Nananatiling matibay ang paniniwala ng mga kasamahan ng Sugo ng Allah (sumakanya ang kapayapaan) at mga sumunod sa kanila dataauwa't buong Ahlus Sunnah at mga pantas ng Hadith at lahat ng pantas ng islam maging ang mga Sufi' na Mayroon ng Paraiso at ganap na itong nilikha ng Allah, maliban sa iilang grupo na hindi naniniwalang nalikha na ang Paraiso tulad ng " Qadariyya" at "Mu'tazilah" dahil itinataggi nilang nilikha ng ang Paraiso samakatuwid ayon sa kanila wala pang Paraiso sa ngayon bagkus lilikhain ito ng Allah pagdating ng Araw ng Paghuhukom.
Sinasabi nila: "Ang pagkakaroon ng Paraiso bago dumating ang paghuhukom at pagtutuos ay walang saysay sapagaka't magiging bakante lamang ito sa mahabang panahon dahil wala naman nakalagay".
Ayon din sa kanila: "Kung ang isang Hari ay maghahanda ng isang palasyo o kaharian ay lalagyan ito ng iba't ibang masasarap na pagkain at mga kagamitan subali't hindi naman ito ipagagamit sa mga tao at hindi rin sila hahayaang makapasok dito sa mahabang panahon, magkagayun ang gawain niyang ito ay wala sa tamang pamamaraan".
Tunay na ang mga taong nagsasabi nito ay inihalintulad nila ng Panginoong Allah sa Kanyang nilikha kaya ang tunay na paniniwala ay ganap ng nilikha ng Allah ang Paraiso at Impiyerno at mayroon na ito sa panahon ngayon.
Maraming katibayang nagpapatunay sa paniniwalang ito mula sa Qur'an at Sunnah ng Sugo ng Allah (sumakanya ang kapayapaan):
Sinabi ng Allah: ((Katiyakang si Anghel Gabriel ay kanyang nakita sa ibang pagkakataon ng pagbaba nito, sa puno ng Lote [sidratul muntaha], sa tabi nito ay naroon ang Hardin ng kanlungan)). An-Najm [13-15].
Ayon sa pag-uulat ni Anas [sumakanya nawa ang kaluguran ng Allah] ukol sa kuwento ng paglakbay ng Propeta patungong langit at nakasaad dito:
( at pagkatapos, dinala ako ni Anghel Gabriel hanggang sa Sidratul Muntaha na nababalot ng mga kulay na hindi ko alam kung ano ang mga ito? Sinabi niya: at pagkatapos, pumasok ako sa Paraiso at mayroon itong simboryo ng perlas at ang lupa nito ay mula sa Misk [musko]).
-Isinalaysay ni Bukhari at Muslim
At ayon din sa pag-uulat ni Anas bin Malik [sumakanya nawa ang kaluguran ng Allah] sinabi ng Sugo ng Allah:
(Katotohanan, ang alipin kapag ilagay na sa kanyang libingan at iiwan na ng kanyang mga kasamahan; tunay na naririnig pa niya ang yabag ng kanilang mga sapatos,darating sa kanya ang dalawang Anghel at itatanong sa kanya ang tungkol kay Mohammad, magkagayun, kapag siya ay mananampalataya kanyang sasabihin:" Ako ay sumasaksi na siya [Mohammad] ay lingkod ng Allah at Kanyang Sugo, at sasabihin sa kanya ng mga Anghel tingnan moa ng iyong kalalagyan sa Apoy ng Impiyerno tunay na pinalitan ito sa iyo ng Allah ng kalalagyan mo sa Paraiso, sinabi ng Propeta Mohammad (sumakanya ang kapayapaan):" makikita niya ang dalawang ito). -Isinlaysay ni Bukhari at Muslim.
Ayon naman sa pag-uulat ni Al-Barra' [sumakanya nawa ang kaluguran ng Allah]:
(at pagkatapos, bubuksan sa kanya ang pintuan ng Paraiso at pintuan ng Impiyerno at sasabihin sa kanya [pagkatapos niya Makita ang impiyerno]:" ito ang tahanan mo kapag sinuway ang Allah –Ang Kataas-taasan- subali't pinalitan na ito ng Allah sa iyo, kaya kapag nakita niya ang anumang nasa Paraiso ay sasabihin niya:" O Panginoon! Bilisan na Niyo po ang pagdating ng Araw ng Paghuhukom). Isinalaysay ni Abu Dawud at Asfarayni
At marami pang iba na nagpapatunay sa ating paniniwala na nilikha na ng Allah ang Paraiso at Impiyerno na binanggit ni Ibn Al-Qayyim [Rahimahullah] sa Aklat na "Hadil Arwah".
Isinulat ni : SALAMODIN D. KASIM