay nasa Saheehayn.

Sa oras na maabutan ng isang pangkat ang imam habang ito ay na bumibigkas ng huling tashahhud, mainam na sumabay na sila sa kanya ayon sa sinabi ng Propeta (SAS): “Kapag kayo ay pupunta sa salah, maglakad nang mahinahon.  Ang anumang maabutan ninyo sa salah ay isagawa ninyo at kumpletuhin ninyo ang hindi ninyo nagawa.”  At kung magsasagawa naman sila ng isa pang salah sa jama`ah ay wala namang masama.
 _________________________________________________________________________________
(30)* Ibig sabihin ay natatamo rin sila ng gantimpala bagaman hindi sila nakalahok sa labanan sa Tabuk dahil may maganda silang dahilankung bakit hindi nakalahok.


43.       Nagsagawa ng salah ang imam sa kanyang jama`ah ngunit nakalimutan niyang magsagawa ng wudu’; ano ang hatol sa salah na ito ayon sa mga sumusunod na kondisyon:
1.      Kapag naalala niya habang nagasasagawa ng salah (na wala pala siyang wudu’)?
2.      Kapag naalala niya pagkatapos na tasleem bago nagkahiwa-hiwalay ang jama`ah?
3.      Kapag naalala niya matapos na nagkahiwa-hiwalay ang jama`ah?
Sagot: Kapag naalaa lamang pagkatapos ng tasleem, ang salah ng jama`ah ay tanggap at hindi nila kailangang ulitin ang salah subalit kailangan ulitin ng imam ang kanyang salah.  Kung naalala ng imam habang siya ay nagsasagawa ng salah, sasabihin niya sa isa sa mga ma’moom na ito ang hahalili sa kanya at kukumpleto sa salah bilang imam ng jama`ah.  Ito ay ayon sa pinakatumpak na pahayag ng mga pantas batay sa sanaysay tungkol kay ‘Umar (RA) Nang siya (RA) ay sinaksak habang nagsasagawa ng salah  bilang imam, itinalaga niya bilang kahaliling imam sa salah si ‘Abdurahman bin ‘Awf (RA).  Tinapos naman nito ang salah bilang imam ng jama`ah at hindi na inulit ang salah.  Si Allah ang tagapatnubay. 


44.       Ano po ang hatol sa salah na pinamunuan ng imam na naninigarilyo o nag-aahit ng balbas o nagsusuot ng damit o pantalon na lampas sa bukong-bukong at iba pa?

Sagot: Ayon sa nagkakaisang hatol ng mga pantas ng Islam, ang salah niya ay tanggap kapag isinagawa niya ito ayon sa paraang nais ni Allah.  Tanggap din ang sala ng kanyang mga ma’moom ayon sa pinakatumpak na hatol ng mga pantas.  Tungkol naman sa di-Muslim,  hindi tanggap ang kanyang salah at pati na ang salah ng kanyang ma’moom dahil wala sa kanya ang isang kondisyon upang matanggap ang sala at iyon ay ang pagiging Muslim.  Si Allah ang tagapatnubay.


45.       Nalalaman natin na ang puwesto ng ma’moom kapag siya ay tumayo sa kanan ng imam kapantay nito.  At walang batayan sa Sharee’ah na nagpapahiwatig sa salungat nito.  Si Allah ang tagapatnubay.

Sagot: Ang sunah para sa ma’moon kapag siya ay nag-iisa ay tumayo sa kanan ng imam kapantay nito.  At walang batayan sa Sharee’ah na nagpapahiwatig sa salungat nito.  Si Allah ang tagapatnubay.


46.       Kapag nag-aalinlangan ang nagsasagawa ng salah kung siya ba ay nagsasagawa ng tatlo o apat na rak`ah; ano ang kanyang gagawin?

Sagot: Kapag nag-aalinlangan (sa kung ilang rak`ah ang naisagawa), kailangan bumatay sa kung ano ang tiyak: ang pinakakaunting bilang ng rak`ah.  Ituturing na nakagawa ng tatlong rak`ah, isasagawa ang ikaapat na rak`ah, at ang sujudus sahw (30)* bago magsabi ng tasleem.  Ito ay batay sa sinabi ng Propete (SAS):  “Kapag nag-alinlangan ang sinuman sa inyo sa kanyang salah anupa’t hindi niya malaman kung kanyang natapos sa salah ay tatlo  o apat na rak`ah, isantabi niya ang kanyang pagaalinlangan at bumatay sa kung ano ang natitiyak niya at pagkatapos ay magpatirapa ng dalawang rak`ah (sujudus sahw) bago magsabi ng tasleem.  Kung ang nagawa niyang salah ay limang rak`ah ang sujudus  sahw ang magwawasto sa kanyang salah.  Atkung ang nagawa niyang salah ay kumpleto, ang sujudus sahw ay panghihiya sa demonyo.”  Ang Hadeeth na ito na nasa Saheeh Muslim ay isinalaysay ni Sa’eed Al-Khurdi.  Kung nangibabaw sa kanyang palagay ang isa sa dalawa:  kulang o kumpletong rak`ah, ang pagbabatayan niya ay ang kanyang palagay na nagingibabaw.  Pagkatapos sabihin ang tasleemay saka magpatirapa ng dalawang beses (sujudus sahw) at muling magsabi ng tasleem.  Ito ay batay sa sinabi ng Propeta (SAS):  “Kapag nag-aalinlangan ang simuman sa inyo sa kanyang salah, magpunyagi siyang alamin ang tama at kumpletuhin ang salah nang dalawang beses (sujudus sahw).”  Ang Hadeeth na ito na nasa Sahee A-Bukhari ay isinalaysay ni ibnu Mas’ood (RA).
 ________________________________________________________________________________
(30)*Ang sujudus sahw ay dalawang karagdagang sujud (pagpapatirapa) na ginagawa bago o matapos magsagawa ng tasleem kapag nagkamali o nagdududang nagkamali.

47.       May mga imam na nagsasagawa ng sujudus sahw pagatapos ng tasleem at may ibang nagsasagawa ng sujudus sahw bago magsabi ng tasleem at ang iba pa ay nagsasagawa ng sujudus sahw bago at matapos magsabi ng tasleem.  Kailan po kailangang magsagawa ng sujudus sahw bago magsabi ng tasleem?  At kailan kailangang magsagawa ng sujudus shaw pagkatapos ng tasleem?  Ang sujudus sahw pagkatapos bago o matapos magasabi ng tasleem ay fard ba o mustahabb?


Sagot: Ang sujudus sahw bago at matapos magsabi ng tasleem ay kapwa ipinahihitulot sapagkat ito ang isinasaad sa mga Hadeeth buhat sa Propeta (SAS).  Subalit ang sujudus sahw ay lalong mainam bago magsabi ng tasleem maliban sa dalawang pagkakataon:

Kapag nagsabi ng tasleem ngunit kulang ng isang rak`ah o higit pa ang salah, ang lalong mainam ay isagawa ang sujudus sahw matapos na makumpleto ang salah at makapagsabi ng tasleem.  Ito ay bilang pagsunod sa Propeta (SAS) sapagkat noong nagsabi siya ng tasleem nang ang kanyang salah ay kulang ng dalawang rak`ah --ayon sa Hadeeth na isinalaysay ni Abu Hurayrah (RA) -- at nang ang kanyang salah ay kulang ng isang rak`ah -- ay:

1.      nagsagawa siya ng sujudus sahw matapos makumpleto ang salah at magsabi ng tasleem.

2.      Kapag nag-alinlangan sa salah anupa’t hindi malaman kung ang natapos na rak`ah ay tatlo ba o apat sa salah na binubuo ng apat na rak`ah, o dalawa ba o tatlo sa maghrib, o isa ba o dalawa sa fajr ngunit ang nangingibabaw sa kanyang palagay ay ang isa sa dalawa, kulang o sapat na bilang ng rak`ah, ang pagbabatayan niya ay ang nangingibabaw niyang palagay. Ang kanyang sujudus sahw ay pagkatapos ng tasleem na siyang pinakamainam ayon sa Hadeeth na isinalaysay ni Ibnu Mas’ood na nabangit sa sagot sa tanong bilang 46.  Si Allah ang tagapatnubay.


48.       Kapag nagkamali ang masbooq, magsasagawa ba siya ng sujudus sahw?  At kailan niya ito isasagawa?  Kailangan pa bang magsasagawa ng sujudus sahw ang ma’moom kapag siya ay nagkamali?

Sagot: Hindi kailangan ng ma’moom na magsagawa ng sujudus sahw kapag siya ay nagkamali at tungkulin niyang sumunod sa kanyang imam kapag siya ay sumabay rito mula sa umpisa ng salah.

Ang masbooq naman ay magsasagawa ng sujudus sahw kapag siya ay nagkamali kasama ng kanyang imam.  Magsasagawa rin siya ng sujudus sahw kapag nakumpleto na niya ang salah kung nagkamali siya noong kinukumpleto pa lamang niya ang salah batay sa detalyeng nabanggit sa sagot sa mga tanong bilang 46. at 47.  Si Allah ang tagapagpatnubay.

49.       Fard ba ang pagsasagawa ng sujudus sahw para sa mga sumusunod:

1.      Kapag bumigkas ng anumang talata ng Qur’an pagkatapos ng suratul fatihah sa dalawang huling rak`ah ng salah na binubuo ng apat na rak`ah?

2.      Kapag bumigkas ng anumang talata ng Qur’an habang nakapatirapa o nagsasabi halimbawa ng subhaana rabbiyal ‘adheem sa pagitan ng dalawang pagpapatirapa? 

3.      Kapag binigkas nang malakas ang salah na binibigkas nang tahimik (dhur at ‘asr) at binibigkas ng tahimik ang salah na binibigkas nang malakas (maghrib, ‘`isha’, at fajr)?

Sagot: Kapag nakalimot at hindi sinasadyang nakabigkas ng isa o higit pang ayah o surah sa dalawang huling rak`ah ng salah na binubuo ng apat na rak`ah o isa sa dalawang huling rak`ah, hindi na kailangan magsagawa ng sujudus sahw sapagkat napatunayang may Hadeeth buhat sa Propeta (SAS) na nagpapahiwatig na bumigkas siya ng talata buhat sa Qur’an karagdagan sa suratul fatihah sa ikatlo at ikaapat ng rak`ah ng dhuhr.  Napatunauyan din na pinuri g Propeta (SAS) ang isang prinsipe na binibigkas sa lahat ng rak`ah ng salah nito ang suratul ikhlas pagkatapos ng suratul fatihah.  Subalit ang nakagawian ng Propeta (SAS) ay hindi siya bumibigkas sa ikatlo at ikaapat na rak`ah ng anumang talata buhat sa Qur’an maliban sa suratul fatihah tulad ng nasasaad sa Hadeeth na nasa Saheeh Al-Bukhari at Saheeh Muslim na isinalay say ni Abu Qatada (RA).  Napatunayang binibigkas ni Abu Bakr-As-Sideeq (RA) 

sa ikatlong rak`ah ng salah na maghrib pagkatapos ng suratul fatihaha ang talata ng Qur’an na nasa surah Al Imran: 8.  Ito ay nagpapatunay na maari ring bumigkas ng anumang talata buhat sa Qur’an pagkatapos ng suratul fatihah sa Ikatlong rak`ah ng salah sa maghrib.

            Ang sinumang magkamaling bumigkas ng anumang talata buhat sa Qur’an habang nakayukod o nakapatirapa ay magsagawa ng sujudus sahw sapagkat hindi ipinahihintulot sa kanya na sadyang bumigkas ng anumang talata buhat sa Qur’an habang nakayukod o nakapatirapa dahil ipinagbabawal  iyon ng Propeta (SAS).  Kaya kapag nagkamaling bumigkas ng anumang talata buhat sa Qur’an, kailangan magsagawa ng sujudus sahw.  At ganoon din kapag nagkamali habang nakayukod at sinabi ang subhaana rabbiyal a’la, sa halip na subhaana rabbiyal ‘adheem sa halip na subhaana rabbiyal a’la, kailangan ding magsagawa ng sujudus sahw sapagkat nakaligtaan gawin ang dapat gawin.  Kung nagkamaling naipagsama ang pagbibigkas ng subhaana rabbiyal ‘adheem at subhaana rabbiyal a’la  sa pagyukod o pagpapatirapa, hindi kailangan magsagawa ng sujudus sahw.  Kung magsasagawa man ng sujudus sahw, wala ring masama.  Saklaw ng nabanggit ang imam, ang munfarid (mag-isang nagsasagawa ng salah), at ang masbooq.

Ang ma’moom na kasama ng imam sa simula pa lamang ng salah ay hindi kailangang magsagawa ng sujudus sahw kung magkamali man siya.  Kailangan lamang niyang sumunod sa kanyang imam.  Ganoon di naman kung nilakasan niya ang pagbigkas ng salah na hindi nilalakasan ang pagbigkas o binibigkas nang tahimik ang salah na binibigkas nang malakas, hindi kailangang magsagawa ng sujudus sahw sapagkat ipinaririnig noon kung magkaminsan  ng Sugo (SAS) sa salah jama`ah ang pagbigkas ng talata sa Qur’an sa salah ng binibigkas nang tahimik.  Si Allah ang tagapatnubay.

50.       May mga nag-aakala na ang pagsasama at ang pagpapaikli ng salah ay laging magkasabay anupa’t walang pagsasama nang walang pagpapaikli at walang pagpapaikli ng walang pagsasama.  Ano po ang masasabi ninyo rito? Ang lalo po bang mainam para sa musafir ay ang pagpapaikli nang walang pagsasama o pagsasama at pagpapaikli ng salah?

Sagot: Ang batas ng pagpapaikli ng salah ay ginawa ni Allah para sa musafir.  Ipinahihintulot din para sa musafir na pagsamihin ang salah pero hindi nangangahulugan na ang dalawang ito (pagsasama at pagpapa-ikli ng salah) ay laging magkasama.  Kaya maaring paikliin ang salah at hindi pagsamahin kung ang isang musafir ay pansamantalang tumitigil sa isang bayan o hindi dumadalaw lamang.  Mas mainam na hindi pagsamahin ang salah tulad ng ginawa ng Propeta (SAS) sa Mina noong isinagawa niya ang kanyang hajj ng pamamaalam, pinaikli niya ang salah ngunit hindi ipinagsama.  Sa labanan sa Tabuk ay pinagsabay niya ang pagpapaikli at pagsasama ng salah kaya ito ay nagpapakita lamang  (na maaring pagsabayin o di-pagsabayin ang pagpapikli at pagsasama ng salah).  Pinaiikli at pinagsasama ng Propeta (SAS) ang kanyang salah kapag tuloy-tuloy ang kanyang paglalakbay.
  
Tungkol naman sa pagsasama ng salah, mas malawak ang saklaw nito sapagkat ito ay ipinahihintulot sa may karamdaman.  Kapag may malakas na ulan (at mahirap ang pumunta sa Masjid) ay ipinahihintulot din na pagsamahin ang pagsasagawa ng mga salah sa Masjid.  Sa pagsasama ng mga salah, ang ipinagsasama ay ang dhuhr at ang asr o maghrib at ang ‘`isha’.  Hindi ipinahihintulot sa kanila na paikliin ang mga nabangit na salah sapagkat ang  pagpapaikli ay para lamang sa musafir.  Si  Allah ang tagapatnubay.

51.       Kapag dumating ang oras ng salah samantalang hindi pa naglalakbay ang isang tao at pagkatapos ay naglakbay siya bago naisagawa ang salah; may karapatan ba siyang paikliin at pagsamahin ang salah o wala?  Kapag isinagawa niya halimbawa ang dhuhr at ‘asr, pinaikli niya at pinagsama ang mga ito, at pagkatapos nito’y nakarating siya sa kanyang bayan sa oras ng ‘asr, ang ginawa ba niyang iyon ay tangap kung nang sandaling pinaikli at pinagsama niya ang salah ay nalalaman niyang siya ay darating sa kanyanng bayan sa oras ng ikalawang salah (‘asr)?

Sagot:             Kapag ang isang nagbabalak maglakbay ay dinatnan ng oras ng salah samantalang siya ay nasa kanyang bayan pa at pagkatapos ay umalis bago nagsagawa ng salah, pinahihintulutan siyang paikliin ang salah kapag ang nilisan niya ay ang bahagi ng bayan na pinaninirahan ng mga tao.  Ito ay ayon sa pinakatumpak na pahayag ng mga pantas ng Islam.  Kapag pinagsama at pinaikli ang salah (halimbawa’y ang dhuhr at ‘asr) habang nasa paglalakbay at pagkatapos ay dumating sa sariling bayan bago dumating ang oras ng ikalawang salah, hindi kailangan ulitin ang salah dahil naisagawa naang salah sa paraang tama.  Kung isagawa man niya muli ang ikalawang salah kasama ng jama`ah, ang salah na ito ay sunnah na.  Si Allah ang tagapatnubay.

52.       Mayroon po bang itinakdang layo ng isang paglalakbay upang mapahintulutang paikliin ang salah?
Sagot: Ang marami sa mga pantas ng Islam ay naniniwalang ang itinakdang layo ng pupuntahan ay ang layo ng isang gabi at isang araw na pangkaraniwang paglalakad ng kamelyo o tao o mga  80 kilometro.  Ang ganitong layo (o higit pa) ay intinuturing na paglalakbay ayon sa nakagawian at ang mababa pa rito ay hindi.

53.       Ano po ang tingin ninyo sa pagsasama ng salah na maghrib at ‘`isha’ kapag may ulan sa sandaling hindi naglalakbay at naninirahan sa mga lungsod na ang mga lansangan ay patag aspaltado o sementado, at naiilawan yaman din lamang na walang hirap (ang pagpunta sa Masjid) at walang putik o daan.

Sagot: Walang masama sa pagsasama ng maghrib at ‘`isha’ o dhur at ‘asr, ayon sa pinakatumpak na pahayag ng mga pantas, kapag may ulan at mahirap ang pagpunta sa mga Masjid.  Ganoon din naman kung madalas at binabaha ang mga daan dahil ang mga ito ay nagpapahirap sa pagpunta sa Masjid.  Ang batayan nito ay ang nasasaad sa Saheehayn buhat sa salaysay ni Ibnu ‘Abbas (RA).  Ayon sa salaysay, na ipinagsama ng Propeta (SAS) ang dhuhr at ang ‘asr, at ang magrib at ‘`isha’ sa Madina. Sa nasasaad sa Saheeh Muslim ay binanggit na ginawa ng Sugo (SAS) ang gayon hindi dahil sa may pinangangambahang bagay o dahil may ulan o siya (SAS) ay nasa paglalakbay.  Ipinakikita sa Hadeeth na ito na matibay na pinaniniwalaan ng mga Sahabah (RA) na ang pangamba at ang ulan ay katangap-tangap na dahilan sa pagsasama ng salah tulad ng paglalakbay.  Subalit sa sitwasyong ito ay hindi ipinahihintulot na paikliin ang salah.  Ang ipinahihintulot lamang ay ang pagsasama ng salah sapagkat sila ay nanatili sa kanilang lugar at hindi musafir.  Ang papapaikli ng salah ay laan lamang sa mga musafir.

54.       Ang neeya ay isa bang kondisyon upang mapahintulutang pagsamahin ang salah?  Madalas kasing isagawa ang salah sa maghrib nang walang neeyah na pagsamahin ito at ang ‘`isha’ ngunit pagkatapos maisagawa ang maghrib ay nagsasanggunian ang jama`ah at kapag napag-kaisahan nilang isama ang ‘`isha’ sa maghrib, isasagawa kaagad nila ang ‘`isha’.

Sagot: Nagkakaiba ang mga pahayag ng mga pantas tungkol dito ngunit ang matimbang na pahayag hindi isang kondisyon ang neyah sa pagsisimula ng unang salah (salah sa maghrib).  Sa halip ay ipinahihintulot na isama ang ikalawang salah kapag lumitaw ang kondisyon na nagpapahnitulot na pagsamahin ang sala gaya ng takot,  Kamadaman, at ulan.  Si Allah ang tagapatnubay.

55.       Kailangan bang tuloy-tuloy ang pagsasagawa ng salah kapag itoy ipinagsama.

Sagot:             Ang fard sa pagsasama na taqdeem (31)* ay ang tuloy-tuloy na pagsasagawa ng dalawang salah at walang masama kung may mamagitang maikling sandali sa dalawang salah sapagkat ganito ang nakagawian ng propeta (SAS). Ang sabi ng Propeta (SAS): “Isagawa ninyo ang salah kung papano ninyo nakitang isinagawa ko ang salah.” Sa pagsasama na ta’kheer(32)** ay hindi kailangang tuloy-tuloy and dalawang salah ngunit kung isasagawa and dalawang salah nang tuloy-tuloy ay mas lalong mainam sapagkat ganito ang ginagawa ng Propeta (SAS). Si Allah ang tagapatnubay.
 _______________________________________________________________________________
(31)*Ang taqdeem ay ang magkasunod na pagsasagawa ng dhuhr at ‘asr sa oras ng dhuhr at ng maghrib at ‘`isha’ sa oras ng magrib.
(32)**Ang ta’kheer ay ang magkasunod na pagsasagawa ng dhuhr at ‘asr sa oras ng ‘asr at ng maghrib at ‘`isha’ sa oras ng ‘`isha’. 

56.       Kapag kami ay naglalakbay at napadaan sa isang Masjid sa oras ng dhuhr -- halimbawa -- kanais-nais ba para sa amin na magsagawa ng salah sa dhuhr kasama ng jama`ah (sa Masjid na iyon)  at pagkatapos ay isasagawa namin ang pinaikling ‘asr o isagawa na lamang namin ang salah (na hindi kasabay ng jama`ah)?  At kapag nagsasagawa kami ng salah kasama ng jama`ah (sa Masjid na iyon) at pagkatapos nito ay gusto naming magsagawa ng ‘asr, tatayo kami pagkatapos ng tasleem upang isagawa agad ang ‘asr o bibigkas muna kami ng mga dhikr at saka magsagawa ng ‘asr?

Sagot: Ang mas mainam sa inyo ay magsagawa kayo ng salah nang kayo-kayo lamang sapagkat ang sunnah para sa musafir ay paikliin ang salah na binubuo ng apat na rak`ah.  Kung magsasagawa kayo ng salah kasama ng jama`ah na di-naglalakbay, kailangan kumpletuhin ninyo ang salah (hindi paikliin) tulad ng nasasaad sa Hadeeth.  Kung gusto ninyong pagsamahin ang salah, kailangan gawin kaagad ninyo iyon bilang pagsunod sa sunnah tulad ng nabanggit sa sagot sa tanong 55. pagkatapos magsabi ng tatlong astagfirullah at isang allaahumma antas salaam, wa minkas salaam, tabarakta ya dhal jalaali wal ikraam.  Subalit kung naglalakbay ay nag-iisa, kailangang magsagawa siya ng salah kasama ng jama`ah na di-naglalakbay at kukumpletuhin niya ang salah (hindi paiiksiin).  Ito ang dapat niyang gawin sapagkat ang salah sa jama`ah ay isang fard at ang pagpapaiksi ng salah ay isang kanais-nais na bagay lamang.  Ang fard ay kailangan bigyan ng mas malaking pagpapahalaga kaysa kanaisnais na bagay lamang.  Si Allah ang tagapatnubay.

57.       Ano po ang hatol sa di-musafir na ang kanyang imam ay isang musafir o ang kabaligtaran nito?  May karapatan ba ang musafir sa pagkakataong ito, kung siya ang imam o ma’moom, na paiklihin ang salah.

Sagot: Ang salah ng musafir na ang imam ay di-musafir o ang salah ng di-musafir na ang imam ay musafir ay kapwa tanggap.  Subalit kung ang ma’moom ay ang musafir at ang imam ay and di-musafir, tungkulin ng ma’moon (na musafir) na sundin ang kanyang imam (na di-musafir) (kaya hindi niya paiikliin ang salah).  Ayon ito sa Hadeeth na isinalaysay ni Ibnu Abbas (RA).  Sa Hadeeth na ito ay naiulat na siya ay tinanong tungkol sa apat na rak`ah na salah na isinagawa ng musafir kasama ng imam na di musafir.  Sinabi niyang iyon ay tama.  Kung nagsagawa ng salah na binubuo ng apat na rak`ah ang di-musafir at ang kanyang imam ay musafir, kukumpletuhin niya ng kanyang salah kapag nagsabi ng tasleem ang kanyang imam na musafir.

58.       Maaring mangyari na sa pagsasama ng maghrib at ‘`isha’ “dahil may ulan” ay may (mga) tao na darating samantalang ang imam ay nagsasagawa ng salah sa ‘`isha’.  Sasabay siya (o sila) sa imam dahil sa pag-aakalang ito ay nagsasagawa ng maghrib; ano po ang dapat niyang (o nilang) gawin?

Sagot: Kailangang maupo sila kapag natapos na nila ang ikatlong rak`ah, bigkasin ang tashahhud, at magsabi ng tasleem kapag nagsabi ang imam ng tasleem.  Pagkatapos niyon ay isasagawa nila ang ‘`isha’ upang matamo ang pagpapala ng salah sa jama`ah at upang masunod ang pagkasunod-sunod ng salah.  Kung nang sumabay sila sa imam ay nang natapos na ang isang rak`ah, kasama ng imam ay isasagawa nila ang natitira sa salah kalakip ang neeyah na salah sa maghrib ang siyang isinasagawa.  Kung nang sumabay sila ay mahigit na sa isang rak`ah ang natapos, isasagawa nila kasabay ng imam ang naabutan nila sa salah at isasagawa nila kasabay ng imam ang naabutan nila sa salah at isasagawa nila ang natitirang rak`ah.  Ganoon din naman kung sakaling nalaman nila na ang isinagawa ng imam ay ‘`isha’, sasabay sila sa kanya ngunit ang kanilang neeyah ay ang magsagawa ng maghrib.

59.       Isasagawa po ba ng isang musafir ang mga salah na sunnah?

Sagot: Ang sunnah para sa musafir ay huwag isagawa ang mga salah na sunnah sa dhuhr, maghrib, at ‘`isha’ subalit isasagawa ang sunnah sa fajr bilang pagsunod sa Propeta (SAS) .  Sunnah din na isagawa ang  tahajjud at ang witr (1) sa gabi, habang naglalakbay sapagkat ginagawa iyon ng Propeta (SAS).  Gayon din ang iba’t ibang salah na sunnah gaya ng salatul duha (2), sunnatul wudu’ (3), salatul kasoof (4), sujudut tilawah (5), at salah tahiyatil masjid (6) kapag papasok sa Masjid upang magsagawa ng salah o maging ano pa man ang dahilan.
 _________________________________________________________________________________________
1.        Ang dalawang salah na sunnah na ito ay karaniwang isinasagawa pagkatapos ng ‘`isha’ bago sumapit ang fajr.  Ang dalawang ito ay kapwa binubuo ng isa o tatlo o lima o pito o siyam o labing-isang rak`ah.  Ang pinagkaiba nga lamang ng dalawang ito ay isinasagawa ang tahajjud kapag nagising sa gabi baago sumapit ang fajr samantalang ang witr ay isinasagawa naman bago matulog.
2.        Ang salah na ito ay katulad ng pangkaraniwang salah na sunnah at isinasagawa matapos na sumikat ang araw.
3.        Ito ay dalawang rak`ah na salah na isinasagawang katulad ng pangkaraniwang salah na sunnah pagkatapos magsagawa ng wudu’.
4.        Isinasagawa ang salah na ito kapag may eklipse.
5.        Ito ay dalawang pagpapatirapa na gaya ng sujudus sahw na isinasagaw kapag may nabasa sa Qur’an na isang ayah na nag-uutos na magpatirapa.  Maaring isagawa ito habang nagbabasa ng Qur’an o nagsasagawa ng salah
6.    Ang kahulugan ng salah tahiyatil masjid ay ang salah ng pagbati sa Masjid.  Ang pagsasagawa nito ay walang ipinagkaiba sa pangkaraniwang salah na sunnah.


60.       Kailangan pa ba ang wudu’ bago magsagawa ng sujudut tilawah?  Magsasabi pa ba ng allaahu akbar kapag magpapatirapa at kapag mag-aangat ng ulo buhat sa pagpapatirapa kung ang sujudut tilawah ay nangyari habang nasasagawa ng salah o habang nababasa ng Qur’an?  Ano ang sasabihin sa sujudut tilawah?  Ang mga du`a’ bang binibigkas dito ay buhat sa Hadeeth na saheeh?  Kailangan pa bang magsabi ng tasleem kung nasagawa ng sujudut tilawah habang nagbabasa ng Qura’an?

Sagot:  Ayon sa pinakatumpak na pahayag ng mga pantas, hindi na kailangan ang wudu’ sa sujudut tilawah. At sa pag-aangat ng ulo buhat sa papapatirapa ay hindi na kailangang magsabi ng allaahu akbar ayon pa rin sa pinakatumpak na pahayag ng mga pantas.  Ngunit kailangang sabihin  ang allaahu akbar kapag magpapatirapa sapagkat ito ang ipinahihiwatig sa isang Hadeeth na isinalaysay ni Ibnu ‘Umar (RA). Kapag isinagawa ang sujudut tilawah habang nagsasagawa ng salah, kailangang magsabi ng allahu akbar kapag magpapatirapa at mag-aangat ng ulo buhat sa pagpapatirapa sapagkat ginawa ito ng Propeta (SAS) sa lahat ng salah.  Nasasaad sa Saheeh Al-Bukhari na sinabi niya (SAS): “Isagawa ninyo ang salah kung papaano ninyo nakitang isinagawa ko ang salah.”  Sunnah na bumigkas ng mga du`a’ at dhikr na angkop para sa sujudut tilawah gaya ng: allaahumma laka sajattu wa bika aamantu wa laka aslamtu, sajada wajhee lilladhee khalaqahu wa sawwarahu wa shaqqa sam‘ahu wa basrahu bihawlihi wa qoowatihi, tabrakallaahu ahsnul khaliqeen.  Ang du`a’ na ito na matatagpuan sa Saheeh Muslim na isinalaysay ni Ali (RA) ay binigkas ng Propeta (SAS) sa sujudut tilawah.  Ang sinasabi kapag nakapatirapa sa salah ay siya ring sinasabi sa sujudut tilawah.  Nasasaad sa isang Hadeeth na binibigkas ng Propeta (SAS) sa sujudut tilawah ang panalanging ito: allaahum maktub lee bihaa ‘indaka ajran, wamhu ‘annee biha wizra, waj‘alhaa lee ‘indaka dhukhra, wa taqabbalhaa minee kama taqwabbaltaha min ‘abdika daawuda ‘alayhis salaam.  Ngunit ang fard na sabihin sa sujudut tilawah ay: subhaana rabbiyal a‘laa na siya ring fard sabihin kapag nakapatirapa sa salah.  Ang ano mang dhikr o du`a’ na idadagdag dito ay kanais-nais.  Ang sujudut tilawah habang nagsasagawa ng salah o habang nagbabasa ng Qur’an ay sunnah at hindi fard sapagkat ito ang ipinahihiwatig sa Hadeeth na isinalaysay ni Zayd bin Thabit (RA) at ito rin ang ipinahihiwatig sa Hadeeth na isinalaysay naman ni `Umar (RA).  Si Allah ang tagapatnubay.

61.       Maaring maganap ang solar eclipse (eklipse sa araw) pagkatapos ng `asr, kaya issagawa rin ba ang salatul kasoof pagkatapos ng `asr, samantalang bawal magsagawa ng salah pagkatapos ng `asr.  At maari bang isagawa ang salah tahiyatil masjid sa oras na bawal isagawa ang salah?

Sagot: Sa dalwang usaping ito ay may pagkakaiba ang mga pahayag ng mga pantas ngunit ang tama ay ipinahihintulot ang pagsasagawa ng salahtul kasoof at salah tahiyatil masjid.  Dapat gawin ang dalawang salah na ito sapagkat ang mga salah na ito ay mga salah na isinasagawa sanhi ng mga kadahilanan.  Ipinahihintulot ang pagsasagawa ng mga salah na ito sa oras na kung papaanong ang mga ito ay ipinahihitulot sa iba pang mga oras.  Ito ay batay sa sinabi ng Propeta (SAS):  “Tunay na ang araw at ang buwan ay dalawang tanda sa mga tanda ni Allah.  Hindi naglalaho ang mga ito dahil sa pagkamatay o pagkasilang ng isang tao.  Kapag nakakita kayo ng eklipse, magsagawa kayo ng salah at manalangin hanggang sa matapos ang eklipse.”  Ang Hadeeth na ito ay matatagpuan sa Saheeh Al-Bukhari at Saheeh Muslim.  Ang sabi pa niya (SAS): “Kapag pumasok ang sinuman sa inyo sa Masjid, huwag siyang umupo hangga’t hindi nakakapagsagawa ng dalawang rak`ah na salah.”  Ganoon din ang dalawang rak`ah na salah na sunnah na isinasagawa matapos isagawa ang tawaf, kailangan paring isagawa ang salah na ito kahit tapos na ang salah sa fajr o `asr nang matapos ang pagsasagawa ng tawaf.  Batay ito sa sinabi ng Propeta (SAS) na:  “o angkan ni Abd Manaf (33)* huwag ninyong pabawalan ang sinuman na magsagawa ng tawaf sa Bahay na ito (Ka`bah) at magsagawa ng salah sa anumang oras na kanyang naisin, sa gabi man o araw.”  Ang Hadeeth na ito ay isinalaysay ni Juabayr bin Mut`im (RA).  Si Allah ang tagapagpatnubay.
______________________________________________

(33)*Isa sa pangalan ng angkan ni Propeta Muhammad (SAS)



62.       Ano po ang hatol sa sabay-sabay na pagbigkas ng mga dhikr pagkatapos ng salah tulad ng ginagawa ng iba?  Ang sunnah po ba ay bigkasin nang may tunog ang dhikr o bigkasin nang mahina?

Sagot: Ang sunnah ay ang pagbigkas sa dhikr nang may tunog pagkatapos na pagkatapos ng salah na fard at salatul jum’ah (salah sa araw ng pagsamba tuwing Biyernes) pagkatapos  magsabi ng tasleem.  Sapagkat nasasaad sa Saheeh Al-Bukhari at Saheeh Muslim na isinalaysay ni Ibnu `Abbas (RA) na noong kapanahunan ng Propeta (SAS) ay itinataas ang boses sa pagbigkas ng dhikr kapag natapos na ang mga tao sa pagsasagawa ng salah na fard.  Ang sabi pa ni Ibnu `Abbas (RA): “Nalalaman ko kapag natapos na nila ang salah -- kapag   narinig ko ang pagbigkas ng dhikr.”

            Ang sabay-sabay na pagbigkas ng dhikr, anupa’t nais ng bawat isa na sabayan ang pagbigkas ng iba mula sa simula hanggang sa katapusan, at ang paggaya nito ay walang batayan.  Ito ay isang bid`ah.
(34)*  Ang nararapat ay kanya-kanyang bigkasin ng lahat ang dhikr para kay Allah sa simula hanggang sa katapusan. Si Allah ang tagapagpatnubay.
_______________________________________________________________________
  (34)*Ang ano mang gawain o paniniwala na hindi aral ng Islam na ipinasok sa Islam at sinasabing ito ay sa Islam.
  

63.       Kapag nakalimot ang isang tao at nakapagsalita habang nasasagawa ng salah, nawawalan ba ng saysay ang kanyang salah?

Sagot: Kapag nakapagsalita ang isang Muslim habang nagsasagawa ng salah, dahil nakalimot o dahil hindi alam na bawal ang magsalita habang nagsasagawa ng salah, hindi nawawalan ng saysay ang kanyang salah maging iyon man ay fard o sunnah.  Batay ito sa panalanging itinuro ni Allah: “O Panginoon namin, huwag Mo po kaming parusahan kung kami ay nakalimot o magkamali.”. (2:286)  Nasasaad  sa Hadeeth na ang tugon ni Allah sa panalanging ito ay: “Ginawa ko na.”  Nasasaad sa Saheeh Muslim na si Mu`awiyah bin Al-Hakam As-Salami (RA) ay nagsabi ng yarhamukallaah sa isang bumahin habang sila ay nagsasagawa ng salah dahil hindi niya alam ang alituntuning bawal ang magsalita kapag nagsasagawa   ng salah.  Dahil doon ay pinuna siya ng mga nakapalibot sa pamamagitan ng pagsenyas.  Kaya tinanong niya ang Propeta (SAS) hinggil doon.  Hindi siya inutusan ng Propeta (SAS) na ulitin ang salah dahil ang nakalimot ay katulad ng walang nalalaman.  Nang minsang makalimot ang Propeta (SAS) at nakapagsalita siya habang siya ay nagsasagawa ng salah ay hindi niya inulit ang salah. Sa halip ay kinumpleto niya ang salah tulad ng nasasaad sa Saheehayn na isinalaysay ni Abu Hurayrah (RA) at sa Saheeh Muslim na isinalaysay naman ni Ibnu Mas`ood (RA) at `Imran bin Husayn (RA).  Walang masama sa pagsesenyas habang nagsasagawa ng salah kapag tinatawag ng pangangailangan.  Si Allah ang tagapatnubay.


  
Blg.                             Mga Nilalaman                                Ph.

1.
Ang hatol sa salah ng nagsasagawa ng salah nang walang anumang nakapatong sa kanyang balikat
5
2.
Ang hatol sa taong nasagawa ng salah nang hindi nakaharap sa qiblah matapos na siya ay nagsikap na itoy ay hanapin
5
3.
Ang hatol sa pagbigkas ng neeyah kapag magsasagawa ng salah
4
4.
Tanong tungkol sa pagsasagawa ng salah sa Hijr Isma`eel
4
5.
Tanong sa ipinagkaiba ng dugo ng regla sa istihadah
7
6.
Tanong tungkol sa pagsasagawa ng salah na hindi naisagawa at kung ang pagkasunod-sunod ng salah ay isang kondisyon
9
7.
Tanong kung sa bahagi ng katawan ng babae na maaring ilabas kapag nagsasagawa ng salah
9
8.
Tanong kung kailangan isagawa ang salah sa dhuhr o maghrib kapag tumigil ang regla sa oras ng salah sa `asr o `isha’
10
9.
Tanong tungkol sa hatol sa pagpapahuli ng maraming manggagawa sa pagsasagawa ng salah sa takdang mga oras na ito.
11
10.
Tanong tungkol sa pag-uulit ng salah matapos magsabi ng tasleem kapag may nakitang najasah sa damit
12
11.
Ang hatol sa huminto sa pagsasagawa ng salah o sa nagpapabaya sa pagsasagawa nito at ang tungkulin ng Muslim sa taong gumagawa nito.
13
12.
Tanong tungkol sa kung isasagawa pa ng nawalan ng malay sanhi ng mga aksidente sa sasakyan ang mga salah na hindi niya naisagawa
17
13.
Ang hatol sa pagpapaliban ng salah ng mga may karamdaman
18
14.
Ang hatol sa sadyang huminto sa pagsasagawa ng salah
19
15.
Tanong tungkol sa pagtawag ng adhan pagkatapos ng oras nito at sa tungkuling tumawag ng adhan sa ilang
20
16.
Tanong kung ipinahihintulot sa mga kababaihan ang pagtawag ng adhan at iqamah
21
17.
Tanong kung tanggap ang salah kapag nagsagawa  ang isang tao o ang isang jama’ah ng salah nang walang iqamah
22
18.
Tanong sa kung ano ang hatol sa pagsasagawa ng salah sa harap ng sutrah at kung maari bang gawing sutrah ang guhit?
22
19.
Tanong tungkol sa pagpatong ng kanang kamay sa kaliwang kamay habang nagsasagawa ng salah
24
20.
Tanong tungkol sa sa jalstul istirahah at kung kanino ito nararapat
25
21.
Tanong kung papaanong isasagawa ang salah sa eroplano
25
22.
Tanong tungkol sa walang kabuluhang kilos habang nagsasagawa ng salah at payo sa sinumang gumagawa nito
26
23.
Tanong tungkol sa kung ang paglapag ng mga tuhod bago ang mga kamay kapag magpapatirapa ay mas mainam o ang kabaliktaran nito
28
24.
Ang hatol sa pag-ehem at pag-iyak habang nagsasagawa ng salah
29
25.
Ang hatol sa pakikipag kamay pagkatapos ng salah
29
26.
Tanong tungkol sa pagpapalit ng lugar upang magsagawa ng salah na sunnah pagkatapos ng salah
31
27.
Tanong tungkol sa pagiging saheeh ng Hadeeth na humihimok na bigkasin ang “laa ilaaha illallaah wahdahu laa shareeka....” pagkatapos ng fajr at maghrib
31
28.
Ang hatol sa papapabaya sa pagsasagawa ng salah sa jama’ah at ang pagpapabula sa ilang mga maling akala tungkol dito
34
29.
Tanong tungkol sa pagbabasa ng ma’moon ng suratul fatiha sa likod ng imam at kung kailan niya ito babasahin
36
30.
Tanong tungkol sa kung ang paninigarilyo at ang kahit anong bagay na may masamang amoy ay itinuturing na parang pagkain narin ng sibuyas o bawang sa pagbabawal ng lumapit sa Masjid
38
31.
Tanong tungkol sa kung saan banda sa likuran ng imam sisimulan ang hanay ng salah
39
32.
Ang hatol sa nagsasagawa ng salah na fard sa likod ng nagsasagawa ng salah na sunnah
40
33.
Tanong tungkol sa salah ng munfarid (mag-isang nagsasagawa ng salah) sa likuran ng hanay
41
34.
Tanong tungkol sa kung ang neeyah ay isang kondisyon sa pamumuno sa salah at hatol sa pumumuno sa salah ng isang masbooq
42
35.
Tanong tungkol sa kung ang naabutan ng masbooq kasama ng imam ay itinuturing na umpisa ng kanyang salah o katapusan nito
43
36.
Ang hatol sa pagsasagawa ng salah sa labas ng Masjid kapag napuno na ito
45
37.
Tanong tungkol sa kung papaano ang paghahabol sa salah
45
38.
Tanong kung nararapat hintayin ng imam ang pumasok upang maabutan nito ang rak`ah o hindi
46
39.
Tanong tungkol sa kung papaanong ipupuwesto ang mga bata sa salah at kung ang pagsapit sa wastong gulang ay kondisyon upang makasama sa hanay ang bata
46
40.
Ang hatol sa pagsasagawa ng isa pang salah sa jama`ah matapos na maisagawa ang unang salah sa jama`ah
47
41.
Tanong tungkol sa kung ano ang dapat gawin kapag nasira ang wudu’ ng imam
48
42.
Tanong kung papaanong naabutan ang jama’ah
49
43.
Ang hatol sa salah sa jama`ah na pinamumunuan ng imam na nakalimot magsagawa ng wudu’
50
44.
Ang hatol sa pamumuno sa salah ng taong hayagang gumagawa ng mga maliit na kasalanan gaya ng paninigarilyo
51
45.
Tanong tungkol sa puwesto ng ma’moon kasama ng imam kapag ang ma’moon ay nag-iisa
51
46.
Tanong kung ano ang gagawin kapag nagduda ang nagsasagawa ng salah kung siya ba ay nakapagsagawa ng 3 o 4 rak`ah
51
47.
Tanong tungkol sa sujudus sahw kung magpapatirapa ba pagkatapos magsagawa ng tasleem o bago magsagawa nito.
52
48.
Tanong tungkol sa sujudus sahw ng masbooq at ma’moon
53
49.
Tanong tungkol sa sujudus sahw sa ilang mga pangyayari
54
50.
Tanong tungkol sa kung ang pagsasama at papapaikli ng salah ay laging magkasama, kung ang lalong mainam para sa musafir ay ang pagpapaikli nang walang pagsasama ng mga salah o ang kapwa pagsasama at pagpapaikli
56
51.
Tanong tungkol sa kung kailan may karapatan ang musafir na pagsamahin at paiklihin ang salah
57
52.
Tanong tungkol sa kung gaano kalayo ang kailangan lakbayin upang mapahintulutan ang pagpapaikli ng salah
57
53.
Tanong tungkol sa kung ano ang hatol sa pagsasama ng maghrib at `isha’ kapag may ulan sa panahong hindi naglalakbay
58
54.
Tanong tungkol sa kung ang neeyah ba ay isang kundisyon para mapahintulutan ang pagsasama ng salah?
58
55.
Tanong tungkol sa kung ang tuloy-tuly na pagsasagawa ng 2 salah ay isang kondisyon sa pagsasama ng salah
59
56.
Tanong tungkol sa kung ang musafir na napadaan sa isang Masjid sa oras ng dhuhr ay magsasagawa ng salah na dhuhr kasama ng jama`ah at pagkatapos nito ay saka magsasagawa ng pinaikling `asr
59
57.
Ang hatol sa salah ng di-musafir sa likuran ng imam na musafir kung siya ay imam o ma’moom
60
58.
Sa pagsasama ng salah sa maghrib at `isha’, kapag may ulan ay maaring may isang grupo na darating habang ang imam  ay nagsasagawa ng `isha’; kapag sumabay ang mga ito sa pag-aakalang maghrib ang isinasagawa, ano ang kanilang gagawin kapag nalaman nilang `isha’ pala ang isinasagawa?
61
59.
Tanong tungkol sa pagsasagawa ng mga salah na sunnah habang naglalakbay
62
60.
Tanong tungkol sa ilang mga usapin hingil sa sujudut tilawah
62
61.
Tanong kung ipinahihintulot ang pagsasagawa ng salah para sa solar eclipse o salah tahiyatil masjid sa oras ng ipinagbabawal ang pagsasagawa ng salah
64
62.
Tanong tungkol sa kung ano ang hatol sa sabay-sabay na pagbigkas ng dhikr nang may tunog o bigkasin ng mahina
65
63.
Tanong kung nawawalan ng saysay ang salah kapag nakalimot ang isang tao at nakapagsalita habang nagsasagawa ng salah.
66