Disclaimer: the photo its not belong to us |
Ikaw ay dumating sa akin mula sa bayan mo at iyong iniwan ang mga pamilya mo,anak mo at asawa mo upang manungkulan ka sa akin at kikita ng malinis na salapi na siyang makatutulong sa iyo (pagkatapos ng tulong ni Allah) sa lahat ng mga pangangailangan mo kapag ikaw ay babalik na sa bayan mong pinagmulan.
Nais kong banggitin sa iyo ang iilang mga mahahalagang bagay sa loob ng tahanan ng mga taga-Saudi nang malaman mo ito at ikaw ay nasa wastong pagsasaliksik sa likas na pamamaraan ng pamilya na taga-Saudi. Umaasa ako para sa iyo ng maayos na pakikisama at masayang mga oras sa loob ng tahanan ko.
Nais kong banggitin sa iyo ang iilang mga mahahalagang bagay sa loob ng tahanan ng mga taga-Saudi nang malaman mo ito at ikaw ay nasa wastong pagsasaliksik sa likas na pamamaraan ng pamilya na taga-Saudi. Umaasa ako para sa iyo ng maayos na pakikisama at masayang mga oras sa loob ng tahanan ko.
Una:Nagkakaiba-iba ang mga tahanan sa Saudi sa tungkulin na dapat gampanan, subalit ang kadalasan at palagian ay nais nilang gampanan mo ay ang mga sumusunod:
1- Paglilinis sa loob ng bahay tulad ng pagwawalis, pagpupunas, pag-aayos at paglilinis ng mga kagamitan sa loob nito.
2-Paglaba sa mga damit at pagplantsa sa mga ito.
3-Paghugas ng mga pinggan baso o iba pang amit sa pagluto o pagkain pagkatapos na ito ay gamitin sa agahan,tanghalian,meryenda at hapunan.
4-Pagluluto ng pagkain sa sandaling hindi kakayanin ng among babae ang pagluluto o kaya siya ay pumunta sa trabaho.Kasama na rin rito ang paghahanda ng shay (tea) at kape ng arabo (Arabic coffee).
5- Pagtanggap sa mga bisita. Sa ibang mga tahanan ay pinatutuloy ang mga panauhin sa nakatalagang lugar para lamang sa kanila.
6- Paglalagay ng kape ng arabo o shay (tea) sa pamamagitan ng kaliwang kamay sa baso at iabot ito sa binibigyang tao sa pamamagitan ng kanang kamay kasama ang pagbigay sa kanilang ng pagkaing datiles (dates)
7- Pag-aayos at paglilinis sa kuwarto ng mga bata at paghuhugas sa kanila pagkatapos gumamit ng palikuran o dumumi.
8- Ingatang mabuti ang pag-aalaga sa mga bata lalo na sa sandaling wala ang kanilang ina o wala ang pamilya sa bahay o kaya ay sandaling nasa pagtitipon o kaya ay kapag kasamang nasa labas ang mga ito.
Pangalawa: Ang mga bagay na hindi gusto ng pamilyang Saudi:
1-Ang pakikipag-usap sa mga kalalakihan o kabataang lalake na higit labing tatlong gulang ang edad okaya ay pagsama sa kanila sa pagtitipon o pakikipagtawanan sa kanila o pag-abot ng inumin sa kanila ng diretso ng kamay sa kamay.
2-Ang pagsagot sa telepono o kaya ay pagbukas sa pintuan maliban kung ipinahintulot ng amo.
3-Ang pakikipag-usap sa mga driver o tindero o mga kalalakihang tagapaglinis.Sapagkat ang mga ganitong gawain ay kadalasan na magbibigay sa iyo ng suliranin o ikasasama mo tulad rin ng mga kababaihang Saudi.
4-Ang pagtanggi o pag-iwas sa mga ipinaguutos o pagsusungit sa pamilya ng amo.
Pangatlo:Panganib ng Pagtakas mula sa bahay ng Amo:
Sinasadya ng ibang mga katulong ang pagtakas mula sa tahanan ng amo tungo sa hindi malalmang mga dako.Kaya nalalagay ang mga ito sa pakana ng mga masasamang mga pangkat upang sila ay gamitin sa masamang mga pakay tulad ng prostitusyon, pagbebenta ng bawal na gamot o alak o iba pa maliban dito. Iilan ng mga katulong ang nangalugi sa kanilang pag-aari sanhi ng kanyang pagtakas mula sa tahanan ng kanyang amo.Ilan din naman ang naging bigktima ng rape pagkatapos ay naging parausan ito ng mga masasamang elemento at pagkatapos ay itinatapon na lamang na parang walang kuwentang hayop.
Karaniwang paraan ng nagaganap sa pagtakas:
May nagbibigay ng numero ng telepono upang matawagn mo at pagkatapos mong matawagan ito patatakasin ka.At kapag nasa puder kana niya ay ibibigay niya sa iyo ang lahat ng pangako at wala kang aasahan sa mga pangakong ito sa halip ay papagurin ka lamang nito sa gabi at araw habang siya ay maluwag na nagpapakasarap.Pagkatapos ay matutuntun kayo ng mga awtoridad at mahuhuli kayo at isisisi at ilalahay niya sa iyo ang lahat ng kasalanan at maghuhugas siya ng kamay sa iyo at pababayaan ka.Nangyayari rin na puwersahan ka nitong pagsamantalahan sampu ng mga kasamahan niya at sasaktan ka o paslangin ka upang wala ng makaka-alam at makakita pa sa iyo.
Ika Apat: Mangilag ka:
1-Mangilag ka na gumawa ng sihr (gayuma, kulam, agimat, panghuhula at ang iba pang mga katulad nito) sapagkat hatid nito ay galit at poot ng iyong Panginoon at maglalagay ito ng panganib sa kapwa mo.Kapalit nito ay pagkakulong at parusang kamatayan sapagkat ang batas ng Islam ay nagpapataw ng ganitong batas sa mga gumagawa nito.
2-Iwasan mong gumamit ng mga kagamitang pang kuryente nang hindi nalalaman ng amo mo at huwag mong linlangin ang amo mo at huwag mahiyang magtanong sa amo kung papaano ang paraan ng paggamit sa mga ito.
3-Huwag kang maging pabaya sa paghugas ng mga kagamitan pang luto at mga kagamit para sa pagkain at maging maingat sa paglinis ng mga babasaging gamit.Sapagkat ang pagiging pabaya ay kadalasang sanhi ng pagkasira at pagkabasag ng mga ito at ito ay dahilan rin na makaltasan ang sahod mo.
4-Mangilag kang ikalat ang lihim sa tahanan ng amo sa mga kaibigan mo na katulong rin o driver sapagkat ito ay ikasasama mo rin at ng pamilya ng amo mo.
5-Mangilag ka sa pagnanakaw mula sa tahanan ng amo mo sapagkat ang parusa sa pagnanakaw ay putol-kamay.Sapagkat ang gawaing ito ay dahilan ng kaguluhan sa loob ng tahanan.Kahit ikaw rin naman ay hindi mo gusto na manakawan ka sa sahod mo ng isa man kaya ganon din ang ibang mga tao.
Ang mga bagay na dapat isa-alang-alang ng amo na babae:
1) Huwag niyang antalain ang sahod ng kanyang katulong.
2) Alagaan niya ang katulong niya na gaya ito ng mga anak niya sa bahay.
4.) Huwag niyang ilantad ang katulong niya sa mga kalalakihan lalung lalu na sa amo na lalake o mga anak na kalalakihan na nasa wastong gulang.
5) Mangilag ang among babae na hiyain o pagalitan ang katulong niya sa harap ng mga bata o kaya ay sa harap ng kaibigan ng katulong na mga kapwa niyang katulong rin o kaya ay sa harap ng mga kaibigan ng among babae.
6) Huwag hayaan ng among babae na gagawa ang katulong niya o gamitin niya ang kagamitan na hindi nito nalalaman kung papaano gamitin.Sa halip ay tiyakin ng among babae na alam ng katulong niya kung papaano gamitin ito.
7.) Ang katulong ay hindi gamit na hindi napapagod, hindi nagugutom, hindi nagkakasakit, kaya dapat mag-ingat na atangan siya sa lagpas kanyang kakayahan lalung-lalu na sa huling bahagi ng gabi na siyang oras ng kanyang pamamahinga.
8.) Huwag maging maramot sa kanya sa pagkain na pakakainin mo lamang siya ng mga tiratirang pagkain. Maglaan ka sa kanya ng pagkain na nababagay sa panlasa niya.
9) Huwag mo siyang atangan ng maraming gawain sa iisang pagkakataon, o ipatapos mo ito sa kanya ng agaran sa halip ay gawin mo na sa bawat isang gawain ay may nakatakdang oras para tapusin.
10) Pasalamatan mo siya kapag natupad niya ang mahalagang gawain.
11) Huwag mong biruin ang asawa mo sa harap ng katulong o kaya ay magsuot ka ng kasuutan na hindi dapat isuot sa harapan niya maliban sa loob ng kuwarto, sapagkat ang babae ay nakararamdam din gaya ng nararamdaman mo.
12) Bigyan mo siya ng pagkakataon na masubaybayan ang mga programang pangkaalaman na ipinapalabas sa Al-Majd Channel o kaya ay sa iba pang mga programa.
Ugnayan:http://IslamHouse.com/322564
No comments:
Post a Comment