Disclaimer: Photo not belong to YPPA Inc. |
Unang mali: Ang pagbigkas ng (niyah) intensyon tuwing nagsasagawa ng wudho, ito ay taliwas sa sunnah ng sugo ng Allaah (صلى الله عليه وسلم)
Sinabi ni Ibn Al-Qiyam رحيم الله : kailan man ay hindi binigkas ng propeta sa una ang ( nawaito rafaal hadathi wala istibahatis salah) at ni-isa man sa kanyang mga sahabah, at walang nabanggit mula sa kanila kahit isang salita sa pamamagitan ng isnad na sahih o dhaif.
Sinabi ni Al-Imam Ibnil Qiyam رحيم الله: walang nabanggit si propeta (صلى الله عليه وسلم) na mayroon siyang binibigkas tuwing siya ay nagsasagawa ng wudho maliban sa bismillah, at lahat ng hadith na nagbanggit na mayroon siyang binigkas na panalangin twing siya`y magsasagawa ng wudho ay puro kasinungalingan, katunayan wala siyang binigkas at wala siyang itinuro sa kanyang mga tauhan maliban lang sa bismillah at pagbigkas nang: Ashhadu an lailaha illallah wahdaho la sharika laho wa ashhadu anna muhammadan abduho wa rasuloho allahummaj alni minattawabin waj alni minal mutatahhirin. ito ang nabanggit.
At mayroon pang hadith na naitala ni Annasai na maaaring bigkasin sa pagwudho: ( Subhaanaka Allahumma wabihamdika ashhadu an laailaha illa anta astagfiruka wa atubo ilayka)..
Sinabi ni Al-imam Al-bukhari رحيم الله sa kanyang unang aklat: Makroo (hindi kanais-nais ngunit hindi naman bawal) ayon sa mga pantas ang paggamit ng sobrang tubig at ang pagsasalungat sa mga gawain ng propeta (s.a.w.).
Itinala ni Bukhari sa kanyang sahih mula kay Muhammad bin Ziyad at kanyang sinabi: narinig ko mula kay Abe Hurairah nang siya ay dumaan sa amin at ang mga tao ay nagsasagawa ng wudho, kanyang sinabi: kompletuhin ninyo ang wudho, dahil si Abal Qasim (صلى الله عليه وسلم .) ay nagsabi: kawawa ang mga paa sa apoy.
Naiulat mula kay Khalid bin Ma`dan mula sa mga asawa ng propeta (صلى الله عليه وسلم .) na ang propeta ( (صلى الله عليه وسلم .)) ay nakita niya sa isang lalaki na nasa kanyang paa ang kasinglaki ng dirham na hindi nabasa ng tubig, at inutusan siya ng propeta (s.a.w.) na ulitin niya ang pagwudho. Inulat nila Ahmad at Abu Daud at dinagdagan pa nila nang ( Assalah) dasal.
Sinabi ni Athram : tinanong ko kay Ahmad: ang isnad ba ay jayyid? At sumagot si Ahmad: Jayyid. Ang hadith ay itinala nila Abu Daud at Al-hakim. Sinabi ni Asshaukani rahimahullah: ang hadith ay nagpapatunay na dapat ulitin ang lahat ng wudho, kung sakaling malaman na isa sa mga bahagi nang katawang dapat hugasan ay hindi nabasa ng tubig, at ito`y umabot nang kasing laki ng dirham.
Iba`t ibang pahayag ang mga pantas tungkol sa bagay na ito:
Sinabi ni Shiekhul Islam Ibni Taymiyah at Ibnil Qiyam: ito ay Haram- mahigpit na ipinagbabawal.
Sinabi ni Ibnil Qiyam: walang pagkakaiba ang pagdumi at pag-ihi sa loob at labas ng silid palikuran, sa napakaraming basihan.
Sinabi ni Shiekh Ibn Al-qasim: walang matibay na batayan ang nagsasabi na mayroong kaibahan ang bagay na ito. Ito ang pinaka mainam sa lahat na nabanggit na mga salita nang mga pantas tungkol sa bagay na ito.
Itinala ni Bukhari sa kanyang Sahih mula kay Abdullah bin Abbas (رضي الله عنه) at kanyang sinabi: Dumaan ang propeta (s.a.w.) sa isang simenteryo sa madinah o makkah at kanyang narinig ang sigaw ng dalawang taong pinaparusahan sa loob ng kanyang puntod, at sinabi ng propeta ( (صلى الله عليه وسلم .).) silang dalawa ay pinaparusahan ngunit hindi dahil sa malaking kasalanan, ang isa sa kanila ay hindi nag-ingat na matalsikan sakanyang pag-ihi, at ang isa ay kumakalat na tsismoso sa mga tao, at kumuha ang propeta ng sanga ng palma at hinati niya ito sa dalawa, at inilagay niya sa bawat puntod, at tinanong siya ng mga tao kung bakit niya ito ginawa? Sumagot ang propeta (صلى الله عليه وسلم ): baka sakaling mabawasan ang kanilang kaparusahan hanggang sa matuyo itong sanga.
Pang-pitong mali: ito ay may kaugnayan sa unang paliwanag tungkol sa pag-ihi at pagdumi: mayroong mga taong kapag sila ay umi-ihi at dumudumi hindi nila tinatakpan ang kanilang aurah maliban sa kanilang harapan at likuran, ito ay taliwas sa mga utos ng propeta (صلى الله عليه وسلم .) na dapat takpan ang tuhod dahil ito ay kabilang sa aurah.
Itinala nila Ahmad at abu Daud at Termiji at Ibn Hibban at Al-hakim sa pamamagitan ng isnad na sahih. Ang propeta (صلى الله عليه وسلم .) ay dumaan kay Jarhud at kanyang sinabi kay Jarhud: “o, Jarhud takpan mo ang iyong tuhod dahil ang tuhod ay kabilang sa aurah.” Itinala ni Al-hakim mula sa kanyang mustadrak sinabi ng propeta (s.a.w.): “ Ang pagitan ng pusod at tuhod ay aurah.” { ang isnad ay sahih}
Pang-walong mali: Mayroong mga taong hindi mapigilan ang pag-ihi sa oras ng salah –dasal- ngunit tiniis nila ito upang sila ay makapagdasal muna, hindi nila alam na ito ay taliwas sa sinabi ng propeta na “ walang dasal sa oras ng kainan at pagka-abala sa pag-ihi at pagdumi” itinala ni Muslim mula kay Aisha (رضي الله عنه.)
*Tinanong kay Shiekhul Islam Ibn Taymiyah kung alin ang mas mabuti sa isang taong abala sa pagka-ihi, magdasal muna ba siya sa kaniyang wudho, o dikaya`y mag-ihi muna at mag tayammom dahil walang matitira sa kanyang tubig?
Sumagot si Shiekh: ang kanyang dasal na naka tayammom na hindi abala sa pagka-ihi ay mas mainam, kaysa kanyang dasal na nakapagwudho ngunit abala sa kanyang pagka-ihi, dahil ang kanyang dasal sa ganitong uri ay makro - hindi kanais-nais at ipinagbabawal- at mayroong dalawang ulat tungkol sa kanyang kapahintulutan, at tungkol sa kanyang dasal na naka tayammom ay hindi makro, yan ang napagkasunduan. Ang Allaah lamang ang nakakaalam.
Sinabi ng aming Shiekh na si Abdullah bin Jebrin hafijahullah nang ipaliwanag niya ang aklat na manarussabil: ang pagbanggit sa pangalan ng Allah sa loob ng silid palikuran ay makroo- hindi kanais-nais- at ang pagbigkas sa pangalan ng Allah sa pagwudho ay wajib-nararapat- kaya`t dapat mauna ang wajib kaysa makroo.”
Panglabing-isang mali: ang paghaplos ng tubig sa leeg: sinabi ni Ibnil Quiyam rahimahullah: walang nabanggit sa kanya na hadith na siya ay naghaplos ng tubig sa kanyang leeg.( zadul mi`ad 1/195)
Panglabing dalawang mali: ang paniniwala nang ibang tao na dapat hugasan nang tubig ang ari, bago magsagawa ng wudho kahit hindi umihi at dumumi. Ito ay malaking kamalian.
Ngunit Ang tama sa sinumang naabutan sa itinakdang oras ng dasal, at siya`y naka-tulog o naka-utot ay nararapat sa kanya na magsagawa muna ng panibagong wudho, at hindi na kailangan hugasan pa niya ng tubig ang kanyang ari, at kung sinuman ang magsagawa nang salungat sa aming paliwanag, ay nakapagsagawa siya ng bed`a-labag sa islam- at paghihirap sa sarili.
At kapag naisip nang isang muslim ang mag-ihi o magdumi bago magwudho nararapat sa kanya na hugasan muna ng tubig ang kanyang ari bago magsagawa ng wudho, upang ito`y malinisan, batay sa mga hadith na naiulat sa sumusunod:
Naiulat mula kay Abdullah bin Abbas (رضي الله عنه) at kanyang sinabi: dumalaw ako sa aking tita Maimona sa isang gabi at nakita ko ang propeta sa gabing yon na nagsagawa ng wudho at nagdasal. Itinala ni Bukhari at hindi nabanggit ni Ibn Abbas na hinugasan muna nang propeta ang kanyang ari bago magwudho.
Itinala ni Bukhari, mayroong isang lalaking sinabi niya kay Abdullah bin Zaid: maari mo bang ipakita sa akin kung papaano magsagawa nang wudho ang propeta (صلى الله عليه وسلم .)? Sumagot si Abdullah nang oo, at kumuha ng tubig at hinugasan niya ang kanyang dalawang kamay ng dalawang ulit… ang hadith ay hindi na niya hinugasan ang kanyang ari.. Sinabi nang aming kagalang-galang na Shiekh Abdullah bin Baz Hafijahullah: “ Ang pag-istinjaa at Istijmaar ay nararapat lamang sa sinumang nag-ihi at nagdumi bago magsagawa ng wudho.”
Panglabing tatlong mali: ay may kaugnayan sa pagsasagawa ng wudho. karamihan sa mga taong magsasagawa ng wudho ay hindi nila kinukumpleto ang paghuhugas nang kanilang kamay hanggang sa siko at ganito ang paliwanag sa sumusunod:
kapag ang isang muslim ay magsasagawa ng wudho, siya ay magbigkas muna ng bismillah at nararapat sa kanya na hugasan niya ang kanyang dalawang kamay, at mag-mumog, at hugasan niya ang kanyang bunganga, at ang kanyang mukha, at hugasan niya muli ang kanyang dalawang kamay hanggang siko. At dito nagkaroon nang mali, dahil karamihan sa mga tao ay naghuhugas mula sa kanyang braso hanggang siko. At sa ganitong paraan ay nagkaroon nang pagkukulang, dahil ang nararapat sa kanya ay hugasan ang lahat nang kanyang kamay mula sa darili hanggang sa siko, at ito ay ipinapaliwanag nila Shiekh Abdullah bin Jebrin hafijahullah, at Shiekh Muhammad bin Uthaimin dito sa kanyang khutbah, at kanyang sinabi: ingatan ninyo ang isang bagay na napabaya-an nang karamihan sa mga tao, at ito`y kapag hinuhugasan nila ang kanilang dalawang kamay pagkatapos nilang mahugasan ang kanilang mukha ay dito nila sinisimulan ang kanilang braso, at hindi nila sinisimulan hugasan ang kanilang mga daliri, at ito`y malaking mali dahil ang mga darili ay kasama sa kanyang kamay na dapat hugasan pagkatapos hugasan ang mukha.
Panglabing apat na mali: may kaugnayan sa taharah: ang mga taong matataba ang katawan, kapag sila ay maliligo nang ( janabah) mayroong bahagi ng kanilang katawang hindi nila napapansin na ito`y hindi nabasa ng tubig dahil natakpan ng taba ang kanilang katawan, lalung-lalo na sa bandang dibdib, at dito nagkaroon ng pagkukulang.
Panglabing limang mali: karamihan sa mga tao kapag sila`y magsasagawa ng wudho at sila`y maliligo mayroong bahagi sa kanilang katawang hindi mabasa ng tubig, katulad halimbawa ng:
Sinabi ni Assan-ani: dapat hugasan ang mga daliri sa kamay at paa. At kanya pang sinabi: ang hadith ay nagpapatunay na dapat kompletuhin ang wudho sa lahat ng obligadong parte ng katawan, at bawat bahagi ng katawan ay mayroong nararapat na hugasan.
dapat sa sinumang magsasagawa ng wudho na mayroong nakasuot na relo at singsing dapat ito`y tanggalin upang mabasa ng tubig ang lahat ng kanyang kamay.
Sinabi ni Al-bukhari: katulad ni Ibn Sirin ay hinuhugasan niya ang kanyang daliri na kinalalagyan ng kanyang singsing tuwing siya`y magsasagawa ng wudho.
Panglabing-pitong mali: mayroon ding mga tao na nakahawak ng pintura at iba-pang bagay na hindi mabasa ng tubig at nakadikit sa kanilang mga kamay, at kapag sila ay magwuwudho maypagkukulang ang kanilang wudho.
Kaya nararapat sa kanila na tanggalin muna nila ang mga bagay na nakadikit sa kanilang kamay bago sila magsagawa ng wudho at maaari silang gumamit ng anumang klasing kemical na maaaring makatanggal dito.
Panglabing-walong mali: mayroong mga babaing gumagamit ng nail palis sa kanilang mga kuko at ito rin ay hindi mabasa ng tubig kaya`t dapat tanggalin muna nila ito sa kanilang mga kuko, upang mabasa ng tubig, at upang maging kompleto ang kanilang wudho.
Panglabing-siyam na mali: mayroong mga tao na kapag mawalan ng bisa ang kanilang wudho, at sila ay nakapwesto na sa kanilang sajadah, sila`y magsasagawa na lang ng tayammom sa kanilang kinalalagyan, at hindi na sila hahanap ng tubig, lalung-lalo na kung siksikan na ang mga tao, ito`y palaging nangyayari dito sa haramain, at malalaking mosque, sa panahon ng tag-lamig, at tinatamad silang humanap ng tubig upang magsagawa ng panibagong wudho, at ayon sa kanilang isipan nanaisin pa nila ang magsagawa ng tayammom kaysa mahuli sila sa jamaah-pangkaramihang dasal.
Ito ay nangyayari sa ibang tao, dahil sa kakulangan ng kanilang kaalaman, ngunit ang kanilang intensyon ay tama, kaya ang aming masasabi:
Sinuman ang magsasagawa ng tayammom ngunit kaya din niyang gumamit ng tubig, ay mawawalan nang bisa ang kanyang tayammom at ang kanyang dasal ay walang kabuluhan. Dahil ang Allah (سبحانه وتعالى.) ay hindi niya ipinahintulot ang pagsasagawa ng tayammom sa lahat ng panahon maliban lang kung walang tubig, at hindi kayang gamitin dahil masama ang pakiramdam, sabi ng Allah:
( يا أيها الذين آمنوا إذا قمتم إلى الصلاة فاغسلوا وجوهكم و أيديكم إلى المرافق وامسحوا برءوسكم و أرجلكم إلى الكعبين و إن كنتم جنبا فاطهروا و إن كنتم مرضى أو على سفر أو جاء أحد منكم الغائط أو لامستم النساء فلم تجدوا ماءا فتيمموا صعيدا طيبا فامسحوا بوجوهكم و أيديكم منه0 ( سورة المائدة 6)
Ang kahulugan ng talatang ito, ay nagpapatunay na ang pagsagawa ng tayammom ay hindi nararapat kapag mayroong tubig. Sinabi ni Shiekh Ibn Taymiyah rahimahullah: napagkaisahan ng mga muslim na kapag maubusan ang tubig sa paglalakbay ay maaring magsagawa ng tayammom at magdasal hanggat makakatagpo na ng tubig na gagamitin sa pagwudho.
Pangdalawampung mali: mayroong mga taong ina-antok sa oras ng dasal ng fajr at jum-ah, at sila`y nakakatulog kung minsan, habang sila ay nagdadasal, at hindi nila alam na ang tulog, ay isa sa nakakapagwalang bisa sa wudho, sa makatuwid sila`y nagdadasal na walang wudho, kaya ang kanilang dasal sa ganitong uri ay walang kabuluhan.
At basahin ang fatwa ni kagalang-galang na Shiekh Abdullaziz bin Abdullah bin Baaz tungkol sa bagay na ito.
Itinanong kay Shiekh Bin Baaz kung ano ang hatol sa mga taong matutulog sa masjidil haram, bago magsagawa ng dhohr, at asar na dasal at mayroong silang dinadalang relo upang sila`y magising sa itinakdang oras ng dasal, at kapag sila`y magising, hindi na sila magsasagawa ng panibagong wudho, at sila`y magdadasal na.
Sinagot ni Shiekh: Ang tulog ay nakakapag-pawalang bisa nang wudho, kung ito ay tumagal at mawalan nang pakiramdam ang tao, batay sa naiulat ng isang sahabah na si Shafwan bin Asal (r.a.a.) at kanyang sinabi: “ inutusan kami ng propeta (s.a.w.) na huwag namin tanggalin ang aming ( huf) -parang sapatos- kung kami ay nasa paglalakbay sa loob ng tatlong araw at gabi, kahit kami ay naka-ihi at nakadumi at nakatulog, maliban lang kung kami ay may janabah.” { itinala nila Annasai at Tirmiji at ang salita ay mula sa kanya. at tama ayon kay Hujaimah} iniulat ni Muawiyah (r.a.a.) mula kay propeta (s.a.w.) at kanyang sinabi: ang mata ay kasalungat ng puwit, at kapag makatulog ang dalawang mata, bubuka ang puwit.” { itinala nila Ahmad at Tabarani, at ayon sa sanad ng hadith ay dhaif, ngunit mayroon siyang shawahid na nagpapatibay sa naturang hadith, katulad ng hadith ni safwan, kaya ang hadith ay hasan.}
Dahil sa pahayag na ito ay nalaman na, sinuman ang nakatulog lalaki man o babae dito sa masjidil-haram o sa ibang lugar, ay nawalan ng bisa ang kanilang wudho, at nararapat sa kanila na ulitin ang wudho, at kapag sila`y magsagawa ng dasal bago magwudho, ang kanilang dasal ay walang kabuluhan. At ang wudhong nararapat sa kanila, ay ang paghugas ng mukha, at pag-mumog, at paghugas ng bunga-nga, at paghugas ng dalawang kamay hanggang siko, at hindi na kailangan magsagawa ng istinja dahilan lamang sa tulog at paglabas ng hangin mula sa puwit at pagkain ng karning kamilo.
Dahil ang istinja ay nararapat lamang sa sinumang nag-ihi at nagdumi bago magsagawa ng wudho.
At tungkol sa pagka-antok ay hindi makakawalang bisa ng wudho, dahil hindi mawalan ng pakiramdam ang tao, kaya ang mga hadith na nabanggit ay dito lamang itinala sa bagay na ito. Dito natapos ang sagot ni Shiekh hafijahullah.
Pangdalawamput-isang mali: ang pagsasagawa ng panibagong wudho, samantala, ang unang wudho ay hindi pa nawawalan ng bisa, at hindi pa siya nakakapagsagawa ng dasal.
Sinabi ni Shiekhul Islam Ibni Taymiyah rahimahullah, pagkatapos siyang magsalita ng mahaba, ay kanyang sinabi:
Ang pahayag ng mga pantas tungkol sa bagay na ito, kung sakaling tapos na siyang magdasal, naipahintulot ba sa kanya na ulitin ang wudho? at kung sakaling hindi pa siya nakakapagsagawa ng dasal, ay hindi ipinahihintulot sa kanya na magsagawa ulit ng panibagong wudho, bagkus ito ay taliwas sa sunnah ng propeta (s.a.w.) at { bed`ah) labag sa islam, at ito ang pinaninindigan nang mga muslim noon at ngayon.” Dito natapos ang pahayag ni Ibn Taymiyah rahimahullah.{ 21/376}.
Pangdalawamput-dalawang mali: mayroong mga lalaking hindi na naliligo pagkatapos nilang makipagtalik sa asawa, kung hindi sila nilabasang dalawa.
Ito ang napakalaking pagkakamali, na nagawa ng karamihan ng mga tao, kaya ang aming masasabi sa lahat, patnubayan nawa tayo ng Allah: noong unang panahon, hindi na nararapat maligo ang lalaki at babae pagkatapos nilang magtalik, kung hindi sila nilabasan, ayon sa hadith na itinala ni Muslim sa kanyang sahih mula kay Abe Saed Al-hujri (رضي الله عنه) at kanyang sinabi: sinabi ng propeta (صلى الله عليه وسلم .) “ Ang tubig ay para sa tubig”
Sinabi ni Assan-ani: ang kahulugan ng hadith ay ang pagligo ay nararapat na lang sa sinumang nilabasan.
Ngunit ang hadith na ito ay ( mansoh) nawalan nang bisa batay sa hadith ni Abe Hurairah (رضي الله عنه.) at kanyang sinabi: sinabi ng propeta (صلى الله عليه وسلم .) “ at kapag pumatong ang lalaki sa pagitan ng apat na bahagi ng katawan ng babae – pagitan ng kanyang dalawang kamay at dalawang paa- at niyakap niya ito ay nararapat sa kanilang dalawa ay maligo.” ( napagkasunduan ng dalawang Shiekh) at dinagdagan ni Muslim “ kahit hindi sila nilabasan” at ayon sa pahayag ni Abu Daud “ at kapag nagkadikit ang dalawang ari” at ang hadith na ito ay ginawang batayan ng karamihan sa mga pantas na ang hadith na “ ang tubig ay para sa tubig” ay nawalan ng bisa dahil sa ang unang nabanggit na hadith ay mas nahuli kay sa isang hadith na ito, at itinala ni Ahmad at ang iba pang mga pantas mula kay Juhri at Ubay Ibn Ka`b (رضي الله عنهم) at kanyang sinabi: “ ang mga binata ay kanilang sinabi: salita ng propeta (صلى الله عليه وسلم .) na “ ang tubig ay para tubig” ay pabuya ng Islam upang hindi mahirapan ang mga muslim sa unang panahon, ngunit nang lumipas ang panahon, inutusan na silang maligo na kahit hindi sila nilabasan.” Ang hadith ay sahih ayon kina Ibn Hujaimah at Ibn Hibban at sinabi ni Ismaili: ang hadith ay sahih ayon sa ( shart) ni Bukhari at malinaw na (nash) sa hadith na : “ang tubig ay para sa tubig” . at mayroon pang isang pahayag na ang hadit na ito ay mansoh, ito ay ang hadith ni Abe Hurairah (r.a.a.) ay (manthoq) at ang hadith ni Abe Saed na “ ang tubig ay para sa tubig “ ay (mafhom) kaya ang (mantoq) ay dapat mauna kaysa ( mafhom).
At mayroong talata sa banal na Qur-an na nagpapatibay, na ang pagligo ay nararapat, sinabi ng Allah:
( و إن كنتم جنبا فاطهروا )
Sinabi ni Shaf`i: ang arab kapag sinabi niya na ( janabah) ay nangangahulugang pagtatalik na dapat maligo kahit hindi nilabasan, at kapag sinabi nila na siya ay nagjanaba ang ibig sabihin nagtalik kahit hindi nilabasan, at sinabi pa niya: ang (jina) ay nararapat patulan ng ( jald) kahit hindi nilabasan, samakatuwid ang Qur-an at sunnah ay nagpapatunay na dapat maligo ang sinumang nakipagtalik sa asawa kahit hindi nilabasan.” { Dito natapos ang pahayag mula sa aklat na Subulos salam }.
Kaya ang aming masasabi sa sinumang nakipagtalik sa asawa at nagkadikit ang dalawang ari, ay nararapat silang maligo kahit hindi sila nilabasan, at kapag sila ay nag dasal na hindi nakapaligo sila ay nagdasal na janabah, at ang kanilang dasal ay walang kabuluhan.
Pangdalawamput-tatlong mali: mayroong mga taong kapag natapos na silang maligo ng (janabah) at hindi pa nila naisuot ang kanilang damit, hindi nila namalayang nahawakan nila ang kanilang ari, at tuloy silang nagdasal, hindi nila alam na ang paghawak sa ari ay nakakapag-walang bisa ng kanilang wudho, batay sa naiulat ni Busrah bint Safwan (r.a.a) at kanyang sinabi: sinabi ng propeta (صلى الله عليه وسلم .) “ sinuman sa inyo ang mahawakan niya ang kanyang ari ay nararapat sa kanya na magsagawa ng panibagong wudho” { itinala nila Malik at Ahmad at ang may ari ng sunan at Hakim.}
Kaya ang aming masasabi sa sinumang maligo ng ( janabah) ay ingatan niyang mahawakan ang kanyang ari upang hindi mawalan ng bisa ang kanyang wudho, at kapag nahawakan niya ito ay nararapat sa kanya na ulitin ang wudho.
Pangdalawamput-apat na mali: ang paniniwla ng mga ibang tao, na ang pagsasagawa ng wudho ay walang kabuluhan hangga`t hindi mahugasan ang obligadong parte ng katawan nang tag-tatatlong ulit.
Ito ay paniniwalang mali, dahil itinala ni Bukhari sa kanyang sahih ang tatlong hadith, ang una ay ang hadith ni Ibn Abbas (رضي الله عنه) at kanyang sinabi: naghuhugas ang propeta (صلى الله عليه وسلم .) nang tag-iisang ulit.” At pangalawang hadith ay mula kay Abdulla bin Jaid (رضي الله عنهم) at kanyang sinabi: ang propeta (صلى الله عليه وسلم 9) ay nagsasagawa ng wudho nang tagdadalawang ulit.” Ang pangatlong hadith ay mula kay Uthman Ibn Affan (r.a.a.) at kanyang sinabi : ang propeta (s.a.w.) ay nagsasagawa ng wudho ng tagtatatlong ulit.”
Ang lahat ng hadith na ating nabanggit ay nagpapatunay na maaaring magsagawa ng wudho ng tag-iisa, at tagdadalawa, at tagtatatlong ulit.
Pangdalawamput-limang mali: ang dag-dag sa tatlong ulit na paghuhugas sa obligadong parte ng katawan sa pagwudho.
Akala ng ibang tao kapag dinagdagan ang bilang ng paghuhugas sa pagwudho ay madadagdagan din ang gantimpala nito, hindi nila alam na ito ay panli-linlang ng mga shaitan, dahil lahat ng mga gawaing pangdasal ay kinakailangang mayroong batayan, sabi ng propeta (صلى الله عليه وسلم .)): “ Sinuman ang gumagawa ng panibago, na hindi kasama sa aming kautusan ay walang kabuluhan.” { napagkasunduan nilang dalawa} ayon kay Mulim: “ Sinuman ang gumagawa ng mga gawaing hindi kasama sa aming kautusan, ay walang kabuluhan.”
Pangdalawamput-anim na mali: ang hindi paggamit nang tubig na jam-jam sa pagwudho at pagsasagawa nang tayammom.
Mayroong mga taong hindi nila gagamitin ang tubig na jam-jam sa pagwudho, dahil sa kabanalan ng tubig, ayon sa nabanggit na hadith, at minabuti pa nilang magdasal na nakatayammom kahit mayroong tubig na jam-jam, ito ay taliwas sa mga nabanggit na hadith at ayah.
Sinabi ng Allah:
( فإن لم تجدوا ماء فتيمموا صعيدا طيبا)( سورة المائدة الآية 6)
Hindi ipinahintulot ng Allah ang pagsasagawa ng tayammom kung sakaling mayroong tubig, at kahit tubig na jam-jam. at mayroon pang hadith na naitala si Abdullah bin Al-imam Ahmad sa kanyang aklat na Jawaid mula kay Ali (رضي الله عنه) sa ibang haj ng propeta (صلى الله عليه وسلم .) at kanyang sinabi: pagkatapos magsagawa ang propeta (صلى الله عليه وسلم .) ng tawaful ifadha, nagpakuha siya ng tubig na jam-jam at uminom siya, at ginamit niya ang natira sa pagwudho.
Sinabi ni Assa-ati: ang hadith ay nagpapatunay na ang pag-inom at pagwudho ng tubig na jam-jam ay ipinahintulot. { dito natapos ang pahayag mula sa Aklat na Al-fath Arrabbaani 11/86}
Itinanong mula kay kagalang-galang na Shiekh Abdullah bin Baaz hafijahullah, ang kabanalan ng tubig na jam-jam, at siya ay sumagot: “ ang tubig na jam-jam, ay maaring gamitin sa pagwudho at gamitin sa panghugas at pangligo ng janaba kung kinakailangan, at binanggit ng mga pantas na mayroong tubig na lumabas mula sa mga daliri ng kamay ng propeta (صلى الله عليه وسلم .) at ito`y ginamit ng mga tao sa kanilang panglaba at pangligo at pangwudho at pang-inom, at nangyari ito sa panahon ng propeta (صلى الله عليه وسلم .) at kung ang pag-uusapan ay tungkol sa kabanalan, ang tubig na lumabas mula sa kamay ng propeta (صلى الله عليه وسلم .) ay higit na banal, kaysa tubig na jam-jam, samakatuwid kung ang tubig mula sa kamay ng propeta (صلى الله عليه وسلم .) ay maaring gamitin sa pang-inom at panghugas pang wudho panglaba, ang tubig na jam-jam pa kaya.
Samakatuwid, ang tubig na jam-jam ay malinis at maaring inumin at gamitin sa pagwudho at gamitin sa paglaba at pagsagawa ng istinja kung kinakailangan. { dito natapos ang pahayag mula sa Aklat na: Fatawa ng pagsasagawa ng haj at umra at jiyarah 122-123}
Pang-dalawamput-pitong mali: mayroong mga babaing natapos na ang kanilang regla, ngunit hindi pa sila nagdasal hanggang sa huling oras ng dasal.
Sinabi ni Shiekh Muhammad bin Uthaimin hafijahullah: mayroong mga babaing natapos na ang kanilang regla sa itinakdang oras ng dasal, ngunit hindi pa sila naglinis hanggang sa huling oras ng dasal, ayon sa kanilang pananaw, hindi pa daw, nila kayang maglinis ng kompleto, gawa nang kakulangan sa oras, ngunit ito`y hindi katanggap-tanggap, dahil maaari silang maglinis sa oras na ito, nang pang-madalian, at magdasal sa itinakdang oras, at kompletuhin lang nila ang paglilinis sa ibang oras.
Pang dalawamput-walong mali: Akala ng ibang tao, ay hindi maaaring magdasal sa itaas ng silid palikuran. At ito`y itinanong mula kay kagalang-galang na Shiekh Abdullaziz bin Baaz hafizahullah, at kanyang sinabi:
Maaaring magsagawa ng dasal sa itaas ng silid palikuran kung sakaling ito`y malinis, ayon sa pahayag ng mga pantas, batay sa kahulugan ng sinabi ng propeta (صلى الله عليه وسلم .) : “Ginawa sa akin ng Allah ang lupa bilang mosgue at ipinahintulot sa akin na ito`y gamitin sa paglilinis.” { napagkaisahan nilang dalawa } { Adda`wah 1662, 7/3/1409 }
Pang dalawamput-siyam na mali: mayroong mga tao na kapag sila ay nagsagawa ng pagligo, mayroon silang inilagay sa kanilang ulo, na nagiging dahilan nang hindi pagkabasa ng kanilang buhok sa ulo, dahil nag-aalala sila na baka masira ang pagka-ayos nito o maalis ang pumada na inilagay sa kanilang buhok, at nag-aalala sila na baka matuyo ito na ng tubig, dahil dito nagkaroon nang pagkukulang ang kanilang wudho, dahil hindi nabasa ng tubig ang isa sa obligadong parte ng katawang dapat mabasa.
Pang-tatlumpung mali: may kaugnayan sa mga babae, mayroong mga babaing tapos na ang kanilang regla sa itinakdang oras ng dasal, ngunit hindi pa sila nagdasal at sa susunod na oras ng dasal pa sila magsisimulang magdasal, ito`y malaking pagkakamali, dahil obligado silang magdasal matapos ang kanilang regla sa itinakdang oras ng dasal.
Sinabi ni Shiekh Ibn Uthaimin hafijahullah: kapag natapos na ang regla ng babae, at mayroon pang natirang isang rakaah, o higit pa sa itinakdang oras ng dasal, ay nararapat sa kanilang magdasal, batay sa sinabi ng propeta (صلى الله عليه وسلم .) : “ Sinuman sa inyo ang naabutan niya ang isang rakaah mula sa panghapong dasal( As`r) bago lumubog ang araw, ay para din niyang naabutan ang buong oras ng dasal.” { Itinala nila Bukhari at Muslim } at kapag natapos na ang kanyang regla sa itinakdang oras ng dasal na panghapon (As`r) o dikaya`y bago lumubog ang araw at mayroon pang natira ng isang rakaah sa oras nang dasal, nararapat sa kanya na magdasal. ayon sa unang pahayag, sa itinakdang oras, at pangalawang pahayag sa pang-umagang dasal (Faj`r) { Fatawa Al-mar`ah 25}
Pang-tatlumput-isang mali: Mayroong mga babaing unang araw ng kanilang regla at inabutan sa itinakdang oras ng dasal, nang ilang sandali lamang, at kapag nawala na ang kanilang regla, hindi pa sila nagdasal, bilang kapalit nitong dasal, at ayon sa kanilang pananaw, ito`y katulad din ng mga dasal na hindi na rarapat sa kanila, habang sila`y mayroong regla, ito`y malaking pagkakamali, dahil nararapat sa kanila na palitan itong dasal sa unang araw ng regla, sa anumang oras matapos ang regla.
Sinabi ni Shiekh Ibn Uthaimin hafijahullah: kapag dumating sa isang babae ang kanyang regla, nang kalahating oras na ang lumipas mula sa itinakdang oras ng dasal, ay nararapat sa kanya na palitan itong dasal, pagkatapos nang kanyang regla, batay sa sinabi ng Allah:
" إن الصلاة كانت على المؤمنين كتابا موقوتا " ( سورة النساء الآية 103)
Pang-tatlumput dalawang mali: May kaugnayan sa mga babae.
Sinabi ni Ibn Nuhas rahimahullah: mayroong mga babaing tapos na ang kanilang regla, o dikaya`y sila`y nakipagtalik sa asawa, sa gabing yon, ngunit hindi pa sila naligo hangga`t sumikat na ang araw, ito`y mahigpit na ipinagbabawal, dahil nararapat sa kanila na maligo bago sumikat ang araw, at magdasal sa itinakdang oras ng fajr, dahil hindi maaaring palitan ang itinakdang oras ng dasal, sa ibang oras, ayon sa napagkasunduhan ng mga pantas, at ito`y kabilang sa malaking kasalanan, at kapag nalaman ng lalaki ang ginawa ng kanyang asawa, at hindi niya ito pinag-sabihan pareho silang nakagawa ng kasalanan dahil sa kakulangan ng kanilang kaalaman sa batas na ito. Wallaho a`lam.
Pang-tatlumput-tatlong mali: mayroong mga taong akala nila, ang paghaplos ng tubig sa huf ( parang sapatos na ginagamit ng mga arabo noong araw) ay ginagawa lamang sa panahon ng tag-lamig, ito`y malaking kamalian, dahil ang paghaplos ng tubig sa huf, ay ipinahintulot ito kahit anomang oras, batay sa sinabi ng propeta (صلى الله عليه وسلم .) “ sa manglalakbay, tatlong araw at tatlong gabi, isang araw at isang gabi naman sa hindi manglalakbay.” { itinala ni Muslim } kahit anumang oras.
Sinabi ni Samahat Shiekh Abdullaziz bin Baaz hafijahullah, tungkol sa bagay na ito: Ang kahulugan ng mga hadith na sahih na ating nabanggit ay nagpapatunay na ipinahintulot ang paghaplos ng tubig sa huf sa panahon ng tag-lamig at tag-init, at wala akong alam na batayan sa islam na ang pagsasagawa nito ay sa panahon lamang ng tag-lamig, ngunit ang pagsasagawa nito ay ipinahintulot lamang sa kondisyong, ang medyas at huf ay dito nakalagay sa obligadong parte ng katawang dapat hugasan, at ito`y nahugasan na bago isuot ang huf o ang medyas, at ito`y hindi lalampas sa itinakdang oras ng paghaplos na tatlong araw at tatlong gabi sa manlalakbay, at isang araw at isang gabi naman sa hindi manlalakbay, dito mag-uumpisa ang unang paghaplos. Ito ang isa sa mga tamang pahayag ng mga pantas. Wallaho waliyyot taufiq. { Adda`wa:951}
Pang-tatlumput-apat na mali: ayon sa paniniwala ng ibang tao, na kapag natapos silang magsagawa ng wudho mula sa tubig na jam-jam ay kanilang binibigkas ang( min maai jam-jam) ito daw ay panalangin pagkatapos uminom ng tubig jam-jam, yan ay hindi maaari, dahil hindi nabanggit sa hadith, at anumang uri ng panalanging walang batayan sa hadith ng propeta (صلى الله عليه وسلم .) ay kasama sa mga ini iba ng mga taong hindi dapat sundin. Wallaho a`lam.
Ang sunnah na dapat bigkasin pagkatapos magsagawa ng wudho ayon sa propeta (صلى الله عليه وسلم .) at kanyang sinabi: “ sinuman sa inyo ang nagsagawa ng wudho at ito`y kanyang kinompleto at binigkas niya ang ( Asshado an laa ilaha illallah, wahdaho laa sharika laho wa ashhado anna muhammadan abduho wa rasuloho ) ay bubuksan sa kanya ng Allah ang walong pintuan ng paraiso at kahit saan siya gustong pumasok” { itinala nila Muslim at Abu Daud } at dinagdagan ni Termiji ng ( Allahummaj alni minat tawwabin waj-alni minal mutatahirin).
At mayroon pang hadith na ang propeta (صلى الله عليه وسلم .)) ay nagwika : “ sinumang taong nagsagawa ng wudho at kanyang binigkas pagkatapos magwudho ang : Subhanaka allahumma wabiham dika asshhadu an laailaha illa anta astagfiruka allahumma wa atubo ilayka. Ito`y isusulat sa kanya sa isang papel at ito`y ipaglimbag at hindi na ito mabasag hanggang sa pagdating ng araw ng hukom.” { itinala nila Annasai at Ibn Assakani at Al-hakim}.
Pang-tatlumput-limang mali: ang ibang tao kapag nagsagawa ng wudho unahan lamang ng kanyang ulo ang nahahaplosan nang tubig o dikaya`y kalahati sa kanyang ulo, at akala niya kompleto na ang kanyang wudho. Ngunit ang tama, ang kanyang wudho ay kulang dahil nararapat na mahaplosan ang buong ulo ng tubig dahil ang Allah ay nagsabi:
( و ا مسحوا برءوسكم ) ( سورة المائدة الآية 6)
Ang kahulugan ng ayah, ang lahat ng ulo kinakailangang mahaplosan ng tubig.
At sinabi ni Shiekh Muhammad bin Ibrahim rahimahullah: ( ang tama, ay mahaplusan ang lahat ng ulo, kung sinuman ang nagsabi na ang ( baa) dito sa ayah ay ( tabi`d) ay mali, dahil ang totoo, ay ang (baa) dito sa ayah ay ( ilsaq ) at wala sa salitang Arabik na ( lit`a`bid), at ang propeta (صلى الله عليه وسلم .) at ating nalaman na kanyang hinugasan ang lahat ng kanyang ulo.
Pang-tatlumput-anim na mali: Mayroong mga taong napagbigyan nila ang mga shaithan ng daan, upang sila`y matukso, at mapabilang sila sa mga natukso ng mga shaithan, ito`y dahil kapag sila`y nag-iihi, pinipilit nila ang kanilang saliri na makalabas ang kanilang ihi, kahit na sila`y nahihirapan, hindi nila alam na ang kanilang ginawa ay labag sa batas at mahigpit na ipinagbabawal.
Pang-tatlumput-pitong mali: Mayroong mga taong kapag hinugasan nila ang kanilang mukha, mayroong bahagi ng mukha ang hindi nababasa nang tubig, lalung-lalo sa bandang gilid ng dalawang tainga.
Ang ganitong uri ng paghuhugas ng mukha ay kulang, kaya`t nararapat sa kanila na kompletuhin ang paghuhugas ng mukha.
Ang mukhang nararapat hugasan tuwing magsasagawa ng wudho, ay mula sa tinubuan ng buhok sa ulo, hanggang sa ibaba ng balbas, at mula naman sa isang tainga hanggang sa pangalawang tainga, at ang pagitan ng dalawang tainga at balbas.
At nabanggit sa hadith na ang propeta (صلى الله عليه وسلم .) hinugasan niya ang kanyang mukha, at hindi nabanggit na ang bahagi lamang ng kanyang mukha, kaya`t ito`y nagpapatunay na dapat hugasan ang buong mukha.
Pang-tatlumput-walo: Akala ng ibang tao na kapag sila`y nakapagsagawa ng wudho at pinutulan nila ang kanilang buhok at kuko, sila`y nagdududa na baka sakaling mawalan ng bisa ang kanilang wudho.
Ngunit ang totoo, ay hindi nawalan ng bisa ang kanilang wudho at sila`y nananatiling naka-wudho.
Itinanong mula kay Ibn Uthaimin hafijahullah tungkol sa bagay na ito, siya`y sumagot: kapag pinutulan ng tao ang kanyang buhok o dikaya`y ang kanyang kuko, o ang balat ng kanyang katawan, ay hindi nawalan nang bisa ang kanyang wudho.
Pang-tatlumput siyam: Karamihan sa mga tao kapag sila`y nakapagwudho na at nakahawak sila ng dumi o dikaya`y nalagyan ang kanilang damit ng dumi, hindi pa sapat sa kanila na hugasan ito, dahil magsasagawa ulit sila ng panibagong wudho.
Ito`y malaking pagkakamali, dahil hindi na kailangang ulitin pa nila ang kanilang wudho, sapat na sa kanila na hugasan nang tubig ang duming nakalagay sa kanilang katawan o damit.
Sinabi ni Shiekh Saleh Al-fauzan hafijahullah: kapag nagkaroon ng dumi ang katawan ng tao o ang kanyang damit, at sila`y nakapagsagawa na nang wudho, hindi nawawalan ng bisa ang kanilang wudho, dahil wala silang nagawang bagay na nakapagpawalang bisa ng kanilang wudho, ngunit hugasan lang nila ang kanilang katawan o damit nang tubig, at maaari na silang magsagawa ng dasal sa kanilang wudho.
Pang-apat-napung mali: Mayroong mga babaing kapag nagkaroon sila nang nifas dugong lumalabas sa kanila pagkatapos manganak, sila`y hindi na nagdadasal at nag-aayuno hanggang apat-napung araw, kahit tumigil na ang dugo, tatapusin pa nila ang apat-napung araw bago sila magsagawa ng dasal at mag-aayuno, ito`y malaking pagkakamali. Dahil nararapat sa kanilang mga babae na magsagawa ng dasal at mag-ayuno, oras na mawala na ang dugong lumalabas sa kanila, kahit hindi pa natapos ang apat-napung araw. Itinanong mula kay kagalang-galang na Shiekh Abdullaziz bin Abdullah bin Baaz hafijahullah ang tungkol sa bagay na ito, at ganito ang tanong: Maaari ba sa isang babaing mayroong nifas ang mag-ayuno at magdasal at magsagawa ng haj bago matapos ang apat-napung araw kung tumigil na ang kanyang dugo? At sumagot siya at kanyang sinabi: Oo maaari na sa kanya ang mag-ayuno at magdasal at mag-hadj at mag-umra at makipagtalik sa asawa bago matapos ang apat-napung araw kapag tumigil na ang dugo, at kahit dalawampung araw lang ang lumipas at siya`y maligo muna at magdasal mag-aayuno at maaari na siyang makipagtalik sa kanyang asawa, at tungkol naman sa naiulat mula kay Uthman bin Al-as, na kanyang sinabi –makro- ay pang sariling pang unawa lang niya ito at walang matinding batayan. Ngunit ang tama, kapag nakapag-linis na ang babae sa kanyang –nifas- bago matapos ang apat-napung araw, lahat ng kanyang dasal, ayuno, haj, umra, ay tanggap, at kapag bumalik na naman muli ang kanyang –nifas- ay mananatili siyang –nifas- hanggang apat-napung araw, ngunit ang kanyang unang ayuno at dasal at haj ay tama. Dito natapos ang pahayag, Wallaho a`lam.
Pang-apatnaput-isang mali: Mayroong mga taong hindi pa sila nakapagwudho o nakapaligo ng janaba at dumating na ang itinakdang oras ng dasal, sila`y magsasagawa na lang ng tayammom upang maabutan nila ang jamaah, ang ganitong uri nang gawain ay taliwas sa sinabi ang Allah:
Pang-apatnaput-isang mali: Mayroong mga taong hindi pa sila nakapagwudho o nakapaligo ng janaba at dumating na ang itinakdang oras ng dasal, sila`y magsasagawa na lang ng tayammom upang maabutan nila ang jamaah, ang ganitong uri nang gawain ay taliwas sa sinabi ang Allah:
( فلم تجدوا ماء فتيمموا صعيدا) ( سورة النساء الآية 43)
Ganito ang sabi ng fatawa mula sa Allujnatud daima:
Nararapat sa kanila na maligo at magsagawa ng wudho, at hindi ipinahihintulot sa kanila ang pagsasagawa ng tayammom kahit mahuli pa sila sa dasal-pangkaramihan.
Pang-apatnaput-dalawang mali: Mayroong mga taong inabutan sila sa itinakdang oras ng dasal, at sila`y nasa hardin pam-publiko, at ang lugar na ito ay binubuhusan ng tubig na mabahong amoy kung minsan.
Sinabi ni kagalang-galang na Shiekh Abdullaziz bin Abdullah bin Baaz hafijahullah: Dahil sa pagkakaroon ng amoy na hindi maganda sa lugar na ito, ay hindi ipinahihintulot na magsagawa dito ng dasal, dahil ang kondisyon ng dasal, ay nararapat na malinis ang lugar na kung saan isasagawa ang dasal, at kapag mayroon silang malinis na tela na maaaring gamitin sa kanilang pagdadasal, maaari na silang magsagawa ng dasal sa naturang lugar.
Inipon ni: Shiekh Abdullaziz M. Assadhan
Isinalin sa Tagalog ni : Ust. Ahmad John Naga Salik
source:[http://www.islamcocg.com/tag/index.php?option=com_content&view=article&id=151:ang-maikling-paliwanag-sa-mga-maling-pagsasagawa-ng-paglilinis-taharah&catid=16&Itemid=32 ]
Isinalin sa Tagalog ni : Ust. Ahmad John Naga Salik
source:[http://www.islamcocg.com/tag/index.php?option=com_content&view=article&id=151:ang-maikling-paliwanag-sa-mga-maling-pagsasagawa-ng-paglilinis-taharah&catid=16&Itemid=32 ]