السلام عليكم ورحمة الله وبركاته
1- Imam Ad-Darimi
2- Salam bin abi Mutie
Hindi po lingid sa Lahat na marami ng mga sektang naglipana
sa Lipunan at tayong mga Muslim ay dapat mag- ingat sa ating sinusunod at pinagkukunan nang kaalaman. Isa na
dito na dapat iwasan ay ang mga taong sumusunod sa Al-Jahmiyah. Sino o Ano nga po baga Al-Jahmiyah?
AL-JAHMIYAH: Isang grupo o may nagsasabing ito ay
sekta ng Islam; ito ay itinatag ni Al-Jahm bin Safwan At-Tirmizi sa Kufa, Iraq.
Nakasama niya si Al-Jaad Bin Dirham pagdating niya sa Kufa
mula Damascus at mula kay Al-Jaad ang maraming maling katuruan ni Al-Jahm na naging
paniniwala ng JAHMIYAH.
Si Al-Jahm bin Safwan ang pinaka-unang nagsabi na ang
Qur’an ay nilikha ng Allaah (سبحانه وتعالى)
PANINIWALA AT KATURUAN NG JAHMIYAH
Kabilang sa mga katuruan at paniniwala ng JAHMIYAH
ay ang mga sumusunod:
1.Sinasabi nila na ang Qur’an ay nilikha ng Allaah (سبحانه وتعالى).
2. Sinasabi nila na ang Allaah (سبحانه وتعالى) ay hindi makikita sa kabilang buhay.
3.Itinatakwil nila ang mga katangian ng Allaah((سبحانه وتعالى tulad ng mga sumusunod:
a. Kakayahan,
b. Naisin,
c. Karunungan at iba pa.
4.Sinasabi nila na ang Eeman [paniniwala] ay paniniwala lamang nang puso, kahit na magsalita ang tao
o gumawa ng makakasira ng Islam ay hindi parin masisira ang kanyang Eeman o
pananampalataya, sapat na ang pagkakilala sa Allaah (سبحانه وتعالى) at ang Kuf’r (kawalan nang pananampalataya) ay ang kawalan ng
kaalaman sa Allaah (سبحانه وتعالى ).
“Aking sasabihin: sa paniniwala nilang ito ay parang sinasabi nila na si IBLIS ay Mu’min o mananampalataya sapagkat alam at kilala ni Iblis ang Allaah, (wal iyadhu billah)”.
5. Sinasabi nila na ang Allaah (سبحانه وتعالى) ay nasa lahat ng lugar (naroon kahit anong lugar).
6. Sinasabi nila na ang Paraiso at Impiyerno ay may
katapusan at magwawakas.
7.Hindi sila naniniwala sa mga sumusunod:
a. Kaparusahan sa libingan,*Maraming mga Salaf (naunang mabubuting Muslim) at mga Pantas na nagsabi at naghatol na ang JAHMIYAH ay lumabag sa pananampalataya at itinakwil ito na siyang dahilan ng kanilang paglabas sa Islam (Kuf’r) kahit na inaakala nila na sila'y mga Muslim; kabilang sa mga Salaf at Pantas na naghatol ng Kuf’r sa JAHMIYAH ay ang mga sumusunod:
b.Sirat (tuwid na daan o tulay sa kabilang buhay),
c. Timbangan ng mga Gawain.
1- Imam Ad-Darimi
2- Salam bin abi Mutie
3- Hamad bin Zayd
4- Yazid bin Haron
5- Abdullah bin Al-Mubarak
6- Wakie
7- Hamad bin Abi Sulayman
8- Yahya bin Yahya
9- Rabie bin Nafie
10- Imam Malik bin Anas
11- Imam al-Bukharie , At marami pang iba.
PAUNAWA: Kaya’t mag-ingat sa ganitong maling paniniwala upang hindi masira ang pananampalataya, laging alamin ang tunay na katuruan ng AHLUS SUNNAH WAL JAMA’AH!
4- Yazid bin Haron
5- Abdullah bin Al-Mubarak
6- Wakie
7- Hamad bin Abi Sulayman
8- Yahya bin Yahya
9- Rabie bin Nafie
10- Imam Malik bin Anas
11- Imam al-Bukharie , At marami pang iba.
PAUNAWA: Kaya’t mag-ingat sa ganitong maling paniniwala upang hindi masira ang pananampalataya, laging alamin ang tunay na katuruan ng AHLUS SUNNAH WAL JAMA’AH!
Isinulat at Isinalin sa Tagalog ni: Sheikh Salamodin Doton Kasim
Sources: [Aqeedah Tahawiyah ,Lam’atul I’itiqad , Al-tawhed.net , Dalael at-tawhed , Mawsuatul Muyassarah fil mazahib wal adyan]