Ang lahat ng papuri at pasasalamat ay sa Allah lamang, at nawa'y ang pagpapala at kapayapaan ay ipagkaloob ng Allah sa Kanyang Sugo (Muhammad ).
Sa katunayan, napakarami ang mga pintuan ng gantimpala at sadyang napakadakila ang pagtataguyod para sa mga mabubuting gawain. katotohanan, ang Propeta () ay nag-ulat tungkol sa kanyang Panginoon,
Siya (Muhammad ) ay nagsabi:
( قال إن الله كتب الحسنات والسيئات ثم بين ذلك فمن همّ بحسنة فلم يعملها كتبها الله له عنده حسنةً كاملة )
[Kanyang sinabi: sa katotohanan, naitala na ng Allah ang mga kabutihan at kasamaan, at pagkatapos ay Kanyang ipinaliwanag ang mga ito. Kaya’t sinuman ang nagtangkang gumawa ng isang kabutihan at hindi niya ito nagawa, itatala pa rin ito ng Allah para sa kanya bilang isang ganap na kabutihan.]
Bukhari 6010 Muslim 187.
Samakatuwid ang sinumang nagturo at nag-anyaya para sa gawang kabutihan nito, kanyang matatamo ang dakilang gantimpala.
Sinabi pa ng Sugo (Muhammad ):
( من دعا إلى هدى كان له من الأجر مثل أجور من تبعه لا ينقص ذلك من أجورهم شيئاً و من دعا إلى ضلالة كان عليه من الإثم مثل أثام من تبعه لا ينقص ذلك من آثامهم شيئاً )
[Ang sinumang nag-anyaya tungo sa pagtahak ng wastong landas, matatamo niya ang gantimpala na katumbas ng mga gantimpala ng sinumang sumunod sa kanya, at hindi makakabawas iyon sa kanilang mga gantimpala kahit bahagya man lang, at ang sinumang nag-anyaya tungo sa kamalian, siya ay magkakaroon ng kasalanang katumbas ng mga kasalanan ng sinumang sumunod sa kanya, at hindi makakabawas iyon sa kanilang mga kasalanan kahit bahagya man lang] Muslim /4831
Ang ilan sa mga pintuan ng gantimpala:
1. Sinabi ng Sugo (Muhammad ):
( من توضأ نحو وضوئي هذا ثم صلى ركعتين لا يحدث فيهما نفسه غفر الله له ما تقدم من ذنبه )
[Ang sinumang nagsagawa ng Wudu’ ng tulad ng pagsasagawa kong ito, at pagkatapos siya ay nagsagawa ng Salah ng dalawang Rak’ah nang hindi nagsasalita sa sarili. Siya ay patatawarin ng Allah sa anumang nauna niyang kasalanan.] Bukhari /159 – Muslim /331
2. Sinabi ng Sugo (Muhammad ):
( من ثابر على ثنتي عشرة ركعة في اليوم والليلة دخل الجنة، أربعاً قبل الظهر، وركعتين بعدها، وركعتين بعد المغرب، وركعتين بعد العشاء، وركعتين قبل الفجر )
[Ang sinumang nagtiyaga (sa pagsasakatuparan) ng (12) labing-dalawang Rak’ah sa loob ng isang araw (24 oras). Siya ay makakapasok sa Paraiso. [Ang (12) labing-dalawang rak'ah ay binubuo ng]: (4) Rak’ah – bago ang salah sa Dhuhr at (2) Rak’ah – pagkatapos nito, (2) Rak’ah – pagkatapos ng salah sa Maghrib, at (2) Rak’ah – pagkatapos ng salah sa `Isha’, at (2) Rak’ah – bago ang salah sa Fajr ] Sahih Al-Targeeb /580, Sihah As-Sunan Al-Tirmedhi /338, An-Nisaai /1693, Ibn Majah /935 kay Albaani.
3. Sinabi ng Sugo (Muhammad e):
( من مشى إلى صلاة مكتوبة في الجماعة، فهي كحجة، ومن مشى إلى صلاة تطوع، فهي كعمرة )
[Ang sinumang lumakad patungo sa isang ubligadong Salah para sa sama-samang pagdarasal. Ito ay katumbas ng isang Hajj, at sinuman naman ang lumakad patungo sa isang kusang-loob na Salah. Ito ay katumbas ng isang Umrah.] Sahih Al-Jaamia /6556
4. Sinabi ng Sugo (Muhammad e):
( من صلى صلاة الصبح فهو في ذمة الله، فلا يطلبنكم الله من ذمته بشيء، فإنه من يطلبه من ذمته بشيء يدركه، ثم يكبه على وجهه في نار جهنم )
[Ang Sinumang nagsagawa ng Salah sa madaling araw, siya ay mapapasa-ilalim sa pamamahala ng Allah. Subalit hindi kailanman hinahangad ng Allah na kayo ay papananagutin dahil sa isang bagay (na inyong nilayon), sapagkat tunay na sinuman ang humiling sa Kanya ng isang bagay (na kanyang nilalayon) kapalit ng Kanyang pamamahala, ito ay kanyang makakamtan. Subalit (At pagkatapos), ito ay ihahampas sa kanyang mukha sa Apoy ng Impiyerno.] Sahih Al-Jaamia /2890
5. Sinabi ng Sugo (Muhammad e):
( من توضأ للصلاة، فأسبغ الوضوء، ثم مشى إلى الصلاة المكتوبة، فصلاها مع الناس، غفر الله له ذنوبه )
[Ang sinumang nagsagawa nang maayos na Wudu’para sa Salah at pagkatapos, siya ay lumakad patungo sa pagsasagawa ng ubligadong Salah na kasama ng mga tao, patatawarin ng Allah ang kanyang mga kasalanan.]Ibnu Khuzaimah Sahih Al-Jaamia /6173
6. Sinabi ng Sugo (Muhammad e):
( من صلى لله أربعين يوماً في جماعة يدرك التكبيرة الأولى، كتب له براءتان، براءة من النار وبراءة من النفاق )
[Ang sinumang nagsagawa ng Salah para sa (kasiyahan ng) Allah ng (40) apatnapung araw sa sama-samang pagdarasal, na kanyang inaabutan ang unang Takbeer (Allaahu Akbar), itatala para sa kanya ang dalawang kalayaan; kalayaan mula sa Impiyerno at kalayaan mula sa pagiging mapagkunwari.] As-Sahihah (isa sa mga pinananaligang Hadith ) /1979
7. Sinabi ng Sugo (Muhammad e):
( من أتبع جنازة مسلم إيماناً واحتساباً وكان معه حتى يصلى عليها ويفرغ من دفنها فإنه يرجع من الأجر بقيراطين كل قيراط مثل أحد ومن صلى عليها ثم رجع قبل أن تدفن فإنه يرجع بقيراط ).
[Ang sinumang nakipaglibing sa isang (kapatid na) muslim nang may pananalig at pag-asang siya ay pagpapalain, at siya ay kabilang sa mga naroroon hanggang ang namatay ay pag-ukulan ng pagdarasal (Salatul Janazah) at pagkaraan ay hinayaang mairaos ang paglilibing, sa katunayan, siya ay uuwi na may dalang gantimpalang katumbas ng dalawang Qirat; ang bawat Qirat ay katumbas ng Uhud (isang napakalaking bundok sa Madinah). At gayun din naman, sino man ang nakilahok sa pagsasagawa ng kaukulang Salah para dito, at pagkaraan ay lumisan siya bago mailibing, siya ay uuwi na may (dalang gantimpalang katumbas ng) isang Qirat.] Sahih Al-Targeeb /3498
8. Sinabi ng Sugo (Muhammad e):
( من حج هذا البيت، فلم يرفث، ولم يفسق، رجع كما ولدته أمه )
[Ang sinumang nagsagawa ng Hajj sa (Banal na) tahanang ito (ang Kaabah), at hindi nagsalita ng masasamang salita (o nakipagtalik sa kanyang asawa), at hindi rin nakagawa ng isang kalapastanganan, siya ay uuwi (na walang bahid na kasalanan) tulad ng pagkasilang sa kanya ng kanyang ina.] Sahih An-Nisaai /2464
9. Sinabi ng Sugo (Muhammad e):
( من طاف بالبيت [سبعاً]، وصلى ركعتين، كان كعدل رقبة )
[Ang sinumang nagsagawa ng Tawaf (pag-ikot) sa palibot ng sagradong Bahay (Kaabah) (7 X) at nagsagawa ng Salah ng dalawang Rak’ah, ito ay tila katumbas ng (pagpapalaya ng) isang alipin.] As-Sahihah (isa sa mga pinananaligang Hadith ) /2725
10. Sinabi ng Sugo (Muhammad e):
( من طلب الشهادة صادقاً أعطيها، ولو لم تصبه )
[Ang sinumang naghangad ng Shaheed (pagkamartir sa landas ng Allah) nang buong katapatan, ipagkakaloob sa kanya (ang karangalan nito), kahit hindi pa niya sinapit ito] Sahih At-Targeeb /1277
11. Sinabi ng Sugo (Muhammad e):
( من غسل ميتاً فستره، ستره الله من الذنوب، ومن كفن مسلماً، كساه الله من السندس ).
[ Ang sinumang nagsagawa ng pagpapaligo sa isang patay at maayos niyang tinakpan ito, siya ay tatakpan ng Allah mula sa kanyang mga kasalanan, at sinuman ang nagbigay ng saplot sa isang yumaong Muslim, siya ay pasusuutin ng Allah ng (kasuutang yari sa) Sundus (napakagandang seda). ] As-Sahihah (isa sa mga pinananaligang Hadith ) /2353
12. Sinabi ng Sugo (Muhammad e):
( من استغفر للمؤمنين و للمؤمنات، كتب الله له بكل مؤمن ومؤمنة حسنة )
[Ang sinumang humiling ng kapatawaran para sa mga mananampalatayang lalaki at mananampalatayang babae, ipatatala ng Allah para sa kanya ang isang kabutihan sa bawat mananampalatayang lalaki at mananampalatayang babae.] As-Sahihah (isa sa mga pinananaligang Hadith ) /6026
13. Sinabi ng Sugo (Muhammad e):
( من قرأ حرفاً من كتاب الله، فله به حسنة، والحسنة بعشر أمثالها، لا أقول: [الم] حرف، ولكن ألف حرف، ولام حرف، وميم حرف )
[Ang sinumang bumigkas ng isang titik mula sa Aklat ng Allah (Qur’an), sa pamamagitan nito ay kanyang matatamo ang isang kabutihan, at ang isang kabutihan ay may katumbas na sampung katulad nito, hindi ko sinasabi: "Na ang Alif (A) Lam (L) Mim (M) ay isang titik bagkus (magkakaibang titik) ang Alif (A) ay isang titik, ang Lam (L) ay isang titik, at ang Mim (M) ay isang titik."] As-Sahihah (isa sa mga pinananaligang Hadith ) /3327
14. Sinabi ng Sugo (Muhammad e):
( من قال سبحان الله وبحمده في يوم مائة مرة، حطت عنه خطاياه، وإن كانت مثل زبد البحر )
[Ang sinumang bumigkas ng “Subhaanallaahi wa bihamdihi” (Kaluwalhatian sa Allah at Kapurihan sa Kanya) nang isang daang ulit sa loob ng isang araw, pawawalang-sala ang kanyang mga (gawang) pagkakamali, na kahit pa ito’y kasing (dami ng) mga bula ng karagatan.] Sahih Al-Kalimut Tayyib /7
15. Sinabi ng Sugo (Muhammad e):
( من صلى علي حين يصبح عشراً، وحين يمسي عشراً أدركته شفاعتي يوم القيامة )
[Ang sinumang humiling ng pagpapala para sa akin sa pagsapit ng bukang liwayway nang sampung ulit at sa pagsapit ng hapon nang sampung ulit. Siya ay masasaklawan ng aking pamamagitan (intercession) sa Araw ng Pagbabangong-muli.] Sahih Al-Jaamia /6357
16. Sinabi ng Sugo (Muhammad e): ( من بنى لله مسجداً، بنى الله له بيتاً في الجنة أوسع منه )
[Ang sinumang nagpatayo ng isang Masjid (Mosque) para sa Allah, ipagpapatayo siya ng Allah ng isang tahanan sa Paraiso nang may higit na luwang kaysa rito.] As-Sahihah (isa sa mga pinananaligang Hadith ) /3445
17. Sinabi ng Sugo (Muhammad e):
( من قال سبحان الله العظيم وبحمده، غرست له نخلة في الجنة )
[Ang sinumang bumigkas ng “Subhaanallaahil adheem wa bihandihi” (Kaluwalhatian sa Allah – ang Dakila – at kapurihan sa Kanya). Siya ay ipagtatanim ng isang puno ng Palmera sa Paraiso.] As-Sahihah (isa sa mga pinananaligang Hadith )/64
18. Sinabi ng Sugo (Muhammad e):
من قال في يوم مائة مرة " لا إله إلا الله وحده لا شريك له، له الملك وله الحمد وهو على كل شيء قدير" كان له عدل عشر رقاب وكتبت له مائة حسنة ومحي عنه مائة سيئة وكن له حرزاً من الشيطان سائر يومه إلى الليل ولم يأت أحد بأفضل مما أتى به إلا من قال أكثر
[Ang sinumang bumigkas ng “Laa ilaaha illallaahu wahdahu laa shareeka lah, lahul mulku walahul hamdu, wahuwa `alaa kulli shai-in qadeer” (Walang Diyos na dapat sambahin maliban sa Allah, ang tanging nag-iisa, wala Siyang katambal. Sa Kanya ang pagmamay-ari ng Kapamahalaan at sa Kanya ang kapurihan, at Siya ay may kakayahan sa lahat ng bagay) nang isang daang ulit sa loob ng isang araw, matatamo niya ang gantimpalang katumbas (ng gantimpala ng pagpapalaya) ng sampung alipin at ipatatala para sa kanya ang isang daang kabutihan at aalisin (o papawiin) sa kanya ang isang daang kasamaan at itatalaga para sa kanya ang isang pananggalang laban kay Satanas sa buong maghapon hanggang sa kinagabihan at walang makapagdadala ng higit sa kanyang dalahin maliban sa sinumang bumigkas ng higit na marami kaysa sa kanya.] Sahih ibnu Majah /3064
19. Sinabi ng Sugo (Muhammad e):
( من حفظ عشر آيات من أول سورة الكهف، عصم من فتنة الدجال )
[Ang sinumang nakasaulo ng sampung talata ng unang bahagi ng Suratul Kahf (Surah 18), siya ay ligtas sa tukso ni Ad-Dajjal (ang bulaang Kristo).] Sahih Al-Jaamia /6201
20. Sinabi ng Sugo (Muhammad e):
( من رأى مبتلى فقال: الحمد لله الذي عافني مما ابتلاك به، وفضلني على كثير ممن خلق تفضيلاً، لم يصبه ذلك البلاء )
[Ang sinumang nakakita ng (isang taong) dinapuan ng kasawiang-palad (nakaranas ng kapighatian sa buhay) at kanyang sinabi o idinalangin: “Al-hamdulillaah alladhee `aafaanee mimmaa ibtalaaka bihi, wa fadh-dhalanee `ala katheerim mimman khalaqa tafdheelaa” (ang lahat ng papuri at pasasalamat ay sa Allah, na Siyang naglayo sa akin sa anumang dumapong kasawiang-palad sa iyo, at nagbigay sa akin ng dakilang kahigtan sa sinumang nilikha Niya). Siya ay hindi dadapuan ng gayong kasawian.] As-Sahihah (isa sa mga pinananaligang Hadith ) /602
21. Sinabi ng Sugo (Muhammad e):
(من قال: لا إله إلا الله، وحده لا شريك له، له الملك وله الحمد، وهو على كل شيء قدير عشراً، كان كمن أعتق رقبة من ولد إسماعيل)
[Ang sinumang bumigkas ng: “Laa ilaaha illallaahu wahdahu laa shareeka lah, lahul mulku walahul hamdu, wahuwa `alaa kulli shai-in qadeer” (Walang Diyos na dapat sambahin maliban sa Allah, ang tanging nag-iisa, wala Siyang katambal. Sa Kanya ang pagmamay-ari ng kapamahalaan, at sa Kanya ang kapurihan, at Siya ay may kakayahan sa lahat ng bagay) nang sampung ulit, siya ay napatulad sa isang taong nagpalaya ng isang alipin mula sa anak ni Ismael.] Sahih Al-Jaamia /4653
22. Sinabi ng Sugo (Muhammad e):
( من صلى علي صلاة صلى الله عليه عشراً )
[Ang sinumang humiling ng isang pagpapala para sa akin. Siya ay pagpalain ng Allah ng sampung ulit.] Sahih At-Tirmedhi /402
23. Sinabi ng Sugo (Muhammad e):
( الأنصار لا يحبهم إلا مؤمن، ولا يبغضهم إلا منافق، فمن أحبهم أحبه الله، ومن أبغضهم أبغضه الله )
[Walang nagmamahal sa mga Ansar (mga taga-Madinah noon) maliban sa mananampalataya at walang napopoot sa kanila maliban sa Munafiq (mapagkunwaring Muslim). Kaya’t ang sinumang nagmamahal sa kanila, siya ay minamahal ng Allah. At sinumang napopoot sa kanila, siya ay kinapopootan ng Allah.] As-Sahihah (isa sa mga pinananaligang Hadith ) /1975
24. Sinabi ng Sugo (Muhammad e):
( من أنظر معسراً أو وضع له، أظله الله يوم القيامة تحت ظل عرشه، يوم لا ظل إلا ظله )
[Ang sinumang nagbigay lingap sa isang dukha o pinunan ang pangangailangan nito, siya ay pasisilungin ng Allah sa Araw ng Pagbabangon-muli sa ilalim ng lilim ng Kanyang Trono sa Araw na walang masisilungan maliban sa Kanyang lilim.] Sahih At-Tirmedhi 1052
25. Sinabi ng Sugo (Muhammad e):
( ومن ستر مسلماً ستره الله يوم القيامة )
[Ang sinumang pinagtakpan ang (kapintasan o kakulangan ng) isang Muslim, siya ay pagtatakpan din ng Allah sa Araw ng Pagbabangon-muli.] Bukhari /2262 Muslim /4677
26. Sinabi ng Sugo (Muhammad e):
( من كان له ثلاث بنات، فصبر عليهن، وأطعمهن و سقاهن، وكساهن من جدته، كن له حجاباً من النار يوم القيامة )
[Ang sinumang may tatlong anak na babae at siya ay nagtiis para sa kanila, pinakain sila, pina-inum at dinamitan mula sa kanyang sariling pagsisikap, sila yaong (mga anak na babae) ang magiging pananggalang niya sa Apoy sa Araw ng Pagbabangon-muli.] As-Sahihah (isa sa mga pinananaligang Hadith )/294
27. Sinabi ng Sugo (Muhammad e):
( من ذب عن عرض أخيه بالغيبة، كان حقاً على الله أن يعتقه من النار )
[Ang sinumang magtanggol sa karangalan ng kanyang kapatid (na muslim) laban sa paninirang-puri (o kasiraang dangal nito), ito ay magiging tungkulin ng Allah na siya ay palalayain mula sa Apoy.] Sahih At-Targeeb /2847
28. Sinabi ng Sugo (Muhammad e):
( من كظم غيظاً وهو قادر على أن ينفذه، دعاه الله سبحانه على رؤوس الخلائق يوم القيامة حتى يخيره من الحور العين ما شاء )
[Ang sinumang nagpigil ng kanyang matinding poot gayong may kakayahan siyang gawin ito, tatawagin siya ng Allah – kaluwalhatian sa Kanya – mula sa kataluktukan (kaitaasan) ng mga nilalang sa Araw ng Pagbabangong-muli hanggang sa papipiliin siya sa mga naggagandahang dilag na may malalaki at mapupungay na mga mata ayon sa kanyang nagustuhan.] Sahih At-Targeeb /2753
29. Sinabi ng Sugo (Muhammad e):
( من تواضع لله رفعه الله )
[Ang sinumang magpapakumbaba sa Allah, itataas (pararangalan) siya ng Allah.] As-Sahihah (isa sa mga pinananaligang Hadith ) /2328
30. Sinabi ng Sugo (Muhammad e):
( من أحب أن يبسط له في رزقه وينشأ له في أثره فليصل رحمه )
[Ang sinumang nais palawakin ang kanyang panustos at patatagin ang kanyang mga yapak (katayuan), magkagayon, nararapat niyang patibayin ang ugnayang pangkamag-anakan.] Bukhari /5527 / Muslim /4639
31. Sinabi ng Sugo (Muhammad e):
( من قتل وزغاً في أول ضربة كتبت له مئة حسنة وفي الثانية دون ذلك وفي الثالثة دون ذلك )
[Ang sinumang nakapatay ng isang butiki (o tuko) sa unang hampas, ipatatala para sa kanya ang isandaang kabutihan at bukod pang (isandaang) kabutihan para sa ikalawang hampas at bukod pang (isandaang) kabutihan para sa ikatlong hampas nito.] Sahih At-Targeeb /2978
Inihanda ni: Shaikh Muhammad bin Salih Al-Munajji
Isinalin sa Tagalog ni:Muhammad Taha Ali
Isinalin sa Tagalog ni:Muhammad Taha Ali
No comments:
Post a Comment