Tuwirang Inutos sa Islam ang Pag iwas ng pag-isip ng masama at Dapat tayo ay magtiwala sa ating Kapwa Muslim.
Ayon sa Sugo ng Allaah (صلى الله عليه و سلم):
“Iwasan ang hinala. Ang panghihinala ang siyang pinakamalaking kasinungalingan. Huwag ninyong siyasatin ang mga masamang balita, mga pagkukulang at kapintasan ng inyong kapatid. Huwag maniktik sa inyong mga kapatid. Huwag makipagpaligsahan (ng may masamang pag-iisip at layunin) laban sa iyong kapatid. Huwag kamuhian ang iyong kapatid. Huwag kang lumayo mula sa iyong kapatid (sa oras ng kanyang pangangailangan at pakikiramay). O, mga alipin ng Allah, maging mabuting magkakapatid kayo sa isa’t isa katulad ng kautusang ipinag-aanyaya sa inyo. Ang Muslim ay nararapat na maging makatarungan sa kanyang kapatid na Muslim. Hindi niya ito hinahamak at inaalipusta. Hindi niya ito dapat ilagay sa anumang kapahamakan o panganib. Lahat ng bagay na pag-aari ng isang Muslim ay ipinagbabawal na gamitin ng kapwa Muslim (na walang pahintulot) o abusuhin ito (ng walang karapatan). Ang kabutihan (at maging ang kabanalan) ay naririto, itinuro niya ang kanyang dibdib (para sa puso). Sapat na kasamaan ang ilagay ang isang kapatid na Muslim sa kapahamakan. Lahat ng bagay na pag-aari ng isang Muslim ay ipinagbabawal sa kapwa niya Muslim, ang kanyang dugo (pagpatay sa kanya), ang kanyang dangal at pamilya at yaman. Katotohanan, hindi tinitingnan ng Allah ang inyong mga katawan, anyo at ayos kundi Kanyang tinitingnan ang iyong puso, ugali at kilos.”
[Hadith Muslim]
Isa pang patnubay ang ipinagkaloob ng Sugo ng Allaah (صلى الله عليه و سلم) ng ipahayag niya na:
“Ang Muslim ay hindi maaaring maging tunay na mananampalataya hanggang hindi niya nais para sa kapwa niya Muslim ang nais para sa kanyang sarili.”
[Hadith Bukhari]
No comments:
Post a Comment