Ang 'ashura ay araw ng pag-aayuno para sa ating mga muslim subalit ito ay isang paggunita at pagdiriwang para sa mga ligaw na tao na nagpapakilalang mga muslim na nakikilala natin bilang mga shi'ah. Ang araw na ito ay araw diumano ng pagluluksa at patunay ng pang-aapi ng mga sahabah sa ahlul bayt. Narito ang maiks...ing tala ng mga pangyayari ayon sa tunay na kasaysayan ng mga kaganapan sa Karbala at kamatayan ni Al Husain.
ANO ANG KARBALA?
Ang Karbala ay isang lugar na matatagpuan sa 'Iraq na kung saan ay naganap ang labanan sa pagitan nina Al Husain bin 'Ali at Hukbo ni Yazid bin Mu'awiyah sa pamumuno si 'Omar bin Sa'd.
SINO SI YAZID BIN MU'AWIYAH?
Siya ay anak ng sahabah na si Mu'awiyah bin Abi Sufyan na isa sa mga tagapagtala ng Qur'an noong nabubuhay pa si Propeta Muhammad. Si Mu'awiyah ang sumunod na khalifah kay 'Ali bin Abi Talib. Nang siya ay namatay ay pumalit sa kanya ang kanyang anak na si Yazid na nakikilala sa pagiging mabisyo. Nauulat sa mga kasaysayan na pinahintulutan ni Mu'awiyah si Yazid na mamuno matapos siya matapos itong sumumpa na magiging pinuno na tulad ni 'Omar bin Al Khattab. Ito ay hindi nagkatotoo dahil siya ay nanatiling mabisyo at palalo sa kanyang pamumuno kaya marami sa mga sahabah ang tumanggi na kilalanin siya bilang khalifah at kabilang dito si Al Husain bin 'Ali.
SINO SI AL HUSAIN BIN 'ALI?
Siya ay anak ni 'Ali bin Abi Talib at Fatimah na anak ni Propeta Muhammad.
ANG PANLILINLANG NG MGA TAGA KUFAH
Si Husain bin 'Ali ay inimbitahan ng mga taga-Kufah, 'Iraq upang kanilang maging pinuno sa pag-asa na pamunuan sila nang naaayon sa Islam na taliwas sa pamunuan ni Yazid. Sa umpisa ay nagpadala ng mga liham ang mga taga-Kufah na naglalaman ng pangako ng kanilang suporta. Dumating kay Al Husain ang mga liham na ito kasama ang mga taga-Kufa na personal na tumungo sa kanya. Subalit habang siya ay naglalakbay tungo sa Kufah sa kabila ng pagtutol dito ng marami sa mga sahabah ay nagbago ang mga pangyayari sa Kufah. Ang mga unang nangako ng suporta ay tumalikod sa pangako. Ito ay agad napansin ni Muslim bin 'Aqil na pinadala ni Al Husain bilang mensahero subalit siya ay napatay na bago pa siya makapagbabala kay Al Husain.
Ang mga sahabah ay tumutol dahil sinabi ni la na ang mga taga-Kufah ay mapanlinlang at sila ang tunay na nanlinlang at pumatay sa kanyang ama na si 'Ali bin Abi Talib at kapatid na si Al Hasan.
Ang bagong gobernador ng Kufah na si Ubaydullah bin Ziyad na pumalit kay Nu'man bin Bashir na isang sahabah ang siyang nagpakita ng kalupitan sa usapin ng pagdating ni Al Husain. Si Ubaydullah ang nag-utos na patayin ang mensahero na isinugo ni Al Husain na si Muslim bin 'Aqil na pinsan ni Al Husain na anak ni Aqil na kapatid ni 'Ali bin Abi Talib. Pinapatay din niya ang iba pang nagpakita ng suporta sa kanya.
SI HUR BIN YAZID
Si Hur bin Yazid ay pinadala upang pigilin ang pagpasok nina Al Husain sa Kufah. Si Hur ay may lubos na paggalang kay Al Husain subalit siya ay inutusan na pigilan na makapasok si Al Husain sa Kufah.
SI 'OMAR BIN SA'D
Si Ubaydullah ay nagpadala ng mas malaking hukbo sa pamumuno ni 'Omar bin Sa'd. Ilang ulit silang nagkaroon ng dialogo ni Al Husain at napagkasunduan nila na huwag nang tumulak si Al Husain sa Kufah at bumalik na lamang sa Makkah at sumama na lamang sa mga hukbo na nagji-jihad. Siya ay nagpadala ng sulat kay Ubaydullah bin Ziyad at pumayag si Ubaydullah sa mga nais mangyari ni Al Husain.
ANG PANUNULSOL AT ANG HULING UTOS
Isa sa mga malalapit kay Ubaydullah na si Shimar bin Zil Jawshan ang nagsulsol na kung hahayaan niya si Al Husain na bumalik ng Makkah ay magiging mas malakas ito. Dahil dito ay inutusan niyang puksain ni 'Omar bin Sa'd si Al Husain at huwag hayaang umalis.
ANG SAGUPAAN SA KARBALAH AT ANG KAMATAYAN NI AL HUSAIN
Nagsimula ang paglaban nina Al Husain sa hukbo ni 'Omar bin Sa'd dahil sila ay pinigilan bumalik ng Makkah at kahit pati pagkuha ng tubig ay ipinagbawal sa kanila. Ang sagupaan ay nagsimula sa mga duwelo sa pagitan ng mga piling mandirigma ng dalawang panig hanggang sa maubos na ang mga kasama ni Al Husain. Si Hur bin Yazid ay pumanig kay Al Husain at namatay sa labanan.
Namatay din ang kanyang mga kasama na kabilang sa kanyang malalapit na mga kaibigan at mga kamag-anak kasama na ang kanyang mga anak. Ito ay naganap noong ika-10 ng Muharram 61 AH.
ANG KARBALAH BA AY BANAL?
Ang mga pinuno ng shi'ah ay nagsasabi na ang Karbalah daw ay banal at ang kabanalan nito ay higit pa sa kabanalan ng Ka'bah. Ito ay walang katotohanan bagkus ay produkto lamang ng kanilang imahinasyon at pagkaligaw. Walang nababanggit sa Qur'an o hadith ukol sa pagiging banal ng Karbala o ng lupa nito.
ANO ANG PANANAW NG AHLUS SUNNAH SA KAGANAPAN SA KARBALA?
Ang kaganapan sa Karbalah ay isang malungkot na kaganapan ng pagsasagupaan ng mga muslim.
Hindi totoo na pinagtulungan ng mga sahabah ang ahlul bayt tungo sa kanilang kapahamakan dahil marami sa kanila ang tumutol sa mga kaganapan maging sa planong pag-aaklas ni Al Husain.
Ang mga sahabah ay nagkakamali rin at nagkakaroon sila ng mga sigalot ngunit hindi layunin ng akdang ito ang maghusga at hahayaan na natin sa mga iskolar ang usaping ito.
Ang mga selebrasyon ng shi'ah tulad ng penitensiya ay walang batayan mula sa Qur'an at sunnah kahit pa isangkot nila dito ang mga kaganapan sa Karbala. Bagkus ang mga ito ay ipinagbabawal.
Ang pagmamalabis ng mga shi'ah sa kanialng pagmamahal sa ahlul bayt ang isa sa mga dahilan kung bakit itinuturing nila ang ahlul bayt bilang mga katambal ni Allah.
source[http://www.islamisip.org/
No comments:
Post a Comment