Monday, September 5, 2016

PAANO MAG SALAH [MAGDASAL] ANG BABAENG MUSLIM




Ang paraan ng "Salah" ng babae ay katulad ng pagdarasal ng lalaki; walang pagkakaiba ayon sa sinabi ng Sugo ng Allah (Sumakanya ang kapayapaan):" Magdasal kayo ng katulad ng aking pagdarasal na inyong nakita". Isinalaysay ni Al-Bukhari. Ang kautusang ito ng Propeta ay para sa lahat ng mga Muslim lalaki man o babae.



Ayon kay Shiekh Albani [rahimahullah] sa kanyang aklat na " Paraan ng Pagdarasal ng Propeta" : 

Ang lahat ng ating nabanggit na pamamaraan ng pagdarasal ng Propeta (sumakanya ang kapayapaan) ay parehas dito ang kalalakihan at kababaihan samakatuwid walang mapapatunayan mula sa Sunnah na nagsasabing may pagkakaiba ng babae sa lalaki bagkus sila'y saklaw ng sinabi ng Propeta (sumakanya ang kapayapaan): 

" Magdasal kayo ng katulad ng aking pagdarasal na inyong nakita". [189]. 

Tinanong  si Shiekh Abdulzaziz bin Baz [Rahimahullah]:

" Ano ang hatol sa paglapag ng mga siko sa lupa o sahig habang nagsasagawa ng Sujud sa "Salah"? 

Sagot: 

Ito ay hindi kanais-nais at hindi maaari sapagkat sinabi ng Propeta (sumakanya ang kapayapaan):

" Kapag ika'y nagpatirapa ilapag moa ng iyong dalawang kamay at iangat ang iyong dalawang siko". [Isinalaysay ni Muslim'

At ipinagbawal din ng Propeta (sumakanya ang kapayapaan) ang paglapag ng mga siko katulad ng hayop, kaya ang katuruan ay pag-angat ng siko lalaki man o babae, ito man ay obligadong Salah o bulontaryo".

 Bagaman may ilang iskolar na nagsasabing may bahagyang pagkakaiba sa "SUJUD" kung saan dapat daw nakadikit ang mga braso at mga siko ng babae sa kanyang tagiliran at hita habang nagdarasal upang matiyak na walang makalalabas o makikita sa kanyang awrah o maselang bahagi ng katawan subali't ang opinyong ito ay walang matibay na basihan at katibayan mula sa Qur'an at Sunnah kaya ang tamang paraan ay ang anumang ating natunghayan mula sa mga hadith ng Propeta (sumakanya ang kapayapaan) na walang kaibahan ang babae at lalaki. 

Allahu Aalam

Sinulat ni: Ustadh Salamodin D. Kasim

No comments: