(A) Ang paglahok ng isang Muslim sa halalan ng mga hindi Muslim:
Isa ito sa mga mahahalagang paksa sa mga panahon ngayon at nagkakaiba ang opinion ng mga iskolar ukol sa usaping ito sapagka't ang lugar na ito ay pinamumunuan ng mga hindi Muslim samakatwid hindi nasusunod ang Batas ng Allaah sa mga lugar na ito.
Naglabas ng Fatwah (kasagutan) ang Al-Mujamma Al-Fiqhi Al-Islamie sa pagpupulong nito bilang (19) na naganap sa tanggapan ng Muslim World League, sa Makkah sa petsang ( 22-27 Shawwal)- (3-8 November 2007).
" Nakasaad dito ang: pagkatapos marinig ang anumang nailatag na mga pananaliksik kasama ang mga pagtalakay dito; napagpasyahan ng konseho ang mga sumusunod:
1. Ang paglahok ng Muslim sa halalan kasama ng mga hindi Muslim sa mga hindi Islamikong lugar ay isa sa mga usaping pampulitika kung saan natutukoy ang batas (hatol) nito ayon sa pagsukat sa pagitan ng mga kabutihan nito at kapinsalaan datapuwa't ang hatol ay iba't iba depende sa mga panahon, lugar at kalagayan.
Una: na ang magiging layunin ng lumalahok na Muslim sa kanyang paglahok ay pag-aambag upang makamit ang mga kabutihan (benepisyo) para sa mga Muslim at paghadlang sa mga kapinsalaan at kasamaan laban sa kanila.
Pangalawa: na ang namamayani sa akala at paniniwala ng mga lumalahok mula sa mga Muslim ay ang pagkakaroon ng positibong epektong ang kanilang paglahok para sa kapakanan ng mga Muslim sa bansa na ito gaya ng pagiging malakas ng kanilang katayuan, pagpapaabot ng mga kanilang mga kahilingan at pangangailangan tungo sa mga kinauukulan at namumuno at pagpapahalaga sa kanilang karapatang panrelihiyon at panlipunan (o karapatang di-panrelihiyon).
Pangatlo: Na hindi magbubunga ang paglahok ng isang Muslim sa mga halalan na ito ng anumang bagay na hahantong sa kanyang pagkukulang sa kanyang pananampalataya.
At ganun din kapag pantay ang katayuan ng kanditato dahil parehas silang makapipinsala sa mga Muslim o parehas sila ng katayuan laban sa mga Muslim. Sa ganitong kalagayan; ay kabilang sa tinutukoy ng "fatwah" ng mga iskolar sa Kaharian ng Saudi Arabia sa Alluzna Addaima kung saan nakasaad ang ganitong tanong:" Maaari bang bomoto sa halalan o lumahok bilang kandidato na alam namin na ang aming bansa ay hindi humahatol ayon sa batas na ibinaba ng Allah?
Si Allaah ang Nagpapatnubay at nawa'y ang pagpapala ng Allaah at kapayapaan ay maitampok sa ating Propeta Mohammad sampu ng kanyang mag-anak at mga kasamahan.
(B) Ang pagboto sa kanilang Halalan:
" Ang usaping ito ay iba't iba rin ang kasagutan o "Fatwah" depende sa panahon, lugar at kalagayan kaya hindi ito maaaring bigyan ng pangkalahatang hatol sa lahat ng paraan nito na kasalukuyan at ang maaaring mangyari sa hinaharap datapuwa't may ilang pagkakataon na hindi maaaring bomoto (ang isang Muslim) kapag wala naman itong naidudulot na epekto at kabutihan sa mga Muslim o ang mga Muslim ay walang (naituturing na) epekto sa pagboto samakatwid boboto man sila o hindi ay parehas pa rin ng resulta (ng kanilang kalagayan).
SAGOT: Hindi maaaring kumandidato ang isang Muslim upang maging bahagi ng gobyernong humahatol ng hindi batas ng Allah, at ang pamamalakad ay taliwas sa batas ng Islam, kaya hindi ipinapahintulot sa isang Muslim na iboto siya o ang sinumang nagtatrabaho sa gobyernong ito maliban lamang kung ang kumakandidato mula sa mga Muslim ay nais nila at umaasang makapasok dito upang maabot ang kanilang hangaring mabago ang pamamalakad ng naturang gobyerno tungo sa pagsasakatuparan ng batas ng Islam at ito ang kanilang paraan upang mabago ang batas at pagkatapos Manalo sa halalan ay dapat ang posisyon na kanyang hawak ay hindi salungat sa batas ng Islam.
(23/406-407) bilang: (4029)
Si Allaah ang Nagpapatnubay at nawa'y ang pagpapala ng Allaah at kapayapaan ay maitampok sa ating Propeta Mohammad sampu ng kanyang mag-anak at mga kasamahan.
Lupon ng mga iskolar ng Al-Luzna Ad-Daima Lil buhuth Al-Ilmiya wal Iftah
Pangulo: Abdulaziz bin Baz
Pangawalang Pangulo: Abdurrazzaq Afifi
Miyembro: Abdullah bin Qaud
Miyembro: Abdullah bin Gudayyan
Hindi maaaring magkaroon ng maling haka-haka ang sinuman para sabihin na ang sumasang-ayon sa pagboto ay sang ayon sa kawalan ng pananampalataya (Kufr) bagkus ito ay para sa kapakanan ng mga Muslim hindi ang pagmamahal sa kawalan ng pananampalataya (Kufr) at mga Kuffar dahil nagalak at nasiyahan din noon ang mga Muslim sa pananaig ng mga Roma laban sa Persia tulad ng kasiyahan ng mga Muslim sa Ethiopia para sa pagkapanalo ni Najashi laban sa kanyang katunggali sa kaharian gaya ng nakasaad sa kasaysayan, ganun pa man sinuman ang nais na umiwas dito ay walang sala, at ang sagot na ito ay ukol sa paksang pagkandidato ng mga kandidato sa mga posisyong may malakas na epekto".
At maaari din ang makabubuti ( para sa kapakanan ng mga Muslim) ay ang pagboto upang piliin ang mas magaan na pinsala at mas mababang kasamaan tulad halimbawa kung ang mga kandidato ay hindi Muslim subali't ang isa sa kanila ay mas mababa ang poot at galit sa mga Muslim datapuwa't ang boto ng mga Muslim ay makakatulong at may epekto sa pagkapanalo magkagayun walang masama kung iboboto siya ng mga Muslim sa ganitong kalagayan.
"Gayon pa man, ang mga ito ay usaping sinisikap na maabot ang siyang makabubuti (sa mga Muslim) at maiwasan ang makapipinsala sa kanila; na dapat isasangguni ito sa mga may mga sapat na kaalaman sa mga alituntunin nito at mailatag sa kanila ang usaping ito ng malinaw at detalyado kapag ang bansa kung saan nakatira ang mga Muslim at ang kalagayan ng batas ng naturang bansa, mga kandidato at ang kahalagahan ng pagboto at katulad nito.
Matatagpuan din ito sa fatwah ni Shiekh Mohammad Al-Munajjid sa kanyang website.
SALIN NI SALAMODIN D. KASIM SA PINAKAMALAPIT NA KAHULUGAN SA TAGALOG MULA SA ORIHINAL NITONG TEKSTO NA ARABIK.