Sunday, July 21, 2013

"Tama Bang may Takdang Dua Araw Araw sa Buwan ng Ramadan"

Assalamo Alaykom warahmatullahi wabarakatuho

Tanong: Mayroon ba talagang takdang panalangin (Du'a) sa bawat araw ng Ramadhan gaya ng kumakalat?

Sagot: Walang napatunayan na takdang panalangin (Du'a) sa bawat araw ng Ramadhan mula sa Propeta Muhammad [sumakanya nawa ang pagbati at kapayapaan] at wala ring tumpak na ulat na mula sa mga naunang mabubuting Muslim (Salaf) na ginawa nila ang paraan ng pagtatakda ng dua o panalangin tulad ng nabanggit sa tanong; halimbawa ang unang araw ng Ramadhan ay may takdang panalangin (Du'a).

Sinabi ni Shiekh BIn Baz:" ...Ang mga takdang Adh'kar (paggunita) at takdang panalangin (Du'a) ay walang batayan..."[16/61-62]

bagkus napapaloob sa panalangin (Du'a) sa huling araw ng ramadhan ang kasuklam-suklam na paniniwala (Aqeedah), ito ay ang panalangin sa Allah sa pamamagitan ng karapatan ng Propeta [sumakanya ang kapayapaan].

Oo ito ay hindi Shirk bagkus binalaan na tayo ng mga pantas sa ganitong panalangin sapagkat daan ito upang masadlak ang tao sa Shirk [pagtatambal].

at maraming pantas ng Islam na nagsabing ito ay "BID'AH" kabilang na si Shiekh Bin Baz (Rahimahullah) [7/129-130].

kaya bilang kapatid ninyo sa Islam; pinapayuhan ko ang lahat kabilang na ang aking sarili na iwasan ang mga uri ng pagsamba na hindi naman napatunyang ginawa ng Propeta o kanyang katuruan; siguraduhing ang mga ganitong bagay upang hindi maligaw at hindi mailigaw ang iba.

ALLAHU A'ALAM


ni: Ustadz Salamodin Doton  Kasim

No comments: