Tuesday, April 1, 2014

"MAGTRABAHO! Upang Jannah ay matamo"



Si Ali bin Abi Thalib (Radhi Allaahu Anhu ) ay nag-ulat, ang Propeta (Salla Allaahu Alaihi Wassalaam)ay nagsabi: 

"Walang isa sa inyo kundi naisulat na ang kanyang kalalagyan sa impiyerno o sa paraiso"
at nagsalita ang isang lalaki mula sa mga tao:


" Hindi ba maaaring umasa na lamang tayo O sugo ni Allah!"

Ang sinabi ng Propeta (Salla Allaahu Alaihi Wassalaam): 

"Hindi! Magtrabaho kayo ang lahat ng bagay ay napapagaan, pagkatapos kanyang binasa ang isang talata sa Quran: 


{At ang tungkol sa sinumang nagbibigay ng kanyang kayamanan at may takot sa kanyang panginoon at pinaniniwalaan ang katotohanan ng paraiso.aming iaalay sa kanya ang mabuting gawain at maging magaan sa kanya} -[Surah Al-layl : 5] 

[Ulat ni Al Bukhari]

At sa nai-ulat kay Muslim

"Ang lahat ng bagay ay napapagaan sa mga nailaan sa kanya"
kaya ang Propeta (Salla Allaahu Alihi Wassalaam) kanyang ipinag-uutos ang magtrabaho at ipinagbabawal ang umasa na lamang sa Qadar.

Isinalin sa tagalog ni: Ustadh Salamodin D. Kasim

Title Credit to owner

No comments: