Sunday, October 13, 2013

Ang Pagiging Bukas Palad


Ang Propeta [sallallahu alayhi wa sallam] ay pinakamapagbigay at bukas-palad sa mga tao sa paggawa ng kabutihan, at siya ay higit na mapagbigay sa buwan ng Ramadhan sa mga sandaling kinakaharap siya ni Anghel Gabriel. At sa bawat gabi ng Ramadhan, siya ay kinakaharap ni Jibril [alayhis salam] hanggang sa lumisan ito, ipinahayag niya sa Propeta [sallallahu alayhi wa sallam] ang Qur'an, kaya kapag siya ay nakipagharap sa Anghel Jibril ,siya ang pinakamapagbigay at bukas-palad sa gawaing kabutihan nang higit kaysa sa humahagibis na hangin.


[Al-Bukhari at Muslim].

Kainlanman ay walang humingi sa kanya nang anuman maliban na ito ay kanyang ipinagkaloob. Isang lalaki ang lumapit sa kanya at kanyang binigyan ito ng tupa na ang dami ay halos mapuno ang pagitan ng dalawang bundok, kaya bumalik ito sa kanyang mga tao at nagsabi:" O kayong mga tao! Magsipagyakap kayo sa Islam sapagkat si Muhammad ay nagbibigay ng isang handog na hindi pinangambahan ang paghihikahos.

[Muslim 2312].

No comments: