Ang kahalagahan ng Pagdadasal dito
Naiulat
ni Abu Hurairah (Kalugdan nawa siya ng Allah) kanyang sinabi: sinabi ng Sugo ng
Allah ( I ) : (Sinuman
ang makasaksi sa isang patay hanggang sa pagdadasal dito, mapapasakanya ang isang
Qeraat, at sinumang makasaksi dito hanggang sa paglibing mapapasakanya ang
dalawang Qeraat). May nagsabi: at ano ang dalawang Qeraat? kanyang sinabi:
katulad ng dalawang bundok na malalaki ( bilang gantimpala). Napagkasunduan (ni
Al-Bukhari at Muslim).
Paano magsasagawa ng Dasal para sa patay
1-
Bigkasin ang Unang Takbir ( Allahu Akbar ): at ang ( Audhu billa-hi
minas shayta-nir rajeem) at (
Bismilla-hir Rahma-nir Raheem) at pagkatapos basahin ang Suratul fatiha.
Bismilla-hir Rahma-nir Raheem) at pagkatapos basahin ang Suratul fatiha.
الحمد لله رب العالمين
Alhamdu lillaa-hi rabbil 'alameen
الرحمن الرحيم
Ar-Rahma-nir Raheem
مالك يوم الدين
Ma-liki yawmid deen
إياك نعبد وإياك نستعين
iyya-ka na'abudu wa iyya-ka nas ta'een
اهدنا الصراط المستقيم
صراط الذين أنعمت عليهم غير المغضوب عليهم ولا الضالين
ihdinas sira-tal mustaqeem sira-tal lazeena an'amta alayhim gayril magh-doobi alayhim waladdhaa-lleen
A-meen.
2-
Bigkasin ang Pangalawang Takbir (Allahu Akbar): Manalangin para sa
propeta : ( Alla-humma Salli ala Muhammad wa ala ali Muhammad kama Sallayta
ala ali Ebrahim Innaka hami-dun Majeed wa ba-rik ala Muhammad wa ala ali
Muhammad kama ba-rakta ala ali Ebrahim Innaka Hameedun Majeed).
[kahulugan]
(O
Allah pagpalain mo po si Muhammad at ang pamilya ni Muhammad kagaya ng pagpala
mo sa pamilya ni Ibrahim, tunay po na ikaw ay Kapuri-puri, Ang Maluwalhati, O
Allah biyayaan mo po si Muhammad at ang pamilya ni Muhammad gaya ng pagbiyaya mo sa pamilya ni Ibrahim,
tunay po na Ikaw ay Kapuri-puri, Ang Maluwalhati).
3-
At pagkatapos, Bigkasin ang pangatlong Takbir (Allahu Akbar) : at
manalangin para sa patay ng panalanging naiulat mula sa Propeta (I ).
4-
Pagkatapos, Bigkasin ang pang-apat na Takbir (Allahu Akbar).
5-
at bigkasin ang ASSALA-MU ALAYKUM WARAHMATULLAH at lumingon sa kanan
lamang.
Ang Panalangin
! Mga tamang panalangin na binibigkas sa pagdadasal para sa patay
pagkatapos ng pangatlong Takbir:
(Alla-hummag
fir lahu war hamhu wa a'fihi wa a'afu anhu wa akrim nujulahu wa wassi'
mud-khalahu wag silhu bil ma-e was thalzi wal baradi wa naqqihi minal khata-ya
kama naqqayta at-thawbal abyada minad danas wa abdilhu da-ran khayran min
da-rihi wa ahlan khayran min ahlihi wa jawzan khayran min jawzihi wa ad-khilhul
jannata wa a'iez-hu min 'azabin naa-r) Isinalaysay ni Muslim, at-Tirmizi at
Ahmad.
[Ang
Kahulugan]
(O Allah patawarin at kahabagan mo po
siya, bigyan ng lakas at pagpasinsiyahan, itaas ang antas ng kanyang
kinalalagyan, palawakin ang kanyang mapapasukan, at hugasan siya ng tubig,
niyebe at yelo at dalisayin mo po siya mula sa mga pagkakamali tulad ng
pagdalisay mo sa puting damit mula sa karumihan, at bigyan siya (bilang
kapalit) ng tirahan na mas nakakahigit sa kanyang (dating) tirahan, at pamilya
na mas mabuti kaysa dati niyang pamilya, at asawa na mas mabuti kaysa dati
niyang asawa, at papasukin mo po siya sa paraiso at iligtas mo po siya mula sa
kaparusahan ng Apoy). Isinalaysay ni Muslim, At-Tirmizi at An-Nasa-ie.
(Allahummag fir li hayyina wa mayyitina
wa sha-hidina wa ga-ibina wa sagi-rina wa kabee-rina wa dhakarina wa untha-na).
Isinalaysay ni At-Tirmizi, An-Nasa-ie at Ahmad.
[Ang
Kahulugan]
(O Allah patawarin mo po ang mga
nabubuhay at namatay sa amin, at ang naririto man sa amin o wala, bata at
matanda sa amin, lalaki at babae sa amin).
( Alla-humma innahu abduka wabnu abdika wabnu amatika
ka-na yash-hadu alla-ila-ha illa Anta wa
anna Muhammadan abduka wa rasu-luk wa Anta 'Alamu bihi, Alla-humma in ka-na
muhsinan fa jid fi ihsa-nihi wa inka-na musee-an fa taja-waz an sayyi a-tihi,
Alla-humma la tahrim naa ajrahu wa la taftinnaa ba'adahu). Isinalaysay ni
Malik.
[Ang
Kahulugan]
(O Allah katotohanan, siya ay iyong
alipin at anak ng iyong alipin at anak ng iyong babaeng alipin, sinaksihan
niyang walang diyos na karapat-dapat sambahin maliban sa iyo at tunay na si
Muhammad ay iyong Alipin at Sugo at Ikaw ang siyang mas nakakaalam dito, O Allah kung siya man
noon ay mabuti dagdagan mo ang kanyang kabutihan at kung siya man noon ay masama
palampasin sa kanya ang kanyang mga masamang gawain, O Allah huwag mo po kaming
pagkaitin ng bahagi sa kanyang gantimpala at huwag mo po kaming ilagay sa
pagsubok o hirap matapos na siya ay yumao). Isinalaysay ni Imam Malik.
At kapag ang dinadasalan ay babae kanyang
bigkasin ang : ( Alla-hummag fir laha) gamitin ang salitang pantukoy na
para sa babae.
At kapag ang dinadasalan ay grupo (maramihan)
kanyang bigkasin ang : (Alla-hummag fir lahum). Gamitin ang salitang
pantukoy na para sa marami.
Si
Abu Hurairah noon (kahabagan nawa siya ng Allah) kanyang binibigkas sa
batang patay : (Alla-hummaj 'alhu lana salafan wa faratan wa ajran).
Isinalaysay ni Bayhaqe.
Mga Paala-ala
! Sinuman ang hindi inabutan ang ilang bahagi ng dasal sa patay, papasok
siya sa dasal kasama ang Imam (namumuno) sa nalalabing dasal, pagkatapos kapag
nagsalam ang Imam isasagawa niya ang hindi
niya inabutan sa dasal ayon sa pamamaraan nito, at ituring ang kanyang
inabutan kasama ang Imam na unang bahagi
ng kanyang dasal.
! At sinumang hindi nakapagdasal sa patay bago ito mailibing, magdasal
siya sa libingan pagkatapos ng libing.
! At ang ipinagbubuntis ng babae kapag lumabas ng patay at kumpletong
umabot ng apat na buwan o mahigit, dadasalan siya ng dasal na para sa patay, at
kapag hindi pa umabot ng apat na buwan hindi ito dadasalan.
Isinalin sa Tagalog ni : SALAMODIN D. KASIM
Sinuri ni : MOHAMMAD
TAHA ALI
No comments:
Post a Comment