Tuesday, October 1, 2013

HUKOM SA PAG SUOT NG THAWB O PANTALON NA LAMPAS SA BUKONG BUKONG

Tanong:

Salam Alaikom, ustadh, Ano po ba ang ruling ng hindi paglagpas ng pantalon o thawb sa bukong-bukong? Ito po ba ay sunnah o wajib? kasi may mga ibang kilalang lecturer na nakapagtapos ng mga kilalang mga Islamic University na lagpas sa bukong-bukong ang kanilang mga pantalon o thawb? Napansin ko lang po, na hindi sila ganun kahigpit regarding sa paglagpas ng pantalon sa bukong-bukong at sa hadith regarding dito.

Sagot:
بسم الله الرحمن الرحيم
السلام عليكم ورحمة الله وبركاته
الحمد لله والصلاة والسلام على رسول الله أما بعد:

Maraming salamat po sa inyong katanungan;

Sagot: Upang malaman natin kung ano ang hukom sa isang kasuotan (para sa kalalakihan) alinsunod sa iyong katanungan, ay tunghayan muna natin ang sinabi ng Islam ayon sa pananaw ng mga pantas sa Islam tungkol sa hukom ng'Isbaal' (pagsuot ng kasuotan maging pantalon man ito o thawb para sa mga kalalakihan na lagpas ng bukong-bukong), at sa usaping ito ay kailangan muna natin linawin ang dalawang puntos;

Una: Kapag siya ay nagsuot ng ‘Isbaal’ ng may pagmamayabang o pagmamataas - Sa kalagayang ito mahigpit na ipinagbabawal ang pagsuot nito bagkus ito ay napapabilang sa malaking pagkakasala, at lahat ng mga Iskolar sa Islam ay nagkasundo sa bagay na ito, batay ito sa sinabi ng Propeta Muhammad (sallallahu ‘alayhi wa sallam):

الإسبال في الإزار والقميص والعمامة ، من جر منها شيئاً خيلاء لا ينظر الله إليه يوم القيامة ) رواه أبو داود رقم 4085 والنسائي رقم 5334 بإسناد صحيح

"Ang Isbaal ay sa pang-ibabang kasuotan, damit at maging sa turban, sino man ang nagsuot ng mga ito ng may halong pagmamataas o pagmamayabang (sa kanilang mga puso) ay hinding-hindi sila titingnan ng Allah sa Araw ng Paghuhukom."

At gayundin sinabi pa ng Propeta (sallallahu ‘alayhi wa sallam):

( لا ينظر الله إلى من جر إزاره بطراً ) البخاري رقم 5788 ، ومسلم رقم 2087

"Hindi titingnan ng Allah ang sinumang binabandera ang kanyang kasuotan ng may pagmamayabang."

( إياك وإسبال الإزار فإنهـا من المخيلة وإن الله لا يحب المخيلة ) صححه الترمذي رقم 2722

"Ilayo mo ang iyong sarili sa kasuotang isbaal, dahilan sa ito ay nagtutulak sa isang tao sa kayabangan, at hindi nalulugod ang Allah sa mga mayayabang."

Pangalawa: Pagsusuot ng Isbaal na walang halong pagmamayabang o pagmamataas - sa kalagayang ito, nagkakaroon ng iba’t ibang pananaw ang mga pantas ng Islam sa tatlong pananaw; May mga nagsabi mula sa kanila na ito ay Haram, may mga nagsabi naman na ito ay Makrooh (di kanais-nais), at ang iba sa kanila ay Jawaz (maaring gawin).

- At ang pananaw ng karamihan sa mga pantas mula sa kilalang (apat na madhhab) ay Jawaz (pinahntulutan).

- Maging si Imam Abu Hanifah ay nagsuot ng kasuotan na ito ay lampas ng bukong-bukong at sumayad sa lupa, at sinabi sa kanya; Hindi bagat pinagbawalan tayo sa ganong bagay? kanyang sinabi: ‘tunay na ito ay ipinagbawal sa mga mapagmayabang at mapagmataas, at tayo ay hindi kabilang doon.” [Ito ay nabanggit ni Ibn Muflih sa aklat na pinamagatang al-adaab ash-shar’iyyah 3/521][at gayundin tingnan ang al-Fataawa al-Hindiyyah5/333].

- Samantalang sa mga iskolar ng Maalikiyyah na tulad nina Ibn al-‘Arabiy at al-Qarraafiy ang kanilang pananaw ay ito ay Haram. Kaya naman sinabi ni Ibn al-‘Arabiy sa aklat na ‘Aaridatul Ahwazhiy 7/238;

"Hindi maari sa isang lalaki na hayaan niya ang kanyang kasuotan hanggang sa ibaba ng bukong-bukong at kanyang sasabihin; ‘hindi naman ako magmamayabang’; dahil ang pagbabawal na nabanggit sa hadith ay pasalita o ‘verbally’ at kukunin niya ang ‘illah’ o katwiran (pagmamayabang o pagmamataas), at hindi maaring kunin ang isang daleel na ito ay pasalita upang gawing hukom at kanyang sasabihin na ako ay hindi katulad nila dahil ang wala sa akin ang ‘illah sa pagbabawal na ito ay ang pagmamayabang o pagmamataas. Dahil ito ay taliwas sa shaa’riah, at hindi tanggap ang kanyang dahilan, ngunit ang sino man may halong pagmamayabang at pagmamataas sa kanyang kasuotan na may isbaal ay pinasinungalingan niya ang bagay na ito ng walang pag-aalinlangan.”

- At ang sabi naman ng ibang iskolar ay ito ay bagay na Makrooh o di kanais-nais at hindi hahantong sa Haraam. Sinabi ni haafizh ibn Abdil Barr sa Tamhid 3/244:

“Ang mga hadith ay batayan lamang sa sino mang nagsuot ng isbaal ng walang halong pagmamayabang o pagmamataas, ay hindi kasama sa nabanggit na parusa sa ibang hadith, ngunit sino man ang magsuot ng isbaal ng walang halong pagmamayabang o pagmamataas ay bagay na hindi kanais-nais sa anumang kapanahonan.”

- Kabilang sa mga pumapanig sa pananaw na ito ay si Imam Shaa’f’iy na kanyang sinabi bilang sipi ni Imam Nawawi (rahimuhumallah);

“Ipinagbawal ang isbaal sa pagsasalah at sa labas ng pagsasalah ng may pagmamayabang, ngunit kung ito ay may pagmamayabang bagay na ito ay ipinagbawal ngunit magaan lamang, sa sinabi ni propeta Muhammad (saw) kay Abu Bakr (radiyallahu ‘anhu) noong sinabi ni Abu Bakr sa kanya; ‘tunay na ang aking izaar (pang-ibabang kasuotan) ay nahuhulog mula sa isa mga binti ko’, at sinabi sa kanya ng Propeta; ‘hindi ka katulad nila (mapagmayabang)” [Majmoo’ 3/177]

- Sa mga iskolar naman na nagsasabi na ito ay pinahintulutan ay tulad ni Shiekh al Islam Ibn Taymiyyah at ang sino mang sumang-ayon sa kaniya.

- Ngunit ang pinakamalakas na pananaw dito ay ang pagbabawal sa gawain na ito, kapag walang halong pagmamayabang ito ay ipinagbawal, batay sa pangkalahatang sinabi ng Propeta (sallallahu ‘alayhi wa sallam):

( ما أسفل من الكعبين من الإزار ففي النار)البخاري رقم 5787

“Ano man ang lumagpas sa bukong-bukong mula sa kasuotan, ito ay impiyerno”

( ثَلَاثَةٌ لَا يُكَلِّمُهُمُ اللهُ يَوْمَ الْقِيَامَةِ، وَلَا يَنْظُرُ إِلَيْهِمْ وَلَا يُزَكِّيهِمْ وَلَهُمْ عَذَابٌ أَلِيمٌ:الْمُسْبِلُ، وَالْمَنَّانُ، وَالْمُنَفِّقُ سِلْعَتَهُ بِالْحَلِفِ الْكَاذِبِ» ) رواه مسلم رقم 106

“Tatlong uri ng tao hindi kakausapin ng Allah sa Araw ng Paghuhukom, ni hindi Niya sila titingnan, ni sila ay hindi lilinisin, at kasaki-sakit na parusa ang kanilang matatamo; Ang al Musbil (nagsusuot na lagpas ng bukong bukong), ang Mannaan (mga taong ipinamukha nila ang kanilang ginawang kabutihan sa iba), at ang mga nagbibinta ng kanilang produkto na may kasinungalingan.”

- At ang mga Ulama sa panahon natin ngayon na tulad nina Shiekh ibn Baz, Shiekh ‘Uthaymin, Shikh Saleh al Fawzaan at iba pa lahat sila ang kanilang pananaw ito ay Haram maging ito man ay walang halong pagmamayabang o pagmamataas.

Batay sa iyong katanungan kapatid, ngayon ito ay malinaw na ito ay ipinagbawal, na ang ibig sabihin nito, isang obligasyon o waajib ang kasalungat dito, waajib ang pagsuot na hindi isbaal o hindi lalagpas sa bukong bukong.

2 – Ayon naman sa sinabi mo;

“kasi may mga ibang kilalang lecturer na nakapagtapos ng mga kilalang mga Islamic University na lagpas sa bukong-bukong ang kanilang mga pantalon o thawb? Napansin ko lang po, na hindi sila ganun kahigpit regarding sa paglagpas ng pantalon sa bukong-bukong at sa hadith regarding dito.”

Sagot: Huwag mong tingnan o sundin ang mga nagtuturo o nangangaral maging sila man ay nakapagtapos sa kilalang Unibersidad, bagkus ang titingnan at ang susundin mo ay kung ano ang sinabi ng Propeta (sallallahu ‘alayhi wa sallam) o batas ng Islam dahil doon ka magtatagumpay. Ang kanilang pagsuway sa isang batas ay sa kanila yon at hindi sa ibang tao. Allahu ‘Alam..

source [http://clive-chanel.tumblr.com]

No comments: